Anything For You, Beks [Heart...

By MissGoddessNella

1.8K 143 292

I didn't know if you'd care if I came back I have a lot of regrets about that - This Is Me Trying, Taylor Swi... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: For Years
Chapter 2: Reminisce
Chapter 3: Favor
Chapter 4: Comeback
Chapter 5: Chitchat
Chapter 6: Smells fishy
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: In Sickness
Chapter 9: Date
Chapter 10: Whatever it takes
Chapter 11: Cupcakes
Chapter 12: Sarawatever!
Chapter 13: Detected (Jyll)
Chapter 14: Detected (Chrysa)
Chapter 15: Chrysanthemum
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Unexpected (2)
Chapter 18: Just the rain
Chapter 19: A sorry and a flower
Chapter 20: Caught in the act
Chapter 21: Ball (Makeover)
Chapter 22: Ball (Opening)
Chapter 23: Ball (Auction)
Chapter 24: Ball (Confirmation)
Chapter 25: Ball (Confession)
Chapter 26: Marmyx (Little Encounters)
Chapter 27: Marmyx (Bittersweet)
Chapter 28: Marmyx (Side Character)
Chapter 29: Marmyx (The admirer)
Chapter 30: Marmyx (Untold)
Chapter 31: Krimstix
Chapter 32: Moves
Chapter 33: Outreach
Chapter 34: Serenade
Chapter 35: Joyride
Chapter 36: The News
Chapter 37: Niah
Chapter 38: Reasons
Chapter 39: Stars
Chapter 40: Resolution
Chapter 41: Deserve
Chapter 43: Jyll (Loved)
Chapter 44: Jyll (set you free)
Chapter 45: Maybe
Epilogue

Chapter 42: He begs

25 2 10
By MissGoddessNella

MARMYX

"Kaya please lang, 'wag ka nang makulit. 'Wag mo nang saktan ang sarili mo. Tama na, Myx. Tama na. I don't want to see you hurt. This is the last thing you can do for me... Layuan mo na ako." That was her last words before walking away, and leaving me here.

Naiwan akong tulala. I can't even look at other directions, nakatitig lang ako sa pintuan kung saan siya lumabas. I didn't expect it. I know for a fact na hindi niya ako gusto pero hindi ko alam na magiging ganito. I just want to make her feel important. Kahit papaano, gusto kong pagaanin ang loob niya dahil nakita ko ang hirap niya for the past few days.

Pinag-effort-an ko talaga ang event na 'to. I was the one who suggested it. I also asked our adviser to act like she was pursuing it, mabuti at suportado niya ako. Kinasabwat ko rin ang mga judge na hindi kami kasama sa mga maglalaban at eepal lang kami. I was the one who handled the sound system and the lightings. Todo isip pa ako ng kanta kung saan hindi ako mapapahiya sa mga repapips ko. Nag-practice pa ako nang malupit, mahirap na baka pumiyok. Kahit hindi naman talaga ako singer at hindi rin hayok sa atensiyon, ginawa ko 'yon para kay Chrysa. Ginawa ko ang lahat para sana surpresahin siya kaso ayun, charan! Ako ang nasurpresa.

Hindi naman ako nagrereklamo. Will ko namang gawin 'yon. Ginusto ko naman pahirapan ang sarili ko. Mali ko rin naman siguro dahil nabigla siya sa atensyon na nakuha niya. Kaso, masakit. Ang hirap tanggapin kahit una pa lang alam ko na. But what can I do? Simula pa lang ay alam ko na ang kahihinatnan. At least, I tried.

"Myx, nasaan si Chrysa?" Tanong ni Zaine nang makasalubong ko siya matapos kong bumalik sa wisyo at umalis sa office. I just looked at her at kaagad naman niya atang nabasa ang nasa isip ko. "Na-overwhelm ata sa ginawa mo. Alam mo namang 'di sanay sa mga ganoon 'yon."

"Layuan ko na raw siya," sagot ko habang pilit pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na mali ang mga narinig ko kay Chrysa kanina.

