Beautiful Mess (Second to Non...

By thyrracotta

38.4K 1.3K 1.1K

Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa ove... More

Beautiful Mess
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
51
52
Epilogue
Notes

48

469 19 29
By thyrracotta


Talagang mabilis ang paglipas ng araw kung hindi mo talaga inaabangan ang paglipas nito. Tatlong taon pala akong nawala sa Pinas. Parang hindi ko man lang nahalata.

"Bitch!"

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napangiti na lang ako sabay irap sa tumawag sakin.

"Wag ganon, mars. Mamaya may ibang lumingon sa tawag mo", sinalubong ko ng yakap si Kylie.

"Kamusta ang byahe? Hindi ka ba natakot?" sinukbit niya ang braso sa braso ko.

"Natakot ako! Gagi sa may bintana pa talaga ako".

"Wala kang jet lag?" umiling ako sa tanong niya. "Bigwasan kita gusto mo?"

"Gusto mo kalbuhin kita?" umirap ako.

"To naman, hindi mabiro. Tara na nga! Hinihintay na tayo ng barkada sa restaurant ni Lianna. Ibang klase talaga kapag ikaw! May panangan!"

[ Trans: May pagkain! ]

"Syempre! Mahal na mahal niyo ako e", humalakhak ako. "Day off mo?"

"Um-absent ako para sunduin ka", Aniya.

"Aysus! Sweet ka na nyan?" biro ko.

"Heh!"

Humalakhak na lang ako. Dumiretso muna kami sa PGH para makapagreport ako at kailangan ko rin kasing magsubmit ng kung ano-ano. Mabuti maagang nakalapag ang eroplanong sinakyan ko at hindi ako ginahol ng oras. Sakin ang oras ko ngayon.

Sobrang ingay ng barkada pagkarating namin sa main branch ng restaurant ni Lianna. Kumpleto kami. Kasama rin sila Ryleigh pati sila Jared at sila Kaira. Nandito rin ang F4, 'yung apat na boy bestfriend ni Shantal.

"Uy andito na 'yung naging MIA ng three years!"

Sinalubong nila ako ng kantyaw. Napairap na lang ako at tinabihan si Mia. Siniko ko siya.

"Yan ba 'yung engineer?" sumulyap ako sa katabi niyang lalaki.

"Oo bhie", napakagat siya sa labi.

Harot! Napuno ng halakhakan ang restaurant ni Lianna. Ako na nga ang nahihiya kasi may iba ring costumers pero makaasta 'tong barkada parang wala. Jusko! Napakapauso nila.

"Napapalibutan si Soleil ng mga taken!"

"Sabi sa'yo may ibang MD pa siyang makukuha!" nag-apir sila Cianyx at Czarlotte.

"Che! Atleast sarili ko ang oras at sweldo ko!" umirap ako.

"Ay grabeng praktikalan 'yan ah!" tukso ni Kylie.

"Sobrang advance kong mag-isip", nagkibit balikat ako.

"Pero atleast hindi kami dry season!" naghalakhakan na naman sila.

"Shuta kayo", umirap ako ulit. "Hay ang init dito sa Pinas!" napapaypay ako sa sarili kahit nakacentralized naman ang AC sa loob ng restaurant.

"Ay sorry alam kong hot ako", pagmamayabang ni Shayne.

"Duh mas hot ako", naghair flip si Kylie.

"Ew! Nahiya naman ako", si Czarlotte.

"Mga gaga! Demonyo lang kayo kaya ako naiinitan", ngumisi ako.

"Ay aba aba!" mahinang pumapalakpak si Amethyst.

"Attitude pa rin", umiling si Mariah.

"Hindi ako si Soleil kung hindi ako ma-attitude at sarcastic", sagot ko.

Nahuli kong nakatingin sakin si Jared. "O, ano? Miss mo ako?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Gaga talaga 'to! Kasama niya misis niya!" sinipat ako ng tingin ni Noella.

"Ows!? Saan?"

"Nag-cr sandali", si Jared.

