SECTION F: The Hidden Secret...

By ajjichan

556K 25.9K 2.9K

A section full of funny, immature, childish, stupid and crazy students are exciting when you're one of them r... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115
CHAPTER 116
CHAPTER 117
CHAPTER 118
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
CHAPTER 142
CHAPTER 143
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
END OF SEASON 1
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 132

3.3K 160 31
By ajjichan

LISHEINE'S POV:

Gaya nga ng sinabi ni Noah kanina, nag-stay lang kaming dalawa dito sa loob ng kwarto at kung ano-ano ang ginawa.

Nag-laro ng video games, nanuod ng movies, kumain, nagbasa at kung ano-ano pa. Hindi naman boring dahil kasama ko sya pero paramg gusto kong lumabas para i-check kung ano ang ginagawa nila sa labas.

Tumingin ako kay Noah na busy lang sa kakapindot sa game controller nya. "Noah." pagtawag ko sakanya.

"Bakit babe?" tanong nya habang naka-focus pa rin sa laro nya.

"Noah!!" makulit na pagtawag ko sa pangalan nya.

Agad syang tumigil sa kapipindot at tumingin sakin. "Bakit?" kunot noong tanong nya.

Ngumuso ako at lumapit. "Labas na tayo! Kanina pa tayo nandito sa loob oh." sabi ko at inihilig ang ulo sa balikat nya.

Pinipindot ko pa rin ang game controller ko kahit na hindi ako nakatingin sa nilalaro namin. Wala naman akong pake kung matalo ako eh.

"Mamaya na ngang gabi! Wag makulit ok?" sabi nya at inakbayan ako.

Inis ko syang inirapan at inalis ang kamay nya sa balikat ko. "Gusto kong makita kung ano ang ginagawa nila eh!" sabi ko.

"Makikita mo rin naman mamaya. Wag ng matigas ang ulo. Dito ka na." sabi nya at tinapik ang tabi nya.

"Ayoko!" inis na sabi ko at iniwan ang game controller na hawak ko at nahiga sa kama.

Kinuha ko ang libro na pinahiram sakin ni Lexie at binuklat. Tumingin pa muna ako kay Noah at ng makita syang nakatingin sakin eh agad ko syang inirapan.

'Bahala ka dyan. Hindi kita papansinin.'

"Babe." pagtawag nya pero hindi ko sya pinansin at nagbasa nalang.

"Babe!" pagtawag nyang muli. Umirap ako at muling nagbasa.

"Babe naman eh!" nagmamaktol na sabi nya.

"Baby!" sabi pa nya.

"Ulul. Baby mo muka mo." bulong ko na ako lang ang nakakarinig.

Nilipat ko ang pahina ng librong binasa ko at doon itinuon ang atensyon. Nakuha ng libro ang atensyon ko at kunot noo ko itong binasa dahil sa intense na kaganapang nababasa ko sa libro.

"Lisheine." napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses nya.

Nakita ko ang kalahati ng muka ni Noah dahil nakatakip ang kalahati ng libro sa muka nya. Napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa lapit ng muka nya.

Hinawakan nya ang librong hawak ko at kinuha. Nilapag nya yun ng dahan-dahan sa kama dahil sigurado akong kakatayin sya ni Lexie pag sinira o nalukot ang libro nya.

Muli akong napalunok ng mag-sink in samin ang posisyon naming dalawa. Nakaibabaw sya sakin at ako na naman ang nasa ibaba.

Ngumuso sya at ibinaba ang muka nya. Hinalikan nya ng mabilis ang labi ko at pati na rin ang noo ko.

"Wag ka ng magalit sakin Lisheine. Mamaya naman tayo bababa eh." nakangusong sabi nya.

Inirapan ko sya at nag-iwas ng tingin. Muling nagwala ang mga insekto sa loob ng tyan ko at bumilis ng husto ang tibok ng puso ko. Ibang klase ka talagang lalaki ka! Galit ako pero kinikilig pa rin talaga ko.

"Lisheine! Wag ka ng magalit please!" sabi nya at ibinaba pa ang muka at kinuskos ang pisngi nya sa pisngi ko.

'Punyeta! Ano ka pusa!?'

Hindi ko pa rin sya pinansin at hinayaan syang maging pusa saglit. Etong lintik na to kung ano ano ng pinag-gagagawa sa buhay eh no?

"Lisheeeiiineee!!" makulit na pagtawag nya sa pangalan ko at hinawakan pa ang pisngi ko at pinaharap sakanya.

Lalo syang ngumuso at muling ibinaba ang muka para halikan ang labi ko. Paulit-ulit nya yung ginawa hanggang sa samaan ko na sya ng tingin.

'Tamang papak lang sa labi ko eh no?'

Tumigil sya at lalo lang ngumuso. "Wag ka na kasing magalit sakin." nakangusong sabi nya.

"Gusto ko nga kasing bumaba. Bakit ayaw mo?" kunot noong tanong ko. 

Nagulat ako ng tuluyan nyang higaan ang katawan ko at inalagay pa ang muka nya sa tabi ng muka ko.

'Punyeta! Ang bigat!'

"Ano ba! Dun ka nga! Makadagan ka dyan akala mo naman magaang ka." inis na sabi ko. Agad naman nya yung sinunod at niyakap nalang ako.

"Mamaya pa kasi tayo bababa. Makinig ka nalang muna please? Ako naman ang kasama mo eh. Baka pag bumaba tayo dun eh itali tayo ni Scarlette dito sa kwarto." sabi nya na syang nakapagpalunok sakin.

'Grabe naman yun! Itatali talaga?'

"Wag ka ng mainis sakin please? Promise,  bababa tayo maya-maya. Malapit naman ng mag-gabi eh. Alas tres na oh. " sabi nya at isinubsob pa ang muka nya sa leeg ko.

Idinantay nya ang binti nya sa binti ko at niyakap ako ng mahigpit. Pasimple akong ngumiti dahil sa ka-kyutan nya. Nakakainis! Kung sya lang din naman ang manunuyo sakin, hindi ko kayang magalit ng isang oras.

Tumingin ako sakanya at lalo naman syang nag-paawa. Nag-puppy eyes din ang kingina at lalo pang ngumuso.

