That's What They Told Me

By frosenn

1.4M 43.2K 66.1K

Lumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living i... More

That's What They Told Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)
Epilogue (2 of 2)
Special Chapter
Afterword
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)

Chapter 23

17.7K 661 768
By frosenn

Chapter 23

Hiyas

Listless, I left my room appearing as someone with a heavy baggage. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang isipin kung paano ako papasok nang ganito ang kalagayan.

Hindi pa nakatulong ang samu't saring katanungan sa akin. Sino ang lalaking iyon? Nakita niya ba nang malinaw ang aking mga mata? At... ano ang ibig niyang sabihin?

He told me I should be careful. Those words felt familiar but it appealed me differently. Ang paraan niya ng pagtitig, paghawak, at pagpapaalala sa akin, lahat ng iyon ay nakakapangilabot pa rin.

"Lumi," si Nana na nasa landing pala ng ikalawang palapag.

Napatuwid ako ng postura dahil hindi agad ito napansin. Ngayong nasa harap ko na si Nana, muli na namang umusbong ang takot sa akin. I was sure if she found out, she would get mad at me.

Ngunit may parte sa akin na nais ibahagi sa kanya ang nangyari. I needed someone to talk to. But would it be okay if I chose Nana to be that someone? Kahit pa umayos na ulit ang relasyon namin, pakiramdam ko, hindi na talaga ito kagaya ng dati.

I bit my lower lip and gasped for my breath.

"P-Papasok na po ako, Nana," tanging nasabi ko na lang, magulo pa rin ang pasya.

"Alam ko dahil sasama ako sa paghahatid sa iyo," aniya.

Saka ko lang napansin na nakaayos nga siya. Tumango ako at sinubukang ngumiti.

"Sige po..."

Ngunit imbes na ayain na akong umalis, lumapit sa akin si Nana. Halos manigas ako sa kinatatayuan nang inabot niya ang aking balikat at marahang inayos ang aking buhok. Tulad lang ng dati. Pero nakakapanibago sa akin dahil ngayon na lang ulit.

"Pasensiya ka na kahapon, Lumi, kung nasungitan na naman kita. Marami lang perwisyo nang umalis kami kaya hindi maganda ang lagay ng altapresyon ng matanda."

Nagulat ako roon. I wasn't expecting Nana to be this thoughtful. Naging mas madali na ang aking pagngiti pagkarinig doon.

"Naiintindihan ko naman po. Wala po sa akin iyon at medyo sanay na." I chuckled softly.

"At tungkol doon, naalala ko ang pinapaalam mo sa akin. May maidadala ka na ba sa eskuwela? Iyong sinaunang gamit ba kamo?"

"I-Iyon nga po." My voice croaked because I was surprised and nervous at the same time.

"Anong dadalhin mo?" mataman niyang tanong.

Kinuyom ko ang kamay sa aking likod, iniisip ang sagot doon.

I remembered the wooden bracelet. It might not be antique but I was hoping it would be enough since I had no choice.

Pero ngayong tinatanong na ito ni Nana, para bang... para bang nag-aalangan akong ipaalam sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya sa huli, hirap akong umiling at umiwas na lang ng tingin dito.

"Wala pa po..."

Sorry for lying...

"Papasok ka na walang dala kung ganoon?" paninigurado niya kaya dahan-dahan akong tumango.

"Ipapaliwanag ko na lang po sa mga kagrupo ko. M-Maiintindihan naman po siguro nila..."

"Pastilan! Hindi bale na, ito ang dalhin mo. Gamit ko ito sa kuwarto. Antigo na ito kaya iingatan mong bata ka."

She showed me an old pocket watch. Halos kuminang ang mga mata ko sa pagkamangha.

Ilang beses na akong nakapasok sa silid nito ngunit kahit kailan, hindi ko alam na may tinatago pa lang gamit si Nana na tulad nito.

"T-Totoo po?" hindi ko makapaniwalang tanong sabay sulyap ulit sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro? Kunin mo na. Siguraduhin mo lang na maiuuwi mo iyan nang buo!" eksaherada niyang bilin.

"Opo. Salamat po," sagot ko bago iyon kuhanin nang may buong pag-iingat.

"Iyan na ang dadalhin mo, ha? Iyan na lang ang ipresinta mo," pahabol pa ni Nana.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang tignan siya habang pababa na kami ngayon.

Iyon naman talaga ang gagawin ko. Pero sa paraan ng kanyang pagbanggit, tila ba may iba pa akong pwedeng gawin.

Hindi na ako nakasagot pa. Naalala ko na naman kasi ang nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon, nilalamon pa rin ako ng takot. Narito pa kaya ang ginoong iyon?

"Nana, may... m-may bisita po ba rito kaninang umaga?" sa wakas ay satinig ko pagkababa namin.

"Anong pinagsasabi mo?" lito niyang tanong.

Pansamantala kong tinikom ang bibig upang buoin ang sunod na sasabihin.

"N-Narinig ko lang po kaninang may dumating kaya po... naalipungatan."

Naningkit ang mga mata ni Nana sa pag-iisip. "Si Danilo?"

