Rogue and Prowess

By mariahenerala

298 30 11

Erdavistan is a model country in Asia. It is an ideal place as it is full of riches and harmonous peace broug... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 4

13 3 0
By mariahenerala

Sacrifices

Even how strong you present yourself in front of others, there will always be a weakness hiding.

I'm independent and headstrong. I am no damsel in distress yet I am still afraid to be left alone. Mula sa mga totoo kong magulang hanggang sa pangalawang pamilya ko, they always left me even how hard I try to make them stay, lagi silang kinukuha sa akin.

"Kreo..." Nangangatal ang buong katawan habang papalapit sa lalaking nakayuko ngayon sa harap ng ICU ng Le Fereshte. Marami ring mga doctor ang nandito dahil ang director nila ang nasa loob.

Nag-angat s'ya ng tingin sa akin ngunit napatigil ako nang makita ang pamumula ng kan'yang mga mata at may bakas pa ng luha ang mga ito. Hindi ako sanay na makita s'yang ganito. He presents himself strong and dominant at all time plus the fact that he is part of the army. He had been into fights with my sister throughout their relationship but I never saw him this devastating.

Naupo ako sa tabi n'ya ngunit nangangapa pa rin sa mga salita. Hindi ko alam kung paano ko tatanungin sa kan'ya ang nangyari kay Marah o i-co-comfort ko ba s'ya? Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na tumahimik lalo na nang marinig ko ang malalim n'yang paghinga. Tingin ko ay pinipigilan lamang n'ya ang sariling magwala ngayon.

Lumipas ang halos isang oras nang walang nagsasalita sa amin. Tanging buntong hininga lamang ang maririnig. Ilang doctor na rin ang saglit na bumisita rito upang makibalita sa kondisyon ng kapatid ko at para na rin i-comfort ako.

"Dr. Grace" Naluluhang mga mata ni Niva ang sumalubong sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Matamlay ko s'yang nginitan bago n'ya ako yakapin. She's a friend to me and Marah. Walang nagsalita sa amin hanggang sa lumabas na ang doktor mula sa loob. Agad kaming napatayong tatlo ngunit gayon na lamang ang paghigit ko sa hininga nang makita ang mukha nito.

I know that expression, I am also a doctor at hindi iilang beses kong ginamit ang ekspresyon na 'yan pagdating sa aking mga pasyente.

"How's Marah, Doc?" Lumapit sa kan'ya si Kreo ngunit nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Nagkatinginan lang kami ni Niva dahil alam kong maging s'ya ay kinabahan nang makita ang doktor ni Marah.

Natatakot ako sa maririnig ko.

"I'm sorry." Iyon lamang ang mga salitang narinig ko dahil tila ako nabingi. Napaupo na lamang ako sa sahig at 'di alintana ang pagyakap sa akin ni Niva at ang pag-iyak n'ya. Tinapik din ng doctor ang balikat ko at maging ang mga nurse na galing sa loob ay iisa ang ekspresyong hinarap sa akin. Ayokong paniwalaan ang nangyayari ngayon.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko tatanggalin ang sakit na nararamdaman ngayon. That's my Ate Marah, ang nag-iisang taong tinuturing kong pamilya ngayon. S'ya na lang ang mayroon ako. Huling pagkikita na pala namin noong bago ako umalis papuntang Urd, sana hindi ako umalis. Siguro ay hindi mangyayari 'to kung hindi ako umalis. Matutulungan ko s'ya sa pagpapatakbo ng hospital.

Umalis ako upang tulungan ang iba pero nabigo akong tulungan ang sarili kong kapatid. While I am treating others, hindi ko naisalba si Marah.

This can't be. Marah's gone.

Binalingan ako ni Kreo nang may matatalim na tingin. Lumapit s'ya sa akin ngunit hindi ko na s'ya pinansin pa. Marahas n'yang hinaklit ang braso ko patayo kaya't naalarma ang mga kasamahan namin. Pinasadahan n'ya ng tingin ang mga ito kaya't walang nangahas lumapit. Naramdaman ko ang sakit ng paghila n'ya maging ang higpit ng pagkakahawak sa aking braso ngunit wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Tila ba'y namanhid na ang buo kong katawan.