Muli nyang isinubsob ang muka nya sa leeg ko at napapikit ako ng mariin ng halikan nya ng mabilis ang leeg ko.

Para na naman akong kinuryente dahil sa ginawa nya. Siraulo talaga ang lalaking to.  Argh! Peste.

Inis kong hinampas ang braso nya kaya tumigil sya sa paulit-ulit nyang pag-halik sa leeg ko. Tumingin ako sakanya at lalo naman syang nag-paawa at ngumuso.

Ngumiwi ako at muli syang inirapan. "Ano ba kasi ang ginagawa nila at bakit ayaw nila tayong palabasin?" takang tanong ko.

Pero gaya kanina ay inilapit nya lang ang muka nya at hinalikan ng mabilis ang labi ko. "Malalaman mo nga mamaya ok? Makinig ka nalang kasi sa gwapong asawa mo." sabi nya at hinawi pa ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa muka ko.

Bumuntong hininga ako at muling ngumiwi. "Boyfriend kita Noah. Hindi asawa." sabi ko at inirapan sya.

"Suuuussss!!! Dun na din ang punta nun no! Kung pwede nga lang matagal na kitang pinakasalan eh. Wala ng boyfriend/girlfriend achuchu." sabi nya at ngumiti ng malaki.

"Masyado kang advance mag-isip. Try mo muna kayang isipin ang graduation?" sabi ko at ngumiwi.

Umiling sya at ngumuso. "Hindi ako mahilig tumingin sa mga negative ok? Kung iisipin ko ang graduation eh malulungkot lang ako kase hindi ko na makakasama ang section F. Ilang taon din tayong magkakahiwa-hiwalay nun." sabi nya at ngumuso. Bumungong hininga sya at nalungkot.

'Sana pala hindi ko nalang sinabi.'

"Ayoko pang nahiwalay sakanila. Ayoko pang mahiwalay sainyo." sabi nya at tumingin sakin.

Napalunok ako dahil dun. Oo nga no? Hindi rin pala imposible na magkahiwa-hiwalay kami. Sigurado akong kung hindi sa ibang bansa eh dito din sa Pilipinas ang mga kaklase ko. Pero pwede namang dito nalang kami mag-college lahat di ba?

"Bakit hindi nalang tayo dito mag-college?"  tanong ko at tumingin sakanya.

Kumunot ang noo nya at nagtaka. "Pano tayo makakapag-college sa higaan, babe?" inosenteng tanong nya.

Ngumiwi ako at umirap. Ang sarap-sarap talaga nyang kausap! Peste! Grr!!! Letche ka talaga Noah Crauley!

"Gago! Ang ibig kong sabihin eh bakit hindi nalang din tayo sa MLIS mag-aral! Pwede naman yun di ba?" sabi ko at hinarap sya.

Nakanguso syang tumingin sa kisame at para bang nag-iisip pa. "Pwede din. Kaso di ko alam kung tatanggapin pa ba tayo ng school pag nag-college tayo." sabi nya at muling tumingin sakin.

Kumunot ang noo ko dahil dun. "Huh?" tanong ko.

Ngumuso sya at kumurap-kurap pa muna sakin bago magsalita. "Merong rule dito sa school na to na hindi pwedeng mag-aral ang mga taga-section F sa MLIS pag nag-college na." sabi nya na syang lalong nakapag-pakunot sa noo ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

Nagkibit balikat sya at tumingin ulit sa kisame. "Basta sabi nila bawal daw. Atsaka, madami na daw kasi tayong ginawang kalokohan dun sa MLIS at baka mahawaan natin ang ibang mga estudyante sa pagiging isip bata natin." sabi nya.

"Pinayagan ng chairwoman ang rule na yon?" tanong ko.

Tumango-tango sya at tumingin sakin. "Oo. Kaya nga hindi sa MLIS nag-aaral si Victoria at Cooper eh." sabi nya.

"Eh hindi ba't si ate Victoria ang tagapagmana ng school na MLIS? Eh bakit hindi sya dun pinag-aaral?" tanong ko pang muli.

"Di ko alam eh. Basta pumayag ang chairwoman na ipatupad ang batas na yun sa school. Basta ang kapalit nun ay ang pananatili ng section F sa high school." sabi pa nya.

"Eh bakit nagkakaroon lang ng panibagong section F kapag naka-graduate na ang mga 4th year? Ibig sabihin magkakaroon lang ng section F ang mga 1st year pag wala na tayo dito?" tanong ko.

Tumingin syang muli sakin at tumango. "Oo. Yun din ang isa pa sa mga patakaran sa school na to. At isa pa, kinatatakutan talaga ang section natin ng mga newbie kaya hindi sila gumagawa ng gulo." sabi nya at niyakap ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya. Nagkarambulan na naman ang mga insekto sa loob ng tyan ko at hindi na naman sila mapakali ngayon.

"Tapos, pag may mga bagong nag-enrol na mga estudyante bilang highschools tapos madami ang kasalanan nila sa previous schools nila eh matik ng sa section F ang bagsak nila." sabi pa nya.

"Eh bakit parang maayos naman ang section F? I mean---hindi naman masama ang ugali natin." sabi ko at tumingin muli sakanya.

"Eh kase, hindi naman tayo masasama. Sila lang naman ang nagsasabing masama tayo eh. Kelan ba tayo nam-bully? Nambu-bugbog oo." sabi nya at nagtaas baba ng kilay.

'Hindi ba't mas masakit pa nga ang pambubugbog?'

Pero sabagay, nambubugbug lang naman kami pag sumusobra na sila. Pag may napapahamak samin.

"Atsaka, wala sa bokabularyo namin ang mambuyo ng ka-schoolmate. Biruan lang talaga lahat pagdating sa section F hahaha!" sabi nya at ngumiti ng malaki.

Napatingin ako sa kisame at nag-simulang mag-isip ng kung ano-ano. Sino-sino kaya ang papalit samin? Magiging ganto rin kaya sila kasaya kagaya namin? Sino kaya ang mga magiging officer nila? Mas malala kaya sila samin? O baka mas matino ng kaunti?

"Pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag nag-college na tayo. Pag nagkahiwa-hiwalay na tayo. Ayoko pa. Di ko alam kung pano magsisimula ng wala kayo. Apat na taon ko ring kasama ang mga ungas na yun no." sabi nya at ngumuso.

