Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 23: The meeting

173 15 2
By issawandablue

Hi guys! I know hindi ako nakapagupdate for the past few weeks. Naging busy lang rin talaga with lots of important stuff. I hope you guys understand lalo na ngayon na medyo nagrerecover tayo with all the happenings sa paligid natin lalo na most of us are staying at home. May God bless us all and sana maging okay na lahat. I hope you guys enjoy this update and sana makapgbigay to ng kahit papaanong saya sa inyo. Thank you!

________

Kamusta mga ka-CAY!

This is your cutie patootie Luna, sana suportahan niyo pa rin ang CAY :) Namiss namin kayo lalo na nila Yna at Ely (siguro)! Hehe love love everyone.

Yna's POV

"Bilisan mo!" tawag ko kay Ely habang hila hila siya papasok ng gallery.

"Can you please slow down? Makakapasok pa rin naman tayo without being in a hurry." Napikon na ang lolo niyo pero parang tanga naman siyang nagpapahila. Kunyari pang ayaw!

"Ano ka ba! Syempre mas maganda kung maaga tayo! Mas malilibot natin ang gallery." Binilisan ko pa ang paglakad kahit bigat na bigat na ako sa kakahila sa kanya.

Nandito kami ngayon sa Manila, sa isang tanyag na gallery to be specific. Of course para sa project to! Hindi to date at papangunahan ko na kayo.

He got these event passes sa isang art exhibition. Hindi ko alam kung saan at paano niya to nakuha pero wala na akong pake. Ang importante I will enjoy this day. I have to!

"Hey, careful." Saway niya nung kamuntikan pa akong madapa. Kainis naman kasi tong heels ko!

Ang sabi kasi ni mommy magheels raw ako. Mga one and a half inch lang naman ang taas pero hindi pa rin ako kumportable. Yung ermats ko kasi akala date to kahit ilang beses ko nang sinabing hindi at para lang talaga sa project to.

Flashback

Umuwi ako pagkatapos ng klase namin sa Algebra, wala raw kasing prof sa last subject namin kaya pinauwi na kami.

Bago pa man ako makapagplano ng gagawin namin nila Luna para bukas dahil nga weekend at nagyaya ang tita niyo ay nakatanggap ako ng message kay Ely sa messenger.

Rigel Montemayor: I got tix for an art exhibition in Manila. I'll pick you up at 7 tom.

Noong una ay hindi ko pa maintindihan ang chat niya. Bakit naman siya magyayaya for an art exhibition? Ilang saglit pa bago ko naisip na baka para yon sa project namin.

Yna Perez: For real? Teka lang, I have plans para bukas.

Rigel Montemayor: What plans?

Yna Perez: With Luna and your cousin. Girl bonding!

Rigel Montemayor: Then cancel it.

Ganun nalang kadali para sa kanyang sabihin yon. Pambihira lang! Eh sino ba siya para unahin ko?

Hindi pa man ako nakakareply ay nagmessage siya ulit.

Rigel Montemayor: Friends or project?

Huwaw! Siyempre friends! Pero..

Rigel Montemayor: I know you'll choose the latter.

Gets ko naman si Ely. Maiintindihan naman kasi ng mga kaibigan ko kung uunahin ko yung project. Ang sakin lang.. Bakit biglaan? Hindi tuloy ako nakapagready! Anong isusuot ko bukas?

Yna Perez: Okay fine. Pero magpapaalam muna ako kila mommy.

Rigel Montemayor: Ok

Kinabukasan.

"Ang ganda mo ngayon anak. Gumanda ka lalo sa dress mo. Hihihi. At yung heels. Bagay sayo" Aniya na parang pinapalabas pang pinaghandaan ko talaga ang araw na'to.

"Maaaaaa.."

"Oh siya sige lumabas ka na at kanina ka pa inaantay ng sundo mo." Tinulak naman ako ni mommy papalabas ng bahay. Mabuti nalang at hindi na rin siya lumabas at baka maging awkward na naman dahil sa panunukso niya. Ayaw niya na rin daw kasing makita ni Ely ang kanyang morning look. Mama talaga! Kung makaasta daig pa ang dalaga.

End of flashback

"Bilisan mo nalang para makapasok na tayo."

"You should have worn comfy shoes." Pagpupuna niya sa suot kong heels. As if naman ginusto ko!

"None of your business. Ayoko rin naman magsuot nito no. Pinilit lang ako ni mommy."

