PHILOXENIA ACADEMY: Love To S...

By Meraaakii

58.4K 1.1K 18

"NO! PLEASE DON'T!" I closed my eyes as tears started to escape from it. "PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO! ACE! DON... More

Philoxenia Academy : A Love of Stranger
Disclaimer
Author's Note
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 6

113 7 1
By Meraaakii

CHANDICA

PARANG apoy kung kumalat ang naging eksena kahapon sa field. Si Cindy ay dinala sa clinic dahil sa mga tinamo nya. Hindi naman sya masyadong napuruhan pero nahirapan lang siya sa paghinga. Naabot nya na kasi ang tinatawag nilang "limit". Over usage of magic can somehow be destructive to self.

Gano'n din ako. Nawalan kasi ako ng malay matapos ako ikulong ni Aiker sa sarili nyang Apoy. Siguro I also have exceeded my limits.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may xenia pala ako. Kagabi habang nakahiga lang  sa kama,  di ko maiwasan na mapatingin sa kamay ko. Sobrang overwhelmed ako dahil sawakas, meron na din. Ang nakakatakot lang ay hindi ko ito makontrol.

Inalala ko kung ano pakiramdam nu'ng lumabas na iyon. Parang may gustong kumawala sa mga palad ko. Na parang may boltahemg dumadaloy. Di ko lang talaga napansin dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagtakas sa barrier.

Hindi ko maalis ang ngiti ko sa labi  hanggang makatulog nalang ako.

Kung kagabi'y nag uumapaw ang excitement ko, ngayon ay hindi na ako natutuwa. Pinatawag kasi kami sa faculty dahil daw sa nangyari.

Anong gagawin samin? May parusa ba? Huhu kebago ko lang dito sa School. Naparusahan na agad ako. Too much beginner's luck.

Pagkarating ko du'n, nakita ko si Cindy na prenteng nakaupo. Nauna na pala sya sakin. Buti nalang di sunod sa kanya ang mga alipores nya. Aba kung makadikit yun sa kanya parang mga aso na sunod ng sunod.

Dahan dahan akong pumasok, mabilis naman silang mapalingon sa'kin. Pinaanyayahan ako ni Ms. Devilla na umupo na agad ko namang sinunod.

Sinabihan nya kami na mag antay muna sapagkat may inaantay pa kaming mga tao. Witness ng pangyayari, ang sabi nya.

Kalaunan ay dumating sila Alisha. Nagulat pa ako dahil hindi ko alam na kasali pala sila sa anunsyo. Nagpalitan kami ng tingin at nagngitian sa isa't isa. Akala ko mag sisimula na kami pero may isa pa daw'ng hinihintay.

Bumukas ang pintuan at pumasok do'n si Aiker. Sariwa parin sa alaala ko kung pano nya ako sinalo bago ko pa maibagsak ang sarili sa sahig. Kahit ang pagsabi nya saakin ng 'stupid' ay tandang tanda ko pa.

Pumalakpak ng isang beses ang headmistress hudyat na pagsisimula na kami.

"You are all aware why you're being summoned here in my office." Nakakakilabot parin ang boses nya na sumasalungat sa maamo nyang mukha. Tumango ang lahat maliban sa'kin at kay Aiker.

Pinagsiklop nya ang mga kamay nya at tiningnan kami isa-isa.
"Let's discuss about the mess you two created yesterday" minatahan nya kami ni Cindy bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You disobeyed the rules of the academy. You used your Xenia to harm others without the consent of your training teachers. You are only allowed to attack fellow classmate or school mate if you are permitted to do so." Napayuko ako sa sinabi nya.

Okay, guilty as charged. Pero di ko naman talaga inaasahan yun e..

"Tell me what exactly happened." Pag uutos nya, magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Cindy. Kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.

"I was only using my magic to protect myself.." napakunot agad ang noo ko sa sinabi nya. What is she trying to say? "She tried to attack me first and all I did was self defense. I was lucky that I was saved by dear Killian." Yung boses nya, para talaga syang nabiktima. Kung hindi lang siguro ako yung inatake nya, maniniwala na ako.

Ang galing umarte ng bruha!

Napataas tuloy ang kilay ko. Ano bang pinupunto nya? Na ako yung umatake sa kanya at sinubukang manakit? Ha! Ang kapal! pinaglakihan ko sya ng mata pero sinuklian nya iyon ng  nakakairitang ngisi.

