One Drunk Night

Por priiincesserikaaaa

1.3K 51 5

Aya is the prim and proper type of daughter. She was raised to be always at her best all the time. She can't... Más

Author's Note
Prologue
ODN-1
ODN-2
ODN-3
ODN-4
ODN-5
ODN-6
ODN-7
ODN-8
ODN-9
ODN-10
ODN-11
ODN-12
ODN-13
ODN-14
ODN-15
ODN-16
ODN-17
ODN-18
ODN-19
ODN-20
ODN-21
ODN-22
ODN-23
ODN-24
ODN-25
ODN-27
ODN-28
ODN-29
ODN-30
Epilogue

ODN-26

27 0 0
Por priiincesserikaaaa

Nakatitig lang ako sa message na yun ni Jake. Hindi na siya nakaonline kaya hindi ko sigurado kung sasagot ba ako ngayon. Ano naman ang sasabihin ko? Na dapat niyang paniwalaan yun dahil yun naman ang totoo? Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi siya naniniwala, dahil ibang rason ang sinabi ko noon.



Ayoko rin namang ipilit sakanya na tanggapin ang sorry ko agad. I'll give him the time and space he needs. Hindi naman ako nagmamadali na mapatawad niya ako. Okay na saakin na pinakinggan niya ako ngayon.



Hindi ko na nagawang makasagot sa message na yun ni Jake dahil nakatulog na ako. Nagising akong hawak ko parin ang cellphone ko. Nakatulugan ko na ang pag iisip ng isasagot ko sakanya. Hindi narin naman niya dinugtungan kaya hinayaan ko nalang muna.


"Good morning Ate."

Si Amy lang ang naabutan ko sa lamesa dahil mukhang nasa labas na si mama at nagbabantay ng karinderya. May pagkain naman na sa lamesa kaya naupo narin ako para kumain.


"Saan ka kumain kagabi, Ate?"

Nakuha ni Amy ang atensyon ko dahil sa naging tanong niya.

"Sa labas."



"Sinong kasama mo?"

May ngiti sa mukha niya kaya alam ko agad ang iniisip niya.




Hindi alam ni Amy kung anong naging dahilan ng paghihiwalay namin ni Jake. Hindi niya na nagawang magtanong pa dahil sa nangyari kay papa. Naging malungkot kasi si Amy nang mawala si papa at gaya namin ni mama ay natutulala siya. Naging maayos lang siya nang napansin niyang hindi na kami maayos ni mama kaya sinusubukan niya kaming pakitunguhan ng maayos.



Hindi ko na rin sinubukang sabihin sakanya ang dahilan dahil ayoko nang masyadong isipin noon. Sinabihan ko lanh siya na wala na kami makalipas ang ilang linggo dahil napapansin niya na noon na may kakaiba saakin. Hindi nalang siya nagtanong dahil alam niyang masyadong masakit para saakin kaya na pag usapan pa yun. Nagpapasalamat ako at ganoon si Amy, naiintindihan niya ako at lagi siyang nandyan para saakin.



Ngayong nagbalik si Jake, tingin siguro ni Amy ay babalik ang lahat sa dati. Yun din ang gusto ko pero ayokong madaliin.




"Oo, kasama ko si Jake. Nag usap lang kami."

"Okay na kayo, Ate?"

"Hindi ko alam." iling ko.


Totoo namang hindi ko alam. Oo at nakapag usap na kami, nakapagexplain na ako at nakapagsorry na. Pero wala namang naging sagot si Jake. Ang sabi niya wala pa siyang maisasagot saakin at sinabi kong maghihintay ako. Yun lang ang magagawa ko ngayon, ang maghintay. At ang subukan na magreach out sakanya para mapatawad niya ako. Ako naman ang dapat na hindi sumuko ngayon. Ako naman ang maghihirap para sa kapatawaran niya.



Natapos kaming kumain at naisipan ko nalang munang umakyat para tignan ang mga kailangan ko pang gawin. Papasok pa kami sa Monday para sa iilang trabaho kaya ioorganize ko na ang mga kailangan kong gawin.



Kapasok ko sa kwarto ay napansin ko ang sunod sunod na pagpasok ng notifications sa cellphone ko. Sinubukan kong tignan isa-isa. Iilan doon ay galing kila Sammy at Carla na mukhang naghahanap ng balita tungkol saakin. May isang message naman doon na nakakuha ng atensyon ko. Galing ito kay Jake.



Jake: Hey. Are you up?

It was sent 30 minutes ago. Hindi siya online pero sinubukan kong sumagot.

Aya: Oo. Gising na ako.

Hindi na ako nagulat nang makita niya agad ito. Agad namang nagring ang phone ko para sa isang call galing sakanya.

"Hey."

"Hi. Napatawag ka?"

"I just wanna hear your voice. To prove that I'm not dreaming."

Pabulong lang ang pangalawang sentence kaya hindi ko nakuha kung anong sinabi niya.

"Ha?"

"Nothing. Did you have breakfast already?"

