Russian Roulette (Book 1 of R...

By La-MarGa

56.7K 1.1K 57

Si Ariadne Verdadero ay ilang taon pa lamang na doctor sa Ivanov Medical Center. Ngunit sa maikling panahon n... More

Note
Prologue
Roulette #1
Roulette #2
Roulette #3
Roulette #4
Roulette #5
Roulette #6
Roulette #7
Roulette #8
Roulette #9
Roulette #10
Roulette #11
Roulette #12
Roulette #13
Roulette #14
Roulette #15
Roulette #16
Roulette #17
Roulette #18
Roulette #19
Roulette #20
Roulette #21
Roulette #22
Roulette #23
Roulette #24
Roulette #25
Roulette #26
Roulette #27
Roulette #28
Roulette #29
Roulette #30
Roulette #31
Roulette #32
Roulette #33
Roulette #34
Roulette #35
Roulette #36
Roulette #37
Roulette #38
Roulette #39
Roulette #41
Roulette #42
Roulette #43
Roulette #44
Roulette #45
Roulette #46
Roulette #47
Roulette #48
Roulette #49
Roulette #50
Roulette #51
Roulette #52
Roulette #53
Roulette #54
Roulette #55
Roulette #56
Roulette #57
Roulette #58
Roulette #59
Roulette #60
Roulette #61
Roulette #62
Roulette #63
Roulette #64
Roulette #65
Roulette #66
Roulette #67
Roulette #68
Roulette #69
Roulette #70
Roulette #71
Roulette #72
Roulette #73
Roulette #74
Roulette #75
Epilogue
Note

Roulette #40

633 16 0
By La-MarGa

Chapter 40 

(Kiss)


Gulat pa rin siya habang nakatingin sa akin. Humakbang ako ulit upang mawala na nang tuluyan ang distansya sa pagitan namin. My heart never stopped beating wildly as I do that.


"H-Hi..." I only managed to say.


Napakurap-kurap siya na parang nagising sa realidad. Unti-unting umangat ang kanang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. Pagkatapos ay tinitigan ang mga mata ko ng matiim.


"You're real," bulong niya na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.


I smiled. "Yes, I am."


Binitawan niya ang pisngi ko at bumaling muli sa siyudad. Mukha pa rin siyang hindi makapaniwala nang tingnan iyon ng ilang sandali.


"I was just staring at that city a while ago, thinking that you were there enjoying your normal and happy life," bumaling muli siya sa akin ngayon. "And now, you just appeared before my eyes. I thought I was hallucinating again."


"I'm really here now," I assured him.


"You came back," puna niya. "Why?"


I was a bit taken aback with his question. Does he still not want me here? Or he's just pretending not to want me back?


"Alek called me."


Nandilim ang mukha niya at nawalan muli ng ekspresyon ang mga mata. Kapagkuwan ay umatras siya ng kaunti at sumandal muli sa railing, kaharap ang tanawin.


Tumabi ako sa kanya at hinarap rin ang siyudad. Ilang minuto kaming tahimik pareho. Kinakapa ko pa ang mga sasabihin ko sa kanya. We were away from each other for three weeks only, but it feels like a long time to me.


"Why did you really come back?" Basag niya sa katahimikan. Nilingon ko siya ngunit nanatili lamang ang tingin niya sa harapan.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para ilihis ang sakit na lumukob sa puso ko. "I wanted to see you again," pag-amin ko. "I wanted to check your condition. Alek told me you're getting worse."


This time, lumingon na siya sa akin. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay sarkastiko siyang tumawa. "Do you know why I had to let you go?"


"I don't know. I was confused why you suddenly let me go," bahagya akong natigilan nang mabasa ko ang samut-saring emosyon sa kanyang mga mata. He's being vulnerable now. He's showing me the real him. "Would you tell me why?"


Nanatili ang seryosong titig niya sa akin. Bahagya ring umigting ang kanyang panga na para bang pinipigilan niyang magalit. 


"I did that... to save you from me," umiwas siya ng tingin. "And now, you're here again. How the hell will I do that if you keep on coming back?"


Sinubukan kong gawing magaan ang boses ko upang pahupain ang hindi ko maintindihang tensyon na nararamdaman niya. "Why are you pretending not to want me back, Clade? And what do you mean save me from you? I know you would never hurt me-"


"You don't know me yet, Ariadne!" Tumaas ang kanyang boses nang lingunin ako. "You don't know what I was capable of doing to you!"


