Kisses From Kai

By wufanose

23K 1K 190

{kai x you} If love is a game, do you still win by following the rules? (c) wufanose More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
IMPORTANT (Author's Note)

Chapter 16

799 36 11
By wufanose

Chapter 16

Pagdating ko sa hall eh nakita ko si Kai na tahimik na naka-upo sa bleachers. Tinawag ko yung pangalan niya at napalingon din siya sa'kin. Tumakbo ako patungo sa kanya at tumabi sa kanya pag-upo.

"Ano bang ginawa mo? Ba't hingal na hingal ka."

Hinabol ko yung hinga ko at nag-relax muna saglit. Agad kong hinawakan yung magkabilang balikat ni Kai at tiningnan siya diretsyo sa mga mata niya. Pinagmasdan ko yung bright brown eyes niya na paranag kumikislap habang tinitigan ko. Huminga ako ng malalim at kinuha yung phone ni Minzy na binigay niya sa'kin.

"I think you misunderstood this." sabi ko sa kanya at pinakita yung picture naming dalawa ni Luhan na nakaakbay siya sa'kin.

Nanlaki naman yung mga mata niya. "S-san mo nakuh..a yan?"

"It doesn't matter where I got this. Ang importante is that ma-explain ko sayo ang picture na to."

"Did Minzy give this to y---" di ko siya pinatapos kasi nilagay ko yung index finger ko sa labi niya. Ang lambot ng lips niya shet.

"Listen. Walang between samin ni Luhan ok? Kinausap lang niya ako nun kasi gusto lang niyang makipag-kaibigan sa'kin. Alam mo naman ako eh, di naman ako basta-bastang kumakausap sa ibang mga lalake."

Nagulat naman ako nung bigla niya akong niyakap.

"Huy, ano ba! Chansing ka ah." napatawa naman ako konti.

"Let's just stay like this for a while." narinig kong bumuntong hininga siya.

"Sooo? Ok na? Wala nang galitan?" tanong ko.

Di naman siya sumagot. Well I believe in 'silence mean yes' so. Nabigla ako nung bigla niyang hinigpitan yung yakap niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Mas mabilis pa nung dati. Ano ba tong nararamdaman ko?


Bumitaw na din siya sa yakap naming dalawa.

"Krisy, punta ka sa convenience store malapit sa bahay natin mamayang gabi ha? Libre kita ng kung ano. Hehe." ngumiti naman siya ng sobrang lapad.

Wala akong ibang choice kundi pumayag sa sinabi niya. Well, libre niya daw ako eh. Hahahah, gora!

Tumayo siya at nagtaka ako nung bigla niyang inabot sa'kin yung kamay niya. Litong-lito ko naman siyang tiningnan. Nabigla na lang ako nung bigla niyang kinuha yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

"Malapit nang mag-bell hali ka na." napatingin naman ako sa kanya.

Nakangiti siya habang naglalakad. Di ko naman ding maiwasang di mapangiti. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak habang naglalakad.

"Ano to?" medyo maldita kong tanong sa kanya habang tinuro yung kamay naming magkahawak.

"We're the campus couple, just bear with it."


"Gago ka talaga." napangiti na lang ako.

****

 Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakatitig lang sa blackboard. Nakatitig sa tatlong letra na nakasulat doon. Di ko alam pero bigla na lang ako kinabahan at bumilis yung tibok ng puso ko. Alam niyo ba kung anong nakasulat doon? MID TERM EXAM!!! Jusko di pa nga ako nakapag-study ng maayos, di pa ako ready.

"Huy ok ka lang? Kanina ka pa tulala diyan eh." tanong sa'kin ni Jean.

"Yung exam." sabi ko habang nakatitig pa rin sa board.

Bigla naman akong siniko ni Jean. "Huy, gusto mong mag-cutting classes?" sabi niya habang nakataas-baba yung kilay niya.

"Huy ano ka ba, di ko pa yan nagawa dati." bulong ko.

Agad naman niyang hinawakan yung braso ko. "For one time, just break the rules." ngumiti siya.

Rules. Halos na-break ko na nga lahat ng rules na ginawa ko eh. Hay, pano na tong future ko.