"Um, oo kakatapos lang."


Hindi siya sumagot pero rinig ko ang hininga niya sa kabilang linya. It feels nice to receive calls from him again and hear his voice on the other line again. I never had this kinds of calls anymore after we broke up. Well what do I expect, he'd call me after I broke his heart? Stupid.



"Nandyan ka pa?"

"Yeah. Sorry to call you this early."

"Ayos lang."



I missed hearing his sleepy voice. Dati tuwing gabi lang kami nag uusap sa phone dahil takot akong biglang papasok si mama sa kwarto ko para tignan ako at maabutan na may kausap ako. This is the first time he called me this early.


"This is the first time I called you this early."


Natigilan ako dahil sa sinabi niya. We're thinking the same thing. I smiled at that thought.


"Yeah I know."


Hindi ko maiwasan ang mag isip na baka sa pagkakaton na ito, makaranas na ako ng isang normal na relasyon. Kung noon, halos patago lahat ng mga ginagawa namin ni Jake, maging siya ay kinailangan kong isekreto sa mga magulang ko dahil sa takot ko sa sakanila.



Ngayon na pwede na, wala akong ibang nagustuhan na lalaki dahil hanggang sa ngayon ay ramdam ko parin ang pagmamahal para sa iisang lalaki. Naging maikli man ang oras naming magkasama, pinaramdam niya saakin na espesyal ako. He made me feel feelings I never knew existed. Nagmarka siya sa buhay ko kaya hanggang ngayon ay siya parin.




Hindi ko ikakaila na gusto ko parin siya, na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Kung magkakaroon pa kami ng pagkakataon na sumubok pang muli, susugal ako. Pero gaya ng sinabi ko, ayokong ipilit sakanya yun. Alam kong nasaktan ko siya sa mga nasabi at nagawa ko noon. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng nagawa ko. Dahil ngayon, wala akong gustong mangyari kundi ang sumubok pa.





He's one of the best things that ever happened to me. Naalala ko ang mga panahon na pinagsamahan namin at totoong sobrang saya ko noon. He introduced me to many new things and he held my hand every hardships I experienced. He was there to comfort me, to guide and cheer for me. He's indeed a great man.



Noong nanliligaw siya noon, sinabi niya na bigyan ko siya ng pagkakataon para mahulog ako sakanya, nagtagumpay siya. Hindi naging mahirap na mahulog sakanya pero ang hindi ko inexpect ay hanggang ngayon, mahal ko parin siya.




"Good morning Teacher Aya."


Mapanuya ang ngiting ibinigay ni Teacher Agatha saakin pagkapasok ko ng faculty room. Alam ko na agad kung anong meron sa ngiti niyang yan.



Noong weekend, naging maayos naman ang usapan namin ni Jake. Hindi na nga lang nasundan ang tawag niya dahil mukhang naging busy siya. Hindi ko nalang pinakialam dahil wala naman akong karapatang magtanong.


"Good morning din Teacher."


Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na lang ako sa log in book namin para pumirma. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas ni Teacher Agatha papunta sa classroom niya. Dahil doon kami magtatrabaho ngayon.



"So, kamusta ang weekend mo?"



Mapang asar ang tono ng pagkakatanong niya kaya naman nginitian ko lang siya at inilingan. Mukhang curious na curious sila ni Teacher Fe tungkol sa kung anong meron saamin ni Engineer dahil una sa lahat, ito ang unang beses na may lalaking involved saakin. Mula kasi ng nakilala nila akong dalawa, alam nilang wala akong interes sa mga lalaki. Noong una nga ay biniro ako ni Teacher Fe na tatanda raw akong dalaga, nagkibit balikat lang ako.




Kaya ngayong may nakikita silang lalaki na mukhang konektado saakin ay kating kati silang malaman kung anong meron. Pangalawa, bago lang sa paningin nila si Engineer at noong nalaman nilang wala itong girlfriend ay mukhang gusto nila akong ipagtulakan sakanya. Kilala ko pa naman ang dalawang ito.



"Wala naman pong bago Teacher. Pareho parin."



Nginitian ko siya at pumasok na kami sa loob ng classroom ni Teacher Agatha. Dito kaming tatlo magtatrabaho ngayon. Magfafinalize lang kami ng grades ng mga estudyante namin ngayon dahil nasaamin na ang mga final test papers nila. Nakuha na namin sa faculty kanina.




"Magkakilala ba kayo ni Engineer De Luca?"



Saktong pagtanong ni Teacher Agatha ay ang pagpasok ni Teacher Fe. Narinig nito ang tanong kaya agad na lumapit saaming dalawa. Wala nang bati bati pa.



"Oo nga Teacher. Mukhang magkakilala kayo ah. Saan kayo nagpunta noong Friday?"


Halos matawa ako sa itsura ni Teacher Fe. Kitang kita ang pagtataka sa mukha niya. Sinasabi ko na nga ba at kukulitin ako ng dalawang ito. Hindi lang ako sigurado kung hanggang saan ang kaya kong ikwento sakanila. Parang hindi pa ako handa na mag open sakanila.



