INANG

Від iamjcquin

11.9K 771 62

Dahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming ka... Більше

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23

KABANATA 15

379 33 3
Від iamjcquin

KABANATA 15

"Ate! Ate!" Halos hugutin ko 'yung hininga ko nang magising ako. Ang bilis ng paghinga ko at butil-butil ang pawis ko. "Ate binangungot ka," umiiyak si Enzo sa harapan ko. "Para kang si Mommy kanina."

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Umaga na. Tumingin ako sa salamin. Walang multong nakadagan sa akin. Pinakinggan ko ang paligid. Maliban sa iyak ni Enzo, tilaok ng manok lang ang narinig ko. Panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip. Ganito rin kaya ang laman ng mga panaginip ni Mommy kaya ganun na lang ang pagsigaw niya sa tuwing binabangungot siya? Hindi ko siya masisisi. Talaga namang nakakatakot. Para kasing totoo.

"Ano 'yun?" tanong ko kay Enzo, nang may marinig akong nagpupukpok sa ibaba.

"Hindi ko rin alam," sagot niya kaya bumaba na kami at nadatnan namin si Dad na may ipinapakong mahabang tabla sa bintana.

"Dad? What are you doing?" tanong ko.

Saglit lang siyang lumingon sa 'min. "Para siguradong wala nang makakapasok."

"I'm on the top of the world lookin' down on creation..." Napatingin ako sa may kusina. Nandoon si Mommy. Masayang kumakanta habang nagluluto. 'Yung kamay niyang may benda pa ang pinanghahawak niya sa sandok na ipinanghahalo niya sa loob ng malaking kaldero na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Enzo, pakikuha nga 'yung cellphone ko sa taas. Nakalimutan ko."

"Ikaw na lang Ate. Naiihi na 'ko," sabi niya habang nagkakamot ng tagiliran at naglalakad na papunta sa direksyon ng banyo. Hindi ko naman talaga nakalimutan 'yung cellphone ko dahil kasalukuyan itong nasa bulsa ng shorts ko. Gusto ko lang na wala siya kapag tiningnan ko kung ano 'yung laman ng kaldero. Baka hindi ko kasi maitago 'yung reaksyon ko kapag may nakita na naman akong hindi dapat na nandoon.

"Mommy, ano pong niluluto n'yo?" tanong ko habang palapit sa kanya.

Tiningnan niya 'ko at saka ngumiti bago nagsalita, "Sopas. Paborito mo 'to 'di ba? Tikman mo." Sumandok siya mula sa loob ng kaldero at inilapit sa labi ko. Halos humaba naman ang leeg ko sa pagsilip sa loob ng kaldero at mabuti na lang at sopas talaga ang laman nito. Hindi ko nga lang magawang buksan ang bibig ko para tikman 'yung luto niya hanggang hindi ko nasisigurado na walang ibang halo 'yun.

Mula kasi nang mangyari 'yung incident kay Hunter, si Ate Rose na lagi ang nagluluto nang lahat ng kinakain namin, since hindi naman kaya ni Mommy na magkikilos nang dahil sa lagay ng kamay niya kaya kampante ako. I love my Mom and I love her cooking not until makita ko na pinakuluan niya 'yung aso namin. Kaya kahit mukhang masarap 'yung sopas na niluto niya, hindi ko magawang kainin.

"Mamaya na lang po."

Nawala 'yung ngiti sa mukha niya. "Iniisip mo bang may nilagay ako rito?! Iniisip mo bang lalasunin ko kayo?!" Pahampas niyang ibinaba 'yung sandok sa lababo. Kulang na lang, mabasag 'yung tiles sa lakas nang pagkakahampas.

Umiling ako, nangingilid na 'yung luha ko. Natatakot ako sa ikinikilos ni Mommy. Hinihintay kong lumapit si Dad sa 'min. For sure narinig niya 'yung ginawa ni Mommy, pero lumipas ang ilang segundo, wala akong narinig mula kay Dad. Hindi man lang siya lumapit para magtanong kung ano'ng nangyayari. Naririnig ko pa naman 'yung pagpukpok niya ng mga pako sa mga tablang inilalagay niya sa bintana kaya alam kong nasa loob pa rin siya ng bahay. Malapit lang siya sa 'min pero hindi ko alam kung bakit wala man lang siyang reaksyon. Dahan-dahan kong ipinihit 'yung ulo ko papunta sa kanan. "D-dad?"

