The Seductive Doctor (Savage...

Oleh Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something Lebih Banyak

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 53

128K 4.2K 856
Oleh Maria_CarCat

Protection









Kita ko ang panginginig ng aking kamay na nakahawak sa kanya. Napuno ng luha ang aking mga mata.


"Ako si Frances...ate Fidez" umiiyak na ulit ko. Hindi pa din siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Alam kong nabigla siya sa aking sinabi.


Biglang nawala ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong pilit kong hanapin sa ikaibuturan ko  ang galit na matagal ko ng nararamdaman para sa kanya ay hindi ko na mahanap. Wala na akong ibang nararamdaman kundi ang pangungulila. Sigurado ako, siya ang ate Fidez ko.


Napaawang ang labi ko kasabay ng paghikbi ng bayolente niyang hinawi anv kamay kong nakahawak sa kanya.



"You are not Frances!" madiing sabi niya sa akin. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata, ngunit sa kabila nuon ay nakita ko din kung paano tumulo ang kanyang mga luha.


"Ako si Frances. Alam ko...naaalala ko" paninigurado ko sa kanya pero wala siyang ibang ginawa kundi ang umiling.


Halos mapaiktad ako ng sigawan niya ako. "Shut up!"


Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nagbabadyang paghagulgol. Muli niyang sinubukan na lumakad palayo kaya naman muli ko siyang hinawakan, pero ngayon mas marahas niyang tinabig ang aking kamay.


"Fidez!" galit na sigaw ni Kenzo. Pareho kaming natigilan dahil sa nakakatakot na pagsigaw nito. Malalaking hakbang ang nagawa niya kaya naman mabilis siyang nakalapit sa amin.


Napadaing si Fidez ng mahigpit niyang hinawakan ang braso nito. Nagulat din ako kaya naman mabilis akong tumayo para daluhan sila. "Kenzo wag..." suway ko sa kanya.



Pero hindi niya ako narinig. Matalim ang tingin niya kay Fidez, maging sa kanyang paghinga ay kita kung gaano siya kagalit.


"Ang sabi ko, wag mong sasaktan ang asawa ko" madiing sabi niya dito.


Hindi nagpatalo si Fidez. Nakipagsukatan siya ng tingin kay Kenzo, patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha habang nakatitig dito. "Bakit hindi mo itanong sa asawa mo kung bakit siya lumapit sa akin. Ako lang ba ang palaging may kasalanan dito?" galit at madiin niyang tanong kay Kenzo.


Napaawang ang bibig ko ng lumipat ang tingin ko sa kamay ni Kenzo na mahigpit pa ding nakahawak sa braso ni Fidez. Halos mamula iyon.


"Kenzo. Tama na...kasalanan ko" pagako ko. Hindi pa din sana niya ako papansinin kaya naman ako na mismo ang humawak sa kamay niyang nasa braso nito para alisin niya.


Napabuntong hininga si Kenzo. Ramdam ko ang frustration niya kaya naman nanahimik na lamang ako. "Kailan mo ba matatanggap na asawa ko si Sera? Fidez ang tagal na nating problema ito, hanggang kailan mo panghahawakan yang galit mo. Hindi naman ako nawala sa inyo, itinuturing pa din kitang kaibigan ngayon. Kayo ni Andrew!" mahabang litanya ni Kenzo. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha, kagaya ni Fidez. I see how broke she is right now.



Tama si Kenzo, matagal ng issue ito. Pero sa nagdaang taon parang hindi pa siya nakamove on. Para bang masyadong malalim ang galit niya para sa akin na kahit ang panahon ay hindi nagawang tanggalin iyon sa kanya. Masyado niyang inalagaan ang galit niya sa akin kaya naman hanggang ngayon ay ayaw pa din niya sa akin.


Napasinghap ako ng marinig ko ang paghikbi niya. Halos malukot ang kanyang mukha dahil sa pagiyak. "Dahil inagaw niya ang lahat sa akin! Hanggang kailan ako makikipagkumpetensya sa kanya? Siya palagi? Kahit siya ang mali!...Lagi na lang si Sera ha!?" galit na asik niya kay Kenzo.


Naiintindihan ko ang pagkunot ng noo ni Kenzo. Gulat din siya sa mga lumabas sa bibig ni Fidez. Ngayon alam ko na, ang lahat ng ito ay hindi lamang dahil sa ako ang pinili ni Kenzo. Masyadong malalim ang galit ni Fidez na mukhang nagsimula pa nung mga bata kami.


