Stella Royal Games

By StarryKyamii

62.5K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? More

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 20
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 19

1.6K 78 34
By StarryKyamii

Royal 19

Meteor's POV

The next morning, I woke up and found myself face-to-face with the man who has the most angelic expression I have ever seen (so far, that is), sleeping beside me.

And strangely, I find it attractive.

Those long eyelashes, his 'almost' perfectly structured nose, his red lips slightly opened to breathe in air to his mouth, creating the most adorable little sound I've ever heard. Well, if you can call it snoring, then probably that is what I'm hearing right now.

The cutest snore..

Fuuu- The fck am I thinking? Nahihibang na ata ako.

Nababaliw na nga ata ako. Oo, tama tama. Baliw na 'ko. Si Blizzard? Pag-iisipan ko ng ganun? That's absurd. Mataas pa ata lagnat ko. Oo tama, kaya ganito iniisip ko ngayon.

Get your shit together, Meteor.

Kailan pa naging gwapo sa paningin ko 'tong si Blizzard? E hindi ko pa nga nakikita mukha nito dahil sa half mask na 24/7 niyang suot. Tignan mo, matutulog na nga lang, nakamaskara pa. Nagawa kong madescribe siya kanina kasi hanggang ilong lang naman ang natatakpan ng maskara niya.

So paano ko masasabing angelic siyang tignan kung kalahati lang ng mukha niya ang nakikita 'ko? Great, Meteor. Nag-iilusyon ka na naman.

Sinapo ko ang noo ko. Nagdedeliryo pa ata ako. Kung ano-ano kasing pumapasok sa utak ko eh. Ugh, masakit pa ulo ko. Parang nararamdaman ko ata ang pag-rotate ng mundo. Teka, ano bang nangyari kagabi? Bakit parang..

"Oh? You're awake?"

Bigla akong natauhan. Ngayon ko lang na-realize na nakatitig ako sa mukha ni Blizzard. Magka-lebel lang ang mukha namin. Napako ako sa pwesto ko, nakatitig ako sa mga mata niyang nakatitig rin sa'kin. Yung mga mata niyang ngayon ko na lang ulit napagmasdan ng malapitan, ni hindi ko magawang umiwas ng tingin. Para akong hinihigop.

Ang lapit-lapit ng mukha niya.

*Croo croo

Nanlaki ang mga mata ko at.. at.. at.. holy shit!

ANG LAPIT NG MUKHA NIYA!

*THUD!

Sa sobrang taranta ko kung anong gagawin, dali-dali akong lumayo, at dire-diretso akong nahulog mula sa kama. That's just great, Meteor. Just great.

"Sht.. ang sakit," I mumbled as soft as I could possible say. Ayokong marinig niyang natataranta ako dahil sa kanya.

"It's too early for you to be clumsy, don't you think?" sabi ni Blizzard na nakasilip mula sa kama.

"Shut up, Blizzard," Inabot ko yung unan na nahulog at binato ko siya, which unfortunately, nasalo niya naman.

"Isn't that a cute way to greet me a good morning?" he grinned. Ang aga-aga, ang lakas niyang mang-asar!

I rolled my eyes, "You don't deserve a morning greeting from a princess like me."

Patayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kama. Nilagay niya ang kamay sa likod ng batok ko at hinila papalapit sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang noo sa noo ko.

O-oy--!

"Fever has gone down now. Mukhang okay ka na," bulong niya at nanatiling nakadikit ang noo niya sa noo ko.

Teka nga! Paano niya masasabing bumaba na ang lagnat ko kung may maskarang nakaharang sa pagitan ng mga noo namin? Nababaliw na ba siya?

Doon ko lang ulit naramdaman ang kamay niya sa may batok ko. Ah, doon siguro. Pero bakit kailangan niya pang ipatong ang noo niya sa noo ko?

Ibinaba niya ang kamay at diretsong tumingin sa 'kin. Is it me or there is really a hint of sincerity in his eyes?

"How are you feeling?"

Biglang nag-init ang pisngi ko. Ang lapit na naman niya. At kailan pa siya naging ganito ka-concern? Huh, baka nant-trip na naman 'to.

Pasimple akong umayos ng upo at sumandal sa headboard ng kama. "A bit dizzy.. and hungry. Other than that I'm fine."

Tumayo siya at inayos ang kanyang damit. Pagkatapos maisuot ang itim niyang cloak, naglakad siya papunta sa pintuan.

"Stay there. I'll prepare your breakfast." Bumukas ang pintuan pero bago lumabas, muli siyang humarap sa 'kin.

"And if you do mind, fix yourself. Remember to wear your mask, Fourth."

Narinig ko na lang ang paglapat ng pintuan. Tsk, maganda pa rin ako kahit na hindi ko ayusin ang sarili ko.