Magrereact na nga din sana ang tatlo na nasa tabi ko.

"Wrong." Sa sinabi ng headmistress ay napawi ang ngisi nya sa labi. "You may have forgotten that I can read through your words, Ms. Allucinari?" Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cindy. Napakagat sya sa labi.

Oo nga pala. Telepathy ang Xenia ng Headmistress.

Yan! Magsinungaling ka pang burha ka.

Inayos ng HM ang salamin nya bago taimtim na tiningnan si Cindy. Hinawakan nya ang ulo nya bago saka kalmadong nakatingin sakanya.

Para bang binabasa ang lahat nang nangyari sa isip nya.

Pagkatapos, pasimpleng nilagay ang mga kamay sa desk at bumuntong hininga. "I'm not giving you a suspension." She announced.

"But?" It was Killian.

"But, I'll assign you to a very important mission as your punishment." Seryoso nyang saad.

Napakunot agad ang noo ko.

Ano daw? Misyon? Ano yon?

Zombie tsunami?

"Mission po like mission na mission na mission?" Tanong ko. Her forehead creased, obviously di naintindihan ang pinahiwatig ko.

"I mean, ano pong misyon?" Tila nahihiya kong tanong.

"It's not going to be that easy. Since you will leave the campus premises---actually, you're going to leave the realm."

Kapansin pansin ang pagbigat ng atmosphere sa loob ng opisina. Natigilan din ang ilan sa kanila dahil sa sinabi ng HM.

She sighed, "I know. This is such a dangerous case."

"Uhm, why do we have to go outside the boundary, Head mistress?" Pagtatanong ni Keya.

May kung ano syang kinuha sa cabinet, nilapag nya iyon sa mesa at tinulak para ipakita sa'min. "This is Justine Croxx."

Kinuha namin isa isa ang nilapag ng HM sa mesa. Isa iyong kopya ng student profile.

Name: Justine Croxx
Xenia: Mystic Blast
Special Ability: Solidifies

Nasa tabi ang isang larawan ng isang lalaki na napakainosente. Kulay itim ang buhok na sobrang haba. Natatabunan nito ang mga mata nya. At katatamtaman ang puti.

Pagkatapos naming basahin, ibinalik namin ang atensyon kay HM.

"He is your target. You should find him before he gets to spread some informations. I got a radar that some Dusternisians are finding him now. You all have to get him before they do."

"He is in possession of our important papers here in Philoxenia." Stress na stress na sabi nya.

Then what she said next shocked me.