"Fidez, ano bang..."



"Anong nangyayari dito!?" galit na taong ng kararating lang na si Kuya Frank. Muling tumulo ang aking masasaganang luha. Dumiretso siya kay Fidez para damayan ito. Walang pagaalinlangang yumakap si Fidez dito.


"Ano nanaman ito, Kenzo!?" galit na utas niya.


Hindi nakapagsalita si Kenzo. Nanatili din akong tahimik sa kanyang tabi, hanggang sa dumating din si Mandee. Tinahan niya si Fidez habang matalim ang tingin sa akin, para bang kahit hindi na siya magtanong ay nasisigurado niyang ako ang may kasalanan dito.


"Kuya, umalis na tayo dito please" umiiyak na pakiusap ni Fidez sa kanya.


Marahan niyang tinahan ito. Nagpasya silang umalis na pero hindi ako pumayag.


"Kuya Frank" tawag ko sa kanya. Nagulat silang lahat, maging si Mandee ay nagulat din. Naramdaman ko ang paghawak ni Kenzo sa aking siko.


Dinuro ako ni Fidez. "Shut up with your lies!" sigaw niya sa akin.


Narinig ko ang galit na protesta ni Kenzo dahil sa panduduro nito sa akin. Pero hindi iyon ang importante sa akin ngayon.


"Ako si Frances...kuya Frank!" pag amin ko. Dahil sa aking sinabi ay natahimik silang lahat. Nasa akin ang mga mata nilang lahat, hindi ko napagilang mapahagulgol.


"Ako si Frances. Kuya Frank!" paguulit ko. Sinubukan kong lumapit sa kanya para yumakap ngunit hindi ako nagtagumpay ng muli akong itulak ni Fidez.


Nagkasigawan. Namutawi din ang malutong na mura ni Kenzo na kaagad din naman akong nasalo. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kuya Frank. Hanggang sa mas lalo akong nabigo ng umiling siya.


"Nahanap na namin si Frances. Paanong naging ikaw?" tanong niya sa akin.


Sinubukan ko ulit lumapit sa kanya pero hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng niyakap na ni Kenzo ang bewang ko. Hindi na niya ako hinayaan na lumapit sa kanya.



"Baby...shhh. Calm down" malambing at paulit ulit na bulong niya sa akin.


Desperadong hinarap ni Fidez ang kapatid.
Hinawakan pa niya ito sa magkabilang balikat na para bang gusto niyang makinig ito ng mabuti sa kanya.



"Wag kang maniwala sa babaeng iyan. Nahanap na natin si Frances. Hindi siya si Frances" paulit ulit na sabi nito.


"Ako si Frances!" sigaw ko. Hindi ko na napigilang sigawan sila, hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanila ang lahat. Naiintindihan ko namang nabibigla pa sila ngayon. Pero bakit ayaw nilang buksan ang isip nila sa posibilidad. Alam ko kung ano yung mga naaalala ko, ako si Frances at sigurado akong kung sino man ang nakita nila ngayon ay isang impostor.



"Anong kaguluhan ito!?" galit na utas ng kararating lang na si Dr. Federico. Sa kanyang likuran ay nakasunod ang pekeng  Frances. Naikuyom ko ang aking kamao, hindi ko napigilan ang aking sarili sa kagustuhan na sugurin siya.


"Sera!" sigaw ni Kenzo sa akin ng makawala ako sa kanya. Naiyak sa takot yung babae at kaagad na nagtago sa likod ni Dr. Federico, mabilis na dumalo sina Fidez at Mandee dito.


Natigilan lamang ako ng si Dr. Federico na mismo ang humarang sa aking harapan. Nakakatakot ang tingin niya sa akin, pero imbes na matakot ay mas lalo akong naiyak.


"Wag mong sasaktan ang anak ko" pagbabanta niya sa akin.


Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Narinig ko pa ang pagprotesta ni Fidez, gusto niyang palayuin si Daddy sa akin. Ayaw niya talagang makilala ako ng mga ito.


Nanatili ang titig ni Dr. Federico sa akin na para bang naguguluhan din siya, hindi niya din alam kung bakit ako umiiyak ngayon sa kanyang harapan.


"Daddy..." tawag ko at pumiyok pa. Muling susugod si Fidez sa akin pero napigilan siya ni Frank.


