Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

932 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #23

9 1 0
By LanehLarry

I'm the most sexiest member of SB19, my name is Ken.

---

"'Walang papapak ng queso de bola!"

Naninilisik ang tingin ni Justin sa saway ni Stell sa kan'ya. Nahuli kasi s'ya sa aktong maghihiwa ng slice sa queso de bola.

Mabilis na lumipas ang buwan at habang papalapit ang holiday mas lumalamig ang panahon dahilan para, mas dumami ang trabaho ko...trabaho namin.

Nang makapasok si Josh sa kaparehong industriya ko, mas naging tutok na ako sa trabaho ko. Kampante na ako dahil may ginagawa na s'ya at isa 'yun sa naging tulong ko sa kan'ya. Kaliwa't kanan ang naging events ko.

Kung minsan, naawa na ako kay Justin dahil hindi pa s'ya nakakabawi ng tulog, tutunog na naman ang telepono n'ya para i-check ang susunod kong schedule. May isang gabi sa loob ng van, tinanong ko s'ya.

"Pagod ka na ba?"

Agad naman s'yang umiling pero napabuntong-hininga. "Napapagod ako ngayon pero bukas wala na 'to..."

Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng boses ng mga oras na 'yun. Hinayaan ko s'yang matulog sa balikat ko at hindi na inistorbo.

Bawat araw na dumadaan, tanging ngiti n'ya lang ang nakikita ko at bawat segundo, hindi nababago 'yun. Gano'n at ganoon lang, hindi ako nagsasawa.

"'Wag n'yong paghiwain ng hotdog si Sejun! Ken!"

Bumalik ako sa wisyo sa sigaw na naman ni Stell. Ako ang inuutusan n'yang maghiwa ng ginagawa ni Sejun.

"Bakit hindi ako?" Nakangusong tanong ni Sejun.

"Kasi kakainin mo lang 'yan."

"Yuck!" sabay-sabay na angal namin.

Nalukot ang noo ni Sejun. "Hindi n'yo ba alam na processed food ito? That means, p'wede na s'yang kainin!"

"Ang baboy mo!" Si Josh.

Hinablot ko na lang ang kutsilyo kay Sejun para ako na ang maghiwa. Pumunta na lang s'ya sa kusina para tulungan si Josh. Si Stell, nasa oven at nagde-design ng cake. Si Justin, nasa k'warto, nagtatrabaho.

"Pagkatapos mo n'yan, akyatin mo si Justin. Mukhang nagtampo."

Natawa ako sa sinabi n'ya. Napapadalas ang pagiging tampuhin ni Justin at ipinapasa sa akin para suyuin.

"Justin..." Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan nila bago ako pagbuksan.

Napangiti ako nang makita ko ang nakabusangot n'yang mukha.

"Nagtatampo ka ba kasi sinaway ka ni Stell?" tanong ko habang papasok sa loob ng kwarto. Naupo ako sa stool sa tapat ng computer ni Josh.

"Hindi, ah."

"Bakit gan'yan ang mukha mo?"

"Nagseselos na ako kay Stell," sagot n'ya.

Napaawang ang bibig ko nang maalala ko ulit ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Sejun. Naagaw naming dalawa ni Stell ang oras nila sa isa't isa.

"P-pero hindi naman ako nagagalit sa inyong dalawa ni Stell."

"Eh, bakit nga?"

"Kasi, kahit nasa iisang bahay na kami, parang hindi ko na s'ya nakakausap kagaya dati."

"Gusto mo bang magpalit ulit ng kwarto? Para makapag-usap kayo?"

"Hindi na. Baka hanapin lang ni Stell." Natatawang sabi n'ya.

Natahimik kami saglit nang basagin n'ya ulit.

"O-okay lang ba sa iyo kung anong meron kina Sejun?" Maingat na tanong n'ya.

Mabilis akong tumango at hinanap ang mata n'ya.

"Ayos lang sa akin. Wala naman akong magagawa..."

Hindi s'ya nakasagot.

