Mid-Air Ball (The Athletes...

By abeamus

2M 54.4K 30.8K

MONTEVINSKI SERIES #1 Kelly Sian Gonzaga is the notorious captain of the generation, and everyone knows she l... More

Mid Air Ball Book!
EXCLUSIVE FREEBIES
MID AIR BALL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 8

45.2K 1.4K 1.4K
By abeamus

Chapter 8

Talk

Naging busy kaming lahat sa pag-eensayo. Malapit na ang interhigh at may ilan pa kaming dapat itama. Ang serving ng dalawa kong first six ay medyo hindi pa ganoon ka-sharp. That's the thing I was working on.

Katatapos naming mag thirty service at humingi ng break ang karamihan kaya pinagbigyan ko na. These days, they are being so grumpy at me. I know what they are feeling since I already felt that before when I was still just starting. Mahirap, pero kailangan at wala kang magawa kundi ang sumunod dahil wala ka namang choice.

"Ano? Wala pa ring panibagong galaw?" tanong ni Covy at inagaw sa akin ang bola na pinapaikot ko sa daliri ko.

Umiling ako at uminom sa tumbler ko, ayaw pag-usapan ang binubuo niyang topic. Walang araw na hindi sila nang uusisa.

"Oh, come on, Kesh! Ano? Wala pa rin? Pagkatapos ng text na 'yon ay wala pa rin?"

I sighed and rolled my eyes. Hindi ko alam kung tanga si Covy o sadyang hindi niya lang mabasa na ayaw kong pag-usapan ang bagay na 'to!

"Wala pa! Okay na? Alam ko na ang sasabihin niyo sa akin-"

"Pahirapan mo 'yan sakaling magbago pa ang isip niya! Anong akala niya? Isang text lang ay okay na kayo? Pinahiya ka niya sa maraming tao!"

Paulit-ulit na lang niyang litanya 'yan! I'm starting to get more irritated every time she's telling me that again and again! Alam ko na napahiya ako sa maraming tao, okay?! At ang marinig iyon nang paulit-ulit... Mas lalo akong napapahiya sa sarili ko.

"I know! That's why I am not doing anything, okay? Alam ko ang gagawin ko, Covy!" giit ko.

"Hoy, chill lang kayo!" nagbato si Fritz ng bote ng gatorade malapit sa amin. Malayo kami sa kanila dahil lumayo ako kanina. Masyado silang maingay kanina. At ayaw ko na pag-usapan ako ng buong grupo.

Nakita kong naglalakad na palapit sa akin si Seth. Just great! They will crumple me again with no fight!

"Sige nga, ano ang gagawin mo?"

Nakalapit na si Seth matapos tanungin 'yon ni Covy. Humalukipkip si Seth kagaya ng kaibigan niya na nasa harap ko. They are both in front of me, standing like queen bees and I'm the target! Just great!

"Covy, hayaan mo nga kasi ako-"

"Hayaan kang masaktan ulit?" umirap siya at natawa na puno ng sarkasmo. "Kesian naman, hindi lang sarili mo ang paulit-ulit mong pinapahiya. Si Kenzie nadadamay rin sa pinaggagawa mo! Inaasar na nga rin akong marupok at tanga dahil it runs in the same blood daw!"

Natawa roon si Seth. Hindi naman galit si Covy. I know she just wants to prove a point. She wants me to stop being so easy to tame and seduce. Kung alam niya lang kung gaano kahirap!

"So true lang. Iganti mo naman ang sarili mo..." si Seth na medyo natatawa pa rin.

"Like revenge can bring you somewhere! Bakit kailangang gumanti?" sabi ko at hinawi ang buhok ko.

I know I do revenge tricks most of the time, but this situation is different. Revenge... What? Pahihiyain ko rin siya? Kung hihingi siya ng tawad ay gagawin ko rin ang ginawa niya sa akin noon?

Sa kabilang dako ay nakita ko si Elton na nakatitig sa amin. Tsimoso! Inirapan ko siya dahil seryosong nakikinig. Nag-iwas na ako ng tingin at tinuon na lang sa mag best friend sa harap ko!

