LET GO (BTS SONG SERIES #1)

By JellymaeAngel08

7.1K 2.2K 2.4K

[ COMPLETED :: EDITING ] This is a BTS inspired series. I called it as a series because I will be using BTS'... More

SYNOPSIS
LET GO
LET GO 1
LET GO 2
LET GO 3
LET GO 4
LET GO 5
LET GO 6
LET GO 7
LET GO 8
LET GO 9
LET GO 10
LET GO 11
LET GO 12
LET GO 13
LET GO 14
LET GO 15
LET GO 16
LET GO 17
LET GO 18
LET GO 19
LET GO 20
LET GO 21
LET GO 22
LET GO 23
LET GO 24
LET GO 25
LET GO 27
LET GO 28
LET GO 29
LET GO 30
LET GO 31
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE : IMPORTANT

LET GO 26

51 7 11
By JellymaeAngel08


"I'll call you tomorrow," wika ni Matt. I was talking to him using skype.

"I love you," he added. I even saw him touched his laptop's screen like he could touch me from that.

Ngumiti ako at tumango. "Take care. I love you too," huling litanya ko bago tuluyang pinindot ang end call at sinara ang laptop ko.

I sighed heavily and smiled nowhere. It's been a month already since he left the country. The week after niyang umalis ay lumabas na rin ang result ng board exam ni Ella. Ofcourse she passed. Hindi na namin sinayang pa ang oras, humanap na agad kami ng mapag-aapplyan na trabaho.

Since Kuya Aris has his own company ay doon pumasok si Ella, for her starting job. While I tried applying in a bank. I was planning to work in an accounting firm, originally, but ofcourse I need much experience. Buti nga at natanggap pa ako sa pinag-applyan kong banko. Ryle  offered me a job in his company, even Matt's parents but I refused.

I don't want to get privileges, I want to earn on my own without anyone's help sana. Like Matt, I want to strive hard. Siguro nga ay swerte na ako dahil natanggap ako sa banko. Some of accountancy graduates like me started their job in a mall or somewhere much smaller as their job experience while I tried applying in a bank, at malaki ang pasalamat ko dahil natanggap ako.

Maybe because of the school I graduated from. Well, the perks.

"Dapat kumuha ka nalang ng condo malapit sa pasig. You're making it hard," rinig kong reklamo ni Kuya Aris.

He's actually here in our house. Araw-araw ay nandito siya para sunduin ang kapatid niya para magsabay sila papasok. Nakikisabay ako madalas pero minsan ay nauuna akong umalis bago pa dumating si Kuya Aris.

"'Wag kang magreklamo. Inaalipin mo 'ko sa kompanya mo," singhal ni Ella sa kuya niya. Napangiwi naman ako.

"What? That's your job, idiot. Sinisisi mo pa 'ko," singhal rin ni Kuya Aris pabalik.

Araw-araw ay nagbabangayan sila. Kung hindi dahil sa trabaho ang pagbabangayan ay tungkol naman sa bahay. Kuya Aris wants her to rent an apartment or buy a condo around pasig since ang kompanya ni Kuya Aris ay nasa pasig din pero ayaw n'ya. Tuloy ay pahirapan sila ngayon.

Malapit lang naman sa Brent ang banko na pinapasukan ko kaya hindi na hassle para sa'kin ang bumyahe.

"Ayoko ngang lumipat, epal 'to," rinig kong usal ni Ella habang pasakay kami ng kotse ni Kuya Aris.

"You're crazy," bulaslas ni Kuya Aris pagkasakay ng kotse.

Hanggang sa maihatid nila 'ko sa pinapasukan ko ay nagbabangayan pa rin sila. Hindi na ako magtataka kung hanggang mamaya, pati sa trabaho ay magbangayan ang mga 'yon.

Nang makapasok ako sa loob ng banko ay nakangiti kong binati ang bawat staffs do'n. May mga tulad kong bank teller na noon ay naglalakad-lakad pa sa loob, naghihintay ng oras. Habang ang iba ay nagsisimula na sa trabaho nila kahit maaga pa.

"Good morning sister," bati ni Catherine sa'kin nang makalapit ako sa pwesto n'ya na katabi ng table ko.

"Good morning," bati ko pabalik at ngumiti, saka ko inayos ang gamit ko sa table ko.

Simula nang pumasok ako sa banko na 'to ay si Catherine na ang talagang ka-close ko. We've been hanging out lately, at natutuwa ako dahil may nahanap pa akong kaibigan sa trabaho ko. Nung una ay hindi ako sanay, it's awakward ofcourse. Bukod do'n ay nasanay ako na si Matt ang kasama o di kaya si Ella o si Faith na malapit talaga sa'kin. But now that we already have our own businesses to focus on, hindi ko na sila makasama pa.

Faith continued her school since she is taking law. While Ella is busy with her clients. And I could see that she's really enjoying, just like me. While Matt... He's in Canada ofcourse. The last time I asked him ay wala pa ring usad ang kompanya nila do'n. Which is 'di naman nakakapagtaka dahil isang buwan palang naman siya do'n.

"Blooming ka lagi ah. Sana all," bigla ay puna ni Catherine sa'kin. Natawa naman kaming pareho do'n.

"Blooming ka rin ah," sagot ko pabalik, ngumiwi naman siya.

