PHILOXENIA ACADEMY: Love To S...

By Meraaakii

58.4K 1.1K 18

"NO! PLEASE DON'T!" I closed my eyes as tears started to escape from it. "PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO! ACE! DON... More

Philoxenia Academy : A Love of Stranger
Disclaimer
Author's Note
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 2

140 8 0
By Meraaakii

Xenia

CHANDICA

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Una kong minulat ang kaliwang mata ko para silipin kung sinu-sino yung mga nagsasalita. Medyo nasilaw pa ako dahil sobrang puti ng paligid. Kalaunan, nakakita ako ng isang babae na sa tingin ko ay doktor. Ibinaling ko ang tingin sa kausap niya, pamilyar ang lalaki.

"---you're safe now.." naalala ko ang boses na yun.. Yung lalaki kanina!

Naimulat ko na ang dalawa kong mata nung maalala ang mga nasaksihan ko. Yung bus, yung mga tao..yung itim na usok.. yung pagtalsik ko..at yung.. malaki na aso.

Gusto ko na sanang magpanic nung lumingon ang dalawa sakin pero nanatili lang akong kalmado at hindi nagpahalata. Walang ekspresyon ang mga mata ni Black, (yun muna tawag ko sa kanya dahil itim yung lumabas sa kamay nya kanina, isa pa di ko pa alam pangalan nya) habang hinagod naman ako ng tingin nung doktora.

"Oh, she's awake.." chineck nya ako mula ulo hanggang paa gamit ang mapanuri nyang tingin. "No body complications. She's good to go." May pinagsasabi pa sya na di ko maintindihan dahil yung isip ko ay kung ano na ang gagawin ko.

May bayad ba sa hospital na 'to? Pero wala akong pera. Nag iisip na ako ng escape plan baka sakaling singilin ako ng doktor dahil sa tingin koy inadmit ako sa isang private room. Shit, paniguradong mahal ang bills. Pano ba, pano ba..

"Don't worry about your hospital bills dear, it's been paid." Tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Dra. Pero nagtaka ako, pano nya nalaman na iniisip ko ang hospital bills? Phsycic ba sya? Mind reader?

What am I thinking? Napakaimposible naman no'n.

"Yes, dear. Sorry if I have invaded your thoughts. Masyado kasing maraming flow of informations sa isip mo at di ko mapigilang marinig ang pinagsasabi mo." she explained pero wala akong naintindihan. Wth? So binasa nga nya ang nasa utak ko?

Palihim akong napasigaw sa isip ko, napansin ko naman ang panandalian nilang pagpikit sa mata, palatandaan na naririnig nga nila ang pagtili ko.

Deym.

Sinubukan kong hindi mag isip ng kung ano ano at baka mabasa nanaman nila.

"You have to come with me, woman." pagsasalita ni Black. Tinapunan ko lang sya ng nagtatakang tingin. Ano ang ibig nyang sabihin? saan ako sasama? Rereypin ba nya ako? Kikidnapin? Kidnap for ransom? Pero wala akong pera!

"For hell's sake, woman. I'm not gonna kidnap you. And why would I even rape you? You're not my type." He said and I even saw him smirked pero mabilis din yong nawala.

Aaaah! Nababasa nga nila yung iniisip ko!

"I should take my leave." yumuko ng bahagya si Dra. kay Black bago umalis sa pinto. Nung nawala na sya sa loob ng silid ay naiwan akong kasama ang mayabang na Black na 'to.

I scoffed.

Ha! Not his type? Well he's not my type too! Akala nya ha!

Napatingin naman ako sa katawan ko. Okay naman ah. Maputi ako at katamtaman ang taas. Di sa pagmamayabang pero may curves din naman ako. Hindi lang ako marunong manamit. (So what?) Isa pa, hindi naman ako pangit no! Pasalamat nalang siguro ako sa genes ng mga magulang ko (na hindi ko alam kung saan na ngayon) at maganda ang lahi namin!