Napangiti ako dahil sa sinabi nya. "Oo nga pala. Maski nga pala bakasyon ay magkakasama kayo." sabi ko at umiling-iling.

"Naman! Walang makakapaghiwalay satin. Except dito sa letcheng graduation na to. Hays." sabi nya at ngumiwi.

"Ok lang yan. Pag naka-graduate na tayong lahat eh yun na ang magiging unang hakbang para maabot natin ang mga pangarap natin. Atsaka, malay mo, sa iisang university lang tayo mag-aral lahat di ba?" sabi ko at bununtong hininga.

Ewan ko lang kung dito nga ba ko sa Pilipinas maga-aral ng kolehiyo. Hindi kasi imposible na sa ibang bansa ako pag-aralin.

"Wag na nga yun ang pag-usapan natin. Iba nalang." sabi nya kaya napatingin ako sakanya.

Nakanguso na sya habang nakatingin sakin. "Eh anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

Lumapit sya ulit mas niyakap ako ng mahigpit. "Ano bang maganda? Gusto mo bang manuod ng movie?" tanong nya.

Ngumiwi ako at umirap. "Akala ko magku-kwentuhan pa tayo. Yun pala manunuod na." sabi ko at tumingin sa kisame.

"Hmm... Oh sige pag-usapan nalang natin yung tungkol sa future nating dalawa. Saang simbahan mo gustong magpakasal? Ilan ang anak na gusto mo? Sino ang magiging ninang at ninong nilang lahat? Saang bansa tayo titira? Ilang mansyon ang dapat nating ipatayo?" sunod-sunod na tanong nya at ngumiti sakin ng malaki.

Ngumiwi ako para itago ang pag-ngiti. Talaga naman oo! Ako talaga ang gustong makasama ng hinayupak na to eh no? Bat ka ganon, Noah?

"Ang advance mo na naman!" natatawang sabi ko.

Lalo syang ngumuso at hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Ang clingy nya masyado. "Eh sa yun ang iniisip ko tuwing gabi eh. Tapos pag magkasama tayo at tumititig ako sayo, bigla-bigla ko nalang naiimagine na may anak na tayo at inaalagaan mo sila ng sobra." nakangiting sabi nya.

'Anak talaga? Hahaha!'

"Oo nalang, Noah. Masyado kang sigurado sakin." sabi ko.

"Bakit? Hindi ka ba sigurado sakin?" nagtatampong tanong nya.

"Sigurado na. Siguradong-sigurado na. Kaso baka mamaya ay makahanap ka ng iba at ipagpalit mo ko sakanila. Pano kung may makilala kang mas sexy, mas matalino, mas maganda at mas cute kesa sakin?" ako naman ang ngumuso ngayon at tumingin sakanya.

Agad nyang sinalubong ng halik ang labi ko at ngumiti pagkatapos. "Bat ako maghahanap ng iba kung ikaw na mismo yung binigay di ba? Wag mo ngang isipin na may mas maganda at mas sexy sayo! Kahit pornstar pa ang iharap mo sakin eh sayo pa rin ako titingin." natawa ako dahil sa sinabi nya.

"Pornstar talaga? Hahaha!" manyak talaga ang hinayupak na to.

Hindi sya nagsalita kaya tumingin ako sakanya. "Nanunuod ka ng porn no?" naghihinalang tanong ko.

Agad syang namula at umiling ng magkakasunod. "H-hindi ah!" nakangusong sabi nya.

"Weh? Hindi daw? Maniwala!" sabi ko at lalo pa syang inasar.

'Kaya siguro kung ano ano ang pinag-gagagawa ng lalaking to dahil nanunuod sya.'

"H-hindi kaya!" nakangusong pagtanggi nya.

"Talaga? Pano yung hindi?" pang-aasar ko pabat inilapit ang muka.

Agad nyang inilayo ang muka nya at lalong ngumuso.

"Tsk. Oo na! Nakanood na ko dati! Si Chase kasi may kasalanan eh! Nawala tuloy ang pagka-virgin ng eyes ko." sabi nya at ngumuso.

Natawa ako at umiling. "Weh? Pinaulit-ulit mo no?" pang-aasar ko pa.

"Hindi ah! Nahuli din kami ng teacher nun eh. Tapos dinamay pa ko ni Chase. Eh hindi naman talaga ko kasama dun! Sila-sila lang." sabi nya at lalong ngumuso.

"Talaga lang ha? Eh anong feeling ng nakanood ng ganon ha? Tsk tsk tsk. Manyak ka talaga, Noah." sabi ko at umiling-iling pa.

Hindi pa ako nakakanood ng mga ganun eh. Sila Cole lang ang nagsabi na ang ibig sabihin daw ng porn eh 'ayun'. Tungkol daw sa mga bagay bagay na hindi dapat pinapanood ng mga babae kaya hindi ayaw nilang ipanood sakin ang ganun. Sabi nila marami daw ganun si Louie.

'Naalala ko na naman tuloy sila hays.'

"Hoy! Hindi ko kaya nagustuhan ang panonood ng ganun! Sila lang naman ang may gusto nun eh. Nakakadiri kaya." sabi nya at ngumiwi na parang nandidiri talaga.

"Weh?" sabi ko at kunyari pang nagkunot noo.

"Oo nga! Ang panget panoorin." nakanguso pang sabi nya.

"Panget? Talaga? O baka naman panget yung nags----" naputol ang sasabihin ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko.

"Bad yan Lisheine! Ikaw ah! Nakanood ka na rin no?" nag-hihinalang tanong nya.

Ngumiwi ako at inalis ang kamay nya sa bibig ko. "Hindi no! Pero na-explain na sakin ang nilalaman ng mga ganun kaya alam ko kung ano ang mga nandun." sabi ko.

Nakahinga sya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Akala ko ay nakanood ka na eh." sabi nya at ngumiti.

"Mamaya baka mas magaling ka pa sakin." bulong nya sa sarili na hindi ko gaanong narinig.

"Ha? May sinasabi ka?" tanong ko.

Muli syang tumingin sakin at ngumiti ng malaki. "Wala no! Ang sabi ko, mahal na mahal kita!" sabi nya at hinalikan pa ang noo ko.

