CHAPTER 19

1.6K 68 2
                                    

Nang makalabas si Rare sa mansyon ni Yller ay agad niyang isinakay si Shannon sa loob ng kotse.

"Andrew, go to my villa"

"Yes boss."

Si Andrew ang kanang kamay ni Rare, hindi niya inaasahang dadalhin ng kanyang boss ang babaeng walang malay sa bahay na iyon. Walang sinuman ang nakaapak doon, kahit ang ina ni Rare ay hindi pa nakakapunta sa bahay na iyon.

'Sino naman kaya ang buhat-buhat ni boss? Kanina lang labing-lima ang pinatay ni boss tapos ngayon may babae naman siyang kasama. Girlfriend kaya siya ni boss? Hmm...'

Nagising si Shannon sa isang magarbong kuwarto. Ang kulay pulang kurtina ay nakaterno sa kulay ng kama, kumot at punda ng unan. Ang dingding namam ay kulay puti, ang ilang mga palamuti sa kuwarto ay mahahalatang hindi basta-basta lalo na ang pasong nakalagay sa gitna ng lamesita. Nakita ni Shannon ang isang babae habang hinahawi ang kurtina, yumuko ang babae sa kanya tiyaka ngumiti. Lumabas ang babae at dumiretso sa sala kung nasaan si Rare.

"Sir, gising na po 'yong babaeng dinala niyo kahapon."

Hindi nagsalita si Rare at dumiretso sa kuwarto. Namataan niya si Shannon na nakaupo sa kama at halatang sinisiyasat kung nasaang lugar siya.

"Shannon"

Nagulat siya nang makita niya si Rare na nakatingin lang sa kanya. Napalunok si Shannon dahil alam niyang delikado ang buhay niya at ng kanyang anak. 'Paano ako napunta dito? Lord, bakit hinayaan mo akong mapasakamay ni Rare, mahal ko pa ang buhay ko.'

"G-good morning Rare."

Lumapit sa kanya si Rare at naupo sa gilid ng kama samantalang siya naman ay umusod, tila ba'y isang delikadong hayop si Rare at anumang oras ay kakainin siya ng binata.

"Dumito ka muna habang nagbubuntis ka."

"Uhmm... Bakit?"

"Huwag ka ng magtanong."

"Pero—"

Hindi natuloy ni Shannon ang kanyang sasabihin nang makita niya kung paano tumitig si Rare, nagsitayuan ang kanyang balahibo tiyaka tumango.

"Yes sir."

"Lahat ng pangangailangan mo, ako na ang bahala."

Tumango muli si Shannon at hindi na siya nagsalita pa dahil baka ang bibig niya ang maging dahilan kung bakit siya mamamatay.

"Pagkatapos mong manganak, puwede ka ng umalis... Sabihin mo rin sa akin kung kailan ang check-up mo para masamahan kita."

Tumango lang ulit si Shannon sa kanya.

"Hindi ito para sa'yo. Para kay Johan ang ginagawa ko at alam kong delikado sa lagay niya ang malungkot at ma-stress kaya naman mas magandang hindi muna kayo magkita."

Sumang-ayon sa kanya si Shannon, para sa kahit ganitong paraan manlang makatulong siya sa paggaling ng tuluyan ni Johan.

Hindi aakalain ni Shannon na magbubuhay reyna siya sa mansyon. Lahat ng mga kasambahay ay lubos na nag-iingat lalo pa't buntis siya. Nang magpacheck-up siya ay nakaalalay sa kanya si Rare at napagkamalan pa silang mag-asawa. Ngunit nabuhay ang inggit niya dahil kay Ley.

Madalas kasi na dapat pupunta si Shannon kay Ley ngunit hindi siya natutuloy dahil madalas pumunta doon si Johan na may dalang mga prutas. Kitang-kita niya kung paano alagaan ni Johan si Ley samantalang siya ay nasa loob ng kotse at nakatunghay lang sa mga nangyayari. Makalipas ang dalawang buwan at kalahati sa pagiging reyna ay sumampit ang araw ng kanyang panganganak. Ang tanging umaalalay at tumutulong sa kanya ay si Rare.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Where stories live. Discover now