Nabato sa kinatatayuan niya si Dr. Federico. Para bang hindi pa nagsisink in sa kanya ang itinawag ko sa kanya. Buong tapang ko siyang tiningala, kahit pa puno ng luha ang aking mga mata. "Daddy...naaalala ko na po. Ako si Frances. Ako si Frances!" pagpapakilala ko sa kanya.


Nakita ko kung paano pumula ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Daddy..." patuloy na pagiyak ko.


Marahan siyang umiling. "Hindi ikaw ang anak ko. Andito na si Frances" naguguluhang sabi niya sa akin, tukou sa babaeng tinatahan na ngayon ni Mandee.


Marahan akong umiling. Wala na akong nagawa pa. Kaagad akong yumakap sa kanya, mahigpit na yakap. Gusto kong magpaliwanag pa pero hindi ko na nagawa, dinama ko ang pagyakap ko sa kanya. Sobrang bigat ng dibdib ko, naghalo ang sakit at saya dahil sa wakas, sa nagdaang ilang taon ay muli kong nayakap si Daddy.



"Daddy ko...kinuha nila ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Malinaw na sa akin ang lahat, nung pitong taong gulang ako ay may kumuha sa akin. Inilayo ako sa kanila, nawala ako sa kanila sa nagdaang taon.


Patuloy ang pagyakap ko sa kanya. Hanggang sa umeksena na ang babaeng nagpakilalang Frances. "Bitawan mo ang Daddy ko!" sigaw niya sa akin at pilit akong inilalayo dito. Hindi ako nagpatinag, mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya kahit anong pilit nilang ilayo ako dito.



"Ako ang totoong Frances!" sigaw ko sa kanya. Hindi siya nagpatalo, susubukan sana niyang hilahin ang buhok ko ang kaso ay naunahan siya ni Kenzo, mabilis na humarang si Kenzo dito para hindi niya ako masaktan.


"Daddy!" sigaw ni Fidez.


Nagulat ako at hindi nakagalaw ng makita ko kung paano humawak si Daddy sa kanyang dibdib. Para bang naninikip ito. Mabilis na dumalo si Fidez at Mandee, hindi nagtagal ay may lumapit na ilang lalaki para gabayan si Daddy palabas ng Venue pasakay sa kanilang sasakyan.



Hindi ko na nasundan ang lahat, para akong nakalutang at hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Basta ang alam ko lang ay nagmamadali nilang isinugod si Daddy sa hospital.



"Kenzo, sumunod tayo!" natatarantang sabi ko.


Hindi siya nagsalita, hinila niya ako palapit sa kanya at tsaka niyakap. "Kenzo, maniwala ka sa akin. Ako si Frances!" umiiyak na sabi ko habang yakap yakap niya ako. Halos manghina ako, walang naniniwala sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko para lang maniwala sila sa akin. Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang pagkatao ko.



"Maniwala ka..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.


Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Naniniwala ako sayo. Tutulungan kitang patunayan sa kanila...baby tutulungan kita. But please, buntis ka Sera" madiing paalala niya sa akin.



Mas lalo akong napayakap sa kanya dahil sa aking panghihina.


Sinubukan naming magtungo sa hospital pero nasa lobby pa lamang kami ay may humarang ng ilang bodyguard sa amin. Hindi ito hospital ni Kenzo kaya naman wala kaming magagawa. Makapasok man kami ay hindi naman kami makakalapit kung nasaan si Daddy.


May ilang tinawagan si Kenzo. Nanghihina akong umupo sa may gilid ng hall samantalang siya ay ginagawa ang lahat para makakuha kami ng balita dito. Nanatili akong tulala sa may sahig, takot at pagaalala ang nanghahari sa akin. Paano kung may mangyari kay Daddy? Paano na ako, ngayon pa kung kailan naaalala ko na siya?


"Dr. Sandoval..." salubong ni Kenzo sa isang Doctor na mukhang ka-age niya lang. Sandaling napasulyap ang doctor ba iyon sa akin bago niya ibinigay ang buong atensyon niya sa aking asawa.


"Maayos na si Tito Federico. Pero pasencya na, utos ng mga Del prado ito. Ayaw nilang madagdagan pa ang stress ni tito Federico, alam mo namang he is too vulnerable lalo na sa age and heart condition niya" paliwanag nito kay Kenzo.


Napatango si Kenzo at problemadong napabuntong hininga. "Naiintindihan namin. Pero sana, pwede kaming makahingi ng update sa condition niya. Nagaalala ang asawa ko para sa Daddy niya" paliwanag niya dito.



