To Win The War (Belle Ville S...

By TianaVianne

723K 26.5K 11.7K

Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tear... More

Prologue
Chapter 1: The twins
Chapter 2: That stare
Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
Chapter 4: These walls around me
Chapter 5: The visitor
Chapter 6: The Keens
Chapter 7: Investment and bankruptcy
Chapter 8: The Creos cousins
Chapter 9: The deal
Chapter 10: The ride
Chapter 11: His arrival
Chapter 12: Not again
Chapter 13: Retreat
Chapter 14: View deck
Chapter 15: Bad things
Chapter 16: Turned away
Chapter 17: The dinner
Chapter 18: Three words, eight letters
Chapter 19: That car
Chapter 20: No mercy
Chapter 21: Stay
Chapter 22: Last Summer
Chapter 23: The promise
Chapter 24: The bestfriend
Chapter 25: The message
Chapter 26: The kiss
Chapter 27: The call
Chapter 28: Fooled
Chapter 29: Untold stories
Chapter 30: Graduation Ball
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Trevor
Special Chapter 2: Feem

Epilogue

34.8K 863 774
By TianaVianne


Hi! Please read the author's note at the end of this part para masagot din mga katanungan niyo. Thank you!

__


EPILOGUE


"HOW'S your training?" Bell asked, slicing a pizza for me.

I sighed in frustration. "I'm not in the mood, Bell. You can ask me anything, but not that."

He put the slice of pizza on my plate. "I still don't understand why you applied in De Grande University. Like what the hell? Of all prestigious universities, you really picked the wrong one."

Napakunot ang noo ko. "And why do you think I picked the wrong one? What makes it wrong, Bell?"

He raised his brow at me. "It's far from Belle Ville, Vera, and Realgorez. As if it's located in another planet. Gano'n kalayo at katago 'yong lugar ng De Grande," he respoded, his face marred with boredom.

"You're overreacting, Bell." I rolled my eyes. "Kung gano'n kalayo 'tong De Grande, ba't ka nandito? Maaga pa try out mo bukas sa Vera, 'di ba?" I deadpanned, eying him with a flat stare.

"Oh, come on. Don't give me that look, sis. Be grateful I had the time to travel here all the way from Vera City."

"Wow. Utang na loob ko pa?" Natawa ako at umiling.

Nilagyan niya rin ng carbonara 'yong plato ko. "I should be partying tonight, sis. But here I am, treating you to a dinner."

"Bakit? Break na kayo ni Carmina?" taas kilay kong tanong. No'ng mga nakaraan kasi ay hindi naman siya nakakapunta sa mga party dahil binabantayan siya ni Carmina.

"Yeah. Last week pa. Actually, may bago na 'ko. Si Trina. And guess what? We broke up yesterday." He smiled cockily. Grabe, lakas talaga mambabae ng isang 'to.

"Any news from Trevor Keen?"

I straightened up on my seat rigidly, looking slightly away. "Ask his twin, Bell," I said curtly, a hint of irritation bubbling in my voice.

"Anyway, magta-try out din si Rara bukas sa Vera University," kuwento ko sa kanya. Kumagat ako ng pizza at saka ko siya muling tiningnan.

He sat confidently, shaking his head.

"She'll never pass. Trust me. She lacks skills."

I glared pointedly at him. "Hey, you're one hundred percent not right about that!" I retorted.

"Talaga?" Natawa siya. "Sige, tingnan natin. I'll call you tomorrow if she can make it or not," he said confidently.

I surpressed the scoff that was about to leave my lips at his blatant disregard for my friend's talent and skills. "Why do you hate her so much?"

"I don't hate her," he said lazily. "I hate the other Keen, though," he added.

"Bakit naman? Trev's a nice guy."

"Denver's nicer."

"I have to disagree with that, Bell."

"Denver's hotter. Oh, come on. It runs in the blood." He sneered, making me roll my eyes one more time.

"Kidding aside, Trev's not coming back. You should be with my cousin. Give it a shot." He shrugged nonchalantly.

Kahit kailan talaga, walang kuwenta 'yong mga opinyon niya pagdating sa lovelife.

"No way in hell, Bell. Next year I'm going to be a Creos, and that's because of your father."

"Ah. So, you don't like the idea of dating Denver again because he's a Creos?" he pondered. "Alright, sounds reasonable."