Inayos niya pa ang mga papel na nasa table niya at sinalansan 'yon bago ako sinagot. "Wala namang jowa."

Natawa ako at napailing. She's already aware that I have a boyfriend. Tingin ko nga ay lahat ng ka-trabaho namin ay alam 'yon dahil sinabi niya 'yon sakanila nung may isa sa mga kasama namin ang binalak na bigyan ako ng ka-date.

"Ayos lang 'yan, hintay ka lang," I joked. Ngumiwi muna siya bago natawa sa huli.

Natahimik kami saglit dahil sa parehong may ginagawa. Catherine is currently checking files na hindi niya natapos kahapon while I was currently opening my laptop and fixing my things. Sa trabaho namin ay kailangang lahat ay nakasalansan ng maayos. Dahil kung hindi ay magkakagulo sa opisina, and that would be a disaster.

"Nandito na bestfriend mo," bigla ay bulong ni Catherine. She was looking somewhere while holding files but I'm sure that she was talking to me.

Agad naman akong nag-angat ng tingin at tinignan ang kakapasok lang na babae. She wasn't smiling, umagang-umaga ay nakataas na ang kilay niya at mataray na ang tingin. And that's Lanie, also a bank teller pero mukhang bank manager kung tumingin.

Nang tumama ang paningin niya sa'kin ay lalong tumaas ang kilay nito, matindi ang iritasyon sa itsura. The usual Lanie. She hates me and I don't know why.

"Galit na galit lagi sayo," bulong ulit ng katabi ko. "Maganda ka kasi masyado," aniya pa pero hindi na ako sumagot pa.

Sa halip ay nagbaba na ako ng tingin at nag-focus sa ginagawa ko. Ilang minuto lang ang hinintay namin at nagbukas na ang banko. At ilang minuto lang ay may mga customers ng pumapasok. The normal situation inside a bank, magdedeposit o kaya magwi-withdraw. Ang iba ay magpapa-assist o di kaya ay magpapabukas ng account.

I remained calm and held my smile until the break time came. Ganoon talaga sa lahat ng trabaho, you have to remain calm and always smile. At sa trabaho namin ay mahalaga 'yon. We can't just pull a fight with a customer kahit pa sila ang nagsimula. We have to be much professional and be smarter to handle every situation, dahil kung hindi ay mawawalan kami ng trabaho.

Nang mag-break time ay pinauna muna namin ang ibang ka-trabaho namin dahil hindi pwedeng walang maiwan na staff o bank teller sa loob ng banko. Nang makita naming pabalik na sila ay doon kami tumayo ni Catherine. We were chitchatting about random things when we bumped to Lanie. She looks so much irritated nang mapaatras siya.

I was about to apologize when I felt Catherine pressed my hand. I gave her a questioning look pero agad ring nakuha ni Lanie ang atensyon ko dahil sumiring 'to.

"Careless. Stupid," singhal niya pa at maarteng nilampasan kami, matunog pa ang bawat paghakbang nito.

"Pigilan mo 'ko, sisipain ko 'yon sa mukha," inis na wika ni Catherine sa tabi ko nang pareho naming sundan ng tingin si Lanie.

Umiling nalang ako at hinila siya paalis. Sa isang coffee shop na malapit sa banko kami tumuloy ni Catherine. Bumili lang kami ng snacks at inumin at saglit na nag-stay do'n.

"Malaki yata galit no'n sa mundo," wika ko nang mapag-usapan namin si Lanie.

Simula nang makapasok ako sa banko at magsimulang magtrabaho ay masamang awra na ang pinapakita no'n sa'kin. She's always irritated. Wala ngang araw na hindi siya iritado at wala ring araw na binati niya 'ko.

"Malaki galit sa'yo kamo," bulaslas naman ni Catherine habang umiinom ng frappe na order niya.

Ngumiwi ako, "Bakit sa'kin?"

What's wrong with her? Para siyang si Miguel na galit na galit sa'kin.

"Sabi ko nga sa'yo, maganda ka kasi," sagot naman ni Catherine at minuwestra pa ang kabuuan ko. Napangiwi naman ako.

"That's so lame," komento ko at napailing.

"At magaling ka makisama," dagdag pa ni Catherine kaya naman nilingon ko ulit siya. "Favorite ka ng customers at ng manager natin, syempre maiinggit ang loka-loka," aniya pa at tumawa.

Napailing ulit ako. Kahit saan naman yata ay may inggitan. People would really get insecure lalo na kapag natataasan sila.

"Pabida kasi 'yon bago ka dumating. At nung dumating ka, ang gaga, nawalan ng pwesto," wika ulit ni Catherine saka natawa.

"Kasalanan ko pa?" natatawa ring tanong ko. Tumango tango naman si Catherine at nakitawa sa'kin.

Pagkatapos no'n ay nagdire-diretso ang trabaho namin. Laging alas-otso ang uwian namin, kaya naman nang mag-alas otso na ay nagkanya kanya na kami. Catherine tried to ask me to join her for dinner pero tumanggi ako. Kapag hindi ako agad umuwi at umuwi na si Ella ay wala siyang dadatnan na pagkain.

