Escape In A Cold City [Baguio...

由 dEmprexx

167K 4K 834

Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decid... 更多

Escape In A Cold City
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Joaquin Lonzo Tan
Notes

Chapter 30

5.2K 120 23
由 dEmprexx

Hello Roses, you've already reach the last chapter. Thank you for escaping with Desiree.

Chapter 30

Para akong tangang naiwan pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Hindi ko alam kung tungkol saan at kung bakit ganon nalang ang pagpapanic niya habang nagmamadaling lumabas ng unit. He quickly kissed me on my forehead before he ran away. At least, he never forget that.

Naghintay ako sa kaniya hanggang mag gabi pero hindi siya bumalik sa unit niya. Wala rin akong nareceive na kahit anong message sakaniya kahit na minemessage ko siya kung anong nangyari. That must be important. Hindi naman niya ako kinakalimutan na i-update sa nangyayari, baka naging busy lang talaga siya.

Napasinghap ako tiyaka nagdesisyon na lumipat sa kabilang unit-sa unit ko. Kinuha ko ang mga libro at ilang gamit ko para doon nalang mag-aral. Naligo muna ako bago nagpatuloy sa pagrereview. Pero nadidistract ako dahil tingin ako nang tingin sa cellphone ko kung may message na ba si Joaquin, pero katulad kanina-bigo kong binitawan ang cellphone ko.

Kinabukasan, ako na ang nagmaneho papuntang review center dahil mukhang wala pa rin si Joaquin. At gustong-gusto ko ng pumasok para matanong ko si Joshmer.

"Sina Joshmer?" Agad na tanong ko kina Tascia. Tumaas ang kilay ni Tascia sa tanong ko tiyaka tuningin sa paligid niya.

"Wala pa sila, gorl? Bakit may nangyari ba?" Nagtatakang tanong niya kaya nakuha rin namin ang atensiyon ni Tofer sa tabi niya.

Kinuwento ko ang nangyari kahapon kay Tascia, tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Hanggang sa matapos ang kuwento ko ay walang Dianna o Joshmer na pumasok sa room. Nagsimula na rin ang review namin nang wala ang dalawa.

I guess there's really something wrong.

Lumipas ang mga araw, Friday na ngayon at ngayon lang pumasok ulit sina Joshmer. Mukhang pagod na pagod si Joshmer kaya nagdalawang isip akong lapitan siya para tanungin. Dianna weakly smiled at me so I do the same. Hindi sila tumabi sa amin kaya alam kong iniiwasan ni Joshmer na magtanong ako tungkol kay Joaquin.

Hanggang ngayon ay walang message sa akin si Joaquin, hindi ko nga alam kung pumapasok pa ba siya sa review center nila. Hindi ko rin matanong si Ryden dahil nahihiya ako, sa palagay ko ay may nangyayari sa pamilya nila. Lalo na at mukhang pagod si Joshmer kahit ilang araw silang hindi pumasok.

"Ano ba iyan! Ang baho mo naman!" Singhal ko kay Tofer, nandito kami ngayon sa SM Baguio para mag dinner. December na pero wala pa ring paramdam si Joaquin, ramdan ko rin ang pag-iwas ni Joshmer sa topic kung saan magtatanong ako tungkol sa pinsan niya.

"Anong mabaho? Ang gara nga ng amoy ko eh!" Sinighot pa niya ang amoy niya para kumpirmahin ang sinabi ko. Tinakpan ko nalang ang ilong ko, mabuti nalang talaga may sarili na akong kotse kung hindi maamoy ko pa siya sa sasakyan.

"Mabango naman siya?" Nagtatakang tanong ni Tascia pagkatapos amuyin ang boyfriend niya. Napangiwi ako dahil don pero dumeretso lang ako sa Ramen House.

"Oh? Akala ko ba gusto mo mag McDo?" Nagtatakang tanong ni Tascia pero nakasunod pa rin silang dalawa sa akin.

"Bakit? Bawal magbago ng desisyon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya tiyaka umupo.

I suddenly crave for Korean food. Wala rin magawa ang magjowang kasama ko kung hindi pagbigyan ako. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami.

Gumising akong masakit ang pakiramdam. Kaagad akong dumeretso sa CR para magsuka, sumasakit na rin ang ulo ko. Ang sakit na ng sikmura ko dahil wala na akong maisuka pero duwal pa rin ako ng duwal. Halos maiyak ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kinalma ko ang sarili ko tiyaka nagpasyang maligo na. Dadaan nalang siguro ako sa fast food para mag-almusal. Mabuti nalang nang lumipas ang thirty minutes ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko kaya nakaligo ako ng maayos.