Ngumuso ako at tumingin sakanya. "Talaga? Mahal mo ko?" tanong ko.

"Oo naman! Mahal na mahal pa nga eh!" sabi nya at ngumiti ng malaki.

Ngumiti din ako at niyakap sya. "Mahal na mahal din kita." sabi ko at sinubsob ang muka ko sa dibdib nya.

Hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin at hinalikan pa ang noo ko. "Gusto mo bang matulog?" tanong nya.

Umiling ako bilang sagot. "Gusto kong manuod ng movie." sabi ko at at nag-angat ng tingin sakanya.

"Anong movie ang gusto mo?" tanong nya at sinuklay ang buhok ko.

"Ikaw na bahala. Hanap nalang tayo." sabi ko. Agad syang tumango at ngumiti. Bumangon sya kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at pinanood syang maglakad para kunin ang remote at patayin ang video games na nilalaro namin kanina.

Nakangiti kong pinanood ang pag-tabi nya ng mga gamit namin na nakakalat. Sigurado akong hindi sya marumi sa bahay pag naging mag-asawa na talaga kami.

Akala nyo ba si Noah lang ang nag-iisip ng ganun? Syempre ako din no! Ang sarap isipin na sya ang lalaking papakasalan ko, tutulong sakin sa pag-aalaga ng mga magiging anak namin at sya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda.

Masyado syang maalaga at halos sya na ang gumagawa ng mga bagay-bagay para sakin. Ang sweet ng ganun pero ayoko pa rin ng ganun. Gusto ko kung mapapagod sya ay ganun din ako. Tutal parehas naman naming napapawala ang nararamdaman naming pagod.

Tumingin sya sakin at ngumiti ng malaki. Muli syang lumapit at sumampa sa kama at humiga sa tabi ko. Inakbayan nya ko ng makasandal sya sa headboard ng kama naming dalawa.

Lumapit ako sakanya at niyakap ang bewang nya. Sya ang naghahanap ng magandang panoorin habang ako ay pinapanood ko lang ang muka nya. Ang gwapo nya masyado.

Uminit ang buong muka ko ng bigla syang tumingin sakin at ngumiti. Ngumiti din ako ng maliit at muli syang niyakap ng mahigpit.

Bumangon ako at naupo sa tabi nya. Agad nya kong inakbayan kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya at tumingin sa flat screen tv na nandito sa kwarto namin.

Nang matapos sya sa pag-hahanap ay nilapag nya sa kandungan nya ang remote at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan nya yun at pati na rin ang tuktok ng ulo ko.

Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko at nagwala na naman ang mga insekto sa loob ng tyan ko dahil sa ginawa nya. Palagi nya yung ginagawa pero grabe pa rin talaga ang impact sakin nun.

"I love you, baby." mahinang bulong nya.

"I love you too." bulong ko at nanuod nalang kami.

Nanuod lang kami ng nanuod hanggang sa makaramdam ako ng pagkagutom. Kumalam ang sikmura ko kaya napatingin sya sakin.

"Gutom ka na?" tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

Bumuntong hininga sya at hinalikan muna ang tuktok ng ulo ko bago alisin ang pagkaka-akbay sakin.

"Sandali lang, ikukuha kita ng pagkain." sabi nya kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Ako na. May ref naman dun oh." sabi ko at nginuso pa ang ref na nakita ko. Puno rin yun ng pagkain ng tignan ko.

Ang alam ko eh si Noah ang nagpalagay nito. Baka nagugutom sya sa tuwing gabi kaya nagpalagay nalang sya ng ganun.

Binitawan ko ang kamay nya at bumangon. Umalis ako mula sa pagkakaupo sa kama at nagtungo sa ref na nandito.

Kumuha ako ng pagkain para saming dalawa at ng makuha ko ang mga gusto ko ay muli akong lumapit sakanya.

Nilapag ko ang isang box ng donut na nakitanko at pati na rin ang inumin na nagustuhan ko. Sumampa akong muli sa kama at nag-kumot.

Muli nya kong inakbayan pero yumuko ako para kunin ang box na nasa gilid. Nilapag ko yun sa kandungan ko at kinuha amg dalawang zest-o choco na gusto kong inumin.

Binigyan ko sya ng isa at nag-cheers pa kaming dalawa. Napailing nalang ako at muling sumandal sa braso nya.

Kumuha sya ng isang donut at inilapit sa bibig ko. Kumagat ako dun at ng matapos ay kumagat din sya. Kunot noo akong nanunod habang sya ay panay ang subo sakin ng donut kahit na may hawak akong isa.

Muli akong kumagat sa donut ng itapat nyabyun sa bibig ko. Uminom ako sa inumin ko at kumagat din sa donut ko. Tinapat ko rin ang kinainan ko sa bibig nya pero umiling sya at ngumuso.

"Ayaw ko nyan." nakangusong sabi nya. Napa-poker face ako dahil dun.

"Bakit? Dahil may kagat ko na? Arte mo naman." sabi ko at inirapan sya.

"Hindi no! Mas gusto ko kasi yung mismong kumagat sa donut." sabi nya at nag-taas baba ng kilay at ngumisi.

Magsasalita na sana ako para barahin sya ng bigla nyang ilapit ang muka at marahang halikan ang labi ko.

Natigilan ako at hindi agad nakagalaw. Siraulo talaga ang lalaking to. Nagu-usap pang kami kanina pero ngayon eh nang-hahalik na naman.

Kinagat nya ang ibabang labi ko. Parang kinuryente ang katawan ko dahil sa ginawa nya. Napakurap-kurap ako ng makitang nakapikit pa rin sya at patuloy na hinahalikan ang labi ko kahit na hindi ako tumutugon.

Napailing nalang ako at nag-simulang halikan sya pabalik. Naramdaman ko na naman ang pag-ngiti nya at muli nyang kinagat ang ibabang labi ko bago ilayo ang muka.

"Sarap ng donut." sabi nya at tumawa.

Uminit ng husto ang buong muka ko dahil sa sinabi nya. "Sarap manapak ng manyak." sagot ko at ginaya pa ang tono ng pananalita nya.

Agad syang ngumuso na syang ikinairap ko. "Napaka-sadista talaga ng asawa ko hays." umiling-iling pa sya bago ako akbayang muli at isinandal pa nya ang ulo ko sa balikat nya.