Natigilan at natahimik ako. Nakatitig lang ako sa pagsabog ng kanyang emosyon. He looked pained and frustrated. Mahigpit rin ang pagkakakuyom ng mga kamao niya.


"If you stayed here longer, then I would've hurt you already!" Pagpapatuloy niya.


"And why would you do that?" Hindi ko na rin napigilang sumigaw. Nakuha niya pang magulat sa pagsigaw ko. "What did I do, huh? Why would you hurt me? All I did was to look after you and care for you, so why would you do that-"


"Because I am that evil!"


Iniwas niyang muli ang tingin sa akin at mariing pumikit. Bahagya niyang sinabunutan ang sarili dahil sa galit na nararamdaman habang nakasandal sa railing.


Natahimik ako, pilit na pinoproseso ang kanyang sinabi at ang nakikita kong reaksyon niya ngayon. Hindi ko maintindihan ang kanyang tinuran. Hindi ko makita kung saan banda siya naging masama sa akin. Maaaring noong una ay masama siya sa paningin ko ngunit sa paglipas ng mga buwan, napalitan iyon ng kabutihan niya. 


Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking mata bago nagsalita muli. 


"You're not evil," mariing tugon ko.


"I am-"


"No, you're not, Clade!" Muling tumaas ang boses ko. Nagkatitigan kami nang bumaling siya ulit sa akin. "You're not evil to me. Please stop saying that."


Nagpakawala lang siya ng mabigat na paghinga at itinuon muli ang pansin sa kawalan.


Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang umiwas rin ng tingin sa kanya habang pinapakalma ang sarili. Patuloy lang ako sa pagpunas ng mga luha kong agresibo na sa pagtulo.


Bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya, sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko talaga makuha kung saan niya hinuhugot ang mga sinasabi niya ngayon. Kung tutuusin ay halos ibigay na niya ang lahat sa akin sa tatlong buwan na nanatili ako dito. 


Lumakas lamang ang pakiramdam ko na may hindi siya sinasabi sa akin, isang bagay na nalaman niya o nangyari nang hindi ko batid habang nandidito pa ako noon. 


Natigilan ako nang may panyong lumapat sa pisngi ko. Tumama ang mga mata ko sa kanya. Tiningnan ko siya na seryosong nagpupunas ng mga luha ko. Hinigit niya ang braso ko upang iharap ako sa kanya nang sa gayon ay mapunasan niya ng maayos ang mga luha ko.


"Don't cry anymore," he gently said as he continued wiping the tears he caused away.


"You made me cry," naiinis kong sagot.


Nagpatuloy siya sa marahang pagpupunas sa aking mukha. Habang ako naman ay natulala sa ekspresyon ng kanyang mga mata. Mapupungay ang mga ito at mababasa ang pagsisisi at kalungkutan sa mga iyon. Ngunit sa kabila ng mga iyon, nangingibabaw ang sigla ng mga ito habang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko.


Kung may isang bagay akong tinandaan sa kanyang mukha ay iyon ang kanyang mga mata. Dahil kayang-kaya niyang itago ang kanyang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng pagkabura ng emosyon sa kanyang mukha ngunit ni minsan ay hindi magawa ng kanyang mata na itago ang sinasabi ng kanyang kalooban. 


"I'm sorry," aniya nang matapos punasan ang mukha ko.


Nakuha rin naming huminahon makalipas ang ilang minutong katahimikan. Pawa kaming nakatingin ulit sa siyudad at tanging ang simoy ng hangin lang ang pinapakinggan.


"I said I was evil because it's true," siya muli ang bumasag sa katahimikan kalaunan.


Nanatili lang akong tahimik at hinintay ang iba pa niyang sasabihin kahit pa nag-uumpisa na naman akong mairita sa mga sinasabi niya.


"I killed a lot of men. That is not unknown to you," I heard him heave a heavy sigh again. "And... I also killed the children of my enemy."


Gulat akong lumingon sa kanya. Children? Bakit niya idinamay ang mga bata?


"W-Why did you do t-that?" Hindi makapaniwalang tanong ko. He still refused to look at me when I asked that.


"Their father did a lot of damage to me. He orchestrated my family's massacre. So, I wanted to get even with him," malamig na sagot niya.


Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Bakit niya dinamay ang mga bata? Akala ko ba ang mga masasamang tao lang ang pinapatay nila?