"Including the rituals on how to exterminate the barrier if they get that,  they can all spread darkness in our kingdom. Because they wish to destroy us all."

~~~~~~~~

Pinilit kong iwaglit ang mga nabubuo kong pangamba sa isipan. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Kakatapos ko lang mag half bath.
Suot suot ko ang black na pajama na may design na ice cream. Nakita ko 'to doon sa Closet ko.

Bukas na bukas din ay aalis kami ng akademya para hanapin ang nakatakas na lalaki.
Mas gugustuhin ko pa sigurong masyspend nalang kesa bumalik do'n sa mundo ng mga tao.

Sa kasamaang palad. Piniling magtago ni Justine sa mundo ko dati dahil konti lang ang nakakaalam sa lugar na yo'n, hindi nga naman pamilyar ang mga taga Philoxenia doon.

Kinonsidera naman iyong gantimpala para kay Headmistress dahil dati akong nakatira sa Mortal Realm. Sa paniniwala nya'y mas nakakatulong na kasali ako sa misyon dahil dati akong taga doon.

Pasalamat nalang siguro ako at kasama ang tatlo. Kung hindi maloloka talaga ako. Naguiguilty tuloy ako dahil masaya akong kasama sila. Na kung sa katunayan ay dahil sa'kin kaya nadumihan ang records nila.

Mababaliw siguro ako kung ang kasama ko lang ay sina Zepgyr, Killian at Cindy. Jusqo di ko nga maimagine ang sarili kong kasama sika bukas.

Bigkang tumunog ang tiyan ko.

Oo nga pala, konti lang ang nakain ko kanina dahil wala akong gana.

Nagtatalo pa ang isipan ko kung bababa ba ako dahil tinatamad ako. Sa huli, napagdesisyunan kong bumaba nalang para na din matahimik ang nagrereklamo kong mga dragon.

Naabutan ko sikang tatlo na nakaupo sa sofa at nakatanga. Nang makita nila ako'y nagliwanag bigla ang mga mukha nila.

"CHAN!" Si Via ang unang bumati sakin na may ngiti sa mukha.

"Oh, bat gising pa kayo?"

Nagtinginan pa silang tatlo bago mag salita. "Eh kasi.. nagugutom kami e." Natawa naman ako sa sinabi ni Alisha.

"Bat di kayo nagluto?" Dumiretso ako sa kusina, nakita ko naman sumunod silang tatlo sakin.

"Hindi kasi kami marunong." Natawa ulit ako. Para kasi silang mga bata. Nakayuko at hawak hawak ang magkabilang dulo ng daliri.

"O sige, upo muna kayo ja'n luluto ako." Agad na lumitaw ang mga ngiti sa mukha nila.

"Talaga?!"

"HAHAHA oo naman. Kayo pa, ano ba gusto niyo kainin?"

"Ikaw na bahala. Hihi"

Napaisip naman ako ng pwedeng lutuin para sa kanila. Napansin ko, tuwing kumakain kami doon sa dining Area. Halos magkaparehas lang ang putahe namin do'n sa labas. Pero wala akong nakitang Adobo.

"Adobo nalang lulutuin ko."

"What's adobo?" Napatawa ulit ako.

"Basta masarap yo'n." Tumango nalang sila bilang sagot pero di parin maalis ang ngiti sa mukha.

Naghanap ako ng mga ingredients para sa lulutuin. Buti nalang at kompleto. Napapansin ko ding hindu man lang nasisira ang mga ingredients dito kahit matagal na. Siguro dahil din yo'n sa Xenia nila. Saka Andyan naman si Keya. Nirerestore nya lahat ng mga nanlanta.

Habang nagluluto, nagtanong tanong ako sa tatlo.

"Bat di kayo marunobg magluto?"

"Royalty shits." Si Alisha ang sumagot. Napatango naman ako. Ok nga naman. Marami nang gumagawa non para sa kanila.

"Bat nga pala di nyo na lang gamitin mga Xenia nyo sa pagluto? Pswede nyo namang i-magic."

"Nah, not our stuff. That's not our specialty and Cooking is a Special ability." Si Keya.

Nagulat naman ako. "Talaga? So may special ability dito na nagluluto?"

"Yuuuuup. He or she could cook food. Either eatable or poisonous. Hihi. Better watch out"

"Wow." Komento ko nalang.

"So san pala ang kingdon nyo? Like, royalties kayo diba?"

"Above." Sabay sabay nilang sagot.

"Huh?"

"Nasa taas. It's a floating paradise. You'll like it there."

"Talaga? Amazing. As in lumulutang talaga?" Di ko mapigilang mamangha.

"Yes. Even the waters are floating. The lavas, all. Gods and Goddesses made it so yeah."

Natahimik ulit kami.

Konti nalang at maluluto na ang adobom pinapakuluan ko nalang para lumambot.

Narinig ko ang pag click ng rice cooker hudyat na naluto na. Buti nalang may Rice cooker sila dito at bigas. Saka wow ha. Ambilis ng appliances nila. Super high tech.

"Anong tingin niyo sa mission natin bukas? Do you think we'll get the guy before they do?"

"Not sure. But we'll try our best okay?"

"After all, it'll be our first time in Mortal realm tomorrow. Good thing we have Chan as our guide."

"Yeah."

Rinig kong usap usapan nila. Tahimik lang akong sineserve ang adobo.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramamdaman bukas. Babalik ulit ako sa mundi ko dati..

Am I ready to face it? Welp. I have no choice.

Masayang ang nagising usaoan namin sa hapagkainan kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala ko. Pinuri nila ang luto ko. Na masarap daw. Nag request pa nga sila na ako nalang daw magluto dito sa Dorm. Nahihiya nalang akong um-oo. Okay lang naman din sakin. As long as napapasaya ko sila.

~~~~~~~~~

Naghahanda na ako sa kagamitan ko para sa dadalhin ko mamaya. Hindi na ako nagsuot ng uniform kasi hindi naman kailangan.