Kumunot ang noo ng Doctor at kita ko ang kanyang pagtataka ng tumingin siya sa akin. Muling bumagsak ang mga mata ko sa sahig, kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil narinig ko kung paano ako pinaniwalaan ni Kenzo. Kahit pa hindi ko pa inikwekwento sa kanya ang lahat ay naniniwala siya sa aking sinasabi. Malaking bagay na sa akin na kakampi ko siya ngayon.



Gustuhin ko mang manatili duon ay hindi maaari. Bukod sa wala naman kaming mapapala dahil kahit anong hintay namin duon ay hindi kami makakalapit kay Daddy. Pinanghawakan ko na lamang ang ibinalita sa amin na stable na ang kalagayan niya at nagpapahinga na lamang. Isa pa, ayokong maistress din si Kenzo, masyado siyang nagaalala sa akin at sa baby namin.



"Sabi ko na nga ba...ayaw nanaman nila sa akin" sumbong ko sa kanya at pumiyok pa.


Pareho na kaming nakahiga sa kama. Nakayakap ako sa kanya habang ikinikwento ko ang lahat ng mga naaalala ko.



"Hindi ko alam kung sino ang Frances na iyon, pero sigurado akong, ako ang totoong Frances Del Prado" sabi ko pa kay Kenzo. Napatango tango siya, naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking ulo.



"Aayusin ko ang lahat bukas. Wag kang masyadong magisip. Gagawa ako ng paraan para maniwala sila sayo..." paninigurado niya sa akin.



Nakatulog ako ng gabing iyon. Marahil ay dahil na din sa pagod at kakaiyak. Nagising ako kinaumagahan na nakayakap pa din kay Kenzo. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang oras. Masyado ng tanghali para sa pasok niya sa hospital.



"Morning" bati niya sa akin bago ako makatanggap ng halik sa aking noo.



"Ang trabaho mo..."


Marahan siyang umiling. "Aayusin natin ang problema sa mga Del Prado ngayon" sagot niya sa akin kaya naman muling uminit ang gilid ng aking mga mata at niyakap siya ng mahigpit.



"Thank you Kenzo. Simula nuon, ikaw lang palagi ang naniniwala sa akin" emosyonal na sabi ko.


Muling bumalik sa akin ang lahat. Sa kung paanong siya lang ang meron ako nuon, na hangga't nasa tabi ko siya ay ayos na ang lahat. Na para bang wala na akong kailangan pang iba dahil si Kenzo lang ay sapat na. Kahit hindi ako magaling sa school at ilang beses na sinasaktan ni Mr. Serrano dahil sa pagiging mahina ko ay hindi niya iyon ipinaramdam sa akin. Siya lang ang nakakaappreciate ng lahat ng effort ko, siya lang ang nagcecelebrate ng mga achievements ko...maliit man o malaki.



Muli kong naramdaman ang halik niya sa aking ulo. "Baby. I'm so proud of you...sa kahit na anong bagay" paalala niya sa akin.


Kagaya ng sinabi niya sa akin, wala kaming sinayang na oras. Maaga pa lang ay nanduon na si Gust sa aming bahay kasama ang ilang tauhan niyang ipinakilala niya sa amin na tumutulong sa paghahanap ng information. May isa din na galing naman kay Kenzo.



"Hindi kaya...may alam si Frank?" tanong ni Gust sa amin.  Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Sandali kaming natahimik sa sinabi ng isa sa kanyang mga tauhan.


Lahat ng kanilang transaction at operation ay hinaharang ng isang security agency at iyon ang companya na pinamumunuan ni Frank.



"Pero, kakampi ko si Kuya Frank. Bata pa lang..." sabi ko sa kanila. Hindi ko kayang magisip ng masama sa kanya. Alam ko kung gaano niya ako kamahal nuon.


Nagtaas ng kilay sa akin si Gust. "Eh kasi nga, hindi naman ikaw si Frances ngayon. May iba silang kasamang Frances kaya pake ba niya sayo..." paliwanag pa niya sa akin na may kasama pang pagirap.


Napanguso ako at natahimik din kagaya ng iba. Si Kenzo ay seryosong nakikinig din sa aking tabi. Paminsan minsan ay nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo at ilang beses na paghila sa akin para mas lalong magkalapit ang aming katawan.



"Depende po ito. Pwede kaya ganito ang ginagawa nila ay dahil may pinoprotektahan sila" sabi ng isa sa mga tauhan ni Gust. Napatingin kaming lahat sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa ilang mga papel na nasa kanyang harapan.