Mabilis na hinawakan ni Mommy 'yung mukha ko at ihinarap akong muli sa kanya. "Kailangan mo ng tulong? Bakit? May ginagawa ba 'kong masama?"

Umiling ako. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

"Mommy, ayaw ma-flash nung toilet."

Bigla akong binitawan ni Mommy nang marinig niya 'yung boses ni Enzo. Pinuntahan ni Mommy si Enzo, "What is it sweetie?" Malambing niyang tanong sa kapatid ko. Kanina lang para siyang tigre na galit na galit sa 'kin, pero bigla siyang naging maamo kay Enzo.

Mabilis kong pinunasan 'yung mga luha ko at umalis ng kusina. Naglakad ako palapit kay Dad. "Dad, what's wrong with you?" pabulong kong tanong.

"Why Gwen?" tanong niya na hindi man lang lumilingon sa 'kin. Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Kakaiba na po 'yung kinikilos ni Mommy. Hindi niyo po ba nakikita? Hindi niyo po ba narinig 'yung mga sinasabi at ginagawa niya?

"Gusto niyang tikman mo 'yung niluto niya. What's wrong with that?" sabi niya habang bumaba ng metal ladder.

"Dad, the fact na nagluluto si Mommy sa kundisyon ng kamay niya, 'yun palang po mali na. Hindi niyo man lang siya pinigilan?" Hindi sinagot ni Dad 'yung tanong ko, sa halip kumuha siya ng isa pang tabla na ilalagay sa bintana. "And bakit n'yo pa po nilalagyan ng mga tabla 'yung mga bintana? Ibebenta po natin 'tong bahay 'di ba?" Wala pa rin siyang sinabi. Nakaka-frustrate. Pati si Dad hindi ko na rin makausap nang matino. Iniwan ko siya at papanik na sana uli ako sa kwarto ko nang makita ko si Mommy na ipinagsasandok na ng sopas si Enzo.

Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa at nagkunwaring may kausap. "Okay. Thank you. Pupunta na kami d'yan." Patakbo kong pinuntahan si Enzo at hinawakan ko siya sa braso. "Mamaya ka na kumain."

"Ha? Bakit?"

"May tumawag. May nakakita daw kay Hunter."

Mabilis pa sa alas-kwatro, tumayo agad si Enzo. "Saan? Sino'ng nagsabi?"

Hindi ko na nasagot ang mga tanong ni Enzo dahil biglang nagsalita si Mommy. "Akala ko nasa taas ang phone mo?" Saglit akong natahimik. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Nakalimutan ko po. Nasa bulsa ko pala." Inilipat ko ang tingin kay Enzo. "Tara na?"

"Hindi kayo aalis," seryosong sabi ni Mommy.

"Pero Mommy chance na po 'to na mahanap si Hunter."

"You're lying," sabi ni Mommy sa 'kin.

"Bakit naman po ako magsisinungaling? Tara na Enzo."

Hinila ko siya sa braso pero hinawakan siya ni Mommy sa balikat. "Hindi ka aalis kasama ng kapatid mo. Dito lang kayo."

"Bakit Mommy, ayaw niyo po bang mahanap si Hunter? Alam niyo po ba kung nasaan si Hunter?"

"Kapag sinabi kong dito lang kayo, dito lang kayo!"

"Kung mag-aaway lang din kayo, ayoko nang mahanap si Hunter!" sigaw ni Enzo sa 'min at saka siya nagtatakbo papanik sa itaas. Sinundan ko siya at ini-lock ko 'yung pintuan ng kwarto.

Nakasubsob siya sa kama kaya naupo ako sa tabi niya. "Enzo." Hindi siya kumibo. "Do you trust me?" Hindi pa rin siya sumagot. "I know, naguguluhan at nahihirapan ka na rin sa mga nangyayari. Kahit naman ako. Pero tandaan mo, sa bahay na 'to, kakampi mo 'ko. Never akong gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Ang daming weird na nangyari mula nang pumunta tayo rito. Even Mommy and Dad were acting so weird and I can't explain why."