"But, they were kids and they were innocent of their father's crimes-"


"They were not," putol niya sa akin. "They were of age and are most likely to become evil like their father," nakuha na rin niyang bumaling sa akin ngayon. "One of them was a drug user, one was a rapist, and the other two were ruthless. And with all those things, their father just turned a blind eye."


Natutop ang bibig ko. I hate myself for judging him again so quickly. Hindi na ako natuto. Lagi na lang akong inuunahan ng panghuhusga sa tingin kong mga maling ginagawa niya.


"I'm sorry, I judged you quickly again. I thought they were just innocent."


"It's fine. I understand your sentiments," hindi ko maringgan ng kahit anong hinanakit ang kanyang boses. It's like we're finally having a normal conversation now. "You are a doctor and you're supposed to save lives. For you to hear someone say that he killed people, I bet that's something hard to deal with."


"B-But, I get what you are doing, though. By killing those evil people, you are saving a lot of other lives in return. They could've victimized many people if they continued to live and do evil things, so who am I to judge you with that?" Bumuntong-hininga ako. Hindi ako makapaniwalang tila nagiging normal sa aking makarinig ng pagpatay ng tao. "I'm sure you have a deeper reason for doing that."


Tumango siya ng bahagya. "But, not all of his children are evil," bumaling siya sa akin at mahinang ngumiti. "One of them was as kind as an angel but has a strong personality. Even if I badly wanted to kill all of them, I had to spare that one."


"That's good to hear," I knew he still has a heart for those who are innocent. He wouldn't hurt someone for no reason.


"Yeah..." titig na titig na naman siya sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting pagkailang. "I'm so grateful that I spared her."


Tumango ako at ngumiti. "See? How many times do I have to tell you that you are not evil? You have a heart and you are using it when needed."


Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Kani-kanina lang ang seryoso naming nag-uusap tapos ngayon ay tatawa siya?


"What's funny?"


"Nothing," nakangiting saad niya. "It's just that you made me feel good about myself. Thank you, Ariadne," puno ng sinseridad ang kanyang boses.


Napakurap-kurap ako. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay hindi ko makuhang sumagot sa kanya. Muli siyang natawa at siya na lang ang umiwas ng tingin.


Pabiro kong sinuntok ang braso niya. "Stop laughing at me."


"Alright," may bahid pa rin ng pagtawa ang kanyang mukha. "Stop glaring, milaya."


Nagtaka ako. "Milaya?"


Kumunot naman ang noo niya. "What milaya?"


"I don't know with you. You're the one who said it!"


"I didn't say anything like that," pagmamaang-maangan niya.


"You just said it now, why are you pretending-"


"Let's not talk about nonsense things. Anyway, does your boyfriend know that you're here at this hour?" Seryosong tanong niya na ikinatahimik ko.


Umiwas ako ng tingin sa kanya at nanatiling tahimik.


"Ariadne, look at me and answer my question," mariing sambit niya.


I was firm that I won't obey his commands, but he held my chin and made me look at him. Tinaasan niya ako ng kilay habang hinihintay ang sagot ko.


"W-We broke up," mahinang sagot ko, pilit inaalis ang mukha ko sa pagkakahawak niya.


Natigilan siya at puno ng pagtatakang tumingin sa akin. 


"May I ask why?" Maingat na tanong niya.


"I can't bear to see him hurt because of me anymore. I was unfair to him and... my heart isn't the same anymore."


Mas lalong kumunot ang noo niya. Dumoble naman ang kabang nararamdaman ko dahil sa itsura niya na tila may gusto pang malaman. Ngunit iba ang lumabas sa bibig niya na hindi ko inaasahan.


"I'm sorry," aniya at binitawan ang baba ko.


"It's not your fault. We both decided about it."


Tumango lamang siya at nanatiling tahimik. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya kaya naghintay na lamang ako sa maaari niyang sabihin.


"I'm not sure if this is the right time to do this, but I can't let this opportunity go. I kept on thinking that I am partly at fault with your break up and I am sorry for it. I mean it," aniya habang titig na titig sa akin. "But, can I tell you something?"


"What is it?" Hindi ko maintindihan kung bakit walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko habang hinihintay ang kanyang sasabihin.


"I love you," he finally said.


Ngayon alam ko na ang dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. Tila alam na alam ng puso ko na may maririnig siyang ganito.


Nang hindi ako magsalita, nagpatuloy siya. "I know it doesn't sound right as of the moment because your break up is still fresh, but please let me tell you everything about it. I can't let myself miss this chance."