Yun nga ang dahilan kung bakit marami ang umaayaw sakin na babae sa school. Lagi kasing lumalapit sakin ang mga boyfriend nila sa di ko malamang dahilan. Isama mo na rin yung mga step sisters ko na ubod ng kasamaan. Naiinggit siguro sakin kaya hate na hate ako.

Well, too much of self confidence. Medyo nagki-cringe na ako. Kung tutuusin ay parang nagbubuhat na ako ng sarili kong banko.

Eh siya? Ano bang kapuri puri sa kanya? Iyong makapal nyang kilay? 'Yong magandang pares ng mata nya na kulay abo at medyo may pagkasingkit? Yung ilong nyang matangos? Yung labi nyang mapula at makipot? Yung buhok nya na parang apoy ang kulay? O yung pangangatawan na payat? Ha! Oo na, gwapo sya! Pero di ko type.

Masyadong mayabang! Hmpf!

"Done checking me out, woman?" napaigtad naman ako sa sinabi nya.

A-aba! Mayabang nga!

"Hindi kita tinitingnan no!" No way in hell that I'm gonna admit that I was checking him out! Pride nalang ang natitira sakin! Kaya hanggang mamatay ako ay idedeny ko yun!

"As much as I don't want to interrupt you from staring at my hot body, I would really appreciate it if you stand up and come with me." Ha! Ta'mo tong lalaking to! Napakayabang! Hot body daw?! Oo hot body nga pero pwede bang magpakahumble sya?

Gusto ko ng malunod sa kahihiyan dito sa lalaking to. Pwede bang takpan ng filter yung bibig nya?! Kung pwede lang busalan. Gagawin ko na!

Inirapan ko sya at tumayo na sa kinahihigaan ko. Hindi na ako umimik. Inisip ko kung sasama ba ako sa kanya o hindi? Sya lang naman ang kilala ko dito at baka maligaw pa ako kung ako lang mag isa ang pagpagalagala sa paligid.

"I'm freaking waiting, woman." Umirap ako ulit dahil sa pagtawag nya sakin ng woman. Sa huli'y napadesisyunan ko ring sumama sa kanya. Mukha naman syang mabait. Dinala nya ako sa hospital at sa tingin ko'y sya rin ang nagbayad ng hospital bills.

NAKATULALA lang ako habang naglalakad. Wow! Napakaganda ng paligid at parang wala akong makitang imperfections sa bawat sulok ng garden. Hindi ko alam kung san ang punta namin pero nakasunod lang ako kay Black habang nakapamulsa syang naglalakad. Sobrang gulo ng buhok nya ngunit bumagay yun sa awra nya.

Awra ng Mayabang!

Walang kapintas pintas dito sa lugar na 'to. Kung tama ang pagkakatanda ko ay tinatawag ang lugar na to na 'Philoxenia' walang binatbat ang Jehomia dito. Mula sa nagtataasang mga bahay na mala palasyo ang disenyo hanggang sa maliliit na establishemento ay sobrang nakakahanga.

Maraming punuan dito sa paligid kaya napakabango ng simoy ng hangin. Napaka lively ng awra, pati ang mga tao ay tila nagpapakasaya. Nandoon parin ang mga taong gumagamit ng sa tingin ko ay mahika.

Hindi parin ako makapaniwala pero sa tingin ko ay sapat na ang nakita ko ngayon at kanina para patunayan na mahika nga ito.

Huminto kami sa isang gate na may pinturang mala-ginto. Napakaganda nitong tingnan at napakataas. Kahit mga pader ay sobrang taas. Siguro pag inakyat ko to ay tiyak na hindi pa ako nangangalahati ay mahuhulog na ako.

Biglang bumukas ang gate ng mag isa, sumalubong sa'min ang sculpture na sa tingin ko ay reyna at hari. May isang crest silang hawak at kung minsa'y umiilaw ito.

Napadako ang tingin ko sa nakahulmang kataga, "WELCOME TO PHILOXENIA ACADEMY", pag basa ko.. Sa ibaba nito ay nakasulat ang Love To Strangers.