Bumangon siya mula sa pagkakasubsob at naupo nang ayos, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I can't tell you everything."

"Why?"

"I just can't, pero I promise you I'll protect you kaya sana pagkatiwalaan mo 'ko. Mula ngayon wala kang ibang paniniwalaan kundi ako lang."

"Paano si Ate Rose?"

"Sa ngayon hindi ko sigurado if we can trust her 100%. Oobserbahan ko siya. Basta sa ngayon, sa 'kin ka lang muna makikinig. Can you do that?" Tumango siya. "May isa pa 'kong sasabihin sa 'yo." Huminga muna ako nang malalim bago ko itinuloy 'yung sasabihin ko sa kanya. "Wala na si Hunter. Patay na siya."

"No!" Niyakap ko siya nang magsimula na siyang umiyak.

"I'm sorry pero wala na talaga si Hunter Enzo and dahil 'yun kay Mommy."

"Bakit naman 'yun gagawin ni Mommy?"

"Alam ko hindi niya 'yun gustong gawin. May something lang talaga sa bahay na 'to that making them do things na hindi naman nila usual na ginagawa. I'm telling you this so I can protect you. Mamaya kakausapin natin si Ate Rose. Siya makakapagpatunay ng mga sinabi ko. Siya mismo ang naglibing kay Hunter."

Umiyak lang nang umiyak si Enzo. Ayokong gawin 'to sa kanya. Ayoko sanang malaman niya 'yung totoo, pero wala na akong choice. He needs to know.

May narinig akong tunog ng tricycle sa labas kaya dumungaw agad ako sa bintana. Nakita ko si Ate Rose na pababa ng tricycle at may mga hawak na plastic na supot. Mukhang galing siya sa pamimili sa talipapa.

"Si Ate Rose."

"Kakausapin na ba natin siya?" tanong ni Enzo habang nagpupunas ng mata at pasinghot-singhot pa.

"Ako munang lalabas. Dito ka lang. Lock mo 'yung pinto paglabas ko."

Pagdating ko sa kusina, nandoon na si Ate Rose. Inilalagay niya sa plastic na planggana 'yung mga binili niyang isda. 'Yung parents ko tahimik lang na kumakain ng sopas na parang walang nangyari.

Kinuha ko 'yung cereals na nasa cabinet na nasa itaas ng lababo, 'yung gatas sa refrigerator at dalawang mangkok at kutsara. Bago ako umalis, binulungan ko si Ate Rose, "Ate Rose, pagkatapos mo d'yan panik ka sa taas. Sa kwarto namin."

"Bakit? Papalitan niyo na ba 'yung punda at kobrekama?"

Pasimple akong napatingin kina Mommy na nasa may dining area. "Basta Ate, panik ka na lang."

"Okay. Bitukahan ko lang 'to tapos ipapaksiw ko tapos panik na ako."

"Okay po, thanks."

***

"Enzo, pinto," sabi ko habang nakatayo sa tapat ng kwarto namin. Hindi ko magawang kumatok dahil sa dami ng dala ko. Bahagyang binuksan ni Enzo 'yung pinto. Mukhang sinigurado niya munang ako nga 'yung nasa pintuan bago niya ako pinapasok. "Sana okay lang sa 'yo 'tong cereals. Ito lang kasi 'yung madaling kunin," sabi ko habang ibinababa sa ibabaw ng tokador 'yung mga dala ko. "Hayaan mo, si Ate Rose naman 'yung magluluto ng tanghalian ngayon, kaya makakakain tayo."

"Bawal ba nating kainin 'yung luto ni Mommy?"

"Nag-iingat lang ako."

"Mas safe ba 'yung luto ni Ate Rose?" Mula nang malapnos 'yung kamay ni Mommy, puro luto na ni Ate Rose ang kinakain namin, kaya bigla rin akong napaisip sa tanong niya.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Ghost Detective! (COMPLETED) Від MC Mendoza

Паранормальні явища

571K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
2.1M 42.8K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...
The Girl From Another Star Від 🌻

Сучасна проза

3.2K 337 20
Halos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bitu...
23:57 Від RAYKOSEN

Паранормальні явища

1.1M 47.9K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...