Pretending To Be The Billiona...

De theservantqueen

765K 23.5K 1.2K

Monteverde Clan Series #1 Mai multe

Pretending to be the Billionaire's Wife
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue

Chapter 28

13.7K 433 5
De theservantqueen

Hindi nagtagal ang Mommy ni Kotaro at si Faye sa bahay ni Kotaro. Para lang silang bumisita saglit para bumuga ng apoy. Hindi pa rin mawala ang kaba sa akin kahit wala na sila sa paningin ko. First time kong makaharap ng sobrang yaman. At gaya sa telebisyon, gano’n din ang kanilang mga ugali. Mga class gumalaw. Hindi galawang kalye.

 Ngayon pa lang, ayaw na sa akin ng Mommy ni Kotaro. Well, halata naman. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ng lalaking ito. Maganda naman si Faye at tingin ko talaga ay bagay sila. Bukod doon, may past din sila na hindi ko alam. Hindi ko na lang aalamin dahil hindi naman ako Marites.

“Are you okay?”

Natauhan ako at napaayos ng upo nang biglang nagsalita si Kotaro. Nakatingin na siya sa akin nang binalingan ko siya kaya mas lalo akong nagulat.

“Uhm…”

Tinaasan niya ako ng kilay, inaabangan ang susunod ko na sasabihin.

Napalunok ako. “O-Okay lang ako. M-Medyo nanibaguhan lang at n-nagulat sa pangyayari.”

Bumuntonghininga siya. “Don’t mind them, especially my mom. She’s over-reacting and she likes Faye for me. That’s why.”

Tumango ako. “Okay lang. Grabe, akala ko sa mga telenobela ko lang makikita ang gano’n. Sa totoong buhay din pala.”

Niliitan niya ako ng mata. “Like what?”

“Mga gano’n. Yung ugali ng mommy mo kasi parang kontrabida.”

Natawa siya. “Really?”

Ngumuso ako. “Oo.”

At kadalasan sa mga gano'ng ugali, matsutsugi sa huling kabanata ng palabas.

Hindi na siya nagsalita at saka may sinenyasan na isang kasambahay na agad namang lumapit. Naiangat ko ang aking kilay nang makilala ko ito. Siya ang babae na ni-lock ko sa cr kanina.

“A-Ano po iyon, Sir?” nauutal niyang tanong at hindi pa makatingin sa akin.

“Debi, this is my wife, Venice,” pakilala ni Kotaro sa akin sa kanyang kasambahay. “Ikaw ang mag-aasikaso sa kanya kapag wala ako rito, okay? Tour her around the house.”

Napanguso ako at nagpalinga-linga. Ngayon ko lang na-realize na malaki pala ang bahay ni Kotaro. Para siyang palasyo. Ang layo kasi ng kisame. Parang pang three-story building.

“O-Okay po, Sir.”

“Wife…”

Napatingin ako kay Kotaro matapos banggitin iyon.

“Ano?”

“Tabi tayong matutulog,” seryoso niyang sambit.

Namilog ang mata ko. “Ano?!”

Umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay dahil sa gulat. Pati ang ibang mga kasambahay na pokus sa kanilang ginagawa ay natigilan at napatingin sa akin.

Umangat ang gilid ng labi niya. “Is there a problem? You are my wife. It’s normal for us to sleep together.”

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko magawang magsalita.

“And besides, I am really sleepy. Kanina pa. My wife should take care of me.”

Napangiwi ako. Hindi ko alam pero feel ko nag-iinarte lang talaga ang Japayoki na ito. Feel ko, inaasar lang niya ako. Noong nasa bahay pa lang kami, hindi naman kami magkatabi!

“And I miss your kiss,” dagdag niya na siyang ikinapula ng pisngi ko.

“So bad,” aniya pa at kinagat niya ang ibaba niyang labi.

•••

“Diyan ka sa kama at dito ako sa couch,” mariin ko na sambit habang kumukuha ng extra unan at kumot sa malaking kama na tingin ko ay queen-sized bed.

Kinunutan niya ako ng noo. “But why? Malaki naman ang kama.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ayaw ko na may katabi.”

Mas lalong kumunot ang noo niya. “We are now married. Dapat ay honeymoon na tayo ngayon.”

Namilog ang mata ko. “H-Honeymoon?”

“Yes, baby.”

Napangiwi ako. “Eh, ikaw lang naman ang may gusto nito! Dinukot mo ako. Pinapirma. Wala akong kamalay-malay! Sino ba ang may matinong pag-iisip na gagawa ng gano’n?”

Hindi siya nakasagot kaya nagpatuloy ako.

“Tapos pinasuot mo pa ako ng sobrang fit na damit at T-Back! Talagang may balak ka talaga sa akin, eh!”