Naibuga ko na sawakas ang hanging kanina ko pa pinipigil. Halos nawawala na ang tensyong unti-unting nabubuo simula nang makita ko ulit yung mga mata niya. Napahawak ako sa dibdib ko, mabuti naman at nagiging normal na ang heartbeat nito.

Naiiling na lang ako sa sarili ko. Para lang akong baliw kanina. Ugh, nakakahiya.

Sinunod ko rin ang sinabi ni Blizzard, tutal wala kami sa palasyo ngayon at mukhang nasa isang lugar kami sa underground. Pagkatapos ng morning rituals ko, inayos ko ang kama at huling-huli kong nilagay ang asul kong maskara.

Maya-maya, pumasok si Blizzard na may dalang tray. Kasunod niya si Sara, yung ininterview namin kagabi tungkol sa misyon.

"Magandang umaga po, Master Fourth." Magalang na bati niya na sinabayan ng pagyuko.

"Good morning."

"Maayos na po ba ang pakiramdam niyo, Master Fourth?" tanong nito.

"Mm! And I want to express my gratitude for taking care of me. Is there anything you wish for?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Sara. "Naku, wag na po Master Fourth. Wala naman po akong halos nagawa para sa inyo kundi ang magbigay ng gamot. Ang totoo po niyan, si Master Fifth po talaga ang nag-alaga sa inyo. Buong gabi po siyang naka-antabay sa inyo."

Napatingin ako kay Blizzard. He looked away and occupied himself with the breakfast he made.

Muli akong tumingin kay Sara at ngumiti, "But still, thank you for everything."

"Ah, wala po iyon, Master Fourth. Karangalan ko pong makapagbigay serbisyo sa mga nakakataas."

Blizzard cleared his throat at umayos ako ng upo nang makitang hawak-hawak niyang muli ang tray. Ipinwesto niya ito sa harap ko. Mm~ smells so good.

"Ah sige po, Master Fourth, Master Fifth. Dumaan lang po ako para ibigay itong gamot at para kamustahin si Master Fourth. Maubos lang po itong laman ng bote, tuluyan na pong gagaling ang Master."

"I see," sagot ni Blizzard at kinuha ang bote kay Sara. "Thank you."

"Sige po, excuse me po."

Pagkatapos lumabas ni Sara, umupo si Blizzard sa tabi ng kama, nakaharap sa 'kin at mukhang may balak na panoorin akong kumain.

"Hindi ka pa ba kakain?" tanong ko.

Bahagya siyang umiling. "I'll take care of myself. Eat your breakfast."

Hmp. Bahala siya, basta ako kakain.

Sinimulan ko nang lantakan ang kanin at ulam. It's a simple breakfast yet why does this taste so good? It's pretty tasty.. No. It is definitely first-class, fit for a royalty.

"Who cooked this? It's really delicious." Komento ko with matching tango-tango pa. "Maybe Sara did."

Blizzard then again cleared his throat. "I did."

Halos maibuga ko na yung kinakain ko. Di nga?

"I didn't know you're talented."

"There are a lot of things you don't know about me, Princess."

Natahimik ako. Burn, Meteor. Don't you dare ever talk again. Kumain ka na lang kasi dyan.

"After you finish eating, drink your medicine and we'll head home."

Napatigil ako sa pagnguya. Oh shit! I totally forgot! Hindi alam ng mga nasa palasyo na umalis ako! Hahanapin ako ni Mom!

"Oh my god, I need to talk to Astro. I'm doomed! Mom will look for me!"

"Don't worry. Nasabihan ko na siya. He's on it." Nakahinga ako ng maluwag. That was close. Buti na lang at napadalhan na siya ni Blizzard ng mensahe. He's probably worried by now.

"Oh, by the way, what's the cause of my high fever?"

"Your wound." Mula sa upuan, lumipat si Blizzard sa bandang footboard ng kama at marahang hinawakan ang binti kong may benda. "According to Sara, there's poison in the dagger your opponent used. We took every single drop of it last night so you don't have to worry. You just need to take this medicine for faster healing process. Does it still hurt?"

Bahagya akong umiling. "Hindi na masyado. Ugh, that bastard! He'll pay for this."

Subukan niya lang talagang magpakita sa'kin, ipapadama ko sa kanya kung gaano kainit sa impyerno.

Kakatapos ko lang kumain ng agahan nang bigla akong may maalala. Don't blame me. When I'm hungry,  food invades my brain and I forget all the important stuff.

Ugh, stupid Meteor.

"Blizzard!" Sigaw ko nang muli siyang pumasok matapos ilabas ang pinagkainan ko.

"What?"

"Bakit hindi mo pinaalala sa 'king may laban ka ngayon sa Games?!"

~

"No. You're staying here, Meteor. And I am dead serious about it."

