Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

Da kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... Altro

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 6

8.4K 239 4
Da kisindraaaa

Chapter 6

WALANG BALAK mamasada si Joey ngayong araw. Biyenes kasi at kapag ganitong araw, schedule nya sa pag-aasikaso sa tatay nya. Ihahatid nya lang ang flash drive na nakuha nya sa taxi kagabi at saka uuwi na rin pagkatapos. Haharapin nya pa ang labahin na ilang araw na din naghihintay sa kanya.

Wearing her usual style, sinimulan nang patakbuhin ng dalaga ang taxi papunta sa Global City. Nang matanaw ang Louvre Building ay agad na itinabi ni Joey ang taxi sa kalsada. Tiningnan nya muna ang sarili sa rearview mirror bago bumaba doon. Dumiretso na sya sa may entrance ng building dala-dala ang flash drive.

"Good morning, boss. May ibabalik lang ho ako. Nahulog sa taxi ko." iniabot nya ang flash drive sa guard.

"Sorry, ma'am. Doon nyo na lang ho ibigay sa front desk." tumango na lang si Joey. Akmang papasok na sya ng tawagin ulit sya ng guard.

"Pakialis lang po ng sumbrero nyo, ma'am. Mahigpit po kasing binabawal yan dito sa building." sabi ng guard.

"Ah, ganun ba? Pasensya na." tinanggal nya ang suot na sumbrero dahilan para mahulog ang hanggang balikat nyang buhok. Ginulo-gulo nya pa ito para magmukha namang maayos. Hindi sya aware na may ilang mata na ang nakatawag ng pansin nya. Mas nakita kasi ang ganda nya nung nawala ang sumbrero.

Naglakad sya palapit sa front desk.

"Good morning, ma'am." bati ng receptionist sa kanya.

"Good morning. Ibabalik ko lang sana ito. Sa tingin ko nahulog ng isang pasahero ko kahapon." nagkatinginan naman ang dalawang receptionist sa harapan nya. Saka alanganing tinanggap ang flash drive.

"Pasensya na po. Pero mas maganda siguro kung kayo na lang mismo ang mag-abot nyan sa may-ari. Hindi kasi kami authorized na tumanggap ng mga property-owned items." halos mapataas ang kilay ni Joey. E anong gagawin nya sa flash drive na yun?

"Hindi po ba pwedeng itawag na lang sa may-ari? Yung taxi ko po kasi, nasa labas lang. Baka ho mahatak kapag nagtagal pa ako eh."

"Pasensya na, ma'am. Standard protocol po kasi. Kung pwede po, ipark nyo na lang muna nang maayos yung sasakyan tapos bumalik na lang po kayo."

Napakamot ng ulo si Joey. Wala sana syang balak ipasok sa parking area ang sasakyan dahil may bayad iyon. Akalain nya bang magagastusan pa sya. Pwede naman nyang hindi ibalik ang flash drive. But just thinking of it, kinakain na agad ng guilt ang dalaga. Paano na lang kung importanteng files pala ang laman noon?

Sa huli ay sinunod na lang nya ang sinabi ng receptionist. Nang matapos ipasok ang taxi sa parking, bumalik sya sa loob ng building.

"Pahiram na lang po muna ng valid I. D. nyo, ma'am." kinuha naman agad ni Joey ang driver's license sa wallet nya at ibigay sa babae.

"Thank you. Akyat na lang po kayo sa 25th floor. May front desk officer po doon. Sa kanya nyo na lang po ibigay." sabi ulit ng babae.

"Sigurado na ba yun?" baka kasi ipasa na naman sya sa iba.

"Yes, ma'am."

Naglakad na si Joey papunta sa elevator. Wala syang masabi sa kabuuan ng building. Parang hindi opisina ang itsura nito kundi parang isang mamahaling hotel na nakikita lang sa mga magazines.

25th floor. Nasa 8th floor pa lang sya. Siguro kung dito sya nagtatrabaho, maglalaan sya ng mahabang oras sa pagpunta dito. Sa taas ba naman ng aakyatin ng elevator.

Makalipas ang halos 2 minuto, sa wakas, nakarating din ang dalaga. Sya na lang ang natira sa loob ng elevator. Siguro dahil nga floor ito ng mga big boss at hindi pwedeng basta basta umakyat lang.

Halos mapanganga si Joey nang makita ang kabuuan. Para lang naman kasi syang umakyat sa Eiffel Tower kung saan makikita ang magandang view ng Maynila. Gusto pa sana nya mag-sightseeing pero naalala nya ang dahilan kung bakit sya naroon. Naglakad sya sa may gawing kanan. Hindi naman sya nahirapan hanapin ang front desk dahil malapit lang naman iyon sa may elevator.