Gano'n ang naging set up namin mula nang magtrabaho kami. Siya ang maghahanda ng almusal habang ako naman ay sa hapunan dahil mas madalas siyang umuuwi ng late. Syempre, inihahatid siya ni Kuya Aris na laging nakabusangot sa kapatid dahil nahihirapan siya kakasundo at kakahatid dito.

Nang makauwi ako ay nagluto muna ako bago ko tinawagan sa skype si Matt. I'm not sure if he's awake already dahil 6am pa lang do'n, but I tried since he's online. Nakailang ring pa 'yon and I was about to end it and just call him later but he already answered it.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang bumungad siya sa laptop na noon ay nakatagilid ang posisyon ng pagkakahiga at nakaharap sa laptop. He's topless!

"Good morning beautiful," he greeted with his sleepy eyes and voice. Natawa naman ako.

"Good morning sa'yo," I greeted back. Nakita ko pang kinusot niya ang mga mata niya bago tuluyang tumayo.

The camera shaken a little dahil sigurado akong buhat buhat na niya ang laptop. At nang umayos 'yon ay nakaupo na siya sa kama at nakasandal sa headboard no'n.

"How's work?" he asked.

Umayos muna ako ng upo sa sofa at ngumiti sa camera. "Still work," I joked and chuckled.

"How about you? How are you?" tanong ko nang saglit kaming matahimik.

Dahil malinaw ang camera ay kitang kita ko ang pagbuntong hininga niya. He even messed his hair up before speaking.

"It's stressing me out," aniya sa pabulaslas na paraan. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot para sakaniya.

I can't blame him for that. He's now managing a whole company and it's near to falling. It's a disaster for him dahil agad siyang nag-manage ng buong kompanya na may problema pa sa halip na kumuha muna ng job experience tulad ko. I know that it's really hard for him.

"Take care of yourself," iyon nalang ang nasabi ko. Hinaplos ko pa ang screen ng laptop ko na para bang mahahawakan ko siya.

Hindi ko naiwasang mapangiti ng mapait. Noon ay nalulungkot ako dahil nasa tabi ko nga siya pero hindi naman siya gising. Ngayon ay gising nga siya pero malayo naman siya sa'kin. It feels surreal. Para bang napakabilis ng lahat. We just met because of a book, and now we're dealing with this 'LDR' and also dealing with our own lives.

"Wait for me," aniya habang nakangiti. Ngumiti naman ako at tumango.

"Yes. So get up now," sagot ko at tumawa. Pero sa loob loob ko ay nalulungkot pa rin ako. I'm missing him so much but we had to deal with our responsibilities.

Tulad ng nakasanayan ay nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano ano while he's doing his stuffs. Mula bumangon hanggang mag-ayos ng sarili. He's already used to show me what's his daily routine since he got to Canada. May minsan pang pinakita niya sa'kin kompanya nila do'n. Mga pawang nakangiti ang mga empleyado but behind that is the fact that they're dealing with a dilemma.

Kahit hindi sabihin sa'kin ni Matt ay sigurado akong nahihirapan siya. He's suffering, they're suffering. Hindi ko man alam ang dahilan ng unti-unting pagbagsak ng kompanya ay alam kong ginagawa ni Matt ang lahat ng kaya niya to save their company.

Nang dumating si Ella ay dumiretso agad siya sa kwarto niya at nagbihis. May mga blueprints pa siyang dala nang makarating sa kusina. She was actually scanning it with her brows furrowed. May alam naman ako sa mga blueprints kahit papaano at kitang-kita ko kay Ella ang pagkaseryoso sa pag-aaral tungkol sa kung ano mang itatayo nila.

"She looks stressed too," bigla ay puna ni Matt na kausap ko pa sa Skype. at dahil tahimik sa bahay ay narinig 'yon ni Ella.

Mabilis na nag-angat ng tingin si Ella sa'kin at sa laptop na hawak ko. "Narinig ko 'yon ah!" bulaslas ni Ella, nakakunot pa rin ang noo.

Natawa naman si Matt kaya naman lalong nangunot ang noo ni Ella. "Nakaka-stress 'tong si kuya eh. Akala niya yata, ako si doraemon!" bigla ay singhal niya, inis na inis ang tinig.

"Wala talaga siyang kwentang architect, peste," aniya pa at halos lukutin na ang blueprint na tingin ko ay galing kay Kuya Aris.

Ilang saglit niya pang pinakatitigan 'yon hanggang sa inis niyang sinara 'yon, pumunta siya sa sala at walang sabi sabing tinapon ang blueprint do'n. Sigurado akong kay Kuya Aris talaga blueprint 'yon dahil kung sakaniya 'yon ay hindi niya gagawin 'yon. Kahit nga malukot ng kaunti ang blueprint niya ay magwawala na siya. Pero dahil tinapon niya ng gano'n ang blueprint, pihadong gawa ni Kuya Aris 'yon at siguradong mag-aaway na naman sila bukas.

"Kumain ka na," pagkausap ko kay Matt nang makaupo na kami ni Ella sa dining area.

He just smiled and nodded. Nang 'di siya nagsalita ay nagsimula na kami ni Ella na kumain. He was just watching us and would laugh sometimes kapag napapaharap kami ni Ella sa camera.

Saktong tapos na kaming kumain ni Ella ay nagpaalam na siya.

