Escape In A Cold City [Baguio...

dEmprexx

167K 4K 834

Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decid... Еще

Escape In A Cold City
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Joaquin Lonzo Tan
Notes

Chapter 23

3.6K 96 10
dEmprexx

Chapter 23

"Happy birthday." I handed him my gift. It was just a Clive Christian perfume na pinabili ko pa kay Marj. 

"Thank you." He kissed my forehead. "No need for a gift, your presence is enough." He whispered. 

Kahit na sabihin niya iyan, gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo. Ang tagal ko pang pinag-isipan kung anong ibibigay ko sa kaniya hanggang sa maalala ko kung paano kami unang nagkita—nung hindi niya ako pinansin. Unang umagaw ng atensiyon ko ay ang perfume niya kaya naisipan ko siyang bilhan ng regalo na related sa pabango. 

Nandito kami sa bahay nila dahil may simpleng lunch na magaganap. Mamaya may dinner din sa mga Tan, ayokong sumama ron kahit na pinipilit ako ni Joaquin. Mas okay na nasa tabi ko sina Fab at Maeve, feeling ko kasi aayawan din ako ng mga Tan katulad ng mama niya. 

"How's architecture, Fab?" Tita Ainna asked Fab. We're eating our lunch now, ramdam ko rin paminsan-minsan ang pagsulyap ni tita Ainna sa amin lalo na at pinagseserve ako ng anak niya. 

"It's a good tita." Simpleng sagot ni Fab. "I'm enjoying it." Dagdag pa nito. Tumango-tango bilang sagot si tita Ainna pagkatapos ay dumako ang tingin niya kay Maeve. 

"How about political science?" Ngumuso si Maeve dahil don. Pero kaagad ding sumagot, naikuwento niya sa akin na kaya niya tinake iyon dahil sa crush niya, naikuwento niya rin kanina sa akin na mukhang wala silang pag-asa. 

"It's alright tita, kahit ang daming readings." She's a baby in the family since she's the youngest one. Balita ko rin kay Joaquin ay bine-baby siya ng mga kaibigan niya. 

"How about you, Ryden? How was your dad? I heard about him." Biglang umayos ng upo si Joaquin sa tabi ko habang nakatingin kay Ryden, silang dalawang magpinsan ang close dahil siguro magka-edad lang sila at pareho pa sila ng kurso. 

"It was settled tita, thanks for the concern." Tito Joseph lowkey shifts the topic, maybe there's an issue about the family that only the member should know about. 

Pagkatapos naming kumain ay pumwesto kaagad sa living room sina ate Fab para manood sa netflix. Samantalang nakipaglaro ako kina Kisses at Dreamer, bigla ko tuloy namiss yung mga aso ni Bella kahit laging wala sa bahay nila dahil iyong lola niya ang nag-aalaga. 

"Ang cute cute mo naman." Sambit ko kay Kisses habang tinataas pa siya. Nakaupo lang ako sa sahig habang dinidilaan naman ni Dreamer ang pants ko, mukhang siya ang nagpapakuha dahil kanina ko pa hawak si Kisses. 

Binaba ko muna si Kisses tiyaka pinisil-pisil ang pisngi ni Dreamer. "Gusto mo ba na ikaw hawakan ko? Selosa to ah!" Mabuti nalang at mukhang normal lang kina Maeve na nakikipag-usap ako sa mga aso, siguro nasanay nalang din sila. 

Umupo si Joaquin sa tabi ko tiyaka kinuha si Kisses. Si Dreamer na kasi ang hawak ko ngayon. Marahan niyang hinaplos-haplos ang ulo ni Kisses bago siya nagsalita. 

"I didn't know that you fancy dog too." He chuckled. 

"Hindi naman. Nasanay lang siguro ako kay Bella. Mas mahilig iyon sa aso kaya nahawaan nalang din niya ako." Pagpapaliwanag ko, lalo na at magsimula pagkabata ay magkasama kami. Kaya kapag bumibisita ang lola niya na may dalang aso, sabay kaming nakikipaglaro sa mga ito. 

"Do you want to come to our foundation?" Bahagya kong pinalakpak ang paa ni Dreamer dahil sa saya. Noon pa namin balak iyon, ang kaso nga lang wala kaming masyadong oras. 

Sa dami ng school works na nakatambak sa amin, hindi nanamin naituloy ang plano namin magpunta sa La Trinidad, kahit ilang minuto lang mula Baguio. Ang problema lang kaya natatagalan ay dahil sa traffic. 

