Monasterio Series #4: A Roman...

By Warranj

2.5M 93.9K 17K

Adrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what... More

A Romance Blossomed in Sirao
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Epilogue l
Epilogue ll
Special Chapter I
Special Chapter ll
Special Chapter lll
Special Chapter IV
A Romance Blossomed In Sirao (book version)

Kabanata 17

52.8K 2.1K 316
By Warranj



Kabanata 17

Hindi ako dapat magselos — iyon ang palagi kong iniisip sa tuwing makikita ko kung paano tratuhin ni Dashiel si Lauren. They're best of friends since they're little and that's totally out of my business.

Isa pa, siniguro naman sa akin ni Dashiel na magkaibigan lang sila. He wouldn't dare to introduce me to her if there's something going on between them. Wala pa rin naman akong karapatan magselos dahil hindi pa kami. Nga lang, ang hirap talaga pigilan. Tama si Dashiel. We don't need any label to stop this jealousy from taking its toll on us.

Hilaw ang naging ngiti ko habang pinapanood si Dashiel at Lauren na magkaharap at masinsinang naguusap sa malayo. Ngayon na ang balik nila sa Maynila. It's supposed to be three days ago but Lauren still wanted to explore around. Hindi rin natuloy ang sana ay pagpunta namin ni Dashiel sa Sirao Garden dahil hindi niya puwedeng pabayaan ang mga kaibigan. Napagdesisyunan namin na ngayon na lang ituloy ang pagpunta roon pagkahatid sa kanila.

It's later on when Lauren suddenly hooked her arms around Dashiel's waist and embraced him tightly. Narinig ko ang bahaw na halakhak ni Dashiel saka niyakap pabalik ang kaibigan at hinaplos ang buhok nito.

Tumungo ako, malalim na bumuntong hininga.

"Are you jealous?"

Mabilis akong nag angat ng tingin nang marinig ang tinig na 'yon. Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita si Ma'am Cheska na nakatingin sa kung saan habang may matamis na ngiti sa kanyang labi. She's radiating in her white flowing dress and curly hair set in a pony tail. Para siyang isa diyosa na hindi kailanman umi-edad.

"P-Po?" tanong ko, hindi gaanong sigurado sa narinig mula sa kanya.

Nilingon niya ako, hindi inaalis ang ngiti roon.

"I know that my son likes you, Dreya. Hindi niya man sabihin sa amin, alam kong may pagtingin sa'yo ang anak ko. Tell me, is he already courting you?"

Literal na nanglamig ang mga palad at talampakan ko. Hindi kailanman nabanggit ni Dashiel na may alam sila Ma'am Cheska sa amin. We have never talked about them yet. Pero kung ganito ang klase ng tanong niya, paniguradong may nararamdaman na siya.

"Opo, Ma'am Cheska. Pasensya na po—"

"Why are you apologizing?" she chuckled. "It's not that liking you is a sin. Alam kong iniisip mo na hindi ka nababagay sa anak ko dahil sa katayuan ninyo sa buhay. Those facts will never bother us, Dreya."

Tipid akong ngumiti. "Mahirap po iwasan, Ma'am Cheska."

She sighed. "Hindi si Dashiel ang tipo ng lalaki na nanghahamak ng isa tao dahil sa estado nito. I know my son too well. Might at least give him a chance..." she smiled at me and I couldn't help but to smile, too.

Masiyadong maganda ang ngiting iginagawad niya sa akin. Ngiting totoo, ngiting alam kong galing sa puso.

"Back to my question. Are you jealous of her?"

My lips held a light smile. Gusto kong sabhin ang totoo pero pakiramdam ko ay nakakahiya iyon sa parte ko lalo pa at ina ni Dashiel ang kausap ko.

"Hindi naman po. Alam kong m-magkaibigan lang sila."

Muli siyang ngumiti at itinuon ang atensyon kela Dashiel at Lauren. I followed her line of vision and found the two still hugging each other. Ayos lang 'yon. Ganun siguro talaga dahil maaaring matagal na ulit bago sila magkita. I heard that Lauren is about to go back to Brooklyn where she truly lives in.

