PHILOXENIA ACADEMY: Love To S...

By Meraaakii

58.5K 1.1K 18

"NO! PLEASE DON'T!" I closed my eyes as tears started to escape from it. "PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO! ACE! DON... More

Philoxenia Academy : A Love of Stranger
Disclaimer
Author's Note
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 4

116 7 2
By Meraaakii

CHANDICA

PAGMULAT ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang madilim na kalangitan. Nagtataka ako kung pano ako napunta dito pero hindi ko dun tinuon ang atensyon ko, kundi sa isang mabangis na hayop na nasa harapan ko.

Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sakin at handang kainin ako ng buhay. Umaagos ang mga masaganang dugo sa bibig nito na animo'y galing sa pagpatay.

Nasan ako? Pilit kong inaalala kung pano ako napadpad sa madilim na kagubatan pero ni isa'y wala akong maalala.

Umalulong ito na parang nagtatawag ng kasamahan bago humakbang papalapit sa'kin. Di ko maiwasang manginig dala ng takot at pagkalito.

Ba't ako narito?

Maya maya pa'y nagsidatingan ang iba pang kauri nito. Hindi nga ako nagkamali't nagtawag ito ng mga kasama.

Pilit akong tumayo sa kabila ng panginginig ng tuhod ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Binubuka ko ang bibig ko pero walang ingay na lumabas.

Mas lalo pa akong natakot ng malaman kong nag sasalita pala ako pero walang ni isang ingay na lumalabas. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita, ngunit wala talaga akong marinig.

A-Anong nangyayari? Hindi pa naman ako pipi!

Muli akong humarap sa hayop na nasa harapan ko. Ganu'n nalang ang gulat ko ng bigla itong naging katawang tao. Hubad ang pang itaas nito at tanging isang bahag lang ang nakatakip sa kanyang maselan na parte.

Ngumisi ito ng nakakatakot bago nagsalita. "Kamusta, aming tagapagmana?" Itinaas nya ang kanyang kamay, kahit may kalayuan sya'y napansin ko agad ang isang buwan at rosas na tattoo sa baba na kanyang siko. Medyo maliit ito pero kitang kita ko. "Maganda, hindi ba?" Tanong nya nung mapansin nya ang pagtitig ko roon. Hindi ako sumagot, dahil wala din naman yung silbi. Walang lalabas na boses sa bibig ko.  Hinayaan ko lang syang magsalita.

"Wag kang mag alala, you are the Moon torn by Rose after all."

A-Ano?

Hindi kita maintindihan. Pagtatanong ko pero wala paring lumabas sa bibig ko. Tila parang narinig nya naman yung naging sagot ko dahil mas lumaki ang ngisi nya, kalauna'y napatawa sya.

"Maiintindihan mo din yun sa susunod. Just be ready." Tumalikod sya sakin, "Coz anytime soon. We will be back. We will be claiming our rightful heir to the throne." Pumitik sya bago sya naging anyong hayop ulit.

"We'll be claiming----"

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING CINDY?"

Para akong sinapak sa ulo ng sampung beses nung bumalik ako sa reyalidad. Bigla akong nahilo at napatumba, buti nalang ay may sumalo sakin kaya hindi ako napaupo sa malamig na sahig.

Nung mawala na yung hilo ko, tiningnan ko kung sino ang nagsalo. Isa pala yung lalaki na matipuno ang katawan. Una kong napansin ang mata nyang kulay asul, para akong hinihigop nito pag patuloy ko 'tong tinititigan. Sumunod ang tingin ko sa kanyang buhok na Dark Blue. Bumagay yun sa kanya sapagka't napakagwapo nya.

Puno ng pag aalala ang mga mata nya habang nakatingin sakin.

"Are you okay, miss?" Ang boses nya ay napasarap pakinggan. Bigla naman akong nahiya. Tumango nalang ako bilang sagot.

Binaling nya ang tingin kay Cindy, kapansin pansin ang pagbabago nya ng mukha, naging seryoso ito. "What were you thinking? You could've get her drowned!" Ang tono nya ay parang leon na tinatakot ang magiging biktima nya.

Gwapong leon.

Jusqo! Nasa ganito na nga akong sitwasyon nagawa ko pang maglandi.

Tinayo nya ako saka binitawan. Ay, bat mo 'ko binitawan bhi3. Sana pala di nalang ako tumayo. 

