For You, Amor

By gery_anne

157K 6.8K 2.5K

"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo... More

For You, Amor
content warning, please read
PAKI-READ :">
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 39

1.9K 92 29
By gery_anne


KINAUSAP ni Dra. Mampusti si Froilan nang matapos ang pag-uusap namin. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila dahil gusto ni Doctora na sila lang daw dalawa ang mag-usap. Dumiretso na ako sa kwarto ni Froilan at sinubukang umidlip. Mabuti na lang at nakatulog naman ako.

Nagising ako na medyo madilim na sa labas. Wala si Froilan sa kwarto. Nang tumingin ako sa orasan ay nakita kong alas sais y treinta na ng gabi. Alas siyete pasado kumakain ng hapunan ang mga Vallescas pero hindi na ako magpapaimportante't magpapagising pa. Nagpasya na akong bumaba at naisip na tutulong na lang sa paghahanda ng hapunan.

I was going down the stairs when I heard the television. I stopped on my tracks when I heard a news. Hindi ako nakagalaw agad. Tila naipako ako sa aking kinatatayuan.

"Naliligo sa sariling dugo ang isa sa mga anak ni Manila Mayor Ysmael Salvatorre nang matagpuan ito sa sarili nitong apartment sa Manggahan, Pasig City. Ayon sa mga iilang nakatira sa apartment building, ilang araw na silang nakakaamoy ng hindi kaaya-ayang amoy mula sa unit ni Braxton Salvatorre kaya iminungkahi na nila ito sa mga awtoridad. Natagpuang laslas ang leeg ni Braxton Salvatorre at may iilang pasa sa katawan."

Nangatal ang mga labi ko. Naririnig ko rin ang pag-uusap nila Froilan habang pinanonood ang balita.

"The investigation will start immediately, for sure," si Tito Enrico.

"H-Hindi naman siguro maituturong suspect si Amor," ani Ate Rizza. "You said that there were no CCTVs in the building, right?"

"Wala nga. Wala rin namang nakakita sa amin noong umalis kami, e. 'Yong babae sa front desk, hindi naman nakita ang mga mukha namin."

Mabagal na ang mga naging hakbang ko pababa ng hagdan habang patuloy kong naririnig ang reporter sa TV.

"Ayon sa receptionist ng apartment building, nakita raw niyang may kasamang babae si Salvatorre nang umuwi ito ng tanghali noong Huwebes. Narito ang pahayag ng receptionist nang makapanayam namin."

Tuluyan akong nakababa. Hindi pa nila ako nakikita dahil lahat sila ay tutok sa telebisyon. Umawang ang bibig ko nang ipakita sa screen iyong babae sa front desk noon.

"May dala po siyang babae, e. Wala pong malay 'yong babae. Buhat-buhay niya. Napansin niya yatang nagtataka ako kaya sabi niya... girlfriend niya raw po 'yong babae at lasing daw po kaya ganoon."

Kumuyom ang mga kamao ko. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Froilan.

"Anong itsura no'ng babae?" tanong ng reporter.

"Maputi po. May itsura, gano'n. Matangkad din saka payat."

"Hindi mo siya nakitang umalis ng building noong araw na 'yon?"

"Hindi po, e."

Natapos ang interview sa babaeng iyon hanggang sa ang ipakita na lamang sa screen ay ang reporter.

"Kasalukuyang ipinapa-sketch ang itsura ng babaeng nakita ng receptionist na kasama ni Salvatore noong huli siyang makitang buhay. Sinusubukan din ng aming team na makapanayam si Mayor Ysmael Salvatorre upang alamin kung anong magiging aksyon ng kanilang pamilya sa imbestigasyon."

Natapos ang balita at wala ni isa sa pamilya ang agad na nakapagsalita. Humakbang ako palapit kung kaya't pare-pareho silang nagbaling ng tingin sa akin. Bakas ang gulat sa mga ekspresyon nila nang makita ako.

"A-Amor!" Agad na pinatay ni Froilan ang TV at tumayo.

"They're gonna find me!" palahaw ko. "Alam na nilang patay si Braxton tapos kapag nai-describe ako nang mabuti no'ng babae sa gagawa ng sketch, ako na ang magiging suspek!"

Nakalapit sa akin si Froilan at marahang hinagod ang mga braso ko upang pakalmahin ako. Napatayo na rin tuloy ang iilan sa kanila.

"Don't say that, Amor. It's not gonna happe--"

"I was the only one who was last seen with Braxton! There's a witness, can't you see?!"

Pilit niya akong niyakap ngunit kumakawala ako. Hindi ako mapakali. Hindi ko kayang manatili na lang sa isang tabi habang tinutugis na ako ng mga awtoridad.

"We will do something about it," alu pa ni Froilan.

"Hija, don't worry. You're safe here. Hindi nila malalaman kung nasaan ka," ani Tita Claudia.

Umiling-iling ako. Inalu ako ni Froilan at pati si Ate Rizza ay ganoon ang ginawa. Ang mga magulang nila ay nakikita kong abala sa sari-sarili nitong cellphone. Nang bahagya akong kumalma ay nagpatangay na lamang ako kay Ate Rizza sa malaki nilang sofa.