Hindi ako pwedeng mag-absent ngayon dahil ngayon na ang huling araw. Kaya kahit medyo nahihilo pa ako ay sinubukan kong pumasok. Dumaan lang ako sa drive thru sa may McDo sa may Legarda. Pancake at coffee lang ang in-order ko.

"Oh? Bakit mukhang maputla ka ata ngayon?" Nagtatakang tanong sa akin ni Tascia. Tumingin din sa akin si Tofer nang nagtataka.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Tofer. Kaagad hinawakan ni Tascia ang noo ko para tingnan kung mainit ako.

"Hindi ka naman nilalagnat?" Patanong na sagot niya sa akin, pinagmamasdan niya akong mabuti kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi lang ako nakaliptint. Nakalimutan ko dahil nahihilo ako kanina." Tumango-tango si Tascia, may kumausap kay Tofer. Akala ko tapos na si Tascia pero lumapit siya sa akin para bumulong.

"Kailan ang last period mo?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya. "No judgement. Napansin ko kasi na lagi kang naiirita sa mga nakalipas na araw, well, lagi ka naman ganon noon pero sobra-sobrang ikli ng pasensiya mo ngayon! Tiyaka ayaw mo sa pabango ni Tofer, napilitan tuloy siya magpalit."

Napaisip ako sa sinabi niya. Posible, kung ano man ang nasa isip namin ngayon. Kaya pagkatapos ng last day namin ay dumaan ako sa isang botika para bumili ng pregnancy test. Pero pagkauwi ko sa condo ay hindi ko muna ito ginamit, kinakabahan ako sa magiging resulta.

Lalo na at dalawang linggo ng walang paramdam sa akin si Joaquin. Napabuntong hininga ako tiyaka lumabas ng unit ko, hawak-hawak ko ang duplicate key sa condo ni Joaquin tiyaka iyon binuksan. Kabang-kaba ako habang naglalakad sa loob pero bumagsak din ang balikat ko nang makitang walang kahit anino ni Joaquin ang nandoon, nabawasan lang ang gamit na nandoon.

"Are you sure you want to come?" Joshmer asked for a hundred times already! Gusto ko siyang irapan at batuhin dahil iritado ako, kanina niya pa tinatanong iyan. Sa palagay niya ba sasakay ako sa kotse niya kung ayaw kong sumama?

"You ready?" Nag-alalang tanong naman ni Dianna sa tabi ko. Tinabihan niya ako sa likuran ng kotse, instead na sa harapan siya para katabi si Joshmer na nagdadrive.

"Ready." Desididong sagot ko. But the truth is, am I really ready?

Parang kanina lang, nasa CR pa ako ng condo. Tahimik na nakaupo sa toilet bowl habang naghihintay ng resulta. Parang kanina lang ay hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ang dalawang linya.

Masaya.

Malungkot.

Nakakaiyak.

Masakit.

Magulo.

Halo-halo ang nararamdaman ko nang makita ko ang dalawang linya na hawak-hawak ko. Bahagya pa akong natawa dahil lahat ng test ay naipapasa ko, hindi ko inaasahan na pati pregnancy test ay maipapasa ko rin.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin. Kung ano mang meron sa amin ay napakalabo ngayon, hindi ko nga alam kung meron pa bang kami.

Masaya. Dahil kahit na hindi man kami ang para sa isa't-isa, nag-iwan naman siya ng regalo sa akin. Na kahit hindi na niya ako mahal, may papalit naman sa kaniya. Alam kong mamahalin din ako ng bata na nasa tiyan ko ngayon at mamahalin ko siya ng buong-buo. I'm happy that he or she will be my companion in the future.

Malungkot. Dahil ako lang ang magpapalaki sakaniya. Na ako lang ang makikilala niyang magulang.

Nakakaiyak. Dahil hindi man lang niya mararanasan ang pagmamahal ng isang ama. Hindi man lang niya mararanasan na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kahit panandalian lang.

Masakit. Ako ang nasasaktan para sa magiging anak ko. Alam kong mangungulila siya sa isang ama. Pero ipapangako ko na hindi ako magkukulang sakaniya. Mamahalin ko siya ng buo at sobra-sobra.