Lumapit naman sakin ang tatlo at todo paghingi sila ng tawad sa'kin. Sinabihan ko naman sila na okay lang at walang nag eexpect na mangyayari yun. Napahinga naman sila ng maluwag sa naging sagot ko.

"Why did you do that?" Naagaw ng pansin ko ang nagsalita at mukhang hindi lang ako ang napalingon sa kanya kundi pati ang iba pang mga estudyante, ngayon ko lang napansin na pinapalibutan na pala kami dito sa cafeteria na animo'y nanunuod ng isang action film.

Hanep maki usyo ah. Chismosa?

Napakaseryoso ng mukha nya. At gaya ng una naming pagkikita, magulo parin ang buhok nito at wala sa ayos. Kumpara sa'min, sya lang ang hindi nakasuot ng uniporme.

Naninigas si Cindy nang malaman nya kung sino yung nagtatanong. Ang mga alipores nya sa likuran ay nag atrasan din sa takot. "K-Killian.." maging ang boses nya'y naapektuhan dahil halata ang panginginig dito. "I-I didn't get the chance to make her Hallucinate! It was.. It wasn't me who was controlling!" Pagtanggi nya, umiiling pa sya.

"Who else, then?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Aiker,

"I swear! I swear it wasn't me! I was trying to get into her head but someone took over and controlled i---"

"Leave." Pagputol nya sa pagdadahilan ni Cindy. Natigil naman sya.

I scoffed. Kahit kelan ay hambog din 'to.

"P-Pardon?" Kahit si Cindy ay litong lito sa tinuran ni Aiker. Hindi mapalagay ang mga mata nya kaya't kung saan saan lang ito tumitingin. Nag- aalala siguro sya dahil maraming nakatingin at amapapahiya sya.

"Leave."

I scoffed again, c'mon, ano bang leave yan?

"Ganyan talaga sya Chan, masanay ka na.." bulong ni Alisha sa tenga ko. Alam na alam talaga nya ang kuya nya. Sabagay, magkapatid nga e.  Napairap tuloy ako ng tuluyan.

"I said fcking leave. I wanna eat."

Jaw dropped.

Say what?! Pinapaalis nya kasi gusto nya daw kumain?

Nag aatubiling sumagot ang bruha, "O-okay? I'll just go back to our table a---"

"No. Stupid. Leave the cafeteria. Your face annoys me." Napanganga ulit kami sa sinabi nya. Ni ako ay hindi makapaniwala. Hindi kumibo si Cindy at nanatili lang ang tingin sa sahig. Napansin ito ni Aiker. "Are you fcking deaf? I said leave." Nag aalangan syang humakbang palayo. Tinapunan muna ako ng masamang tingin ni Cindy na para bang sinasabi nyang 'humanda ka sakin, magtutuos tayo, hindu pa ako tapos sayo.' bago sya umalis sa kinatatayuan nya at lumabas ng cafeteria.

Deym.

Dumako ang tingin ng mayabang sakin, at napangisi. "Woman," pag tawag nya. Ayan nanaman po ang woman nya. " You're still stupid. " matapos nyang sabihin yun sakin ay tumalikod na sya at pumunta ng counter.

Another jaw drop. What the fish?!


MATAPOS ang ingkwentro namin sa Cafeteria ay naging usap usapan iyon sa Campus. Pag talaga chismis may pakpak. Kung saan saan napapadpad. Ang bilis kumalat. Daig pa si Flash. Napag alaman ko ding sikat pala iyong grupo ng bruha. Isa kasi sya sa mga makapangyarihan at kinakatakutan dito si school. Pero napahiya sya kanina ng asungot. HAHA!

And guess what, sumikat din ako! Pero hindi dahil maraming humahanga sakin, kundi dahil maraming nambabash! Amputspa, marami akong narinig na masama tungkol sakin. Sipsip, bitch malandi, pasikat, at kung ano ano pang nakakapanakit na salita! Mind you, english yun lahat ha? Napaka judgerist naman nila. Di pa nga nila ako kilala!

Mga pipol talaga, nakikinig lang sa one sided story. Todo bash agad sila ket di pa nila alam kung anong kwento ng isa. Hmf!

Sinabihan naman ako ng tatlo na wag ko nalang pansinin iyong mga pinagsasabi ng mga tao. Nginitian ko nalang sila at tinanguan. Sa totoo'y sanay na akong ganun sa dati kong school. Kaya medyo wapakels na ako.

Tao din pala ang turing nila sa sarili nila, akala ko kasi kung ano. Engkanto? Char. Tao naman daw sila, pinagkaiba lang ay yung kapangyarihan nilang taglay.

