Rogue and Prowess

By mariahenerala

298 30 11

Erdavistan is a model country in Asia. It is an ideal place as it is full of riches and harmonous peace broug... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 3

27 3 0
By mariahenerala

Terrorists or Rebels?

Nagising ang batang babae nang marinig ang ingay sa labas ng kan'yang kwarto. Tumayo s'ya at pupungas-pungas na lumabas ng kwarto. Nagmasid s'ya sa paligid hanggang sa may nagtakip ng kan'yang bibig mula sa likuran.

"This is mommy, Kassia." Bulong ni Kyena Noriega sa kan'yang anak at agad n'ya itong binuhat at nagmamadaling tumakbo. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingaw sa gitna ng madilim na gabi ngunit hindi na iyon alintana pa ng mag-ina at dumeretso sa itaas ng kanilang bahay.

Sa panahong ito ay magulo pa ang lahat. Wala pang naitatalagang bagong mamumuno sa Erdavistan matapos mapatalsik sa pwesto at mahatulan ng kamatayan si King Saachl Viado. Nag-usbungan din ang iba't ibang grupo na nais samantalahin ang kahinaan ng bansa ngunit nariyan din ang mga organisasyong nagnanais lamang na mapabuti ang lahat, katulad ng Tieria Dominions. Hindi nais ng organisasyong ito ang kapangyarihan bagkus ay huwag lamang mapasailalim ang Erdavistan sa kamay ng AUP dahil batid nilang gagamitin sila nito bilang isang matalim na espada at pananggalang laban sa mga kaaway ng AUP. Erdavistan is known for its wealth, and powerful military force among asian countries.

"Wear this." Utos ni Kyena sa kan'yang anak nang makarating sila sa isang fighter jet na pagmamay-ari nilang mag-asawa. Dahil hindi na bago kay Kassia ang ganitong mga senaryo ay hindi na s'ya umiiyak pa katulad ng pangkaraniwang bata.

"Honey, we're on board now. Lilipad na kami. I set a time bomb on the house for 15 minutes. Can you do it?" Tanong nito sa linya. Napatingin naman ang bata sa kan'ya na nasa likuran n'ya. Nasa loob sila ng isang double seater fighter jet that can also be operated by a single pilot if combat is not needed.

"That's enough, honey. Is Sia there?" Tanong nito. Pinalipad na rin ni Kyena ang fighter jet na sinasakyan nilang mag-ina dahil ilang minuto na lang ay sasabog na ang buong bahay nila. Iyon ang plano nilang mag-asawa, ang pasabugin ito upang walang matuklasan na kahit ano tungkol sa Tieria Dominions ang mga tauhan ng AUP.

"Daddy, I'm safe. Let your plane fly higher than us." Saad ng bata na animo'y naglalaro lamang silang mag-ama. Natawa naman doon si Dion dahil sa talino ng kan'yang anak. Batid n'yang nauunawaan na nito ang nangyayari sa kabila ng murang edad.

"Roger!" Sagot ni Dion sa anak. Napangiti naman si Kyena sa kabila ng pagtakas nila at nag-aabang na panganib.

"Honey, the bomb." Paalala ni Kyena ngunit biglang tumunog ang kan'yang radar na nangangahulugan na may papalapit na unknown aircraft sa kanila.

"Hon, mukhang mapapalaban kami." Nagpanic naman silang mag-asawa dahil dito. Hindi makakayanan lumaban ni Kyena dahil limitado lamang ang magiging galaw n'ya dahil sakay ang anak.

"I love you, daddy." Sabi naman ni Kassia bago patayin ng kan'yang mommy ang koneksyon sa kan'yang daddy. Sinikap ni Kyena na kumomekta sa papalapit na mga aircraft dahil hangga't maaari ay ayaw n'yang lumaban pa. Ngunit halos sumabog s'ya sa inis nang marinig ang kabilang linya.

"This is Flight Lieutenant Ian Mordino of AUX-2145 of Autonomous Union for Peace. State your identity or we will acknowledge you as an enemy." May diin ang bawat salita nito at puno ng pagbabanta.

"This is Kyena Noriega, the pilot on board of KYN-9021. I am with my kid; we just want to be safe from—" hindi na natapos pa ni Kyena ang sinasabi nang paputukan sila nito. Mabuti na lamang ay mabilis s'yang nakaiwas. 