"Yup! Kailan ba?" I excitedly uttered. Next week na ang enrollment para sa second semester ng second year namin. Sina Joaquin naman ay nasa third year na sila. 

Sabay nga kaming ga-graduate ni Joaquin kung hindi babagsak ang isa sa amin. Apat na taon nalang ang accountancy dahil sa k-12, samantalang five year degree ang Engineering. Ang saya siguro kung sa taon na nagtake kami ng board, pareho kaming pumasa. 

"You decide." Magiging abala kami sa pag-open ng klase. Balita ko mabibigat ang mga subject namin ngayon kaya napanguso ako. 

"How about next week?" He nodded. After the enrollment siguro ay dederetso na kami sa La Trinidad. 

"Sure ka ba na nandoon na ang mga dog food?" Paninigurado ko. Papunta na kami ngayon sa may Alapang, La Trinidad dahil doon ang foundation nila.

Nakakatuwa nga dahil kahit mayayaman sila ay hindi sila nagdadalawang isip na tumulong. Tita Ainna's built a foundation for the dog because she is a dog lover, no doubt Joaquin too. While tita Aimee's built a foundation for the less fortunate students who aim to finish their studies. 

"Don't worry, it's already delivered." Sagot niya sa akin habang nakangiti. As usual, siya ang nagmamaneho at hawak-hawak niya ang kamay ko. 

"Marami bang dogs?" 

"I think, one hundred?" 

"Kailan last punta mo?"

"We visited last month with my mom, matagal na rin kasi simula nung last na punta ko." Ah oo natatandaan ko iyon, in-update niya ako noon nasa Manila na ako. 

"May malapit ba na pasyalan don?" I suddenly asked. Napasyalan na namin ang mga pasyalan sa Baguio pero hindi pa lahat sa La Trinidad, sa Strawberry farm pa nga lang kami nakakapunta. Tiyaka sa bell church and colorful houses. 

"Yup. The twenty thousand roses in Alapang La Trinidad." He said, mukhang hindi ako pamilyar roon. "It's a garden." 

"Punta tayo pagkatapos?" Ito na ang last na gala namin ngayon na walang iniisip na kahit anong school works. Naglabas nga ng grades ang SLU noong isang araw, kailangan kong pumunta sa dean para kunin ulit ang certificate for dean's lister. 

Nang makarating kami sa foundation, isang simpleng building lang din siya. May sumalubong kaagad sa amin na mga babae na mukhang namamahala. Naka-uniform din sila na blue and black. Narinig ko na ang mga aso mula sa loob kaya bigla akong sumigla. 

"Good morning sir, buti napabisita po kayo ulit." Tumingin ako sa plate name niya. Ate Rosalinda since mukhang nasa mid 40's na siya. 

"Yeah. How's the dog?" Tanong ni Joaquin tiyaka niya ako inalalayan papasok. Kaagad bumungad sa akin ang maraming kulungan pagkatapos ay mayroon pang play area. 

May iilang tao rin na bimibisita para magpakain ng mga aso, pwede rin mag-ampon ng aso kapag nagustuhan nila iyon. Magbibigay nga ng donation kapag mag-ampon para sa mga maiiwan na aso. May pitong attendant siguro, tatlong babae at apat na lakaki ang nag-aalaga sa mga aso. 

Nag-uusap pa sina Joaquin at si ate Rosalinda na mukhang siya ang head. Hindi na ako nagawang ipakilala ni Joaquin dahil lumayo ako sakanila para lapitan ang mga aso, may name tag sila para hindi makalimutan ang pangalan. 

Lumuhod ako and then I patted Geco's head. Mabuti nalang at hindi siya tumahol dahil hindi pa niya naman ako kilala. Kumuha ako ng dog food para ipakain sakaniya, kumuha rin ako ng ilang laruan para makapaglaro kami. 

Nagulat ako nang may tumabi sa akin, nakita ko iyong isang babaeng attendant na mukhang kaedaran lang namin. Napatingin ako sa name plate niya, her name is Kris. I smiled at her then she gave me a warm smile. 

"Kaibigan ka ni sir Joaquin?" Napatingin ako kay Joaquin at ate Rosalinda na seryoso pa rin nag-uusap. Narinig ko kasi kanina na may sakit iyong dalawang aso. 

