Under The Cop's Possession

By Polcaliciousss

294K 5.8K 133

Lia Marquez is not really your typical kikay girl.In fact,kabaligtaran siya nito.Lumaki ito na may pagkaboyis... More

Prologue πŸ”«
Chapter 1 πŸ”«
Chapter 2 πŸ”«
Chapter 3 πŸ”«
Chapter 4 πŸ”«
Chapter 5 πŸ”«
Chapter 6πŸ”«
Chapter 7πŸ”«
Chapter 8 πŸ”«
Chapter 9πŸ”«
Chapter 10πŸ”«
Chapter 11πŸ”«
Chapter 12πŸ”«
Chapter 13πŸ”«
Chapter 14πŸ”«
Chapter 15 πŸ”«
Chapter 16πŸ”«
Chapter 17πŸ”«
Chapter 18πŸ”«
Chapter 19πŸ”«
Chapter 20πŸ”«
Chapter 21πŸ”«
Chapter 22πŸ”«
Chapter 23πŸ”«
Chapter 24πŸ”«
Chapter 26πŸ”«
Chapter 27πŸ”«
Chapter 28πŸ”«
Chapter 29πŸ”«
Chapter 30πŸ”«
Chapter 31πŸ”«
Chapter 32πŸ”«
Chapter 33πŸ”«
EpilogueπŸ”«
Thank You So Much!πŸ”«

Chapter 25πŸ”«

5.4K 113 3
By Polcaliciousss

Tsup!Tsup!Tsup!

Dumilat ang aking mga mata ko nang makaramdam ako ng bigat sa itaas ko. Nakabaon na naman ang mukha nito sa aking leeg habang dinadampian ito gamit ng kaniyang labi.

"Gising na..."Bulong nito sa tenga ko at marahang kinagat iyon.Tinuloy niya ang pagromansa sa akin.Mukhang hapon na dahil sobrang tirik na ang araw.

"Damian ang bigat mo..."Reklamo ko nang hindi pa rin siya bumabangon sa akin.Umayos na ito ng upo sa kama at kinuha ang pagkain mula sa side table.

"Breakfast in bed?"Nakangiti nitong sabi."I figured na pagod ka dahil sa kagabi kaya ako na ang nagkusang magluto ng tanghalian."Kinindatan ako nito.Tama nga siya pagod ako dahil sa kagabi.Napakaraming ginawa sa fiesta mula umaga hanggang madaling araw. Pagkauwi pa rito sa bahay ay niyaya akong magkulong ni Damian dito sa kwarto para bumawi sa mga nawalang oras.Mabuti nga at mahimbing ang tulog ni papa dahil sa sobrang kalasingan.Kung hindi ay baka nahuli kami ni Damian sa mga kalokohang ginawa namin kagabi.

"Salamat..."Inangat ko ng sarili ko sa headboard at sumandal.Napahinga ako nang malalim saka kinondisyon ang katawan ko.Halos mag-uumaga na rin kami natapos ang pagtatalik namin ni Damian dahil nakainom ito at sobrang lakas ng resistensiya.Heto ako ngayon parang lantang gulay.

Ring!Ring!Ring!

"Kainan mo na yan sasagutin ko lang ito."Tumango ako sa kaniya bago ito lumabas.Inipit ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at saka nagtali ng buhok.

Sinunggaban ko na ang pagkaing inihain niya sa akin.Spam at sinangag lang iyon pero grabe talaga ang sarap nito sa umaga.Lalo na kapag hindi ikaw ang nagluto at kakain ka lang. Para akong prinsesa na nasa palasyo.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.Naalala ko kasi ang mga kaganapan kagabi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na rin ni Damian sa wakas!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagharana niya sa akin sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko.Habang buhay ko iyon matatandaan.

Worth it din pala ang mga hinanaing ko sa buhay kung ito naman pala ang magiging kapalit.Parang dati pinapangarap ko lang ngayon abot-kamay ko na.Wala na akong maihihiling pa sa sobrang saya ko ngayon.

Maya-maya ay napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bumalik na si Damian sa kwarto.May matinding disgusto sa mukha nito.Parang malalim ang iniisip dahil sa tawag na natanggap nito.