"You shouldn't be. They're just really close. Malapit sa amin ang batang iyan dahil naging malaking bahagi ng buhay ko ang ama niya. Lauren is such a sweet woman but she's just a little sister to Dashiel."

"Naiintindihan ko po 'yon. Wala pong problema sa akin."

Nagkalas na sa pagyayakapan ang dalawa. Agad na dumapo ang mga mata ni Dashiel sa akin. He smiled at me as they walked towards us. Samantalang si Lauren ay nakay Ma'am Cheska ang atensyon.

"Tita, I'm gonna miss you! Please visit us there when you have time." si Lauren na agad yumakap kay Ma'am Cheska.

Dashiel caressed my cheek with his thumb as he stood near me.

"You okay?" he asked.

"Ayos lang ako." tipid ang ngiti na sabi ko.

"We'll leave in a few."

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Of course. Your Tito Daniel will be having a convention in Los Angeles next month. We'll pay you a visit."

"That's nice!" masayang sabi ni Lauren saka tiningnan si Dashiel. "Come with them, Dash. Please?"

Natawa si Dashiel. "I can't. I'm busy managing the business here."

"Is it really business, Adam?" tanong ni Ma'am Cheska saka ako tiningnan.

Nagiwas ako ng tingin, pakiramdam ko ay tinutukso niya ako sa lagay na 'yon. Humalakhak si Dashiel at hinawakan ang kamay ko. I suddenly glanced at Ma'am Cheska and saw her looking at our hands, a teasing smile was etched on her lips. Maging si Lauren ay nakatingin rin sa kamay namin. Nga lang, tipid na ngiti lang ang mayroon siya.

"She's the main reason why." Dashiel whispered raspily that made me look at him. Nakatingin na siya sa akin, may matamis na ngiti sa kanyang labi.

Silence suddenly lingered in the air as if the time stops and only the two of us were the only people here.

"Dash, let's go! Hatid mo na ako sa kotse. Or maybe you can drive me to the airport instead?" Lauren’s words snapped as out from staring at each other.

Una akong nagbawi ng tingin at yumuko, ramdam hiya dahil sa alam kong nasa akin ang atensyon nila Ma'am Cheska.

"You know that's not possible, Lauren. I have my woman with me. May kailangan kaming puntahan ngayon."

"Hmp! Fine. Next time then. I’m hoping to see you in Brooklyn next month."

Isang halakhak lang ang isunukli ni Dashiel sa kanya. Umalis na ang mga kaibigan niya hindi kalaunan. They all bid their goodbyes to me except for Lauren. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto. She randomly smiles at me. Ni hindi niya tinatanggap ang pag follow ko sa kanya sa Instagram. I followed her months ago. Pero mukhang ayaw niya. Maybe she doesn't want me for her best friend?

After of almost three hours of being treated to some fresh mountain breeze and scenic nature sights, like Sirao Peak, we've finally reach the place that Dashiel wanted to bring me to. Pagkaalis nila Lauren ay agad na rin kaming bumiyahe patungong siyudad.

Kahit na taga Cebu ako ay hindi ko pa kailanman napuntahan ang lugar na ito. Siguro ay dahil mahirap naman talaga pumunta sa malayong lugar nang walang sariling sasakyan. Isa pa, ang akala ko ay kuntento na ako sa kapatagan na nakikita ko sa lugar namin. Hindi pala. Mas may higit pa pala.

"Do you want to eat first?" si Dashiel nang nagbabayad na siya ng entrance fee.

Sa Sirao Pictorial Garden and Camping Site ang una naming pinuntahan. As expected, the garden was pretty busy and noisy. Wherever I turn, I saw plenty of people posing and snapping photos. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong masabik.

"Ayos lang. Busog pa naman ako dahil kumain tayo sa daan kanina." sabi ko sa kanya siya nilingon. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin, may ngisi pa sa kanyang labi.

"Bakit?" tanong ko.