"Akala ko nga kasama niya si ma'am Chloe ngayon. Lagi kasi silang magkasamang bumibisita. Pero mukhang mag-iisang taon ko ng hindi nakikita si Chloe." Nagulat ako nang marinig ko ulit ang pangalan na iyon, oo nga pala, bakit pa ako nagulat e nasabi na ni tita na lagi niyang kasama rito si Chloe. 

"Matagal ka na rito?" Ngiti ko sakaniya para matakpan ang pagkakainis ko. Nakakairita kasi kapag binabanggit ang pangalan na iyon, lalo na at hindi ako pinansin noon ni Joaquin dahil sakaniya. 

"Matagal-tagal na rin. Part time job para pandagdag sa allowance." 

"Palagi silang ah magkasama ni Chloe?" Ewan ko ba kung bakit tinanong ko pa iyon e na-shift ko na rin ang topic. 

"Oo. Ang sweet nga nila lagi! Tapos mabait din iyon si ma'am Chloe. Ka-close niya lahat nang nandito. Kaya noong halos isang taon na hindi nagpakita, namiss namin siya lagi." Tuloy-tuloy na kuwento niya. "Akala nga namin masungit kasi anak mayaman pero napakabait niya. Mahal na mahal niya rin si sir." 

Kung mahal niya, bakit niya iniwan? 

Kaya talagang napakahirap magtiwala ngayon. Kung ganon ang nakikita ng ibang tao, na mahal nila ang isa't-isa, bakit pa sila nagkahiwalay? 

"Sana nga silang dalawa nalang ang magkatuluyan." Malungkot na sabi niya. "Pero mukhang malabo kasi hindi nanamin nakikita si ma'am, kilala mo ba siya? Kaibigan ka ni sir diba? Alam mo, ang smooth lang ng relasyon nina ma'am at sir. Botong-boto ang pamilya nila sakanila kaya sayang naman kung hindi sila magkatuluyan."

Napaiwas ako ng tingin at napatingin sa mga aso, kina Geco, Milo at Willows. Bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang boses ni ate Rosalinda kaya napatingin ako sakaniya, katabi niya si Joaquin kaya ngumiti ako. 

"Anong pinag-uusapan niyo? Ano nanaman chinicika mo sa kaibigan ni sir." Ate Rosalinda asked Kris. Ngumuso si Kris bago siya sumagot. 

"Tinatanong ko lang si ma'am Chloe. Diba miss na rin natin siya ate? Halos isang taon na rin siyang hindi bumibisita."

Iniwas ko ang tingin ko kay Joaquin tiyaka nagfocus nalang sa pagpapakain ng aso. Binigyan ko rin sila ng tubig. 

"Ay oo nga sir, miss ko na rin ang batang iyon. Buti hindi niyo siya kasama ngayon?" Tumayo ako tiyaka tiningnan si Joaquin, nawala ako sa mood. 

"We broke up." He cooly said while watching me, his eyes were concerned. "And she's not just a friend, she's my girlfriend." Lumapit siya sa akin tiyaka niya nilagay ang kamay niya sa beywang ko, katulad ng dati niyang ginagawa. 

Naiilang akong ngumiti sakanila, medyo nagulat pa si ate Rosalinda pagkatapos ay biglang nataranta si Kris lalo na nang siniko ni ate. 

"Ay sorry sorry po. Akala ko po magkaibigan lang kayo. Alam ko po kasi na si ma'am Chloe ang girlfriend kaya in-assume ko po na magkai-" hindi natuloy ang sasabihin niya nang bahagya siyang kinurot ni ate Rosalinda para patahimikin. 

"Ah ayos lang." Naiilang pa rin ang sagot ko. Ang daming bumabagabag sa isip ko ngayon. 

Ang alam ko lang kasi ex niya si Chloe, ghinost siya ni Chloe kaya siya nagalit sa akin noon. Tatlong taon ang relasyon nila. Iyon lang ang alam ko. 

Sa isang taon naming magkasama, sa sampung buwan naming may label hindi pa namin napag-usapan ang tungkol kay Chloe. Parang may linya roon na bawal akong tumawid dahil baka bangin na pala ang kasunod kapag tumawid ako. 

Wala rin naman nagparamdam na Chloe sa loob ng sampung buwan kaya hindi ko na iyon pinansin, kung hindi nga lang sinasabi ng mama niya hindi ko na matandaan kung sino si Chloe. Ngayon lang ulit binanggit sa akin ang pangalan niya, mukhang kakilala na talaga siya ng mga nakapaligid sa kaniya. 

