𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-�...

By lyn_ruby

12K 464 31

COMPLETED "I won't promise you anything. Just let me love you and i will show you how sincere i am." #𝒈𝒙𝒈 ... More

AUTHOR'S NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Thank You Message

Chapter 4

452 21 3
By lyn_ruby

YUMAKAP si Trisha sa kaibigan.

"Tawag ka agad pag andon ka na ha?" ani Toni.

"Oo. Tatawag ako agad."

Kumalas ito .

"Mamimiss kita Trish." anito.

"Asus, mamimiss ka diyan. Di ka nga makaalis sa tabi ni Alex eh."

Natawa siya ng hampasin siya nito.

"Basta ingat ka don." anito.

Tumango siya.

Pumasok na siya sa immigration at muling kumaway rito.

Few days ago, inimbita siya ng ninang niya para magbakasyon sa lugar nito.

Hindi naman siya tumanggi dahil kailangan rin niya ng bakasyon.

Nagpaalam rin siya sa radio station na pinagtatrabahuan.

One month.

Sapat na seguro yun para makamove on siya.

Hindi na siya umiiyak.

Pero andon parin ang sakit.

.

.

.

.

Nang nasa loob na siya ng eroplano, naririnig niyang panay hagikhik ng katabi niyang babae habang nanonood ng video sa phone nito.

"Ang pogi niya talaga. Haist." anitong kilig na kilig.

"Si Gray na naman yang pinapanood mo." anang katabi nito.

"Diba ang guapo niya? Ganda pa ng boses. Ang sarap sarap niya panoorin."

Napailing si Trisha.

Nakita na niya ang video ng Gray na tinutukoy ng mga ito.

She is a lesbian just like Alex and Sky.

Magaling nga itong kumanta but she really don't get it bakit ang daming babaeng kinikilig rito.

Hindi na lamang niya binigyan ng pansin ang katabing walang tigil sa kilig nito sa panonood.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SINGAPORE CHANGI AIRPORT

Manghang mangha si Trisha sa ganda nang airport ng Singapore. This is her first time sa bansang ito, at airport palang super world class na sa ganda. Ano pa kaya kung nalibot na niya ang buong Singapore.

Ngayon palang , excited na siya.

Kaya nang palabas na siya sa arrival area, nagtatalon na siya sa tuwa nang agad masilayan ang babaeng kumakaway sa kaniya.

"Ninang Irene!"

"Trish!"

Tuwang tuwa silang nagyakapan saka nagmano rito si Trisha.

"God you're so pretty Trish. I can't believe dalagang dalaga na ang inaanak ko."

Natawa siya.

"Nang, i'm 26 na po ako. I'm turning 27 in two months." aniya.

"Oh yeah, but really Trish, you are so beautiful anak. I can't wait for you to meet Richard's son. He is so handsome too anak. But he's not here. Sayang."

Lalong natawa rito ang dalaga.

"Nang i'm not looking for any relationship right now. Please huwag niyo muna ako ireto sa iba." aniya.

"Oh okay anak. Ay ano ba ,bakit andito pa tayo. Naghihintay sa parking lot si Richard."

Bumaba sila sa parking lot na kung saan naghihintay ang asawa ng ninang niya.

Nakangiti ang isang malaki ngunit guapong lalaki nang makita silang papalapit.

Humalik agad ito sa labi ng ninang niya.

"This is Trisha hon. Trish, this is my husband Richard." pakilala ng ninang niya.

Niyakap siya ng lalaki.

"Call me Tito Rich." nakangiting wika nito. Why his eyes looks familiar?

Parang nakita na niya ang mga mata nitong kulay abo.

"He is half German- English anak. " anang ninang niya.

Ngumiti siya.

"Nice meeting you po Tito Rich." aniya.

"Such a lovely girl. You are just my son's type." anito na ikinatawa na naman niya.

Sinaway ito ng asawa.

"She's not into it yet. Shall we go home now? She needs to take a rest."

"Oh yeah yeah."

Tinulungan siya nito sa luggage niya.

Tuwang tuwa naman siya habang nasa biyahe dahil sa non stop na pagkukwento ng dalawa sa harapan. Simula sa kung paano nagkakilala ang dalawa. Hanggang sa nagpakasal ang mga ito two years ago.

Nasa late forties na ang ninang niya at tumanda na itong dalaga.

Naalala niya pa nong mga bata pa sila ng kuya niya, ilang taon sila nitong inalagaan nang maaga silang naulila sa mga magulang.

Umalis lang ito ng bansa para magtrabaho dito sa Singapore bilang nurse.

"Trish, susulitin natin ang pag stay mo rito." anang ninang niya.

"Yan din ang plano ko Nang." sagot niya.

"At puede kang magtagalog kay Richard. He can speak and umderstand tagalog. He can speak bisaya too."

Nagulat ang dalaga.

"Totoo?" tanong niya.

"Totoo." sagot rin ng lalaki.

"Wow,thats cool."

"I was married to a pinay beauty from Davao for twenty years. Kaya marunong ako magbisaya and tagalog." anito.

No wonder.

Tiningnan niya ang oras sa suot na relo.

Mag 7 pm na nang gabi pero nagulat siya dahil may araw pa.