"Pati yung dress?" he smirked at itinaas pa ang isang kilay niya.

Hindi ko na siya pinansin at agad lumapit sa may entrance. Binigay ko yung passess namin sa babaeng attendant bago tatakan ang mga kamay namin ng kung ano. Pagkatapos non ay nagmadali akong pumasok sa gallery.

Bago tuluyang makapasok ay binigyan kami ng parang mga pamphlets na nagsisilbing guide namin tungkol sa mga artworks nasa gallery. Purong mga artworks ng mga kilalang painters at sculptors sa Pilipinas ang nakadisplay!

Agad kong iginala ang paningin sa mga nagaggandahang paintings and sculptures. Parang lumulutang ako ngayon sa ulap dahil ito yung mga bagay na gustong-gusto ko. Lumulundag at umaapaw ang saya at excitement sa puso ko.

Gusto ko sanang kumuha ng mga pictures pero restricted raw ang mga cameras at paggamit ng phone sa loob kaya hindi rin namin makunan ang mga ala Picasso na work of art.

Habang ako ay abala sa pagtingin ng mga nakadisplay ay panay lang rin ang pagsunod ni Ely. Pansin kong wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kanya. Tinitignan niya lang ang mga ito na parang walang buhay. Ang boring naman niya!

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nagtitake down notes ako at ganun rin naman si Ely. Kahit hindi niya gaanong naappreciate ang mga nakikita niya ay nagsusulat naman siya patungkol roon. Okay na sakin yon kahit papaano.

"Alam mo wala kang sense of art!" biglang bulalas ko kaya napatigil siya sa paglalakad at tinignan akong nang gulat.

Hindi niya agad yon nakuha at mukhang nag-isip pa.

"Wala ka ring sense of..." tinignan niya lang ako ng diretso sa mata. Nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.".... tsk. Nevermind." Aniya at inunahan ako sa paglalakad dahilan para habulin ko siya hanggang exit.

Umabot rin ng isang oras ang paglilibot namin bago kami makalabas ng gallery.

"Uyy teka lang!" tawag ko sa kanya habang hinahabol siyang maglakad. Ang bilis niya kaya mas binisan ko ang paglalakad ko. Parang tumakbo pa nga ako!

Nang maabutan ko siya ay hinila ko ang braso niya para harapin niya ako.

"What?" inis niyang singhal

"Magpicture naman tayo. Kahit yung sa may entrance lang. Para may proof naman tayo na nagpunta tayo rito. Para na rin sa documentation."

Wala na rin siyang nagawa at hindi na umangal pa. Kumuha kami ng litrato. Selfie pa nga kasi para kita naman kami parehong dalawa. Nasasayangan nga ako dahil nagdala pa ako ng cam para lang ngayong araw pero hindi rin namin ginamit. Lowbat pala kasi at hindi ko nacharge.

"Why can't you just ask someone to just take a picture of us?" aniya nang makitang hirap na hirap ako sa pagkuha ng selfie namin.

"Okay lang naman kahit half body picture. Just cooperate. At isa pa, ngumiti ka naman! Ang sungit mo."

Hindi ko pa napipindot ang phone para kumuha ng litrato ay kinuha na niya ito sa kamay ko.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. Inakbayan niya ako bago iangat ang phone at kumuha ng selfie.

"Hey, you said cooperate. Then look at the camera. And don't stare at at me."

"A-ah.. a-ano?"

"Look George, you're not looking at the camera." Ipinakita niya ang unang kuha namin. Mukha akong tanga sa picture na nakatingin sa kanya at gulat na gulat.

"O-okay. Pasensya na." at ngumiti naman ako bago siya kumuha ulit ng another picture. "Uy hindi kita yung pangalan ng gallery at name ng event. Isa pa." angil ko kaya wala siyang nagawa kundi kumuha ng isa pang picture.

"Okay na?" tanong niya.

"Eh hindi ka naman nakangiti eh. Parang pilit." Angal ko muli. Alam kong naiinis na siya sa mga reklamo ko kasi nga kanina pa siya nagpipicture at wala akong matinong sinag-ayunan sa mga kuha niya.

Nakipagtitigan ako sa mga mata niya at pinapakita ang kawalang pasensya ko. Imbes na magalit ay natawa nalang siya.

"You look funny. You react so much with petty stuff."

"Ayusin mo kasi."

"Kanina ko pa inaayos George. Imbes na magfocus sa sarili mo. Bakit parang focus na focus ka sa mukha ko?" aniya na parang may ibig pakahulugan.

