Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 59: Guarding her

40.4K 3.1K 1.7K
By Penguin20

If you have twitter please include "Class Zero" in your tweets if you have an opinion and thoughts about the story. I'll be happy to read it.

No hashtag. Class Zero lang. ☺️

Enjoy reading!

KAKARATING lang namin sa Baguio at grabe! Awang-awa ako kay Kiryu dahil nakailang suka yata siya sa buong pag-akyat namin. Ilang beses kaming huminto sa biyahe dahil sa kanya para lang mailabas niya ang lahat ng kanyang sama ng loob

"Ang ganda talaga dito sa Baguio!" Kiryu jumped out of the Van habang nakatingin sa mabundok na view dito sa Burnham park. Hindi talaga kumukupas ang Baguio, ang tagal na noong huling umakyat ako rito. "Jamie, picture-an mo naman ako!" he said.

"Kiryu, kailangan pa nating ilagay 'tong mga gamit sa hotel," paalala ko sa kanya at akmang isusukbit ko sa aking balikat ang aking duffle bag pero bigla itong inagaw sa akin ni Seven at siya ang nagbitbit.

"Oh ayan na! To the rescue na si Pinunong Pito!" He cheerfully said tapos ngumuya na naman ng potchi. Hindi na ako magugulat kung one day, nakapustiso na lang 'tong si Kiryu. Ang hilig kumain ng matamis.

"Bakit hindi ka na lang kay Ace magpa-picture, may camera siya oh." kinuha ko ang kanyang cellphone.

"Ayoko, maganda lang camera ni Ace pero pangit naman kumuha 'yan.

"Anong sinabi mo lalaking may bulok na ngipin!?" Narinig pala ni Ace ang aming pinag-uusapan.

"Walang bulok ang ngipin ko lalaking pinaglihi sa meralco!" Ganti ni Kiryu.

Napailing na lang ako sa senaryo. Bakit ba kasi ako lang ang nag-iisang babae sa misyon na ito? I mean pinagsama-sama ni sir sa iisang misyon si Bugnutin na si Seven tapos ang tatlong super hyper sa class zero na sina Kiryu, Ace, at Teddy. Hindi ko na lang talaga alam ang mangyayari sa misyon na ito.

"Get your things, pumunta na tayo sa Azalea Hotel," utos sa amin ni Seven kung kaya't napatigil sa pagtatalo ang dalawa. "Tandaan ninyo, hindi tayo nandito para maglaro at magbakasyon. May misyon tayo na dapat gawin at iyon ay bantayan si Megan Dela Fuente."

As expected sa aming lima na nandito ay si Seven ang pinakaseryoso sa misyon. Naiintindihan ko naman siya, ayaw niya lang na maulit ang masamang pangyayari noon. Natuto na kami, we are stronger at sisiguraduhin kong kaya na naming labanan ang Black Organization sa pagkakataong ito.

"Tangina, sumakit ang likod ko sa pagmamaneho. P're magpapahinga muna ako saglit sa hotel kung sakali." Hirit ni Teddy.

"No." sagot ni Seven sa kanya.

"5 Minutes lang!"

"No."

"Tangina sabi ko nga hindi."

We reached the Azalea Hotel at manghang-mangha talaga ako sa lugar na ito. Noong bata ako ay nakikita ko lang 'tong hotel na ito tuwing pumupunta ako sa Burnham Park pero hindi ko na-imagine na makakapag-check-in ako ngayon sa hotel na ito.

Salamat Shopee-- este! Salamat sa pagiging part ng Class Zero dahil ma-e-experience ko ang bagay na ito.

"Laway mo tumutulo," biglang nagsalita si Seven sa tabi ko kung kaya't napatigil ako sa malalim na pag-iisip.

"Hoy hindi ah!" sabi ko sa kanya. "Siya nga pala, hindi ninyo ako kasama sa room, 'no?" Ako lang kasi ang nag-iisang babae.