"I need to hang up now," aniya. Tumango naman ako.

"I'll call you tomorrow," sagot ko sakaniya at ngumiti.

"I love you, babe. See you soon," aniya, malambing ang boses. Napangiti ako ng matindi.

"I love you too. See you soon," wika ko rin bago tuluyang namatay ang linya.

Nang lingunin ko si Ella ay matindi na ang pagkakangiwi nito. "Kakayanin n'yo kaya ang LDR?" tanong niya bago tuluyang tumayo.

Napangiwi naman ako at napailing.

Nagsunod-sunod ang araw at buwan na gano'n ang set up namin. I was enjoying with my work, lalo na't kumikita na ako sa sarili kong tyaga, I'm earning money by my self now and I'm striving for more. Naging mas busy ang sumunod na mga buwan, we celebrated Matt's birthday through Skype and virtual handaan, but I didn't expect that that would be the last time before we separate even more.

Hindi ko namalayan na mas naging tutok na ako sa trabaho. Our time to talk with each other just lessen without us realizing it. He's busy and I'm busy too. Gano'n nga talaga kapag nasa tunay na buhay ka na, responsibilities over other things. I spent my first year being a bank teller hanggang sa lumipat na ako sa isang corporation na talagang pinangarap ko noon pa man.

The bank manager offered me a higher position in the bank pero desidido na ako, at alam naman nilang sa Abexon Corporation ko talaga pangarap na makapagtrabaho.

Catherine got sad, yet happy dahil na-promote siya. Habang si Lanie na ayaw sa'kin ay tuwang-tuwa dahil mawawala na ako sa landas niya. And there, I realized the truth.

People would really hate you for striving hard and getting higher. Kahit wala kang ginagawa, kahit na nagtatrabaho ka para sa sarili mo ay may magagalit at may magagalit sa'yo. There will always be one person who wants and who will pull you down until they get satisfied. The insecurities it is.

But atleast, I survived 1 year and almost a half dealing with that kind of person, showing me how she loathes me and how much she wants me to get off her way. Gano'n talaga, may mga taong ayaw talagang nalalamangan.

I just shrugged my head off and smiled brightly. Nang magbukas ng job application ang Abexon Corp. ay tuwang tuwa talaga ako. Lalo pa't ang hinahanap ay isang corporate accountant. It's a great position, tho.

"Good luck," pagchi-cheer sa'kin ni Ella nang maghanda na akong pumunta sa kompanyang 'yon. Ngumiti lang ako at tumango.

Nang makarating ako do'n ay ang haba na ng pila! People really chase this corporation dahil bukod sa kompanya ng parents ni Matt ay ito ang pinakatanyag sa bansa. Tuloy ay nakaramdam ako ng matinding kaba. I was already starting to doubt my self and capability. Sa haba ng pila na nakikita ko ngayon na sigurado akong naga-apply din bilang Corporate Accountant ay nag-aalala na ako.

Ang karamihan sa mga kasama kong aplikante ay mas matanda na sa'kin. Sigurado akong mas amrami na silang naging experience kaysa sa'kin.

Damn.

It took hours bago ako matawagan na ako na ang susunod na iinterview-hin. Kanina ay nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko o hindi, but I remembered that I'm Kiara Selene Bellamonte. I'm full of positivity.

Pero nang makapasok ako sa office ng magi-interview ay halos ma-suffocate ako. Lalong dumagundong sa kaba ang puso ko. Iba ang kaba nito kaysa noong nag-apply ako sa banko. Masyadong matindi ito. Siguro ay dahil sa dami ng mga aplikante at dahil ito rin ang pinangarap kong kompanya.

Pilit kong pinakalma at inayos ang sarili ko nang magsimula ang interview. Tulad sa nakasanayan ay nagpakilala ko. They even mentioned the school I graduated from, and I could see that they trust those students who came from a prestigious school. Kahit hindi ko aminin ay napapansin ko ang paghanga ng interviewer sa'kin, lalo pa't nakalagay din sa resume at bio-data ko na gumraduate ako bilang Cum Laude sa Brent.

The perks of graduating from a well-known school. Mas marami talagang opportunities, at iyon ang napatunayan ko nang magsimula akong magtrabaho sa banko. Kung tutuusin ay pwede akong kumuha muna ng job experience sa mall o sa kung saan na mas mababa pero agad akong tinanggap. I don't know if I'll take it as a compliment or an insult dahil isa sa malaking dahilan kaya natanggap ako agad ay dahil do'n.

The interview goes well. They asked me about certain things na confident ko namang nasagot. The interviewer even tested my intelligence before the interview ended. Nang makalabas ako ng opisina ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. At nang makalabas ako ng kompanya ay doon lang ako bumuntong hininga.

I don't feel satisfied.

Pakiramdam ko ay maraming kulang sa mga naging sagot ko. Dahil na rin siguro on the spot ang pagsagot do'n at hindi ko napaghandaan. Tuloy ay gusto kong sampalin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kulang na kulang at malabo ang tyansa na pumasa ako.

Nang makauwi ako sa bahay ay wala akong gana. It's stressing me dahil walang kasiguraduhan kung matatanggap ako. Kung sakali mang hindi matanggap ay pwede naman akong bumalik sa banko, pero nakakahiya na. At ayaw ko ng makasama si Lanie, kahit pa nando'n si Catherine na naging kaibigan ko.

