Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

951 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #27

25 1 0
By LanehLarry

warning: language

Hi, I'm the SB19's bunso, my name is Justin.

---

"Fuck..."

Wala sa sariling napatakbo na lang ako kahit nanginginig na ang kamay at balikat. Ngayon lang ako nasasaktan ng ganito. Pati ang loob ko, parang tinutusok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

'Sapat na 'yun. Wala nang lalagpas.'

Anong ibig mong sabihin, Ken? Na wala na? Na hanggang doon na lang? Puro pakita na lang?

Dinala ako ng mga paa sa tapat ng bahay ni Stell. Napaluhod na lang ako nang 'di makayanan ang bigat hanggang sa bumigay na ang mga namumuong luha sa mata ko.

Gusto kong sumigaw! Ang sakit! Bakit gano'n na lang 'yung sakit na sinabi n'ya!?

Ako lang ba talaga umaasa sa bawat galaw n'ya tuwing magkasama kami? Hindi ko s'ya masisi dahil tama nga ako! Umaasa lang ako at hindi s'ya paasa. S-sana nga mas nauna kong pigilan kaysa itago, wala namang kasiguraduhan.

Pilit kong pinunasan 'yung mga umagos na luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kamay bago ilagay sa tuhod para buong lakas na tumayo. Nagmamadali akong pumasok sa bahay at napaupo na lang sa tabi ng pintuan.

Pumaulit-ulit sa ulo ko lahat ng sinabi ni Ken. Mula sa unang pagkikita namin, hanggang sa kanina. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Naramdaman ko ang pag-igkis ni Kira sa paanan ko.

Malungkot ka rin ba, Kira? Ako kasi nasasaktan, eh.

King ina! Kung p'wede ko lang ibalik lahat ng nangyayari, ginawa ko na. Balik sa simula. 'Yung walang ibang kahulugan lahat. Wala lahat. Plain at boring lang.

Kusang bumalik sa ulo ko lahat ng galit at kaba nang makarinig ako ng humahangos na tao mula sa labas. Si Ken.

"Jah?! Justin! Justin?! Jus---"

Tumigil s'ya nang maharangan ko ang daan. Napatitig s'ya sa akin at gulat na napatingin dahil basang-basa ang mukha ko. Napangisi ako.

"Ano masaya ka na? Masaya ka na kasi nakikita mo akong nasasaktan?"

Tumayo ako at inilayo si Kira sa aming dalawa at matalim s'yang tinignan.

"Bakit parang lahat na lang balewala lang sa'yo? Manhid ka ba talaga o nakasaksak na d'yan sa loob mo na nananakit ka ng tao?"

"Anong ibig mong sab---"

"Oo, Ken! Nakikita ko lahat ng articles natin! Lahat ng balita! Lahat ng pinag-uusapan sa social media! Lahat ng bagay! Lahat ng oras! Tayo isinisigaw no'n? Ikaw nakikita mo ba?!"

"Justin, 'wag kang sumigaw." Bakas sa mukha n'ya ang buong pagtataka. Napaismir ako at napaiwas ng tingin bago nagpunas ng luha.

"Anong gusto mo? Na nasa loob ko lang 'to? Na pilit ko lang tinatago? Na bawal kahit na sa'yo lang sabihin? Ha? Ken! Ano bang gagawin ko para hindi na ako masaktan?!" Mahabang sigaw ko sa kan'ya.

Napaatras pa s'ya sa sigaw ko hanggang sa nakitang kong lumapat na ang noo n'ya. Naglinga-linga s'ya sa paligid.

"Justin, si Ara? Nasaan?"

Nanlaki ang mata ko. Si Aracelli? Nasa--- Naiwan ko sa park. Tanga, Justin! Tanga mo!

"Naiwan ko---"

"Iniwan mo si Ara mag-isa sa park?!"

Napapikit ako sa sigaw n'ya. Hindi ako makagalaw. Bakit ang sigaw n'yang 'yun, gano'n na lang ang epekto sa akin?

"Ano?!"

Kumaripas pababa si Sejun at Stell dahil na rin siguro sa sigaw ko. Si Sejun, kitang-kita ko ang pagkabalisa n'ya. Malapit na sila sa pinakahuling baitang nang sumigaw si Sejun.