He licked his lower lip and shook his head. Naglakad na siya patungo sa akin saka ako inakbayan. We started walking as my eyes stayed at him.

"You just look adorable while roaming your eyes around. Excited?"

Sunod-sunod ang naging pagtango ko.

"Sobra! Pakiramdam ko ay magiging masaya ang araw na ito." Humagikhik ako saka itinuon ang atensyon sa daanan. The fresh and tall green trees are very relaxing to the eyes.

"I'll make this day memorable for you, Dreya. I promise."

Dashiel fullfilled that promise for smile never leaves my face the whole day. We had a lot of photoshoots and long walks. We also walked up to the infamous stair of arm and inspired Bali nest. Nakakatuwa lang dahil walang ginawa si Dashiel kung hindi ang kuhanan ako ng litrato. Ngunit mas madalas na kaming dalawa.

"Dashiel?"

Hapon na at naglalakad kami patungo sa Original Sirao Family Garden nang biglang may tumawag sa kanya. Hawak ang aking bewang, lumingon kami parehas para makita ang isang matangkad na babae at may itim na buhok. There's a camera hanging around her neck while looking at Dashiel.

"Monique..." Dashiel called out.

Kilala niya?

"You're here! Ang akala ko ay namamalikmata lang ako."

Nilingon ko si Dashiel, tanging ngisi lang ang isinagot niya sa babae. Halatang tinatamad siya habang nakatingin dito. Pansin iyon sa ekspresyon ng mukha niya.

"So, Lauren is here? Saw her post on Instagram. Where is she?" tanong ng babae at tiningnan ako. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka tinaasan ng kilay.

Huminga ako ng malalim.

"She has already left for Manila."

"I see. Who is she then?" tukoy sa akin ng babae.

Bumuntong hininga si Dashiel, tila nauubusan ng pasensya.

"Is this an interview, Monique? I am not informed."

Kumurap-kurap ang mga mata nung Monique, tila hindi alam ang isasagot kaya naman muli na siyang inunahan ni Dashiel.

"Still have to go somewhere with my girlfriend. Excuse us."

Pagkasabi niya no'n ay hinila na ako ni Dashiel sa aking bewang at tinalikuran na ang babae. Nilingon ko pa ito at nakitang medyo matalim ang tingin sa akin.

"Bakit mo naman siya tinalikuran, Dashiel?" tanong ko nang tingnan muli siya. "At saka hindi mo naman ako girlfriend."

"Hindi pa..."

"Suplado ka pa rin."

He rolled his eyes like a real snobbish he is.

"She's consuming our time too much. Kaunti na lang ang oras natin dito. She's not worth it."

Ngumuso ako. "Sungit."

He glanced at me as his lips lifted into a playful smirk. Bahagya siyang dumukwang palapit sa tainga ko at bumulong.

"Sa'yo lang hindi..."

Sinamaan ko siya ng tingin, nangingiti rin naman.

"Palagi mo na lang akong binobola. Ganiyan siguro ikaw sa mga nagiging nobya mo noon."

He chuckled and groaned after. "You already know how to talk that way, huh?"

Natawa ako. Ni minsan kasi ay hindi naman ako nagsasalita sa kanya ng ganoon. Hindi rin naman ako seryoso roon. Para sa akin ay tapos na ang kung ano mang mayroon sa nakaraan niya. I don't care if he had been into lots of relationships because those were all in the past. What important is now and the future I want with him.

Nakarating kami ng Sirao Family Garden hindi kalaunan matapos muling magbayad ng entrance fee.

The arches look classy and everything seems so organized here. And, it’s more spacious too, with tons of open spaces. And, there was absolutely no shortage of flowers and beautiful sights in this garden. Hindi rin gaano marami ang tao dito hindi kagaya sa naunang pinuntahan namin.

They're right when they called this place "Little Amsterdam of Cebu."

"Ang ganda!" natutuwang wika ko habang naglalakad sa gitna ng naglalakihang sunflower. "Dashiel, dito tayo dali!"