"Look at you, not even crying, huh, you heartless woman!" Singhal n'ya pang muli kaya ibinalik ko ang mga tingin n'ya. I am not crying because I feel so empty. Sa sobrang sakit ay hindi ko na magawa pang umiyak na tila ba'y ubos na ang mga luha ko.

"Just kill me, Kreo." Malamig na sabi ko at binigyan s'ya ng malalamig na titig. Cold and empty yet seriousness is evident.

Tila s'ya natauhan sa sinabi ko at naramdaman ang pagluwag ng kan'yang hawak. Kita ko ang pagkawala ng galit sa mga mata n'ya at ang mga titig n'ya ay tila lumambot. Ngunit bago pa man s'ya magsalita ay naramdaman ko na ang lubos na panghihina at paghila sa akin ng kadiliman. Naramdaman ko na lamang ang pagsambot ni Kreo sa nanghihina kong katawan at sigawan ng mga taong naroon.

"Mommy, ayoko na nga kasi! Sumasakit na 'yung head 'ko!" Reklamo ng batang si Marah habang tinatago ang gamit n'ya sa pag-aaral.

"You have exam tomorrow, 'di ba? You have to study." Pag-aalo sa kan'ya ni Faira at naglapag ng pagkain sa table ng anak. Kapwa naman sila napalingon nang may marinig na tawa mula sa sofa na malapit sa kanila.

"Bakit si Kassia hindi nagstudy? May exam din naman s'ya." Napasimangot pa si Marah at sinamaan ng tingin ang kapatid. Lagi na lang kasi s'ya ang napagagalitan at pinipilit sa pag-aaral ng kanilang mommy.

"I'm done na kaya." Pangangatwiran ni Kassia habang kumakain ng cookies.

"I didn't see you reviewing!" Ganti naman ni Marah pero nginitian lang s'ya ni Kassia.

"Baka kasi ma-perfect ko." Pang-aasar ni Kassia sa kapatid. Natawa na lang si Faira sa dalawang bata. Sanay na s'ya sa ganitong senaryo tuwing may exam ang mga ito. Lagi namang nakakakuha ng mataas na marka ang dalawang bata kaya't masaya s'ya.

Hindi n'ya pinipilit mag-aral si Kassia dahil matalino ito. Sa totoo lang, kailanman ay hindi n'ya nakitang nagreview ang bata ngunit nakakakuha ng mataas na grado. Noong una ay inakala n'yang sadyang matalino lamang ito at namana sa amang si Dion Noriega na isa sa may pinakamataas na IQ sa Tieria Dominions. Nang napansin n'yang hindi pangkaraniwan ang talinong taglay ng bata ay pinakuha n'ya ito ng IQ test at nakumpirma nga niya ang hinala. Pinili n'yang itago ang katotohanang ito sa takot na makakuha ng atensyon ang bata mula sa iba't ibang organisasyon at maging sa gobyerno.

"Dr. Grace, magpahinga ka muna." Iyon ang unang sumalubong sa akin pagmulat ng mga mata ko. Dinaluhan at inalalayan ako ni Niva. Nanghihina man ay pinilit kong luminga sa paligid. Tingin ko ay nasa ospital pa rin ako matapos mawalan ng malay kanina.

"Where's my sister?" Tanong ko sa kan'ya kahit na bakas sa kan'yang mukha ang kalungkutan at katotohanang hinihiling kong panaginip lamang.

"Kassia, inaasikaso na ni Kreo ang lahat." Nang marinig iyon ay tila ako nabingi. Ngunit ngugulahan pa rin ako sa nangyayari.

"What happened? How's the investigation?" Now that I mentioned it ang looking back, walang mga friedens na nag-interview o nag-imbestiga sa nangyari. I don't even know if it is accident or there was a foul play. Ang pananahimik ng awtoridad tungkol ditto ay isa nang palaisipan. Hindi lang basta tao ang sangkot ngayon, Marah Grace is a well known professional and socialite. That fact alone will shock the whole industry and the country given that she is not only an astraean but known in her field.