I've been staying here in De Grande town for almost a month already, but Bell never failed to annoy the hell out of me. Halos every weekend niya ako binibisita rito. Daig niya pa si Mama.

Nag-try out ako sa De Grande University no'ng nakaraang buwan at natanggap din agad ako sa team the next day. So yeah, almost a month na rin ako nagte-training sa De Grande University at isang buwan na rin akong walang balita kay Trevor.

Huling beses na nakita at nakausap ko siya ay no'ng graduation ball pa. Minsan nga naiinggit ako sa kanya, kasi okay na siya. Nakikita ko mga ina-upload niyang pictures sa social media at marami rin agad siyang kaibigan doon sa Taiwan.

Masaya naman ako para sa kanya pero 'di ko magawang maging masaya para sa sarili ko.

Isang buwan pa bago magsimula 'yong klase, at hindi talaga ako natutuwa sa tuwing naiisip ko na college na ako sa pasukan. Hindi pa man din nag-uumpisa ang college life ko, na-mi-miss ko na agad ang high school life kahit hindi gano'n kaganda ang naging huling taon ko.

Pagkahatid sa 'kin ni Bellamy sa dorm ko, nagpaalam na rin siya sa 'kin na babalik na siya sa Vera City. Hindi ko rin alam kung bakit 'di ako sumama kay Bell mag-try out sa Vera University. Mas okay kasi sa 'kin 'yong new environment talaga. Kung sa Vera kasi ako mag-aaral, gano'n rin. Lagi ko lang makikita 'yong ibang mga taong kakilala ko sa Belle Ville. Mas okay ako rito sa De Grande, para malayo sa lahat.

Habang nag-aayos ako ng gamit, may kumatok bigla sa pintuan ko kaya agad kong binuksan ang pinto.

Agad akong natigilan nang makita ko si Lumi na nakatayo ngayon sa harapan ko.

I didn't expect to see her here.

"H-Hi," nahihiyang bati niya sa 'kin.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Don't worry, I didn't apply in De Grande University," agad niyang sabi.

"Kung gano'n, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya, pilit kong tinatago ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, magalit, o maiyak dahil nandito siya ngayon sa harapan ko.

Tipid siyang ngumiti. "I just want to say good bye."

Ang daming tanong sa isip ko ngayon pero nanatili lang akong tahimik at nakinig lang sa gusto niyang sabihin.

"Sa Canada na ako mag-aaral."

No'ng sabihin niya 'yon ay nakaramdam ako ng halong lungkot at saya para sa kanya. Masaya ako para sa kanya dahil makakasama niya na sina Mama at Papa niya. Mag-isa lang kasi rito si Lumi. Matagal ng nasa Canada ang parents niya at matagal na nilang gustong kunin si Lumi para isama roon. Masaya ako na sa wakas, magkakasama na silang tatlo. Pero nakaramdam din ako ng lungkot dahil alam kong aalis siya nang hindi man lang kami nagkakaayos tatlo nina Rara. Nalulungkot ako dahil kahit gaano kalala ang naging galit ko sa kanya, hindi ko kayang kalimutan lahat ng pinagsamahan namin.

Para akong yelo na biglang natunaw. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"Kailan ang alis mo?" tanong ko sa kanya.

"Bukas na."

"Ah. Nakausap mo na si Rara?"

"Oo. Pinuntahan ko siya kanina," nakangiting sabi niya.

Bigla naman siyang umiyak habang tumatawa. What the hell? Nababaliw na naman siya.

"Buti nga pinansin niya ako! Kasi galit talaga siya sa 'kin. Kaya naiyak talaga ko no'ng niyakap niya ako kanina. Akala ko kasi hindi niya ako kakausapin talaga."

Hindi ko na rin napigilan ang luha ko at parang baliw akong natawa nang makita ko kung gaano siya kasaya ngayon dahil sa nangyari sa kanila ni Rara kanina.

"If I could only bring back the time, I shouldn't have done that to you, Feem. I shouldn't have done that to Trev. I shouldn't have done that to Rara. Sa 'kin nag-umpisa lahat. Dahil naiinggit ako, dahil nagselos ako, dahil nabulag ako ng galit ko sa 'yo." Mas lalo siyang naiyak.