Napa-o shape na lang ang bibig ko. Tama nga. Napapaligiran ako ng mga taong nakatali na. Tsk, sana all sinakal. Ay este, kinasal. Bonak ka Soleil! Umiling-iling ako para hindi matawa.

"Anong meron Soleil?" si Lianna.

"Ah, wala. May naisip lang ako bigla", lumabi na lang ako.

"Naisip niya 'yung ex niya", napaubo si Shantal nang sipatin ko siya ng tingin.

"Sinong ex?" si Ryleigh.

"Grabe ka naman Ry! Maselan sa lalaki 'yang si Soleil. Buti nga nagkajowa pa", si Shantal ulit.

"Alam mo ikaw bibigwasan na kita", banta ko kay Shantal.

"Strict pride nyan e", si Noella habang umiiling.

"Madalang nga siyang maging marupok noon", si Jared.

"Hala hoy! Sumbong kita sa asawa mo", nilakihan ko siya ng mata.

Ngayon ko lang nalaman na nakapagplano na pala sila na magbabakasyon kami sa Ilocos. Kahit tatlong araw lang. Sandaling bakasyon kasi matagal-tagal na rin kaming hindi nakapagbonding.

"Sa Suda beach tayo", si Lianna.

"S-suda beach?" nautal pa ako.

"Ayaw mo ba? Maganda raw ang dagat doon", si Flaire.

"Pwedeng sa Blue Lagoon na lang rin naman kung ayaw mo", si Kylie.

"Sa Suda na!" alanganin akong napangiti. "Ang VIP ko naman kung pati 'yun papalitan niyo pa dahil lang sakin".

"Okay! Sa Suda raw Bennett", si Cianyx.

Nakitulog muna ako kila Daryl kasi wala akong uuwian ngayon dito sa Manila. Wala na rin naman akong condo unit kasi three years din akong nawala. Sa makalawa ang alis namin papuntang Ilocos. Abril ngayon kaya sakto ang pagtatampisaw namin sa beach.

Kinabukasan ay nakipaglaro lang ako sa mga anak nila Daryl. Malaki na si Kagura. Mabuti nga at natatandaan niya pa ako. May iba na rin akong mga inaanak. Hay, feel na feel ko ang pagiging tita! Jusko, single pa ako sa lagay na 'to ha.

"Kagura who's your favorite Tita?" si Kylie.

Bumisita ang barkada ngayon dito kila Daryl at makiki-sleep over na rin par sabay-sabay na kami bukas.

"Tita Soleil!"

Nagpagpag ako ng balikat. "Mga laos", nagboo sign pa ako sa kanila.

"Anong suhol ang ginawa mo sa bata!?" si Noella.

"Dimunyu ka! Kami nag-alaga noong wala ka tas biglang ikaw agad ang favorite!" si Kylie.

"O, chill. Umuusok na ilong at tenga mo bhie", biro ko. "Tsaka alam kong demonyo ako. No need to remind", ngumisi ako.

"Pongal anong masama ang nakain nito? Lakas ng topak", si Mariah.

"Lakas ng amats ko kasi sa'yo", humalakhak ako.

"Ang creepy mong pakinggan", napangiwi si Amethyst.

"Paano 'yung creepy?"

"Argh! Patigilin niyo nga siya", nagtakip na ng tainga si Mia.

"Paano 'yung creepy?" sinundan ko pa si Mia.

"Ganyan 'yan kasi natutuyo na utak niya sa sobrang dry season", si Shantal.

"Hoy grabe 'yung atake! Wala man lang pasintabi", hindi ako makapaniwalang tumingin kay Shantal.

"Yan lang pala weakness niya", si Flaire.

"Who you kayo pag nadiligan ako", umirap ako.

"Sis matagal na kaming nadiligan. Ikaw na lang walang experience", si Shantal ulit.

"Shuta kayo", nabwisit na ang mukha ko. "Mga dimunyu. Di kayo lab ng magulang niyo noh?"

"Tsk, nagsalita", si Noella.