"Bakit?Sino yun?"Alalang tanong ko sa kanya.Umupo naman siya sa tabi ko saka natulala sa kisame.Mas lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"It's Calvin,He's inviting me sa birthday party ni papa mamaya..." Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.Alam kong hindi sila magkasundo ng papa niya kaya grabe ito kung mag-isip ngayon.

"Galit ka pa ba sa kaniya hanggang ngayon?"Sa tanong kong iyon sa kaniya ay hindi agad siya nakasagot. Malalalim ang hiningang mga binibitiwan nito.

"Sobra..."Naiyukom niya ang kaniyang kamao sa galit."Iniwan niya lang kami nag-iisa.Despite our financial stability sobrang nahirapan pa rin si mama na itaguyod ako.She was being a mother and a father for me at the same time."

"Huwag ka naman ganyan.What your father did was wrong Damian,pero papa mo pa rin siya..." Wala naman kasing perpektong magulang.Lahat sila nagkakamali pero sila pa rin ang nagbigay buhay sa atin.Kung wala sila ay wala rin tayo.

"Sa dugo oo...pero bukod pa roon wala na akong kinalaman sa kaniya. Matagal na siyang patay para sa akin."
Niyakap ko ito nang mahigpit.Ayoko namang mamuhay siya sa sakit at poot.Kailangan niya rin matutong magpatawad.

"Hindi na kita pipilitin pa.Alam kong mahirap ito para sayo,pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo."Hinalikan ko siya sa pisngi.Bigla naman umayos ang ekspresyon ng mukha nito.Mukhang kahit papaano ay napagaan ko ang loob niya.

"Kung pupunta ba ako sa party sasamahan mo ako?"Napatingin ako sinabi nito.Nabago kaagad ang isip niya?Mukhang hindi ito sigurado sa sinabi niya pero masaya ako na kinonsidera niya iyon.

"Oo naman!Susuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin."Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapagbati sila ng papa niya.

"Salamat Lia!Hindi ko alam kung bakit pero baka kailangan ko siya makita ng isa pang beses.I just need to confirm my feelings "Hinalikan ako nito sa noo saka tumayo na.Mukhang marami pa itong aayusing paghahanda para mamaya.

..........

"Sigurado ka na ba?Wala nang atrasan ito."Hinawakan ko ang kamay ni Damian.Kabadong-kabado ito ngayon.Kanina pa nga lumalagatak ang pawis nito sa noo kahit malamig.

Nandito na kami sa labas ng mansyon ng pamilya ni Calvin.Dito kasi gaganapin ang birthday party.The whole place is very astonishing. Parang mga 5-star hotel ang vibe ng ganitong lugar.

Hindi pa kami nakakapasok sa gate pero tanaw na rito kung gaano kaelegante ang okasyong nagaganap. Base pa lang sa mga kotseng nakaparada rito sa labas ay puro mga class A entrepreneurs ang mga tao sa loob.

"It's now or never..."With that,hinapit niya ang baywang ko at naglakad patungo sa loob with poise.Ngumiti na lang ako at sinabayan din siya.Sa dami ng mga party na napupuntahan namin ay nahasa na rin ang confidence ko sa mga ganitong klaseng event.

Pagkapasok sa loob ay kaagad namin hinanap ang papa ni Damian.Hindi iyon naging madali dahil sa pagiging sobrang crowded ng lugar.However, kahit na matao ay hindi ko naramdaman ang sikip dahil sa napakalawak na espasyo ng mansyon.

Ting!Ting!Ting!

Napatingin kami sa tuktok ng staircase kung saan nanggaling ang pagkalampag sa wine glass.Doon ay kaagad kong nakita si Calvin sa tabi ng dalawang middle-aged na mag-asawa.

"That's him..."Biglang sabi ni Damian. Medyo nanginginig ang buong katawan nito.Hinawakan ko ang nanlalamig nitong kamay.Pinisil ko iyon upang mabawasan ang kaniyang kaba.

"Thank you all for attending mg 57th birthday.Sinong mag-aakala na aabot pa pala ako sa ganitong edad..." Pinanood ko ang lalaking nagbibigay ng talumpati sa itaas.Hinding-hindi maipagkakaila na siya ang papa ni Damian.Labis ang pagkakahawig ng kanilang mukha at parehas din ang dating at tindig.

Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ng papa niya.Waa akong maisip kung hindi ano ang mangyayari kapag nagkita na silang dalawa mamaya.I just can't help to be happy for the both of them to finally see each other again.

Sa gilid ay nakita ko ang pagkaway sa akin ni Calvin.Pilit akong ngumiti at ibinalik ng pagbati niya sa akin.Hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawa ko sa kaniya kagabi.Sinagot ko ang kapatid niya sa harap niya mismo. That must've hurt him so much.Gusto ko pa siya maging kaibigan pero baka maging awkward lang ang paligid.

Nabalik ako sa wisyo nang magpalakpakan ang mga tao.Tapos na pala yung ang speech. Bumababa na kasi ang pamilya sa hagdan. Sinalubong sila ng mga bisita pero nanatiling nakatayo sa tabi ko si Damian.Siguro ay nagdududa pa rin siya sa gagawin niya hanggang ngayon.

"Kaya mo yan!Sasamahan kita."Sabi ko sa kaniya para palakasin ang loob nito.Mukhang umepekto naman ito dahil ngumiti siya nang malawak.

Hinintay namin matapos ang mga bisita para masolo niya ang kaniyang ama.Nang maubos ay saka kami naglakad patungo sa kinaroroonan ng papa niya.

Nang makalapit ay bakas sa mukha ng lahat ang gulat.Hindi ineexpect ng pamilya ang presensiya ni Damian ngayon.Hindi ba sinabi ni Calvin na inimbita niya ang kapatid niya rito?

"Happy Birthday papa..."Nahihiyang bati ni Damian.Inabot niya ang kaniyang munting regalo.Yayakapin niya dapat ito pero naglahad lamang ng kamay ang kaniyang ama. Napaiwas tuloy ito ng tingin dahil sa hiya.

"Thank you...I didn't expect you to be here."Gulat na sabi ng kaniyang ama pero mukhang hindi naman ito galit. Hindi rin natutuwa.Medyo awkward nga ang aura ng paligid kung tatanungin.

"Ako nag-imbita sa kaniya dad!I hope that's okay."Sabat naman ni Calvin nang hindi alam ni Damian ang isasagot.

"Okay lang!Nagulat lang ako na pumunta ka rito.Huli kitang nakita ay 21 ka pa noong..."Napahinto ang papa niya.Iyon kasi ang edad ni Damian noong nawala ang mama niya."What I'm pointing out is it's been a while." Napatingin naman ang papa niya sa akin kaya napayuko ako bigla.

"This is Lia nga pala dad.My girlfriend!"Akbay sa akin ni Damian sabay ngiti.Grabe ganito pala yung pakiramdam ng mapakilala sa magulang.Hindi naman nakakakaba dahil sagana naman sa ngiti ang papa at step-mom niya.

"Hello po!"Yumuko agad ako para magbigay galang.Inabot ko rin ang palad ko para makipagkamay.May kagana-gana nilang kinuha at inalog iyon.

"Mabuti naman at magandang babae ang napili mo.Hindi masasayang ang lahi natin."Nagtawanan naman silang mag-ama pero ako napakamot sa ulo dahil sa hiya.

"Maiwan ko na muna kayo..."Paalam ko saka naglakad papalayo.I figured since nagkapalagayan na sila ng loob hindi na ako kailangan ni Damian. Tsaka mabuti na rin yon ara makapag-usap sila nang masinsinan.

Inokupa ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglilibot dito sa mansyon.Nakakalibang din pagmasdan ang mga tao dahil napakagarbo ng mga suot nila.Tapos ang ganda pa ng structure at design ng bahay nila.

"Lia..."Napalingon ako upang makita kung sino ang humawak sa kamay ko.

"Calvin!Ikaw pala yan."Gulat ko nang malamang sinundan niya pala ako.Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti sa kaniya."May kailangan ka ba?"

"Yeah gusto lang sana kita makausap." Hinila niya ako sa sulok kung saan kakaunti lang yung mga tao.Nakagat ko ang labi ko.Mukhang alam ko na kasi ang pag-uusapan namin.

"Tungkol ba ito sa kagabi?"Nahihiya kong tanong."Sorry Calvin I really tried..."Napatigil ako nang hawakan niya ako sa balikat at niyakap.

"It's ok Lia.Alam ko naman nung una pa lang talo na ako kay Damian.I just want to give it a shot because I don't want regrets.Chance lang naman ang hinihingi ko sa'yo at thankful ako na binigay ko sa akin iyon.Happy ako Lia para sa inyo ni Damian!"Kita ko ang sincerity sa kaniyang boses.Alam kong nasaktan siya pero natutuwa akong mas pinili niyang maging masaya para sa akin.

"Salamat sa pagsuporta Calvin!Marami ka pang makikilalang iba bukod sa akin.Sinisigurado ko yan sa iyo.Kung ok lang sa iyo gusto pa rin kita maging kaibigan.Andami na nating nabuong pagsasama at ayokong itapon natin yon."Malaki ang potential ng pagkakaibigan namin.I really see greatness in him.Sa pinakita niyang maturity sa akin ay mas lalo ko pa ito gustong maging kaibigan.

"I would love that!"Muli niya akong niyakap.Mag-uusap pa sana pero tinawag na siya ng mga kaibigan niya. Mukhang ito rin yung mga anak ng katrabaho ng papa niya.

"Liaaa?"Napakamot ako nang may tumawag na naman sa akin.Ilang tao ba ang nakakakilala sa akin dito?

"Clarisse!"Nagulat ako nang matanaw ko siyang kumakaway sa akin.Huli kong kita sa kaniya ay nung sa auction party.Pagkatapos nun ay hindi na naulit pa iyon.

"Hi Lia!Long time no see!Kamusta ka na?"Lumapit siya sa akin at nakipagbeso sa akin.Pinagmasdan ko ang outfit nito.Halatang professional designer ang gumawa nito dahil talagang kinareer ang itsura sa ganda.

"Ito ok naman!Ano ginagawa mo rito?"Tanong ko habang nagsimula kaming maglakad.

"Kaibigan ng papa ko yung celebrant! Ikaw ba?"Naupo kami sa isang vacant sofa sa may sala.Sakto at nangangalay na rin ang paa ko.Medyo may kataasan kasi ang takong ko ngayon.

"Ahh boyfriend ko yung anak nung celebrant!"Base sa sinabi ko ay parang nagulat siya sa sinabi ko."Pero hindi si Calvin ah!Mayroon pang isa."Baka kasi si Calvin ang inaakala niya since na siya lang naman ang kilalang anak.

"Mayroon palang kapatid si Calvin? Bakit hindi kilala ng mga tao?" Intrigang tanong ni Clarisse.May pagkachismosa rin pala siya.

"Medyo complicated eh basta half-brother siya ni Calvin."Napatango na lang siya sa sinabi ko at hindi na nagpilit pa.Ayoko rin magkwento masyado at baka mapagsabi pa sa iba.

"By the way may girl's nightout pala akong iho-host bukas ng 7pm!I think you should come!Masaya yon!" Masaya niyang yaya sa akin.Medyo nag-aalinlangan ako.Hindi naman kasi ako palagala.Tsaka hindi ako masyadong mahilig sa party.

"Nako hindi naman ako belong sa mga ganyan."Dahilan ko na lang. Panigurado kasi ay puro mayayaman na spoiled brat ang mga umaattend sa ganyan.No offense sa kaniya mukha naman siyang mabait.

"Please sumama ka naaa!Apat lang kasi kami.I don't usually bond with other girls but you are an exception. Mababait naman yung mga yun eh! Kulang lang talaga ng isa.Sige naaa" Inalog-alog niya ang braso ko nang walang humpay sa kagustuhang isama ako sa lakad niya.

"Oo na sasama na ako..."Pilit na lang akong napa-oo sa kaniya. Mukhang hindi rin naman niya ako titigilan eh.Sasaglit na lang ako sa nightout niya bago pumunta sa trabaho.

"Yeheyyy!Oh siya maiiwan na kita ha! Babalikan ko na si daddy baka hinahanap na ako nun."Bumeso siya sa pisngi bago umalis.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Kinalikot ko na lamang ang telepono ko.Wala naman kasi akong magawa sa mga ganitong kagarbong event.Balak ko sana kumain pero wala naman akong kasama at mapupwestuhan.

"Hi miss!"Nagulat ako nang biglang may tumabi sa aking binatang lalaki. "You're not quite familiar.Pwede ko bang tanungin ang pangalan mo?" Umurong ako nang lumapit ito sa akin.Inakbayan niya ang sandalan ng sofa at nagde-kwatro.

"Uhmm sorry may kasama kasi ako.I have to go..."Kaagad na akong nagpaalam dahil medyo naiilang ako sa presensiya niya.Parang may halong malisya ito kung tumingin at hindi ako komportable roon.

"Sandali kinakausap pa kita."Hindi pa man ako nakakatayo ay hinila niya na ako pabalik sa upuan.Napalakas pa nga ang hablot nito sa akin kaya humampas ang likod ko sa sofa.

"Aray!Bitiwan mo nga ako!"Marahan akong nagpumiglas kahit naiirita na talaga ako.Ayoko naman kasing magskandalo sa kaarawan ng papa ni Damian.

"Napakaarte mo naman!Pangalan lang naman ang..."Hindi niya na natuloy sasabihin niya nang may nag-alis ng kamay ko sa kaniya. Pagkatingala ko ay nakita ko ang mukha ni Damian.

"Halika na..."Hinila niya na ako patayo at dinala sa kung saan.Kaagad kong kinuha ang bag ko sa upuan bago umalis.

"Ang angas mo pala eh!"Hindi namin namalayan na hinabol pala kami ng lalaki.Iniharap niya si Damian at binigyan ng suntok.Umigting ang panga ni Damian saka huminga nang malalim.Ipinorma na nito ang kamao niya saka inamba sa binata.

Tuluyan na ngang nagkagulo rito sa buong sala.Hindi ko magawang pigilan ang dalawa dahil masyadong agresibo ang away ng mga ito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero tuloy pa rin sila sa bakbakan.

Ilang mga furnitures at mga vases na rin ang nasisira dahil sa nagaganap na rambulan dito.Nagtitinginan na ang mga tao at ni isa ay wala man lang pumapagitna.

"Tama naaa!"Hanggang sigaw na lang ang aking nagagawa.Kahit na anong lakas ng boses ko ay hindi pa rin tumitigil ang dalawa.Kaniya-kaniya pa rin sila ng bwelta sa isa't-isa.

Hanggang sa maya-maya pa ay dumating na sina Calvin at ang papa nila.Hinila si Damian ng kaniyang kapatid mula sa pagkakaibabaw nito sa lalaki.Parehas na nagsuntukan pero di hamak na mas malakas ang pwersa ni Damian.Putok lang sa labi ang natamo nito samantalang ang lalaki ay namamaga ang buong mukha.

"Please everyone!Proceed to what you are doing."Nakangiting sabi ng papa ni Damian habang pinipilit nitong pabalikin sa normal ang ambiance ng party.Tumingin naman ito nang diretsa kay Damian at sumenyas na pumanta sa labas.

Nakayuko siyang tumungo sa labas upang kitain ang papa niya.Naiwan naman ako rito sa loob habang iniisip pa rin ang nangyayari.Dahan-dahang tinayo ni Calvin ang binata mula sa sahig.Ilang sandali pa ay nabalik na ulit sa wisyo ang mga tao.

Napag-isipan kong sundan na lang sa labas si Damian upang suportahan ito sa pagpapaliwanag.Hindi niya naman kasalanan ang nangyari.Yung lalaki ang nanguna.

Pagkalabas ko nang mansiyon ay natanaw ko sila sa may halamanan kung saan may lilim at malayo sa mga tao.Marahan akong naglakad papunta sa kanila.

"What were you thinking?Anak iyon ng kasama ko sa negosyo.Paano kung makaapekto yang ginawa mo sa kompanya ko?"Galit na galit ang pagsermon ng papa ni Damian sa kaniya.Parang kahit ako ay natakot din.

"Binastos niya ang girlfriend ko dad!" Pagrarason ni Damian pero napailing ang tatay niya.Tila hindi ito kuntento sa dahilan na ibinigay ng kaniyang anak.

"Kahit na!You should've handled it professionally!"Mas tumaas ang tono ng papa niya.Hindi ko alam na ganito pala kaseryoso ang tatay ni Damian sa negosyo para magalit siya sa anak niya dahil lang sa ganitong kaliit na bagay.

"And I did!Hindi ko na siya pinatulan nung una.Sinuntok niya ako kaya pinagtanggol ko lang ang sarili ko at si Lia!"Nahihirapan na sa pagpapaliwanag ng kaniyang sarili si Damian.His father was very enclosed to whatever he is stating.Tanging galit lang nito ang pinapairal niya.

"Mabuti pa at umuwi ka na lang..." Nagulat ako sa salitang lumabas sa bibig ng kaniyang ama."You're a disgrace to this family!Hindi ka na dapat inimbita pa ng kapatid mo." Agad akong nagtago nang pabalik na ang kaniyang ama sa loob.Hindi ko lubos na maaakala na masasabi niya ang ganoong klaseng bagay sa kaniyang anak.

"Damian..."Agad ko siyang sinaklolohan.Tahimik ito.Mukhang nagulat din sa sinabi sa kaniya ng papa niya."I'm sure na hindi niya sinasadya iyon."Hinawakan ko ang kamay niya.

Napapikit ito nang mariin.Malalim ang paghinga nito habang nanginginig ang mga labi.Tumalikod ito sa akin at humarap sa pader. Nanlaki ang mata ko nang sunod-sunod niyang suntukin ang pader.

"Shit!Shit!Fucking Shit!"Mura nito habang patuloy sa pagbubuhos ng kaniyang emosyon sa pader.Agad ko naman siyang pinigilan sa ginagawa niya.

"Damian pleaseee tama na!"Niyakap ko ang kaniyang likod nang mahigpit. Naramdaman ko naman itong tumigil. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.  Sa kabila ng kadiliman ay napansin ko pa rin ang nangingintab niyang luha na tumutulo mula sa kaniyang mata.

"A-ansakit Lia...sobrang sakit na marinig ang mga iyon mula sa kaniya Lia."Bigla siyang humagulgol kaya inilapit ko ang mukha niya sa balikat ko."Sa kabila ng pag-iwan niya sa akin.May pakielam pa rin ako sa sasabihin niya!S-sobrang naiinis ako sa sarili ko na mahal ko pa rin ang papa ko Lia."Panay ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa sobrang sama ng loob.

"Shhhh...andito lang ako"Mas hinigpitan ko pa ang pagkapit sa ulo niya.Hinimas ko ang kaniyang likod kasabay ng ilang pagtapik.Dama ko ang sakit ng damdamin niya.

"H-hindi na dapat pa akong pumunta rito.Tama lang pala na kamuhian ko siya.Fuck wala siyang kwenta!"Buo ng poot nitong sabi.Inangat ko ang mukha niya at pinunasan ang kaniyang namumugtong mata.

"I promise magiging ok din ang lahat trust me.For now iiyak mo lang yan lahat.Hindi kita iiwan.Naiintindihan mo ba?"Tumango ito sa akin at muling ibinaon ang mukha niya sa aking balikat.Naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang.Banayad at puno ng emosyon ang pagyakap nito sa akin.

I have never seen him so vulnerable. Ngayon ko lang ito nakitang umiyak. Sa buong pagkakakilala namin ay napakalakas ng character na pinapakita nito sa akin pero ngayon ay mas nakikilala ko pa siya.Masaya ako dahil naging parte ako ng ganitong pangyayari sa buhay niya.It just makes me love him so much more.

"Huwag mo akong iiwan Lia please!" Sabi niya sa pagitan ng paghagulgol nito.As if that will happen noh! Nakajackpot na ako sa kaniya. Hindi ko na siya papakawalan.

"Hinding-hindi iyon mangyayari. Nandito lang ako lagi sa tabi mo." Kusang umangat ang ulo niya.Medyo nababawasan na ang mga luha niya. Mukhang umiigi na kahit papaano ang pakiramdam nito.

"Mahal na mahal kita Lia!Tandaan mo yan."Seryoso nitong sabi habang diretsong nakatitig pa sa mga mata ko.Nakagat ko naman ang aking labi sa tuwa nang muli kong marinig ang mga salitang iyon.

"I love you too Damian."Mahinhin kong sabi gawa ng pagpipigil sa aking kilig.Dahan-dahan niya akong yinapos at inilapat ang kaniyang labi sa akin. Napapikit na lang ako hanggang sa malunod ako sa lalim ng kaniyang halik.

....................

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 357 95
"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pan...
199K 1.6K 33
DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's i...
109K 1.5K 21
WARNING SPG ⚠️ She desires him in more ways than one and she knows that he feels the same way for her. Marra knows that Marcus is bad news but her bo...
1.1K 87 23
UNDER MAJOR REVISION WARNING:MATURE CONTENT! //R-18// When a grayed-eyes, Lero Ibbarra caughted her beauty--especially such time collided their bo...