Ningitian ko na lang siya at dahan-dahang ngumiti. Ngumiti din siya ng palaro sa'kin at biglang tinaas yung kamay niya. Nagulat ako nung sinabi niya na may masakit daw yung ulo niya at kailangan niya daw akong sumama sa kanya. Ang mas ikinabigla ko eh nung pumayag yung teacher sa sinabi niya. Hahaha, galing talaga ni Jean.

Pagkalabas namin sa classroom eh agad kaming dumerecho sa likurang part ng school. Chineck muna namin kung may nakabantay sa back gate ng school. Nakita namin na may guard na nakabantay doon. Swerte naman nung umalis saglit yung guard. Hindi namin pinalagpasan yung chance so diretso kaming tumakbo palabas. Nagtago muna kami saglit sa gilid at chineck kung nakabalik na yung guard. Nagsitinginan naman kaming dalawa ni Jean at nag-end up kami na nagsitawanan.

"First time kong nagawa yun." sabi ko sa kanya na naka-ngiiti.

Kumuha kami ng taxi at dumerecho kami ng mall. Pagdating namin sa mall eh sa food court kami dumerecho. Umorder lang ako ng ice cream at takoyaki, si Jean naman eh yung inorder niya eh coke tsaka burger.

"May bibilhin ka pa ba?" tanong niya.

Umiling naman ako at sinimulang kainin yung takoyaki ko. Napatingin naman ako kay Jean na-enjoy na enjoy yung pagkain niya sa burger niya. Napatingin din siya sa'kin at ningitian ako ng sobrang lapad. Alam niyo, ang swerte ko talagang magkaroon ng kaibigan katulad ni Jean. Mabait, pero minsan din hindi. Caring palagi. May imperfections ba siya? Wala.

Sa gitna ng pagkakain naming dalawa eh may biglang pumasok sa isip ko. Yung tungkol saming dalawa. Alam naman ni Jean na nagpapanggap lang kaming dalawa ni Kai, pero di ko alama kung sasabihin ko ba yung weird na nararamdaman ko pag kasama ko si Kai. Aish, ewan!

"Jean, may sasabihin ako sayo."

Napatingin naman siya sa'kin. "Mmm?"

"Remember mo pa ba yung sinugod ako ni Minzy dun sa canteen kanina? Actually..." kinuha ko  sa yung phone ni Minzy at pinakita sa kanya yung picture naming dalawa ni Luhan na naka-akbay siya sa'kin.

Nakita ko naman yung gulat na expression ni Jean. "Oh my gosh, bakit nakaakbay sayo si Luhan dito? Ayaw mo na ba kay Fafa Kris?"

"Sa picture na yan, wag kang ma-misunderstand. Naging clingy lang sa'kin si Luhan tsaka gusto lang niyang makipag-kaibigan sa'kin. Besides, bestfriend siya ni Kai at alam niya yung sikreto naming dalawa."

Tumatango lang siya habang kumikinig sa'kin. "So? What's the point of telling me this?" sabi niya at uminom sa coke niya.

"When Kai saw this, he misunderstand and he got mad at me. He said I should stay away from Luhan because he's such a playboy."

"OH EM GEEE, shet kay Krisy. Isa lang ang ibig sabihin niyan! Nagseselos si Fafa Kai sa inyong dalawa ni Luhan."

"Bakit naman siya magseselos? Nagpapanggap lang naman kaming dalawa."

Kinurot naman niya yung ilong ko. "Ang manhid mong bata ka."

Napahawak naman ako sa ilong ko kasi masakit, haha.

"Pero alam mo Krisy, just date Kai like officially." sabi niya at kumagat sa burger niya. "Bagay nga kayong dalawa, tsaka ang hot kaya ni Fafa Kai." binigyan ko naman siya ng tissue kasi lumalaksik yung pagkain na nasa bibig niya habang nagsasalita siya.

"Kumain ka na nga lang diyan. Officially ka diyan." ningitian ko na lang siya.

***

"Aish! Ayaw ko nga kasi eh."

"Krisy naman eh, for once lang. Gusto kong makita kang nakasuot neto. Please~" nag-puppy eyes naman siya sa'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha yung dress na pinili niya para sa'kin. Alam niyo naman na hindi ako masyadong mahilig sa mga fit na damit. Pero may taste din sa mga damit si Jean. Color blue yung dress tapos hanggang legs lang yung taas niya. Tinry ko yung suotin, jusko ako ba to?!! B-bakit, iba yung itsura ko nung  sinuot ko tong damit na to?

"Tapos ka na ba Krisy?" narinig kong tanong ni Jean.

"Saglit lang."

Hindi ko alam kung ipapakita ko ba to sa kany or hindi. Nahihiya kasi ako eh, ang fit-fit ng damit. Binuksan ko yung pintuan ng fitting room at nakita ko siyang nakanga-nga tapos ngumiti ng sobrang lapad.

"See? I told you na babagay to sayo. Ok, hubarin mo na yan, ibibili ko yan para sayo."

"What?" gulat kong tanong.

"Ibibili ko nga sayo, birthday mo na next week. First gift ko pa to sayo."

"Naku, di mo naman ako kailangan bilhan ng regalo eh."

Tinulak naman niya ako papasok sa fitting room. "Wag ka nang magsalita, hubarin mo na yan at bibilhin ko yan para sayo."

***

At the end, binili nga ni Jean yung damit para sa'kin. Naka-uwi na nga pala ako sa bahay namin. Si Papa naman eh nasa trabaho pa at ako lang mag-isa bahay ngayon. Napatingin naman ako sa orasan, alas 7 na pala at madilim-dilim na sa labas. Nagbihis na lang ako ng damit na masusuot kasi ililibre ako ni Kai ngayon, hehe.

Kinuha ko yung sling bag ko at lumabas na sa bahay namin. Pagkalabas ko ng gate eh swerte na may mga ilaw yung mga poste at makikita ko yung daan. Sana walang rapist na dumating galing sa kung saan, haha.

Nung papalapit na ako sa convinence store eh nakita ko naman si Kai na nakasandal sa poste habang hinihintay ako.

"Kai." sabi ko habang winawagayway yung kamay ko at ngumiti.

Napaayos naman siya ng tayo at nilagay yung magkabilang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Dumiretso ako sa kanya at hinarapan siya, ningitia ko siya ng sobrang lapad at ngumiti din siya sa'kin.

"So...libre mo na ako? Hehe."

Bigla naman niyang ginulo yung buhok ko. "Ikaw talaga."

"Hali ka na."

"Wait." napansin ko naman na may kunha siya galing sa bulsa niya.

Nagulat ako nung kwintas pala ng Mama ko yung nasa bulsa niya. Ay tama pala, nilagay ko kasi yung kwintas ni Mama sa wallet ko nung binlack-mail ako ni Kai. Aish, clumsy mo talaga Krisy, kahit kailan.

Nabigla ako nung sinuot ni Kai sa'kin yung kwintas. Nanlaki lang yung mga mata ko. Napansin ko na nakasuot siya ng perfume, ang bango. Sexy, haha. Napatingin naman ako sa jawline niya na sobrang sharp. Napalunok na lang ako ng laway ko.

Nung natapos niyang ilagay sa leeg ko yung kintas eh napahawak naman ako sa kwintas. Napangiti ako. Bigay kasi to ng Mama to sa'kin, sabi ni Papa.

"You look pretty wearing that."

Ningitian ko siya at tiningnan ulet yung kwintas. "Ang ganda diba? Bigay kasi to ng Mama ko sa'kin."

Nagulat na lang ako nung biglang hinawakan ni Kai yung braso ko. Di ako makagalaw at nabigla ako sa sunod niyang ginalaw. Bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Nanlaki yung mga mata ko at di ako makapag-isip ng tama. Di ko na alam ang gagawin ko.

Wala akong choice kundi itulak siya. Ang tanging nagawa ko lang eh titigan lang siya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya or hindi. Litong-lito na yung utak ko.

"Kai ano bang ginagawa mo?!" hindi pa rin niya binibitawan yung braso ko.

"Don't you get it Krisy? I like you." napabuntong hininga naman siya. "Gusto kita." at hinalikan niya ako ulit.

- - - - - - - - -

A/N: guys i would really appreciate if you'll give me feedbacks. it enlightens me :--) reactions. please

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...