Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 25

1.4K 80 4
By YuriYuriYuriYuki

Thirdperson's POV

Nag simula na ang laban at unang sumugod ay ang isa sa mga bise kapitan na si Lira.

Pinalibutan agad nila ang dalawang babae na kulay lila at itim ang buhok. Mabilis na nilabas ang mga espada nila habang yung dalawa ay tila hindi inintindi ang pag atake sa kanila.

Puro iwas at sangga lang ang ginagawa nila. Tila na naglalaro lang sila dahil tumatawa pa ang dalawa sa ginagawang pag atake sa kanila.

"Mag seryoso kayo"galit na sigaw dito ni Lira at naging alerto ang lahat ng makita na tila may nag bago sa paligid.

"Zero Gravity"narinig nila ang bulong ng babaeng kulay lila ang buhok.

Unting unti sila lumutang lahat sila mismo at maging ibang kasamahan ag kapitan nila.

Habang lima naman ay naglalakad patungo sa kanila. Bumilis ng kilos nito at nagulat sila ng tumatalsik ang mga kawal habang pinipilit na makawala.

"Mira gamitin mo na ang bind"sigaw ng Kapitan dito at mabilis naman kumilos ito pero hindi siya makakilos ng maayos dahil pakiramdam niya sobrang gaan ng paligid at mabigay.

"Kapitan hindi ko masyado magalaw ang katawan ko, hindi ko maipon ng mana para ma activate ng spell"

Ilang sandali lang ay tila nasanay ang Kapitan nila at nakita nila na mabilis itong sumugod sa kalaban na nakapula.

"Ahhhhhh"nilabas nito ang espada na may pulang rosas.

Alam ng lahat na may halong lason yun kaya hindi maaaring madaplisan ang sino man mataaman nun.

"Ehhh huwag mo asahan na makakalapit ka sa aming Luna"sabay sipa ng babaeng matangkad sa limang babae.

Nagpagulong gulong ito ng masipa at tumamasa pader at nagkaroon ng malaking tibak.

"Reignnn"sigaw ng asawa nito ng makita ang nangyari sa asawa.

"Joyce explosion spell"malamig na utos ng lider ng Secret Soldier na si Serene.

"Yes Luna"magalang na sagot na tinawag na Joyce.

Napansin ito ng kapitan ng makatayo siya at mabilis na tinawag ang isa pang bise Kapitan.

"Mira barrier"galit na utos nito dahil alam niya na wala pang kalahating oras ay ganto na agad ang nangyari sa kanila.

Mabilis na gumana ang barrier at sumunod din ang defense formation ng mga kawal na mawala ang zero gravity spell ng kalaban.

"Liraaaaa"napatingin sila ng makita na paparating ang isang maliit na puting ilaw at ilang sandali lang ay sumabog ito at halos kasing lakas ito ng giant dark flame ng distrikto 1.

Unting unti kumapal ang usok at ilang sandali lang ay nawala ito, marami ang nagulat at natulala sa nakita.

Kalahati sa stadium nasira at nagkaroon ng ibang harang sa mga nanonood at kulay pulang barrier ito.

Nakita nila ang isa sa mga nakamaskara at may kulay pulang ilaw habang nakataas ang kamay.

"Joyce ano ba yan? Buti na lang sinabihan ako ni Luna gumawa ng barrier"galit na sigaw nito sa kasama at napatawa naman ito dahil alam niya na maliit lang ang ginawa niyang explosion spell.

"Maliit lang ang ginawa ko Silvia hindi ko akalain na malakas na yun para sa kanila"nakangiting sabi nito at tumingin ulit sila sa kalaban nila ng makita na halos lahat ay wala ng malay habang ang kapitan na lang ang natitira na nakatayo.

"P-aano"rinig nilang bulong nito habang nakaluhod.

"Mamaaaaaa"napatingin ang lahat ng marinig nila sumigaw ang pamilyar na boses.

"Reina hindi pa tapos ang laban huwag ka pumasok sa stadium"pinigilan ito ni Gabriel ng makita na susugod ito dahil sa nangyari sa mama nito na duguan at walang malay.

Hanggang sa hindi inaasahan ng sumugod ang kapitan ng distrikto 2 at nag teleport sa harapan nila.

"Mirror force"mabilis na lumabas ang isang kakaibang barrier.

"Nice one Krystal"napansin agad nila na may paparating na mga binding whip na may rosas at ng tatama ito ay tila nag bounce ito pabalik sa tumira.

"A-ano to"sabay sumuka ng dugo ang Kapitan dahil bumalik sa kanya ang nilabas niya na kapangyarihan para maitira sa kalaban.

"Tapusin na ang laban"napaayos ang apat ng marinig ang boses ng leader nila.

Napatango sila ng marinig ito at tumalikod sa kanila dahil alam nito na tapos ang laban.

Napatingin sila sa timer ng makita na wala pang kalahating oras ang nangyari na laban.

Mga nasa 10 minuto palang ng mag simula ang laban, hindi nila akalain na matatapos ng ganun kabilis ang laban at hindi man lang kumilos ang leader nila.

"Inaaaaa"sigaw ulit ng anak ng Kapitan ng makita ang sinapit ng Ina nito.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo"bulong nito sa isipan habang nakikita niya na nilalapitan ng kulay lila na buhok ang Ina niya.