Nilingon ko siya. Medyo malayo pa ang distansya niya sa akin ngunit naabutan ko naman siyang kinukuhanan ako ng litrato. Humarap ako sa gawi niya at ngumuso.

"Kinukuhanan mo na naman ako..."

He smirked. "Come on, smile for me."

Natawa ako saka umiling. Hinaplos ng mga daliri ko ang isang sunflower na naroon at bahagyang idinikit ang mukha rito. I looked at Dashiel's way and let out a sweet smile.

Staring at his screen for a couple of seconds, he looked at me and stared for a little while.

"Bakit natahimik ka?" tanong ko.

Umiling siya at saka naglakad palapit sa akin.

"I just realized how perfect you are."

My cheeks got burned at his words. Para itago ang kilig ay tumawa na lang ako at nilagpasan siya.

"Halika na—"

Hindi ko naituloy pa ang sinasabi ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Kusa akong napaikot kasabay ng pagkalabog ng aking puso matapos niya akong salubungin ng mainit na yakap. He gently caressed my hair down as if I'm sort of a fragile thing.

Sunod-sunod ang naging pagkurap ko. Awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko paikot sa bewang niya at dinama ang kanyang yakap.

"I love you..."

Those three words from him merely made my heart explode. Pakiramdam ko ay may kung anong kumurkuryente sa akin kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.

"I'm in love with you," Dashiel added. "I don't want to pressure you, Dreya. I just want to tell how I feel right now."

Hindi ako sumagot. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko habang ang baba ay nakapatong sa ibabaw ng balikat niya.

I don't feel any pressure hearing those words from him. It's more like getting excited and feeling like I'm in cloud nine. Pakiramdam ko ay napakaganda ng lugar na ito para masaksihan ang emosyong nananalaytay sa aming dalawa sa mga oras na ito.

The Garden of Sirao is such a perfect witness of what I'm about to say right in front of this man. Hindi na dapat itago pa. Kung itatago at pahahabain ko pa ay para na rin akong sasabog.

"Mahal rin kita, Dashiel."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking bewang. I felt him getting stiffed as if those words don't sink into his brain yet.

"Come again, baby?" he said and then pulled away from our hug, locking his eyes with mine. "You are what?"

I chuckled. "Hindi ko alam na nakakabingi pala ang salitang mahal rin kita?"

He stared at me, serious and menacing.

"Huwag mo akong biruin, Dreya. Masama akong binibiro."

"Kailan ba ako nakipagbiruan sa'yo, Dashiel?" Ngumuso ako. "Hindi naman ako marunong no'n."

His Adam's apple moved up and down. He looked up and shut his eyes.

"Tell me this is not a dream." he muttered under his breath but I can clearly hear it.

Humagikhik ako. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. This is the first time I made this move first. Hindi naman siguro ito mahalay.

Nagbukas ng mga mata si Dashiel. He lowered his head down and looked at our intertwined hands.

"Mahal kita, Dashiel..." ulit kong muli dahilan para mag angat siya ng tingin sa akin. His eyes somehow glittered in happiness, I think. "At sinasagot na kita."

His eyes narrowed. "You should know by now that once you said it, there's no way in hell you can take it back."

I giggled more. "Hindi ko babawain. Pangako."

Halos mapairit ako nang iangat ako ni Dashiel mula sa lupa at buhatin paikot!

"Dashiel, ano ba!" natatawang awat ko. "Ibaba mo nga ako."

Few more turn around and he finally brought me down the ground. His large hands cupped my cheeks and I automatically held his hands, too. Titig na titig siya sa mga mata ko, kagat ang mapupula niyang labi.

"Tayo na?" tanong niya, tila naninigurado.

Paulit-ulit akong tumango habang nakangiti.

"Tayo na..."

He smiled at me and suddenly planted a kiss on my forehead before pulling me close to him, giving my body a warm hug.

Around us were large area with plenty of lovely buds and greens, giants sunflowers, the celosia flowers and the afternoon sun casting its beautiful rays on us.

These wonderful creations in this beautiful Garden of Sirao are the main witnesses of the romance that's about to blossom starting today.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...