Stella Royal Games

By StarryKyamii

62.5K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? More

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 19
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 20

1.4K 86 60
By StarryKyamii

Did a little editing on the last chapter because I totally forgot that Blizzard is always (yes, always) wearing his half mask. Kaya naman kung wala pa kayong ma-imagine na character, that's okay dahil nakamaskara si Blizzard the whole time so just imagine him with a half mask. Thanks and enjoy reading!

Royal 20

Meteor's POV

Ako si Nurse Meteor Flare, ang nurse na hindi marunong mag-alaga ng maysakit.

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kama, gathering my shit altogether and processing what Astro said earlier.

"Paano ba mag-alaga ng maysakit?"

Napa-face palm si Astro. "Ang lakas mong mag-volunteer, hindi mo pala alam."

I averted my gaze and pouted, "It's not like I've done this before."

Tinalikuran ako ni Astro at nagsimulang maglakad palayo. Aba bastos 'to ah. Paano ko naging kapatid 'to?

"It's easy. Gawin mo lang yung ginagawa ni Mom sa'tin pag maysakit tayo."

Iwinagayway niya pa ang isang kamay sa ere. "Kaya mo 'yan, Sis. Ginusto mo 'yan eh. Oh and by the way," tumigil siya sa tapat ng staircase, nakatalikod pa rin sa'kin. "Kapag mahirap siyang painumin ng gamot, just copy what Mom always do with Dad when he refuses. Don't be too harsh, though."

And with that, he disappeared from my sight, leaving me blushing after hearing what he said.

There's no way I'm going to do that. No way!

Kumuha ako ng unan at binato si Blizzard, "Hoy. Inumin mo na 'tong gamot mo nang hindi ka nanginginig dyan."

Hindi siya gumalaw. Mm? Hindi niya 'ko pinapansin?

Sumampa ako sa kama. Nakatagilid kasi ang pwesto niya at nakatalikod sa'kin kaya di ko makita ang kanyang mukha. Sinilip ko siya.

Huh, may sakit na nga lahat-lahat, nakamaskara pa rin. Ibang klase.

"Uy, Bliz.." Napatigil ako. Napansin ko ang namumulang pisngi niyang hindi natatakpan ng maskara. Yung labi niyang medyo nakaawang at naghahabol ng hininga. Yakap-yakap niya ang sariling balot na balot sa kumot.

Para siyang bata. A-Ang cute..

Teka nga Meteor! Nahihirapan na nga yung tao, nagagawa mo pang mag-isip ng ganyan? Ugh, you're hopeless.

I cleared my throat. "Blizzard," tawag ko. I poked his cheek twice. "Blizzard inumin mo na 'tong gamot mo."

Umungol lang siya. Ugh, iinom lang eh!

This time, niyugyog ko na ang balikat niya. "Blizzard hindi ka gagaling niyan. Inumin mo na 'to."

Pero ang pasaway, lumayo sa 'kin, sumiksik sa pinakadulo ng kama at nagtakip ng kumot, na para bang sinasabing 'wag ko siyang pakielaman.

Ah ganon? Is he really testing my patience?

"Blizzard!" Hinila ko yung kumot niya pero hinila niya rin ito pabalik.

"I don't want to," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. "Please, just leave me alone."

For some reason, Astro's voice echoed inside my head.

"Kapag mahirap siyang painumin ng gamot, just copy what Mom always do with Dad when he refuses. Don't be too harsh, though."

Do I really need to do that? I heaved a sigh.

Buong lakas kong hinigit ang kumot. Umungol si Blizzard at bumaluktot. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinila ito para maging diretso ang pwesto niya. Inupuan ko siya sa tiyan, hinawakan ang mukha niya gamit ang isang kamay at siniguradong hindi siya makakaalis. Pinisil-pisil ko pa yung magkabilang pisngi niya.

Mukhang nasobrahan ata ako sa pagpisil dahil nag-react siya. Sorry na, ang cute kasi eh. Hindi ko maiwasang hindi maaliw kasi mukha siyang isda. Pfft~ Ang cute niya 'pag nakanguso.