Si Senyor Danilo? I almost forgot! Lunes nga pala ngayon. Pero sigurado akong hindi siya iyon kaya umiling ako.

Bahagyang kumunot ang noo ni Nana, akmang magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto ng study. Lumabas mula roon sina Senyorita Victoria at Senyor Danilo. Nanlaki ang mga mata ko at napayuko.

"It must be Engr. Lopena, my dear Lumi," Senyor Danilo declared in a serious note but with a welcoming smile on his face.

Lopena... was it just me or it was really familiar. Where did I hear about it?

Nanginig ang aking pang-ibabang labi ngunit nagawa ko pa ring suklian ang ngiti ni Senyor. Lumapit na rin si Senyorita at bumaling kay Nana.

"Paalis na po ba kayo?" she politely asked.

"Aba'y oo. Ito nga't may tinatanong ang batang ito. Iyon ba 'yung bagong engineer na pumalit sa irrigation?"

Tumango si Senyor Danilo sabay baling muli sa akin.

"Bakit mo natanong, hija? May problema ba?"

"W-Wala po! Na-curious lang po ako. May bagong tauhan po pala," agap ko.

His eyes on me remained for a while before nodding slowly.

"Hmm. Is that so?"

"Opo..."

"Okay. Pero kung sakali, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng kahit na ano, Lumi." His smile widened. "Kami na lang ang naiwan para mag-alaga sayo kaya ginagawa namin ang lahat para sa ikabubuti mo. Telling us everything would help us help you. You're a unique little girl so always be careful and be transparent every time you observe something new, Lumi."

My eyebrows furrowed a little. Every time I observe something new? Senyor meant something bad, right?

Tumango ako at naisip na tama ang lahat ng kanilang sinabi. Hindi ko dapat kalimutan lahat ng kabutihan at pagmamalasakit na ginawa nila sa buhay ko.

I once believed I was a Castellano because I considered them my family as much as they treated me as a part of them.

Lahat ng aking natatamasa ngayon ay utang na loob na handa kong bayaran habambuhay sa mga Castellano. Iyon ang tinatak kong muli sa isip. Dahil pansin ko ay sa pagdaan ng mga araw, tila unti-unti akong nalilihis sa direksiyong iyon.

Nakakahiya. Nakakahiyang isipin na sila na itong nagmamagandang-loob, ako pa yata ang may ganang magduda.

Everyone has told me to not trust anybody easily. Si Nana, si Zaro, maging ang iba pa. They have taught me that I shouldn't trust people until deemed worthy. Kaya ibig sabihin lang noon ay kung may pagkakatiwalaan man ako, sila dapat iyon at wala nang iba.

Unlike the usual, I was a bit late. Wala pa naman ang prof pero alam kong mas maaga pa lagi ang normal na dating ko kaysa ngayon.

Nasa hamba pa lang ako ng pintuan, kumaway na sa akin sina Ben. Ngumiti ako at kumaway rin.

Unti-unti lang napawi ang ngiti nang napagawi kay Eric ang tingin ko. He's even avoiding my gaze today. Naisip ko may kinalaman pa rin ito sa nangyari noong Biyernes.

"Magandang umaga," banayad kong bati sa kanilang tatlo.

They returned my greeting with an energetic one but still not Eric. Tahimik lang siya at nakatanaw sa mga kaklaseng animo'y nagpapaligsahan sa kani-kanilang baon na sinaunang bagay.

Pagkaupo, muli akong ngumiti kay Eric.

"Dala ko iyong akin. Lumang orasan pero ang ganda-ganda pa rin! Gusto mo ba tignan, Eric?" maligaya kong tanong kahit heto na at kinukuha na sa bag ang nabanggit.

Pansin ko ang saglit na pagsulyap ng mga mata niya sa akin. Ngunit nang napangiti ako, muli niyang pinagkait sa akin ang atensiyon at umahon sa pagkakasandal, lalong tinuon ang mata sa harap.

Sina Ben at Oliver na lang tuloy ang nagboluntaryong tumingin sa dala ko. Masaya ako habang pinapakita iyon sa kanila pero nababagabag pa rin sa nagtatampong katabi.

"Ang ganda nito! Sa pelikula ko lang ito nakikita, ngayon nahahawakan ko na!" si Ben.

"OA mo. Merong ganito sa Museo ng Bayan!" sabat naman ni Oliver.

Kinuha ko muna sa kanila ang orasan. Nakakatakot. Baka kasi hindi nila mapansin habang nagtatalo.

"Nahahawakan ba 'yon? Hindi nga, 'di ba? Kaya nga sabi ko, ngayon lang ako nakahawak!"

Hindi naman seryoso ang kanilang away kaya sa huli, hinayaan ko na sila roon. Nang umingay ang classroom, saka napunta ang mga mata ko sa harap.

Kasalukuyang dinudumog ng mga kaklase ang dala ni Janine. Isa iyong sinaunang telepono pero laking gulat ko nang matantong nakatanaw lang dito si Janine. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ngunit mistulang sa akin nakatutok.