I crossed my arms. Nakabalik na kami ng palasyo ni Blizzard at tulad ng inaasahan ko, isang mahabang sermon ang sinalubong sa 'kin ng pinakamamahal kong kuya.

Dinaig pa si Mom sa pagse-sermon. Ugh, kung hindi lang ako niligtas ni Astro sa harap ni Mom at gumawa ng palusot, susuwayin ko 'to.

Well, my brother has been through a lot of troubles because of me so I think he deserves a break.

"Fine fine. Magpapakabait ako ngayon, balitaan mo na lang ako." Tinanggal ko ang sapatos at diretsong lumundag sa pinakagitna ng kama. Matutulog na lang ako ngayong araw.

"Sigurado kang hindi ka tatakas?" paninigurado niya pa.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

Astro shrugged. "Just making sure. Promise me you'll stay here and have a good rest."

I rolled my eyes. Ang dami talagang alam nitong kapatid ko.

"Meteor." He warned.

"Ugh, I promise to stay here and have a good rest because my brother is being paranoid again that something might happen to me and that is just annoying because I only want to sit there and watch the Games with Mom to express my full support to our Empire's team. Happy?"

Astro chuckled at ginulo ang buhok ko. "Magaling ka na nga. Very well then, I'll take my leave. Don't worry, I'll keep you updated."

Ikinumpas-kumpas ko ang kamay ko. "Oh don't bother. Sisirain mo lang ang tulog ko. Siya, lumayas ka na sa teritoryo ko."

"That's just sweet little sis." Naglakad na si Astro papunta sa pintuan. "Bye."

"Astro!" Habol ko.

"Yes?"

"Don't forget to tell Blizzard that he better win this or I'll kick his ass. Oh and tell Rai good luck for me. I strongly believe she can win this."

"Me too. I can feel that this is the day we've been waiting for."

~

Mag-gagabi na nang magising ako mula sa mahimbing na tulog. Matapos mananghalian, dumiretso na ako sa piling ng kama at ngayon lang ako nagising. I was basically sleeping the whole time! I couldn't blame myself, tho. Masyado ko atang pinagod ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

At kahit na mahaba-haba ang tulog ko, parang kulang pa rin. Mukhang wala pa nga ata akong balak gumising kung hindi lang ako ginising ni Astro. As usual, family dinner with him and Mom.

Sa dinner, dala ni Astro ang magandang balita na nanalo nga si Blizzard sa 3rd day. Although, isang event lang ang nagawa ngayon at hindi nagawang magpakitang gilas ni Ri.(because supposedly, dalawa dapat but the Royal Council decided na bukas na lang gawin yung isa). Still we're so happy na sa wakas credited na ang points niya! Hindi katulad kahapon na nanalo nga ako pero wala pa rin kaming puntos. Well, I gues this is our first stepping stone. At sana, magtuloy-tuloy.

Matapos ang dinner at usapan, bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto. Bumisita rin si Mom sa 'kin para siguraduhing okay na ang pakiramdam ko. I was so nervous na baka malaman niya ang tungkol sa sugat ko at hindi tungkol sa sakit ng ulo. Fortunately, Astro entered the scene at sinabi niya kay Mom na may idi-discuss siya sa'kin. Mom bid us good night and retired to her room to rest.

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Astro tungkol sa event bukas. Sabay na magaganap ang Fourth Day of Stella Games at ang Swan Lake Tournament ko. At dahil nilipat nga bukas ang event na dapat ngayon mangyayari, for tomorrow's line up, Rai and Cyclone would unleash what they are capable of.

We were interrupted when there's a knock on my door. Pumasok si Casey, ang personal maid ko, at ang nagt-transform sa pagiging ako kapag pupunta ako sa Games bilang ibang tao.

"Good evening po, Prince Astro, Princess Meteor." Yumuko si Casey.

"What brings you here?" tanong ni Astro.

"A-ah! Si Sir Blizzard ho kasi.."

Blizzard? Anong nangyari sa kanya?

That reminds me, hindi pa siya nagpapakita sa 'kin simula nang makarating kami sa palasyo. Hindi ko pa nga siya naco-congratulate.

"Why? What happened to him?"

DALAWANG servants ang nasa tapat ng kwarto ni Blizzard nang dumating kami ni Astro at Casey. They stepped aside and bowed as a sign of respect.

"How is he?" I asked.

Sumagot ang isang servant ngunit nanatili itong nakayuko, "Mataas pa rin po ang lagnat niya. Nagdala po kami ng bimpo at maligamgam na tubig para pababain ito pero ayaw niya pong magpahawak. Ayaw niya rin pong kainin yung inihanda naming soup at pati inumin yung gamot. Sabi niya po, siya na daw po bahala sa sarili niya."

"At may paulit-ulit po siyang sinasabi kanina," dagdag nung isa pa. "F-Fo.. Fourth? Fourth po ata?"