"Mukha kang namatayan ah," puna ni Ella. Day off niya ngayon kaya naman tambay siya sa bahay.

"Gumaya ka sa'kin, dyosa pa rin kahit stressed," aniya pa at tumawa ng malakas. Ilingan ko nalang siya at inirapan. Gaga talaga kahit kailan.

We talked about my interview when the dinner came. Pilit pa akong nagtatanong kay Ella kung may pag-asa kayang matanggap ako dahil sa dami ng tulad kong aplikante na tingin ko ay mas magaling sa'kin at mas may experience na. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil talagang pinangarap ko ng mapunta sa ganoong posisyon kahit ang experience ko lang naman ay iyong OJT ko at ang pagtrabaho ko sa banko for a year and a half.

I was really willing to strive hard, pero kung hindi pa para sa'kin 'yon. Siguro tatanggapin ko nalang.

"Kumusta kayo?" Ella asked habang may tulak siyang push cart. We're currently in a supermarket to buy stocks dahil naubusan na kami ng pagkain.

Saglit ko siyang nilingon, saka ako saglit na napaisip. Kailan ba yung huling pag-uusap namin ni Matt? Weeks ago?

"Ayos naman," sagot ko habang nakatingin sa kawalan. Saglit pa akong natigilan bago tinuloy ang pagtutulak ng push cart.

"Saang banda yung maayos? Doon sa halos isang buwan na kayong hindi nagkakausap?" sarkastikong wika ni Ella na nagpatigil sa'kin. Nagugulat ko siyang binalingan.

"Akala mo hindi ko alam ah," aniya at ngumisi sa'kin. Pagkatapos no'n ay nanguna na ulit siyang maglakad.

Saglit akong napamaang sakaniya bago napapabuntong hiningang sumabay. "Ayos naman talaga kami," I defended.

"Busy ako, busy siya. Ayos lang 'yon," I added and smiled. "Hindi naman kami naghiwalay, duh?" wika ko pa at pinagtaasan siya ng kilay.

Saglit na tumaas ang kilay niya bago tumango tangon at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mapunta kami sa chocolates section ay mabilis pa sa alas kwatro siyang kumuha ng napakaraming chocolates. Bahala siya, siya naman ang magbabayad.

It took us almost two hours before we finished buying. Nang matapos kami ay dumiretso kami jollibee at doon na kumain ng lunch. We were quiet at first pero hindi rin siya nakatiis. Nagbukas na siya ng topic na wala naman akong choice kundi ang sagutin.

"Ayos lang sa'yo na gano'n na kayo katagal na 'di nag-uusap?" she asked with her brows furrowed.

Saglit na kumunot ang noo ko at tumango. "Oo naman. Hindi naman pwedeng araw-araw kaming magkausap," sagot ko at sumubo ng kanin.

Nang tignan ko si Ella ay nakataas na ang kilay n'ya. "Iilan lang ang tumatagal sa LDR, bobo," aniya. Napangiwi naman ako.

"Baka hindi lang siya sa kompanya nila busy..." aniya at nagpabitin pa. "Baka pati sa ibang babae na," dugtong niya at ngumisi ng nakakaasar sa'kin.

Umawang ang labi ko at inis siyang tinignan. "Tantanan mo 'ko Ella. Hindi two-timer ang jowa ko," singhal ko sakaniya na nagpatawa sakaniya.

"Baka lang naman!" aniya at tumawa ulit. Sa halip na sumagot ay nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Bakit hindi mo tinatawagan?" tanong na naman niya.

Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. "Because I'm busy," I reasoned out, dahil totoo naman. Bukod do'n, ayaw kong istorbohin siya.

Dahil nung mga oras na paminsan minsan nalang ang pagtatawagan namin ay nalaman ko na mula kay Matt na nahihirapan siya. Siya na mismo ang umamin, pero sabi niya ay kakayanin niya daw. That's what I love about him. He would really do everything he can.

"Busy o wala ka ng interes?" tanong ni Ella, dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Ano bang sinasabi mo?" inis na bulaslas ko sakaniya. I was expecting that she would laugh, pero sa halip ay nagtaas lang siya ng kilay sa'kin.

"It's almost a month, Kiara," aniya.

"Ano naman?" inis na tanong ko, hindi makuha ang pinupunto niya.

She let out a huge sigh and looked at me intently. "Iniisip ko lang..." aniya.

"Parang ayos lang sa'yo kahit isang taon kayong hindi mag-usap," mataray na aniya. Napamaang naman ako.

Huminga ako ng malalim at nakiagtitigan kay Ella. She's always like this since before. She is always doubting me and my feelings. Para bang lagi ay mali ang nakikita niya kahit wala namang mali, at naiinis ako do'n.

"Ella, pwede ba 'wag na nating palakihin 'to? You're over reacting," inis na talagang wika ko. Saglit siyang natigilan pero hindi ako nagpapigil.

"Hindi kami nag-uusap ni Matt dahil pareho kaming busy. Hindi naman dahil hindi kami nag-uusap eh wala na akong interes," seryosong wika ko.