"Fine, 'wag kang gaganti. Basta pahirapan mo lang, Kesian. Kahit kaunti lang. Subukin mo siya!" pamimilit ni Covy sa akin at marahas na sinuklay ang buhok. Iniwasan niya ang bangs niya.

"Hindi mo nga alam kung gusto ka niya talaga, e. Iyon muna kaya ang alamin mo."

Tumango ako sa sinabi ni Seth para matapos na ang usapan. Umalis ako roon at iniwan silang dalawa na patuloy ang pagpaparinig kung gaano raw ako ka tanga.

Oh, come on, lahat tayo ay tanga, in denial lang talaga ang karamihan.

Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang cellphone ko. Naiwan ko kasi kanina nang magpalit para sa training ngayong araw. Naupo ako sa upuan ng aking kotse habang bukas ang pinto ng driver's seat. Air is dancing around me which makes me a little relaxed.

Maraming palakad lakad na mga estudyante at naka-uniporme. Some of them are looking at me when passing by my car. Wala akong nginitian pabalik kahit na isa. Wala ako sa mood. At bakit? Obligado ba akong ngitian silang lahat?

I'm not in the mood again. Lalo na't wala pa rin talagang progress sa amin ni Zoren. Ngayon ay malaki na ang nabawas sa galit ko sa kaniya. Unti-unti ay mas umaangat ang pagka-miss ko sa gagong 'yon.

Gano'n talaga siguro. Time washes hatred as it goes by.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa aking cellphone. Nakakantok ang katahimikan at bored na bored din ako kaya gano'n na lang ang gulat ko nang may nakita na mensahe galing kay Zoren. As usual, my heart beats fast like various wild animals are on the loose.

Binasa ko kaagad.

Fr: ZorenGray

We really have to talk.

And after two minutes ay may panibago. I bit my lip and tried to suppress a smile but couldn't. Naaaliw ako ng sobra ngayon. Kinikilig.

Fr: ZorenGray

Please.

Natawa ako. It doesn't feel like he's sincere! Parang siya pa ang galit. Kahit kailan talaga napaka suplado. Kahit hindi ko siya nakikita, I could still visualize him. Paniguradong kunot ang kanyang kilay at malamig ang ekspresyon. Parang may kaaway.

Nag-isip ako ng ititipa at humantong 'yon sa tanong.

To: ZorenGray

About what?

I laughed because of my question. I know what he wants to talk about. Alam kong gusto niyang mag-sorry at siguro ay umamin na rin. Siguro lang... Hindi naman masamang umasa.

Fr: ZorenGray

Us.

Kumalabog ang puso ko nang mabasa 'yon. My hands started to tremble a bit while I was in our conversation. I could even hear my own heartbeat! Napalunok din ako.

To: ZorenGray

What about us?

Mabilis siyang nakapag-reply. Ano kayang ginagawa nito?

Fr: ZorenGray

Where are you?

Kinabahan ako roon. Gusto niya bang makipagkita? Hindi ko yata kakayanin ngayon.

To: ZorenGray

Secret.

Fr: ZorenGray

Can you just tell it?

I groaned with a laugh. He's really so mean! Pero gustong gusto ko pa rin naman. Kasi isa 'yon sa mga ginusto ko sa kaniya. He's just so different.

Sumandal ako sa upuan atsaka tumingala. Hindi ko ba alam kung bakit naaliw ako.

To: ZorenGray

Campus

Hindi kaya siya naninibago na tipid akong mag-reply? Kasi kung normal ay ngayon pa lang inaasr ko na siya. Pero proud ako sa sarili ko dahil na ko-kontrol ko na ang sarili ko.

Fr: ZorenGray

Where exactly?

Huwag niyang sabihin na ngayon na?! Pero pwedeng curious lang siya kung nasaan ako, hindi ba?

To: ZorenGray

Parking lot

Inayos ko ang upo ko. Hinawakan ko ang steering wheel at hinaplos haplos 'yon habang naka ngiti, parang baliw. Parang bagong takas sa mental hospital.

Fr: ZorenGray

Stay there. Otw na ako.

"Tangina?" bulong ko kaagad at nabitawan ang cellphone ko. Agad ko 'yong pinulot at binasa ulit. "On the way na?!" napalakas ang pagkasabi ko.