"Opo, Mahal na Prinsesa. Binubulong niya po ang salitang iyon."

Fourth? Does it stand for Fourth Shadow? Hinahanap niya ba 'ko? Ako ba? Ako ba talaga? Teka nga, Meteor. Bakit ang saya mo?

Don't jump into conclusions. Masyado kang assuming.

Tumango-tango ako at tinignan ang mga tray na dala nila, "Ipasok niyo na 'yang dala niyo. I'll take care of him."

"Pero Mahal na Prinsesa," pigil ng isa pang servant. "Binilinan rin po kami ni Sir Blizzard na 'wag daw pong magpapasok na kahit na sino."

Ngumiti ako and trust me, I tried to say it as politely as possible. "Sinong masusunod, ako o siya?"

"Kayo po, Mahal na Prinsesa. Masusunod po." Binuksan nila ang pintuan ng kwarto ni Blizzard at pumasok. Papasok na rin ako nang bigla akong pinigil ni Astro.

"Meteor, baka naman mas kumportable si Blizzard na alagaan ang sarili niya? I think you should respect his decision."

"Oh c'mon kuya, ikaw nga di makapalag eh. Siya pa kaya? I can handle this. Trust me."

Pumasok ako at nakasunod naman sa'kin si Astro. Dumiretso ako sa tabi ng kama kung saan nakahiga ang balot na balot na si Blizzard. 

"Hoy isip-bata! Ano namang nangyari sa'yo?" Sumampa ako sa kama at sinapo ang leeg niya. Oh my god.

Bigla akong napaharap kay Astro. "Oh my god kuya! He's burning! Oh shit!"

I heard the servants gasped as they heard my cursing word. Hindi ko na pinansin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Ang taas ng lagnat ni Blizzard!

"Calm down, sis." Sabi ni Astro. Humarap siya kay Casey. "Okay lang bang inumin niya ang gamot na 'to kahit walang laman ang tiyan niya?"

"Opo, Mahal na Prinsipe."

Tumango-tango si Astro. "Very well, you can take your leave. Kami na ng kapatid ko ang bahala dito. We'll call you if we need something."

Bago umalis si Casey at ang mga servants, may pinahabol si Astro. "Oh and about the thing you saw earlier, you don't mind if we could keep it as out tiny little secret, do you?"

Umiling ang mga servants at nagpaalam.

Pagkasarado ng pinto, bumalik ang atensyon sa 'kin ni Astro. "Narinig mo ang sinabi nila kanina. Painumin mo siya ng gamot. He'll be fine by tomorrow."

"Sapat na ba 'yun, kuya?"

"It's not like you can stay here for tonight, sis." Biglang napatigil si Astro. "Or are you planning to?"

Napatingin ako sa balot na Blizzard. "I'll take my leave as soon as his fever goes down."

"Meteor, alam mo namang hindi pwede yun! You're a princess for goodness sake! Pagagalitan ka ni Mom kapag nalaman niyang mag-isa ka lang dito sa kwarto ng isang lalaki."

Kumunot ang noo ko, at sinalubong ang mga tingin ni Astro. "It's not like we're doing something suspicious."

"Pero hindi mo maiiwasan ang mga iisipin nila tungkol sa 'yo. Just leave this matter to the servants."

"Ayaw niya ngang magpa-alaga sa kanila."

"And you think he will allow you?"

Ngumiti ako at tumango-tango. "Yeah, pretty much. He can't defy his master anyway."

Napailing-iling na lang si Astro. "Ugh, you're so stubborn as ever."

"You bet I am," tumayo ako at pinagbuksan siya ng pintuan. "Leave this to me, kuya. If ever Mom finds out, I'll take care of it so don't worry. You're tired, go ahead and rest."

Tinapik ni Astro ang balikat ko at lumabas. Bago siya tuluyang makaalis, tinawag ko siya.

"Astro!"

"Oh?"

"Uhh.. ano," napatingin ako sa sahig. Stupid Meteor, ang lakas ng loob kong sabihin 'yun, wala naman pala akong alam. Just great.

"What is it, sis?"

Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. Oh my god, I'm placing myself in the 'Hall of Shame'.

"P-Paano mag-alaga ng maysakit?"

~

Kyamii's note: Ayan kasi Meteor, lakas ng loob magvolunteer na mag-alaga di pala alam kung paano. Ay sauce XD

But atleast, nakakuha na ang Sirius Team ng first points nila! Banzai! Pero ano nga bang nangyari kay Blizzard at nagkasakit ito? Nahawa kaya siya kay Meteor? Tsk tsk.

Well, good news is.. malapit nang ma-reveal ang identity ni Blizzard! Abangan.

Thank you for reading! Malapit na mag-12k ang SRG. Kaya maraming salamat sa suporta! Leave your comments guys! Have a nice day!

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...