"Ikaw punyeta ka!" nilapitan ko siya at sinubuntan. "Matapos kitang alagaan noong buntis ka! Apakapangit ng ugali mo!"

"Tita why are you shouting? Tsaka what's punyeta?" si Kagura.

"Wala lang 'yan, anak. Miss lang nila ang isa't-isa", inakay ni Shayne ang anak palabas ng sala.

Parang may fiesta na naman nang maghapunan kami. Puno ang hapag, literal. Pati ang buong bahay. Jam packed na jam packed at sobrang ingay rin. Dagdag pa ang mga anak ng barkada. Sana all umire na, char!

"Hoy pagdalhin niyo si Soleil ng two piece!" si Kylie. "Ni minsan hindi pa natin siya nakita na magbikini. Lagi kasing busy sa med school noon".

"Ako na magkakalkal sa gamit niya", si Noella.

"Ay may nakita ako sa bag niya kanina. Yung color yellow. Hanapin mo 'yun", si Shantal.

"Eto ba?" si Noella habang may hawak na yellow na two piece.

"Uy ang ganda!" si Amethyst.

"Nasuot mo na ba 'to?" si Czarlotte na busy sa pagsuri sa two piece.

"Ni minsan hindi pa", umiling ako. Hinding-hindi ko 'yan isusuot!

"Bukas isuot mo! Sayang 'yang katawan mo kung hindi mo ipagyayabang", si Kylie.

"True! Kung ako lang ang may kulay na ganyan, hay naku, baka inaraw-araw ko na ang pagtutwo piece", humalakhak siya. "Ang puti kaya ng legs mo tsaka panigurado sa tyan tsaka sa buong katawan na laging nakatago sa damit mo", sermon sakin ni Shantal.

Oo, maputi ako sa lahat ng parte na nakatago. Maski tuhod, maputi rin. Pero sa paningin ko naman hindi. Sa braso at sa mukha lang ako morena kasi 'yun ang nabibilad. Pero kahit pa morena ang braso ko, halata ang mga ugat. I mean nasa lahi na ata namin 'yun. Halata ang kulay ng ugat sa braso namin kaya parang mukhang delicate. Ay basta hindi ko alam iexplain!

"Magt-thirty two na ako ano ba. Wala na ako sa edad para magpasexy at magsuot ng mga ganyan", umiling ako.

"No offense ha pero ang manang mo! Naiirita ako", si Kylie.

"Paano 'yung irita? Hahaha!" humagalpak ako sa tawa.

"Humanda ka bukas! Hindi ka namin papayagang magsuot ng damit except sa mga two piece na dadalhin namin para sa'yo", si Noella.

"Luh wala naman kayong balak na patayin ako sa pulmonya noh?" ngumiwi ako. "Maski maiksing short o sando man lang, bawal?"

"Oo, bawal kang magdamit!" silang lahat.

Nasapo ko na lang ang noo. Buo talaga ang plano nila na ibugaw ako sa mga pogi kapag nandoon na kami sa beach. Grabe ang pauso nila!

Uminom muna ako ng gamot bago ako natulog. Sa paglipas kasi ng taon, may nadevelop akong kumplikasyon sa puso. Minor lang naman pero pwede ring lumala kung hindi aagapan. Ito ang napala ko sa pagkikimkim ng sakit sa dibdib ko. Minsan hindi rin pala mabuti ang sarilinin lang ang lahat.

Tatawag din sana ako kila Mama para ipaalam na nakauwi na ako. Kaso naalala ko na wala pala silang pake sakin. Wala naman akong ginawa na naging tama sa paningin nila. Nasampal ko ang sarili. Hooh negative thoughts lubayan niyo ako!

"Ilocos here we come!" naghiyawan ang barkada.

Tanghali kami nakarating at agad na nila akong pinagbihis. Halos ingudngod nila ako sa banyo para lang makapagbihis na ako. Shuta!

"Hindi pa nga tayo naglunch! Pinagbihis niyo ako kaagad!" reklamo ko.

"Ay wag ka ng magreklamo bhie. Para sa love life mo 'to!" si Noella.

