The Farmer (Feminism Duology#...

Por lilpuffypie

6.5K 420 339

Feminism Duology #1 "Dad, what's a day off?" "I don't know, child. We're farmers." Si Maria Zonse ay anak ng... Mais

Disclaimer
Kabanata 1: Bagong Kapitbahay
Kabanata 2: Simpleng Tulong
Kabanata 3: Prinsipe at Prinsesa
Kabanata 4: Korporasyon ng Clover
Kabanata 5: Tampo
Kabanata 6: Pagsuko
Kabanata 7: Pagtanggi
Kabanata 8: Huwag Kang Susuko
Kabanata 9: Minahan
Kabanata 10: Plano
Kabanata 11: Tiwala
Kabanata 12: Kompetisyon
Kabanata 13: Tifanny Qwerr
Kabanata 14: Pag aani
Kabanata 15: Misteryosong Barko
Kabanata 16: Bangungot
Kabanata 17: Sinungaling
Kabanata 18: Litrato
Kabanata 19: Daisy
Kabanata 20: Pagdiriwang
Kabanata 21: Koleksyon
Kabanata 22: Contest
Kabanata 23: Katotohanan?
Kabanata 24: Pirata
Kabanata 25: Sugat
Kabanata 26: Pintura
Kabanata 27: Kolorete
Kabanata 28: Kaarawan
Kabanata 29: Puso
Kabanata 30: Nakaraan
Kabanata 31: Mahal
Kabanata 32: Bawal Umasa
Kabanata 34: Ray
Kabanata 35: Wakas
Author's Note

Kabanata 33: Talunan

92 11 4
Por lilpuffypie

Maria

"RAY!" mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya nang magsimula siyang mawala sa aking paningin.

"Maria, where are you going?" mabilis akong hinabol ni Frior at hinawakan ang aking kamay.

Nagkipagsiksikan ako sa maraming tao at nagpalinga-linga habang hinahanap ng aking mata si Ray.

"Nakita ko si Ray" patuloy parin ako sa pagtingin sa aking paligid.

"That must be your illusion" seryoso namang sambit ni Frior.

"Hindi. Alam ko ang nakita ko at si Ray 'yon" nagsimula na ulit akong maglakad-lakad at nagbabasakali na makita si Ray.

"Anong nangyari? Bakit bigla kayong umalis?" bigla namang sumulpot sa likuran namin si Sally.

"She said that she saw Ray" tugon naman ni Frior kay Sally.

"Wait. Aren't you two in a relationship? Bakit pa hinahanap ni Maria si Ray?" nagtatakang tanong ni Sally sa amin.

"We're not" mabilis namang sagot ni Frior.

Tinignan ko si Sally at halata namang naguluhan siya sa isinagot ni Frior.

Mayamaya pa ay biglang pinaghahampas ni Sally si Frior sa kaniyang braso. Napatigil naman ako bigla sa aking paglalakad.

"Bakit mo hinalikan si Maria kung wala kayong relasyon? 'Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, ang hilig niyo sa kiss-kiss!" patuloy paring pinaghahampas ni Sally si Frior at ako naman ay pinipilit silang awatin.

"Cut it out. I'm just too overwhelmed" gamit ni Frior ang kaniyang braso at kamay para protektahan siya sa hampas ni Sally.

"Overwhelmed mo mukha mo!" pinipilit ko namang ilayo si Sally kay Frior.

"Tama na, Sally" agad namang tumigil si Sally dahil sa aking sinabi. Pinaikot niya ang kaniyang mata.

"Nakakainis ang mga lalaki, 'no?" mataray na sabi ni Sally at sinamaan ng tingin si Frior.

Pilit naman akong tumawa sa kaniyang sinabi. Ayaw ko munang problemahin ang ginawa ni Frior dahil sigurado akong nakita ko si Ray kanina.

"Hahanapin ko muna si Ray" mabilis akong tumalikod sa kanila pero agad akong hinila ni Frior pabalik.