My lips parted in awe. Akala ko kapag nakita niyang nakatingin na rin ako, agad niyang babawiin ang mga mata ngunit hindi. Nanatili pa iyon nang ilang segundo bago ibalik sa nagkakagulong mga kaibigan.

Dinungaw ko sina Willa at Dessa pero hindi naman sila nakatingin sa akin gaya ni Janine. Bakit kaya? Tingin niya siguro ay gusto ko ring lumapit.

It's partly true, though. I really wanted to see what my other classmates brought for the last subject. Siguro ay ayaw niyang pumunta ako roon kaya bilang babala, tinignan niya ako nang masama.

"Lumi! Lumi!"

Naghari ang naghihikahos na boses ng bagong dating na si Bado.

Dahil doon, napabaling sa kanya ang lahat. Binalewala niya ang pang-aasar ng mga kaibigan. Dumiretso siya sa akin pagkatapos niyang matulala sa pinagkakaabalahan ng iba.

The moment he neared me, he groaned a bad word before looking apologetically. I was lost for words because it was too sudden.

"Sorry! Shit. Sorry talaga! N-Nawala sa isip ko dalhin 'yung vintage bag. Naalala ko na lang pagkapasok ko rito," hindi mapakali niyang wika sabay sapo sa noo.

Bumagsak ang magkabilang-balikat ko dahil sa balita. Kabadong-kabado ako kaysa dismayado.

I thought, at least this time, something's going on my way.

Humugot ako ng malalim na hininga pagkaproseso sa aming sitwasyon ngayon. I nodded and smiled at Bado.

Napatayo na rin sina Ben at Oliver. Ganoon na rin si Eric kaya laking gulat ko nang nagsalita ito sa aking likod.

"Ang iresponsable mo talaga," dismayadong ani Eric.

Bado glared at him. "Tinabi ko na iyon, pre. Nawala lang talaga sa isip ko!"

"Huwag na kayong magtalo. Tsk. Gawan na lang natin ng paraan. Mamaya pa naman 'yon kaya may oras pa tayo," Ben suggested.

Ericson shook his head disappointedly. Tinaas naman ni Oliver ang kanyang kamay.

"Magtatanong ako kung may sobra pa 'yung ibang group."

Tumango ako. "Salamat, Oliver."

He blinked repeatedly before eventually excusing himself. Samantalang ang tatlo naman ay abala pa rin sa pag-uusap.

"Kung ipahatid mo kaya?" si Ben kay Bado na siyang napahilamos lalo ng mukha.

"Hindi, e. Naka-motor nga ako ngayon dahil gamit nila ang sasakyan. Nasa business trip parents ko. Pumasok din mga kapatid ko kaya mga katulong lang nandon sa bahay. Bad trip!"

"Ang layo pa ng inyo. Kung bakit kasi kinalimutan mo, e," singit naman ni Eric.

Tahimik lang ako sa upuan ko at bahagyang nakikinig sa kanila. Naisip ko iyong pulseras.

Sa pagmamadali kanina ay hindi ko na iyon natanggal sa bag kaya dala ko pa rin hanggang ngayon. Akala ko hindi ko na ito magagamit pero mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Lalo na nang dumating si Oliver dala ang masamang balita.

"Lumi, wala, e. Ilang beses ko nang sinigurado pero sakto na raw sa kanilang lahat."

Mariin akong napakagat ng labi at bumuntong-hininga.

Bado looked exhausted apologizing and thinking of solutions again and again. Kaya naman nang lumingon siya sa akin, ngumiti na lang ako para gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Ayos lang. Uh... ang totoo, dalawa ang dala ko pero nag-aalangan akong ilabas iyong isa. M-Mukhang wala na akong magagawa kundi gamitin na lang iyon."

"Sorry talaga, Lumi..." si Bado. "Babawi ako sa mismong activity. Kahit ako na ang magsulat."

"Pangit ang sulat mo," paalala ni Ben kaya nangiti na lang ako.

"Ano 'yung isa at ngayon mo lang sinabi? Nagkagulo pa tuloy tayo," Eric snorted on the other hand.

Medyo nabigla ako sa kanyang tono. Malamya siyang tinulak ni Oliver sa balikat para pagsabihan. Ngunit ngumiwi lang ito at nag-iwas ng tingin.

I was about to answer Eric's question but our first professor arrived just in time. Nagsibalikan na sa pwesto ang lahat bago pa man mapagalitan.

Second subject, isang art activity ang pinagawa sa amin. Mabuti na lang at may dala naman akong materials kahit papano. I tried offering Eric some but he just ignored me. Pinanuod ko siyang lagpasan ako. Pumunta siya sa grupo nila Janine.

"Langya. Inaaway ka ba non?" tukoy ni Ben sa kanyang kaibigan.

Umiling ako. "Wala naman siyang ginagawang masama. Kasalanan ko siguro, Ben."

"Huh? Ano bang nagawa mo?"

"H-Hindi ko rin sigurado, e..." pag-amin ko.

Kumunot ang kanyang noo sabay sulyap sa kinaroroonan ni Eric.

"Kanina parang narinig kong may kinukwento siya, e. Sabi niya, type mo rin ata si Lascano."

"H-Huh?!" My eyes widened.

Ben gestured their direction so I glanced at it. Ngayon ko lang natantong mayamaya ang pagnanakaw nila ng tingin dito. Kung hindi magbubulungan ay tatawa.

My heart tugged at that. Totoo bang magagawa iyon ni Eric? Pero nilinaw ko naman noong Biyernes na wala iyong katotohanan.

Napayuko ako at bumuntong-hininga.

"N-Na-misunderstood siguro ni Eric..."

Marahas na bumuga ng hangin si Ben. "Minsan ganon talaga 'yon kaya nagkakainitan kami ng ulo, e. Hayaan mo na. Kakausapin ko mamaya, Lumi."

Nangiti ako nang matamlay at tumango. "Salamat..."

It's just as if my life's coming worse as time went by. Abala ang buong klase sa ginagawang art activity nang naghari ang ingay sa unahan. Sinuway sila ng aming prof ngunit nagpatuloy iyon.

"Kunin mo na, Eric! Arte naman. Parang bakla!" boses ni Dessa.

Napadungaw ako roon. Nakita ko ang pagmamatigas ni Ben. Umiling ito at hindi man lang nililingon ang mga kasama.

"Ayoko ngang tumayo. Tinatamad ako. Tsaka kayo na nga nanghihiram, kayo pa demanding."

"Sungit nito! Nandoon lang upuan mo, o! Bag mo kasi 'yon kaya ikaw dapat!"

"Walang problema. Kung gusto niyo edi kayo na lang kumuha."

Nagulat ako nang biglang tumayo si Janine, hawak pa ang ginagamit na glitters.

Tinanaw niya ang banda kung saan nakalagay ang bag ni Eric, sa tabi ko. Kaya naman hindi naiwasang magtama ang aming tingin.

Napatikhim ako. Ako na ang unang umiwas at tinuon na lang ang atensiyon sa paggu-glue ng ginawang cut outs.

"Simpleng bagay, pinag-aawayan niyo pa. Ako na. Nakakahiya sa inyo, e," I heard Janine grimace.

Buong sikap kong binalewala ang kabang dulot ng kaisipang pupunta siya rito.

Paano na? Lalapit siya sa akin. Posible ring magkausap kami. Kung ganoon, ano namang sasabihin ko? Nag-panic na ako sa loob-loob ko.

According to Ben, Ericson told some of them about me liking Kobe. Pero paano kung umabot iyon kina Janine? Sigurado akong lulubha ang pangamba nila sa akin!

With palms starting to sweat and mind dwelling on somewhere, I jolted when I already saw Janine on my side, excusing herself.

Inangat ko ang paningin sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mukhang nagulat siya sa bigla kong pagtingala. Ang dapat sana'y paa na ihahakbang niya ay natisod sa mga paa kong nasa sahig!

"Oh my gosh!" tili niya.

Namilog ang mga mata kong binawi ang aking paa ngunit huli na ang lahat. Janine stumbled upon my feet and fell on her knees! Oh no!

Napasinghap ang mga kaklaseng nakakita. Umamba akong tatayo upang tulungan siya ngunit nagsimulang humapdi ang mga mata ko.

For some reason, my eyes suddenly became itchy and stingy. Napakurap-kurap ako, naluluha at hindi na maidilat nang maayos ang mga mata.

I stood up. I tried rubbing my eyes to get off something in them but it just worsened. I started to cry and wail in pain. May mga lumapit sa akin ngunit hindi ko makilala dahil abala sa sariling pagkapuhing!

"Shit! Napasukan ata ng glitters sa mata!"

"Huy! Delikado na 'yan!"

"Hija, huwag mo kuyamusin ang mata mo!"

May humawak sa aking kamay para patigilin iyon. The only thing I could do was to close my eyes tightly. But other than that, I was crying in pain.

"Marami bang pumasok na glitters?"

"Lumi, hija. Kaya mo bang imulat mga mata mo?"

I could hear our prof's voice but everything was a blur to me. Tanging iling at pagluha lang ang nagawa ko. Parang sinusunog ang mga mata ko.

Gustuhin ko mang kusutin ngunit sadyang mariin ang pagkakahawak sa akin na hindi ko magawang igalaw man lang ang mga kamay.

"Bakit kasi dinala-dala mo pa ang glitters, Janine?"

"H-Hindi ko sinasadya! Kasalanan ni Lumi dahil halata namang tinisod niya ako!"

I shook my head miserably. Hindi iyon totoo. Hindi ko sinasadya.

The prof kept on giving me instructions. After closing my eyes for a few seconds, he requested me to blink my eyes repeatedly so my tears could naturally wash off the glitters.

Ramdam ko rin ang pagdampi ng basang bimpo sa aking mga mata kaya kahit papano, napawi ang hapdi. Ngunit ilang sandali pa, hindi pa rin nawawala ang sakit doon.

"Sinong may cotton buds?" tanong ng prof namin pero walang mayroon.

"Ako na po ang bibili," rinig kong sambit ni Janine sa hindi kalayuan.

Kinalma ko ang sarili. Naisip ko na kung papairalin ko ang takot at taranta ay hindi ito maaagapan agad.