"Pwedeng kaya ayaw niyang makakuha tayo ng impormasyon ay dahil pinoprotektahan niya si Frances Del Prado" pagpapatuloy pa niya.


Napayuko ako. Nakaramdaman ng sakit dahil pakiramdam ko ay ang layo layo ko kay Kuya Frank ngayon, gayong sobrang close namin dati. Masyado siyang protective nuon sa akin dahilan kung bakit inaaway ako palagi ni Ate Fidez.


"It's either. Ang Pekeng Frances o kaya naman kayo Ma'm...ang pinoproteltahan niya" seryosong sabi nito sa akin. Halos mamanhid ang buong katawan ko dahil sa pagsisitayuan ng balahibo ko.


Napaiktad ako ng pumalakpak ang Gagang si Gust. "Pwede pwede!" pagsangayon niya.


Muli kong naramdaman ang paglapit ni Kenzo sa akin. "Meaning, pwedeng kakampi natin si Frank..." sabi niya sa akin. Nilingon ko siya ay nginitian.


Napahalukipkip si Gust at preskong sumandal sa may Sofa. "Pakiramdam ko, may banta sa buhay ng totoong Frances kaya ganito? Sa tingin mo?" tanong niya sa tauhan niya.


Napatango ito. "Marami na po kaming ganitong case na nahawakan. Malaki po ang possibilidad na ganito nga ang ginagawa ni Frank Del Prado..." sabi pa niya. Bayolente akong napalunok, ang isiping pinoprotektahan ako ni Kuya ay sobrang nakakaantig ng puso. Hanggang ngayon, wala nagbago. Kung paano siya magaalala para sa akin nuon ay ganuon din hanggang ngayon.



Dahil sa konklusyon na aming nagawa ay sinubukan ni Kenzo na kausapin ito. Pero bigo siya dahil bukod sa hindi niya ito macontact sa personal number man o sa company ay hindi namin alam kung saan at kung paano namin siya makakausap.


"One step at a time. Alam kong atat ka na, pero buntis kang gaga ka..." pagaalala ni Gust sa akin kaya naman tipid  ko siyang nginitian. Mahigpit ko siyang niyakap dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit nalagpasan ko ang pinakamadidilim na parte ng buhay ko.



Umalis si Kenzo kasama ang isa sa mga tauhan niya. Si Gust naman ay may sariling lakad kaya naman muli akong naiwang magisa sa bahay kasama si Kianna. Tahimik kaming nanunuod ng Korean drama ng makareveice ako ng message mula sa hindi kilalang number.



Unknown number:

Pumunta ka sa lugar na ito, kung gusto mong makita ang Daddy mo.


Nagdalawang isip pa ako nung una. Halos hindi ako mapakali kakaisip kung tutuloy ba ako o hindi. Natatakot ako, ngunit mahigpit na ipinagbawal sa akin ng sender  na wala akong dapat pagsabihan. Gustong gusto kong magpatulong kay Kenzo o kaya naman kay Gust pero natatakot din akong mawala ang offer sa akin sa oras na malamang hindi lang ako ang nakakaalam nito.


"Alam ba ni Kenzo na aalis ka?" nagaalalang tanong ni Yaya Annie sa akin ng magpaalam ako sa kanya.


Tipid ko siyang nginitian at tinangaun. Humalik ako sa aking anak bago ako sumakay sa isa sa mga itim na SUV ni Kenzo. Pinuntahan ko ang lugar kung saan ang napagusapan. Halos magtambol ang aking dibdib dahil dito, pero tinatagan ko ang aking loob.


Mula sa malayo ay nakita ko na ang dalawang malaking itim na SUV na mukhang kanina pa naghihintay sa aking pagdating. Mas lalo akong kinabahan ng makita kong naalarto ang ilang lalaking mukhang bantay. Gusyo ko na lang sanang bumalik at umatras ngunit nandito na ako.


Isa sa mga lalaki ang nagbukas pa mismo ng pintuan ko ng ihinto ko ang sasakyan. Iginaya niya ako patungo sa isang itim na SUV sa harapan, binuksan ang backseat at pinasakay ako duon.


Bago pa man ako makaupo ng maayos ay napasinghap na ako at napaiyak ng makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa loob. Walang pagdadalawang isip ko siyang niyakap lalo na ng makita ko kung paano namula ang kanyang mga mata.


"Kuya Frank!" umiiyak na tawag ko. Mas lalo akong napahahulgol ng ginantihan niya ang yakap ko sa kanya.