Good news ay nalaman kong magkaklase din pala kami nila Keya. Kung kaya't laking pasasalamat ko sa headmistress.

Bad news, section A pala 'to.  Puro malalakas ang mga nandidito. Ang iba sa kanila'y elemental ang Xenia. Nakwento din ng tatlo na lahat ng royalties ay nandito. Di ko tuloy maiwasan na kabahan.

Bat nga ba ako napunta dito?

Pano kung malaman nilang WALA AKONG XENIA?? Ang sabi sakin ni Charvia, para daw makaiwas ako sa gulo ay mas mainam na hindi ko muna isasapubliko na hindi ko pa natuklasan ang magic ko. Baka kasi ay ako ang maging target ng mga bullies. Mahirap kasi ang hierarchy sa academy, ayon sa kanya.

Yung mga higher tiers ay pinagtitripan ang mga mas mababa pa sa kanila. May god-tier, high-tier, mid-tier at ang pinakamababa, ang low-tier. Medyo nakakatakot isipin na ako yung pupuntiryahin nila kaya mabilis akong sumang-ayon sa suhestiyon nya. Huhu isa pa naman akong low-tier. Tas unit 0 pa ako!

Sabi din nya na ang lahat ng royalties ay nakatungtong na sa high tier.

Edi sana lahat.

Yung pagkakalagay nga ng ID ko, nakakulob. Para hindi nila makita kung anong status ko.

Naroon na pala ang prof pag pasok namin. Dire diretso ang paglakad ng tatlo sa kani-kanilang upuan. Gustuhin ko mang sumunod, hindi ko pa alam kung saan ako uupo. Hello, bago pa po ako dito.

Tinawag naman ako ng prof, medyo may katandaan na sya at medyo strikta, kahit ganun ay sinisigaw parin ng mukha nya na kagandahan sya nu'ng panahon ng kabataan nya.

Nakasaad sa tag nya na sya si Lilith Aatwood. History teacher.

"Class, this will be your new Classmate, she came from the mortal realm." Nag ingay ang buong klase pero agad din naman silang pinatahimik ni prof. "She's not yet familiar with our hierarchy and history here, that's why please bare with her. Be nice." Pagkalibot ko ng tingin, akita kong napairap si Cindy, oh no. Kaklase ko pala ang bruha.

Deym.

"Could you please, introduce yourself in front of the class?"

Humarap ako sa mga kaklase ko. Jusqo andami pala namin. Tantya koy nasa 30+ kami. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "Hi everyone, uhm I'm Afroz----holy shezzwhiz!" Hindi ko natuloy ang pagpapakilala dahil biglang kumalabog ng malakas ang pinto, sobrang lakas nito kaya napaigtad ako sa kinatatayuan ko, nagulat.

p0tata.

Niluwa dito ang isang imahe ng napakasamang uri ng demonyo---char. Iniluwa dito si Aiker. Napakagulo parin ng buhok. And same as always, feeling cool. Nasa likuran naman nya yung hero ko.. este yung nagsalo sakin kanina. Shet. Ang gwapo. May tatlo pang nakasunod na lalaki na hindi ko kilala pero pamilyar ang mga mukha nila.  Sila yung kasama ni Aiker dun sa caféteria. Hoho I admit, lahat sila gwapo at malakas ang dating.

"Mr. Trevor, for the last time. Don't kick my door." Hindi nya pinakinggan si prof at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Nakita ko pa syang tumaas ang labi nung dumaan sa harapan ko. Pero agad din naman yung nawala. Si Hero ko naman ay ngumiti ng matamis sakin, kumaway pa sya kaya lihim naman akong napatawa ng mahina.

Ang kyot! Ang sarap pisilin ng mga pisngi nya!

Rinig ang pagbubuntong hininga ni ma'am. Mukhang masakit sa bangs yung mayabang na yun. "Continue your introduction"

Muli akong huminga ng malalim, "I'm Afroza Chandica Vileo. I came from the city of Jehomia.." Inantay pa nila kung may sasabihin pa ba akong kasunod. Napansin ni ma'am na wala na kaya inutusan nya na akong umupo dun sa bakanteng upuan sa 3rd row, 5th column. Tinungo ko naman yun, sinundan lang ako ng tingin ng mga kaklase ko. Yung iba nagbubulungan at tumatawa. Naupo na ako, nilagay ko ang bag ko sa harapan ko. Nalaman kong nasa likuran ko lang pala si Aiker kaya nakakailang. Feeling ko limitado ang mga galaw ko dahil randam na randam kong nakatingin lang sya sa likod ko. Char! Assuming lang talaga ako.