Wala s'yang ibang ginawa kung hindi ang umiwas habang binilisan n'ya pa ang pagpapalipad. Ngunit mas mabilis ang tibok ng kan'yang puso dahil sa kabang bago mapahamak ang anak sa isang maling galaw. 

"Kassia, can you see the red button on that handle?" Tanong ni Kyena sa anak habang tutok na tutok sa pagmamaniobra ng sinasakyang eroplano. Agad naman itong nakita ng bata dahil pamilyar ito sa instrument panel ng mga eroplano lalo pa't eroplano ito ng kan'yang mga magulang.

"I saw it, Mommy. What should I do?" Agad na pinanatili ni Kassia ang buong atensyon sa kan'yang ina.

"You are good at firing games, right?" Tanong nito at agad tumango ang bata kahit hindi n'ya lingunin ang bata ay alam n'yang nakikinig ang anak.

"Can you see those aircrafts on your screen? I want you to target them. You only have 20 rounds. Fire when I told you to do so, I am counting on you, my princess." Mahirap para kay Kyena na ibaba ang utos na iyon sa anak dahil batid n'yang hindi lang basta aircraft sa video games ang patatamaan nito dahil bawat isa ay katumbas ng buhay. Ngunit wala s'yang pagpipilian, it's either them o buhay nilang mag-ina.

"I'm your Lieutenant now, Mommy." Reklamo naman ng batang si Kassia na parang naglalaro lang. Naglandas naman ang luha ni Kyena sa sagot ng anak ngunit mabilis n'ya rin itong pinahid.

"I'm sorry, my Lieutenant. Please don't hate me when you finally understand what's happening." Hindi naman nakasagot ang bata dahil hindi n'ya naiintindihan ang sinabi ng kan'yang ina.

"I love you, Colonel." Tugon ng bata at sumaludo sa kan'yang ina at agad na sinunod ang utos ng kan'yang ina.

"I love you, too, Kassia." Matapos ang pag-uusap ng mag-ina ay katahimikan ang namagitan sa kanila. Tanging ang sigaw lamang ni Kyena ang maririnig upang bigyan ng hudyat ang anak. Ngunit hindi n'ya mapigilang mapasinghap sa bawat balang natatanggap ng kalaban na gawa ng kan'yang anak na walang kamalay-malay ng mga panahong iyon.

Buong akala nila ay tapos na ang laban nang tamaan nila ang kahuli-hulihang eroplanong lumilipad ngunit nagulat s'ya nang may dumating na panibagong pangkat. Mas marami at mas magagandang klase ng eroplano ang dala nito.

"Mommy!" Sigaw ni Kassia nang may makitang paparating na atake. Mabuti na lamang ay agad nakabig ni Kyena ang sinasakyan pakanan kung kaya't daplis lamang iyon. Ngunit alam n'yang kapag nagsabay-sabay ito ay hindi na nila ito pa makakayang takasan pa. Sa tagal n'yang pagiging piloto at sa dami ng laban na naipanalo n'ya ay ngayon lamang s'ya kinabahan ng ganito. Isa s'ya sa pinakamagaling na piloto ng Tieria Dominions ngunit sa pagkakataong ito ay kasama n'ya sa ere ang anak at kung babagsak man s'ya ngayon ay kasama n'ya rin ito.

"Honey, umalis na kayo, I'll handle them." Biglang nabuhayan ng loob si Kyena nang magpakita sa screen ang asawa. Napangiti rin si Kassia nang makitang ligtas ang daddy n'ya at nakasakay na ito sa kan'yang jet fighter.

"I saw what you did there, Lieutenant. You save your mommy." Nakangiti man s'ya sa anak ay hindi pa rin mapawi ang lungkot sa katotohanang sa murang edad ng bata ay kumitil na ito ng buhay. Hindi naman n'ya masisi ang asawa dahil kung hindi n'ya iyon ginawa ay paniguradong wala na ang mag-ina n'ya ngayon.

"We'll go to Faira. Siguradong kailangan din nila ng tulong." Agad na nag-iba ng direksyon ang eroplanong sinasakyan ng mag-ina, samantalang hinarang ni Dion ang mga kalaban.

"This is fighter pilot Dion Noriega of KYN-9022 of Tieria Dominions fighting for Erdavistan's freedom... and for my family's sake. Live, honey, Kassia. I love you more than this country and this world." Iyon ang mga huling salitang binitawan ni Dion bago n'ya patayin ang komunikasyon sa kan'yang mag-ina.