Wala sa sarili akong napatango. Hindi pa rin ako makapaniwala na narating na namin ang puntong ito. Ang punto kung saan nakatayo siya sa harapan ko at sinasabi sa akin kung gaano kalalim ang nararamdaman niya... para sa akin.


Before, it feels so wrong to do this with him, but now, it just feels so right.


"I love you," ulit niya na parang pinapasiksik niya sa utak ko iyon. Ang puso ko tuloy ang napapagod sa walang tigil na pagtibok nito ng mabilis.


Parang tanga akong napatango ulit. Ikinatawa niya iyon kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Seems like my bait isn't working, she's not saying 'I love you, too,'" bulong niya sa sarili niya. Nag-angat muli siya ng tingin sa akin at bahagyang ngumiti. "You knew about it, didn't you? You just chose to ignore it because you were selfless enough to prohibit me from saying it before."


Nanatili lang akong tahimik at nakatitig sa kanya. Para akong tuod na nanigas sa kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin, sasabihin o maski ang dapat na maging reaksyon ko.


"Before, all you thought about was your boyfriend's happiness. You were a good girlfriend that's why I envied him a lot," pain crossed his eyes, but he immediately covered it up. "You wanted to protect him so much that it angered me. I don't know why you two broke up, but what I know is that I love you so much, Ariadne. I love you more than he does, so I keep on thinking that the break up has something to do with me. I'm sorry."


Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko. Sobra-sobrang emosyon ang umaapaw sa aming dalawa ngayon. I never thought that we'll ever get the chance to have this moment.


Mababasa ang lungkot, sakit, at pananabik sa kanyang mga mata. Maging ang pagkaalerto ng kanyang katawan ay nawala habang kaharap ako at hindi matanggal ang mga mata niya sa akin.


"I didn't want you to come back because I kept on thinking that I'll just hurt you if I lose my control again. I'm scared of that... But, what can a man who loves you so much do if you are standing in front of him again after he pushed you away?" Hindi nakatakas sa paningin ko ang isang luhang tumulo sa kanyang kanang mata. "None, Ariadne. None, except for the fact that I need to accept you again for the sake of my sanity."


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. I felt a foreign sensation traveled through my body with his touch.


"I won't let you go away this time," he whispered. "I'll do whatever it takes to keep you and protect you. Even if you don't feel the same way."


Wait... he thinks that this is a one-sided love? 


Natigilan ako saglit sa huling sinabi niya. Hindi niya ba alam ang nararamdaman ko para sa kanya?


I stared at him who is only looking intently at me. He seems like he's finished talking, so I guess it's my turn now?


I exerted a lot of effort to think. He just confessed to me and I need to respond properly to put things to where they are supposed to be. Maraming bagay na akong nasira at nasaktan ko na silang dalawa ni Aiden. So, it's just right if I will do my part now to fix the mess I've made.


Huminga muna ako ng malalim upang subukang pakalmahin ang puso ko. Titig na titig siya sa akin at talagang hinihintay ang sasabihin ko.


I don't think I can speak properly if I just keep on staring at him like this. Nakakapanghina ang mga titig niya at nawawala ako sa tamang pag-iisip kung magpapatuloy ito. I finally got my cue to do something when I saw disappointment slowly creeping on his face.


Wala na akong iba pang inisip kundi ang pilitin ang mga nanghihinang tuhod ko na humakbang.


Patuloy lang ako sa paghakbang hanggang sa magtama ang mga katawan namin at naipulupot ko ang mga braso ko sa kanyang likuran.


Ang sarap sa pakiramdam ng magkadikit naming katawan. His warmth is so comforting. It made me rest my head on his wide chest and just savor the good feeling our hug is giving me.


Ang sarap rin sa pandinig ng malakas at mabilis na pintig ng puso niya. Rinig na rinig ko iyon at mas lalo lang nitong pinapalakas ang pagpintig ng sa akin dahil sa isiping, ako ang may kagagawan niyon. 


After being frozen in shock, he wrapped his arms around me, too. We just stayed like that for a couple of minutes. Habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang yakap niya.


This is our first ever real hug and I love it so much. I will never forget how this hug gave me good feelings. Tila nahanap ko ang pwesto ko sa kanyang dibdib at sa kanyang puso.


"Please speak," kapagkuwan ay bulong niya habang magkayakap pa rin kami.