Ngayon naman au ang straw na ng inumin nya ang tinapat nya sa bibig ko. Sumipsip ako ng kaunti at muli nalang nanuod.

Naubos namin ang donut at natapos naman na ang palabas. Tinamad na kong manuod at humikab.

"Bakit hindi ka na nagtatali ng buhok, babe?" tanong ni Noah ng patayin na nya ang tv.

Muli syang nag-linis at kinuha ang mga pinagkainan namin at itinapon sa basurahan. Naupo ako sa kama at ngumuso.

"Bakit? Hindi na ba ko maganda dahil hindi na ko nag-aayos?" tanong ko na syang tinawanan nya lang.

"Anong hindi? Baka nga kahit mag-pakalbo ka eh maganda ka pa rin." sabi nya at kumuha ng suklay na syang ipinagtaka ko.

Kagaya nga ng sinabi ko dati ay hindi pa ko ulit nakakapag-pakulay ng buhok. Ipapaayos ko nalang pagka-nakauwi na kami.

Sumampa sya sa kama at naupo sa tabi ko. "Para saan ang hawak mong suklay?" tanong ko at tumingin sakanya.

Tinignan nya ang hawak nya at tumingin sakin. "Para sa buhok." nakakagagong sagot nya.

'Para nga naman sa buhok yan Lisheine.'

Inirapan ko nalang sya at nginiwian. "Kelan ka pa nag-suklay ng buhok mo? Eh ako nga ang taga-ayos nyan." sabi ko.

Lumapit sya at hinawakan ang balikat ko. Pinatalikod nya ko na lalong ipinagtaka ko.

"Kaya nga ako naman ang mag-aayos sa buhok mo. Tapos ayusin mo rin ang akin." sabi nya at hinalikan pa muna ang pisngi ko bago lumahod sa kama at sinimulang suklayin ang mahaba kong buhok.

Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi. Bumilis na naman ng sobra ang tibok ng puso ko at nagwala na naman ang mga insekto sa loob ko dahil sa ginagawa nya. Ang sweet nya masyado.

Tumikhim ako at hindi pinansin ang pag-init ng buong muka ko. "Kelan ka pa natuto ng ganyan?" tanong ko habang nakatingin sa may terrace. Maliwanag pa rin sa labas dahil hapon na. Siguro ay alas kwatro na ng hapon.

"Nung nakaraang araw lang. Nanuod ako sa youtube kung pano ayusan ang buhok ng babae. Gusto ko kasing ayusan ang buhok mo eh." sabi nya pa.

"Bakit? Eh marunong naman ako." sabi ko.

"Wala lang. Gusto ko lang gawin ang mga bagay na to sayo. Gusto kitang alagaan kaya maski ang buhok mo eh aalagaan ko rin hihi." sabi nya at hinati sa gitna ang buhok ko.

'Ano kayang ipit ang gagawin nya?'

"May mga panali ka ba ng buhok?" tanong ko.

"Oo. Bumili ako kanina ng madaan ko yung mga nagtitinda ng kung ano-ano. Ang ku-cute nga eh. Sigurado akong bagay yun sayo. Binigyan ko rin ang iba nating mga kaklaseng babae." sabi nya na syang ikinangiti ko.

"Pero sinobrahan ko ang sainyo ni Waina. Alam mo bang mangiyak-ngiyak ang batang yun habang inaabot ko sakanya ang sampung pirasong ipit?" pagku-kwento nya.

Muli akong napangiti dahil dun. "Madali kasing pasiyahin si Waina kahit na sa maliliit na bagay ay tuwang-tuwa na sya." sabi ko habang nakatingin sa may tearrace.

"Mm. Alam mo ba? Sabi nila pag madali kang pasiyahin sa mga bagay-bagay eh marunong ka daw makuntento." sabi nya.

"Talaga?" tanong ko.

"Mm. Kase para bang malaking regalo na sayo ang binibigay ng tao. Yung ayos na sayo ang lahat ng nasayo kaya pag may dumagdag ay lubos ang pasasalamat at ang saya na nararamdaman mo." sabi nya na syang ikinangiti ko.

"Parehas pala kayo ni Waina ano? Madali ka ring pasiyahin eh." sabi ko at ngumiti kahit hindi naman nya yun nakikita.

"Kuntento na kasi ako sa mga nakukuha ko eh. Nakuha na kita at wala na kong ibang hihilingin pa kundi ang makasama ka. Kaya sa tuwing may mga bagay na dumadating sakin eh sobra na ang saya na nararamdaman ko. Lalo na pag mula sayo." sabi nya at hinalikan pa ang tuktok ng ulo ko.

'Huuuuu!!! Noah naman eh! Bat ka ganyan? Kainis ka ah!'

Palagi nalang syang ganyan. Puro salita pero mas naaangatan ng gawa. Ilang beses ko na ba syang nakitang tumitig sa ibang babae? Wala pa. Palagi kong naaagaw ang atensyon nya. Baka nga hindi ko naaagaw eh. Nasakin lang talaga ang atensyon nya.

Sa tuwing may dadaan na ibang babae ay palagi ko syang nahuhuling nakatitig pa rin sakin habang nakangiti. Minsan nga kinukuhanan pa nya ko ng litrato.

Napangiti ako dahil sa mga naaalala ko. Sinasabi nyang mahal na mahal nya ko pero mas pinaparamdam nya sakin yun. Hindi na nga nya ata kailangan pang sabihin na mahal nya ko eh.

"Lisheine? Bakit hindi ka na nagsasalita dyan?" tanong ni Noah. Ngumiti ako at umiling.

"Wala lang. Naaalala ko lang lahat lahat." sabi ko at ngumiti.

"Ano ang mga naaalala mo?" mahinahong tanong nya.

"Yung mga araw na palagi mong pinaparamdam sakin na mahal na mahal mo ko. Yung pag-aasikaso mo sakin. Yung pag-liligtas mo sakin. Lahat naaalala ko." sabi ko at nag-indian sit.

"Bakit mo naman sila naaalala?" tanong ni Noah.

Nagkibit balikat ako bilang sagot. "Hindi ko alam eh. Bigla nalang silang magsibalikan sa ala-ala ko. Pinapaalala na naman nila kung gano ako kamahal ng lalaking kasama ko ngayon dito sa kwarto." sabi ko at muling ngumiti.