Naalimpungatan ako at hinayaang maglandas ang luha ko. Malinaw na malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang alaala ng nakaraan.

"Mommy, Daddy, they are here. Anong gagawin ko?" Bulong ko habang nakatingin sa puting kisame ng kwarto ko. Dinala ko ang aking mga kamay sa harap ko upang titigan. Ang mga kamay na ito ay makasalanan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ako nagpasyang maging doctor. Nagbabakasakali ako na kapag nakapagligtas ako ng tao ay mapapawi nito ang katotohanang minsan nang kumitil ng buhay ang mga kamay na ito.

Halos ilang buwan na ang lumipas simula nang dumating ako sa Urd at ang pagkikita namin ng Tieria Dominions. Hindi na rin nila ako ginulo pa at nagpapasalamat ako roon. Noong una ay napapansin kong minamatyagan ako ni Pierre, minsan ay nakikita ko rin si Travis sa palagid, ngunit hindi ko pinahalata na alam ko ang ginagawa nila dahil hangga't maaari ay hindi ko gugustuhing magkaroon ng koneksyon sa kanila. Mukha namang hindi nila kailangan ng doctor sa organisasyon.

Naging maayos ang pananatili ko sa Urd. Mas nakilala ko rin ang lugar na ito at hindi ko pa rin mapigilang maawa sa kalagayan ng mga tao rito. Habang tumatagal ay mas lalo akong nakukumbinsi na tama ang desisyon ko na pumunta rito. Matagal ko nang gustong magtungo rito ngunit nagkasakit si Mama, brain cancer. Nang malaman namin iyon ni Marah ay agad naming pinatigil sa trabaho si Mama kaya't si Marah na ang pumalit sa kan'yang pwesto. Noong una ay nagtuturuan pa kaming dalawa kung sino ang papalit dahil parehas namin ayaw. Sa huli ay napilitan na rin s'ya dahil mas matanda s'ya sa akin.

Ginugol ko ang oras ko sa tungkuling sinumpaan ko—ang pagliligtas ng buhay. Nagbibigay din ako ng libreng serbisyo sa mga tao kung may pagkakataon. Aaminin ko na ilang beses ko nang piniling iiwas ang aking mga mata sa karahasang araw-araw na sinasapit ng mga tao sa Urd. Hindi ko kayang makita ang paghihirap nila at wala akong magawa.

Isang malakas na ingay mula sa alarm ng ospital ang umalingawngaw sa paligid. Narinig ko ang ingay sa labas ng kwartong kinalalagyan at maging ang mga kasamahan kong kanina'y prenteng nakaupo ay nag-uunahan na ring lumabas. Wala kaming ideya kung anong nangyayari. Ngunit lalong nagpasidhi ng kaguluhan ang sunod na putok ng baril na nagpayuko sa lahat.

Mabilis akong lumabas sa hallway at mas malaking kaguluhan ang sumalubong sa akin. Hindi magkamayaw ang mga pasyente at maging ang mga empleyado ng ospital sa pagsalba ng kanilang sarili.

Ano bang nangyayari? Bakit may umaatake sa ospital? Sino?

Gustuhin ko man tumulong ay hindi ko alam kung kanino magsisimula. Minabuti ko na lang bumaba sa ground floor upang malaman ang nangyayari. Pagbaba ko sa hagdanan ay napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang pagsigaw.

Tumambad ang mga katawan sa paligid at wala nang mga buhay. Alam kong ang karamihan sa kanila ay mga sibilyan lamang na nadamay sa kung anumang nangyayari sa ospital na ito. Ang ospital na akala ng lahat na s'yang magdudugtong sa kanilang buhay.

Napadako ang tingin ko sa isang pamilyar na tao na nakaluhod at umiiyak. Tumakbo ako roon upang daluhan s'ya.

"Cayenne!" Tawag ko nang makalapit sa kanya. Tumingin s'ya sa akin nang may luha ang mga mata.

"Kassia, si Tatay. Iligtas mo si Tatay." Pagmamakaawa n'ya sa akin habang hawak ang kamay ng ama niyang nakahiga sa sahig. May tatlong tama s'ya ng bala. Isa sa dibdib at dalawa sa tiyan. I checked his pulse pero wala na iyon. Napatigil at tiningnan ko na lang si Cayenne.