"Sige, Ms. Lopena. Pakibilisan."

Inulit namin ang ginawa kanina. Iyon nga lang, habang tumatagal ay iba na ang pakiramdam ko.

Nakiusap akong ihinto muna iyon saglit. Sa mabibigat na hininga, pinakiramdaman ko ang sariling kalagayan.

The itchiness pacified. But the burning sensation in my eyes was worse than earlier.

Nang tuluyan nang humapdi lalo, napadaing na ako sa sobrang sakit. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. It's not about the glitters anymore. It's now about my contact lenses!

"G-Gusto ko pong pumunta sa CR."

"Sigurado ka? Girls, samahan niyo si Ms. Agapi-"

Nakapikit man, umiling agad ako at tumayo na. "A-Ako na lang po. Kaya ko na..."

"Pero baka mapaano ka lalo."

"Please po. Kaya ko na po ito nang mag-isa," I begged desperately.

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot at tumakbo na agad palabas ng room.

I wasn't certain if it's because of the adrenaline rush, but I was able to effortlessly reach the restroom even with eyes closed almost the whole time.

Mabuti na lang wala kami sa taas naka-room ngayon kaya madali akong nakarating dahil nasa baba lang ang CR.

Isang mata ang minulat ko upang pasadahan ang loob. Tahimik lang, walang taong namataan. Naghintay pa ako nang ilang sandali bago tuluyang makampanteng mag-isa lang talaga ako.

I locked the door and went in front of the sink, in front of the mirror. Mabilisan ngunit maiigi kong hinugasan ang mga kamay. Ngayon ko lang nakita ang sarili na ganito kapula ang mga mata, halos may dugo na sa sobrang lala ng kapulahan niyon.

Naghilamos ako at ininda ang paglagaslas ng tubig na napapadaan sa mga mata. Nang nakontento na roon, napagpasyahan ko nang tanggalin ang contact lenses.

Natanto kong bahagyang natiklop iyon at hindi na maganda ang porma. Palagay ko rin ay na-damage nang konti. Lahat ng iyon kaya siguro nanakit nang sobra ang mga mata ko.

I sighed as I put the lenses on my palm.

"Baka magalit si Senyor kapag nasira ko ang mga ito," I whispered.

For a moment, I closed my eyes to relax and calm myself. Medyo humupa na ang iritasyon sa bahaging iyon ng mukha kaya dumilat ako at napatitig na lang sa sariling repleksiyon.

"Why do I have to bear with these disgusting eyes?" nanlulumo kong tanong sa sarili.

Akmang eeksaminin ko na kung may nasira ba sa lenses ngunit biglang bumukas ang pinto.

My nerves pulsated aggressively. Mabilis akong napatingin sa pumasok at nahugot ko ang hininga nang nakilala ang babae.

Those cold and ruthless set of eyes.

Azalea...

Taranta kong pinikit ang mga mata. Diniin ko ang kamay sa dibdib upang parusahan ang sarili.

Nagpadalos-dalos na naman ako! How many times do I have to put a shame on myself? Anong meron at panay kapalpakan ang nangyayari sa akin ngayong araw?!

Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Sa pag-aakalang lumabas na ulit ang babae, halos mapabalikwas ako nang nasilip itong nasa tabi ko na at binubuksan ang gripo.

"P-Paano ka nakapasok?" I asked in an undertone, scared that she might hate me for asking.

Pasimple akong tumabi upang bigyan ito ng espasyo, nakapikit pa rin.

"Naka-lock iyon..." I added when she didn't answer the first one.

I heard the silence of water when she turned off the faucet. Nakakahiya. Niyuko ko ang ulo para itago ang mukha sakaling nakatingin siya sa akin.

"Did you check it?" simple ngunit may bahid na iritasyon niyang sambit.

Natahimik ako, hindi maintindihan ang konteksto ng tanong.

"The knob isn't functioning," she added.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

I... I didn't know that. That was so reckless of me. Paano kung... Paano kung-

"So you're wearing contact lenses?" she asked spitefully.

Nagulat ako nang bigla siyang natawa, para bang isang malaking kalokohan iyon kaya kumabog nang malakas ang puso ko. Kabadong-kabado na.

Unang beses pa lang na nakita ko ang mga matang iyon, alam ko na.

Alam ko nang hindi niya gusto ang isang tulad ko. Malamya at siguro para sa kanya, isang lampa. At ang matunghayan ito ngayon ay nagpatunay noon.

Sa katunayan, kumpara sa akin ay hindi hamak na napakaperkpekto ng lahat sa kanya. Hinahangaan ng marami at walang kapintasan. Sa isang tingin pa lang ay alam mo nang malawak ang kaalaman sa maraming bagay, tila kalkulado na ang bawat galaw at krimen ang magkamali.

Hindi ko alam sa iba. Pero sa pananahimik ko tuwing hinahangaan siya ng marami ay iyon naman ang tingin ko sa kanya.

A role model and a refined woman. That kind of girl I've always imagined a perfect match for Zaro, not someone low and tacky like me. Definitely not me.

"Nakita ko na kaya wala nang magagawa ang pagpikit mo ngayon," she snorted.