"I appreciate your concern, Ella. Pero sumosobra ka sa pag-iisip minsan. Lahat nalang ng nakikita mo, mali sa'yo. At hindi na nakakatuwa 'yon," mas seryosong dagdag ko at bumuntong hininga. Sa pagkakataong 'yon ay hindi na talaga siya nakasagot. Napatitig pa siya sa'kin bago nag-iwas ng tingin, may kung anong emosyon sa mga mata niya.

Kung na-offend ko siya sa sinabi ko ay pasensya na lang. Dahil ako rin ay naiinis na sa ugali niya. Siya na mismo ang nagsabing wala siyang idea sa love, pero kung umakto siya ngayon ay daig niya pa si Mama kung mangaral at maguwestiyon. Mas nakakainis pa dahil lahat nalang ng galaw ko ay pagsususpetsahan niya.

I'm not calling Matt because I don't want to disturb him at all. Ayokong dumagdag sa problema niya. Hindi ko siya tinatawagan kasi pareho kaming busy. Anong mali do'n?

"I'm sorry," bigla ay nagsalita si Ella pagkatapos ng mahabang sandali ng katahimikan sa pagitan namin.

Saglit ko siyang nilingon pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nakababa na ang tingin nito, halata sa itsura ang pagkakonsensya.

"Baka lang kasi dumating yung time na... na ikaw na mismo ang bumitaw sainyong dalawa," aniya na nagpaawang sa labi ko.

Kumuyom ang kamao ko na noon ay nasa ibabaw ng mesa at naging pigil ang galit na namumuo sa pagkatao ko. I don't get her at all!

"At baka pagsisihan mo sa huli," aniya pa na lalong nagpaawang sa labi ko. Hugot ko ang hiningang tinitigan siya, hindi makapaniwala ang paraan.

Ilang saglit pa akong tumitig sakaniya habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko sa pinaghalong inis at galit sa sinasabi ni Ella mula kanina pa. Mayamaya ay marahas kong pinakawalan ang marahas na hininga at binatawan ang kubyertos na hawak ko.

I'm done.

"Ewan ko sa'yo," walang ganang wika ko at walang pasabing tumayo na at iniwan siya do'n.

Kabastusan na kung maituturing pero nakakaasar din naman ang ginawa niya. Inintindi ko ang pagtawag niya sa'kin ng bobo, tanga at kung ano ano pa noon dahil kahit ako rin naman ay sinisisi ang sarili ko at alam kong napakatanga ko noon. Pero itong sitwasyon na 'to na gusto niya yata eh lagi kaming magkausap ni Matt ay hindi na tama. Anong gusto niya? Sayangin namin ang oras namin kaysa ayusin ang mga buhay namin?

We're already in a real world. Dealing with our own problems, earning money of our own and managing our own lives. We can't just waste time tulad nung mga panahong nasa college pa kami. Ngayon ay pinagdududahan ako ni Ella, at ano daw? Baka ako pa ang bumitaw saaming dalawa?

I'm sorry but she's too much. She's irritating.

Nilisan ko ang lugar na 'yon na sa kauna unahang pagkakataon ay may bitbit akong galit para kay Ella. Nagsunod-sunod ang araw na hindi ko siya kinakausap. She was trying to approach me pero ako na nag umiiwas dahil ayoko na ring pag-usapan namin 'yon. Kilala ko na si Ella. Kahit mag-sorry siya ay ipipilit niya ang sakaniya.

Funny that she told me before na ako ang matalino at pinaglalaban ang tingin kong tama pero gano'n rin naman ang ugali niya.

Nalaman din ni Kuya Aris ang nangyari. I heard them one day na nag-uusap sa sala, nag-aaway pa nga. At nang marinig ko ang pangalan ko ay alam kong ako ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ka kasi nag-iingat sa mga sinasabi mo. You're being too much, nakakasakit ka na ng tao," rinig kong wika ni Kuya Aris, nangangaral ang tinig.

"Eh— 'yun kasi yung nakikita ko," sagot ni Ella.

See? She's really fighting for her side.

"You don't know Kiara at all. You judged her, Elliana Amethyst," seryosong wika ni Kuya Aris na tinawag talaga si Ella sa buo nitong pangalan.

"Bakit kasi nangingialam ka sa relasyon nila? Why can't you just sit back and let them handle their relationship?" nangunguwestiyon pang wika ni Kuya Aris. "Pakialamera ka kasi. Hindi ka naman kasama sa relasyon nila 'diba? Know your place, Elliana. You're damn irritating already," wika pa nito bago ko narinig ang yabag niya palabas ng bahay.

Nang sumilip ako ay nakasunod na si Ella sakaniya, busangot ang mukha. Nang tuluyang sumarado ang pintuan ng bahay at marinig ang pag-alis nila ay napabuntong hininga ako. Napatitig ako do'n at napailing.

Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng inis para kay Ella. I really appreciate her concern, pero hindi kailangang umabot sa ganito na lahat nalang ay pakikialaman niya. Ayos kami ni Matt, at kahit hindi kami  mag-usap ay mahal ko si Matt. Hindi dapat niya ako pagdudahan dahil lang sa hindi ko natatawagan ang boyfriend ko.

Inabala ko ang sarili ko sa araw na 'yon hanggang sa makatanggap ako ng tawag. Umawang ang labi ko at nanlaji ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.