Narinig ko ang pag-hagikhik nya. Kinikig na naman amp. "Kinikilig ako Lisheine." makulit na sabi nya.

Napailing ako dahil dun. "Kinikilig din ako Noah." sabi ko at ngumiti ng malaki kahit na hindi naman nya yun nakikita.

"Pero mas kikiligin ka pa mamaya." kumunot ang noo ko ng marinig syang mag-salita. Hindi ko gaanong narinig yun dahil mahina ang pagkakasabi nya.

"Huh?" tanong ko.

"Wala. Sabi ko wag kang malikot para hindi masira ang ginagawa ko sa buhok mo." sabi nya at ngumiti.

"Ano nga ba ang ginagawa mo sa buhok ko, babe?" tanong ko at tumingin sa paligid para mag-hanap ng salamin.

"Iniipitan nga. Paulit-ulit naman ang babaeng to oo. Tsk tsk tsk." sabi nya. Ngumiwi ako at umirap.

"I mean----anong klaseng ipit ba ang ginagawa mo sa buhok ko." sabi ko.

"Ahh. Hindi ko alam ang tawag dito eh." sabi nya.

Ngumuso ako at bumuntong hininga. Sayang. "Pero alam mong gawin? Baka mamaya ay magkabuhol-buhol ang buhok ko nyan ah!" sabi ko.

"Hindi ah! Maingat ko kayang inaayusan ang buhok mo." sabi nya. 

'Mukang seryoso talaga sya sa ginagawa nya ano?'

"Buti naman. May tanong nga pala ako, Noah Crauley." sabi ko at nagpalumbaba.

Inis kong tinapik ang kamay nya ng hilahin nya ang buhok ko. "Sinabi na kasing wag kang malikot eh." inis na sabi nya.

"Wag mo ngang hilahin! Masakit ah!" sabi ko kahit hindi naman talaga masakit. Mahina lang naman ang pagkakahila nya eh. 

Bahagya kasi akong yumuko dahil nga nagpalumbaba ako. Narinig ko ang Singhal nya na syang ikinairap ko. "Tsk. Sorry. Ang kulit mo kasi eh." sabi nya at muling hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Bumilis nag tibok ng puso ko at nagwala na naman ang mga insekto sa loob ng tyan ko dahil sa ginawa nya. Ngumuso ako para pigilan ang pag-ngiti. "Masakit pa rin. Kiss mo ulit." sabi ko at nag-pigil ng tawa.

'Ikaw ba yan Lisheine? Para kang tanga hahaha!'

Muli naman syang yumuko at hinalikan ulit ang tuktok ng ulo ko. "Di na masakit?" tanong nya.

 Tumango ako ng sunod-sunod bilang sagot. "Hindi na." nakangiting sagot ko.

"Masakit ang labi ko, Lisheine. Kiss mo rin." sabi nya na syang nakapag-pangiwi sakin.

"Sapakin ko nalang para di na masakit." sarkastikong sabi ko.

"Hmp. Sadista mo." sabi nya. Sigurado akong nakanguso na naman to.

"Hmp. Manyak mo." sagot ko at ginaya pa ang tono ng pananalita nya.

"Eh di wow." sabi nalang nya. Ngumiwi ako at tumingala.

 Nakita ko ang masama nyang tingin sakin dahil sa ginawa ko. "Sabi ko wag kang malikot eh." inis na sabi nya. Gigil na dahil sa kakulitan ko.

"Sabi mo gusto mo ng kiss?" parang batang tanong ko.

Nawala ang masama nyang tingin at pumula ang buong muka. "Iki-kiss mo ko?" tanong nya.

Tumango ako bilang sagot. Ngumuso sya at ibinaba ang muka. Sabi ko ako ang hahalik pero sya naman tong humalik sa labi ko. 

Saglit lang ang halik na yun at agad naman nyang inilayo ang muka nya. Nakangiti na sya ngayon na para bang tuwang-tuwa. "Wag ka ng malikot ha?" sabi nya. Tumango ulit ako ng sunod-sunod at umayos na ng upo.

"Good girl." sabi nya na syang ikinailing ko.

Ngumiti ako at hinayaan nalang syang kalikutin ang buhok ko. Masyado nya talagang sine-seryoso. Gusto ko tuloy Makita ang ginagawa nya.

Napataas ang kilay ko ng maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng hairspray. "May hairspray ka ring binili?" gulat na tanong ko.

"Oo. Sabi ni Chase yun daw ang ginagamit ng mga babae para hindi magulo ang buhok nila eh." sabi nya.

"Konti lang ha? Baka tumigas ng sobra ang buhok ko." sabi ko.

"Aye aye, baby! Ako nalang ang magpapaligo sayo kung sakaling tumigas nga ng sobra ang buhok mo." sabi nya. Napangiwi ako at sumama ang tingin kahit hindi naman nya yun nakikita.

"Gago!" sigaw ko na syang tinawanan nya lang.

"Joke lang! Di ka naman mabiro hihihi." makulit na sabi nya na syang nakapag-pangiwi sakin.

Tumahimik kaming dalawa at hindi ko na muna sya dinaldal pa dahil mukang seryoso talaga sya. Sa susunod ay isa-suggest ko kay Noah na m-bukas sya ng sarili nyang parlor. Isama na rin nya ang boys ng section F para masaya. Sigurado akong napa-cute nila nun hihihi.

Tapos mga nakasuot din sila ng mga kulay pink na apron at kulay pink din ang kulay ng paligid. Tapos puro may kulay ang buhok nila hahaha! Ano ba tong iniisip ko dito? Hahaha.

Maya-maya ay napahikab ako. Medyo inaantok na ko. Grabe! Kaya pala naming makulong dito ng isang buong araw? Pero, sigurado sya? Si Scarlette ang nagsabi na wag muna kaming lalabas? Eh di ba muntik na nya kaming katayin ni Noah ng malaman nyang natutulog kami sa iisang kama? Buti nalang ay may tiwala sya saming dalawa.

"Inaantok ka na babe?" tanong ni Noah. Ngumuso ako tumango.

"Mm." sagot ko.