She's right. She probably has a 20/20 vision so it's not a surprise that she already saw it a while ago.

Binuksan ko na ang mga mata at awtomatiko ko namang natagpuan ang mga mata niyang nakatitig sa akin mula sa salamin.

Suminghap ako at sinimulan nang isuot pabalik ang contact lenses. Ang awkward ng pakiramdam ko ngayon. Sa isip ko, alam kong hindi pangkaraniwan itong ginagawa ko. Maski sa harap ni Nana ay iniiwasan kong ipakita sa kanya ang pagsusuot nito. She's disgusted with my eyes, I guessed.

But this woman... she's even staring at me like she wanted to witness every bit of this moment. Hindi ko maintindihan ang sarili. She might be a bad and greedy person they warned me about.

Hinagilap ko ang takot at kabang naramdaman kaninang umaga nang isang ginoo ang nakakita sa mga mata ko.

This is strange. If there were some things I was feeling, that would be shame and embarrassment.

Para bang isang malaking dagok ang pumalpak sa kanyang harapan. Pero bukod doon ay wala na, ibang-iba sa kaparehong eksena kamakailan lang. I didn't have any idea why though. Dahil ba nagpakita ng pagiging bayolente at agresibo ang lalaki kumpara sa kanya?

"How can you be this careless?" mahinang aniya ngunit hindi nakalagpas sa aking pandinig.

Napaayos ako ng tayo dahil nabigla roon.

"S-Sorry..." was all I could say. Ni hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad.

Tahimik akong naghugas ng kamay pagkatapos kahit ramdam ko ang kanyang paninitig sa akin.

"Paano kung ibang tao ang pumasok at hindi ako? Other people could have seen it. You're really stressing me!"

Sindak akong napadungaw sa kanya. Nakita ko ang frustration sa hitsura nito ngunit hindi ko maintindihan kung para saan.

Huh? I'm stressing her?

As if realizing what's happening, awe overtook her face in a fraction of second. Naging mabilis ang pagbabago ng kanyang anyo nang tumitig sa akin, seryoso at matalim na ang mga mata.

The lady named Azalea shifted from her weight and scowled at me.

"Last time, I told you to be extra careful. Clumsy people like you in general is really frustrating," she said as if explaining why she behaved like that.

I was right all along. She hated someone like me. I bit my lower lip and bowed my head guiltily before tearing my eyes off her.

"Sorry. M-Mag-iingat na ako sa susunod. Pasensiya na..."

She nodded nonchalantly and advanced.

"Now, leave."

"H-Huh?"

Lito ko siyang minasdan hanggang sa tuluyan na siyang nakalagpas sa akin. Ngayon, nasa mas loob na siya ng restroom, minumuwestra sa akin ang pinto at iritadong ikiniling ang ulo.

"Are you planning to lock yourself here?" she then arched her brow.

Umiling ako.

"Then leave," she glared at me. "I still need to take care of something alone in the toilet."

Umawang ang bibig ko sa nakakakilabot niyang tinig at tumango na. Dali-dali akong lumabas ng CR at sinara ang pinto.

I was able to catch for my breath. She really hated me, huh?

Huli na nang natanto ko kung anong araw ngayon. Mamaya ay kabilugan ng buwan, halos mawala na sa isip ko.

Kaya pala...

Napasapo ako sa noo at mabigat ang loob na pinagpatuloy ang araw. Sa room, may iilang lumapit sa akin para itanong ang aking kalagayan. Pinaliwanag ko naman sa kanila na mabuti na ang lagay ko.

May mga kaklase ring gustong sumubok na lumapit pero sa kalagitnaan ay hihigitin ng katabi kaya't nauudlot.

Malungkot akong napangiti. Naiintindihan ko iyon. Malapit sila kina Dessa. Hindi hamak na mas pipiliin nilang pumanig sa mga ito dahil mas matagal nang kilala. Alam kong nagdududa pa rin sila sa akin hanggang ngayon.

"Mabuti at... maayos na ang mata mo," si Eric na kakabalik lang sa kanyang upuan.

Mangha akong napabaling sa kanya, hindi makapaniwalang kinakausap na niya ulit ako.

I smiled at him happily. "Oo. Mas naging mainam nang maghilamos na ako kanina."

"O-Okay," he replied coldly before averting his gaze.

Maikli man ang pag-uusap naming iyon pero masaya na ako.

Malapit nang magsimulang muli ang klase nang dumating si Janine. Natapos na ang break time kaya nagulat ang lahat nang ngayon lang siya. Lalo na ako. Syempre dahil akala ko, bumalik na siya habang nasa baba pa ako kanina.

"Nasaan na 'yung cotton buds?"

Napuno ng tawanan ang silid dahil sa mga nasa harap. Napadungaw ako roon at bahagyang nagtaka.

Sa kung anong dahilan, mukhang balisa at tulala si Janine simula pa nang dumating ito. Kaya nang aksidenteng napagawi ang kanyang tingin dito bago maupo, bakas sa kanyang hitsura ang hindi malamang emosyon.