I panicked. I checked myself up. Naka jersey uniform ako, maroon ngayon. Inayos ko na lang ang buhok ko at nagpolbo para kahit papaano ay mukhang fresh. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at maganda naman ako kaya nabawasan ang pagkabahala ko.

"Shit," I whispered, uneasy.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumabas ako ng kotse at sumandal sa pintuan matapos kong isara. I think it's better if I'm out of my car. Less awkward? 'Tsaka mas maganda sa labas. Baka ma suffocate lang ako sa loob ng kotse.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang agaw pansin niyang kotse. Mabagal lang 'yon hanggang sa nagpark na 'to sa tabi ng kotse ko. My heart was beating so fast and I couldn't help but play with my left foot. Kunwari ay sinisipa ko ang mga bato sa harap ko habang nakatingin sa kaniya, nakahalukipkip.

He's also wearing a pair of jerseys, his eyes are as hard as stones, his hair is a little messy. Huminto siya sa harap ko at napansin ko ang paninitig sa amin ng ilan. Headline na naman kami for sure.

"Do you want to go out or just here?" tanong niya habang nilulusaw ako ng mga titig. Seryoso siya.

I need to get a hold of myself! Nararamdaman ko ang pawis sa batok ko!

"Dito na."

But I want to go out with him!

Gumalaw ang kilay niya, medyo gulat sa desisyon ko. He sighed and stepped closer to me. Aatras sana ako kaso nakasandal nga pala ako sa pinto ng kotse ko. Napabuntong-hininga ako.

"Ano? Magtitigan na lang tayo?" tanong ko nang magtagal ang titig namin sa isa't isa. . Hindi nagbago ang ekspresyon niya. "Zoren, we don't own all the time in this world-"

"I'm sorry," he whispered in his husky voice. Bigla akong napalunok at napansin niya 'yon! Nahuli ko ang ngisi niya.

Malalim ang paghinga ko.

"What you did was really impactful, Zoren. You put so much shame on me and to my name."

How. Did. I. Say. That?!

But it's half true. Dati naman ay wala akong pakialam sa mga sinasabi ng mga tao pero matapos ang insidente na 'yon ay bigla akong na conscious. Pakiramdam ko ako palagi ang pinag-uusapan. Pakiramdam ko ay sobrang sama ko sa mata ng mga tao.

"I know. That's why I'm sorry," he said, looking away for a second, then back again. I can see his sincerity, which is why my heart is being softened again.

"Paano kung ayaw kong tanggapin?" I asked firmly.

Kumunot ang noo niya roon. Nagulat siya pero parang inasahan niya naman na ang isasagot ko dahil agad siyang nakabawi.

"You will," confident na sabi niya at may padila pa sa labi. Damn, I hate his hotness!

Umirap ako, umaarte lang. Tanggap ko naman na ang sorry niya pero... I won't get easy on you, baby. This is my chance to give myself an advantage. To get you.

"I won't. I want you to work on it."

"What do you want me to do?" mabilis na tanong niya. Hindi man lang nagdalawang isip?! Nanlaki tuloy ang mga mata ko dahil hindi ko inasahan iyon!

"Why do you want my forgiveness, anyway? I'm nothing to you, hindi ba? You told me to get lost and I did... and in a slow snap of fingers... you're here?" pilyo kong tanong at tinagilid ang aking ulo.

His tongue poked the side of his cheek near his lips. Mabilis lang 'yon pero nakakapanghina! My toe fingers curled inside my shoes.

"Do you... still like me?" marahan na tanong niya. Nagulat ako. Seryosong tanong 'yon.

Woah! He's attacking my weakness! Ito ang bagay na hinding hindi ko kayang i-deny.

"I always like you, Zoren," pag-amin ko. Sinandal niya ang isang palad niya sa bintana ng kotse ko. Nasa harap ko na siya ngayon.

Eyes to eyes, breath to breath. That's how close we are right now. This is too good to be true. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere.

"Then... forgive me now," marahan niyang sabi.

Natawa ako roon pero agad din siyang sinamaaan ng tingin. Tinulak ko ang braso niya para maalis ang palad niya sa kotse ko pero agad niya ring binalik 'yon nang marahan. Wala na akong nagawa.

