Chapter 29

13.4K 450 5
                                    

“Matagal ka na ba rito?” tanong ko sa maid na kasama ko ngayon. Matapos kong mag-CR ay dumiretso ako sa dining area ng bahay ni Kotaro na kasing laki ng bahay namin.

Grabe, dining area lang nila ang bahay namin.

“Malapit na po ako mag-isang taon dito,” sagot niya at nilapagan ako ng kape. “Inumin mo ito, Ma’am. Mainit pa at para mahimasmasan ka. Mukha ka talagang nakakita ng multo kanina.”

Bigla ko na namang naalala si Kotaro at ang kanyang alaga. Grabe, hindi ko sinadya na mahawakan iyon. Hawak lang naman iyon pero kung makabukol ay parang manunuklaw.

Biglang uminit ang pisngi ko at halos ipikit ko ang aking mata dahil paulit-ulit na nag-flashback sa utak ko ang imahe na iyon.

Grabe, kailangan ko na yatang magsimba at magkompisal.

“Ayos ka lang ba, Ma’am? Kailangan niyo pa po ng kape?”

Hindi ko pa man siya nasagot, isang boses na naman ang narinig ko.

“Where’s my wife?”

Yapak pa lang, alam ko na kung sino. Kaya nang nilingon ko, bumungad sa akin ang naka-pajama na si Kotaro at naka-topless pa. Kita ko nga ang pag-iwas ng tingin ni Mary, pangalan ng kasambahay na kausap ko.

“Nandito ako. Bakit?” tanong ko at bahagyang nagbaba ng tingin sa kanyang ibabang parte at nakahinga ako nang maluwag nang nakitang kalmado na ito. Inis akong nag-angat ng tingin sa kanya.“At puwede ba? Huwag kang basta-basta maghuhubad. May babae kang kasama!”

Hindi niya ako pinakinggan at lumapit siya sa akin. Naghila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Binalingan niya si Mary.

“Tsk. Mary, kindly get my shirt,” utos niya kay Mary na agad namang sumunod at iniwan ako dito sa dining area kasama ang Japayoki na ito.

Nang nakaalis si Mary, tiningnan ako ni Kotaro gamit ang kanyang inaantok na mata. “Venice, now that we are alone, I want us to talk. I want to clear things up.”

Napairap ako. “Oo, alam ko. Asawa mo ako sa papel. At kung hindi lang talaga kita kilala, baka kinasuhan na kita ng kidnapping sa ginagawa mo.”

“Kakasuhan din kita,” aniya na siyang ikinatigil ko. Naghila siya ng upuan at tumabi sa akin. “You kidnapped and fooled me. Sinamantalahan mo ang pagkawala ko ng alaala.”

Bigla akong nainis. “Pareho lang naman tayong may kasalanan, ah. Inuto mo rin naman ako. Nagpanggap ka na may amnesia kahit wala na. Sinamantala mo rin ang katangahan ko sa buhay. Buwan-buwan tayong nagtungo sa ospital para ipa-check up ka tapos sabi ng doctor may amnesia ka pa. Ang unprofessional din ng doctor na iyon. Siguro binayaran mo!”

Ngumuso siya at nagpipigil na ng ngiti.

“At kung talagang nadehado kita, sana noong bumalik na ang alaala mo, kinasuhan mo na ako at pinakulong. Pero hindi, nag-stay ka. Meaning, ginusto mo na rin iyon.”

Napangiti na siya matapos sabihin iyon at inilapit ang mukha niya sa akin. Ako naman ay hindi nagpatinag. Kahit sobrang lapit na ng guwapo niyang mukha sa akin, nanatili pa rin akong mataray at masama ang tingin sa kanya kahit ang totoo, nagwawala na ang puso ko.

“Totoo, gusto ko at gusto kita,” matamis niyang sambit sabay haplos sa pisngi kong nanlalamig. “Kaya ko nga ito ginagawa, eh. I can’t just go back to where you came from. Binalik mo ako sa taong ayaw ko. Kaya kita dinakip dahil gusto kong dito ka lang sa tabi ko. And I want you to know me. To know the real me, Venice. Hindi iyong lalaki na nakilala mo lang sa restaurant na masama ang ugali.”

Nang nagkatinginan kami, pumungay ang kanyang mga mata.

“I want to know you too. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa iyo. At ikaw din, gusto kong malaman mo ang tungkol sa akin. And I want you to fall in love with me just like me who fall in love with you.”

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now