"Mahal pa kasi ex niya," Zaine whispered. "Kahit 'di naman sabihin 'yon ni Chrysa ay halata naman."

It stabbed me. Alam ko naman, pero bakit ang sakit pa rin? Bakit kapag naririnig ko 'yong katotohanan para 'tong punyal na nakabaon na nga, mas ididiin pa. Mas masakit. Mas mahapdi. Kung kaya ko lang hugutin 'yong nararamdaman ko para kahit na masakit at patuloy na magdugo, at least maghihilom.

Naalala ko noon, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na pigilan nang gustuhin si Chrysa dahil aware na ako na mahal na mahal niya si Jyll. They way she looks at him, the way she cries for him, alam ko 'yon. Alam kong mahihirapan siyang kalimutan 'yong taong naging dahilan ng pagiging masaya niya. Ilang beses kong itinanggi sa sarili kong gusto ko siya, hanggang sa namalayan ko na lang na lubog na lubog na ako sa pagkagusto sa kaniya. At heto nga, nalulunod na ako. Tulad niya, parang ang hirap ring umahon.

"Pero Myx, kung ako sa'yo, 'di ko susukuan 'yang si Chrysa," she said. "Nakita ko kung gaano kahirap pinagdaanan niya kay Jyll. Sabihin man niyang hindi ka niya deserve, we both know she deserves to be loved. Nagpigil ka na nang apat na taon, lumaban ka na ngayon kaya 'wag ka nang susuko pa."

Zaine's words hit me. Tama. Nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob para lang maamin sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi ko na dapat pang sayangin iyon.

"Kaya mo 'yan, Myx. Nagmamahal tayo so we have to endure the pain."

"Sensodyne pa nga," sambit ko bago siya tinawanan. "Akala mo talaga nagtu-toothbrush."

CHRYSANTHEMUM

"Jyll," sambit ko sa pangalan niya habang nakatulala sa mga kamay niyang nakakapit sa palapulsuhan ko.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Nasasaktan ako para kay Marmyx. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa akin, nagawa ko pa siyang layuan at palayuin. Funny that I don't want him to be hurt but in the first place, I was hurting him unknowingly.

"Hindi mo ba gusto si Myx?" Jyll asked, seriously looking straight into my eyes. Again, ayan na naman ang mga tingin niyang hindi ko maintindihan. Parang dati isang lingon pa lang, nababasa ko na agad ang iniisip niya, ngayon naman ay hirap na hirap akong tantiyahin ito. It feels like I don't know him anymore.

Jyll. Jyll is my first love and I admit, siguro nga mahal ko pa talaga siya. Hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya o ewan. Basta alam kong kinakabahan pa rin ako kapag nandiyan siya. Gusto kong makausap siya nang tulad ng dati. Gusto kong maibalik 'yong mga panahong nasayang sa aming dalawa.

Si Myx naman, he was there when the one I wanted was out of reach. Siya 'yong nasasandalan ko kapag down ako sa lintik na pagmu-move on. Hindi man ako magsabi sa kaniya, he understands how I feel right away. Even I was and am still hurting him, nandiyan pa rin siya. He never gave up on me. Kaya lang hindi niya deserve 'yong ganoong treatment. He deserves someone better, someone who will accept him and love him as much as he do. It's not me.

"Hindi mo sinasagot 'yong tanong ko," Jyll said again. "Hindi mo ba gusto si Myx?"

I did not respond. I heard the song from the gym, mukhang itinuloy na ang program. I wonder how everyone thinks of us. Sana makalimutan na lang rin nila kaagad ang nangyari kanina.

"Chrysa," tawag pa niya ulit.

Hindi ko masagot ang tanong niya. Bakit kasi tinatanong pa? Sa totoo lang, kahit sino pwedeng magkagusto kay Myx. Kung hindi siguro ako na-stuck kay Jyll, baka na-fall na ako kay Myx. He is every woman's ideal man.

Jyll is different from Myx. Kung sa iba't ibang aspeto, lalamang si Marmyx. Pero si Jyll, siya 'yong taong hindi ko makalimutan sa hindi ko matukoy na dahilan.