He really lacks experience about girls. Nagakakaroon naman siya ng mga babae. Wala ba siyang natutunan sa kanila? Wala man lang ba siyang naging source ng character development. So toxic, Zoren.

"Let's just call this even. You were playing me-"

Here he goes again! Takot na takot mapaglaruan kahit hindi naman 'yon ang intensyon ko.

"You're actually sorry of what, Zoren? Ang akala ko naman tinanggap mo na ang pagkakamali mo. That you accused me wrongfully," putol ko sa kanya. Medyo iritado ako dahil iyon pa rin ang nasa isip niya. Akala ko naman nauntog na ang ulo niya.

His expression hardened even more."Let me ask you, Kesian..."

Hindi ako umimik kahit hinihintay niya yata akong magtanong ng 'ano'.

"Why was your tactic that way?" inis na tanong niya. "You're so confusing. You only show you like me when I have a girl with me. You tell me you like me but are so close with your boy friends. Pero kapag ako ang malapit sa mga babae, nagagalit ka?"

Hindi ako umimik kasi pakiramdam ko ay may sasabihin pa siya.

"Hindi mo ako masisising isipin na pinaglalaruan mo lang ako. I'm new to this thing. I don't want to try it when I know you have the power to just play with my heart," he said with piercing eyes.

I sighed. "Hindi kita pinaglalaruan!" giit ko.

"Ano kung gano'n?" he pushed himself closer. Naiilang na ako sa mga nakakakita. Mamaya ay mapatawag na naman ako sa POD office. Kahit kaibigan ko ang nasa POD, minsan nahihiya pa rin ako.

"You're just too demanding, Zoren! Kaya siguro nabulag ka at hindi na nakita ang efforts ko. Halos makipagpatayan na nga ako para lang maangkin ka-" naputol ang linya ko dahil sa isang malutong na mura.

"Why the fuck there's no consistency?" he asked, struggling. Gulong-gulo siya, parang bata na clueless.

"Kita mo na? Demanding ka!" umirap ako at sumubok ulit na itulak siya pero masyado siyang mabigat, ayaw pang paawat.

"You just come to me if I'm with some random girls. If I have no rumored girl, you don't come. You don't care at all. Ano?" naghahamon ang boses niya. Natawa ako dahil ang cute. "Even if you walk past me, you don't care! You ignore me!" May galit ang kanyang tono.

Natawa ako nang hindi na nakayanan. Tinapik ko ang kaliwang pisngi niya. Mabagal at mahina lang. Iniwas niya kaagad ang galit niyang mukha.

I understand him better now. We are both wrong and toxic. Dahil sa mga ginagawa naming katangahan, nagiging mixed signals ang dapat na pure intentions.

"You like me, don't you?" tinaasan ko siya ng kilay. "You won't notice all of that if not. Hindi ba?"

"Stop diverting the topic, Kesian!" inis na sigaw niya at ginulo ang buhok gamit ang libreng kamay. Mas lalo akong natawa dhail frustrated siya.

"Come on! Ano lang naman ang pag-amin, Zoren? It would benefit us both, trust me! Saka ilang years ko ring inaabangan 'yan, ah. Tapos ipagdadamot mo lang?"

Halos magdugtong na ang makapal niyang mga kilay. Ang mga mata niya ay naninigkit at mas lalong nadedepina ang kakapalan ng pilikmata niya sa ibaba at itaas ng mga mata niya. Panay pa ang pagdila niya ibabang labi niya.

"Can you explain to me first?" base sa tono ng boses niya ay nauubos na ang pasenya niya. "I don't... want to gamble if it's not serious at all."

I can't believe I'm hearing these things from him. Ma-pride ang isang 'to.

"Wala naman akong dapat i-explain? Hindi naman ako nagsisinungaling, ah."

"Why were you ignoring me most of the time, then? Kung gusto mo ako, gagawin mo ang lahat, hindi ba? Bakit kung libre ako ay wala kang ginagawa? You're too vague to analyze!"

I sighed and calmed myself. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa samu't saring pakiramdam. Patagal nang patagal ang usapan, mas lalo kong nalalaman ang sagot tanong ko.