"Ako si Frances" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko ang ilang beses niyang pagtango sa akin.


"Alam ko. Alam ko...Frances" sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong yumakap sa kanya.


Tsaka lang ulit siya nagsalita ng pareho na kaming kumalma. Nagtagal ang halik niya sa aking ulo. "I'm sorry kung medyo matagal kitang nakita ulit...pero para ito sayo" sabi niya sa akin. Paulit ulit na hinaplos ng likod ng kanyang palad ang aking pisngi.


"Kamukhang kamukha mo si Mommy" nakangising sabi niya sa akin pero ramdam ko ang lungkot.


Last year lang namatay si Mommy kaya naman muli akong umiyak ng ikwento iyon ni Kuya Frank sa akin.


"Pero hindi naniniwala si Daddy" sumbong ko sa kanya.


Muli niya akong hinila at hinalikan sa ulo. "Hindi naging madali kay Mommy at Daddy ang pagkawala mo nuon. Naulit iyon ng mamatay si Mommy last year..." kwento niya sa akin kaya naman napatango ako. Sigurado akong hindi naging madali ang pinagdaan nila, lalo na si Daddy dahil wala na si Mommy.


"Inampon nina Mommy at Daddy si Fidez sa pagaakalang hindi na ulit mabubuntis si Mommy...matagal ka naming hinintay. Kaya naman nung nalamang buntis si Mommy at babae, nabaliwala si Fidez" kwento niya sa akin.


Nanatili akong tahimik na nakikinig kay Kuya Frank. "Siya din ang nakahanap sa pekeng Frances. Hinayaan ko siya, pinaniwala ko siyang tanggap ko ang babaeng iyon para protektahan ka..." sabi pa niya sa akin na ikinagulat ko.



"Protektahan po saan?"


Napangisi siya. "Anak ka ni Federico Del Prado...alam mo ba kung gaano ka kayaman?" pangaasar pa niya sa akin.


"Sayo lahat ipapamana ni Daddy ang negosyo sa iloilo. You are born to be a Haciendera" sabi pa niya sa akin. Napanguso ako.


"Hindi naman iyon ang kailangan ko Kuya. Kayo ni Daddy..." sabi ko pa.


Tumango siya sa akin na para bang alam niyang totoo ang atensyon ko at wala ng iba. "You are our princess..." malungkot na sabi niya sa akin na para bang sinasariwa niya ang masasakit na panahong nawala ako sa kanila.


"At napadpad ka sa mga Serrano? Paano ka nila tinrato?"


Napatingin siya sa akin. Napatitig din ako sa kanya. Hindi ko magawang ikwento sa kanya kung paano ako pinagbubuhatan ng kamay ni Mr. Serrano, at sa kung paano ko halos kitilin ang buhay ko nung nasa guam ako.



"Ang mahalag, nahanap ko ulit kayo ni Daddy" nginitian ko siya kahit may lumandas na luha sa aking mga mata.


"At balita ko, buntis ka? Binuntis ka ng Herrer na iyon" galit na sabi niya kaya naman napanguso ako.


"Mahal ako ni Kenzo, at mahal ko din siya Kuya...sila ng anak namin" sabi ko sa kanya. Napatango siya.


"Dapat lang..."


Dadalhin ako ni Kuya sa hospital room bi Daddy para makita ko siya. Pasikreto lamang iyon kaya naman kailangan naming magingat.


"Sa tingin mo, may kinalaman si Fidez sa pagkawala ko nuon?" tanong ko sa kanya.


Umiling si Kuya Frank. "Bata din si Fidez nuon. Pero ang mga totoong magulang niya...Oo" sagot niya na ikinagulat ko.


"Eh si Mandee...kaano aano natin si Mandee?" tanong ko pa.


"Pinsan" maiksing sagot niya.


Napatango na lamang ako. Kahit ayaw ko ay wala na akong magagawa pa.



"Pero bakit kailangan pa din akong protektahan ngayon?" panguusisa ko.



"Dahil marami ang may gusto na makuha ang lahat ng para sayo..."


"Kagaya nino?"



Napabuntong hininga siya. "Si Fidez at si Mandee. Kung hindi kita nakita, malamang sa kanila ipapamana ni Dad ang lahat"


"Pero bakit kailangan pa nila ng pekeng Frances?"


"Dahil nakita ka na nila bago pa kita makita"















(Maria_CarCat)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

128K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
92.9K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022