"He's not here" kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

"Paano mo naman nasabi?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"I didn't saw him" napairap ako at tinanggal ang kamay ni Frior sa akin.

"Alam ko kung anong nakita ko" mabilis akong tumalikod at naglakad ng mabilis.

"You can't really be sure if he wants to be bother by you" rinig kong sigaw ni Frior pero hindi ko na ito pinansin.

Mas lalo kong binilisan ang aking lakad para hindi na sila makasunod sa akin. Baka pigilan pa nila ako kapag nahabol pa ako.

"Wake up, Maria. He's gone for almost one and a half month and you're still expecting that he wants to see you?"

Nakakainis. Bakit naaalala ko na naman ang mga pinagsasabi ni Frior kanina? Ayaw kong umasa kay Ray pero gusto ko munang marinig ang mga dahilan niya bago ko isipin na ayaw na niya talaga magpakita.

"Stop expecting too much from him. If he promise you something a long time ago, just forget about it. Moving on is hard but you must do it. Don't be stuck in a nightmare that will destroy you repeatedly"

Hindi naman ako umaasa. Gusto kong siguraduhin at marinig mismo sa kaniya na ayaw na niya talaga akong makita. Kahit alam kong masakit ay tatanggapin ko.

Pero kaya ko nga ba talagang tanggapin kung iyon nga ang katotohanan?

Umiling ako sa aking sarili at nagpokus sa aking dinadaanan. Tsaka ka na umiyak Maria kapag nalaman mo na ang totoo. Depende parin pala kung iiyak ako o ngingiti.

✧✧✧✧

Frior

"Are you sure she'll be fine?" pinagmamasdan ko parin ang daang tinahak ni Maria kani-kanina lang.

"I don't know" mahina kong sagot. Napahinga ako ng malalim at napahilamos sa aking mukha.

I am expecting something that's why I didn't go after Maria. If it does go right then it's all over for me.

"Bakit ang bilis mo atang hinayaan si Maria na hanapin si Ray?" nagtataka akong tinignan ni Sally.

"I'm just going with the flow. I'm not here to fight, I'm here to protect" seryoso kong sabi sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag nakuha ni Ray si Maria?" that's an odd question coming from Sally. I thought she's against me awhile ago.

"There's nothing I can do. That's life" I put both of my hands on my pocket then start walking away. I should head to the ship now or I will sink myself.

Naramdaman kong agad namang sumunod si Sally sa akin. Tahimik lamang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa barko.

I don't want seeing Maria unhappy but I want Ray to just disappear and stop existing.

✧✧✧✧

Maria

Kanina pa ako patakbo-takbo at palakad-lakad sa buong bayan ngunit hindi ko parin makita si Ray.

Baka tama si Frior na ilusyon ko lamang ang nakita ko pero ayaw kong maniwala. Pakiramdam ko talaga ay si Ray ang nakita ko.

Nakarating na ako sa tabing-dagat at pinagmasdan ang mga nagtatrabaho sa may gilid. Hinihingal na ako at hindi ko na kaya pang tumakbo. Naalala ko na taga-import at export pala si Ray ng mga isda kaya baka kilala siya ng mga tao rito. Agad akong naglakad papalapit sa mga nagtatrabaho.

"Mawalang-galang na po pero kilala niyo po ba si Ray?" agad naman silang nagtinginan sa akin at ibinaba ang kanilang mga binubuhat.

"Ikaw ba si Maria?" nagliwanag ang aking mukha dahil binanggit niya ang aking pangalan. Siguro ay naikukwento ako ni Ray sa kanila.

"Opo. Ako nga po" masaya kong sabi sa kanila.

"Aba. Bakit ngayon mo lang siya hinanap?" napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

"Puntahan mo na lamang siya ngayon" tumabi sa akin ang lalaking kausap ko at may itinuro.

