CROWN

By Sleepless_blood

313 82 54

A princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born t... More

Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue

Chapter 52

8 2 0
By Sleepless_blood

Kinagabihan ay nagpasiya si Zia na lumabas  sa palasyo pero sa hindi inaasahan ay may taong humawak sa kaniya.

Isang lalaking nakatakip ang mukha. Alam niya kung sino ito.

"Vain!" napaigtad si Zia ng biglang may humila sa kaniya at inilayo sa kaharian. Napatingin naman si Vain sa kaniya at tumigil saglit.

"Bakit ka lumabas?" tanong ni Vain.

"Bakit mo ako hinila, alam mo ba nakakagulat ka?" sabat ni Zia.

"Paumanhin. Binabantayan kita mula rito ay nakita kita kaya dinala na kita rito."

Napangiti naman siya rito, kahit na makalayo sila ay nakabatay parin si Vain sa kaniya. Hindi niya napigilan ang sarili niya na lakapin ito at ngumiti. Naramdaman naman niyang yumakap ito pabalik sa kaniya.

"I missed you, Vain." she said softly.

"I love you." ani ni Vain. Kahit mahina lang ito ay rinig niya ito. Ang sarap sa pakiramdam na sabihin ng taong mahal niya ang salitang 'yon.

Humiwalay naman siya pagkaka yakap at tumingin sa mata ni Vain. "I love you, too." hinawakan niya ang mukha nito na tanda ng pagiging isang halimaw. Isa lang masasabi niya na kahit anuman ang itsura o sino pa ang lalaking kaharap niya ngayon ay tunay niyang mamahalin.

Kahit pa hindi niya pa tuluyang nakikilala si Vain ay alam niya sa sarili niya na mahal niya ito. Alam niya na mas nahihirapan ngayon si Vain dahil kalaban nito ang sariling ina, kaya naman labis siyang nag-aalala dito.

"Ito ang unang beses na nagsabi ako ng ganong kataga, sa babaeng mahal na mahal ko."

"Ikaw ang unang lalaking mamahalin ko, Vain..."

Napangiti naman sila sa isa't-isa. Inilahad ni Vain ang kamay niya na parang nag-aaya. Nagtaka naman si Zia.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

Pagkarating sa matarik na bundok ay inaalalayan ni Vain si Zia na maupo, dito tanaw ang nagliliwanag na buwan na nagbibigay ng ilaw sa kanilang nilalapagan at ang mga bituin na nagsisilbing saksi.

Sumunod na rin si Vain na nakatanaw sa buwan.

"Ang ganda." sambit ni Zia, nakikita niya rin ang mga ilang bituin sa kaharian pero hindi ito kasing lapit na nasisilayan niya ngayon.

"Beautiful just like you." Napangiti saad ni Vain.

Napatingin naman si Zia kay Vain na nakatingin lang sa buwan. Namula naman ang mukha niya, hindi niya pa rin maiwasan ang magmula dahil panay ang hugot na ginagawa ni Vain.

"Vain..."

"Hmm..."

"May gusto lang sana ako sabihin... Alam kong hindi mo magugustuhan ang sasabihin pero naglakas loob na ako para hindi ko na ito masyadong isipin..."

Napakunot-noo si Vain, "Ano yun?"

Nabuntong-hininga naman si Zia, "What if I have to kill your mother to save my clan and kingdom, will you revenge for what I do?"

Natigilan naman si Vain.

"Zia. You know I can't lose my mother, she still my mother..."

"I know, Vain... Pero paano kung gawin ko 'yun, gagantihan mo ba kami?" ngayon ay kinakabahan na siya, dapat ba niyang sabihin ang mga bagay na ito kay Vain? O mas mabuti na lang na itago niya sa sarili niya? pero hindi na mangyayari' yun dahil nasabi na niya.

Ang totoo ay nagdadalawang-isip pa siya kung gagawin niya ang bagay na 'yun. Hindi niya rin kayang nasasaktan si Vain. Ang mga nasabi niya noon sa mga mandirigma ay tila walang paninigurado na gagawin niya ang bagay na' yun. Natatakot siya.

Dalawa ang pinaka importante sa kaniya, si Vain at ang mga nasasakupan niya. Dapat ba niyang isakrispisyo ang isa tulad ng sinabi ng kaniyang amang hari, na piliin kung ano ang nararapat.

Ang taong na paulit-ulit na sinasabi ng utak niya. Lahat ng mga nasabi niya noon ay wala ng  sinseridad, parang siya ay isang tao na puro lang salita. At alam niya 'yun sa sarili niya.

Hindi ito nagsalita.

"Vain... Binabawi ko na ang mga sinabi ko, hindi ko gagawin kapag ayaw mo." Napangiti na lang si Zia.

Napatingin naman sa kaniya si Vain. "No."

"Huh?"

"Gawin mo kung anong dapat mong gawin, huwag mo akong alalahanin, kung 'yun ang dapat mong gawin, Binabawi ko na rin ang sinabi ko kanina at naisip ko na mas nanganganib ang mundong ito kapag tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang aking ina. Kaya gawin mo ang dapat mong gawin. Still, I can have you now." sabi ni Vain at nilapit ang mukha niya kay Zia at hinalikan ng malalim at kumalas agad.

"Kakalabanin ko ang kahit sino, huwag ka lang mawala sa akin... Even my mother, I still choose you, woman." he continued.

Napangiti naman si Zia at ipinatong ang ulo sa balikat ni Vain. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban niya.

"Thank you for everything, Vain. For saving me."

"I am the one should I Thank to you.  Dahil sayo nakaramdam ako ng pagmamahal na hindi ko nararamdaman noon, I always seek for love, pero nahanap ko 'yun sayo... Atleast hindi ko na pipilitin ang sarili ko na nahapin pa' yun dahil nandito kana. You are the who saved me, woman. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging masaya at magdesisyon para sa sarili ko na walang sinusunod na utos kahit kanino man. You saved me from the beginning."

Hindi naman mapigilan ni Zia na maluha rito, hindi niya inaasahan na may nagawa siya kay Vain... Ang akala niya ay wala siyang nagawa para naman pagaanin ang loob ni Vain.

Napangiti naman siya at pinipigilan ang luhang unti-unting bumabagsak.

"I am glad that I saved you then. I thought I'd done nothing."

Tumingin naman sa kaniya si Vain at Pinunasan ang luha niya. Inilayo niya ang balikat niya para tuluyan niyang mayakap si Zia.

"You'd done enough for me. Thank you..."

Napapikit naman si Zia.

"How about Arteixec?" tanong niya rito.

"Bukas na ang isip niya, alam na niya ang totoo pero ang nararamdaman niya hindi pa bumabalik."

"Mabuti naman."

"Arteixec is one trusting traitor to my mother, that why she used him against to your clan."

"I know... Pero ano ang dapat niyang gawin. May plano ba kayo? Matutuloy ang digmaan hindi ba?"

Naramdaman niyang bumuntong-hininga si Vain.

"Oo."

"I know..."

"Kapag dumating ang araw na 'yun, sisiguraduhin kong ligtas ka." sabi ni Vain rito.

===============

"Nasaan si Hellvain?" tanong ni Reia sa kaniyang mga alagad.

"Hindi po namin alam mahal na reyna." sambit ng kawal.

"Tawagin niyo si Arteixec dahil may ipag-uutos ako sa kaniya."

"Masusunod po."

Napayukom naman ng kamao si Reia, "Talagang kinakalaban mo ako anak, hindi ko akalain na magagawa mong tanggalin ang sumpa na ipinasok ko sa katawan ng sanggol na 'yun!"

"Hindi na ako magtataka kung bakit lagi siyang wala rito, aking asawa. Dahil ang kasama niya ngayon ay isang prinsesa. " nakangising saad ng lalaki na kakarating lang.

Nayukom ng kamao si Reia. "At paano mo naman nasabi' yan?"

"Sinundan ko siya... Alam mo kung anong nakita ko, sabik na sabik sa pagmamahal ang 'yong anak na hindi mo kayang ibigay sa kaniya."

Nagtangis naman sa galit si Reia na tumingin rito.

"Huwag mo akong susumbatan tungkol d' yan dahil pinalaki ko siyang pag-aari ko at akin lang siya, walang pagmamahal, walang konsiyensiya, pinalaki ko siya para gamitin!"

Napailing nalang si Oldevi na nakatingin kay Reia.

"Wala ka ba talagang natitirang pagmamahal sa 'yong anak? At sa akin na minahal ka ng buo pero ginagamit mo lang din ako."

Natigilan naman si Reia na nakatingin sa kaniya.

"Alam mong hindi kita minahal kaya huwag mong isisi sa akin dahil pinili mong manatili sa poder ko."

Napayukom naman si Oldevi.

"Oo. Dahil mahal kita, ginagawa ko ang lahat ng gusto mo, sinusunod ko lahat... Pati ang pag lason ko sa tinuring akong kaibigan kahit na isa akong Garghol kinalaban ko dahil sayo..."

"Pero hindi mo nagawa. Akala mo ba hindi ko malalaman na pinalitan mo ang lason na binigay ko, hindi mo siya nagawang patayin. Hindi mo kayang patayin ang hari." nagngangalit na saad ni Reia.

"Mali ka... Kaya ko siyang patayin. Pero pinili kong hindi gawin 'yun." saad ni Oldevi.

"Walang pinagkaiba' yun sa kaya sa hindi mo kayang gawin. Hindi mo siya nagawang patayin." saad ni Reia.

Natahimik naman saglit si Oldevi.

"Sawang-sawa na ako..."

Napakunot-noo si Reia.

"Anong sinasabi mo?"

Napapikit siya na nakaharap kay Reia.

"Hindi mo ba talaga ako minahal?" tanong niya.

Hindi naman agad makasagot si Reia, na tila nagdadalawang-isip pa ito.

"Alam mo na ang sagot tanong na 'yan, Oldevi."

"Kung ganoon... Anong gusto mong gawin ko para mahalin mo ako?"

Kinuha naman si Reia ang kaniyang wine sa gilid at ininom ito, "Gusto kong manatili ka lang sa poder ko. Sa akin ka lang din."

Napangisi ito kay Reia. "Ibang klase ka talaga... Hindi ka ba natatakot na mawala sayo ang lahat kahit ang 'yong anak?"

"Ang kapangyarihan ang mahalaga sa akin, kaya kong gumawa ng anak kung gugustuhin ko, bigyan siya ng kapatid sa kahit sinong lalaking gugustuhin ako at pagkatapos ay itatapon sila kapag nagawa na nila ang nais nila."

Naging masama naman ang tingin ni Oldevi kay Reia na marahang tumawa.

"Wala ka talagang kasing sama." may diin na saad niya kay Reia.

"Mas masama pa ako sa masama, Oldevi. Kaya kung gusto mong mahalin kita dito ka lang sakin." saad ni Reia. At tumayo, lumapit siya kay Oldevi at hinalikan ng marahan at hinalikan din ito ni Oldevi pabalik.

Mabilis naman na kumalat si Reia at bumalik sa trono, tulala naman si Oldevi pero nagtangis naman ang bagang nito kalaunan ay tumingin kay Reia na nakangiti sa kaniya.

"Gustong-gusto mo talagang akong pinaglalaban, Reia."

"Hindi kita pinaglalaban, dahil 'yun din naman ang gusto mo."

Napatingin naman si Reia ng may dumating na kawal at kasama si Arteixec.

"Pinatawag mo daw ako?" tanong ni Arteixec.

Napatingin naman si Arteixec kay Oldevi tsaka tumingin kay Reia.

"May ipapagawa ako sayo."

"Susundin ko kung anong ipag-utos mo."

"Gusto kong sundan mo ang aking anak kahit saan siya magpunta."

Napakunot-noo si Arteixec.

"Susundan?"

"Oo. Ipagbigay alam mo sa akin ang lahat ng ginagawa niya at kung sino ang kasama niya, makaalis ka na."

"Masusunod."

Napatingin si Arteixec kay Oldevi na nagtataka siya tumingin dahil sa kakaibang  kinikilos nito. Naisip niyang may nangyari sa pagitan ng reyna at kay Oldevi, pero hindi na niya kailangan makisawsaw pa sa dalawa.... Ang kailangan niyang gawin ay hanapin si Hellvain at sabihin dito ang inutos sa kaniya ni Reia.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 530K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
572K 28.3K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...