Mas nagulat ako dahil katabi ko pala ang Hero ko. Oh my gulay. Bigla akong nanlata. Lalo na nung ngumiti sya na nakapalaglag ng panty ko. Char ulet.

Hindi naman sya katabi ko talaga dahil 1 step apart kami. Hiwa hiwalay kasi ang mga upuan. Hindi sya armchair tulad ng inaasahan ko kundi isang desk na kulay puti. May malalagyan ka din sa ilalim na mga gamit dahil may parang cabinet do'n. Yung upuan ko ay napakalambot kaya napakakomportable umupo. 'Di tulad
Sa nakaraan kong school. Mananakit nalang ang pwet mo kakaupo.

"Prof!" Napalingon kaming lahat sa nagtaas ng kamay.

"Yes Mr. Rock?"

"I was just curious, kung ano ang Xenia ng bago naming kaklase." Bigla akong nanlamig sa naging tanong nya. 'Di ba pwedeng kung anong paboritong kulay ko nalang ang itanong nya? Dahil dito'y napatingin ang lahat ng kaklase ko sa'kin.

Oh please, kung pwede lang akong lamunin ng lupa ngayon o di kaya'y himatayin nalang ako. Huhu! Tulong!

"That would be classified, Andrew." Narinig kong pagsingit ni Alisha. Na sense nya siguro na delikado pag sinabi kong wala.

"What? He just asked what her xenia is. Is there something wrong with that?" Sumingit na din yung iba naming kaklase. Napalunok tuloy ako. Wala naman yung problema, kung sana may magic lang ako! E wala! Kaya malaking problema!

"You're too nosy!" Si Charvia.

"Bat ba kayo ang sumasagot? Dapat si Ms. VILEO diba?" Si Cindy. Lumingon tuloy silang lahat. sakin ulit.

Kahit labag sa kalooban ko'y sasagot nalang ako. "I-I do---"

"Enough." Pagputol ng taong nasa likuran ko. Lahat ay tumahimik.

Lihim akong nagpasalamat sa kanya dahil wala nang nagtangkang magtanong pa.

Buti naman.

Kapansin pansin ang tensyon na nangibabaw sa loob ng klase. "Okay that's enough." Si Prof na ang pumutol sa tensyon. "Respect Ms. Vileo if she's not yet ready to share her Xenia." Tumingin sya sakin. "I apologize for their attitude." Ang sama sama ng tingin sakin ng iba kong kaklase pagkatapos yun sabihin ni prof.

"Anyways, you're lucky Ms.Vileo, because the class just started last week. I haven't tacled the history of Philoxenia yet." Medyo nagulat ako sa sinabi nya.  Kakastart lang pala nila last week? Samin kasi ay magdadalawang buwan  na. "I assume all of you, already knows this. But history of Philoxenia is our topic for today." Maririnig ang sari-saring reklamo ang narinig ko sa classroom. Ako nama'y tahimik lang at nakikinig. Gusto ko ding malaman kung ano ano yun.

May pinindot syang kung ano dun sa white board. Nung una ay di ko alam bat sya pumipindoot dun e wala namang keyboard, o ano do'n. yun pala ay may hologram na parang keyboard.

Biglang may lumbas na picture presentation sa hangin. Nanggagaling yun sa libro. Nag dim ang lahat ng light at sumarado ang mga pinto't bintana.

Woah. Ang cool!

" The generations of Xenia's came from god and godesses. They created not only the mortals but those who possessed something that is supernatural. In short, our Xenia's."
Nag project dun ang drawing na gumagalaw. Nakita ko dun ang pagkagawa ng universe. Yung mga unang tao at at mga ninuno namin. Kung pano bigyan ng mga gods ang ibang tao ng kapangyarihan.

"Mortals tends to be scared of something that they can't understand. And our kind, our magic is one of the things thet haven't understood.

That's why the clash of the mortals and Xenias existed. Because humans, tried to hunt us down and kill us all.

At first there's a family that recruited a lot of people with Xenia. The family of Philoxenia. They gathered together because the collision between two kinds are dangerous. We cannot live on the same roof. We cannot breath under the same air they're breathing. We just can't. And that's all because they think we're the enemy. Lots of our kinds we're taken and killed." Nakita ko dun ang pagpatay ng mga tao sa mga tulad nila. Napatakip tuloy ako ng bibig at di mapigilang maawa sa mga nadakip at napatay.