"Kassia, 'di ba doctor ka? Please oh..." pagmamakaawa n'ya sa akin pero alam kong wala na akong magagawa pa para iligtas ang tatay n'ya.

"Cayenne, I'm sorry." Nangangatal ang mga kamay ko at hindi ko maalo ang kaibigan ko.

Doktor na ako, bakit hindi ko pa rin magawang makapagligtas?

Ang pag-iyak na lang ni Cayenne ang naririnig ko. Hindi ko s'ya magawang hawakan dahil nahihiya ako. Doktor ako pero wala akong magawa para iligtas ang tatay n'ya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

"Sia!" Napalingon kami ni Cayenne nang may sumigaw ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang may nakatutok na baril sa amin. Agad akong natauhan at niyakap si Cayenne. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kan'ya.

"Kassia!" Sigaw n'ya kasabay ng putok ng baril na umalingawngaw sa paligid. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay ang balang kikitil sa akin ngunit wala akong maramdaman.

"Fuck!" Rinig ko ang nagmamadaling yapak ni Pierre papunta sa amin. Nilingon ko s'ya at nakita kong may hawak s'yang baril. Nakita ko rin na nakahandusay na ang lalaking kanina ay nakatutok lamang sa akin ang baril.

Sila ba ang may gawa ng kaguluhan ngayon?

"You have to get out of this!" Sabi n'ya at hinila na n'ya ako patayo. Nilingon ko si Cayenne ngunit nanatili pa rin s'yang gulat.

"Cayenne" malambot ang boses ko dahil sa guilt na nararamdaman ko sa nangyari sa tatay n'ya.

"Ayoko na. Katapusan na namin." Saad n'ya at nagsimula ulit s'yang umiyak. Tiningnan ko si Pierre at nanghihingi ng tulong sa kan'ya. If I wasn't able to save her father, kahit s'ya na lang dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati s'ya ay mamamatay dito.

"Damn girls!" Rinig kong bulong ni Pierre na namomoblema na rin sa amin. Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko.

"I won't leave her. They won't touch her kung kasama n'ya ako, I'm from Astraea. Darating din ang mga friedens pa—" hindi na n'ya ako pinatapos pa.

"Fuck! Nag-iisip ka ba? Tingin mo maililigtas ka pa rin ng estado mo? Those rebels will definitely kill you, uunahin ka pa nila kapag nalaman nilang galing ka sa Astraea!" Rebels? Hindi ba't silang Tieria Dominions ang mga rebelde at kumakalaban sa gobyerno? I wonder if they are the ones created this mess.

"Aren't you one of them?" Tanong ko na lalong nagpainis sa kan'ya. Nakarinig kami ng pagsabog mula sa west wing ng ospital kaya't agad n'ya akong hinila pababa.

"I don't care what you're thinking right now but you have to survive, Sia." Bulong n'ya sa akin at inalalayan na akong tumayo ulit.

Wala na talaga akong naiintindihan ngayon pero dahil sa paglitas n'ya sa akin kanina, alam kong wala s'yang planong patayin ako whether they are the ones behind this or not.

"Pierre!" Napalingon kami sa bagong dating na lalaki, si Travis. Lumapit s'ya sa amin at tiningnan ako.

"Bring her with you. She's a civilian." Saad ni Pierre at tiningnan si Cayenne na parang wala nang planong umalis doon. Hindi na kami nakaimik pa ni Travis dahil hinila na ako ni Pierre. Nakarating na kami sa isang sasakyan na nakapark malayo sa ospital.

"Paano si Cayenne?" Tanong ko nang makapasok na kami parehas sa sasakyan.

"Travis will bring her to the safe zone kasama ang ibang civilian na naligtas na namin." Saad n'ya at pinatakbo na ang sasakyan. Napalingon naman ako sa ospital na nasusunog na ngayon.

"Anong nangyayari? Bakit sinusugod ang ospital?" Tanong ko kay Pierre na hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan.

"Those are rebels... or terrorists, sila ang sumugod. We don't know their reason yet but they are not part of Tieria Dominions." Is he trying to clean their names?

"But you are rebels too. Paano kita paniniwalaan? Maybe you just save me because of my parents' connections to you." Nakita kong napailing s'ya sa sinabi ko na parang isang kahibangan ang narinig n'ya.

"I don't owe you an explanation. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." Hininto na n'ya ang sasakyan sa isang hotel malayo sa Kung Thep Medical Center. Malapit lang ang condo na tinutuluyan ko roon kaya delikado kung doon n'ya ako ibababa.