Ngumuso siya. “How did you know?”

Napasinghap ako. “So, totoo nga na may balak ka?”

Bumuntonghininga siya. Napagod na yata kakaintindi sa akin.

“May balak akong matulog.”

At ang walang hiya na Japayoki. Sa mismong harap ko siya naghubad ng pang-ibabaw at dumapa sa malaking kama.

Nanatili naman akong nakatayo hawak-hawak ang unan at kumot. Napairap ako nang nakita ko siyang pumikit. Busangot ang mukha kong tumalikod sa kanya at dumiretso sa malaking couch. Maganda naman siya kaya mukhang okay lang naman yata tulugan.

Inayos ko ang unan sa couch at humiga. Tumagilid pa ako dahil medyo naninibaguhan pa ako.

“Good night,” mabilis ko na pagkasambit at agad tinakip ang kumot sa aking katawan sabay pikit.

Hindi sumagot si Kotaro kaya hindi na rin ako nagsalita. Sa lamig ng kuwarto na ito, mukhang hindi ako makakatulog. Hindi pa naman ako sanay sa lamig.

•••

Naalimpungan ako dahil sa isang matigas na bagay na nakadagan sa akin. Ginalaw-galaw ko ang sarili kong katawan at sinubukan kong alisin ang bagay na iyon ngunit masyadong malaki kaya unti-unti kong idinilat ang mata ko.

Ang unang bumungad sa akin ay ang maputi ngunit elegante na kisame. Kasunod na nakita ko ay ang malaking kurtina na nakatakip sa glass window. At ang huli kong napansin ay ang hininga ni Kotaro sa balat ko.

Wait?

Kotaro?

Unti-unti ko nilingon ang napansin ko na presensya at namilog ang mata ko nang nakita ko si Kotaro na natutulog habang nakayakap sa akin. Ang kanyang mukha ay halos nakasubsob na sa leeg ko at nakadantay pa ang kanyang binti sa akin.

Bakit katabi ko siya?

At bakit nasa kama na ako? Nilipat niya ako?

Gusto ko sanang kumawala pero masyadong masarap ang tulog ng Japayoki at ayaw ko namang gisingin dahil baka magalit. Iba pa naman magalit ang mga taong bigla mong gigisingin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at unti-unti kong itinulak ang kanyang katawan palayo sa akin ngunit napasinghap ako at halos tumili nang dumulas ang kamay ko sa pagtulak at aksidente kong nahawakan ang alaga ni Kotaro na natutulog.

Namula ang buong mukha ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang gumalaw si Kotaro.

“Hmm,” mahinang ungol niya at sumiksik sa leeg ko.

Napalunok ako at naibalik ko ang tingin ko sa alaga niyang gumawa ng umbok sa boxer.

Hala, nabuhay ang talong.

Bago pa man ako makagawa ng kasalanan ay marahas kong itinulak si Kotaro palayo sa akin. Agad akong bumangon at inayos ang sarili.

Nang binalingan ko si Kotaro ay parang wala lang sa kanya at tulog na tulog pa rin. Nakahinga ako nang maluwag at  nang ibinaba ko ang tingin ko sa umbok niya ay mas lalo lang itong lumaki.

Hala.

Nataranta na kinuha ko ang kumot at dali-daling itinakip doon. Sa sobrang kaba ko sa nangyari ay napa sign of the cross pa ako nang hindi sinasadya at mabilis na lumabas sa kuwarto na buhaghag ang buhok.

“M-Ma’am, ayos lang po ba kayo?”

Sa paglabas ko ng kuwarto ay nakasalubong ko ang isang kasambahay na may dala na mga gamit. Mukhang galing siya sa paglilinis sa isa sa mga kuwarto rito.

“Mukha po kayong nakakita ng multo.”

Multo talaga ’yon! Nakakatakot.

Napalunok ako. “O-Oo, okay lang. A-Alam mo ba kung nasaan ang CR ditto?”

Lito niya akong tiningnan. “May CR po sa kuwarto niyo ni Sir.”

Agad akong umiling. “Ay hindi iyon, ’yong ibang CR.”

Tumango siya. “Mayroon naman po. Sumama ka na lang po sa akin.”

“Sige.”

At dali-dali akong sumunod sa kanya.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.3K 105 32
Alam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas...
479K 8.7K 40
Pretend Series #2 What if one day your boss approached you and told you to pretend to be his wife will you agree? This is story is not edited yet, so...
Senyorita De Ate Lōánnēs

Ficțiune adolescenți

1.6K 116 43
In a world where social status draws a line for them, she is a bossy senorita whose having affection for her servant. As fate takes an unexpected tur...
93.7K 1.4K 53
|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the c...