Nakailang kuha pa kami ng picture bago ako tumigil.

"Thank you. Okay na 'to."

"Come here."

"Ha?"

Wala akong nagawa nang hilahin niya ulit ako sa tabi niya. Nagpicture siya ng sefie namin sa phone naman niya.

"I think I need one for my own documentation." Aniya at tinalikuran ako.

Napaamaang nalang akong sumunod rito papunta sa kotse niyang nakapark malapit sa may mall.

Pumasok ako sa kotse niya nang bigla namang tumunog ang tiyan ko.

Ang awkward kaya nilingon lang nya ako. Lumingo nsiya sa bintana na nasa kabilang gawi niya at alam kong palihim siyang natatawa.

"Let's eat lunch first." Yaya niya nang bumaling sakin.

"No. Okay lang naman. Mabilis lang naman tayong makakauwi. Sa bahay nalang tayo kumain o kaya magdrive through nalang tayo."

"Andito na tayo George. Andami kainan diyan oh. Pinas to. Baka gabihin pa tayo at traffic na pauwi ng Laguna." Aniya at tinuro ang mga kainan sa mall na pinagparkingan namin.

Lumabas siya ng kotse kaya lumabas na rin ako. Nagtungo kami sa isang Japanese restaurant. Anlalaki ng seafood parang hindi Japanese resto. Sushi lang ang alam ko eh! In fairness, hindi naman niya masyadong ramdam na gutom ako ano? Hahahaa! Patawara Ely.

Pero teka lang... Baka sabihin naman nitong napakatakaw ko. Mapagsamantala! Kunwari nalang diet ako.

"W-wala akong perang dala teka naman." sambit ko.

"Geez. Ano akala mo sakin George? I told you, hindi ako nagbabayad sa babae."

"Tsk, b-bahala ka nga. Sushi lang naman kakainin ko!"

"Why?" kunot-noong tanong niya.

"Yun lang alam kong Japanes food eh!" kainis andami pang tanong. Nagmadali akong umupo sa isang bakanteng table.

Lumapit ang waiter sa table namin at binigay yung menu.

"What's yours?" tanong ni Ely.

"Sushi."

"Yun lang?"

Tinanguan ko siya habang tutok naman ako sa telepono ko.

"Okay." Aniya at nagorder ng kakainin namin. "Hmmm. Just give us all kinds of sushi in your menu, one serving of gyoza, tempura, yakitori and two bowls of this ramen." Aniya habang nililista naman ng waiter ang order niya.

Seriously kakainin niya yun lahat? Eh sushi lang naman yung akin. Huhuhu sana pala dinamihan ko na yung order ko! Mamaya maglaway pako!

O siya. Aaminin ko na! Marami naman talaga akong alam na Japanese food. Hindi lang alam. Paborito pa nga! Nagtataka nga ako bakit hindi man lang napansin yun ni Ely.

Maya-maya pa ay dumating na ang order namin.

Alam mo yung feeling na sushi lang yung nasa harap mo samantalang ikaw tong gutom na gutom?!

"Hmm. Dozo." Isinenyas nyang mauna na akong kumain.

"T-thank you." Sambit ko habang yung mga mata ko ay takam na takam sa mga nakahain sa mesa. Kainis talaga, pakipot pa kasi Georgina!

"You're welcome. You want some ramen?" alok niya.

"Hindi na. Sayo na yan. Baka gutom ka pa."

"Well, apparrently, I ordered two. So basically sayo yung isa."

"What?"

"C'mon George, you've always loved Japanese food."

Ayan Georgina, tama nang pagpapanggap. Hindi mo ikauunlad yan.

"Weh?"

"Anong weh na naman?"

"Paano mo naman nalaman na gusto ko ng Japanese food?"

"I just know." Matipid niyang sagot.

"Eh paano nga?" Akala ko kasi all this time ang alam nya italian food ang gusto ko. Eh paano ba naman sa tuwing kakain kami sa bahay puro pasta at pizza ang binibigay sakin. Porke favorite ko raw yon. Yung bundat na bundat ka na sa pasta pero hindi ka maka angal. Naalala ko rin yung time na may field trip kami nung second year highschool five sa Japan, imbes na sa authentic Japanese restaurant kami dalhin, aba sa French restaurant kami dinala! Wala kaming choice nun kasi libre naman raw nya. Ayun walang naglakas loob umangal pa! Halooo libre na nga eh, aarte pa ba?!