"Oras na para i-activate mo ang kaharutan na matagal ng hindi nagamit dyan sa katawan mo!" si Shantal.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nagbihis na rin sila bago kami pumunta sa restaurant ng hotel na pinagstay-an namin. Pamilyar lahat sakin. Paano ko makakalimutan ang lugar na 'to e naging parte 'to ng buhay ko. Hanggang alaala na lang talaga ang nakaraan.

"Ang tahimik mo", tinabihan ako ni Jared habang nakasandal ako sa railings at tinatanaw ang view ng dagat.

"Ganito talaga pag road to matandang dalaga na", mahina akong natawa.

Saglit kaming natahimik. Nakuha ng singsing niya ang atensyon ko.

"Wala ako noong kinasal ka. Madaya, take two dapat!"

"Walang take two take two sa kasal dahil sagrado 'yun", seryoso si Jared.

"Ito naman kinasal lang ang seryoso na agad", kumunot ang noo ko.

"Mararansan mo rin 'to kapag nasa posisyon ka na rin namin", may sinulyapan siya sa loob.

"Hay naku, kung ganyan rin lang, parang ayaw ko na. Mas mabuting single na lang ako", umiling ako.

"Takot ka sa commitment?"

"Gago ka ba!? Kanino ako makikicommit?" inirapan ko siya.

"Doon sa abogado? Bakit wala na bang chance?"

"Ay... Matagal na kaming wala. Malay ko ba sa kaniya baka may pamilya na rin 'yun", nagkibit balikat ako. "Tsaka kahit gustuhin ko naman... sadyang hindi lang talaga pwede".

Malungkot siyang napangiti. "Wala ka bang pinagsisisihan sa mga naging desisyon mo?"

"Marami akong pinagsisisihan. Marami akong what ifs sa buhay pero kahit balikan ko pa siguro ang mga oras na 'yun, pipiliin ko pa rin ang mga desisyong ginawa ko", napahinga ako ng malalim dahil kumirot ang puso ko.

Nahalata ata ni Jared kaya inalalayan na niya ako papasok sa restaurant. Nagpaalam ako sandali para bumalik sa hotel room para uminom ng gamot. Mag-isa na lang akong bumalik. Ayaw ko naman silang mag-alala kapag nalaman nila ang kalagayan ko. Tsaka baka masira lang ang bakasyon namin kapag sinabi ko pa sa kanila na may sakit ako sa puso.

Nag-inuman kami noong gabi na. Nagkaraoke rin sa may restaurant na malapit sa dalampasigan. Sobrang dami naming ginawa at unang araw pa lang 'to ah!

"Hay sa wakas!" nag-inat habang nakahiga sa kama si Lianna.

Apat kami sa kwarto. Yung mga asawa nila nasa separte na room din. Ganun din ang ibang barkada.

"Soleil wala bang pumorma sa'yo?" nangalumbaba si Mariah.

"Wala", umiling ako.

"Naiintimidate ata sa'yo ang mga lalaki! Ngumiti ka kasi!" si Noella.

"Hindi ko na problema kung naiintimidate ko sila. Kailanman hindi naging tama sa paningin ko ang pagiging desperada para lang magkalove life kasi kaya ko ang sarili ko", umirap ako.

"Mahirap baguhin ang prinsipyo nyan. Wag niyo ng ipilit", si Mariah.

"Oo nga. Tsaka bakit si Rehan kahit alam niyang nakakaintimidate si Soleil sumugal pa rin?" si Lianna.

Bigla na lang akong nakarinig ng crickets kasi walang umimik nang banggitin ni Lianna ang pangalan ni Rehan. Hindi naman bawal pero kasi matagal nang hindi namin napag-usapan ang lalaking 'yun.

"Ang sakit ng katawan ko! Tulog na tayo", si Noella.

Napailing na lang ako habang natatawa. Nakatulog din kami ng maayos at maaga ulit kaming nagising para panuorin ang sunrise. Grabe pangarap ko lang 'to noon. Yung buong barkada magtatravel ng magkasama.