It was the Abexon Corp!

"Good afternoon Miss Bellamonte, this is the Abexon Corporation," bati ng babae sa kabilang linya. Matindi ang naging pagkakakagat ko sa ibabang labi ko bago sumagot.

"G-Good afternoon po," bati ko. Bukod do'n ay wala na akong naitanong pa dahil sa kabang nararamdaman. I even held my chest because of the nervousness.

"We are glad to tell you that you are hired, Miss Bellamonte. The CEO itself chose you as the new Corporate Accountant," the girl I was talking to over the phone stated with a fluent english.

Umawang ang labi ko at napatitig kung saan. Ilang minuto akong nakatitig doon hanggang sa mapakurap kurap.

Hired? Tanggap na 'ko!?

"Miss Bellamonte? Are you still there?"

I snapped back in my reverie when I heard girl talking again. Napapikit ako ng mariin sa kahihiya. I was pre-occupied!

"D-Did I heard it right po? A-Am I hired?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes Miss Bellamonte. The CEO wants you to start and report as soon as possible. We will also orient you for other terms inside the company. Please report as soon as possible Miss," paliwanag nito.

Taranta akong tumango tango kahit wala naman ito sa harap ko.

"Y-Yes, yes. Can I start tomorrow?" I asked, confused.

"That would be great Miss Bellamonte. The CEO will be expecting you. Thank you and Congratulations," wika pa nito bago tuluyang namatay ang tawag.

Hindi ko agad naialis sa tenga ko ang phone dahil sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala! I'm hired! I got hired!

At nang tuluyan kong maibaba ang phone ko ay nagsisigaw na ako at nagtatalon sa tuwa! I just got hired and it was really a fulfillment! Finally, makakapagtrabaho na ako sa isang corporation na pinangarap ko!

Corporate Accountant.

Walang mapaglagyan ang tuwa ko sa araw na 'yon. Inayos ko lahat ng gamit ko, pati ang business attire na susuotin ko ay talagang pinili ko ng masinsinan. I also told Ella about it and she was so happy. Natuwa ako dahil pilit niyang iniwasan na mabanggit ang nangyari sa'min noong nakaraan.

I also chatted Matt in his social media accounts about it but he's not answering. He's also offline so I asummed that he's really busy.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Excited ako hanggang sa maihatid ako sa Abexon Corporation na mas malayo layo kaysa sa unang pinagtrabauhan ko. But it was fine.

The employees greeted me cheerfully. I greet them back, much delighted and happy. Sinalubong ako sa front desk ng isang magandang babae na mataas ng kaunti sa'kumin na noon ay may suot na white business attire at isang pencil skirt. Bumagay ito sakaniya dahil maputi rin ito.

"Hello, Miss Bellamonte. I'm Yshin Castro, the CEO's secretary. I was the one you talked over the phone," pakilala nito sa sarili, maganda ang pagkakangiti.

Ngumiti naman ako pabalik.

"Follow me," masiglang wika pa nito na namuna sa pagpasok sa elevator.

"The CEO will talk to you," aniya pa bago pinindot ang number 18 na button.

Saglit pa akong nagtaka dahil do'n. Usually ay mga manager lang ang kumakausap sa mga bagong employees o 'di kaya ay ang Assistant CEO, pero eto at CEO mismo ang kakausap sa'kin.

Nang bumukas ang elevator dahil nasa 18th floor na kami ay inayos ko ang sarili at magandang ngumiti. Napatingin din sa gawin namin ang mga empleyadong nasa kani-kaniyang cubicle. Ang iba ay nakangiti sa'kin, ang iba naman ay sinisipat ako mula ulo hanggang paa, at ang iba ay nag-uusap habang nakatingin sa'kin.

I didn't let the smile fade away until we reached the CEO's office.

"You can go inside Miss," wika ni Miss Yshin na binuksan pa talaga ang pintuan para sa'kin. Ngumiti ako at tumango sakaniya.

Inayos ko pa muna ang suot ko bago tuluyang pumasok. Nang sumarado ang pintuan ay pasimple akong huminga ng malalim, just to lessen the nervousness I'm feeling kahit kaunti lang. The CEO was talking to someone over the phone nang mag-angat ako ng tingin dito.

He was facing the glass wall, with his left hand inside his pocket and the other one holding a phone.

Nagbaba ako ng tingin at pasimpleng chineck ang sarili kong suot at ang dalang bag. Ilang beses akong lumunok at pilit pinakalma ang sarili hanggang sa marinig ko siyang magsalita.

"I'll call you back." A baritone voice filled my ears. The voice isn't familiar at all.

"Who are you?" bigla ay tanong nito na nagpatigil sa'kin. Bumalik ang matinding kaba ko.

Pilit kong inayos ang sarili ko at unti-unting nag-angat ng tingin doon. Pinigil kong umawang ang labi ko nang magkaharap kami ng tuluyan dahil tumambad lang naman sa'kin ang isang gwapong lalaki with his business attire!

CEO ba 'to?

I gulped when he stared at me intently. He was like waiting for me to talk and when I realized that, bumuga ako ng hangin at alanganing ngumiti.

"G-Good morning, Sir. I-I'm Kiara Selene Bellamonte," pagpapakilala ko. Gusto ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. I wasn't confident at all!