"I'm really sorry, Feem. Alam ko hinding hindi mo ko mapapatawad sa nagawa ko. Alam ko 'yon. Hindi naman ako umaasa na mapapatawad mo ako. Pero gusto ko lang sabihin sa 'yo na thankful ako kasi naging parte ka ng buhay ko, Feem. Thankful ako na nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo, tulad niyo ni Rara." Humikbi siya na parang bata at saka niya pinunasan ang luha niya.

Napangiti ako habang pinapanood ko kung paano siya umiyak sa harapan ko ngayon.

Siya pa rin pala talaga 'yong Lumi na naging kaibigan ko.

Gusto kong sipain ang sarili ko dahil sa mga ginawa ko kay Lumi at sa iba pa. Hindi tama 'yong pananakit na ginawa ko sa kanila. Alam ko naman sa sarili ko na mali ang mga ginawa kong pagtadyak, pagsampal, at kung ano-ano pang mga ginawa ko sa kanila.

Kahit sino ay walang karapatang manakit ng kapwa nilang tao. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil nagpabulag ako sa galit ko.

Tulad nila, hindi rin talaga ako malinis at mas lalong hindi ako perpekto.

Kinuha ko ang kamay niya kaya napaangat siya ng tingin sa 'kin.

Ngumiti ako. "Okay na ako ngayon, Lumi. Okay na kami ni Denver. Hindi man naging kami ulit, hindi naman 'yon dahil sa 'yo."

Muling namuo sa gilid ng mga mata niya ang luha niya kaya marahan ko siyang niyakap at tinapik sa likod.

"Marami din akong dapat ihingi ng tawad sa 'yo, sa inyo, pero hindi naman na no'n mababago 'yong sakit na naiparamdam ko sa inyo. But we still have chance to start over again." Saglit akong huminto. "And it's not too late to make things right."

"You don't have to carry the past with you anymore. Just like us, you deserve to move on too. And I'll support you no matter what, Lumi. I'll always love you," nakangiti kong sabi.

Mas lalo tuloy siyang umiyak at parang bata na humagulgol sa harapan ko. I missed her so much. Lalo na 'yong personality niya na gan'yan, mas malala pa kay Rara.

"We will always love you, Lumi," a voice behind her said. Sabay kaming napalingon ni Lumi sa nagsalita at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Rara.

"Seryoso talaga kayo? Bigla-bigla talaga kayong napapadpad dito ng walang pasabi sa 'kin? Grabe," hindi makapaniwalang sabi ko habang umiiling.

Lumapit sa 'min si Rara at tinaasan ng kilay si Lumi. "Aalis ka na bukas? Buti naman."

What the hell?

Grabe talaga ugali nitong si Rara, eh. 'Yong ugali ni Rara, pinaghalong ugali ko at ni Lumi. Seryoso, maldita, suplada, at isip bata.

Mahina tuloy akong natawa at napangiti habang tinitingnan silang dalawa ngayon sa harapan ko.

Bumalik bigla lahat sa isip ko lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng mga nangyari, kung paano ako pinagtawanan at minaliit ng ibang tao, at kung paano ako hinusgahan ng ibang tao.

And one thing I learned about life is—any negativity around you can destroy your confidence, affect your growth, or make you question your self-worth. But you have the power to not let that happen. You get to decide if you're going to allow these things destroy you. It's always up to you.

"May kasama ka sa room mo? Dito kami matutulog ni Lumi." Napangiwi ako sa sinabi ni Rara. Kung makapagdesisyon siya para bang dorm niya 'to. Napailing na lang ako at natawa nang mahina.

"5PM pa naman try out ko bukas sa Vera University. Tapos hatid na lang natin si Lumi sa bahay nila bukas bago natin ihatid sa airport. Roadtrip na rin, 'di ba? Dala ko naman Wrangler ni Trev."

Grabe, naplano niya na lahat.

Si Rara na nga pala ang laging gumagamit ng Wrangler ni Trev simula no'ng umalis si Trev. Nagbago na naman tuloy 'yong timpla ng mukha ko dahil nabanggit ni Rara si Trev.

"Move on na, girl. May bago nang girlfriend si Trev. 'Di mo ba nakita post niya sa instagram?" biglang sabi ni Rara nang mapansin niya ang pananamik ko.

May girlfriend na si Trev?

I forced a smile. "Good for him."

"Grabe, malay niyo naman kaklase lang or bagong kaibigan," komento naman ni Lumi.

