Fucker Series #4: JOHAN (COMP...

By Enaruol

99.1K 2.5K 143

"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: f... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
XXX
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHPATER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
NEWS AND UPDATE

CHAPTER 18

1.6K 63 3
By Enaruol

"Rare, malapit na ba sila?"

"Ley, umalis si Rare"

Pumunta si Shannon sa kusina upang makapag-usap sila ng maayos ni Ley.

"Ahh, ganun ba? Bakit daw siya umalis?"

"Nainis yata sa'kin"

"Ha? Hindi naman mabilis mainis si Rare, ano ba nangyari?"

"Uhmm, kasalanan ko naman. 'Di ko itatanggi, eh malay ko ba kung chinacharot niya ako."

"Gaga! Ayusin mo kwento, hampasin kaya kita ng sandok? Tinatanong ko kung anong nangyari ta's sasagutin mo ko ng kasalanan ko naman kemerut."

"Sungit! Nasabi niya kasi sa akin na lahat silang magkakaibigan may sakit p'wera lang kay Blue, tapos ayun inano ko siya na—"

"Wait, teka! Anong inano ko s'ya? Ha? Hindi kita maintindihan."

"Sinabihan ko na baka ako yung dahilan eh mukhang ako naman talaga kung bakit nalagay doon si Johan. Tapos tinanong ko kung ano ang sakit niya... Psychopath daw. Hindi ako naniwala sa kanya kaya niloko ko, hindi ko naman—"

"Shit!"

Hindi pinatapos ni Ley ang sinasabi ni Shannon at bigla na lang niyang kinuha ang cellphone tiyaka tinawagan si King.

"Hello King?"

"Penge muna 100."

"Aissht! Anong gagawin kapag nainis si Rare?"

"Ha? Nainis siya sayo? Imposible"

"Hindi ako, 'yong friend ko."

"Ano nangyari nang mainis siya?"

"Umalis ng bahay."

"Ano itsura niya nang magalit siya?"

Tumingin si Ley kay Shannon.

"Cha, ano itsura?"

"Medyo nanginginig tas mahigpit ang kapit niya sa sofa."

Binaling muli ni Ley ang atensyon sa cellphone.

"Narinig mo ba? King?"

"Patay, itago mo 'yang kaibigan mo sa kasuluksulukan ng mundo."

"King naman, huwag kang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro, within three days they gonna play catch me if you can. Kapag nahuli ni Rare ang kaibigan mo, hindi mo na yan makikita. Baka mapunta lang siya sa Frisch Headquarters. Magtago kamo siya, huwag siyang lalabas at makikipag-usap kung kani-kanino lang."

"Alam ni Rare kung saan siya nakatira."

"Sige tutulong ako. Magempake na siya, naghahanda na 'yon si Rare. Pero mas maganda kung diyan na muna siya sa'yo mamaya pagdating namin ako na bahala."

"Sige, salamat."

Naputol ang linya at seryosong nakatingin si Ley kay Shannon.

"You made a wrong move. I told you don't provoke him, he is telling the truth about his condition and now you'll be his target."

Agad na kinabahan si Shannon at binalot siya ng takot. Umiling si Ley dahil alam niya kung ano ang kahihinatnan ni Shannon kung magkataon man na mahuli siya ni Rare. Nito lang din niya nalaman ang lahat at masuwerte siya dahil malapit siya sa buong kaibigan ni End dahil kung pagbabasihan ang ugali nila at ang init ng ulo baka una pa lang pinaglalamayan na siya.

"Ako na magsasabi sa'yo, matuwa ka kapag hindi ka pinansin ni Rare dahil kapag nakuha mo ang atensyon niya... Hindi ka tatagal ng isang araw at ilalagay niya sa garapon ang bawat parte ng katawan mo at naka-display iyon sa kuwarto niya sa Frisch. 'Yan ang sabi nila sa akin at kung hindi dahil kay End baka isa na ko sa natigok, alam mo namang matabil at masungit ako."

"Hindi ko akalain na ganoon si Rare, mag-iingat na ako sa susunod"

*Ding Dong*

Natigil sila sa pag-uusap nang marinig nila ang  pagtunog ng 'doorbell'.

"Ako na Ley."

Lumabas ng kusina si Shannon at dumiretso sa labas upang buksan ang pinto. Laking gulat niya na ang makikita niya ay si Johan. Malamig siyang tinitigan ni Johan at para namang naestatwa si Shannon.

"Pararaanin mo ba ako o hindi?"

"Uhm, puwede ba tayong mag-usap?"

"Hindi pa pwedeng papasukin mo muna ako bago tayo mag-usap? O baka naman mas gusto mong mag-usap dito sa pintuan?"

"Ahh, sorry. Pasok ka"

Tumuloy si Johan sa loob at kumportableng umupo sa sofa, sumilip naman si Ley mula sa kusina upang malaman kung sino ang dumating na bisita.

"Saglit lang Johan at nagluluto pa ko."

"Sige lang."

"Oo nga pala Johan iinom ba kayo dito mamaya?"

"Siguro, baka hindi na kami pumunta sa Frisch."

"Wala kasi akong inumin dito, baka puwedeng pasuyo naman... pabili ng alak."

"Sige. Penge pambili."

Kunwaring nalungkot si Ley habang kinukuha ang kanyang pitaka.

"Napaka kuripot talaga, dapat ikaw manlibre sa kanila! Kaibigan ko ba sila?"

"Pero bahay mo 'to"

"Naku Johan! Lumayas na nga kayo sa bahay ko! Hahaha"

"Touch move! Dito na kami kakain at iinom."

"Bwisit. Hahaha"

Nagbigay ng isang libo si Ley kay Johan tiyaka siya tumingin kay Shannon.

