Mesi d'Amore: Gennaio

By strange_writer_0321

706 24 4

***This is a Filipino-English story.*** Mesi d'Amore is an Italian phrase which means 'Months of Love'... More

Mesi d' Amore : Gennaio
Disclaimer
Aesthetics
About the Book
Prologue
010119 - You and I
010219 - We're Like
010319 - Fireworks and Symphonies
010419 - Exploding in the Sky
010519 - With You
010619 - I'm Alive
010819 - The Missing Pieces
010919 - Of My Heart
011019 - They Finally Collide

010719 - Like All

16 2 1
By strange_writer_0321


"My goodness! Nakilala na niya ako! Tss!" Aaaaaaggghhhh! I dug my head under my pillows and started screaming. "Waaaahhh!"

He even remembered that we kissed. Tsk.

I can still see his face and hear his voice whenever I close my eyes. Paulit-ulit na rume-rehistro sa ala-ala ko yung eksena kanina, bago ako makauwi sa bahay ni Tita.

We kissed that night, right?

We kissed that night, right?

We kissed that night, right?

We kissed that night, right?

We kissed that night, right?

"Yeah! Yeah! Sinabi ko na lahat kanina. Tigilan mo na ako please, Felix! Gusto ko ng matulog!" Ani ko habang inis na inis pa rin ako sa sarili ko sa mga sinabi ko kanina sa kanya.

Nung sinabi niya kasi yung kanina ng patanong, halos parang binuhusan ako ng sobrang lamig na tubig. I even felt the sweat in my temple habang iniisip kung anong magandang palusot ang sasabihin ko. Pero he cornered me totally, kaya napaamin na ako kung sino talaga ako.

"Um. Oo, ako nga yun." Napalunok pa ako pagkatapos magsalita.

"Hahaha! Bakit hindi mo agad sinabi?" He laughed as soon he heard me confirm my identity. That gay who kissed him, he kissed, for fun.

"K-kasi, ayoko lang maalala mo na ako yun. Ganun."

"Bakit naman? We had a good time that night di ba? .. Tama ba ako?" He asked me. Naalala niya ba talaga yung gabing yun? Parang hindi naman eh. The way he talked to me, parang laging patanong kasi hindi niya alam talaga. Parang ganun. Ganun ba siya kalasing para maging malabo ang gabing yun sa kanya? Tsk.

"T-talaga bang naalala mo yung gabing yun, Felix?" Sambit ko na hindi makatingin sa kanya. "Para kasing hindi ka sigurado eh."

"Hahaha! Ano ka ba? I'm just asking. Of course, I remember everything now."

Everything? Talaga? Shiiit! Baka pati yung ..

At nagsalita na nga siya .. "Magaling ka na bang humalik? Haha."

Sobrang nanlaki ang mata ko nang marinig ko yung kakaibang tanong niya. The heck! Tanda niya nga pati yun! Nakakahiya! "Stoooop!" Ani ko ng medyo mataas na ang boses.

"Fine! Fine! Alam ko na naaalala mo nga lahat. Tama na dun." I really don't want to hear more words that make me embarrassed more. I need to escape in this conversation, right away. Pero paano?

"Haha. Don't worry, Hugo. Hindi na kita aasarin about dun sa kiss-thing. For sure, you're better at it already." Sabi niya with so much confidence kasabay ng matamis na ngiti niya. Fuck! Kung alam mo lang, wala pa akong ibang nahahalikan pagkatapos mo, Felix. Tsk.

He also asked another question to me. "By the way, may I asked kung ilang taon ka nung una tayong nagmeet, Hugo?"

Ha? Is it really necessary? For time-related and age-related question, pwede naman tanungin ako in terms of present .. bakit pa dapat ibalik sa oras na 'yun? Hays!

"Um. Kaka-18 ko lang nun." Sagot ko sa kanya.

"Talaga?" Halatang gulat na gulat siya. "21 na ako nun eh. 3 years pala ang agwat natin."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nagtaka kasi halata na noon pa na he's more matured kaysa sakin. Not in his appearance, 'coz he's definitely baby face. But in his actions. And proof na rin yung expertise niya sa paghalik kaya I know he's older than me.

"Since it's just a year when that night happened, ibig sabihin 19 ka palang ngayon." Sabi niya sabay he stretched his arm and his hand took mine. "Nice to meet you again, Hugo."

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko na para bang kakatapos ko lang manakbo. Namawis din ng malamig ang palad ko sa kaba na dulot ng biglaang mga ginagawa ni Felix sakin ngayon. Tsk. Ano ba'to?

"I hope we can be very good friends starting today, Hugo. I'm sorry if I'm late to recognize you."

"Ha? Ah. S-sure. Oo naman .. Wala 'yun." Sagot ko naman. Okay lang ba talaga sa kanyang maging kaibigan ako?

Alam ko na mabuting tao si Felix, noon pa. Hindi siya yung tulad ng ibang lalaki na pinandidirihan ng sobra ang mga kagaya ko. Siguro ganun lang talaga siya ka-mature and ka-openmind in the community where I belong. He even crossed the line nung pinayagan niya ang sarili niyang makipagtukaan sa mahinhing baklang katulad ko. Just for fun. He didn't even regret that moment and until now, he sounded comfortable speaking to me. And he even offered me a good friendship.