Syempre hindi ko maiiwasan ang magselos. Nandito nga ako sa tabi niya pero ang mga nakakakilala sakaniya, si Chloe pa rin ang pinaniniwalaan na girlfriend niya. They were even expecting a wedding! 

Para ako ang kontra-bida sa love life nila.

Nakipaglaro kami sa mga aso pagkatapos non pero hindi ko pa rin makuha iyong mood ko. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Joaquin pero hindi ko nalang pinapansin. 

Hindi naman ako ganto noon eh, e ano naman kung anong iisipin ng ibang tao? Ang mahalaga ako ang girlfriend ngayon. 

But because of him, I'm showing my side I don't want to show. He's becoming my weakness and it's not good. It's not really good. 

Nakasakay kami sa kotse habang papunta sa 20,000 roses sa may Alapang La Trinidad. Pinabayaan ko lang siyang hawak niya ang kamay ko habang nagcecellphone ako para maiwasan ang mga tingin niya. Kanina ko pa nararamdaman ang pag-sulyap niya sa akin habang nagdadrive. 

I researched 20,000 roses. May heart shape bali nest inspired and the view was lit! Perfect for instagram and perfect para mag unwind or relax. 

"Are you mad?" Maingat ang pagkakatanong niya. Umiling ako bilang sagot. Napasinghap siya dahil don. Tumingin tuloy ako sakaniya tiyaka pilit na ngumiti. 

"Hindi." Tipid na sagot ko para hindi na siya mag-isip ng kung ano-ano. 

Wala naman problema. Nasa akin lang naman ang problema dahil ako ang nag-over think sa mga bagay-bagay. Kasalanan ko. 

Nang makarating kami ay nagbayad kami ng entrance fee. Sixty pesos lang kaya swak sa budget. My mood suddenly lightens up, I immediately get my phone to take a picture. Lalo na at mahilig din ako sa mga rosas. 

Nakasunod sa akin si Joaquin kaya niyaya ko siyang magselfie. Walang masyadong tao ngayon dahil siguro weekdays. Nagpakuha rin kami ng picture sa mga nag-aalaga ng garden. Ramdam ko pa rin ang pagtantiya ni Joaquin sa akin hanggang sa naupo kami sa heart shape na nest at nagpakuha ng picture. 

Nang binigay sa akin ang phone ko ay hindi pa rin kami umaalis mula sa pagkakaupo. Tinitingnan ko ang mga pictures namin habang nakangiti. 

"I'm sorry." Natigilan ako sa pag swipe nang marinig ko ang boses niya. Mukhang nahihirapan siya dahil sa pagtrato ko sakaniya. 

"Sorry?" Nagtatakang tanong ko na hindi pa rin siya tinitingnan. Ayoko siyang tingnan dahil alam ko rurupok lang ako. 

"Kanina." He said. "Kina ate." Dagdag pa niya. "Hindi ko alam na hindi pala nila alam na wala na kami." Ramdam ko ang kaba sa boses niya habang nagpapaliwanag. 

"Ayos lang iyon." Binaba ko ang cellphone ko sa lap ko pagkatapos ay tumingin sakaniya na may ngiti sa labi. "Wala naman na diba?" 

Bigla akong kinabahan sa tanong ko. Paano kung ibang sagot ang makuha ko kaysa sa inaasahan ko? Matatanggap ko ba iyon? 

"Of course." Walang pag-alinlangan na sagot niya sa akin. "It's you now." Naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko para hatakin niya ako palapit sa kaniya. 

"Now that matters." Ayoko nang pag-usapan ang babaeng iyon. May tiwala ako sa salita ni Joaquin, ako na ngayon. Hindi na siya. Past lang siya, ako na yung present. 

"Since we've been together, it's you, it will always you and always been you." He whispered while kissing my head. 

"Thank you for coming to my life." 

"Thank you too." 

"Let's build more memories together." He said while looking to my phone, kung nasaan ang mga pictures namin. 

"You are my definition of Love, Desiree Solaina."

Продолжить чтение

Вам также понравится

2K 101 53
When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of had a crush on her, her world started to s...
1.1M 36.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
The Villain You Never Wish To Mess With ihartubhie

Подростковая литература

29.9K 240 4
People frequently ask me why I'm this way and what's wrong with me. What people fail to mention is who caused me such severe harm and how they destro...