Poot, muhi, tanong, at takot. Iyon ang naisip kong posibilidad pero iniwas niya rin agad ang tingin. Lalo akong nabagabag.

Umingay sa room dahil sa kanila. Pero si Janine, mukhang wala pa rin sa kanyang normal na sarili. Natigil na lang ang pang-uusisa ng mga kaibigan niya dahil dumating na ang sunod naming prof.

In the middle of the class, I looked back to what transpired from the very beginning of this day.

Mas malinaw na sa akin ngayon kung bakit ubod ng kamalasan ang araw na ito. Malamang ay nawala rin sa isip ni Nana dahil himala't pinapasok pa rin ako ngayon.

Napapikit ako saglit, nagbabaka-sakaling may nakatago pang katahimikan sa sistema.

Hindi na dapat ako magtagal sa labas. Nakakatakot. Baka kung ano pa ang mangyari kapag tumagal pa ako rito. Kailangan ko nang umuwi sa mansiyon ngayon. Baka hindi ko na kayanin kung madadagdagan pa ang perwisyong hatid ko rito.

Iyon ang paulit-ulit kong pinagdarasal hanggang sa dumating na ang ikahuling subject. Excited ang lahat dahil sa group activity. Samantalang ako, iba ang rason ng excitement. Iyon ay dahil alam kong ilang minuto na lang, uwian na namin.

Pinabilog ng aming prof ang mga upuan base sa magkakagrupo. Kami ang nasa dulong banda. Nagbibigay ng instruction ang prof. Hindi pa man pinapalabas ngunit hindi makapaghintay ang lahat kaya nakalapag na sa gitna ng bawat bilog ang mga dala kada group.

"Kulang ito. Nasaan na 'yung isang dala mo?" tanong bigla ni Eric kaya napatikhim ako.

"Ah. W-Wait lang. Kukunin ko na."

Masyado na ata akong nag-iisip ng kung ano-ano. Dahil ba araw ng kamalasan kaya bawat kilos na lang ay kailangan kong pag-isipan? Pero simpleng pulseras lang naman ito. Masyado na ata akong nahihibang.

"Pasensiya na. Hindi ko kasi sigurado kung aaprubahan ito ni Ma'am. Pero tingin ko naman, luma na siya," I briefed them as I reached for the wooden bracelet inside my bag.

"Ano ba iyan?" kuryosong tanong ni Oliver.

Nakatutok na silang lahat sa akin ngayon kaya lalo akong nailang.

"Ahm... pulseras na gawa sa kahoy. Mukha namang maganda at luma kaya... uh... dinala ko..." nauutal na sagot ko at sa wakas ay nilahad iyon sa kanilang harapan.

Sa mga sandaling iyon, nasaksihan ko kung paanong natigilan sila sa kani-kanilang upuan, animo'y nakakita ng multo ang reaksiyon. Lahat silang apat.

Sinubukan kong tumawa nang mahina upang wakasan ang awkwardness sa pagitan namin, pero para lang akong napahiya nang tignan nila.

Kasalukuyan nang ipinapakita ng ibang grupo ang kanilang materyales para aprubahan ng aming prof. Habang ang aming grupo ay natahimik. Hindi ko na maintindihan. Parang ako lang ang hindi maka-relate sa tinginan nila.

I dropped my eyes on the bracelet. Imbes na ilapag din sa sahig, binalot ko iyon sa aking palad at napatanong sa sarili.

May... mali ba akong nasabi? Kapag tumagal pa ito, baka hindi ko na kayanin dahil ubod na ng pagkapahiya.

After a while, Ben cleared his throat, breaking the silence between our group and surveyed us using his gaze.

"Uh... sino nga pala ang magpe-present? Si Bado, hindi ba?"

Parang ngayon lang nakabalik sa realidad ang nabanggit. Wala ito sa sariling tumango.

"O-Oo... Sige."

There's something wrong, I thought. Mariin kong tinikom ang mga labi bago naglakas-loob na magtanong na.

"May problema ba?" sa maingat kong tono.

Namilog ang mga mata nila sa bigla kong pagsasalita.

Tulad ng kanina, nagkatinginan sila na para bang sa ganoong paraan nag-uusap. Tapos ang mga mata, mailap lang na napapagawi sa akin.

Bado chuckled hesitantly while scratching his temple. With unusually twitching finger, he gestured my hand to refer the bracelet in it.

"Lumi, s-saan mo nakuha iyan? Bakit may ganyan ka?" Halos pamutlaan na siya ng mukha matapos lang ang tanong.

Taka kong sinulyapan ang pulseras, hindi pa rin maipaliwanag ang sitwasyon.

"Bakit?" I asked back innocently at them.

"Huh? Ah! P-Para lang sakaling itanong ni Ma'am, alam ko ang... ang sagot."

He's right. Baka nga naman itanong iyon. Siya pa naman ang magpe-present!

"Sa bahay ito. Nakita ko lang. Medyo matagal na sa akin at tinago ko dahil..." I tilted my head as I glanced at the accessory. "Dahil... kakaiba."

"Kung ganon, hindi talaga iyan sayo?"

Umiling ako. "Nakita ko lang, Bado."