"What do you want me to say?" Parang tangang tanong ko. Hindi ko pa rin kasi talaga maisip kung ano ang dapat sabihin. Masyado akong nalulunod sa nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot akong magkamali ng sasabihin na maaaring maging dahilan ng pagkasira muli naming dalawa.


"Anything, milaya..."


He said that term again. I wonder what it means.


"Uh..." I tried to start saying something. Muli akong huminga ng malalim para kumalma ng kaunti bago magsalita. Bigla namang pumasok sa isipan ko kanina ang paghuli niya sa akin upang sabihin ding mahal ko siya. "Do you think I love you, too?"


"I don't know. You tell me," malambing na sagot niya.


"I find it immoral to get myself involve in a forbidden love, you know?" Sa wakas, may sense na ang lumalabas sa bibig ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nasa tama pa rin ang pag-iisip ko. "At first, I thought it was not love I was feeling. I thought what I felt was care and pity only. But, it turns out I was wrong."


Masuyo niya akong tinulak ng bahagya upang masilayan ang mukha ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinakatitigan ang aking mga mata. 


Gustuhin ko mang umiwas ng tingin, hindi ako hinahayaan ng mga kamay niyang mas humigpit ang pagkakahawak sa magkabilang pisngi ko.


"Are you saying that you love me, too?" He asked out of hope.


Tumango ako. "Yes, Clade... I f-fell for you."


Umawang ang bibig niya dahil sa gulat. Mukhang hindi talaga siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya.


Sa loob ng tatlong buwan na iyon, talaga bang hindi niya nahulaan ang nararamdaman ko para sa kanya? Pinagtitripan ba niya ako o ano?


Ngunit hindi naman bakas sa mukha niya ang pagbibiro dahil nanatili lamang siyang nakatingin ng seryoso sa akin. Muli akong napatikhim nang mapagtantong naghihintay pa siya ng sasabihin ko.


"The moment I realized that I love y-you more than A-Aiden, I cried so hard." I can hear my voice cracking. "It was so painful for me to admit that I've fallen for you and I felt like I've cheated on Aiden for it, but I'm not a cheater, that's why I had to bury my feelings for you!" Hindi ko na napigilan ang muli kong pag-iyak.


"Shh," pag-alu niya sa akin at muli akong niyakap. Hinaplos niya ng paulit-ulit ang buhok ko upang pakalmahin ako.


"Y-Yes, Clade, I love you too and I care for you so much, so please..." bahagya akong kinakapos ng paghinga dahil sa paghagulgol. "S-Stop pushing me away and hurting me."


"I'm sorry," aniya at mas hinagod pa ang likod ko. "I told you that from now on, I'll keep you and I won't hurt you anymore. You don't know how much it kills me whenever I do bad things to you unintentionally."


Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. Ganoon rin ang ginawa niya habang patuloy pa rin siya sa pag-alu sa akin. He kept on whispering sweet things to my ears. He kept on assuring me of everything.


"I love you. I'll protect you from everything..." bulong niya. "Don't cry anymore, milaya..."


Malaking tulong ang mga salitang sinasabi niya upang mawala ang takot sa puso ko. Takot na baka mali ang desisyon kong bumalik sa kanya at piliin siya. Dahil sa mga sinasabi niya, nasiguro kong sa wakas ay may ginawa na akong isang bagay na tama matapos ang tatlong buwang pagkakamali ko.


Nang humupa ang bigat sa dibdib ko, nakuha ko na ulit mag-angat ng tingin sa kanya. Napakalambot ng ekspresyon ng mukha niya habang tinitingnan ako at pinupunasan ang mga natitirang luha sa mukha ko. 


I've never seen him this vulnerable. And most importantly, I've never seen him care so much for someone like this.


"Don't you think it's ridiculous for us to love each other when we don't know each other?" Biglang tanong ko.


Kumunot ang noo niya. "We don't need to know each other first before we love each other, Ariadne. Love is occurring naturally without our permission..." sagot niya. "And who says I don't know anything about you?"


Ako rin ay napakunot ang noo. "What do you mean?"


"You are 32 years old. You're a Cardiothoracic Surgeon. Your favorite color is nature green. You hate insects. You like to act cute. You're allergic to peanuts. You love strawberries so much. You never sleep with the lights open. You always check things twice to make sure they're perfect," tuloy-tuloy niyang saad.


Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. Alam niya ang mga maliliit na bagay tungkol sa akin?