"It was a car accident according to the investigator. She was over speeding so she lost the breaks until the car crashed in the cliff." I greeted my teeth when I heard that. Hindi ako naniniwala sa investigation nila. Marah is never a reckless driver. Mas kapani-paniwala pa kung ako iyon.

Padabog kong hinawa ang kumot na nakatabon sa akin at bumaba sa hospital bed. Walang pasabing lumabas ako ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Niva ngunit hindi ko na pinansin pa. I passed out kanina kaya nila ako dinala rito pero gusto kong makita ang kapatid dahil hindi ako naniniwalang...

Paglabas sa kwartong iyon ay may sumalubong sa akin na pamilyar na mga doctor upang pigilan ako ngunit matatalim na tingin lamang ang ibinigay ko sa kanila. I am Kassia Grace, the fierce doctor. I've got the title for a reason. Kind is not in my system.

"Let her, please." Napahinto ako nang marinig si Niva na sumunod pala sa akin. Humakbang naman palayo sa akin ang mga nagtangkang pigilan ako. She gives me a comforting smile through her pain but I can't smile back. Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad. Wala na silang nagawa pa kung hindi ang sundan ako ng tingin.

Sumakay ako sa kotse at pumunta sa crematorium na sinabi sa akin ni Niva. Sa bilis ng pagpapatakbo ay hindi ko alam kung paano ako nakapunta roon nang hindi naaaksidente. Naabutan ko roon si Kreon a tila pinagsukluban ng langit at lupa.

"Don't!" Hindi pa man ako nakalalapit ay pinagbaantaan na n'ya ako. Hindi ako nagpasindak at kalmadong naglakad patungo sa kinaroroonan n'ya kahit na nagwawala na ang buong sistema ko. Gusto kong pakawalan ang nagliliyab na damdamin sa loob ko ngunit hindi ko alam kung paano. Maging ang luha ay hindi ko alam kung saan napunta.

Nang makalapit ako kay Kreo ay matatalim na tingin muli ang pinukol n'ya sa akin. Hinigit n'ya ang kamay ko at kinaladkad palabas. Naramdaman ko ang sakit sa pagkakahawak n'ya ngunit hindi na ito pinansin pa.

Dinala n'ya ako sa parking lot kung nasaan ang kotse n'ya at pabalya akong binitawan. Napasubsob ako sa kotse at kung hindi ko nagawang balansehin ang sarili ay nabuwal na siguro ako. He has no mercy!

"You should be the one died." Tinitigan ko s'ya at nabasa ang poot sa kan'yang mga mata kasabay ang pagkuha n'ya ng baril sa tagliran at itinutok na sa akin. Malamig ko s'yang tinitigan pabalik at hindi na alintana pa ang nagbabadyang katapusan. Ilang beses na ba akong natutukan ng baril ngayong araw?

Kaya ba s'ya galit sa akin ay dahil ako ang sinisisi n'ya s'ya nangyari sa sarili kong kapatid? Naiintindihan kong nawalan s'ya ng minamahal pero hindi n'ya ba naisip na nawalan din ako? Kapatid ko 'yung nawala!

Walang tao rito kaya walang makakikita kung papatayin man n'ya ako rito. Tingin ko ay hindi rin kita sa CCTV ang posisyon namin. What do I exepect from a soldier? Hindi na bago sa kan'ya ang pumatay. Wala lang sa kan'ya ang isang pitik sa gatilyo.

"Just tell me kung anong nalalaman mo bago mo ako patayin." Simpleng sabi ko na parang wala sa bingit ng kamatayan. I had enough! Kung hanggang ngayong araw lang talaga ako, tatanggapin ko na. I was serious about what I said to him a while ago. I know Kreo, hindi s'ya makitid mag-isip para lang ibato sa 'kin ang lahat ng sisi nang walang dahilan. I know he knew something I don't.

"Wala ka talagang alam? I thought you have high IQ." Mahihimigan ang sarkastiko sa sinabi n'ya. Hindi ako nagsalita dahil walang mahanap na sasabihin, hindi na rin ako nagtaka na alam n'ya ang bagay na 'yon.