Magulo. Kung ano man ang mayroong sitwasyon ngayon, magulo, malabo, hindi ko na alam.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko na ipalaglag ko ang bata. Alam kong hindi pa ako ready maging ina pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging isang mabuti at mapagmahal na ina. Ayokong magkulang sa anak ko. She or he deserves the love that will last until my last breath.

Masaya ako nung ginawa namin ito, kaya bakit ko ipapalaglag? Nang mga oras na ginagawa namin iyon, alam ko na puwede kaming umako ng malaking responsibilidad kung sakali man na may mabuo.

At eto nga, mero na nga.

Sandaling nagpatuloy ang ikot ng mundo ko nang nagmessage si Joshmer pero parang huminto rin ulit ito nang mabasa ko ang sinabi niya.

Tonight is his engagement party.

Kaya heto ako ngayon, sinundo nina Joshmer. Hindi ko pa nasasabi sakanila ang sitwasyon ko at wala akong planong sabihin sakanila. Sabi nga nila, kapag kaunti lang ang makakaalam, kaunti lang din ang makikialam.

Tahimik lang ako sa biyahe papunta sa hotel kung saan sila nagrenta para ganapin ang party. Ramdam ko ang pagsinghap ni Dianna sa tabi ko na tila hindi niya alam kung anong gagawin o anong sasabihin sa akin.

To be honest, I don't need words right now. No words can comfort me. I am beyond thankful for their presence.

At least, even if the man I love the most left me. There are still people who choose to stay with me, even if we're walking with no light and we don't know we're going.

Hindi naman talaga ako imbitado sa engagement party, and why would my boyfriend will invite me on his engagement party with another woman?

Kahit na nakasara ang bintana ng sasakyan, ramdam ko pa rin ang simoy ng hangin dahil Disyembre na. Napangiti ako nang maalala kung bakit ako napunta rito sa Baguio pero heto ako ngayon nag-iisip kung lilisanin ko na ba ang Baguio.

But I found home in Baguio because of him. But then and again, he is also the one who broke me. Despite it all, I found Baguio as home again because of my baby.

Yes, my baby.

Nang makapagpark na si Joshmer ay tinanong ulit nila akong dalawa ni Dianna kaya ngumiti ako sakanila, sinabihan ko rin sila na ayos lang ako. Wala na rin silang nagawa dahil nandito na kami sa venue.

Nang makarating kami sa tamang palapag ay bumungad sa amin sina Tita Aimee at Tito Jonathan, ang magulang ni Joshmer. Bahagya pa akong napalundag nang makita ko si tita Aimee dahil akala ko siya si tita Ainna, ang kakambal niya.

Bumati kami sakanila tiyaka ako ngumiti. Binigyan ako ng malungkot na ngiti ni tita Aimee tiyaka niya ako niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang paghagod niya sa likuran ko kaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay bigla nalang kumawala.

Humiwalay ako sa yakap tiyaka mabilis na pinunasan ang mga luha ko, bahagya pa akong tumawa para hindi sila mag-alala. Bakas sa mga mukha nila ang pag-alala sa akin.

"Sorry po, emotional lang." Buntis eh. Gusto ko sanang idugtong iyon pero dinugtungan ko nalang ng tawa.

"No. Our family should be the one who said sorry." Malambing ang boses ni tita tiyaka hinaplos ang pisngi ko para punasan ang mga takas na luha.

She's so sweet and kind. I envy Dianna and Joshmer.

Nagyaya ng pumasok si tito Jonathan, kaming dalawa naman ni Dianna ang naiwan sa bandang likuran, gusto man nila kaming samahan sa likod pero hindi pwede dahil pamilya sila nang ikakasal.

Nagsisimula na rin ang maliit pero marangyang party. May iilan na kumakain na. Nasa maliit na stage ang magulang ni Joaquin, I wonder where he is and his fiance?

One night, before I go to sleep. I dream this night but not exactly like this, I dream that I was the one on his side, his fiancé.

But fate brought us here and we can't complain.

Hinawakan ni Dianna ang kamay ko at marahan niya iyong pinisil. Hindi nakarating ngayon sina Tofer dahil hindi sila nabigyan ng invitation, this party is only exclusive with their relatives and biggest business man.

Mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang tingin ko nang tawagin na ang pangalan niya. He's wearing a black tuxedo. Nakaayos din ang buhok niya. Ang linis niyang tingnan ngayon but he's not wearing any emotions.