As if hindi pa sapat sa kanya ang lapit naming dalawa, humakbang pa siya ng isang beses upang isiksik ang katawan sa akin at tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


"You unbroke my heart. You gave me my peace. And you kept me sane, that's why you became very important to me," madamdamin niya pa ring saad. 


Matapos iyon ay pumikit siya at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mga labi niya na nakadampi sa akin.


He's freaking kissing me!


Nang tumagal ang kanyang labi sa akin ay awtomatikong pumikit ang mga mata ko. 


Marahang gumalaw ang mga labi niya noong una ngunit hindi siya nakontento at mas idiniin niya ang mga iyon sa akin. Nagawa niya ring ibuka ang mga labi ko at mas pinalalim ang halikan naming dalawa. 


Pareho kaming uhaw na naghahalikan sa loob ng ilang segundo. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang paggalaw ng mga labi niya na dapat kong sabayan. Bawat parte at sulok ng bibig ko ay hindi nakaligtas sa kanyang mga labi. Sinulit niya iyon at ninamnam na tila ba ilang taon kaming hindi naghalikan ng ganito.


Pinutol niya ang halik at muli akong tiningnan ng matiim. "But, the most important thing of all is... Mahal kita, Ariadne," pagpapatuloy niya.


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig siyang mag-tagalog.


"You know how to speak Tagalog?" Gulat ko pa ring tanong.


Hindi niya napigilan ang pagtawa. "Really? I've said and done a lot of things to you just now, and yet that's the only thing you understood?"


Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tsaka lang nag-sink in ulit sa akin ang mga sinabi niya at ang... iyong halik niya! My goodness!


Nanatili lang akong nakaiwas ang tingin habang siyang-siya siya na pagmasdan akong kinakain ng hiya. Sinamaan ko na siya ng tingin at lahat-lahat pero hindi mabura ang ngiti sa kanya mga labi.


"Stop glaring, alright. I only know how to say 'I love you' in Tagalog. That's all," sagot niya sa tinanong ko habang natatawa pa rin kaya inirapan ko.


Tumawa lang siya hanggang sa magsawa. Ako naman ay humarap na lang sa tanawin para umiwas sa mga tingin niya. Ganoon ang ayos namin nang ilang minuto ulit ang lumipas.


"You know what, the stars make me think of you," pagbasag niya muli sa katahimikan. 


Nilingon ko siya at nakitang nakatingala naman siya sa langit ngayon. Napatingila rin ako roon at nakita muli ang mga bituin na palaging nanonood sa amin.


"Why is that?"


"You were the only woman to show me the gleam of her eyes that can be compared to the stars when I first saw them. Since then, I always thought of you whenever I look at the stars. And then surprisingly, I won't feel alone at all."


My heart melted with that. Sumosobra na ang lalaking ito ah! Sobra na ang mga matatamis na salitang lumalabas sa bibig niya. 


Napaiwas na naman tuloy ako ng tingin para hindi niya makita ang kilig sa mukha ko. Ni hindi ko na nga maalala ang pinunta ko dito. Sa loob lang ng isang oras ay ang dami nang nangyari sa pagitan namin.


Nagmaktol ako bigla nang makabawi sa kilig. Naisip kong muli ang mga pinagsasabi niya kanina lang. "You know almost everything about me and yet I only know so little about you!"


He chuckled and pulled me again for a hug. "That's my fault... Don't worry, I'll let you in my life completely from now on. No matter how dark my past is, I'll try my best to let you see it... for you to know me completely. And we have a lifetime to do that, don't we?"


Hindi ako nakasagot dahil sa pagdoble na naman ng tibok ng puso ko. Anong lifetime ang ibig niyang sabihin? Nandoon na ba agad ang isip niya para sa future naming dalawa?


My imagination of our wedding suddenly crossed my mind. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil sa pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya pa rin kahit naman hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon.


"Hey, why are you silent?" Pukaw niya sa katahimikan ko.


"N-Nothing."


"Are you tired already?"


Tumango ako. "A bit."


He pushed me lightly and cupped my face. 


"Aww, my baby is tired," nang-aasar niyang saad.


Imbes na mainis o kiligin, mas nanaig sa akin ang gulat. Hindi ko akalaing may ganito siyang side... I mean, what the hell? Is this really Clade?


"What?" Natatawa niyang tanong.


"N-Nothing, uhm," naisip ko bigla si Michaela sa ibaba. Baka mamaya ay naiinip na iyon. "My friend is downstairs. It's already getting late, I think we should go."