"Paano kung maglasing na naman si Stell? Paano kung masaktan na naman s'ya? Kilala mo naman 'yun 'di ba?"

Naiisip n'ya siguro 'yung naging issue noon na tinulungan ko s'ya dito sa bahay. Sabay-sabay na problema, idinadaan n'ya sa alak.

Napangiti ako, "'Yun din ang dahilan kung hindi ako tumututol sa kanilang dalawa ni Sejun. Masaya s'ya kapag kasama ni si Sejun. Comfort zone."

"Ang s'werte n'ya dahil may kaibigan s'yang katulad mo."

"Gusto kong ibigay sa kanila ang mga bagay na kaya kong ibigay...dahilan para mas lalo akong mapalapit sa kanila. Sa simpleng bagay na 'yun, sumasaya ako."

"May hihilingin ka pa ba? Mukhang nasa iyo na lahat, eh!" kantyaw n'ya.

Sabay kaming tumawa. Lahat? Nasa akin na nga ba lahat? May kulang pa, eh. Alam kong may kulang pa.

Napailing na lang ako at tumayo na. "Sige na, magbalot ka na d'yan. Baba ka na lang kapag nagugutom ka."

"Hmm, salamat."

Hindi na ako bumalik sa baba, agad akong dumiretso sa kwarto. Bumungad sa akin ang patong-patong na megabox na naglalaman ng mga regalo mula sa fans, sponsors at management. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ni hindi ko pa nahaharap para ayusin.

Napako ang tingin ko sa mga binili kong regalo na nakapatong sa kama ko. Limang bag. Tig-iisa para sa kanilang apat ang isa para kay Kira. Tiyak matutuwa si Justin kapag nakita n'yang nakabihis ang pusa n'ya.

Noong isang araw, palihim akong pumuntang mall. Balot na balot ang katawan ko pati mukha. Pagkakaguluhan ako ng mga tao kapag may nakakilala. Idagdag pa ang mainit-init na issue.

Nakatayo ako sa tapat ng poster ko. Natatanaw ko 'yung ibang nagpapapicture at iniisip na totoong ako 'yun. Nangingiti na lang ako sa ilalim ng mask ko.

Biglang may isang grupo na nag-groufie sa tapat ko. Nahagip pa ako ng camera, nagkunwari na lang akong nagce-cellphone pero naririnig ko ang bulungan nila.

"Ay, si Felip pala 'yan! Grabeng titig! Nakakatunaw!" sabi ng isa. 'Yung mga kasama n'ya, nakatitig na rin sa poster ko.

"Ano kaya feeling kapag nasa iisang lugar kayo, 'noh? Siguro tunaw na ako," sabat ng isa.

"Ang sabi mo, kumusta kaya 'yung assistant n'ya? Buhay pa kaya?" Natatawang tanong ng kausap. Lumapit sila sa poster habang tinititigan ang pirma ko.

"Sino ba 'yung assistant n'ya? Ang alam ko Justin pangalan, eh. G'wapo rin 'yun, noh!"

"Justin? Kaya ba KenTin 'yung tawag sa kanila? Sino si Ken?"

"Si Felip! Palayaw n'ya 'yun. 'Yun din ang tinatawag sa kan'ya ni Justin."

"Ewan ko, bagay sila. Ship ko sila! Kinikilig ako ng sobra sa kanila!" Halos nangingisay na sabi ng isa.

Kumunot ng tuluyan ang noo ko sa mga sinasabi nila habang patuloy pa rin sa pakikinig.

"Nakakakilig nga sila sobra! Um-agree ka na nga! Kapag sila naghiwalay...hays! Ewan ko na lang."

Pagkauwing-pagkauwi ko, binasa ko lahat ng lumabas na article nitong mga nakaraang buwan. At, tama nga ako. Halos lahat, kadikit ang pangalan ni Justin. Lahat ng nakikita kong pictures, magkadikit kami ni Justin. May mga edit, may mga totoo. Pero, lahat ng 'yun ang pinaguugatan kung bakit kami siniship.