He likes me, he's just scared. At may kasalanan ako kaya rin nagkaganito kaming dalawa.

"Because I was expecting you to move as well. I want you to do something for me, too! Ang problema kasi sa'yo ay masyado kang pabuhat!"

Matunog siyang ngumisi, nang-iinis.

"Because I don't want to play with you. I thought you were just playing..."

"I wasn't playing!" paulit-ulit na lang! "I want you to miss my presence. I want you to realize you have feelings for me, too."

Hindi siya umimik. He looked so attentive this time, so I continued.

"I know I did not show you my intentions properly. Aminado ako roon. Pero may purpose 'yon, Zoren. Some were planned and some were not. Hindi kita pinapansin madalas dahil naghihintay ako na ikaw naman ang mag first move. Minsan naman... nahihiya na ako dahil parang wala ka namang pakialam."

Maybe it seemed like I was born without dignity, but I was just so desperate for his attention that it was gradually disappearing in people's views.

Bumubuonghininga siya at yumuko. Ayaw ko ng ganito kalapit. Hindi ko pa kaya dahil bago lang 'tong pakiramdam na 'to. This is too much for a first time. Tinulak ko siya at sa wakas ay pumayag na siyang lumayo nang... kaunti.

"I'm sorry..." he whispered. He was undoubtedly telling what he felt.

I smiled timidly.

"Bakit na naman?"

He licked his lower lip and leaned on my car, beside me. Nakapamulsa siya at diretso lang ang tingin. Ang guwapo kahit side view ang anggulo. Parang ang layo-layo ng iniisip niya.

"For... making you feel unworthy," he whispered softly and sincerely. "I misunderstood your actions, and you got hurt from my defense mechanism. It's just really confusing. We're still young, but the things happening are too serious..."

I smirked and remained looking his way. Nilapat ko ang paa ko sa kotse ko, nakabend ang kanang tuhod.

"You like me..." sabi ko.

Wala akong pakialam kung makulitan siya sa akin basta malaman ko lang ang totoo.

"What do I have to do to be forgiven?" he drifted the topic again.

I pouted. Ayaw niya talagang umamin! Ayaw pa akong lingunin. Siguro ayaw niya lang na basta-bastang sabihin ang salitang 'yon. But I can't wait longer.

"What do I have to do to make you confess?"

I saw his lips raised a bit. Kahit papaano ay kumalma na ang ekspresyon niya.

"If you have nothing to punish me, then I'd take that as acceptance of my apology..."

Nagtaas ako ng kilay at nilingon niya 'yon. Ang kapal naman niya kung papalampasin ko lang ang ginawa niya. Kahit kailan ka talaga, Zoren!

"Actually meron..." ngumisi ako at umahon sa pagkakasandal sa kotse ko.

Hinarap ko siya gamit ang mayabang kong ekspresyon. Tinapik ko ulit ang pisngi niya at naiinis niya iyong iniwasan. I chuckled and gestured him to bow a little closer to me. Matangkad naman ako pero mas matangkad siya sa akin.

Lumapit naman siya kaya sa isip ko ay tawang-tawa ako. Ang dali niyang kausap ngayon!

"Make it easy..." aniya, tinutukoy ang ipapagawa ko. Natawa ako at napangiti siya nang kaonti. Mas gwapo kapag nakangiti.

"So easy..." I whispered back and looked his way a little. Malapit lang ang mukha niya sa akin kaya grabe ang tuwa ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang dahil muntik na akong ma out of balance. Pero ang totoo ay sinadya ko iyon.

"Let's change spots, Zoren. It's your turn to show your intentions to me." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 37.8K 48
MONTEVINSKI SERIES #3 Norwyn Enesi Tadashi is the Japanese setter of Raven Claws. She's known for being soft, selfless and solicitous. She thinks she...
82.4K 2.9K 23
The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, Drugs and Money, He drawn by a Lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kanya ng mga...
67.2K 2.5K 52
Dorothy Maeve Andino think that messing up with rich sons and daughters of the influential politicians of Sultan Naga was the greatest example of put...
677K 19.1K 57
St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson