The Side Chick Woman✓

By Badmindchixxx

223K 4.8K 579

WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if yo... More

PROLOGUE
Disclaimer
1; The Second Woman
2; The Invitation
3; The Wedding
4; Honeymoon's Intruder
5; Mistress role
6; What if
7; The Meeting
8; Hurtful Truth
9; Almost Caught
10; Befriend of His Friends
11; Picture
12; Play Safe
13; Cross Paths
14; Enemy's Kindness
15; Meeting his Family
16; Out of Town
17; Date
18; Memories to keep
19; Assumption
20; The Masquerade Party
21; The Show
22; Backfire
23; Late Gift
24; Mistress vs. Wife
25; Meeting Him
26; Dangerous Voice
27; Hangover
28; More Better
29; Threat
30; Caught
31; Again
32; Video Scandal
33; So Called Side Chick
34; The Evil Sister
35; Truth Behind Plans
36; In exchange of..
37; Missing You
38; Meets the Stepmother
39; The Mistress's Wrath
40; He changed
41; Looked a like
42; Distant
43; Revenge
44; Never see it coming
45; Secret Out
46; Betrayal
47; Her last ace
48; Mistress' revelation
49; His Anger
50; Broken Pieces
51; Her Choice
52; I Love You Not
53; I Love You Goodbye
54; New Beginning
56; Kidnapped
57; Memories Bring Back Feelings
58; Stalker
59; Rejection
60; Side Chick No More
The End
Author's Note

55; Unexpected Proposal

3.6K 82 11
By Badmindchixxx


Pupungas-pungas na nagising ako sa lakas ng tilian sa labas ng Office ko. Nang lumabas ako ay nakita ko si Bont na pinalilibutan ng mga ka-officemate ko. Tumaas ang kilay ko nang ngumiti siya sa mga babae na halos itapon na ang kanilang sarili sa boyfriend ko.

Taas noong naglakad ako at huminto sa likod ng matabang babae na si Emily, ang dambuhalang taga-bili ko ng materials.

"Excuse me, nakaharang ka." mataray kong sabi at nang lumingon siya, nanlaki ang mata niya at agad na nag-give way. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang ngumiti si Bont nang makita ako.

"Hi." Humakbang siya palapit hanggang sa isang dipa na lang ang layo naming dalawa.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga babaeng akala mo'y sinisilihan ang mga puwit.

Tumaas ang kilay ko. "Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Bumalik na kayo sa trabaho niyo kung ayaw niyong tanggalin ko kayang lahat!" sigaw ko dahilan para magmabalis sila sa pag-alis.

Napapailing si Bont nang balingan ko siya. Hinila ko siya sa colar niya at nagtungo sa Office.

"Ang aga-aga nambubulabog ka? Kailangan mo?" tanong ko at naupo sa swivel chair ko.

"Sungit mo ngayon, boss babe. Sorry na."

Natawa ako ng pagak. "Magso-sorry na lang labas ilong pa." Bulong sana iyon pero nilakasan ko pa rin para marinig niya.

"Sorry na, babe. Ang dami kong pasyente sa clinic kaya hindi na kita nasundo." Lumapit siya sa upuan ko at niyakap ako.

Napanguso ako. "Ang tagal kong naghintay sa restaurant kahapon! Muntik na nga mamuti mata ko, eh."

Pigil ang ngiting hinalikan niya ako sa pisngi. "Bawi na lang ako ngayon. Let's go." Hinila niya ako pero agad ko rin siyang pinigilan.

"Saan mo na naman ako dadalhin? Ayoko nga." tanong ko pero ang mata'y hinahanap na ang bag ko. Nang mahanap ko ang bag ko agad ko 'yong kinuha at nilingon si Bont.

"Sus. Ayaw daw pero hawak na ang bag." Natawa siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Kinuha niya ang kamay ko and intertwined our fingers.

"Let's go?"

Tumango lang ako at natawa na rin.

Dinala ako ni Bont sa paborito naming Italian restaurant sa Alabang. Nagtataka pa ako kung bakit kaunti lang ang kumakain ngayon. Mabibilang ko na lang yata sa mga daliri ko ang mga taong tahimik na kumakain sa loob.

"Nalulugi na ba ang restaurant na 'to, babe?" Tanong ko at nilingon siya. Napaangat ang ulo niya mula sa cellphone nitong kanina pa niya hawak. Sino kayang katext niya? Baka naman babae niya, ha, naku! Makikita niya!

"What made you think that?"

Nagkibit balikat ako. "Wala kasing masyadong customer ngayon. 'Di ba palaging fully loaded minsan kapag pumupunta tayo dito?"

"I heard someone closed the whole restaurant." Ngumiti siya. 'Yung ngiti na parang may something. Hindi ko lang mawari kung ano.

"You heard? Kanino?"

"I.. I--" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang dumating na ang order namin. Inilapag ng babaeng waiter na kinulang yata sa tela ang uniform at ngumiti ng makahulugan kay Bont. Tumaas ang kilay ko. Gusto yata ng babaeng ito na lampasuhin ko 'yung sahig na inaapakan niya gamit ang namumutok niyang labi? Sabihin lang niya kung gusto niyang paputukin ko lalo 'yung labi niya. I'm willing to do it.

"Thank you."

Halos umusok ang ilong ko nang ngumiti si Bont sa babae. Nanliit ang mata ko nang mapatingin siya sa'kin.

"Are you flirting with that girl?" Hindi ko na napigilan pa at kusa na iyong lumabas aa bibig ko. Imbes na magulat ay mas lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya.

"Bont--"

"I am not, okay? Chill, babe. Ikaw lang sapat na."

Inirapan ko siya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"May anak ka na, Bont, at baka nakakalimutan mong may kasama ka." Umusbong ang inis ko. Bago pa siya makapagsalita ay tumayo ako. Nawalan na ako ng gana. Kung makipagngitian ba naman kasi sa babae parang nakikipagflirt din!

"Uuwi na ako." Kinuha ko ang bag ko.

"Babe--" Napatayo siya. Biglang may tumugtog sa kung saan at isa-isang nagsilapitan ang mga crew na may dalang banner. Takhang inilibot ko ang tingin sa buong restaurant. Lahat sila masaya habang nakatingin sa amin ni Bont.

Sa isang banda, may narinig akong pamilyar na boses na nagsasalita sa buong sulok ng restaurant.

"Do you remember the first day I saw you? Para kang balyenang nawawala noon sa park."

Tumingin ako kay Bont na naguguluhan. Boses niya iyon, at alam kong ako ang kinakausap niya. Balyena kasi ang tawag niya sa'kin dati kahit hindi naman ako kasing laki ng balyena.

"Tinanong kita kung okay ka lang pero imbes na sagutin mo ako ng oo o hindi siningahan mo pa ang damit ko at sinabing, 'Sorry, I don't have any tissue nor handkerchief in my pocket'."

Napakagat ako ng labi nang lumakas ang tawanan sa loob ng restaurant. Nang makita ko ang ngiti na nakapaskil kay Bont, napangiti na lang din ako habang inaalala kung paano kami nagkakilalang dalawa.

Flashback

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Kahapon lang kami dumating dito sa U.S dahil gusto ni Daddy na dito kami magbagong buhay.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng park. Ngayon ako nagsisisi na tinakasan ko ang mga bodyguard nu Daddy para lang mapag-isa. At sa palagay ko napadpad ako sa isang parke.

Umihip ng malakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. I forgot to wear a thick jacket. Wala rin sa'kin ang bag ko dahil naiwan ko 'yon sa sasakyan. Meaning, I don't have anything in me, ni isang dollar bill wala ako.

Umupo ako sa isang bench and found myself crying. Again. Ilang buwan na ba? Pito? Walo? Pero ang hirap pa rin niyang kalimutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayong wala na siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba mag-isa..

Someone approached me. Nakasuot siya ng leather jacket at puting T-shirt sa loob. Blonde ang buhok nito at kulay brown ang mata.

"Are you okay?" He asked.

Mas lalo akong napaiyak dahil boses niya ang narinig ko.

"Do you have a handkerchief?" tanong ko sa lalaki na huminto sa harapan ko.

Napakamot ito sa ulo. "I don't have-"

Sumisinghot na inabot ko ang T-shirt niya at doon na lang suminga. Wala na akong choice, kaysa naman i-angat ko ang tube dress ko, eh 'di nakita niya 'yung dapat hindi makita?

"Sorry, I don't have any tissue nor handkerchief in my pocket."

Nang mag-angat ako ng tingin, doon ko nakita kung paano siya gulat na gulat habang nakanganga pa.

Napayuko ako at nahihiyang kinagat ang mga daliri ko. "I-I'm very sorry." Gulat na paghingi ko ng tawad. Doon lang ako natauhan sa ginawa ko.

"Shit, Marie, nasaan ang utak mo? Nasa talampakan ba?" mahinang usal ko at pasimpleng binatukan ang sarili.

Narinig ko ang malamyos niyang tawa. "Okay lang, nasingahan mo na naman, eh. Look, may kulay green pa sa sipon mo."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Shit, pinoy siya? Sa mga puntong ito, humihiling ako na sana may bunganga na lang ang lupa dahil buong loob akong magpapakain talaga! Nakakahiya..

"I'm Bont Gallego," Hindi ko nabakasan ng inis ang mukha niya dahil sa ginawa ko, instead, he genuinely smiled at me na parang sinasabing okay lang na masingahan ko ang shirt niya.