Talk about 'not being too harsh'.

"Meteor, please." Hinang-hina na sabi ni Blizzard. 

Itinapat ko yung tableta sa bibig niya pero mahigpit talaga itong nakasarado. "Inumin mo na kasi 'to nang matapos na tayo."

Umiling-iling si Blizzard at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanyang mukha pero wala siyang lakas para gawin 'yon.

"Wag ka ng pasaway at inumin mo na 'to." Pero nagmatigas siya. Para namang bata eh!

Fine! Ubos na ang pasensya ko. Let's see what you can do about this.

Yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi. I felt his jaw relaxed.

"Hey," I whispered. "I think.. I think I'm falling for you."

"I-I.."

I grabbed the chance and slid the medicine into his mouth. Biglang napatayo si Blizzard at umubo. Balak niya pa atang iluwa pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

He got no choice but to swallow it.

Nang mapansing nalunok niya na ito, tumayo ako mula sa kama, nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay ito sa kanya.

"Ano? Okay ka na?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Ibinalik niya ang baso sa'kin at muling humiga, nagbalot sa kumot. Tsk, at least napainom ko siya ng gamot. That's similar to Mom's style kapag nahihirapan siyang painumin ng gamot si Dad. Iniba ko lang ng konti.

Umakyat ulit ako sa kama at sinilip siya. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng soup?"

Sinapo ko ang kanyang leeg. Grabe, ang taas talaga ng lagnat niya.

Nakita ko yung maliit na palanggana at towel na nakapatong sa side table. Ah, oo! Pinupunasan ako ni Mom para bumaba ang lagnat ko. Kahit na lamig na lamig ako sa tubig nun, effective naman.

Isinawsaw ko 'yung daliri ko sa tubig, malamig na ito. Tinignan ko ang buong kwarto, sarado yung bintana at pintuan. Wala naman makakapansin sa'kin diba?

Nagsindi ako ng apoy sa kamay ko at saglit na pinainit ang tubig. Maligamgam na ito nang isawsaw ko ulit ang daliri ko.

Napatingin ako kay Blizzard, uhh.. gagawin ko talaga 'to?

Umungol siya nang hilahin ko ang kumot. Umupo ako sa tabi niya, isinawsaw ang towel sa maligamgam na tubig, piniga at marahang idinampi sa pisngi niyang hindi natatakpan ng maskara.

I should remove his mask. Hindi ko siya mapupunasan ng maayos kapag nandito 'to. Hinawakan ko ang gilid ng maskara at akmang aalisin ito nang hawakan ni Blizzard ang kamay ko. Napatingin ako sa mga mata niya, parang nagmamakaawa.

"No, please. Anything but this." He was so desperate. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Blizzard. Ayaw niya talagang ipatanggal ang maskara.

What's with it anyway? Ganoon niya ba talaga pinoprotektahan ang identity niya? Hindi niya pa ba ako pinagkakatiwalaan after all that we've been through? 

Tch.

Still, I decided to respect his decision. Hindi ko na tinanggal ang maskara pero pinunasan ko pa rin yung bahagi ng mukha niyang hindi natatakpan niyon.

"I-It's c-cold."

"Bear with it."

Idinampi ko ang towel para sipsipin yung init, pagkatapos ay ilulublob ko ulit ito sa tubig, pipigain at idadampi sa mukha niya, hanggang makarating sa leeg. Hanggang sa..

Napalunok ako. K-Kailangan ko bang tanggalin yung.. yung d-damit niya?

I glanced at him. His eyes were closed pero hindi ko masabi kung tulog ba siya o hindi.

Ugh, this is frustrating.

Bumaba ang kamay ko sa unang butones at tinanggal ito. I looked away. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali.

Oh my god, nababaliw na ata ako.

Can someone explain why is this happening to me?

Bumaba ulit ang kamay ko sa pangalawan butones at tinanggal iyon sa pagkakabit katulad ng nauna. Ginawa ko rin ito sa mga natitira pa.

Seriously, I'm losing my mind right now.