Natahimik siya saglit bago nagsalita muli. "You're... going home?"


Nagtataka akong tumango sa kanya. "Yeah, why?"


"You can..." tumikhim siya at hindi makatingin sa akin. "You can stay here if you want. Your room is still the same," aniya habang nagkakamot ng kilay at bahagyang nakatungo.


Napaisip ako. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin ngayon lang, malamang mas gugustuhin ko siyang makasama lalo. Ang kaso lang, may trabahong naghihintay sa akin at isa pa ay may Michaela'ng paniguradong inip na inip na sa baba.


"I would like to, but I have work tomorrow. My friend and I need to go home already."


"You can skip work tomorrow, there will be no problem with that. And your friend can stay here for the night. It's dangerous for her to go home this late."


"I had a lot of absences these past few weeks. If I skip work again tomorrow, then I might lose my job and my patients."


Napaisip siya. "I understand, but, uh," mukhang hindi niya pa masabi-sabi ang gusto niyang sabihin.


"What is it?"


"I don't like the idea of you leaving again," paliwanag niya sa pangungulit niyang manatili ako. "I want you to stay here. I can drive you to work tomorrow. Please say yes?"


Oh my God! Ilang beses niya ba ako pakikiligin ngayong gabi? Hindi na ako magtataka kung ikahimatay ko na ang abnormal na pagtibok ng puso ko.


"Uh... a-alright, I guess?" Napangiti ako nang lumiwanag ang mukha niya. "I'll just talk to my friend."


Tumango siya at muli akong niyakap. "Thank you, milaya."


Ayan na naman ang milaya na iyan. "What does milaya mean, huh?"


"Secret," aniya. "You'll know eventually," may pilyong ngisi sa kanyang mga labi nang maghiwalay kami sa yakap.


"Tss," pabiro ko siyang inirapan at tsaka na niyayang bumaba.


Nasa hagdan pa lang kami, rinig ko na ang iritadong boses ni Michaela. Nakita namin siyang tumitingin-tingin sa paligid ng first floor habang nakabuntot sa kanya si Mikhail. 


Ang tanging natira naman sa sala bukod sa kanila ay si Artem at Maxim na parehong natatawa sa dalawang nagbabangayan.


"Stop following me around like an idiot!" Singhal ni Michaela kay Mikhail.


"I'm your tour guide, miss. What's wrong with that?" Depensa ni Mikhail.


Nagkatinginan kami ni Clade at parehong nagtaas ng kilay bilang pagsang-ayon sa naiisip namin tungkol sa dalawa.


"What's happening?" Singit ko sa dalawa na ikinalingon nila.


"My God! Sa wakas bumaba ka na rin. Kaunti na lang, aakyatin na sana kita sa itaas eh," parang nakahinga ng maluwag ang bruha nang lumapit sa akin. "Ano, uwi na tayo?"


"Wait lang, anong mayroon sa inyong dalawa niyan?" Pang-iintriga ko. Nginuso ko pa si Mikhail sa kanyang likuran.


Umirap siya. "Hay naku, he keeps on hitting on me kahit pa sinabi kong may boyfriend na ako."


Natawa ako at magsasalita na sana ngunit naunahan ako ni Mikhail. 


"Does she really have a boyfriend, miss?" Tanong niya sa akin.


Bumaling naman ako ng tingin kay Ela na pinandidilatan na ako ngayon. She mouthed 'oo.' to me. 


"Not that I know of... May boyfriend ka na, sis?" Nakangising saad ko.


Pumikit siya ng mariin at kaunti na lang ay sasabunutan na niya ako. Kung wala lang ibang tao, malamang ay ginawa na niya.


"Yes," bumaling siya kay Mikhail. "I have a boyfriend. His name is Malekeith Verdadero, her brother," turo niya sa akin.


"Ang kapal ng mukha," bulong ko. 


Lumingon siya sa akin at pinanlisikan ako ng mata.


Nakita ko namang bumagsak ang mga balikat ni Mikhail dahil sa narinig. I felt so bad for him, but Ela's right. I liked her for my brother first.


Dahil sa kawalan ng comforting words para kay Mikhail na mukha talagang disappointed, hinarap ko na lang si Ela upang sabihin ang desisyon kong manatili muna sa mansyon.