"Nakikita mo ba ang malaking kalatura na 'yan? Pumasok ka sa may eskinita d'yan at bilangin mo ang bahay. Sa palimang bahay nakatira si Ray" dire-diretsong sabi ng lalaki.

"Maraming salamat po!" masaya kong sabi sa kanila at agad akong naglakad papunta sa direksyong itinuro ng lalaki.

Nakangiti ako habang naglalakad. Kumakabog ng mabilis ang aking puso dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Ray. Medyo kinakabahan ako pero mas nangingibaw ang saya sa aking puso. Nasasabik na akong sabihin sa kaniya na naaalala ko na ang lahat.

Masaya kong binibilang ang mga bahay hanggang sa mabilang ko na ang ika-limang bahay. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago dahan-dahang lumapit sa bahay.

Napatigil ako sa paglalakad ng may babae na lumabas sa loob ng ika-limang bahay. Nawala ang kislap sa aking mata pati ang ngiti sa aking labi.

Sunod na lumabas sa pinto ay si Ray at masayang nakangiti ang babae sa kaniya. Mayamaya pa ay nagsimula na silang maghalikan sa aking harapan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi ko alam ang aking gagawin. Bumitaw na sila sa kanilang paghahalikan at nagpaalam na sila sa isa't isa. Bahagya akong napaatras ng magtama ang paningin namin ni Ray.

"May kailangan ka?" nagsimulang manginig ang aking mga kamay dahil sa malamig na boses ni Ray.

"A-Ano..." nauutal ako at hindi makapagsalita. Konti na lang at mapapaiyak na ako sa sakit. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Sabihin mo agad. May gagawin pa ako" kinakausap niya ako na para bang wala lang ako sa kaniya. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking luha na malapit ng bumuhos.

"N-Naaalala ko na l-lahat..." mabilis ang tibok ng aking puso habang nakahawak sa aking siko.

"Tapos?" walang emosyon niyang tanong sa akin. Bakit parang nagsisisi na ako na hindi ako nakinig kay Frior?

"B-Baka lang gusto mong malaman..." napayuko ako habang pilit paring pinipigilan ang aking mga luha.

"Meron ka pa bang sasabihin?" bakit ganito? Bakit parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko? Hindi niya ba alam na sobrang saya ko na makita siya pero nawasak lang iyon dahil mayroon na pala siyang iba?

"Papakasalan kita balang araw"

"N-Nangako ka sa akin na ako ang papakasalan—"

"Hindi kita mahal, Maria" ang tuluyan na ngang nawasak ang lahat ng pag-asa ko at nagsimulang magunahan sa pagtulo ang aking mga luha.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo ngayon pero huwag mo na akong isipin pa. Siguro naman ay naiintindihan mo ang sinasabi ko" dahan-dahan akong tumango sa kaniya habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Umalis ka na. Ayoko nang makita ka"

Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa mga salitang binibitawan ngayon ni Ray. Dapat nakinig na lamang ako kay Frior. Tama siya.

Pumasok na sa loob ng kaniyang bahay si Ray at sinarado ang kaniyang pinto.

Nanginginig ang aking mga paa at nagsimula na akong maglakad papalayo. Patuloy parin ang pagbagsak ng aking mga luha dahil hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.

Mukhang hindi naman ako nanalo. Pakiramdam ko ay natalo ako. Hindi, mas malala pa ito sa pagkatalo. Pakiramdam ko ay patay na ako.

Continuar a ler

Também vai Gostar

3.5M 101K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya del Francia, kasama ng kaniyang Ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang Ina kaya napa-su...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
11.2K 335 56
Like a normal siblings who loves to fight and teased each other. Ganyan sila Tammy at si Temper. Walang araw na hindi sila nag aaway at nagbabangayan...
3.1K 195 18
Luther versoul, the alpha king who ruled the entire wolves in the world who's in need of a luna. He want her to be skilled and mindful who can be hi...