Lahat ng events ko, lagi nilang inaabangan ang interaction naming dalawa na siguradong mahahagip ng camera. Inalala ko ang pagkilos ni Justin sa harapan ko, simple, swabe, walang alinlangan, at laging nakangiti.

Nagsimula akong matakot sa isiping kapag nakita ni Justin 'to, lalo s'yang mailang sa akin.

Mabigat ang mga mata ko kaya nahiga ako at hindi namalayang nakatulog na ako at mabilis na lumipas ang oras.

"Ken!"

Naalimpungatan ako sa katok at sigaw ni Josh mula sa labas.

"Oh?"

"Noche buena na!"

Napabalikwas ako sa mas malakas na sigaw ni Josh. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas nuebe na ng gabi. Ilang oras din akong nakatulog. Nagkukusot pa ako ng mata bago ko binuksan ang pinto.

"Bumawi ka ba ng tulog? Bakit hindi kayo nagsabay ng tulog ni Justin?"

"Bakit?"

"Kanina pa s'ya kumikilos sa baba," sagot n'ya at tinalikuran ako.

Sumunod ako sa likod n'ya at naririnig ko na ang malakas na tugtog mula sa speaker ng sala. Paulit-ulit na christmas songs simula kanina pa. Sa lamesa, nakita ko ang spaghetti, fish fillet, hamon, beef brocolli, cake at ang ilang mga candy sa isang gilid.

"Ayan na si Ken, kain na tayo!" Anunsyo ni Stell.

Talagang inintay pa nila ako bago sila kumain. Nakita ko si Justin sa sala, nakangiti habang nagpipicture sa cellphone ni Josh.

Nagtipon-tipon kami sa lamesa at pumaikot. Naghawak-hawak kami ng kamay at tahimik na nagdasal at magpasalamat para sa mga biyayang nagmumula sa Kaniya.

Nagsimula na kaming kumain at maingay na maingay ang paligid. Hindi namin naubos ang pagkain kaya may naitabi pa kami para bukas.

Ngayon, nakapabilog na naman kami sa sala at nasa gitna ang mga regalo para sa isa't isa. Nahahalata 'yung akin dahil hindi ko na naibalot.

Katabi ko si Justin, na sinundan ni Josh. Nakapatong naman ang ulo ni Sejun sa balikat ni Stell na s'yang katabi ko lang.

"Game!" Si Josh.

Nauna n'yang kunin ang apat na box. Inilapag n'ya ang mga ito sa tapat namin.

"'Yung regalo ko kay Sejun, makahulugan. Kasi, alam kong magagamit n'ya in future. Merry Christmas..." Nginitian n'ya si Sejun, sinuklian naman s'ya ng hilaw na ngiti.

"Kay Stell naman, kapag alam n'yang napapagod na s'ya, magagamit n'ya ang regalo ko."

"Kay Ken..." Nilingon n'ya ako. "Favorite n'ya 'to pero ayaw n'yang bilhin kasi mawawalan daw ng meaning kapag s'ya ang bumili." Natatawang sabi n'ya.

"Perfume?" tanong ko.

Hindi n'ya ako sinagot dahil kaagad n'yang nilingon si Justin at nginitian.

"'Yung regalo ko sa'yo, simple lang pero alam kong magugustuhan mo."

At nilingon kami isa-isa...

"Merry Christmas. Halos kalahating taon na tayong magkakasama, masaya ako at sobra-sobrang pasasalamat...dahil sa inyo."

Nakita ko ang bahagyang pag-teary n'ya na napawi rin kaagad ng ngiti.

Sumunod naman si Stell sa pagbibigay ng regalo.

"Sorry kung 'yan lang ang nakayanang bilhin namin ni Sejun.." Napakamot pa s'ya sa ulo. Nanatiling nakahilig ang ulo ni Sejun sa kan'ya.

"Ang regalo namin kay Josh, parang memorabilia."

"Kay Justin, maganda 'yan. Ikaw na bahala kung saan mo ilalagay."

"Kay Ken, hindi ko alam kung magagamit n'ya o itatambak lang kasama ng ibang kauri n'ya." Sabay-sabay kaming natawa.