"Marah loves you so much that she did everything to protect you. Pinagpalit n'ya ang results n'yo para hindi ka habulin ng AUP!" Result? What does he mean? Napakunot ang noo ko dahil doon.

"Inakala ng AUP na si Marah ang nagtataglay ng mataas na IQ kaya s'ya ang hinabol ng mga ito sa halip na ikaw. She declined to work with them that's why they get rid of her para hindi na mapakinabangan pa ng mga kalaban." Napasinghap ako sa narinig. Naalala ko ang isang exam na pinakuha sa amin sa school noong mga bata pa lamang kami. Wala pa akong ideya kung para saan iyon.

Ang natatandaan ko lamang noon ay laging sinasabi ni Mama na magmali ako sa bawat exam na lagi kong ginagawa. Hindi rin ako nagsasalita sa klase para hindi makakuha ng atensyon. Hanggang sa pinakuha ang lahat ng bata ng isang exam, hindi nila sinabi kung para saan. I was too young that time to know that it was an IQ test. When I realized about it ang sabi ni Marah ay naasikaso na n'ya ito at hindi ko alam na iyon pala ang sinasabi n'ya.

"So, tell me, don't you deserve to die?" Napakapit na lamang ako sa kotseng nasa likuran upang suportahan ang sarili. Tama s'ya, it is my fault. Kasalanan ko ang lahat.

"Shoot me." Matapang kong sinalubong ang mga mata ni Kreo na puno ng galit. Nakita ko ang pagkagulat sa kan'yang mga mata dahil sa tinuran ko ngunit saglit lamang iyon dahil napalitan ito ng galit. Pasasalamatan ko pa siguro s'ya kung papatayin n'ya ako ngayon.

"Kreo Clovis" parehas kaming napalingon sa kanan nang may nagsalita. Napatitig ako sa taong hindi ko inaasahang magpakita sa mga oras na ito. His brown menacing eyes is now diverted into me surveying every part of my body. A glint of hope struck me for unknown reason. Maybe his eyes are that expressive to affect me to this extent. Suddenly a hopeless heart was brought back to life. It's beating now and pleading to live. I can feel it.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib katapat ng puso. Am I imagining things? Am I really desperate to live now at pilit ko lang tinatanggap ang katapusan ko dahil pagod na akong takasan pa ito?

"Pierre..." mahinang tawag ko ngunit sapat na para marinig nilang dalawa. Mataman n'ya akong tiningnan. His eyes are reflecting anger and softness at the same time and I can't believe that it is possible. Ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang hawak n'yang baril na nakatutok kay Kreo at anumang oras ay alam kong ipuputok n'ya ito.

"You're killing a comrade now, huh? I'm disappointed, Commander." Saad ni Kreo na hindi pa rin binababa ang baril at mas lalong inilapit sa akin. Naalerto si Pierre at narinig bahagya n'yang pagmumura. Napakunot ang noo ko sa narinig. Tinapunan ako ni Pierre ng tingin ngunit binalik n'ya rin ito kay Kreo.

Commander? He is also a dominion?

"Because you're pointing your gun at a civilian, Kreo." Kalmadong sagot n'ya habang nakikipagsukatan ng tingin kay Kreo. Kapwa napahigpit ang paghawak nila sa kanilang mga baril nang matantong walang nais magbaba sa kanila, tila anumang oras ay handa nila itong iputok.

"I'm killing this girl as a civilian, hindi ko idadamay ang organisasyon kaya makaaalis ka na." Ngumiti pa si Kreo nang sarkastiko bago ako balingan. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Pierre habang marahang umiiling dahil nakikita ko sa mga mata n'ya na kaya n'yang iputok ang baril. Ayokong gawin n'ya iyon lalo na't nalaman kong isa ring dominion si Kreo. They are comrades, they should not kill each other.