Paano nalimutan ang lahat

Na kahit konti, walang pasabi

Paano nalimutang banggitin

Na nagbago pala ang pagtingin

"Jyll," I started. "Tinatanong mo 'di ba kung gusto ko si Myx?" He nodded.

Ang labo ng pakiramdam. Nagpa-flashback lahat ng memories naming dalawa. Lahat ng mga gala, lahat ng mga sweet gestures, lahat ng mga salitang pinagsasabi namin sa isa't isa. Lahat as in lahat.

Ooh

Ooh

"Gusto ko siya," I answered. Panaka-naka pa akong napasinghap dahil sa pag-iyak kanina.

Wala na rin naman kahit na balikan

Wala na ang tamis no'ng ika'y nahagkan

At sa huling paalam naintindihan

Na sa ating dalawa

May ibang nakalaan

"Kung pwede lang si Myx na lang. Pero ikaw 'yong laman nito eh," I pointed out my heart. "4 years na tayong wala pero ikaw pa rin Jyll."

Gusto ko siyang sumbatan ngayon din. Gusto kong sabihin sa kaniya na naiinis ako dahil ang hirap-hirap niyang kalimutan. Ang hirap kumawala sa nararamdaman ko sa kaniya. Ang sarap niyang tirisin kasama ng mga ala-ala.

Paanong burahin ang sandaling

Naiguhit sa panaginip

At kung sa paggising ikaw pa rin

Ang nasa isip, hindi maitanggi

He looked shocked. Oh, hindi niya alam? Ganoon ba siya talaga kamanhid para hindi malaman 'yon?

"4 years, Jyll, 4 years. 4 years and I still can't get over you! Tapos tatanungin mo ako ngayon kung gusto ko ba si Marmyx? Ano ba namang klaseng torture 'to!"

Ooh

Ooh

Tears fell from my eyes again. Gosh, ang bigat sa pakiramdam. Isabay mo pa ang masakit na kanta mula sa nagpe-perform na parang nananadya.

Wala na rin naman kahit na balikan

Wala na ang tamis no'ng ika'y nahagkan

At sa huling paalam naintindihan

Na sa ating dalawa

May ibang nakalaan

"Nasasaktan ako kasi nakakasakit ako dahil nasasaktan ako sa'yo! Shuta, puro sakit na lang! Pwede bang tama na 'to? Pwede ba 'yon?" I shouted in frustration.

"Chrysa... we're over, matagal na." Ouch. Idikdik ba naman sa pagmumukha ko? Harap-harapan ba namang sabihin sa akin?

Patawad

Paalam

Patawad, paalam

"Jyll, naiwan akong nire-regret lahat ng nangyari sa ating dalawa. Sorry if I didn't fight for you that time, and yes, kung pwede pa ngayon kaya kong lumaban eh. Aware naman akong wala na, pero 'wag mo namang ipamukha sa akin. 'Wag namang harap-harapan. 'Wag namang ganito..."

"Why are you still holding on? Bumitaw ka na dapat..." His voice sounds... something. Is he hurt, too? Para saan siya nasasaktan? Para sa akin?

Patawad kung ikaw ay aking nasaktan

Hindi ko nabigay ang iyong kailangan

At ang huling pangakong maibibigay

Na sa ating dalawa ay wala nang sisihan

Patawad, paalam

Sa'ting nakaraan

"Hindi na ba talaga pwede?" Sa wakas, kumakawala na lahat ng salitang gusto kong sabihin sa kaniya. Lumalabas na lahat ng pakiramdam na nakaimbak sa loob ko nang apat na taon. "Hindi ba pwede na bumalik sa dati? Jyll, you lighten up the torch of my love... you.. you gave me signs na pwede pa."

"Chrysa, hindi na pwede..." Tears can't help falling from my eyes. Basang basa na ang buong mukha ko. Napalitan na ang malungkot na kanta ng hiyawan pero naglalamay pa rin ang loob ko dahil sa puso kong patay na at namamatay pa.

"Bakit hindi na pwede, Jyll?" I asked. I sounded so desperate!

"Chrysa..." He sounded pleading.