Bago nagtapos ang pag-uusap namin sa street malapit sa mga bahay namin, he added another thing. "Um. Can we meet again tomorrow evening?"

"Ha?" B-bakit?

"Or I can wait for you in front of your store bago ka umuwi. Hehe." Ani ni Felix na parang nahihiya. Ako naman, naninibago sa kanya. Anong meron?

"Um. Bakit naman? Don't bother, Felix. It's not necessary. Hehe." I said. Baka lang kasi nahihiya siya sa ideya na hindi niya ako nakilala agad. How thoughtful of him. He's really sweet .. like his kiss. Ugh.

"Yeah. Pero kasi .. It's our last week here in Baguio. Gusto pa sana kita makilala. Would you mind?"

Wala na akong nagawa kundi umoo sa request niya. He seems sincere din naman kasi eh.

When I check my phone, it's already Monday morning. It's past 1 a.m., at hindi pa rin ako makatulog because Felix bothers me a lot. Tsk.

Ano ba 'yan? Papahirapan pa ako ng lalaking 'yun mag-isip ng magandang porma ko bukas para naman hindi nakakahiya pag nagmeet ulit kaming dalawa after my shift.


***


"Hi Hugo." Sambit ng lalaking tumayo pa mula sa pagkakaupo sa bench sa isang playground malapit samin. Si Felix.

"Hello. Kanina ka pa ba dito?"

"Hindi naman. Halos kakarating ko lang din. Kumain ka na ba?" Pagtatanong niya. Masyadong kalmado ang pag-uusap namin hindi kagaya nung tensyon at kaba na naramdaman ko kahapon nung nagka-aminan.

"Hindi pa. Nag-merienda lang ako, pero kanina pang 4 p.m. yun. Hehe." Sagot ko. Alas siete na rin ngayon kaya masasabi kong nakakagutom na rin talaga.

"How about dinner? You like?" Paanyaya niya.

"Um. S-sige. Saan ba?"

"I know a restaurant nearby. What do you prefer, a light or heavy meal?"

"Um. Light siguro?" Ani ko.

"Good. Wait here, I'll just get my motorcycle."

What? Motor? Ibig sabihin aangkas ako sa kanya? Hahaha! Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ako pero parang 'Date' ang pupuntahan namin Felix.

In no time, I saw myself riding his motorcycle behind him driving. "Kumapit ka, Hugo. Baka mahulog ka nan."

"H-ha? O-oo. Sige."

Kung iniisip mo na ang eksena sa motor habang nakaangkas ako ay kakapit ako sa laylayan ng jacket niya para masabing nakakapit nga ako .. tapos mapapansin yun ni Felix saka niya kukunin ang kamay ko at papayapusin sa bandang tiyan niya .. Well! Hindi ka nagkakamali! Hahaha! Ganun nga kasi ang nangyari.

I thought all these things only happen in a Thai or Korean or Chinese boys love stories. But it's really happening right now samin ni Felix. Grabe! Kinikilig na yata ako.

Pero I can't tell kung ako nga ba talaga ang bida sa kwentong ito o isa lang akong malaking extra sa drama na panira sa exposure time ni Felix. Na i-eedit-out ni direk sa later on.

Well, nothing's sure. All I can do is to enjoy these little things.


***


We had a great time in a 50's-inspired diner na pinuntahan namin ni Felix. We just ride for 10 minutes bago makarating dito.

Nagsimula na kaming maging open sa isa't isa. Isang bagay na napalampas namin nung una kaming nagkita. Hindi naman kasi sa pat ang sampung minuto sa loob ng saradong kwarto para maging close talaga kami agad. Plus the fact na we're not expected to be friends that time. Everybody there wanted to do something wild.

In a short time, I learned more about Felix's personality. And napatunayan ko agad na straight talaga siya na may malaking respeto sa mga katulad ko.

Kaso ang di magandang pakiramdam ay .. parang may tendency na mahulog ako sa kanya ng tuluyan. Nung una kasi kaming nagkita nung 2017, even we kissed, it's just a momentarily feeling of having a crush.

But tonight, there's a feeling na baka matukso masyado ang puso ko para bigyan siya ng pagkakataon na maging kandidato bilang partner ko. My gosh! Kinakabahan ako.

Hindi natapos ang gabing 'yun na hindi niya ako pinakitaan ng pagiging gentleman niya. I wonder if he has a girl right now. For sure, she really feels like a princess. How lucky!

He even dropped me off sa mismong tapat ng bahay namin. Para talagang date ang ginawa namin. Pero alam ko, at malinaw sakin na mabait na kaibigan lang talaga si Felix.

Ano kayang mangyayari pag nagpatuloy 'to? Ngayon pa nga lang, kilig na kilig na ang pusong babae ko. Hahaha. What more?

Pagkapasok ko sa bahay, sinalubong din ako agad ako ni Tita Rita. Yung isang part-timer nga pala ngayon ang pinagbantay ni Tita ng stall namin sa Night Market kaya nandito siya.

"Sino yun? Boyfriend mo? Manliligaw?" Pagtatanong agad niya.

"Po? Hindi po. Kaibigan ko lang po."

Ang swerte ko naman kung ganun man. Hays. Kaso hindi. 





Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...