"Good morning, ma'am." a beautiful receptionist greeted her with a pleasant smile on her lips.

"Good morning. I'm ---" hindi na naituloy ni Joey ang gustong sabihin dahil may biglang nagsalita sa may likuran nya.

"Applicant?" napalingon si Joey para tingnan kung saan nagmula ang boses.

At halos manliit sya nang makita kung kagaano kaganda at kasopistikada ang babaeng nasa harapan. Maganda ang tindig nito na iisipin ng maraming beauty queen ang babae. Maamo ang mukha pero nasa kilos nito na dapat syang igalang ng kahit sino.

Parang gusto tuloy ni Joey umuwi na lang at magpalit ng damit. Ngayon nya naisip na hindi pala bagay ang style nya sa mga ganitong lugar.

"Good morning, Ms. Liz.", napatayo na rin ang Front Desk Officer ng makita ang babae.

"Good morning. Can we help you with something?" tanong nito kay Joey.

"Ahmm... Y-Yes, ma'am. But I'm not an applicant. I just want to return something. I got it from my taxi." at kinuha nya mula sa bulsa ang flash drive. "I believe this is yours?" automatic na nanlaki ang mata ng babaeng tinawag na 'Ms. Liz' nang makita ang hawak ni Joey. Ibinigay nya iyon dito.

"Oh My Gosh! How did you get this?" hindi maitago ng kaharap ang excitement at relief na naramdaman habang pinakatitigan ang flash drive.

"I got it from my cab last night when I was about to clean it." Sagot ni Joey. Sa isip ay nagtataka din kung bakit sya nag-eenglish. Ang lakas makahawa ng kaharap nya.

Napatango ang magandang babae habang nandun pa rin ang kasiyahan sa mukha.

"You don't know how you made me happy. Can you wait here? I'll just show it to my brother. Georgie, give her something... coffee or any refreshments. I'll be right back." Tumayo naman agad ang receptionist para sundin ang utos ng amo. Naiwan si Joey na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Umupo na lang muna sya sa couch na nandun at nagsimulang magbasa ng mga magazine.

Liz's POV

"Have you forgot your manners? You can't just barge in my office like that." Masungit na bungad sa kanya ni Lance.

As usual, nakakunot na naman ang noo nito. Pero balewala lang yun kay Liz, it's his normal self. Mas magtataka pa nga ang dalaga kung makita nyang nakangiti ang kapatid. Sa halip na sumagot ay naglakad pa si Liz papasok at prenteng naupo sa upuan na nasa harap ng president's table.

"Daig mo pa ang menopausal na babae kung magsungit. Chill, brother." tiningnan sya ng masama ni Lance. "Ewan ko lang kung makapagsungit ka pa kapag nalaman mo ang dala ko." kumunot ang noo ng binata sa sinabi nya. Pero agad din naman pumormal makalipas ang ilang segundo at ibinalik na sa binabasang papeles ang atensyon.

"Whatever it is. I'm not really interested."

Tumaas lang ang kilay ni Liz.

"Talaga ba? Kahit ito yun?"nang-aasar na winasiwas nya sa may mukha ni Lance ang flash drive na hawak. Napaangat ng tingin ang binata at napakunot noo ng makita ang hawak ng kapatid.

"Where did you get that?"

Liz grinned at him.

"Someone brought this here. Actually, nandyan pa sya sa labas. Kung gusto mo, kausapin mo sya at magpasalamat ka sa kanya."

Lalo lang kumunot ang noo ni Lance.

"Why would I? Alam ko naman ang gagawin ng mga katulad nyan. Ibabalik nila dito ang pag-aari ng kompanya, tapos hihingi ng kapalit." kulang na lang ay batukan ni Liz ang kapatid dahil sa sinabi nito.

"Ang sama talaga ng ugali mo. Hindi naman lahat ng tao ganun. Ano na lang yung simpleng ' thank you'? Nag-effort yung tao na dalhin dito ang flash drive na yan. Kung hindi sya nagmabuting loob, hindi rin naman sya ang mawawalan. It's you."

Pero parang hindi man lang tinamaan si Lance sa litanya nya.

"Look here, Liz. I didn't ask that person to bring that back kaya hindi ko responsibilidad ang pasalamatan siya. Kung gusto mo, ikaw na lang."

Inis na tumayo si Liz at napailing sa sinabi ng kapatid.

"You are so cruel, Lawrence. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan. But I'm gonna do this for you. Hahanapan kita ng katapat mo. You can thank me later." pagkatapos ay lumabas na ang dalaga at napapangiti na lang sa nabuong ideya sa isip.

Better get ready, Lawrence Del Fierro.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

22.1K 1K 25
Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya. Gaga lang 'no?
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
881K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
785K 10.8K 69
[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their Un...