"Just eat." Aniya at isinubo ang isang piraso ng gyoza sa bunganga ko.

"Amoba. Nanganganis ka! An tama mu."

"What? Ha? Whahaha!"

Agad kong inubos ang nginunguya ko saka kinuha ang ramen.

"Akin na yan. Nakakainis ka alam mo yun?"

"As far as I know, hindi naman. Kaw lang tong naiinis sakin of all people."

"Eh pano ba naman kasi... Ugh! Bahala ka na nga diyan."

"Hey eat slowly."

*slurping*

"Buuuuuuuuurp." Ooops! Georgina ang engot mo talaga!

"Whahahaa!"

"A-anong nakakatawa? Hindi mo ba alam na slurping while eating your noodles is an indication na you are enjoying your food?"

"I know, pero kung makikita mo lang sarili mong nakasimangot habang kumakain! Your'e too cute. Hahaha!"

"Cute ka dyan! Bilisan mo at umuwi na tayo."

"Okay hahaha!"

"Rigggeee..."

"Okay okay fine. But before that just stay here. Give me 10 min then I'll be back." Aniya at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Hindi na niya ako nilingon at agad siyang lumabas ng restaurant.

Ilang minuto rin akong nagantay pa sa kanya.

Nakakainis! Kung nabayaran lang talaga niya yung mga kinain namin, kanina ko pa siya iniwan dito.

Wala pang sampung minuto ay nakabalik na nga agad siya. Hingal na hingal na tila ba tumakbo siya nang napakatagal.

"Asan ka ba galing? Ano yan? Nagawa mo pa talaga magshopping ah. Ibang klase!" Tukoy ko sa paper bag na dala niya.

Nagulat na lamang ako nang lumuhod siya sa harap ko at seryoso ang mukhang tumitig sakin.

Sheeeet of paper! Ang gwapo niya nung pagkaslow-mo nang iangat niya ang tingin sakin. Ramdam na ramdam kong umiinit na ang pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyaan na pinagtitinginan kami ng mga katabing table o dahil.. dahil..

Teka lang! S-sa fairytale at teleserye ko lang nakikita to! I-ito yung k-kapag may nangyayaring p-proposal, wedding proposal! P-pero b-bakit?

"George hey!"

"H-ha?"

"I said give me your foot." Walang angal naman akong sumunod. Tinanggal niya yung heels ko at kinuha niya ang unang pares ng flat shoes saka isinuot ito sa paa ko. Ganun rin ang ginawa niya sa kabilang paa.

Masyado ka nagdaydream girl! Pero parang.. feeling Cinderella ang tita nyo! Kung hindi lang talaga to si Ely baka kanina pako nagtititili sa kilig at kasweetan. Kaso nga... hayz.

"Thank you. Hindi ka na dapat nagabala."

"Ayoko lang dumating sa point na kailangan kita buhatin dahil hindi ka makapaglakad. Ang bigat bigat mo kaya."

"Anong sabi mo? Excuse me, hindi ako mabigat!"

"Whatever you say. Let's go?" Aniya at inilahad ang kamay sakin.

"Tss. Pa-cool."

"Thanks."

"Kapal."

"Ko?"

"Niya." Turo ko sa waiter. Kainis ka talaga Ely.

"P-po?" Gulat namang reaksyon ni kuyang waiter.

"Ah hehe wala po kuya." Pagkukunwari ko at agad lumabas sa restaurant. "Teka mag cr lang ako saglit."

"Okay. I'll wait here."

Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na cr dahil maliban sa nakaramdam ako ng kaunting kaunting kilig kanina ay kanina pa talaga ako naiihi. Simula nung nakailang sabaw ako ng ramen. Pambihirang katakawan!

Pabalik na sana ako galing banyo nang makasalubong ko ang hindi inaasahang tao.

"Ouch." Angil ko nang bigla akong nasagi ng isang babae.

"Oh sorry miss, do you nee.. Y-yna?!"

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7M 82.9K 88
Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatan...
6.3K 262 14
You'll never know when will your happiness lasts. So savor the moment before it fades like a smoke. MAIN CHARACTERS: Vera Hernandez Levon Keith Ferr...
46.3K 1.1K 13
Francine dela Luz lived her life afraid of feeling happy. Para sa kaniya, may kapalit ang kasiyahan. Buhat ng mga naranasan niyang trahedya sa buhay...