Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 7

9.6K 231 4
By kisindraaaa

Chapter 7

Nasa daan na pauwi si Joey pero hindi pa rin mawala sa isip nya ang nangyaring paguusap kanina. The offer was very tempting at ang malaman na pag-aari pala ng pinakakilalang negosyante sa Pilipinas ang pinuntahan nya kanina ay karagdagang bonus na sa kanya. Lalo pa syang nalula ng kausapin sya ng kapatid ng CEO ng kumpany.

Automatic nagflashback sa isip ng dalaga ang lahat nang nangyari kanina.

Abala sa pagbabasa ng magazine si Joey habang naghihintay sa lobby ng 25th floor. Sa pagbubuklat nya, nakatawag sa pansin nya ang larawan ng isang gwapong mukha. Makakalagpas ba sa mga mata nya iyon? Mabilis yata ang radar ng dalaga sa mga gwapo. Pero hindi lang iyon dahil sa itsura. Pamilyar kasi sa kanya ang mukha nang nasa larawan. Paano nga ba nga nya makakalimutan? E iyon mismo ang lalaking sumakay sa taxi nya noong nakaraang araw lang at nagpagulo sa tahimik nyang isipan. Ang pinagkaiba lang, nakangiti ang binata sa larawan na malayong malayo sa mukhang nakita nya habang sakay ito sa taxi.

Binasa ng dalaga ang caption sa ibaba. Doon nya nalaman na Lawrence Del Fierro pala ang pangalan nito at ito ang tinaguriang "Most Sought-After Bachelor in his Generation". Paulit ulit na ninamnam ni Joey sa dila ang pangalan nito. Pagkatapos ay nagpatuloy sya sa pagbabasa.

Nasa gitnang bahagi na sya ng page nang matigilan.

Kumunot ang noo nya at muling binasa ang nakasaad doon. Agad na nanlaki ang mga mata nya nang magsink-in ang nabasa. He was the owner of Louvre International Group of Companies – ang mismong kumpanya kung nasaan sya ngayon. Napatampal sya sa noo. She should have known!

Nasa ganung pag-iisip sya ng magsalita ang receptionist sa front desk.

"Excuse me, ma'am. Pinapapunta po kayo ni Ms. Liz sa office nya. Diretso lang po kayo pagpasok tapos turn right sa makikita nyong hallway. Sa dulo po noon sa left side ang office nya."

Alanganin na tumayo si Joey. Magulo pa ang utak nya habang naglalakad para puntahan ang opisina na sinasabi ng receptionist. Hindi naman nahirapan ang dalaga na hanapin iyon.

Huminga muna sya ng malalim saka kumatok sa pintuan. Nang walang sumagot ay marahan nyang pinihit ang doorknob at maingat na sumilip. Mas lalo naman syang napanganga ng makita ang loob ng opisina. Ni minsan ay hindi nya naisip na makakarating sya sa ganito kagandang lugar. Parang 5-star hotel lang ito sa ganda at laki.

"Hi! Come in." sabi ng magandang babae nang makita sya sa pintuan.

Nahihiyang pumasok si Joey sa loob. Mas nanliit kasi sya ng makita ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito mukhang opisina. Mas mukha pa itong royal suite sa isang hotel. Hindi na magtataka ang dalaga kung malaman nyang may bedroom at shower room doon.

"Take your seat. Would you like some refreshments?"

Mabilis naman na umiling si Joey at tipid na ngumiti. Nakadalawang tasa na sya ng kape kanina habang naghihintay.

Ngumiti lang ang babae at mataman syang tinitigan. Sobrang ganda nito at magaan ang bukas ng mukha. Palibhasa palaging nakangiti.

"Sorry if I wasn't able to introduce myself earlier. I'm Liz. I am the sister of the CEO. I'm working here as the Vice-President." Napatango si Joey. Nakita nya din sa labas ng pintuan ang name tag nito kasama ang position. "How about you? What's your name?"

Tumikhim muna si Joey bago nagsalita. "I'm Julianna Flaviejo. But I prefer to be called as 'Joey'."

"Nice name." nakangiting sabi nito. "So how did you get the flash drive again?" tanong nito sa kanya

"Nakuha ko ho sya sa taxi ko noong naglilinis ako kagabi. Mabuti na lang din ho may pangalan ng kompanya nyo kaya alam ko kung saan ibabalik."

Kumunot ang noo ni Liz but there's an amusement written in her face.

"Taxi mo?"

Tumango ang dalaga. "Yes, ma'am. Actually, sa tatay ko po 'yun. Ako lang ang nagmamaneho."

"Wow, that's interesting! But... how come? I mean, isn't it dangerous? You're a woman and a beautiful one."

Pakiramdam ni Joey ay namula sya sa narinig. Hindi nya inaasahan na masasabihan sya ng ganoon lalo na at nanggaling pa sa totoong maganda.

"Delikado po pero sa panahon ngayon, wala na rin naman safe na lugar. Saka mula nung nagkasakit kasi ang tatay ko, ako na ang umako sa pagmamaneho ng taxi para din may panggastos kami sa pang-araw araw." Paliwanag ng dalaga.

"I see." Sabi ni Liz na mukhang satisfied naman sa sagot nya. "Anyway, my brother should be the one talking to you, but... I don't know if you've heard about him. He's one heck of a cruel man kaya ako na lang ang kakausap sayo ngayon. In case you don't know that flash drive contains a very important file. It has Louvre's business proposal for our top client. And we're afraid that our competitor might get the file. If that happens, we'll be in big trouble. Kaya sobrang nagpapasalamat kami sayo for returning that to us."

Ngumiti ng tipid si Joey. Hindi nya alam na ganun pala kahalaga ang flash drive na yun. Mabuti na lang at sinunod nya ang utak na ibalik iyon.