"The recruitments grew bigger and bigger. Until the population growed.
Their leaders decided to keep their excistence from any other human forms." Gumawa sila ng Barrier na invisible para hindi makita ang mga presensya nila sa mga tao. Yun pala ang tinutukoy ng head mistress na barrier daw.

"That's why Philoxenia was created. The origin of the realm came from the first family."
Ipinakita doon ang mumunting village ng lugar. Hanggang sa lumaki ito at naging malawak.

"So as they were living a different realm away from the mortals,
gods and godesses have to make sure that the Xenias should be balanced."

How? Mumunting tanong ng isipan ko.

"There must be 'the good' and 'the evil'. Just like how the world was created with 'angels' and 'demons'.
In that way our realm will be balanced."

"And once upon a time, there were one lovers, but opposite xenia. One possesses the light, the other was dark. Fate was the hindrance of their love. Because the woman, was made to be the leader of the Good. While the man, was made to be the leader of evils." May dalawang magkasintahan do'n, nung una'y magkayakap sila hanggang sa napaghiwalay.

"They were the most perfect people with xenias in their time. Just like Lucifer and Messiah. The man was wrongly accused. Causing him to turn his back from the people of Philoxenia and isolated himself. Then he came up with the idea of creating chaos. Revenge is what he wanted."

Naging pula ang hologram

"A battlè was made. Many suffered. Many lives of Philoxenia was lost.
And that created a crack from the two sides. Duisternis was the opposite of Philoxenia. It brings nothing but darkness." Nagproject ang isang digmaan. Madugo ang naging labanan. Marami ang nasawi. Ngunit nagwagi parin ang Philoxenia.

"The was the first and last war between the two clans. I hope." Bumuntong hininga sya.

"The orracle says that there's one that has to be the bridge of two sides that has collided. But one thing is for sure." She paused. Ang susunod nyang sinabi ay nakapagpatayo ng balahibo ko. "They'll be back."

Hindi ko alam, pero bigla kong naisip ang lalaki kanina, yung may tattoo. Sinabi nyang babalik sila. Babalik daw sila. Hindi ko alam kung sino yung SILA na tinutukoy nya. At hindi ko alam kung sino yung babalikan nila. Bakit ba nagpakita sakin yung taong yun?

Konektado kaya yung sinabi ng prof na Taga Duisternis? Hindi kaya ay isa sya sa mga dark magic user? Pero bat naman sya sakin nagpakita? Wala akong kinalaman sa kanila. Baguhan pa lang ako dito. Pero siguro ay may iba din syang tinakot.

Hindi din naman ako sigurado kung totoo ba yung nakita ko sa mala paniginip kong yun. Sinabi kasi ni Keya na Hallucinations ang kayang ibigay ni Cindy sa oras na magkaroon kayo ng physical contact.

Nag hahallucinate lang ba ako 'nun o hindi? Itinanggi din ni Cindy na hindi daw sya ang may kagagawan dun dahil may ibang nag kontrol...

Nanlaki ang mga mata ko. Lalong lalo na sa panghuling sinabi ni ma'am. "Philoxenians have Sun and crest in their mark. While the Duisternians' official mark are.. the Moon and rose"

Doon ko napagtagpi tagpi ang lahat. Kung ganun.. Totoo lahat ng yun!
Nakipag usap sakin ang isa sa mga Taga DUISTERNIS!

———————

Note:

Philoxenia- fi lo se nya
Duisternis- das ter nis
Vileo- vi le yo
Aiker- ayker
Charvia- char vi ya
Xenia - sen ya

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 93.8K 58
Astrid has never stepped out her house. She didn't know that her parents hitting her wasn't right. She always thought that's how it works. So what ha...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

321K 11.7K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
60.6K 4.9K 32
๐‘จ๐’ˆ๐’‚๐’“ ๐’•๐’– ๐‘บ๐’‰๐’Š๐’— ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’‰๐’‚๐’Œ๐’•๐’Š, ๐‘ป๐’– ๐‘น๐’‚๐’Ž ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’Š๐’•๐’‚, ๐‘ป๐’– ๐‘ฒ๐’“๐’–๐’”๐’‰๐’ ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘น๐’‚๐’…๐’‰๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’‹๐’‚๏ฟฝ...
7.5M 210K 21
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...