"O-oy, hindi ako n-nanananching ah," sabi ko habang sa iba pa rin nakatingin. "I'm doing this because you need it. Kaya wag kang mag-isip ng kung a-ano.. ano dyan."

Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa kanya ang atensyon ko. Ang loko, tulog pa din.

It's better off this way, para hindi niya malaman ang kahihiyan ko. I'll just make this quick.

Pagkatapos kong punasan ang katawan niya, lagyan ng basang bulak ang magkabilang kili-kili niya (ginagawa rin sa'kin ni Mom 'yon para bumaba ang temperatura ko) at palitan siya ng pantulog (the struggle of doing this), kumuha ako ng libro na maayos na naka-stock sa bookshelf sa gilid. Dito muna ako hanggang sa mawala ang lagnat niya.

From time to time, I check his temperature. Mabuti naman at bumababa ito. Oh well, maybe I am destined to be a nurse after all.

~

It's already two in the morning. Gising pa rin ako at kakatapos ko lang magbasa ng dalawang makapal na libro. Bangag na ata ako. Sa sobrang 'lutang' ko (that's Leona's term for someone who lacks sleep and doesn't completely realize what she's doing), napagdiskitahan ko yung picture frame na nakapatong sa side table ni Blizzard. Ito yung litrato ng babaeng nakita ko noong unang pasok ko sa kwarto niya.

Nagtitigan kami. Oo tama, tinitigan ko yung litrato at parang sinasalubong nito ang titig ko. Ang ngiting 'yon.. yun ba ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Blizzard? Mabait kaya siya? Paano sila nagkakilala? Magka-kaklase ba sila sa institusyong pinasukan ni Blizzard dati? Nakita niya na kaya si Blizzard na walang suot na maskara? 

Ugh! Ano bang nagustuhan ni Blizzard sa'yo?!

Dinuro-duro ko yung babae sa litrato. "Hindi ko alam kung sino ka o kung saan ka galing o kung kayo na ni Blizzard. Ang alam ko lang, mas maganda ako sa'yo at kasama ko si Blizzard ngayon. Bleh!"

Kung bakit ba kasi private tutor lang kaming royalties? Sana nag-aral din ako sa institusyong pinag-aralan ni Blizzard. Edi baka mas una ko siyang nakilala. Edi sana kami--

Napatigil ako at ibinaba ang picture frame. Seriously, Meteor? Ganyan ka na ba kalutang? Kung may nakakakita sa'kin ngayon, malaman sa malamang iisipin nilang baliw ako.

Pati picture frame, pinapatulan ko. How childish.

Muli ulit akong napatingin sa orasan. Malapit ko nang gisingin si Blizzard para uminom ulit ng gamot. Panigurado, gutom yun. Hindi pa ata siya nag-dinner eh. Hindi rin siya nag-breakfast at hindi ko alam kung nakapag-lunch na ba siya.

May pagkain siguro sa kusina, titingin ako.

Sinilip ko ulit si Blizzard bago lumabas ng kwarto niya. Mahimbing namang natutulog ito at hindi naman ganoon kataas ang lagnat. Bumaba ako sa staircase at dumiretso sa kitchen. May tatlong refrigerator doon, na walang laman kundi karne, gulay at desserts. Puro raw food, pansahog, mga di pa luto. Eh malay ko ba naman magluto diba? May ulam doon na luto na pero parang hindi naman nababagay na ipakain sa maysakit.

Soup kaya? That would do. Para mainitan ang sikmura ni Blizzard. Ang kaso, sinong magluluto?

I was thinking of waking up Casey, my personal maid, kaso nakakahiya namang abalahin siya ng ganitong oras. Masyado ko na ngang inaabala yung tao sa pagpalit-palit ng anyo ko eh. At isa pa, hindi niya alam yung special recipe ng soup na gusto ko.

Kapag may sakit kami ni Astro or si Dad, si Mom mismo ang nagluluto ng kakainin namin. At may special recipe ang soup niya na talaga namang gustong-gusto naming tatlo.

Hindi ko alam yung recipe, although I know one person who knows it very well.