Medyo kinakabahan pa nga ako.
Pagdating sa sala, nakaimpake na pala sila. Halatang napaghandaan. Hindi naman kalakihan ang mga bag na dala namin.

para lang syang ordinarying bagcpack kung tingnan pero marami kang malalagay pero ang mas nakakamangha, hindi ito bumibigat. Napakagaan lang nito. Kahit pa maraming bagay ang ilagay mo.

Iba talaga pag mahika.

"Just how many days are we going to spend there?"

"Idk as long as when we'll find the blast boy" rinig kong pag uusap ng dalawa sa unahan. Nasa tabi ko naman si Keya na tahimik lang na nakikinig sa pinag uusapan nung dalawa.

Huminto lang kami sa harap ng isang bus. Napalaki ang mata ko nang maalala ko kung kelan ko itong huling nakita.

Deym. Eto yung nasakyan ko.

Pagkapasok namin sa loob. Medyo napatanga pa ako. Wala paring pinagbago ang disenyo. Nakakalula parin. Di tulad nung una kong sakay. Malaks ang aircon ngayon. Kaya ramdam ang lamig.

Buti nalang jacket ang naisuot ko ngayon.

Dahil ako ang pinakahuling pumasok. Naabutan kong nakaupo na pala silang lahat. Nasa bandang dulo sila.

Kada row, may tatlong upuan.

Nakaupo sa Third from the last ang dalawa, sina Alisha at Viaa, bandang left side.

Nasa right side naman si Keya na nakaupong mag isa. Halatang hinihintay ako.

Nasa likod lang si Aiker sainupuan ni Keya kaya kita kita ko ang bagit na bagit nyang mukha habang pinipilit sya ni Cindy na makitabi.

Kanan naman ang nanahimik na si Zephyr. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang nag volunteer syang sumama sa trip.

Nung una di pa sya pinayagan ng headmistress kasi wala naman syang kasalanan. Kaya ang ginawa nya, sinira nya ang faculty room para maparusahan. Kaya heto na nga sya. Nakasama.

Baliw lang e.

Uupo na sana ako sa tabi ni Keya pero bigla akong hinila paupo sa likod ng dapat kong uupuan.

Potata! Muntik na akong atakihin don! Kahit si Keya'y nagulat. Napalingon tuloy sya sakin. Actually silang lahat.

Tiningnan ko ang nakahawak sa braso ko.

"Ai--"

"I have someone to share my seat with. Go away." Napatitig ako sa mukha ni Aiker hanggang sa may narinig akong nagdabog sa gilid ko. Mukhang umalis na si Cindy at naupo sa ibang pwesto.

"What?"

"Ang angas mo din e no?"anghang kong sabi na napagpakunot ng noo nya.

"What do you mean woman?" Napaismid ako sa 'woman' nya. Nagsisimula nanaman po sya.

"Wala. Aalis na ako." Akmang tatayo ako pero hinawakan nya ang wrist ko.
"No. Stay there." Inalis ko ang kamay nya.

"May katabi na dapat ako. Si Ke---"

"It's okay Chan. Sit back and relax." Nakabungisngis na saad ni Keya sakin. Nakita ko din ang dalawa na nagtaas baba ang kilay.

Nagsalubong ang kilay ko. Ano ba ang pinapahiwatig nila?

Wala akong choice kundi umupo ulit sa tabi ni Aiker. Vacant pa ang tabi ko kaya don ko nilagay ang bag ko. Bali nasa gitna ako tas nasa tabi sya ng  bintana.

Nakita ko ang paglipat ni Keya sa tabi nila Alisha.

Hmpf! andaya!

Sabay sabay na nagsilingunan ang tatlo sakin pagkatapos ay kumindat. Napatawa nalang ako sa kabaliwan nilang tatlo kaya pabiro akong napairap.

~~~~

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nung kinuha ko ang chips sa bag ko. Medyo nakakaumay din kasi magmuntanga at walang ginagawa. Mabuti nalang may chips din doon sa Philoxenia. Para naman talaga syang mundo ng mga tao. Ang kaibahan nga lang ay ang mahika.

Habang busy ako kakanguya ng kinakain ko, biglang may tumabi sakin.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa

Continue Reading

You'll Also Like

186K 4K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
197K 9.7K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
230K 6.8K 49
we young & turnt ho.
718K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!