"Doctor, heart or brain? Saan mo gustong tamaan?" Puno pa rin ng sarkastiko ang boses ni Kreo. Gustuhin ko man magsalita pero pakiramdam ko ay deserve ko namang mamatay. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang ibigay ang malalamig at blankong tingin sa kan'ya. Hindi ko na rin alintana pa ang presensya ni Pierre. I give him an assuring smile to imply a message not to hurt Kreo and let everything happen. Wala naman s'yang panangutan sa akin at hindi n'ya na ako kailangan pang protektahan. I turned them down.

"Marah saved her and now, you're about to kill her. I can't understand your logic, Kreo." Malamig na saad ni Pierre at inignora ang nais kong iparating sa kan'ya. Napahinga ako nang maluwag nang ibaba n'ya ang kan'yang baril. Naglakad s'ya papunta sa harapan ko at humarap kay Kreo. For a moment, I was dumbfounded with his actions. Maging si Kreo ay natigilan nang humarang si Pierre sa pagitan naming, shielding me from a possible bullet.

"What are you doing, Pierre? She declined to join us, bakit mo pa s'ya pinoprotektahan ngayon? She has no use at all. Matalino nga pero bulag at walang silbi." Nalasahan ko ang pait sa bawat salitang binitawan ni Kreo. Matalino nga pero bulag at walang silbi. I repeat in mind. I thought going to Urd to help makes me different from those privileged astraeans and ascalians. I thought seeing the ugliest part of this country somehow brings me to reality.

Matagal silang nagsukatan ng tingin bago ibinaba ni Kreo ang baril tila natanto n'yang walang balak umalis sa harapan mo si Pierre. He can't shoot their commander. Kahit na gayon ay halata pa rin ang galit at inis n'ya nang balingan ako. Matatalim na tingin pa rin ang iginawad n'ya sa akin na tila sinasabing sa susunod na pagkikita namin ay tutuluyan na n'ya ako.

Nagkibit balikat lang si Pierre at hinila na ako. Inakbayan n'ya ako upang masigurong hindi tatamaan kung sakaling patraydor na barilin ako ni Kreo. Narinig ko ang mahangin na pagsinghap ni Kreo at paghampas n'ya sa isang kotse dahil sa inis.

"I hope you make her sacrifices worthy." Kapwa kami napatigil ni Pierre sa narinig. Lumingon ako ngunit naglakad na s'ya palayo roon. Hanggang ngayon ay wala akong masabi dahil hindi ko pa rin natatanggap ang mga nangyari. Kaninang umaga lamang ay sinalakay ang ospital na pinagtatrabahuan ko, ngayon naman ay wala na ang kapatid ko. I was pushed at the verge of death twice this day but saved by the same person who is a complete stranger to me. Bukod sa koneksyon naming sa iisang organisasyon ay wala na.

Nakatulala lamang ako hanggang sa makarating kami sa isang condo, Pierre's pad. Umupo ako sa sofa na nasa living area pagkapasok. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang paligid. Hindi ko alam kung dahil ba ganoon na lang ang pagiging komportable ko sa kasama o dahil hindi ko na alintana pa kung may masama mang mangyari sa akin.

"Let Kreo work to suppress his frustrations." Inabutan ako ni Pierre ng tubig na tinanggap ko naman. Naupo s'ya sa tabi ko at pinagmasdan ako. Pinaglaruan ko ang basong hawak habang doon nakatuon ang pansin. Hindi ko rin naman kayang harapin at asikasuhin ang tungkol sa pagkamatay ni Marah. I hate burials kaya ipapaubaya ko na lang kay Kreo iyon.

Naramdaman ko na lang ang marahan na paghawak ni Pierre sa braso kong namumula pa rin hanggang ngayon. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya ngunit naroon lamang ang atensyon n'ya. Kinuha n'ya ang basong hawak ko at inilagay sa center table sa tapat namin. Matapos iyon ay marahan n'yang hinaplos ang braso ko tila ba'y pilit binabawi ang hapdi nito na kanina ay hindi ko halos maramdaman.

"Does it hurt?" Tanong n'ya habang patuloy sa ginagawa. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin para basahin ang eksperesyon ko.