"Nasaan ang anak ko?!"

Anak?

Natigilan kaming lahat sa nanggagalaiting sigaw ni Sejun. Maski si Stell, naistatwa. Nanatili lang ang tingin ko sa kanila.

"Ano? Anak?"

Hindi nakasagot si Sejun.

"Tang ina, Sejun! Ulitin mo nga sinabi mo. Anak?!"

Napaawang na lang ang bibig ko sa sigaw ni Stell. Hindi ako makagalaw. Lahat ng luha ko umatras. Napalitan ng galit ulit.

"Stell---"

"OO O HINDI?!"

Nagtubig na ang mga mata ni Sejun. Sa bawat sigaw ni Stell, napapaatras s'ya.

"S-stell..."

"Isang sagot, Sejun! Kilala mo ba ang nanay ni Ara?!"

Napayuko s'ya at dahang-dahan na tumango.

Shit!

"Anak mo si Aracelli?" Mahina pero may matalim na tanong ni Stell.

"O-oo."

"Putang ina!"

Napahilamos s'ya sa mukha bago bumuntong hininga. Nakita ko pang nagpunas s'ya ng luha bago muling harapin ang nakayukong si Sejun. Nilingon ko si Ken, nakatulala s'ya at nakaawang din ang bibig sa gulat.

"Tang ina, sa loob ng limang buwan, ginagago mo lang pala kami?! Ginagamit mo lang kami para alagaan 'yang a-anak mo?!"

"Stell..."

"Ano? Tama ako 'di ba? Tama? Puta, Sejun! Bakit hindi mo sinabi?"

"Magpapaliwanag ako---"

"Para saan pa? Eh, 'yung sagot mo na 'yun nagpapaliwanag ng lahat, eh!" sigaw na sabi pa rin ni Stell.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Sejun na kanina pa pinipigilan. Ngayon ko lang s'ya muling nakitang umiyak. Mas dumoble ang sakit sa puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kasi ako, pati ako, pinagtaguan ng lihim ni Sejun.

"Si Aracelli rin ba ang dahilan kung bakit ka naglayas sa bahay n'yo at napadpad d-dito?" sunod na tanong ni Stell.

"Maraming dahilan..." Umiiyak na sagot naman ni Sejun.

Paulit-ulit na nagmura si Stell at napapahilamos sa mukha nang bumaba si Josh.

"Bakit kayo nagsisigawan? Rinig na rinig---"

Napatigil s'ya sa kalagitnaan ng hagdan at pinagmasdan kaming apat. "Bakit kayo umiiyak?"

Tuluyan na s'yang bumaba at pumagitna sa kanilang dalawa. "Stell? Sejun?"

Nilingon n'ya kami. "Ken? Justin? Anong nangyayari?"

Hindi pa rin kami sumasagot.

"Anong nangyayari?" tanong n'ya ulit.

Napangisi si Stell dahilan para maagaw n'ya ang naghahanap na mata ni Josh. "'Yan, tanungin mo 'yan."

"S-si Sejun? Bakit?"

Taka n'yang tinignan si Sejun. "Anong nangyari, Sejun? Bakit kayo nagsisigawan?"

"A-anak ko si Aracelli---"

"Josh!"

Dumapo sa kaliwang pisngi ni Sejun ang kanang kamao ni Josh. Nanlaki ang mata ko at napatakbo para awatin s'ya.

"Josh!" sabay na sigaw namin ni Ken. Hinila namin s'ya palayo.

"SINUNGALING KA! MANGGAGAMIT KA! WALA KANG UTANG NA LOOB!"

"J-Josh... sorry," basag na boses ni Sejun.

"Sorry. Sorry. I'm sorry. Sorry..." Paulit-ulit na dugtong n'ya.

Sumisikip na nang tuluyan ang dibdib ko sa bawat bawi ng hinga ni Sejun. Hindi ko s'ya magawang kampihan dahil pati ako pinataguan n'ya rin ng katotohanan.