"I save you as a civilian and I hope this is the last time." Ito na ang pangalawang beses na iniligtas n'ya ako. At dahil wala naman silang mapapala sa akin siguradong hindi na nila ako poprotektahan pa sa susunod. Nagkataon lang siguro na nakita n'ya ako kanina.

"Thank you, Pierre. Please don't get caught." Iyon na lamang ang sinabi ko at lumabas na ako ng sasakyan n'ya. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin s'ya.

Bumili na lang ako sa isang botique ng damit dahil mukha akong galing sa gyera. Well, totoo naman. I only got my phone with me kaya tumawag ako sa mga kasamahan ko sa ospital ngunit walang sumasagot.

Napagdesisyunan ko na lang na umuwi muna sa Astraea dahil wala akong babalikan ngayon. Siguradong ilang araw din hindi makapag-ooperate ang Kung Thep. Sana lang ay nandoon na ang mga frieden knights at ang royal army para hindi na lumaki pa ang kaguluhan. Pero may parte pa rin sa akin na hinihiling na sana ligtas din sila Pierre at Travis. I know they are good people even they are part of Tieria Dominions.

"Dr. Grace?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. The cardiologist! What is he doing here?

"Sabi na nga ba. Isn't your shift now? May umatake raw sa Kung Thep ah. I'm actually on my way there." Dere-deretsong sabi n'ya nang makalapit sa akin. So, hindi n'ya duty ngayon sa ospital?

Inaya na n'ya akong pumasok sa isang coffee shop na pinaunlakan ko naman. Baka may balita na kung sino ang nasa likod ng pag-atake at ano ang dahilan.

"Yes, a friend helped me to escape and brought me here." Sagot ko at naupo na. Naupo na rin s'ya sa katapat kong upuan and ordered for us.

"Oh glad! I was so worried about you." Madramang sabi n'ya kaya 'di ko naiwasang mapairap.

"Do you have news about it? Sino 'yung umatake sa Kung Thep and their motives?" Pag-iiba ko sa topic namin dahil paniguradong lalandiin na naman n'ya ako.

"Rebels? Terrorists? Sino pa ba? Nandoon na rin daw ang friedens at maging ang royal army kaya paniguradong hindi lang simpleng panggugulo 'yon." Napahigpit ang hawak ko sa baso. Tama s'ya. Hindi mangingialam ang royal army kung hindi mga rebelde ang may gawa nito pero bakit kailangan sa ospital? Bakit kung saan mahihina at walang laban ang kailangan nilang idamay?

Magsasalita pa sa ako nang marinig kong tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nakitang unregistered number. Kumunot ang noo ngunit sinagot ko pa rin. Sinenyasan ko muna si Dr. Midel na sasagutin ito.

"Who's this?" I am expecting that it is Pierre or Travis or anyone from them but to my surprise it is someone unexpected.

"It's Kreo..." sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Kreo and I are not that close at isa lang ang dahilan kung bakit s'ya tatawag sa akin.

"What happened to Marah?" Halos bulong na tanong ko dahil natatakot ako. Alam kong hindi ko magugustuhan ang kung anumang balita ang maririnig ko tungkol sa kapatid ko.

"She got into an accident. Nasa ICU s'ya ngayon." Halos mabitawan ko ang cellphone ko at hindi ko na magawang magsalita. Ang pagpipigil na lamang ng iyak ni Kreo ang narinig ko sa kabilang linya.

Ang ate Marah ko... s'ya na lang ang natitira sa akin.



AN: Terrorism is a hot topic today because of the Anti-terror Law or Republic Act No. 11479. Based on this, there are guidelines to consider to affiliate somebody or an act to terrorism. I won't state any further as respect to everyone's opinion since this story isn't created to attack any political views. Moreover, rebellion/rebels and terrorism/terrorists have slight difference. Rebellion is expressing resistance against the order of an established authority. It is a general term that includes terrorism However, terrorism is a form of rebellion that causes terror, usually to the public. Take note that rebellion doesn't always include violence. It can be done in a more peaceful act. 

If you want to talk about the Philippines and its anti-terror law or want my stand about it, you can dm me here or on twitter. I just want to inform you, now. It's not yet the right time to indulge my views here, maybe on the next chapters? hhmm...

Continue Reading

You'll Also Like

702K 47.3K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...