"Sandali nalang to. Malapit ng matapos. Matulog ka na muna saglit pagkatapos kong ipitan ang buhok mo." sabi nya.

"Baka magulo ang buhok ko. Atsaka, di ba bababa pa tayo?" tanong ko.

"Ayos lang na gumulo ang buhok mo no. Maganda ka pa rin kahit muka kang baliw." sabi nya. Sumama ang tingin ko dahil dun. Insulto ba yun o papuri?

"Atsaka, gigisingin nalang kita pag bababa na tayo." sabi nya.

"Weh? Baka mauna ka na naming bumaba dyan!" sabi ko.

"Hindi ah! Ako nga ang gigising sayo di ba? Sabay tayong pupunta sa kinaroroonan nila." sabi nya at bumaba sa kama. 

Napatingin ako sakanya ng humarap sya sakin. Ngumiti sya ng malaki ng pasadahan ng tingin ang muka ko. "You're insanely beautiful, Lisheine." nakangiting sabi nya at bahagya pang inayos ang buhok ko para magkaroon ng konting style.

Ngumuso ako ng maramdaman ang pag-init ng muka ko. "Gusto kong Makita ang sarili ko hehehe." sabi ko.

Agad nyang nilahad ang kamay nya kaya inabot ko yun at tumayo. Iginiya nya ko papunta sa may dressing mirror na nandito. Pinasadahan ko ng tingin ang buhok ko. Hinawakan yun ni Noah at inilagay sa balikat ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ng makita kung gano kaganda ang ginawa nya sa buhok ko. Napalunok ako ng sunod-sunod at parang ayaw ko ng alisin ang tingin ko sa itsura ko dahil sa ginawa ni Noah.

"Oh shit! Babe! Why are you crying huh? Ayaw mo ba? Pangit ba?" kinakabahang tanong nya at hinawakan ang dalawang balikat ko at pinaharap sakanya.

Ngumiti ako at umiling. "No. Napakaganda ng ginawa mo." sabi ko at tumitingin sa mga mata nya.

"Eh bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nya.

Umiling ako at ngumiti ulit. "Because you gave me a new reason to love the original style of my hair." sabi ko at niyakap sya.

"Thank you. Lahat nalang ng ayaw ko inaayos mo. Una yung birthday ko. Ngayon naman yung buhok ko." sabi ko at napalunok.

"You never failed to make me fall for you, Noah. Palagi nalang." sabi ko at umiling-iling pa.

Niyakap nya ko pabalik at hinalikan pa ang sintido ko. "You are always welcome, babe. At isa pa, mas gugustuhin kong mahal mo ang totoong ikaw dahil ako, buong Lisheine ang minamahal ko." sabi nya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

"You teach me how to love myself. So gusto kong ganun din para sayo." sabi nya at bumuntong hininga.

Humiwalay sya sa yakap at hinawakan ang muka ko. "I love you." mahinang sabi nya at ngumiti habang nakatitig sa mga mata ko.

Ayun na naman ang natural na kinang sa mga mata nya. Para na naman syang nakakita ng maraming makikinang na bituin. Ngumiti ako sakanya habang nakatitig din sa mga mata nya.

"I love you too." 

......

"Li? Li gising na!" nagising ako dahil sa mahinang yugyog na nararamdaman ko. 

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at kinusot din yun ng Makita ang maliwanag na ilaw. "Lexie?" tanong ko.

"Mm! Ako nga! Gising na. Bababa na tayo." nakangiting sabi nya.

Agad akong napaupo at tumingin sa paligid. "Nasan si Noah?" tanong ko.

"Nandun na. Pinasundo ka nila sakin." nakangiting sabi nya.

"Huh? Ano ba talaga ang nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

Ngumiti sya at umiling. "Malalaman mo rin. Ngayon, bumangon k ana dyan at mag-ayos. Espesyal ang araw na tayo para sainyo." nakangiting sabi nya.

"Huh?" kunot noong tanong ko.

Umiling sya at bumuntong hininga. "Sige na Li. Kung gusto mo talagang malaman, mag-ayos ka na para makababa na tayo." sabi nya at ngumiti ulit ng malaki.

Napanguso ako at tumango. "Sige na nga." sabi ko na syang nakapag-pangiti sakanya.

Maglalakad na saana ako papunta sa closet ko ng bigla syang may iabot na box. "Yan ang isuot mo. Si Noah ang bumili nyan." nakangiti pa ring sabi nya na para bang excited na ewan.

Hindi na ko nag-tanong pa at tumango nalang. Kinuha ko ang box at dinala sa cr. Naguguluhan man ay may kung ano sa loob-loob ko ang nae-excite na ewan. Para bang may mangyayaring ewan ngayon. Hays.

Umiling nalang ako at tinignan ang buhok ko. Napanguso ako dahil baka magulo ko yun. Umiling nalang ako at nag0hilamos ng muka, nag-sipilyo, at nag-mouthwash. Nang matapos ay kumuha ako ay sinubukan kong lagyan ng hair net ang buhok ko para hindi mabasa. Nang matapos ay naglinis lang ako ng katawan.

Natapos ako sa paglilinis ng katawan ko at nag-bihis na ng damit. Inalis ko na ang hair net at buti nalang  hindi nagulo ang buhok ko. Tumingin pa muna ako sa sarili ko at namangha dahil sa naging kinalabasan.

Ngumiti ako sa salamin bago lumbas sa cr. "Eto ang sapatos mo Li oh." sabi ni Lexie na nakaupo sa may dressing mirrot. Lumapit ako sakanya at kinuha yun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi nya.

Kumunot ang noo ko pero umiling lang sya at umalis sa upuan. Naupo ako dun at sinuot na ang sapatos. Nang matapos ay naglagay ako ng kaunting make up sa muka at ngumiti ng Makita ang itsura ko.

"Napakaganda mo Li." napatingin ako kay Lexie na nakatingin pala sakin. Ngumiti ako at nahiya.

"S-salamat." sagot ko at pinasadahan ng tingin ang kabuoan nya. Naka-dress sya na talaga naming bumagay sakanya.

"Ang ganda mo Lexie." nakangiting sabi ko. Namula sya ng sobra at napanguso.

"Bola!" sabi nya. Umiling nalang ako at ngumiti.