"Astro," I whispered at niyugyog ang pinakamamahal at maasahan kong kapatid. "Astro, gising!"

"Mm, ano ba 'yon?" Antok na antok niyang sabi. Kinuha niya ang unan at itinakip sa mukha niya. "It's too early, sis. Go to sleep."

Binuksan ko yung ilaw sa kwarto niya at hinigit yung kumot at unan na nakatakip sa kanya. "I need your help. Let's go! Go go go!"

At kahit ayaw ng pinakamamahal at maaasahan kong kapatid dahil inaantok pa siya, bilang isang mapagmahal at maalalahaning kapatid, kinaladkad ko siya papuntang kusina.

"Make Mom's soup." Utos ko.

Umupo siya sa upuan doon at umub-ob sa lamesa. "Kaya mo na 'yan. Malaki ka na."

"Kuya, you know I suck at cooking. Ikaw na ang gumawa." Mamaya sumabog pa 'tong kusina dahil sa kagagawan ko.

"People change, Meteor. Dati yun. Malay mo kaya mo na ngayon." Wow. Words of wisdom from my brother. Huh, if I know, tinatamad lang 'yan.

At dahil narealize ko na wala talaga siyang balak gawin ang ipinapagawa ko, sige, ako na lang ang magluluto. Walang sisihan kung makakarinig sila ng pagsabog ngayong umaga.

"Fine, teach me Mom's recipe."

Sinunod ko ang bawat instruction ni Astro. I made sure there's no room for mistake and god, mas mahirap pang magluto kaysa makipaglaban.

After who knows how long, natapos din ako. At dahil mahal ko nga yung kapatid kong maaasahan, siya yung pinagdala ko ng soup sa kwarto ni Blizzard.

Pagdating namin doon, saktong gising na si Blizzard. Nakasandal sa headboard ng kama, pero nakapikit ang mata. Ipinalagay ko kay Astro yung tray sa may side table.

"Kumain ka na nang makainom ka na ng gamot." I checked his temperature. Mabuti naman at hindi na ganoon kataas katulad ng kanina.

"Meteor!" Bigla akong tumingin kay Astro. He's making a disgusting face.

"Bakit ganyan mukha mo? Ang pangit." Sabi ko.

Tinuro-turo niya ako gamit ang kutsarang hawak niya. "Wag ka nang magluluto ulit. You have no future in this aspect."

Ouch. No future.

"Sakit mong magsalita kuya ha. Bakit? Ano bang lasa?"

Umiling-iling si Astro. "Don't even ask. It's worse than I thought. Ako na lang magluluto para kay Blizzard."

"No, it's okay." Pilit inaabot ni Blizzard yung tray. "I'll eat it."

"Wag! Baka sumakit tiyan mo!" Sa'kin pa talaga nanggaling yung mga salitang 'yon ah. But it's too late, nakuha niya yung bowl of soup. "Blizzard!" Balak ko sanang agawin but he glared at me, kaya hindi ko na siya pinigilan.

Hindi na halos maipinta ang mukha ni Astro habang pinagmamasdan naming dalawa ang pagkain ni Blizzard. After few minutes, wala ng natira sa bowl. Uminom si Blizzard ng tubig, nagpasalamat sa pagkain, at inilagay ang said na said na bowl sa side table.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Astro sa balikat ko habang nanatiling nakatingin pa rin kami kay Blizzard.

"Sis, you should marry him."

~

Kyamii's Note: HAPPY 12K SRG! Awoo awoo! Hahaha salamat sa suporta guys!

So yeah, I still have one more update to make, yung karugtong nito dahil sobrang haba na niya. Baka bukas ko ulit i-post =)) But I think that might be a short one? Well, who knows? Hahaha. 

Oh question for this chapter..

Sino yung babae sa picture at ano ang relasyon niya kay Blizzard? Any ideas? At sino ba talaga si Blizzard? Malalaman 'yan sa susunod na chapter. =)

Have a nice day guys! Salamat sa pagbabasa. Don't forget to leave your thoughts!

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...