"Bakit hindi? Bakit ka ba kasi bumalik? You just open up the wound I kept for years. Then you'll go back like nothing happened, act like we're friends and we haven't hurt each other years ago, do things to make me fall even harder. Bakit, Jyll? Bakit hindi na pwede?" I told him the fastest as I could. Para akong nagra-rap dahil maging ako ay hindi na mapigilan ang bibig kong ibulalas lahat nang nararamdaman ng puso ko.

"Hindi na nga pwede kasi..." Why can't he finish his words?

"Hindi na pwede kasi hindi na ako 'yong gusto mo 'di ba?" Aray, maging ako nasasaktan sa mga pinagsasabi ko.

"O-oo..." Yumuko siya, wari ba'y nahihiyang sabihin iyon sa akin. Natatakot ba siyang masaktan ako? No, he shouldn't be scared, matagal na akong nasasaktan sa kaniya!

"Sino?" Lakas-loob kong tanong kahit ang totoo'y ayokong malaman kung sino iyon dahil alam kong masasaktan lang rin ako.

"Si Marmyx..." He whispered. D-did I heard it right? Maging ang utak ko ay nag-stutter dahil sa narinig. Seryoso?

"S-sino?" I verified.

"Si Marmyx, pucha!" He shouted. Hindi ako nagulat sa sigaw niya pero nagulat ako dahil tama ang narinig ko. Si Marmyx daw... Si Marmyx daw! Does that mean... Oh, gosh!

"Si Gallego?" Tanong ko ulit.

"Oo nga! Oo, Chrysa!" He said. I went silent for a few moment. Hindi ma-take ng utak ko. Sa dami ba naman ng pwedeng magustuhan, si Myx talaga?

Nagulat na lamang ako nang lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Idinikit niya pa dito ang mukha niya.

"Gusto ko siya... I'm sorry. I loved you but it faded," he is silently sobbing on my hand. Nararamdaman ko pa ang pagkabasa nito dahil sa luha niya. "Please... 'Wag mo nang saktan si Marmyx, Chrysa. I'm willing to set you both free para maging masaya."

"Please, mahal ko siya.... Please... Pakiusap 'wag mo na siyang palayuin. Chrysa, please, 'wag mo nang saktan si Marmyx..."

I'm out of words. Who would have thought that your ex-boyfriend likes your suitor? Who would have thought that your ex-boyfriend would kneel in front of you and beg not to hurt the MAN he loves, which happened to confess to you.

Nakakaputangina, 'di ba? Ang gulo-gulo, ang sakit-sakit. Ibinuhos uli lahat, isang bagsakan. Ang hirap paniwalaan.

"Chrysa... gustuhin mo na lang pabalik si Myx. Pakiusap 'wag mo siyang saktan kasi nasasaktan akong makitang nasasaktan siya..." He cried again.

Iginalaw ko ang kamay ko para bitawan niya ito. Nahampas ko pa nga ang noo niya dahil sa lakas ng pwersang pinakawalan ko.

"Paano naman ako, Jyll? Hindi ba ako nasasaktan? Ang OA na nito! Tama na!" I told him. "And if you think I'll follow you, no. You can't dictate what I'm feeling. If you like him, go and tell him and I don't fucking care anymore!"

I said before walking out again. This time, I'm walking out of his life even if I do not belong to it in the first place. Para akong kontrabida ng sarili kong kwento.

Featured song: Patawad by Moira

You can listen to it, and the other songs that will be featured in the series, through this Spotify playlist:

https://open.spotify.com/playlist/3QbIVT5z25yUn8I6g51v7t?si=3e88e4789af54740

Continue Reading

You'll Also Like

654 55 23
Being already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it eith...
4.9K 1.2K 75
An epistolary. They said friendship does last but knowing that there is a pandemic and they can only communicate online. Would their friendship reall...
567 139 55
the leading university's facebook page is solely for their students, faculty and staff's confessions regarding their academic and working journey ins...
His Hacker By ♡

Teen Fiction

16.2K 1.1K 35
a novelette. ⚝ started: May 5, 2023 ⚝ ended: May 24, 2023