"Kapitan Reign hanggang dito na lang ang laban, pinapatapos na ng Luna namin ang laban dahil hindi siya natuwa sa pinakita niyo"tila nang aasar na bulong nito sa Kapitan at napatingin sila ng makita ang galit sa mga mata nito.

Magsasalita pa sana ito ng mabilis na sinipa ni Silvia ang Kapitan,  tila sobrang gaan lang nito kung sipain at suntukin.

"Silvia tapos na wala ng malay"napahinto ito ng marinig niya ang sigaw ng mga kasamahan.

"Eh?"walang gana na sabi nito sabay talikod at natahimik ang lahat ng makita ang nangyari.

Hindi nila akalain ang malakas na Kapitan ng Distrikto 2 ay matatalo agad ng ganung kabilis.

Ang hinahangaan na kapitan nila ay mabilis na tinalo ng nakalaban nila, hanggang sa narinig nila ang isang malakas na tunog na tila hinuhudyat na tapos ang laban.

"Healer"sigaw ng manood at mabilis na lumapit ang mga mang gagamot para magamot ang mga nasugatan sa nangyari.

Lumapit agad ang anak ng Kapitan ng marinig ang sinigaw at ilang sandali lang ay nagkaroon ng malaking magic circle at unting unti nagkamalay ang mga kawal dahil sa pag gagamot sa kanila.

Nagkamalay na ang dalawang bise kapitan at ang kapitan nila bumangon ang mga ito.

"Anong nangyari"napahawak ito sa noo ng makita na paparating ang anak.

"Ina, Mama"umiiyak na tawag ni Reina sa magulang ng makalapit ito.

"Reina"yumakap agad ito sa anak at nakita nila na nag aalala ito sa kanila.

"Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari"mahinang bulong ni Kapitan Reign sa dalawa at napatingin sila sa isang malaking hologram na tila inulit ang nangyari.

Napanood nila kung paano sila mabilis tinapos at kung paano siya sinipa at sinuntok para tapusin ang laban.

"Ito ang ikalawang beses na matalo ako ng ganyang kabrutal maliban kay Antonette"natatawang sabi nito ng matapos ang panonood sa nangyari.

"Reign"napatingin sila ng lumapit sa kanila ang Reyna.

"Antonette"nakangiting bati ni Kapitan Reign dito habang ang asawa at anak nito ay nakatingin lang.

"Ano masasabi mo sa kanila?"sabay tingin nito sa tinutukoy na limang babae.

"Mukhang hindi nila kami sineryoso"natatawang sabi nito sa kaharap.

"Nahalata mo pala kahit ako nahirapan na harapin sila noon lalo na ang lider nila"kwento nito sa kaibigan at napatango na lang.

"Gaganti ako sa indivual"napatingin ang tatlo sa sinabi ng dalaga.

"Reina, hindi mo kailangan gumanti dahil lumaban sila ng patas sa amin at hindi ko lang inaasahan na ganun sila kalakas. Hindi ko din masabi na yun na ba ang pinakalakas nila dahil tila nilaro lang din kami"paliwanag nito sa anak.

"Hindi ko sila mapapatawad Ina, nakita mo ba kung paano ka lang talunin ng ganun Ina? Hindi ako papayag na bumaba ang tingin sayo dito"sabay alis nito sa harapan ng magulang.

"Nakikita ko sa kanya ang dating Reign"nakangiting sabi ng Reyna sa kaibigan at napailing na lang sila.

"Malalaman din niya na kulang pa ang lakas niya kung haharapin niya ang Secret Soldier mo Antonette"

Nang matapos ay nagkaroon ng malalakas palakpakan at sigawan dahil sa magandang laban na pinakita.

Marami ang namangha at natulala meron natakot dahil sa lakas na pinakita.

"Pinahanga niyo ako sa lakas niyo at alam ko na hindi niyo pa kami masyado sineryoso sa laban natin"lumapit ito sa limang babae at tinitigan siya habang nginitian niya ito.

"Inaasahan na namin na ganun ang mangyayari"sagot ng babaeng kulay lila ang buhok.

"Malakas kayo para sa normal na nilalang pero napahanga ako sa tapang mo Kapitan Reign"sabi ng babae na matangkad.

"Salamat, hanggang sa muling pag haharap sisiguraduhin ko matatalo na namin kayo"pagkatapos ay umalis agad ito sa harapan ng lima.

"Hinihintay na ako ni Yesha"napatingin ang apat sa sinabi ng kanilang leader at sabay sabay na tinulak ito papunta sa Prinsesa na tila inaabangan sila.

Hindi lang pala ang prinsesa ng Arcavia maging ang mga kaibigan nito na tila namamangha na tinitignan sila dahil sa nangyari.

-----

A/N

Double Update pambawi nung nakaraan 😘

Continue Reading

You'll Also Like

93K 4.8K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
28.6K 687 87
everything's good at first, but not them. • saida fanfic • epistolary • plain book cover because i'm not creative. • taglish st...
3.3K 149 64
Mina and Chaeyoung is in relationship what will happen if mina's ex nayeon will comeback is she gonna stay with chaeyoung or she will choose nayeon t...