"Kiryu will be your room mate. Dalawang rooms lang ang binook ni sir para sa atin. Hindi rin naman puwedeng ikaw lang mag-isa sa isang kuwarto dahil delikado pa rin ang sitwasyon." paliwanag sa akin ni Seven at napatango-tango naman ako. I mean, wala naman kaso sa akin iyon dahil kasama ko dati sa kuwarto ang kapatid ko noong nasa bahay pa ako.

"Jamie, huwag kang mag-alala... Hindi ka pochi, hindi kita pagnanasahan." nagbukas na naman siya ng another pack ng Pochi.

"Wala akong sinasabi!" reklamo ko sa kanya.

Pumasok na kami sa Azalea hotel at sobrang gustong-gusto ko ang interior design ng lugar. Sobrang engrande! Iba talaga kapag isang high-class hotel! Excited nga kami pumunta ni Ace sa garden sa likod ng hotel kasi super ganda ng view doon kaso si Seven napaka-KJ at sinabi na naman niya ang famous line niya na hindi tayo nandito para maglaro.

Pagkapasok namin ni Kiryu sa kuwarto ay inayos ko sa cabinet ang gamit ko habang si Kiryu ay hinagis lang ang bag niya sa gilid ng kama.

"Hindi mo aayusin 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Aayusin pa, magugulo din naman." Hindi ko talaga ma-gets ang logic nitong si Kiryu. Ang weird at ang cute ng mindset niya at the same time.

Kiryu opened the window at kitang-kita ang mabundok at mapunong view ng Baguio. "Jamie... we are class zero..." he looked at me.

"We are family?" hindi ko sure na sagot at ngumiti ng malaki si Kiryu. "Bakit mo naman biglang nasabi 'yang motto natin?"

"Ewan ko," umupo siya sa kama. "Parang araw-araw ay gusto kong sabihin ang katagang iyon magmula ngayon. Mas delikado na ang sitwasyon natin Jamie, mas malala na ang labanan sa pagitan ng lahat ng glitches ng society na ito. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari pero gusto ko iparating sa inyo araw-araw na pamilya ang tingin ko sa inyo."

Na-touch ako sa sinabi ni Kiryu. Napatigil ako sa pag-aayos at lumundag ako para yakapin si Kiryu. "Ang cutie-cutie mo talaga Kiryu!"

"Stop calling me cute, I am cool. Jamie ang baho ng hininga mo!"

"Gago ka, ah!" reklamo ko sa kanya.

Napatigil kami sa paglalaro ni Kiryu noong may kumatok sa pinto at bumukas ito. Si Ace ito at hawak-hawak na naman ang vlogging camera niya. Improving nga 'tong si Ace dahil mayroon na siyang mic ngayon. Feel na feel na niya talaga ang pagiging vlogger.

"Hello mga bakulaw, say hi to my vlog!" itinapat niya ang camera sa amin.

"Bakit ka ba nandito!?" reklamo ko sa kanya.

"Meeting daw sabi nang pinaka-KJ sa lahat." he informed us.

The good thing about Ace, pangalawang leader siya ng Class Zero pero hindi siya nakikipagtalo kay Seven ngayong magkasama sila sa iisang misyon. Sinusunod niya ang sinasabi ni Seven which is a good thing kay Ace kahit punong-puno ng kayabangan ang lalaki na ito.

Pumunta kami sa room nila Seven. Nakahiga sa kama si Teddy bear habang si Seven ay inaayos ang kanyang gamit.

"Urgent meeting?" Tanong ko at umupo sa upuan ng room nila. Mas malaki ang room nila kumpara sa room namin ni Kiryu since tatlo silang mag-i-stay dito. Pero mas maganda ang view sa room namin kung kaya't doon pa lang ay panalo na kami.

"Gusto ko lang klaruhin sa inyo ang objective natin kung bakit tayo nandito... remember—"

"Hindi tayo nandito para magbakasyon." Sabay-sabay naming sabi nina Kiryu dahil kanina niya pa pinaalala ang bagay na iyon sa amin.