Nag-inuman kami ulit noong malapit nang gumabi. Nagbody shots pa ang mga mag-aasawa kaya naging tampulan ulit ako ng kantyawan. Umalis tuloy ako at kunwaring nagmukmok sa dalampasigan.

Agad akong namangha sa papalubog na araw. Paano naging ganito kaganda ang isang pagtatapos? Ngayon ko lang narealize na hindi lahat ng paglubog at pagtatapos ay pangit, ang araw ang patunay. Ang araw na simbolo ng liwanag at simbolo rin ng pangalan ko.

"Soleil".

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat at malakas kong tinapik ang dibdib ko dahil sa pagsikip ng puso ko kasabay ng malalalim na paghinga. Nilingon ko ang nagsalita at mas lalo lang akong nagulat.

"R-rehan...", at nautal ka pa talaga Soleil!

"Can I sit beside you?"

Tumanggi ka! Tumanggi ka! Tumanggi ka!

"Okay", shuta ka self!

Nahigit ko ang hininga nang saglit na mabunggo niya ang braso ko. May kung anong dumaloy sa katawan ko. Mataas na naman ba ang dopamine ko? Hay, kumalma ka Soleil! First time ko ulit siyang makita. Tumangkad siya at mas lalong naging fit ang katawa. Seryoso nagpagwapo lang ba ang ginawa niya noong nawala ako? Ito ba 'yung glow up after break up ganon? Bonak.

Tipid ko siyang nginitian at hindi na siya kinibo. Naiilang ako kasi suot ko 'yung yellow na two piece na pinapasuot sakin nila Noella. Napansin niya ang suot ko. Nakakainis kaya ayaw ko 'tong suotin e! Mayamaya pa ay tumikhim siya at nagsalita.

"The bikini suits you", napaiwas siya ng tingin.

Tangina, naflaflatter siguro siya noh!? Siya kasi ang may bigay nito! Naalala ko na gusto niya akong bilhan noon ng pink na bikini pero napilit ko siyang yellow na lang at suot ko na ngayon!

"Ngayon ko lang 'to nasuot", sinyulapan ko siya.

"You look good in yellow. Maybe it's because of your name Soleil", tumitig siya sakin.

Para akong kandila na nauupos ng apoy. Si Rehan ang apoy. Parang unti-unting nalulusaw ang puso ko katulad lang ng dati.

"You're back for good?"

Tumango lang ako ulit. Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Ang alon lang ng dagat ang sumisira sa katahimikan.

"Please say something. I want to hear your voice", Aniya.

Mas lalo lang sumikip ang puso ko dahil naririnig ko ang boses niya. Bakit kasi sa lahat ng pagkakataon at sa lahat pa ng lugar kailangang dito pa kami magkita?

Tinapik ko ulit ang dibdib ko pero hindi gumiginhawa ang paghinga ko. "Sorry mauuna na ako", tumayo na ako kaagad.

Sinundan niya ako at pinaharap ulit sa kaniya. "Soleil I want you in my life. I want a comeback", may pakiusap sa boses niya.

"Mamaya tayo mag-usap. Kailangan ko lang talagang uminom", pilit kong inaalis ang hawak niya sa braso ko.

"No Soleil! You will stay with me and we'll settle our relationship", mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"R-rehan hindi na a-ako makahinga", unti-unting umikot ang paningin ko.

Hanggang sa naging black na lang ang nakikita ko. Pamilyar ang senaryong ito. Sana lang paggising ko, ayos lang ang lahat. Ang huli kong narinig ay ang boses ni Jared at ang patuloy na paghingi ng tawad ni Rehan.

"Gago ka talaga!" si Jared.

"Soleil, mahal ko. Sorry na gumising ka please. Papakasalan pa kita. Please, babalik ka pa sakin diba? Mahal ko, Hemera Soleil".

-----------------------------------------------------------

Votes and comments are highly appreciated QuoTas!

Lovelots!

- 💛

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
12.4K 197 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
39.2K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez
174K 2.9K 47
[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either gets cheated on, beaten up, or treated wron...