"Uhm, sis, dito muna sana ako matutulog pero papasok pa rin ako bukas. May kwarto naman ako dito at mga gamit kaya ayos lang," a mischievous smile slowly formed on her lips. Inirapan ko lang iyon at nagpatuloy sa sasabihin. "Gusto mo rin bang mag-stay for tonight or papahatid ka namin sa inyo?"


Nandoon pa rin ang nakakalokong ngiti niya nang magsalita. 


"Hmm," hinawakan niya ang baba na tila nag-iisip. "Huwag na, nakakahiya sa bebe mo," at tsaka siya sumulyap kay Clade na nasa likod ko. "Uuwi na lang ako. Kita na lang tayo sa hospi bukas."


"I'll have my men tail you to make sure you'll get home safe," ani Clade.


"Aww, thank you for that, Mr. Schartner," pa-cute na sagot ng isa.


"I volunteer," lahat kami ay napalingon kay Mikhail na mukhang determinadong ihatid ang best friend ko. Nakataas pa ang kanang kamay niya at may malawak na ngiti sa kanyang mukha.


Lihim na lang akong napabuntong-hininga sa kawalan ng pag-asa ng isang ito. Syempre kahit naman kaibigan ko na siya, mas papanig pa rin ako kay kuya no!


"No way-" pinutol ko ang iba pang sasabihin ni Ela. Masyado naman kasing harsh ang isang ito eh.


"Thank you, Mikhail. Please make sure she's safe," ngumiti ako kay Mikhail na masaya akong tinanguan. Nauna na siyang lumabas sa mansyon habang nilalaro ang susi ng kotse niya sa kanyang kamay.


"What the hell?" Bayolenteng reaksyon ni Ela nang balingan ako.


"Huwag ka ngang OA. Ihahatid ka lang niya. Iyon lang iyon," depensa ko.


"Eh, malalaman niya ang bahay ko!"


"And so?"


"Anong 'and so?'" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Baka mamaya, araw-araw akong kulitin no'n!"


Lumapit ako sa kanya at tinulak-tulak siya palabas ng main door. "Bilis na umuwi ka na. May pasok ka pa bukas."


"Ano ba, Ariadne!"


"Ela, kilala ko si Mikhail, okay?" Natigil ako sa pagtulak sa kanya upang harapin siya. "Mabait siyang tao at naging kaibigan ko na rin. At alam ko ring may ibang laman na iyang puso mo pero please, huwag ka namang maging masama sa tao. Nagmamagandang-loob lang siya. If you don't like him, then turn him down politely. Okay?"


Padabog lang siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa nakaparadang sasakyan niya. Pinukol niya muna ng masamang tingin si Mikhail na inosenteng nakasandal sa kanyang kotse bago tuluyang pumasok sa sariling kotse.


Kinawayan niya ako nang ibaba niya ang bintana bago tuluyang nagmaneho pababa ng burol. At gaya ng usapan, nakabuntot lang ang sasakyan ni Mikhail sa kanya.


Habang nakatanaw pa rin ako sa dinaan ng dalawa, bigla kong naramdaman ang pagpulupot ng matipunong braso sa baywang ko. 


I immediately knew it was Clade. His touch felt so different. It assures me my safety and comfort. I've never felt this good my whole life.


"Thank you again for staying," bulong niya sa tainga ko habang nakayakap na ng tuluyan sa akin mula sa likuran.


"It's nothing. I also want to stay here," I put my arms over his and let myself enjoy his warmth.


"We are both finally free to breathe and say how much we love each other," pinihit niya ako paharap at muling sinapo ang mukha ko. "Finally, our love isn't forbidden anymore."


Tinumbasan ko ang ngiting kumawala sa kanyang mga labi. Nagtitigan lang kami sa loob ng ilang segundo. Palipat-lipat ang kanyang mga mata sa magkabilang mata ko na tila minememorya ang hugis at kislap ng mga ito.


"I love you..." he said.


With that, he leaned in and sealed his words with a soft and gentle kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

187K 2.6K 84
Ramon was involved in gambling and addiction; he hid his addiction from his family. Because he spent the money on wrongdoing, his company was involve...
13K 338 21
She hates all adams in the world. But what if, one adam from the past find her again? WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS. [LA CRESZA SERIES...
7.6K 125 45
Xyrel Fuentes Lavisca is married to Hades Lavisca who has a girlfriend named Angela. Posible kayang mainlove sa kanya ang kanyang asawa? O baka, mauw...
2.3M 58.5K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...