"Pero malay mo girlfriend or nililigawan pa lang," sabat ni Rara kaya inirapan ko siya. Gusto niya talagang sirain ang mood ko.

"Labas tayo?" aya naman bigla ni Rara kaya napangiwi si Lumi.

"Seryoso ba? 'Di pa nga kami tapos mag-usap ni Feem bigla kang umeksena. Tapos ngayon mag-aaya ka pang lumabas. 'Di mo ba kami puwedeng bigyan ng moment? 'Yong kaming dalawa lang sana," sarkastikong sabi ni Lumi kaya natawa ako.

"Pakialam ko?" mataray na sabi ni Rara at wala na kaming nagawa nang bigla niya kaming hilahin palabas ng dorm.

Napakunot na lang ang noo ko. Ako lang ang hindi nakaayos sa 'ming tatlo! Nakapantulog na kasi ako. Malay ko ba kasing darating pala 'tong dalawa para guluhin ako.

***

HABANG nasa kalagitnaan kami ng training, hindi ko maiwasang humikab dahil inaantok pa talaga ako. Ang aga naming hinatid si Lumi sa airport kanina tapos diretso training pa ako pagkatapos.

Hindi ko na aalamin kung natanggap ba si Rara sa try out niya doon sa Vera University dahil binalita sa 'kin kagabi ni Rara na ni-recruit talaga siya ng Vera University. Nasa Belle Ville pa lang kami nag-aaral ay inimbitahan na raw siya ng Vera University na maging parte ng team nila. Kumbaga 'yong try out niya ngayong araw, for formality lang daw 'yon.

"Sh*t," bigla kong sabi dahil tinamaan ako ng bola sa mukha. Ano bang problema ng mga bola at gustong-gusto nila sa mukha ko?

Inis akong nag-angat ng tingin at natigilan ako no'ng makita ko siya sa harapan ko.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya, suot-suot ang jersey ng De Grande University.

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin at hindi pa rin ako makapagsalita.

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko.

Hindi ako makapaniwalang pareho kami ng suot-suot na jersey. Pati jersey number namin ay parehong uno.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero lamang na lamang 'yong sayang nararamdaman ko.

"Trev . . ." naluluhang sambit ko.

Napangiti siya nang banggitin ko ang pangalan niya. "Hi, Captain."

And just like that, my tears started rolling down my cheek. Hindi ko na talaga napigilan pang umiyak sa harapan niya.

They said that De Grande University's volleyball team has always been weak and not known elsewhere. But now that I have a Trevor Keen in front of me wearing its jersey, nothing's impossible.

Together, we will win the war.

"Feem, may tumatawag sa 'yo." I broke out of trance when one of my teammates reached out to me and handed me my phone.

Si Bellamy pala 'yong tumatawag sa phone ko. Ipinagtataka ko ang biglaan niyang pagtawag pero agad ko naman ding sinagot ang tawag niya.

"Bell?"

There was silence for a second, but then he started talking.

"Rara ruptured her ACL, Feem. You need to go to the hospital."


___

IMPORTANT NOTES:

To Pay The Price (Belle Ville Series #2) completed na rin dito sa Wattpad. Add niyo na agad sa library niyo! It's Rara's story after she ruptured her ACL! ;) Hello, college girl Rara Keen! ;) Sino kayang lovelife ni Rara? Read niyo na! :D

Facts about Belle Ville Series #1: To Win The War

1. Belle Ville is a French word, and its English meaning is "Beautiful Town".

2. 'Yong surname ni Rara and Trev: Keen. Galing siya sa name ni Elizabeth Keen, siya 'yong bida sa fav series ko na "The Blacklist".

3. Para sa mga naguguluhan kung nagkatuluyan sina Trev at Feem, basahin niyo rin ang To Pay The Price dahil nandoon din sina Trev at Feem! ;)

4. You can now proceed to Belle Ville Series #2: To Pay The Price. It's Rara's story! :) You can find it in my works. Visit niyo lang 'yong Wattpad Profile ko: TianaVianne

>>>


Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.3K 164
Sml? An epistolary.
247 51 22
A KISS TO REALITY [COMPLETED] "Ako ang nauna, siya ang wakas." - Moira, Paubaya. ••• Start: Oct. 30, 2020 End: Nov. 3, 2020 ••• ALL RIGHTS RESERVED ©...
623K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
667K 30.5K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...