"Pinapasok kita sa bahay na 'to! Ipinagpaalam kita sa may-ari para makituloy! Naging kaibigan na rin ang turing namin sa'yo! Hanggang sa nagmabutihan na kayo ng kaibigan ko! Lahat! Lahat! Ginawa namin para lang maging maayos ka! Para lang maging okay ka at mawalan ka ng reklamo sa buhay! Ginawa namin lahat ng bagay na sana sa una pa lang iniisip mo na kaya mo na mag-isa! Umaasa ka sa amin, simula pa lang! Pero anong ginawa mo? Nagsinungaling ka! Nagtago ka! At talagang sinamantala mo pa talaga! Tang ina, Sejun! Para kaming laruan! Pinaglaruan mo kaming lahat!" Dinuro n'ya ng ilang ulit si Sejun.

"S-sorry..."

"Anong magagawa ng sorry mo? Nagpapaliwanag ba 'yan mag-isa? Malalaman ba namin lahat ng dahilan kung bakit kayo nanditong dalawa ni Ara?"

"Magpapaliwanag ako..." Pagpipilit ni Sejun sa 'di mabilang na beses.

Biglang pumagitna si Stell. "Hanapin n'yo si Ara. Mamaya na tayo mag-usap."

Binitawan ko si Josh na ngayo'y kumalma na at lumabas para bumalik sa park kung saan ko naiwan si Ara. Makulimlim pero mainit. Hindi alam kung bakit nag-aagawan ito.

Hindi pa rin maialis sa utak ko ang mga sinabi ni Sejun. Grabe! Sariling kaibigan, nag-iisa, pinagtaguan ng lihim. Hindi ko alam kung kaibigan ko nga ba talaga s'ya.

"Justin.."

Nasa likod ko pala si Ken at sumunod sa akin para hanapin si Ara. Hindi ko s'ya nilingon. Nandito pa rin 'yung galit ko sa kan'ya.

Natanaw ko na ang stroller ni Ara sa lilim ng puno kanina. May nag-usog lang para mas maliliman s'ya. Lumapit ako...kami at nakitang natutulog pa rin s'ya. Tinignan ko ang gamit n'ya kung may kulang ba, buti naman ay wala.

"Justin.."

Hindi ko na maiwasang hindi s'ya lingunin. Hindi na lang ako nagsalita.

"Sorry," usal n'ya.

"Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan. Sorry. Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng galit mo pero hayaan mo akong mag-sorry---"

"Wala nang magagawa ang sorry mo."

Tinulak ko ang stroller ni Ara at nang akma kong bubuhatin ang bag, inagaw pa ni Ken sa akin. Hindi ko s'ya hinayaan. Walang lingunan kaming umalis at umuwi sa bahay.

Hindi alam? Tsk. Manhid.

Wala na talaga. Parang binigyan mo na rin ng tuldok 'yung sinabi mo. Wala nang magagawa.

Pagpasok namin sa bahay, nakita kong nakaupo na sila sa sofa ng salas at pare-parehas na nakatulala at nag-iisip. Aakyat na sana ako nang tawagin ako ni Stell.

"'Wag mo na s'yang iakyat. Ibigay mo sa tatay."

Sa tono n'ya, parang wala lang pero alam ko sa loob...paulit-ulit na tinutusok ang puso n'ya at hindi magawang lumunok.

Binigay ko s'ya kay Sejun. Nagising s'ya at nagsimulang makipaglaro, kagaya ng nakasanayan.

Habang tinitignan silang dalawa, doon ko na nabibigyan ng kahulugan lahat ng halos pagkakapareho nilang mag-ama. Sa makapal na kilay, sa maamong mata, sa maliksing galaw, mapaglarong mga paa hanggang sa malalim na pagtulog.

"May ipapaliwanag ka ba, Sejun?" tanong ulit ni Stell. 'Yung mga titigan nilang dalawa parang hindi magkakilala, parang walang pinagsamahan. Alam ko si Sejun, lahat ng paraan ay gagawin n'ya para maayos 'to. 'Yun ang gusto kong mangyari.

"N-noong gabi na 'yun, pinagbuhatan ako ng kamay ng pamilya ko. Nasaktan ako ng sobra. Sa loob ng limang minuto, nakapagimpake ako sa maliit na duffel bag at naglakad na lang palayo nang hindi ko nalalaman kung bakit gano'n na lang ang galit nila..."