Nilingon siya nang ninang niya.

"Same time sa pinas anak, pero ang 7 pm dito parang three palang ng hapon sa pinas."

Namangha na naman siya.

Kanina pa niya napansin na halos puro gubat yata ang nadadaanan nila.

"Parang nagugustuhan ko na ang Singapore." aniya.

Wala ring traffic.

Ang sarap yata magmaneho ng sasakyan kung ganito ka linis at kapayapa ang daraanan niya araw araw. Kaya pala nagustuhan nang ninang niya ang tumira rito.

Mayamaya lang, pumasok sila sa parking lot nang isang napakalaking hotel.

"Bakit hotel Nang?" tanong niya.

"May private residential suites si Richard sa pinaka penthouse ng hotel anak. We live there."

"Wow." tanging sambit niya.

Ang yaman pala ng napangasawa ng ninang niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

NAHIHILO na siya sa sobrang ganda ng bawat sulok ng suites. Hindi lang basta bastang suites dahil may private pool pa sa labas.

At nasa pinaka itaas sila ng thirtieth storey hotel na yun.

Nagtataasan rin ang mga building sa paligid.

Ngayon, madilim na.

Niyaya siya nang ninang niya sa magiging room niya.

Namangha na naman siya sa ganda ng room na ipapagamit sa kaniya.

"Nasa taas ang room namin ni Richard." anang ninang niya."Kaharap ng room mo is kwarto ng anak na babae ni Richard."

"May anak na babae si Tito Rich?" tanong niya.

Tumawa ang ginang.

Hindi niya alam kung bakit ito tumawa.

"Ipapakilala kita. I'm sure gising na siya. And the funny part anak is magkapangalan kayo."

"Trisha din ang name niya?" tanong niya.

"Grace." anito sabay tawa."But she hate that name."

Lumabas sila ng room niya at tumayo sa tapat ng kaharap na kwarto.

Itinaas ng ginang ang kamay at maharang kumatok sa pintuan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SHE'S FUCKING BORED.

Kanina pa siya panay tingin sa instagram niya, sa youtube channel niya, but nothing makes her feel good.

Hanggang sa pati account ni Nicole sa instagram ini-stalk na rin niya. Pati mga taong nakatag rito ang mga post.

Ano ba hinahanap niya?

Nakita niya ang account ng friend ni Nicole na si Loisa. Ito yung ikinasal sa davao last month.

So she press the follow button.

At inisa isa ang mga post nito.

Hanggang sa makita niya ang mga wedding photos nito.

Napatayo siyang bigla nang makita ang larawan sa screen ng phone.

Tinitigan niya pang mabuti ang mukha ng babae sa picture to make sure na hindi siya nagkakamali sa nakita.

"Holy shit!"

Nag screen shot siya at agad pinasa kay Sky.

Pagkatapos maipasa, agad niya itong tinawagan.

"Hello tol." sagot nito.

"Tol check my message. Right now." halos hindi siya makahinga sa excitement.

"Ha? Why?"

"Basta."

Natahimik saglit ang kaibigan.

"I'm looking at the photo right now." anito pagkakuwan.

"Who is she?" tanong niya.

"Friend ni Nikki. Why?"

"Shit tol. She's my girl." halos sigaw na niya.

"What?! Wait, andito si Nikki,kausapin mo."

"Babe, si Gray. She's asking about Trish." narinig niyang sabi nito sa nobya.

"Hello Gray. Whats up?"

"Sino si Trish?" tanong agad niya.

"Dj Trish? Friend of mine. Why?"

"Dj Trish?"

"Yes. Diba may ex ako? Si Alex. Bestfriend siya ng girlfriend ni Alex. Why ba? Whats wrong?"

"Ang liit ng mundo. Ang tagal ko siyang hinanap tapos kakilala mo lang pala? God i'm so pathetic." aniya.

"How did you know Trish?" tanong ni Nicole.

Hindi siya nakasagot nang may kumatok sa pintuan ng silid niya.

"Wait Nik." aniya at humakbang patungo sa pintuan.

Nasa kabilang linya pa si Nicole nang buksan niya ang pinto.

Ang step mother niya ang nakita niya.

"Tita Irene,your back." aniya at humalik sa pisngi nito.

Ngunit natulala siyang bigla nang makita ang babaeng nasa likuran nito.

Kailangan niya pang pumikit ng ilang beses para maseguradong hindi siya nananaginip.

"Gray, this is my inaanak. Trish, meet Gray. Gray, meet Trisha."

Hindi niya naririnig ang step mom niya.

Basta lang siya nakatitig sa babaeng nakangiti sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

370 78 12
Kung Pag-ibig ang pag-uusapan, sabi nila maghintay ka lang at darating din ang tamang tao para sayo. Ngunit paano kung ang misteryosong babaeng palag...
831 60 49
Kylie Itzel May "Kim" Zamora | Keifer Gutierrez ---- Date started: May 28, 2020 Date completed: June 23, 2021 Cover background not mine. Credits to t...
306K 6.6K 81
PAULA SEVILLA - Ang bunso at babaeng anak ng Prisedente ng Pilipinas Masungit maganda at lahat ay nakukuha . PAULO SEVILLA - Panganay at lalaking ana...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...