"Kay Sejun...magugustuhan mo 'yan. Itago mo lang." Nangingiting sabi n'ya.

"Salamat..." mahinang sagot sa kan'ya ng kausap.

"Merry Christmas..." huling sabi ni Stell bago mapunta sa akin ang tingin nila sa akin.

"Pumunta ka ng mall?" tanong kaagad ni Justin.

"Oo, wala namang nakakita sa akin..."

Nagpatuloy ako, "Dalawang klase 'yan. 'Yung una, pare-parehas kayo pero 'yung isa parang memorabilia n'yo na rin. P'wedeng suotin kung gusto n'yo. Merry Christmas!"

Si Justin na ang kasunod, kating-kati na buksan ang mga nakuha n'yang regalo. Lihim akong napangiti.

"Frames."

Nag-iintay pa kami ng kasunod pero ngiti lang ang naibigay n'ya.

"M-merry Christmas," nauutal n'yang sambit.

Sabay-sabay naming binuksan ang mga regalo at kan'ya-kan'yang tapon ng wrapper sa kung saan. Nagtawanan lang kami dahil sobrang gulo na ng sala.

Nahagip ng mata ko ang gitarang nakasandal katabi ng shoe rack. Kinuha ko ito at naupo sa may sofa at inayos ang tono bago magsimula.

Nag-strum ako... "Say it's true, there's nothing like me and you."

Natonohan naman nila kaagad ang kanta kaya ang sumunod ay ang tinig nina Stell at Justin.

"Not alone, tell me you feel it too
And I would runaway
I would runaway, yeah
I would runaway..."

Napangiti ako nang magsimula silang humilig sa paanan ng sofa at papatulog na. Si Justin, nakatingin lang sa akin at kinakabisado ang mukha ko. Para bang namamangha sa tanawin na nakikita. Hindi ako naiilang, napapikit na lang ako.

"I would runaway with y-you..." Nabasag ang boses ni Sejun dahilan para aluin ni Stell.

"'Cause I have fallen in love
With you, no never have
I'm never gonna stop falling in love, with you..." Si Stell habang mariing nakatitig kay Sejun.

Agad akong napatigil dahil nangingibabaw ang hikbi ni Sejun. Doon lang din napansin ni Stell ito kaya napabalikwas s'ya ng upo at sinalo ang ulo ni Sejun.

"Bakit ka umiiyak?!" Nag-aalalang tanong nito.

Imbis na sumagot, kumanta si Sejun.

"I would runaway with you."

"Sejun, ano bang sinasabi mo? Bakit ka umiiyak?!"

"S-sorry...sorry, sorry," tanging sabi n'ya lang

Napabitaw na ako sa gitara ko at lumapit sa kanila. Maski si Josh at Justin, nakatitig lang at hindi alam ang gagawin.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ulit ni Stell. Hinahawi na n'ya ang tuloy-tuloy na luha na lumalabas mula sa mata ni Sejun.

"Aalis na ba tayo r-rito?" Iginala n'ya ang tingin sa aming apat.

"H-hindi! Hindi muna tayo aalis...hangga't hindi ka pa okay!" Agad na sagot ni Justin.

"Kapag ba naging okay ako, aalis na tayo?"

"Hindi kayo aalis..." Putol sa kan'ya ni Stell.

"A-ayokong umalis, Justin. D-dito lang ako!"

Napaigtad kami sa sigaw n'ya. Nagkatitigan pa kami ni Justin bago s'ya sumagot.

"May buhay ka pang babalikan, Sejun. May pamilya ka pang uuwian. Kailangan mong bumalik....Hindi p'wedeng nandito ka lang," maingat na sagot ni Justin.

Sunod-sunod namang tumango si Sejun at nagpunas ng luha.

"Merry Christmas..."

---

A/N: The next chapter will be the scene after prologue. Basahin n'yo po ulit, may binago ako ng kaunti. Salamat mga kapatid!

Continue Reading

You'll Also Like

217K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
17.8K 994 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...