Para siyang nakahinga nang maluwag. He parted his lips for another row of questions, but he was cut off when our prof called our group for our turn.

Napaayos kaming lima ng upo. Ang apat, heto at tahimik pa rin na tila may gumugulo sa isip. Isinantabi ko muna ang pagkabahala.

Tinutukan ko si Bado para alalayan siya sakaling kailangan niya ng tulong sa presentation. Tatayo lang naman siya at dito lang sa upuan. Pero alam ko ring hindi siya sanay sa ganito kaya naisip kong kailangan niya ng tulong.

Una niyang nadampot ang timepiece na pinahiram sa akin ni Nana. Literal tuloy akong napaalalay dahil parang wala pa rin sa katinuan si Bado. Nang napansin niya ang kaba ko, tumikhim siya at nag-focus na.

Samu't saring tukso ang natanggap niya mula sa iba pang kaibigan na nasa kabilang grupo. Ganoon na rin ang iba pa. Minsan lang kasi talaga ito mangyari kaya siguro'y natutuwa sila para kay Bado.

"F-First, we have a old gold time watch-"

"An old! Anong a old ka riyan?!" tawanan ng tropa niya kaya tinitigan niya iyon nang masama.

"Teka! Kinakabahan kasi ako! Ma'am, can I presentation in Tagalog?"

Lalong nagtawanan ang mga kaklase ngunit sa huli, tumango na lang ang prof at humalukipkip sa kanya.

"Ayon po kay Lumi na may dala nito, galing pa raw po ito sa kanunu-nunuan ng Nana niya. Maituturing siyang antique dahil mahigit isang-daang taon na ang edad nito."

Tumango ang prof. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga kaklase para i-cheer siguro si Bado. Nangiti ako at inabot naman sa kanya ang dala ni Eric.

"Ito pong pangalawa, galing po kay Ricson. Maalikabok pa po ito kanina kaya garantisadong luma na talaga."

Eric spewed a bad word. Our classmates erupted in laughter but Bado proceeded, even looking at the antique like he's examining it.

"Ang tawag dito ay porno-"

"Phonograph! Phonograph 'yan, baliw!" si Eric na ang tumapos.

Puno lang ng halakhakan ang nangyari hanggang sa iabot ko na kay Bado ang ikahuling gamit ng grupo namin.

Biglang nagbago ang kanyang disposisyon pagkakita roon. Inangat niya ang nanginginig na kamay para kunin iyon kaya kunot-noong napatuon doon ang aking titig.

"Well?" our professor followed-up when Bado suddenly zoned out.

Napakurap-kurap ito. Humugot muna siya ng malalim na hininga at sa mas determinadong hitsura, tinaas niya iyon para ilahad sa buong klase.

At first, our classmates were poking fun at him for his sudden peculiarity. But when they seemed to recognize what he's holding in front of them, tulad nilang lima kanina ay natahimik din ang lahat, halos maestatwa sa kanya-kanyang puwesto.

"I-Ikahuli," Bado finally voiced out with his quivering voice, looking so wary of what he's currently carrying. "H-Hindi ko talaga alam kung... kung original pero tama kayo. Isa itong... l-lumang pulsera-"

"Bitawan mo 'yan, Mr. Quiambao! Ngayon din!" gulantang na agap ng aming prof, halos mabitawan na ang dalang clipboard at ballpen.

Bado obeyed and almost dropped the bracelet on the floor in panic. Ako na mismo ang kumuha noon kahit abot-langit na ang tahip sa dibdib ko.

Napatayo ang iba. Umingay ang buong paligid dahil sa mga bulungan at bayolenteng reaksiyon ng mga kaklase.

Nagsitindigan ang aking balahibo sa nangyayari. Palipat-lipat ang tingin ko sa lahat. Pareho lang ang nababasa ko sa kanilang mga mata.

Takot, gulat, poot, at kaba.

"What is that? Totoo ba iyon o niloloko mo lang kami, Quiambao?!" dudang tanong muli ng aming guro.

Umiling si Bado at mabibigat na rin ang hiningang sumulyap sa akin.

"M-Malakas ang kutob ko na totoo iyon, Ma'am. Ang pulseras na iyon... kamukhang-kamukha ng pulseras na nasa Museo ng Castel!"

Napailing ito at napapikit nang mariin. Pagkamulat niya ng mga mata, humarap siya sa buong klase at tinuro ako.

"Si Lumi! Siya! Siya ang may dala ng pulseras na iyon! Hindi ako pwedeng magkamali! Iyon ang... iyon ang..."

He swallowed hard and shook his head in disbelief.

"... iyon ang Hiyas ng mga Aurdel..."

At sa isang iglap, doon nagsimula ang tunay kong kalbaryo.

August 27, 2020

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 2.4K 56
Kalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo s...
29.8K 500 86
[COMPLETED] Date started: April 24, 2020 Date ended: December 18, 2020
32.9K 982 99
an epistolary . . . Karma is her boyfriend. She's searching for someone, without her knowing that her stalker is her 'the one'. ─────────────── Star...
83.2K 652 98
An Epistolary Jane Aurora Elizalde & Nate Ocean Dela Vega