"You sounded like Sir Joseph already. Ang grumpy mo na gago." Sabi sa kanya ni Teddy at binato ito ng unan ni Seven.

"So we are here to guard Megan Dela Fuente secretly, nandito siya ngayon sa Baguio para sa isang fashion event sa SM Baguio." May inabot sa aming papel si Seven at nandoon ang details noong fashion event. Bukas na pala agad ito. "We just need to protect her kung sakali mang may sumugod na Lawbreakers bukas. She's a person with ability pero paniguradong habol siya ng Black Organization kung kaya't hindi niya kakayanin na protektahan mag-isa ang sarili niya." Mahabang paliwanag ni Seven at tumango-tango kaming apat habang tinitignan ang details sa papel.

The good thing about this group, maloko man sila pero alam nila na priority namin ang misyon na ito. Ibang klase ang galing nila sa pakikipaglaban samantalang ako... heto tamang basa lang nang iniisip at utos-utos lang kapag may time. I love my power pero ibang klase kasi kapag nagagamit physically ang power mo.

"Remember, may apat pang natitiransa Black Organization at malaki ang tiyansa na pumunta sila rito. I know nakita na ninyo sila sa VPP pero hindi natin alam ang kapangyarihan nila so kailangan handa tayo." Paliwanag ni Seven sa amin at napatango-tango kaming apat.

"Kilala ko ang isa sa kanila, si Edel." Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa isa sa mga kaibigan ko. She's the reason why I want to be strong. Noong una kaming nagkaharap ay wala akong nagawa pero ngayon... gusto kong bigyan ng katarungan si Casey. "Hindi gumagana ang kapangyarihan ko sa kanya."

"What do you mean? She can null our power?" Tanong ni Teddy.

"She's blind. Hindi ko magagawang basahin ang nasa isip niya o utusan siya." Paliwanag ko sa kanila.

"Teka may tanong ako..." Kiryu asked at mayroong gummy worms na naman siyang kinakain! Teka? Noong pumasok kami dito ay wala siyang dala na kahit anong sweets, ha! "Gaano kayo ka-sure na si Megan ang taong may royal blood?" He asked innocently.

"Sa totoo lang ay hindi kami sigurado," sabi ni Seven.

"Pero under the radar na siya ng Merton Academy since isa siyang taong may ability and yet, ayaw niyang magprotekta sa kahit anong organization." Dugtong ni Ace and closed his camera. "Hindi man tayo sigurado pero walang mawawala kung poprotektahan natin siya."

"By the way, dito rin nag-i-stay si Megan kung kaya palihim ninyo siyang babantayan. You can take pictures all you want pero hindi tayo aalis ng Burnham Park hangga't hindi siya umaalis dito. Maliwanag ba?" Seven explained.

Siyempre excited kami nila Kiryu na lumabas ng room nila Seven dahil unli pictures daw eh! Sa wakas, may bago akong mai-po-post sa IG ko. Two months na akong walang upload doon, eh.

Lulukso-lukso kami ni Kiryu na naglalakad patungo sa Garden noong biglang may humatak sa braso ko— si Seven. Ano na naman problema ng haring bugnutin na 'to?

"Magpi-picture kami nila Kiryu!" Hindi niya ako binitawan at bumuntong hininga ako. "Wala pa naman si Megan, hindi ko pa siya nakikita. Magpi-picture lang kami saglit. Promise, focus ako sa misyon."

"I doubt that. Kailangan kitang bantayan dahil sa inyong apat ay ikaw ang pinakapasaway." Sabi niya at iniwan na ako ni Kiryu, buwisit na Kiryu 'to! Hindi man lang ako kinuha kay Seven, mabungi sana ang dalawang front teeth niya!

"Excuse me, isa ako sa pinakamatitinong babae sa Class Zero, 'no!"

"Kaya pala pinagkasya mo ang sarili mo last time sa maleta para pang makasama ka sa misyon kahit bawal."

"Mu God, Seven, move on din kapag may time. Ang tagal na no'n." Sabi ko at lumuwag ang pagkakahawak ni Seven sa braso ko at sumunod naman ako sa kanya. Wala naman na akong choice, eh. Naiwan na ako nina Teddy, Ace, at Kiryu, eh.

Sana blurred lahat ng picture nilang tatlo mga letse sila.

Seven and I walked in the Burnham Park at napapayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Hindi pa naman ako nagsuot ng sweatshirt ngayon kasi akala ko ay hindi ganoon kalamigan dahil magtatanghali pa lang naman.

Napatigil ako sa paglalakad noong hinagis ni Seven ang itim niyang jacket sa mukha ko. "Suot mo." He ordered. Nakaitim naman na turtleneck si Seven kahit wala siyang jacket. Actually ang cool niya nga, ehZ

"Hindi ko 'to tatanggihan, nilalamig na talaga ako." Isinuot ko ang kanyang jacket at amoy na amoy ni Seven ang jacket na ito. Hindi ko alam kung ano ang pabango ni Seven pero ang manly ng scent nito and kapag naaamoy ko talaga ay alam kong sa kanyang gamit iyon.

"Picture-an kita doon, ang ganda ng view!" Turo ko sa bandang cliff na part (may railings naman na harang) dahil ang ganda talaga ng view. "Pahiram ng phone mo."

"Nakalimutan ko sa room namin." Mabilis na sagot ni Seven.

"Hay naku, sige na, cellphone ko na lang ang gagamitin. Post ka na doon tapos ako next, ha!" Bilin ko sa kanya. He excitedly run doon sa spot na tinuro ko. "Hoy ano 'yang rectangle sa bulsa mo? Cellphone mo 'yan 'no!"

"W-Wala. Wallet ko 'to."

I rolled my eyes. "Ang pangit ng taste mo sa wallet. Magpalit ka na." Utos ko at pinicture-an ko na siya.

Ang guwapo-guwapo ni Seven kapag ngumingiti siya pero ang dalang niyang gawin. Ayokong sabihin ang bagay na iyon baka lumaki ang ulo nito at maging katulad ni Ace. Si Ace kasi pogi sana kaso saksakan ng yabang, feeling niya ang laki-laki ng fansclub niya.

"Ako naman!" Inabot ko kay Seven ang cellphone at ako naman ang tumayo doon sa spot. Sa wakas, bagong picture for my IG.

Habang pumoposisyon si Seven ay may babae siyang nabunggo. Hindi ko nga nasabi agad kasi humahanap ako ng magandang angle, eh.

"I am sorry." Seven said.

The girl looked to him. Parehas kaming nagulat ni Seven kung sino ang nakabunggo niya— si Megan Dela Fuente. Ang ganda niya sa personal! I mean super ganda niya na sa picture pero iba sa personal kasi dama mo yung awra niya, ang stylish niya pa!

"No it's okay." She smiled at ngumiti rin sa kanya si Seven at napasimalmal ako.

Yung picture ko! Kaya ba today?

"Oh you're Megan Dela Fuente, I am a fan." Seven said.

Ngayon ay alam ko na kung bakit G na G si Seven na mag-picture dito dahil alam niyang dito dadaan si Megan. Planado niya pala.

Tsaka anong fan? Anong alam nito sa fashion?

"Oh really? I am really honored." Megan said. "Actually I know you. You are from Merton Academy, right? Everyone knows about Class Zero. Actually I am planning to have my late breakfast sa malapit na restaurant, baka gusto mong sumama?"

"Oh sure. It's an honor." Seven said "Wait lang."

Lumakad papalapit sa akin si Seven at inabot ang aking cellphone. "Mamaya na kita kukuhanan ng picture. We should focus on our mission first." He said and walked towards Megan direction again at nag-uusap sila habang naglalakad paalis.

Mukhang hindi ako matutuwa sa misyon na ito, ah.

Continue Reading

You'll Also Like

218K 5.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
20.5M 755K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
Unmei no Akai Ito By Azul

Historical Fiction

28.6K 1.5K 19
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay...
7.1M 247K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...