Suminghot pa s'ya at nagbabadya na naman ulit ang luha. Nanatili kaming nakikinig pero wala ni isa sa amin ang sumasalubong sa mga titig n'ya.

"Inisip ko lahat ng mga nagawa ko na p'wedeng maging dahilan ng galit nila. I was thinking of the company, the people around them, our house, my siblings, my family, my relatives. I don't know. And then I finally remember, that night... I was drunk, wasted. Hindi ko na alam 'yung sumunod na nangyari."

"Umuwi akong presentable, umuwi ako ng maayos na parang walang nangyari. Months passed did well. I was smiling throughout the day. Hindi ko na inisip 'yung gabing 'yun. It was totally vanished on my mind."

"I once contacted my sister, Alex. Kinumusta ko s'ya, tinanong ko s'ya kung anong nangyari sa kan'ya. Saglit lang 'yun pero alam ko na nandito na anak ko, na naisilang---" Tukoy n'ya sa pagpapaliwanag ngayon.

"Tama na." Pigil sa kan'ya ni Stell. Tuloy-tuloy lahat ng luha n'ya. Hindi tumitigil ang pagpunas n'ya sa luha.

"Umalis na kayo."

Para kaming nabuhusan ng tubig sa sinabi n'ya. Nalaglag ang panga ko habang iginagala ang tingin sa lahat.

"Stell?" Si Josh.

"Josh, umalis na kayo." ulit n'ya.

"Ha? Ako? Pinapalayas mo? Bakit?!"

"Kasi hindi naman sa'yo 'tong bahay na 'to! Ano ba? Hindi ba kayo nakakaintindi?! Umalis na kayo rito!"

"Stell..." Nagsalita si Ken.

"Thank you, Ken. Pero, sorry. Sorry. Ayoko na kayong makita ulit."

"Stell, 'wag ka namang gumawa ng desisyon kung kailan galit ka." Pakiusap ni Josh.

"Hindi ako galit," mabilis n'yang sagot.

"Galit na galit," dugtong n'ya.

Pinanood namin s'yang umakyat sa taas at bumalik suot-suot ang hoodie at may dalang pitaka.

"Pagbalik ko, wala na lahat ng gamit n'yo, ah?" Mapait s'yang ngumiti.

"Masaya ako na nakilala ko kayong lahat. Salamat."

Hanggang sa tuluyan na s'yang nawala sa paningin namin. Kinain kami ng katahimikan. Walang may gustong magsalita, tanging ang ingit ni Aracelli lang ang pumapaibabaw sa amin.

Tinapik ako ni Josh at iginiya ako paakyat. Nakayuko akong sumunod at pinagmamasdan lang ang yabag namin.

"Saan ka uuwi, Josh?" tanong ko sa kan'ya habang inilalabas ang maleta na lagi kong ginagamit sa shoot.

Pati trabaho ko, madadamay.

"Hindi ko alam, Justin. Nasasaktan ako ng sobra."

"May karapatan namang magalit si Stell, eh. Nagtago si Sejun..."

"Magiging kaibigan mo pa rin ba si Sejun pagkatapos ng nangyari?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam."

Nailigpit ko na ang mga gamit ko sa loob ng sampung minuto. Hindi ko mapigilan 'yung nakatagong hikbi mula sa iyak ko kanina.

Bumaba kami at naabutan ko pa si Ken na nag-aayos ng maleta. Nakalapag si Ara sa sofa habang binabantayan n'ya. Panigurado akong nasa kwarto si Sejun. Bumalik ako.

"Sejun?"

Una kong narinig ang hikbi n'ya pagkatapos ng singhot at mahabang buntong-hininga. Pagpasok ko, sinalubong n'ya ako ng yakap.

"Justin, sorry. Sorry. Sorry. Kung galit ka sa akin, sorry. I can't lose you. Sorry."

Napangiti ako. Kahit papaano, nawala ng bahagya ang galit ko. Ganito ako kabilis magpatawad.

Hinagod ko ang likod n'ya bago tapikin at kumalas. Ngumiti ako.

"Hihintayin ko kayo sa labas, sabay tayong uuwi. Pag-apak mo sa bahay n'yo, hinding-hindi mo na ulit ako makikita pa..."

Hanggang sa maging maayos ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
9.6K 286 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
79.9K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY