Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 28

1.3K 71 6
By YuriYuriYuriYuki

Antonette Arcavia

"Summer"napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Raine. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa kwarto namin.

"Kailangan ko makausap si Scarlet"malamig na sabi ko dito sabay harap sa kanya.

Nakita ko nanaman ang emosyon na ayaw ko na nakikita kay Raine lalo na may kinalaman ito kay Yesha.

"Summer, ayaw ko na maulit ang nangyari dati kay Autumn"umiiyak na sabi nito habang nakaluhod na.

Ito ang ayaw ko nagiging mahina si Raine hindi na siya tulad ng dati na laging matapang, masungit at lalo na pagiging maldita nito.

Nagbago ito simula ng isilang si Yesha ang panganay na anak namin. Mabilis na niyakap ko ito.

"Magtiwala tayo kay Serene"bulong ko dito at alam ko na hindi papabayaan ni Serene si Yesha.

"Mama"napadilat kami ng marinig ko ang pamilyar na boses.

Tinignan namin kung saan nang galing ang boses na yun. Mabilis na napatayo kami ng makita siya.

"Scarlet"mahinang tawag ko dito at ngumiti naman ito sa akin.

"Narinig ko na tinatawag mo ako Antonette"mabilis na lumapit ito sa amin at niyakap kaming dalawa ni Raine.

"Nawawala si Autumn"umiiyak na sabi ni Raine habang magkayakap naman silang dalawa.

"Mama wag kana umiyak, babalik siya ng ligtas lalo na alam ko magkasama silang dalawa"napatanag ang loob ko ng marinig ko ang sinabi ni Scarlet.

"May tanong ako, may nasabi sa ulat tungkol sa kakaibang halimaw na nakita nila na sumugod sa distrikto 10. Isa lang ang mata nila at malalaki pa ito,ano sila?"mabilis na sabi ko dito.

Tinignan ako nito at alam ko na mukhang masama ang sasabihin nito dahil sa naging seryoso ang binigay na tingin nito.

"Kaya din pala ako pumunta dito dahil may sasabihin ako sa inyo. Ipatawag niyo din si Heria at Fiona. Sa inyo ko muna sasabihin kung ano ang mga lumusob sa distrikto 10"nagkatinginan kami ni Raine at mabilis na napatango dito.

Nilabas ko ang communication ball at tinawagan agad si Heria at ang asawa nito na si Fiona.

"Antonette napatawag ka?"yan agad ang bumungad sa akin walang iba kundi si Fiona.

"Demie nasaan si Heria? Kailangan niyo pumunta dito agad sa Arcavia may mahalagang sasabihin si Scarlet"kumaway naman si Scarlet sa kanila habang yakap yakap pa rin si Raine.

Sabay baba ng tawag dito dahil alam ko na madami pa sasabihin ang babae na yun lalo na halatang may ginawa sila ni Heria.

Palihim ako napairap ng makita ko na naka bathrobe lang ito at basa pa ang buhok.

"Hindi ba natin isasama sila Ina?"tanong ko dito.

"Kayo na ang magsabi sa kanila kapag nasabi ko na sa inyo. Ayaw ko ng maraming nakapaligid sakin"napailing na lang ako sa sinabi nito. Alam ko na umiiwas ito kila Ina at mama dahil gamit pa rin nito ang itsura ko pero bata pa rin.

"Bakit kasi hindi mo na lang ipakita ang totoo mong itsura"sabi ko dito kay Scarlet ang dating guardian ko.

"Ngayon ka pa nag reklamo kung kailan ilang taon na ang lumipas"sabi nito nakita ko na napatawa si Raine kaya napangiti na din ako.

Kapag tinitignan ko si Scarlet ay nakikita ko sa kanya ang anak namin na si Spring.

"Kapag nagkita kayo ng bunso namin anak pagkakamalan na kambal kayo"sabi ni Raine dito sabay halik sa pisngi nito.

"Kaya ayaw ko magpakita din sa iba, baka maguluhan sila"malamig na sabi nito pero tinaasan ko lang ito ng kilay.

-----

Thirdperson POV

"Mama anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Kenna ng makita ang pagdating ng kanyang magulang.

"Pinatawag ako ni Antonette may pag-uusapan lang kaming importante"sagot naman ng kanyang Ina na si Fiona.

"Hi Tita"bumati naman ang iba pa ng makita nila ang magulang ni Kenna.

"Later need na namin puntahan sila Antonette"napayuko na lang ang mga prinsesa at prinsipe ng marinig ang seryosong tono ng boses ni Reyna Heria.

Nakita nila na sinalubong ito ng dama, ang punong dama ng reyna na si Polly.

"Hatid ko po kayo kamahalan"rinig nilang sabi nito at nakita nila na papunta ito sa personal room ni Antonette.

"Mukhang importante ang pag uusap na gagawin nila"napatango na lang sila sa sinabi ni Julian.

Palihim lang sila tinitignan ng isang limang taon na gulang na bata at napansin naman nila iyon.

Nginitian nila ito at nilaro para mawala ang pagkabagot nila dahil sa nangyari.

"Antonette"napatingin ang mag asawang Arcavia sa bagong dating na nilalang.

"Umupo muna kayo"malamig na sagot nito at napatango naman ang dalawang mag asawa na Atlancia.

Naghanda ng maiinom na tsaa ang punong dama at mabilis na pinaalis ito para masimulan na ang pag uusap nila.

"Nawawala si Yesha"pag sisimula ni Antonette sa usapan.

"Ano? Paano?"gulat na sabi ni Heria at pinakalma naman ito ng asawa dahil sa biglaan na pagtayo nito.

"May lumusob sa distrikto 10 at hindi inaasahan na mapipinsala ng ganun kalala ang distrikto. Marami ang nasawi na mamamayan at binalita sa akin ni Ariel na may kakaibang halimaw ang lumusod doon at walang nakakaalam kung ano ang halimaw na yun dahil unang beses na nakakita ng ganung klase na nilalang isang mata at malalaking katawan higit sa lahat triple ang laki sa atin"pagpapaliwanag ni Antonette dito.

"Anong nilalang yun?Ngayon ko lang narinig ang ganyang klase na halimaw"mahinang sabi ni Heria.

"Kaya pinatawag ko din kayo para sabihin kung anong klase na nilalang sila"napatingin ang apat sa batang babae na nagsalita.

Napahawak sa noo si Antonette at uminom ng tsaa para mapakalma ang sarili dahil alam niya na nakakaramdam siya ng kaba.

"May isang pangyayari na hindi inaasahan ng lahat sa Taas o ang Devas kung saan naninirahan ang Dyosa. May gumamit ng isang forbidden spell para magbukas ang isang lagusan. Ang lagusan na yun ay sagrado dahil doon kinulong ang mga nilalang na may kakaibang bangis at kakaibang anyo. Isa na doon ay ang sumugod sa distrikto 10 at iyon ay ang Cyclones na nilalang na may isang Mata at malalaking katawan"nanlaki ang mata ng apat sa narinig hindi rin napagilan ni Antonette na hindi magulat dahil alam niya ang tungkol doon.

"H-huwag mo sabihin na ang bumukas na portal ay ang Devil World?"nagtatakang napatingin ang tatlo dito.

"What? Anong devil world? Ngayon ko lang narinig yan"tanong ni Raine sa asawa dahil sa hindi pamilyar ang sinabi nito.

"Wala ng iba pa, kundi ang Devil World nga ang binuksan kung saan mundo ito ng mga halimaw na may kakaibang anyo. Kung saan binigyan ito ng isang sacred spell para hindi na mabuksan pa kahit kailan. Ngunit nabuksan pa din ito ng hindi pa natutukoy kung sino man ang nilalang na yun"malamig na sabi ni Scarlet sa tatlo.

"Ang Devil World ay nasa pagitan ito ng Devas at ng Atlancia ngunit nagkaroon ng pagbabago dahil noong libong taon may isang nilalang gumawa ng mundo na yun para gamitin na panakop sa buong mundo. Ngunit hindi nag tagumpay dahil umibig ito at walang nakakaalam kung buhay pa ba ang nilalang na yun o hindi na"pagpapatulong pa ni Scarlet sa pagkwekwento niya.

"May nabasa ako noon na aklat dito sa library ng Arcavia, may isang babae na may kakaibang liksi at bilis ngunit nabubuhay ito sa gamit ang pag inom ng dugo. Isa itong nilalang na may kakaibang lakas at kapangyarihan kaya nakagawa ito ng isang mundo. At iyon ay ang Devil World nabasa ko pa na gagamitin ito ng nilalang na yun upang masakop pa ang ibang mundo ngunit nabago ang lahat ng may makilala itong babae na mortal at umibig ito kaya hindi tinuloy nito ang plano dahil sa hiling ng kanyang iniibig. Hindi ako sigurado kung totoo ang nabasa ko noon dahil limang taon palang ako nun at hindi rin ako sigurado kung tama ba ang pagkakaintindi ko doon"mahabang paliwanag ni Antonette sa mga kasama at napatango na lang ng tatlo dahil sa sinabi nito.

"Ang gusto ko sabihin sa inyo, ihanda niyo ang lahat lalo na para maiwasan ang nangyari katulad sa distrikto 10"napatingin ang apat ng lumabas ang isang hologram at napatayo si Antonette sa gulat dahil sa nakita.

"Yan na ba ang distrikto 10 ngayon?"hindi makapaniwalang sabi ni Heria.

Makikita sa hologram ang mga sunog na kabundukan, mga sira sirang kabahayan at maging ang mga kampo na ginagamit ng mga kawal sa distrikto 10.

"Hindi ko akalain na mas malala pa ito sa naging ulat ni Ariel"hindi makapaniwala na sabi ni Raine sabay tingin sa asawa nito na walang emosyon na pinapakita.

Napakuyom sa galit si Antonette dahil sa nakita na nangyari, lalo na tila hindi naging abandonado ang itsura ng lalawigan na yun.

"Kaya hanggat maaari ihanda niyo ang mga kawal niyo at ang mamamayan niyo dahil mga Cylcone palang ang gumawa niyan paano pa kaya kapag may iba pa"napatingin na lang ng lahat ng mabilis na lumabas si Antonette sa silid kung saan sila nag uusap.

May pakiramdam siya na kaya hindi pa bumabalik o nagpapakita ang anak dahil sa sinapit ng distrikto 10.

-----

"H-hindi ako babalik ng Arcavia"humihikbi na sabi ng isang dalaga na kulay pula ang buhok.

Nakatanaw ito sa isang lugar kung saan wasak ang buong bayan at tila dinaanan ng isang malaking gyera.

"Kasalanan ko ito nagpabaya ako"lumuluhang sabi nito sa sarili at napaiyak pa ito lalo ng maramdaman niya ang isang mainit na yakap.

"Wala kang kasalanan Lili"bulong ng isang babae na kulay abo ang mga mata sa dalaga na kulay pula ang buhok.

------

A/N

Sorry for the late update hehe. Naaliw sa ako binasa kong story sobrang ganda kasi and ganun ang gusto kong genre hahaha.

Thank you for the patiently waiting sa update ko. I know mabagal ako mag update. My bad readers din kasi ako hehehe.


Mwuah 😘

Continue Reading

You'll Also Like

220K 6.2K 52
LALISA SKYLAR MANOBAN- Anak mayaman. Spoiled brat. Mataray/masungit. Happy go lucky. Only child. Territorial. Possessive sa lahat ng bagay. JENNIE RA...
28.6K 687 87
everything's good at first, but not them. • saida fanfic • epistolary • plain book cover because i'm not creative. • taglish st...
40.8K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
1.7K 204 27
Isang dalagang nagsusumikap na makakuha ng atensyon ng pinuno ng mafia, at inosenteng inaakit ito. Nakakamit niya ang kanyang mga nais dahil walang...