Nang tignan ko sa mata ang lalaki— I mean the CEO ay halos mahipnotismo na ako sa ganda ng mga mata niya. They were like bluish or something. His features were so clear, he's damn handsome, I could say.

But my Matt's better.

"The new Corporate Accountant," wika nito sa baritonong boses, parang kinukumpirma kung ako nga.

Tumango at matipid na ngumiti.

"Have a seat," the CEO offered. Iminuwestra niya ang uluan na nasa harap ng lamesa niya.

Maingat ang naging lakad ko papunta do'n at talagang pinilit kong maging pino ang galaw ko hanggang da makaupo. Pinatong ko ang bag ko sa mga hita ko at nagbaba ng tingin. Wala sa sariling napunta ang paningin ko sa nasa mesa nito. It was like a name plate, his name is curved.

         Timothy Jake Dela Cruz
           Chief Executive Officer

So that's his name.

Nang makita ko siyang umupo sa swivel chair ay umayos ako ng upo at pilit na pinakalma ang sarili.

"You look tensed," puna nito dahilan para lalo akong makaramdam ng kaba. This is a bad thing.

"A-Ah," I tried to speak up but I stuttered. "I'm sorry Sir," pagpapaumanhin ko dahil sa inaakto ko ngayon.

Pati ako ay nahihiya sa sarili dahil tensed na tensed talaga ako. Hindi lang dahil gwapo ang nasa harap ko ngayon kundi dahil CEO siya mismo. Maling galaw ko lang ay pwede akong mapatalsik sa kompanya. Damn, 'wag naman.

"Calm down missy," anito na nagpaawang ng labi ko. Lalo pa akong natigilan nang marinig ko itong mahinang natawa.

Wala sa sariling tumingin ako dito, sakto namang tumatawa siya. Mas gwapo siya sa kapag tumatawa. Sa isip ko ay pwede ko ng ireto si Ella dito, tutal ay gusto niya ring yumaman.

"We'll just discuss every terms in this company," wika pa nito at doon na sumeryoso. Saglit akong kumalma at saka umupo ng maayos.

With that, he started discussing to me things I should consider sa kompanya nila. The CEO also informed me about the company's dress code. He suggested that I don't need to wear so much formal dresses. He said that I could wear like this kapag kaharap ko na mismo ang mga kliyente from other companies na kasosyo nila or whenever we are in a business meeting.

He also discussed about the office for me na kina-excite ko. It will be my first time to have my own office. Bukod pa do'n ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga leaves and holidays, at masasabi kong napakaswerte nga ng mga empleyadong nagtatrabaho dito dahil hindi lang kapakanan ng corporation ang mahalaga, kundi pati na ang kapakanan at kasiyahan ng bawat empleyado.

When he discussed about my salary ay natahimik ako. It will be my first time to receive that kind of amount if ever at hindi ko magawang maisatinig 'yon. Malaki ang sweldo— that's why many people are chasing for it. Damn!

"We only accept employees who has reached our standards," paliwanag nito, pino ang pag-iingles. "All of the employees here are well-trained and well-picked," wika pa nito. Napatango naman ako.

Tuloy ay hindi ko maiwasang kwestyonin ang sarili ko. Well trained ba 'ko?

"I chose you as the corporate accountant because you have the potential. I'm looking forward to it, Miss Bellamonte," bigla ay wika nito. Nang lingunin ko siya ay makahulugan na ang ngiti nito sa'kin.

Pakiramdam ko ay kuminang ang bluish niyang mata sa paningin ko at talagang nakakahipnotismo iyon kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

"Expect to see me often, Missy," wika niya pa na pinagtaka ko. Para bang nabasa niya agad 'yon kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"You'll be coming with me when you're needed. Whether it's local or domestic," paliwanag niya. Saglit na umawang ang labi ko at napatitig sa kung saan.

Daig ko pa yata ang secretary niya kung gano'n?

Nagtanong tanong pa siya sa'kin bago ako hinayaang makalabas ng opisina niyang iyon. The CEO even waved his hand at me and gave me a playful smile before I left the office na pinagsawalang bahala ko nalang.

Sinamahan ako ni Miss Yshin sa office na para sa'kin. May pinaliwanag pa tungkol sa trabaho ko bago ako tuluyang iniwan. At nang mag-isa na ako sa opisina ko ay nakahinga ako gn maluwag. Nakangiti kong sinuyod ang kabuuan ng opisina.

Corporate Accountant na 'ko!

It was reallty true. I was unexpected. Nakaka-overwhelm. Noon ay iniimagine ko palang ang sarili ko na nasa opisina, pero ngayon ay totoo na. May sarili na akong opisina, at mas lalaki na ang makikita kong pera gamit ang kapasidad ko.

CPA it is...

Pero hindi ko namalayan, hindi ko alam na ang pagpasok ko sa Abexon Corporation ay ang umpisa ng mas malaking problema. Hindi ko inaasahang iyon ang ang umpisa ng paglabo ng relasyon namin ni Matt.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

32.7K 2.4K 57
"Hoy burara! Ang tamad mo mag linis!" 「 PDX101 #8: Taglish Epistolary + narration 」 S: 07 / 18 / 19 E: 09 / 01 / 19
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
904K 54.9K 121
Si Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man...