"Opo. Magkakilala kami noon."

"Saan? Magkaklase ba kayo?"

"Hindi po. Magkaiba kami ng university at course."

"Kung ganoon, paano kayo nagkakilala?"



That brought me back to our first meeting. Outside the club, me drunk and him being kind enough to help me. It all started there.



I remember his remarks about me, his hold on my arm and his left dimple which I miss so much. All of that just flashed through my mind because of that question. I was just not sure if I should tell them. I don't think they should know that.


"Um through a common friend?"



That was total lie. Wala kaming kaibigan na kakilalang dalawa. First of all dahil sila Sammy at Carla lang naman ang talagang mga kaibigan ko and they don't know him because second of all, we're not from the same course/industry. And the fact that we're not from the same university just adds to the equation. That was just the only answer I thought that would seem realistic.




Tumango lang ang dalawa at mukhang naniwala sa sinabi ko. Nginitian ko nalang sila at sinubukang magmukhang busy para hindi na nila ako tanungin. At dahil maging sila rin ay may mga gagawin, hindi na nila pinilit pang magtanong. I felt relieved because of that. Ayoko namang nagsinungaling pa sakanila dahil lang hindi ako handang mag open up sakanila.




Hindi ko narin muna masyadong pinagtuonan ng pansin yun at nagfocus nalang ako sa mga kaharap kong test papers. Habang nagtatrabaho ay nahagip ng mga mata ako ang pagdaan ni Jake sa hallway. Naramdaman ko ang paglipat lipat ng tingin nila Teacher Agatha at Teacher Fe saamin kaya hindi ako lumingon. Agad rin naman siyang nawala.




Mabuti nalang at wala rin silang nasabi dahil sobra sobra na ang hiyang nararamdaman ko. I feel unesy and uncomfortable having this conversation dahil pakiramdam ko ay napepressure ko siya kapag iniisip ko ang tungkol doon. Kahit na wala naman akong direktang sinasabi sakanya.




Hindi na namin namalayaan ang oras pero dahil napansin namin ang pagdaan ng mga trabahador sa hallway, mukhang magtatanghalian na sila ay naisipin na rin muna naming magpahinga para makakain. Uuwi ako para magtanghalian sa karinderya ni mama ngayon dahil nakalimutan kong magbaon kanina. Ayoko ring bumili sa labas dahil malapit lang naman ang bahay namin at nagtitipid rin ako.




Inayos ko na ang mga gamit ko pansamantala at nagpaalam sa dalawa na uuwi na muna ako. Pagkalabas ko ay napansin kong parang hindi dumaan si Jake palabas. Tanging mga trabahador lang ang nakita naming lumabas para kumain.




Hindi ba siya kakain ng lunch? O baka naman may baon siya?



Naalala ko ang mga luto ng mama niya na dala niya kapag nagpipicnic kami. Siguro nga may baon siya kaya hindi na sila umalis doon. Dahil sa naisip ay hindi ko na muna siya sinilip doon at diretso nalang akong umuwi.




Nakarating ako sa bahay at dumiretso sa karinderya. May iilang customer si mama na trabahador doon sa school kaya may iilan ang bumati saakin. Nginitian ko nalang sila at dumiretso kay mama sa may counter.


"Ma."


Nagmano ako sakanya. Mayroon siyang kinuha sa likod at inabot saakin. Nakita kong dalawang supot yun ng pagkain. Sinubukan kong kunin yung isa pero pinilit niyang iabot saakin yung dalawa. Takang taka ko siyang tinignan.



"Ibigay mo kay Engineer yung isa."



Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kilala niya si Engineer? Alam niya bang si Jake yun?



"Narinig ko kay Amy na siya ang kinuhang Engineer ng building na ginagawa sa school niyo."

"Ah. Opo."



Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ito ang kauna unahang beses naming napag usapan si Jake. Na maayos. Noon kasi tuwing binabanggit si Jake ay panay sermon at sigaw ang naririnig ko sakanya. Ito ang unang beses na malumanay ang boses niya habang pinag uusapan si Jake. Bonus pang may pa pagkain siya para sakanya.



"Para saan po yung pagkain?"




Hindi ko maiwasan ang magtanong dahil baka mamaya ay may kung ano siyang nilagay dito. Hindi ko parin nakakalimutan ang bigat ng mga sinabi niya noon tungkol kay Jake. At kung gaano siya kagalit saamin.




"Narinig ko sa mga trabahador na wala daw siyang pagkain at parang walang balak kumain. Dalhin mo ito sakanya at sabay na kayong kumain."

Seguir leyendo

También te gustarán

297K 7.9K 24
Isla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking...
69.3K 2.5K 24
Si Jiro, lumaking walang magulang at namumuhay kasama ang lolo at lola nya. Normal ang payak nyang buhay hanggang sa dumating ang nagpapakilala nyang...