"What do you want me to do with him? Shoot him? He'll be glad." Sa seryoso ng pagkakasabi n'ya ay pakiramdam kong isang oo ko lang ay gagawin nga n'ya kaya't umiling ako. Pierre always has the aura that tells he can do everything he wants. He really has a strong and authoritative personality.

Huminga s'ya nang malalim na parang pinipigilan ang anumang emosyon. Hindi pa rin matanggal ang atensyon n'ya sa braso ko. I could see the same softness in his eyes but this time it is very evident. Tila ba hinaplos ang puso ko nang makita iyon. Behind his strong personality, he can shelter that kind of emotion and I feel honored to see it.

"Pierre..." hindi ko alam ang sasabihin sa kan'ya. Ang dami kong tanong, ang dami kong gustong isumbong sa kan'ya pero wala akong mahagilap na salita. Naiinis ako sa sarili ko because I feel so helpless right now but this makes me feel alive. Hindi katulad kanina na tila manhid na ako sa lahat at hinihintay na lamang ang katapusan.

"Cry, Sia." Pagkarinig ko noon ay tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina ay hindi ko mahagilap. I didn't cry simula kanina dahil hindi ako nakakaiyak sa harap ng maraming tao. I can't cry in front of anyone ever since my parents died. I always cry alone. But right now, Pierre is an exception. Hindi ko alam kung bakit nagagawa kong kumalma at ipakita sa kan'ya ang pagkatao ko, ang pagiging mahina ko. Maging ang mga luha kong hindi ko mahagilap kanina ay tila nais magpakita sa kan'ya ngayon. It feels like he can understand me no matter what. He always has that effect on me. Simula ng una naming pagkikita, I always feel safe when he's around. Maybe because he is a commander and has the power to make people around him safe.

Crying and every feeling I have right now in front of Pierre make me feel alive. Kahit na negatibo ito ay hindi ko maisantabi ang kakarampot na tuwa dahil nagagawa ko nang ilabas ang mga ito. Naramdaman ko ang pagyakap n'ya sa akin at wala na akong nagawa kung hindi ang yumakap pabalik. It feels so warming na tila hinahaplos ang puso ko upang pawiin ang sakit at pighati nito.

Mas lumakas ang pag-iyak ko at hindi na alintana pa kung ano ang sasabihin sa akin ni Pierre. We are not friends nor acquaintance ngunit sa pagkakataon na ito ay s'ya lamang ang pwede kong takbuhan. Siguro nga totoo na mas madaling magrelease sa strangers dahil hindi ka nila huhusgahan dahil hindi ka nila kilala.

"They always left me behind." He let me cry on his chest while his arms protecting me. Naramdaman ko ang bahagyang pag-angat ko at iniligay n'ya ako sa kan'yang kandungan upang mapahigpit pa ang pagkakayakap n'ya sa akin habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko. It feels good to have someone with you who wouldn't judge you... someone who can let yourself be weak. Simula sa Kung Thep hanggang sa Le Fereshte, no one embraced me like Pierre is doing right now. Marami mang nakapaligid sa akin para makisimpatya at makiramay pero walang nanatili upang pakinggan ako. Si Kreo lang pero para manisi lamang. I feel so alone lalo na ngayong iniwan na rin ako ni Marah.

While growing up, my parents taught me to be independent. When they died, I closed my doors and built walls. Ayoko nang may mapalapit sa akin na iiwan din ako sa huli but Faira and Marah Grace knocked. I opened my door once again and let them in. They gave home, a family. They taught me how to be strong and how to fight. But now, they also left me. Laging sinasabi ni Mama na God gives the toughest battle to his strongest soldiers pero parang gusto ko na lang maging mahina kung ang kapalot ng pagiging malakas ay ang mawalan ng minamahal.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. I did everything para mabuhay malayo sa gulo pero bakit parang sinusundan ako nito? I decided to be a doctor to save lives and to help those in need pero anong napala ko? Kinuha pa rin sa akin ang lahat ng mahahalaga.

Halos isang oras ako umiyak na parang bata at hindi nagsasalita ang kasama ko hanggang sa hindi ko na mamalayan na hinila na ako ng antok at pagod.

Continue Reading

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...