Noong una nag-alangan pa akong sabihin ang pangalan ko pero nang mapatingin ako sa T-shirt niyang siningahan ko, guilt build in me.

"M-Marie.." Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko nang titigan niya ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

End

At doon nagsimula ang kahihiyan na nangyari sa'kin. Kahit ayokong kaibiganin siya, wala akong nagawa kun'di ang pumayag na lang kasi sobrang kulit niya! Simula no'n, madalas na siyang nagpupunta sa bahay ni Daddy. I found out na doctor pala siya ng mga hayop.

"Babe," Mas lalong umingay ang buong paligid nang lumuhod si Bont sa harapan ko. "Wag mo naman sirain ang plano ko." Natatawang wika niya at may hinugot sa bulsa. Nagulat ako nang makita ang maliit na box na hawak niya.

Is he.. is he..?

Oh my God!

Mas lalo akong nawindang nang buksan niya iyon at ilahad sa akin ang kumikinang na emerald ring na nakapaloob sa maliit na box. Nanggilid ang luha ko habang hindi pa rin napapawi ang gulat sa aking mukha.

"I love you and I know you love me too." Natawa siya. "Tinanggap kita ng buong buo, Marie. I accept all your flaws, your past, the whole you because I love you so much. This time, hindi ko na papakawalan pa ang taong nagmahal ulit sa'kin kaya babe, oras na para ikaw naman ang tumanggap ng apelyido ko."

Napakagat ako labi para itago ang kilig na nararamdaman ko. Kinalma ko ang sarili ko at naghintay pa sa sasabihin niya.

"Marie Elizabeth Alvarez, w-will you.. marry m-me?"

Lumakas ang sigawan ng mga tao sa loob ng restaurant. Kasabay ng malakas na sigaw nila ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig na inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya.

Noon ay hindi na ako umasa pa na may tatanggap pa sa'kin, na may magmamahal sa akin sa kabila ng mga pinagdaan ko. Akala ko nga tatanda na akong mag-isa dahil sa pag-aakalang iyon ang karma ko sa lahat ng mali na nagawa ko. Pero hindi, nagkamali ako. May maganda pa palang mangyayari na hindi ko inaasahan.

Bont Gallego came in those days I thought I couldn't fly up again because of my broken wings. Dumating siya sa buhay ko at binigyan ulit ako ng panibagong pakpak para makalipad ulit. Iba siya, ibang iba siya sa iba. Iba siya kesa sa kaniya. 

He accept the whole me and I accepted him in my heart too. Sa tagal ng pagiging magkarelasyon namin, wala kaming ni isang naging problema dahil sabay namin iyong hinarap at sinolusyonan. Hindi ko na talaga nakikita pa ang ang sarili ko na makakahanap pa ako ng taong bubuo ulit sa'kin. Pero tignan mo nga naman ang tadhana, binigyan pa ako ng pagkakataon na magmahal ulit na walang hinihinging kapalit kun'di mapalitan lang ang apelyido ko.

"Yes! Yes! Yes!"

Natawa ako nang makita ko sila Maia sa crowd at may hawak pang banner na may nakasulat na marry him. Hindi ko naman alam ang irereact ko sa banner na hawak ni Kim.

"Yes, I do na agad para happy na ang sex life, bes!"

Napailing na lang ako at ibinaling ang tingin kay Bont na halatang kinakabahan.

"Marie, manganganak na ako, hindi ka pa sumasagot! Yes, I do na kasi!" Narinig kong sigaw ni Misty. Natawa ako gan'on din si Bont na napapailing na lang.

"Narinig mo? Mas atat pa 'yung kaibigan mo kaysa sa'kin na nagtanong sa'yo." wika ni Bont at ngumiti ng matamis sa akin. Napaiyak ako habang tumatawa. Muling umingay ang mga tao at pinipilit na akong magsalita.

"Yes na kasi!"

"Yes, I do na!"

Napakagat ako ng labi. "Oo na, pumapayag na ako." Natatawang sagot ko.

"Yes? S-sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bont pero sinusuot na niya ang singsing sa ring finger ko.

Tumaas ang kilay ko. "Ayaw mo? Sige, babawiin ko na--" Agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Ngumiti ako nang mag-angat ang ulo ko at tignan siya.

"Thank you, Marie. Thank you."

Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at napangiti na lang dahil sa labis na tuwang nararamdaman.

"Thank you very much, Marie— no, it should be soon to be Mrs. Bont Gallego." He whispered.

I smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 3K 25
Cavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on him. That girl is always saying the word...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
118K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
116K 4.9K 55
"He hates her for chasing him and loves to pretend he doesn't care" Master Stony's goal is to harshly reject the desperate girl who claimed she likes...