I forced a smile when I saw how he held her waist. The woman beside him was wearing a big smile, kahit kung ako man ang nasa tabi niya baka maiyak pa ako sa sobrang tuwa.

Ganon ko siya kamahal.

Ako dapat iyon eh.

Kami dapat iyon.

Pero napaglaruan ng tadhana o talagang hindi lang talaga kami itinadhana.

I'm thinking if I'm still capable enough to love again, to love someone that's not him. My heart and mind are both shouting 'no I won't'.

And yes, I feel it, I won't love someone the same feeling I love this man in front of me.

"We are here to witness the engagement of Mr. Joaquin Lonzo Tan and Ms. Chloe Uy." Everyone clapped their hands but not me. They are all celebrating except me.

Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko, hinaplos dahil iyon lang ang magagawa ko ngayon. Parang niyayakap ko na ang anak ko sa loob ko dahil sa ginawa ko. Alam ko na hindi rin niya nagugustuhan kung ano man ang nangyayari ngayon, I can't imagine my baby's pain.

I'm sorry baby, hindi mo makikilala ang daddy mo. Baka makabuo na rin siya ng sarili niyang pamilya. Kaya naman nating dalawa diba? Magiging masaya tayong dalawa. Promise ni mommy sa'yo iyan.

Hindi ko ipaparamdam sa'yo that you're unwanted because you're my greatest blessing.

Pero hindi ko lang maiwasan na sumbatan ang daddy mo, hindi man lang niya sinabi sa akin. Hindi man lang siya nakipaghiwalay. Umasa pa ako na baka sakaling maayos, umasa pa ako na baka puwede pa.

Pero hindi na pala dahil mayroon ng sila.

Maybe this is what meant for a ghoster like me to be ghosted with someone they love and it fucking hurts like hell.

Kay Dianna nalang ako nagpaalam tiyaka pumara ng taxi para umuwi sa condo ko. Walang sawa ang pag-iyak ko hanggang sa makarating ako sa loob. Napatingin ako sa cellphone ko na may picture namin.

Hindi pa alam nina Bella, wala pang nakakaalam na buntis ako. Gusto ko man tawagin ngayon si Bella pero kinakabahan ako na lumipad siya agad papunta rito, finals nila ngayon kaya ayaw ko siyang istorbohin.

Napatingin ako sa salamin, at the end of the day, I only got myself. Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin tiyaka marahan na hinawakan ang tiyan ko.

Can't wait to finally hold you, baby.

Alam kong ikaw lang ang magiging kakampi ko, hindi na ako makapaghintay na makasama ka. Kasi sa ngayon, kailangan ko munang magtiis mag-isa. Kailangan ko munang tiisin ang sakit na pinaramdam niya sa akin.

Sabi niya, hindi niya gagawin kung ano ang ginawa sa amin ni daddy pero ginawa niya.

Sabi niya, ayaw niya sa mga ghoster but he became one.

Humagulgol akong mag-isa habang yakap-yakap ang sarili. Gusto ko lang iiyak ang lahat ngayong gabi. Lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob, lahat ng hinanakit at sana lahat ng mga ala-ala ko na kasama siya maiwan ko na lahat.

Ngayong gabi lang Desiree, ngayong gabi ka lang iiyak. Pagkatapos nito, hindi ka na pwedeng umiyak. Hindi puwedeng araw-araw ay uubusin mo ang sarili mo para sa isang lalaki.

Hindi ka nagkulang, wala sa'yo ang problema. Huwag mong masyadong parusahan ang sarili mo sa kakaiyak.

Kaya mong mabuhay mag-isa. Kaya mong wala siya. Kaya mong palakihin ang anak mo na ikaw lang mag-isa.

Bukas, ipagpatuloy mo ang buhay. Hindi porket natapos ang isang pahina ay tapos na ang kuwento ng libro.

Keep going, Desiree.

Stay brave, self.

繼續閱讀

You'll Also Like

368K 10.7K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.4K 106 49
Evonna Elise tried to confess her feelings about her long time crush. Finally, she had the courage to confess her feelings with him. But unfortunatel...
892 114 43
Handled by GSM A Short Epistolary COMPLETED | UNEDITED Sisterhood Series Installment 1 of 5 Richelle Shane Palanas, a 16 years old woman who doesn't...
1.1M 36.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...