"Should we call a lawyer, Enrico? What do we do?" rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Tita Claudia.

I bit my lower lip. I felt guiltier every second passed. Hindi sila dapat nagkakaroon ng ganitong intindihin! Kasalanan ko lahat ito! Pabigat ako!

Tumingin sa akin si Tito Enrico bago bumaling kay Froilan.

"Kung sakaling tumama ang sketch ng mga pulis sa itsura ni Amor, tiyak na pupuntahan ka ng mga pulis upang tanungin. Kung hindi ka mahanap sa condo mo, paniguradong dito sila pupunta. We need to hide her."

"Baka makita nila si Amor dito, Enrico," sabat ni Tita Claudia. "What if we hide her somewhere far? We have a rest house in Nasugbu. Doon kaya?"

Umiling-iling si Tito Enrico. Hindi ko na sila matingnan ng diretso dahil bumibigat ang dibdib ko na nakikita ko silang nagkakagulo nang ganito dahil sa akin.

"I'm sure the Salvatorres will dig on our properties, Claudia. Kapag nalaman nila na boyfriend ni Amor ang anak natin, pati tayo ay iimbestigahan nila. We should hide her somewhere that is not associated with our name."

"So saan nga? Mangingibang bansa pa ba tayo?" Napasapo si Tita Claudia sa kaniyang noo.

I looked down on my hand resting on my lap when a warm hand gently squeezed it. Pinakatitigan ako ni Froilan habang nag-uusap ang kaniyang mga magulang.

"Balik na tayo sa kwarto?" Nangangamba ang mga mata niya at may bahagyang lungkot.

Pinigil ko ang mga luhang gustong kumawala. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"We should help them think of a solution," sabi ko.

He breathed a sigh. Isang beses siyang tumango na tila wala nang lakas upang makipagtalo pa sa akin. Para bang unti-unti na siyang nanghihina. Unti-unting nauubos.

"E kung sa Isla Contejo kaya? I'm sure Arsen will be willing to help us," si Tito Enrico.

Inis siyang nilingon ng asawa na bumagsak ang balikat.

"There's no doubt that Arsen and Jaeda will help us because we are friends with them. But have you forgotten already? Pinsan ni Arsen si Zaviar. And Zaviar Contejo's wife is Fleury Salvatorre! Si Fleury na kapatid ni Ysmael Salvatorre! Si Fleury na tiyahin ng napatay ni Amor--"

"Mom!" Froilan's voice thundered.

Natahimik ang lahat. Tita Claudia looked at me guiltily. I forced a smile to tell her that it's fine. I gulped before saying something.

"It's okay po. Totoo naman. Kasalanan ko po lahat, pasensya na--"

"Tsk. Amor, please," si Froilan sa naiinis na tono. "Wala ka ngang kasalanan. Stop throwing a pity party for yourself."

Naitikom ko nang tuluyan ang bibig ko. Napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

Nagpatuloy sa pag-iisip ng solusyon sina Froilan at ang kaniyang mga magulang. Tahimik na lamang akong nakinig at hindi na tinangka pang abalahin sila. Mukhang wala rin naman akong maitutulong.

"The Contejos can't help us, so I think we should keep this matter from Arsen. I know their loyalty is on us, but we cannot risk it," ani Tito Enrico. "Tatawagan ko ang kapatid kong si Cydney para makausap niya si Bryle. Baka p'wede nating rentahan ang ilan sa tauhan ng mga Velleres. Mas higpitan na lang muna natin sa ngayon ang seguridad dito."

Tumango si Tita Claudia. "Mabuti pa nga. Anyway, can we tell this to Ciello and Quillon? Hindi ba't abogado iyong kuya ni Ciello? Baka mapayuhan tayo sa kung anong dapat gawin."

"Uhm..." Froilan cleared his throat. "One of Amor's alters was a law student."

Ikinuwento ni Froilan ang mga narinig niya kay Eson noong makausap nito sina Kevin. Kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Tito Enrico. Si Tita Claudia naman ay panay ang sulyap sa akin.

"Paniguradong iyon lang din ang mga sasabihin ni Attorney Velleres sa atin," dugtong pa ni Froilan.

Napatango-tango ang mag-asawa at nagkatinginan.

"Oh, well. We will just double the security of the mansion for now. Sisiguraduhin kong hindi basta-bastang makakapasok ang kung sino rito. Ipagbibigay alam ko na lang din ito kina Quillon para makapag-renta din tayo mula sa kanila ng mga tauhan."

"Parang masyado naman yatang marami, Enrico. Meron na tayong hihiramin sa mga Velleres, meron pa sa mga Marqueza?" pag-alma ni Tita Claudia.

"Mas marami, mas mabuti. Saka ano ka ba? Ciello is originally a Velleres, so parang gano'n na rin 'yon."

Nakita ko pang nginiwian ng ginang ang asawa bago kami nabulabog ng isang kasambahay.

"Ma'am, Sir! Manood po kayo ng balita! Nabanggit ang pangalan ni Sir Froilan!"

Agad na nanlamig ang katawan ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...
252K 9.4K 43
Ham Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig. Magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware o...
99.1K 3.1K 33
Casa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual...
35.3K 1.7K 34
Cosmos Series #5 - Completed