"Wala po yun, Ma'am. Kahit naman po siguro sino, gagawin din ang ginawa ko.", sagot niya

Umiling si Liz. "You're wrong. I don't think it will be returned to us if it's not you who found it. Well, long story short, nahulog sya ng secretary ng kapatid ko, on her way here in the office. My brother fired her that same day because of that."

Hindi maiwasan ni Joey ang makaramdam ng awa sa dating secretary. Kung ganun, tama nga ang 'cruel' para idescribe ang CEO. Nawalan ng trabaho ang babae dahil sa pagkakamaling iyon.

"So that's why, I'm talking to you. I need your help." Pagpapatuloy ni Liz.

Kumunot ang noo ni Joey sa narinig. Ano naman ang tulong na maibibigay ng tulad nya dito? Ang alam lang naman nya ay magmaneho ng taxi.

"Truth be bold. Lisa was Lance's 33rd secretary. And since my brother fired her, we need to find a replacement."

Mataman lang na nakikinig si Joey kahit naguguluhan na sya kung bakit kailangan nilang pag-usapan pa ang pagkatanggal ng secretary ng CEO.

"So you're here because I want you to take the job."

Ayun, nasagot din ang tanong nya. Lihim na napangiwi si ang dalaga sa narinig. Kapag ba mayaman, automatic makukuha ang gusto? Ni hindi man lang sya tinanong kung gusto nya. At bakit sya pa?

"Po? B-bakit ako po? Eh diba kayo na nga rin ang nagsabi na masama ang ugali ng kapatid nyo? Baka hindi rin ako makatagal sa trabaho."

"Would you let yourself be fired?" Nakangiting tanong ni Liz. Pero halata sa boses nito ang paghahamon. "He's short-tempered. Don't worry, I'll give you tips so you could stay longer here in the company. Besides, you're perfect for the job. Unang-una dahil hindi ka revealing manamit. Hindi tulad ng ibang nag-apply dito na halos ipakita na ang hindi dapat ipakita. If I know, most of them are just seducing my brother. That way, makakaiwas ang kapatid ko sa pambabae nya."

Lihim naman na napangiwi na naman si Joey. Ganun ba sya kapangit?

"Oh, dont get me wrong. You are beautiful. Ikaw kasi yung tipong hindi easy-to-get. Another thing, you need this job. How much do you earn monthly?"

Napaisip si Joey at pinilit na kalkulahin sa utak ang kinikita nya buwan buwan. Iba iba din kasi ang numbers, depende sa dami ng byaheng nagagawa nya.

"Nevermind. I'll pay you triple times of what you're currently earning. Plus, the chance of working in an airconditioned room, wearing nice clothes and an eight-to-five working hours a day. How about that?"

Natulala na lang ang dalaga sa mga narinig. Kung babayaran sya ng triple, kikita sya ng humigit kumulang ninety thousand sa isang buwan. Iyon ay kung pagbabasehan ang maximum na 30 thousand na kinikita kapag maraming pasahero. Makakaipon sya ng malaki para sa gamot ng ama.

"Pero kasi, ma'am, hindi po kasi ako graduate sa college. Wala rin akong experience sa kahit na anong trabaho. Diba, requirements yun?" napatawa ng mahina si Liz sa sinabi ni Joey.

"I know. But I hired you. Never pa pumalya ang instinct ko."

Nag-offer pa si Liz ng scholarship kay lalo lamang gumulo ang utak ni Joey. Binigyan lamang sya nito ng dalawang araw para makapag-isip. Hanggang sa makauwi ay iyon ang tumatakbo sa utak ng dalaga. Gusto nyang tanggapin ang offer pero paano ang tatay nya? Hindi na nya hawak ang schedule pag nagkataon. Wala na itong makakasama sa bahay madalas. Pero sabagay, ganun din naman kapag bumabyahe sya. Kaso paano ang taxi?

"PARE, OVER HERE!"sigaw ni Ken, isa sa mga kabarkada ni Lance. Kumaway pa ito sa binata. Agad naman na nakita iyon ng huli at lumapit sa grupo.

"Punch, please." Agad na sabi ni Lance sa bartender nang makalapit sa counter.

"What's up, pare? Matagal kitang hindi nakita ah. Let me guess, you've been working your ass off again?" panunudyo ni Al.

"Wrong, man! Ang sabihin mo, nag-mongha lang yan sa opisina dahil sa break-up nila ni Louella." sinundan pa iyon ng tawanan ng buong brakada. Tiningnan ni Lance ng masama si Kevin at akmang susugurin na ito.

"Chill, pare! Ano ka ba? Masyadong mainit ang ulo mo." sabi ni Al.

"Hindi kaya dahil tumatanda ka na? Dapat siguro mag-asawa ka na, pare! Para hindi na mainit ang ulo mo palagi." nang-aasar na sabi ni Ken

"Gago! Anong konek noon sa temper ko? At kelan nyo pa ako nakitang namroblema dahil sa babae ha? Babae lang yan. Hindi sila dapat problemahin dahil marami silang pakalat kalat dyan. You know how I hate wedding bells!" nagkatawanan ang barkada.

Kilala kasi nila si Lance. Ang totoo, ito ang inaasahan nilang huling magpapakasal. Sino ba ang hindi mag-iisip ng ganun? Lahat naman siguro alam kung gaano ito kababaero. And girls for him are just toys. Pampalipas oras, kapag sawa na, papalitan lang. Ganoon kasimple. Girls will even consider themselves lucky if Lance will spend time with them.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1K 1K 25
Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya. Gaga lang 'no?
3.9M 42.4K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
41.7K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
19.7M 173K 60
WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga kami pero hanggang papel lang. Hawak ko ng...