"Cha, samahan mo si Johan. Para matahimik naman ang mundo ko."

"Naku Ley, 'wag na. Ako na lang ang bibili."

"Hindi puwede Johan. Isama mo na si Shannon."

Napailing na lang si Johan tiyaka tumalikod. Naglakad siya papalabas ng bahay ngunit nang sasakay na siya sa kanyang sasakyan ay naramdaman niyang na may nakasunod sa kanyang likuran. Nang tingnan niya kung sino iyon, tumambad sa kanyang harapan si Shannon habang malaki ang ngiti sa labi.

"Sumunod ka sa akin"

Naglakad si Johan papunta sa isang tabi at mariing tiningnan si Shannon.

"Shannon, you win. Let's forget everything, ayoko na rin kasing mahirapan."

"Johan, I'm sorry"

"Wala nang magagawa 'yang paghingi mo ng tawad. Ayoko na ring isipin na may pag-asa tayong dalawa, sa umpisa pa lang mali na ang lahat."

"Johan..."

Kitang-kita ni Johan ang pagtulo ng luha ni Shannon ngunit wala siyang ginawa kundi ang tumayo at panuorin ang babaeng nasa harapan niya.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Ito ang gusto mo 'di ba? Hindi kita maintindihan!"

Napayuko si Shannon at dahil sa sobrang sama ng kanyang loob ay nanlambot ang kanyang tuhod hanggang sa siya ay napaupo sa sahig at umiyak na parang bata.

"Baliw ka na"

Matapos sabihin iyon ni Johan ay dali-dali siyang tumalikod at naglakad papalayo. Pumasok siya sa kotse at mabilis niya itong pinaandar. Sariwang-sariwa sa isipan niya ang nangyari sa ospital na iyon. Hindi niya napansin na lumalala na pala ang kanyang kalagayan, noong una akala niya ay natural ang lahat dahil sa nararamdaman niya kay Shannon ngunit dumating siya sa puntong gumawa siya ng sarili niyang mundo. Ang akala ng iba ay nakalimutan niya lang si Shannon ngunit dumating siya sa puntong nakikita niya si Shannon at pakiramdam niya ay may relasyon sila at walang sinuman ang humahadlang. Hanggang sa sinabi ng doktor na nagkaroon siya ng schizophrenia. Buti na lamang at hindi iyon malala at mabilis nagamot ng doktor sa ospital ngunit madalas siyang sumpungin ng kakaibang panaginip. Nahirapan siyang makatulog tuwing gabi at tumagal iyon ng isang buwan. Ang mahigit na tatlong buwan niya sa ospital na iyon ay nagsilbing impyerno sa kanya. Unti-unti tinanggap ng isipan niya ang katotohanan at ngayo'y nakakawala na rin siya.

Samantalang nadatnan naman nina King, Hier, U, Yller, at Hunter si Shannon habang nakasalampak sa sahig. Lumabas sila sa Van at dali-daling pumunta kay Shannon.

"Anong nangyari? Si Rare ba ang may dahilan kung bakit ka umiiyak?"

"Gago Hunt, kung si Rare ang may gawa edi sana hindi luha ang umaagos sa kanya kundi dugo. Baka si Johan ang nagpaiyak sa kanya."

"Manahimik nga kayong dalawa King. Nag-usap kayo ni Johan? Dumating na siya?"

Tumango lang si Shannon kay Yller bilang sagot.

"Pumasok na muna tayo sa loob."

Sumunod sila sa sinabi ni U at pumasok sila sa loob ng bahay ni Ley, nakahanda naman na ang mga pagkain.

"Ley, nasaan si Johan?"

"Pinabili ko lang ng alak. Mukhang iinom kayo eh."

"Salamat at nakalibre."

Binatukan ni Yller si King sa kanyang sinabi.

"Ulol ka talaga"

"Yller, hindi ka pa ba nasanay?"

"Atlis ako hindi iniwan ng babae. Hindi ba Hunter?"

Nag-asaran silang lahat hanggang sa makarating si Johan at nag-umpisa na silang kumain. Hindi na nila hinintay si Rare dahil alam naman nilang hindi na darating pa ang binata.

"Oo nga pala, sa bahay ka muna tumuloy ng isang linggo para mabantayan ka namin"

"Salamat, Yller"

Matapos ang salu-salong iyon ay sumama si Shannon kay Yller at inasikaso naman siya ng mga kasambahay sa mansyon ng binata.

"Ito nga pala ang susuotin mo. Bukas sasamahan kita sa bahay mo para makuha ang ilan mga gamit mo."

Inabot ng mayordoma ng bahay ang damit, pajama, at damit panloob kay Shannon.



"Sige, salamat talaga ng marami."

"Sumunod ka kay manang rosing papunta sa magiging kuwarto mo."

Sumunod si shannon sa sinabi ni Yller. Nang makarating sa kuwarto ay nagpasalamt siya kay Aling Rosing at nang siya na lamang ang natira ay nagpalit siya ng damit tiyaka inasikaso ang kanyang sarili bago matulog.

Habang nagmumuni-muni at nag-iisip kung paano makikipag ayos kay Johan ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang batok bago mawalan ng malay. Binuhat si Shannon ng isang lalaking nakaitim at lumabas sa kuwartong iyon samantalang si Yller naman ay nakatayo lamang sa gilid habang pinagmamasdan ang kaibigan niya.

"Salamat, Yller"

"Wala 'yon Rare. Ingat."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 29.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
281K 491 1
A robot. A puppet. A Barrel without anything. A body without an emotion. Ibrahim was called a man without an any emotion, he doesn't feel any pain, a...
153K 9.5K 27
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
231K 6.7K 52
|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan ni...