"Totoo. Napakaganda mo." nakangiting sabi ko. Lalo syang namula at hinampas ang braso ko.

'Aray ha!'

"Tamoto si Li nagpapakilig hahaha!" sabi nya at lumapit sakin.

"Ang ganda ng buhok mo Li. Sinong nag-ayos ni----" naputol ang sasabihin nya ng hawakan ko ang kamay nya ng tangkain nyang hawakan ang buhok ko.

Nakanguso akong tumingin sakanya. "Wag mo hawakan Lexie hehehe. Si Noah ang gumawa nyan." nakangiting sabi ko.

Nanlaki ang mata nya dahil sa gulat. "Seryoso? Sya talaga?" gulat na tanong nya at ibinaba ang kamay. Binitawaan ko ang kamay nya at ngumiti.

"Oo. Hindi din ako makapaniwala na nagawa nya to hehehe." sabi ko.

Ngumiti naman sya at tumango-tango. "Ang ganda ng gawa nya. Kaya pala namigay sya ng hairclips kanina para saming mga girls. Sabi nya binilhan nya rin kami dahil namili sya para sayo." nakangiting sabi nya na masaya habang nagku-kwento. 

"Kaya nga. Nai-kwento nya sakin kanina." sabi ko.

Bumuntong hininga sya at nagulat ako ng biglang mangilid ang luha sa mga mata nya habang nakangiti. "I'm so happy for you, Li." nakangiting sabi nya.

Ngumiti ako at hindi makapa ang dapat na sabihin. Ang wirdo nila ngayon. Hindi ko sila maintindihan.

Ngumiti sya muli at inalok ang kamay nya. "Tara na, hinihintay na nila tayo. Lalo na ni Noah." sabi nya.

Inabot ko ang kamay nya at tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas na kami sa kwarto naming ni Noah.

Sumakay kami sa elevator at saktong Nakita namin si Leslie na nakasakay sa elevator. Kasama nya si Wade pero magkalayo sila. Himala ata yun! Nagulat pa sya dahil sa itsura naming dalawa.

"What's the event tonight?" pambungad na tanong nya.

"Tonight is Lisheine's special night." nakangiting pag-sagot ni Lexie sakanya. Bahagya pa syang nagulat dahil si Lexie ang sumagot. Maski ako ay hindi ko alam kung ano ang ganap ngayon.

"Really? Happy birthday!" masayang sabi nya.

Nagpigil ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Agad syang napasimangot ng Makita ang reaksyon ko. "Gaga hindi ko birthday ngayon." sabi ko at umiling.

Umirap sya at ngumuso. "Malay ko ba! And hey! Who's your hairstylist? Your hair is so pretty!" nakangiting sabi nya.

Ngumiti ako at tinignan ang buhok ko. "Yung boyfriend ko." sabi ko.

Nanlaki ang mata nya dahil sa pagkagulat. "Si Noah? Ghad! He's so galing huh! I hope may lalaki ring mag-aayos ng buhok ." nakangiting sabi nya.

"Magaling mag-ayos ng buhok si Jayden, try mo sakanya." pag-singit ni Lexie kaya tumingin ako sakanya. Nakangisi sya ng nang-aasar kaya bahagya akong natawa.

Agad na namula si Leslie at umirap bago mag-crossed arms. "Duh! J-jayden? Are you kidding me?" inis na sabi nya.

"Oo nga! Minsan na nyang inayos ang buhok ni Scarlette eh." sabi ni Lexie.

Tumikhim si Wade sa gilid kaya sakanya naman kami napatingin. Sumeryoso sya bigla at tumingin din samin. "What?" inis na tanong nya.

Nagkatinginan kami ni Lexie at sabay na umiling. Ngumisi kaming dalwaa at nanahimik. "Sama kayong dalawa, ok lang naman kung may bisita eh." sabi ni Lexie. "Really? Pwede kami?" nakangiting tanong ni Leslie.

"Oo naman! Hindi naman kayo mang-gugulo eh. At isa pa, may munting salo-salo sa rooftop." sabi ni Lexie.

"Alright! Sasama ako! Hihihi!" sabi ni Leslie.

Ngumiti ako sakanya at sinuklian naman nya yun. Ngayon, unti-unti ko ng nakikita yung kaibigan ni Lexie dati. Yung mabait na Leslie. "How about you Wade?" tanong ni Lexie.

"Hindi ako sasama." walang emosyong ssabi nya.

"Sayang, inaasahan ka pa naman ni Scarlette dun." iiling-iling na sabi ni Lexie.

Agad na napatingin sakanya si Wade dahil dun. "What? Don't fool me, Lexie." inis na sabi ni Wade.

"I'm not fooling around, Wade. She said she wants you to come in on our mini-event because she wants to talk to you." seryosong sabi ni Lexie.

Napalunok si Wade dahil sa sinabi ni Lexie. "F-fine, i'm coming." sabi ni Wade at nanahimik.

"That's good to hear." sabi ni Lexie. Agad akong apatingin kay Leslie ng bigla itong nanahimik.

"Inaantok na pala ko, parang gusto----" naputol ang sasabihin ni Leslie ng biglang tumunog ang bell ng elevator. Indikasyon na nasa rooftop na kami.

Napalunok ako at may kung anosa loob ko ang kinakabahan na ewan. Agad na ngumiti si Lexie at inabot ang kamay nya sakin.

"Tara na Li. Hinihintay ka na ng lahat." nakangiting sabi nya.

"Lalo na ng lalaking may pakana ng lahat ng to."

+-+-+

To be continued....

Lisheine's Hairstyle:
Hairstylist: Her husband named Noah Crauley

Lisheine's Dress:
Sponsor: Her husband named Noah Crauley

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 48.4K 73
Highest rank reached in humor category: #3 as of Dec.6 ,2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends." ...
194K 4.9K 24
Pag nerd ba pangit na agad? Pag nerd ba may pimples na agad? Pag nerd ba losyang? pag nerd ba wala ng confidence? Pag nerd ba AKO na agad? Agad-agad...
235K 11.5K 45
A school that would be your Slaughter, bloodshed. Full of evil and full of mystery. Mga nagkalat na halimaw, at walang pusong nilalang ang makakasalu...
13.2M 239K 89
WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who pledged loyalty to the Takehashi Clan. I...