BIGLA akong nanlamig nang makapasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay isang opisina.

Devilla Octavia Mosemy
Head Mistress

Pagkabasa ko palang sa pangalan ay nangilabot na ako. Kung sino man si Ma'am Devilla ay alam ko nang matatakot ako pag makikita ko sya.

Nakaupo lang ako dito sa isang napakakomportableng upuan pero di ko magawang kumalma. Kaharap ko si Black na pachill chill lang. Nakapatong pa yung paa nya sa lamesa ng headmistress.

Sasawayin ko na sana sya ng biglang bukas ang pinto at inuluwa dun ang napakagandang babae. Napakaamo ng mukha nya. Engrande din yung suot nya at para syang mag aadvertise ng isang produkto ng shampoo sa ganda ng buhok nya. Agad na dumako ang tingin nya sakin. Nailang naman ako sa paraan ng pagtitig nya at parang kinikilatis nya ang buong pagkatao ko.

May dumi ba aki sa mukha? May muta? Baka naman kulangot? Pasimple kong pinahid ang mukha ko. Mukhang wala naman.

Bat ba ako nya ako tinitigan? "So, what are you doing here Ms. Afroza Chandica Vileo?" she paused and walked towards us. Binaba na din ni Black ang mga paa nya at napaayos ng upo. "Lost? I believe not," hindi ko napagtuunan ng pansin ang tanong nya pero nagambala ako,

"Pano 'nyo po nalaman ang pangalan ko?" Pinilit ko talagang magtunog magalang. Yung boses nya hindi gaya ng inaasahan ko. Napakaistrikta nun at parang nag uutos kahit hindi naman.

Nagtungo sya sa harapan namin at umupo sa swivel chair. Doon ko lang nalaman na sya pala si Ms. Devilla.. "Oh it's pretty simple dear. I just know." Nag crossed arms sya. Bat ba ang hilig nilang tawagin akong dear? "I also know that you've been thrown out by your foster parents and you've nowhere to go. Basically, you're homeless now. You took a bus that led you here." she continued, then hinawakan nya baba nya na parang nag iisip. "Tho that makes me wonder.. You're a mere human. How come you've seen the bus? And you even crossed the bridge and passed through the barrier?"

Nagtaka ako kung pano nya nalaman lahat ng yun pero siguro ay dahil isa nanaman syang Physicic tulad ni Dra. At ni Black. Di ko lang maintindihan.. "Dapat bang hindi ko makita yung bus?" nagtatakang tanong ko. Sa laki ng bus na yun imposibleng hindi ko yun makita. Saka malay ko ba kung anong bridge at barrier ang pinagsasabi nya. Nakatulog ako sa bus, remember?

"No." Seryoso nyang sagot. "Only people with Xenia's could see that bus. Basically, people with powers."

Kung ganon.. may powers ako? Pero wala naman! 17 years old na ako pero wala naman akong nilabas na mahika! Joke time ba 'to?

"Considering that you've crossed the boarders means that you belong here in Philoxenia. You must be a lost one in the mortal realm. Well, such a rare case. And it happened before." May inexamine syang mga folder sa ibabaw ng mesa nya. Napansin kong may suot na syang salamin ngayon, di ko man lang napansin na sinuot nya yun. "Flora!" Biglaang pagtawag nya. May biglang sumulpot sa tabi nya na isang babae.

Nagulat pa ako dahil para syang nag teleport bigla. Napakurapkurap ako saglit. Did she just appear out of nowhere? Ang cool! Parang gusto ko rin!

"Please lead Ms. Vileo here to her dorm in the academy." she ordered.
Pero teka, ako daw, sa dorm? Bat naman ako magdodorm? Nabasa ata ng headmistress yung mga tanong ko kaya't sumagot sya. "I have to enroll you to the academy, for your safety. I bet you don't have any idea what's your Xenia yet. Here in the academy, we can help you with that." Sagot nya ng hindi nakatingin sakin.

Ipapaenroll? Pero wala akong pera para sa tuition fee. Saka, di ba nila kelangan forms ko? Ni isang form ay wala akong dala. Kahit Id ko, wala.

"For your further information, the academy's service are free. Anyone can enroll if you have Xenia." explain nya. Pero wala akong---- "You have one, Afroza. That's the only reason why you crossed between two realms. Forms aren't needed here. I could work with that. Now, you may proceed, for I have tons of works to do." Hindi na sya umimik pagkatapos nun.

Sumunod ako kay.. err Flora. Pagkalabas namin ay parang may kulang.

Muntik ko nang makalimutan si Black! Paglingon ko sa likod ay wala na sya dun. Umalis na siguro at nabagot. Kanina kasi'y napapansin kong humihikab sya at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Pag nahuhuli nya naman akong nakasulyap sa kanya ay sinasamaan nya ako ng tingin.

Para akong buntot na nakasunod lang kay Flora. Tinuturo nya yung mga lugar na nadadaanan namin dito sa loob ng campus. Napakalaki pala ng academy at parang kukulangin ang tatlong oras ko sa para malibot ang kabuuhan nito.

Nadaanan namin ang Cafeteria. Hindi sya ordinaryong cafeteria dahil sa tingin koy may pagkahawig ito sa dining area doon sa napanood kong pelikula na HARRY POTTER. Ang pinagkaiba lang ay ang desenyo nito. Dito kasi ay napakaliwanag at parang modern tingnan.

Nalaman kong magkatabi pala ang dorms ng mga lalaki at mga babae. Ibang building nga lang sila pero naglalakihan ito at parang 5 star hotel. Sobrang gara. Pag pasok ko ay napakatahimik. Batid kong nagkaklase ngayon. Wala kasi akong makita na mga tao sa hallway ng dorm.

Kulay puti ang pintura ng dorm. May tatlong strip lang ng gold yung sa mga babae, yung sa kabila ay royal blue.

Huminto kami sa room 112 nasa ikatlong palapag 'to. Pinaalam sakin ni Flora na apat daw kaming nagsheshare sa isang room. Pero iba iba naman daw ang mga kwarto namin at may kanya kanyang cr. Iisa nga lang daw ang living room at kusina.

Nagsorry pa sya saken kasi wala na dawng ibang bakante na rooms. Yung ibang kwarto ay inaayos pa dahil nasunugan daw dahil sa isang estudyante. Kaya dito ako nilagay. Wala naman sigurong mangyayaring masama habang nasa dorm ako na 'to diba? Hindi naman siguro nangangain ang mga dorm mates ko.

Binigyan nya ako ng spare key at map ng buong school. Binilinan nya ako na ang mga damit at lahat ng mga kakailanganin ko ay nakahanda na sa kwarto ko. Tinanong ko sa kanya kung pano nangyari yun na wala naman akong binili o ano. Nginitian nya lang ako bilang pagsagot.

"Bukas ka nalang pumasok. Nakahanda na ang schedule mo." Magtatanong pa sana ako ng talikuran nya ako at nagmamadaling umalis.

Nanatili lang akong nakatayo run.

Doon lang bumato lahat ng mga nakatago sa isipan ko.

Wow. Totoo ba ang nangyayari ngayon? Sumakay lang naman ako sa bus. Tas napunta ako sa mundong to? Na may mga mahika at magagandang lugar? Na hindi ko man lang alam na nag eexist pala sa totoong buhay? Ngayon ay nakaenroll ako ng libre dito sa isang academya. Mind you, napakagarang academiya! Tapos ang sabi ay may Xenia daw ako? Powers? Mahika?

Parang sasabog ang ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayong araw na to.

Pumasok muna ako sa pintuan at sinara ito.

Pwede bang mag wala? Isang tili lang promise,

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!" Buong lakas na sigaw ko.

Continue Reading

You'll Also Like

49.9K 1.4K 35
โ€žYou are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
737K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.1M 31.8K 47
Alexandra "Alex" Doherty is the girl everyone envies. She's well liked, is the captain of the soccer team, has a great group of friends, her boyfrien...
1M 89.7K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...