Capturing the Model's Heart R...

By felicitousapple

39.6K 1.1K 106

Star Shine Rivera, is the star of Rivera Family. She's a famous star model, but no one knows the history of h... More

Capturing the Model's Heart
Prologue
CAPTURE ONE
CAPTURE TWO
CAPTURE THREE
CAPTURE FOUR
CAPTURE FIVE
CAPTURE SIX
CAPTURE SEVEN
CAPTURE EIGHT
CAPTURE NINE
CAPTURE TEN
CAPTURE ELEVEN
CAPTURE TWELVE
CAPTURE THIRTEEN
CAPTURE FOURTEEN
CAPTURE SIXTEEN
CAPTURE SEVENTEEN
CAPTURE EIGHTEEN
CAPTURE NINETEEN
CAPTURE TWENTY
CAPTURE TWENTY-ONE
CAPTURE TWENTY-TWO
CAPTURE TWENTY-THREE
CAPTURE TWENTY-FOUR
CAPTURE TWENTY-FIVE
CAPTURE TWENTY-SIX
CAPTURE TWENTY-SEVEN
CAPTURE TWENTY-EIGHT
CAPTURE TWENTY-NINE
CAPTURE THIRTY
CAPTURE THIRTY-ONE
CAPTURE THIRTY-TWO
CAPTURE THIRTY-THREE
CAPTURE THIRTY-FOUR
CAPTURE THIRTY-FIVE
CAPTURE THIRTY-SIX
CAPTURE THIRTY-SEVEN
CAPTURE THIRTY-EIGHT
CAPTURE THIRTY-NINE
CAPTURE FORTY
Epilogue

CAPTURE FIFTEEN

795 23 0
By felicitousapple

Capture Fifteen

Nakahalukipkip akong pinapanood at pinapakinggan ang mararahas na paghampas ng mga alon, rito sa may veranda. Para sa iba it will be a distraction, but for me? It makes me calm.

I close my eyes as the sea breeze blow my face. Bahagya pang nakisayaw sa hangin ang aking maalon na buhok. The air is salty, pero tulad nga ng sabi ko, gusto ko iyon.

Ganito rin kasi ang aking nakasanayan noong nasa Los Angeles pa lang ako. I will go to Malibu early in the morning just to watch the sunrise.

Naging hobby ko na ang gano'n.

Isang huni ng kabayo ang nakapag pamulat sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at lumapit sa may railings. Itinukod ang aking mga braso ro'n.

It's Trayvon...

May hila hila siyang kabayo. Saan galing 'yon? Ang layo ng hacienda rito ah. Hinila niya ang kabayo malapit sa may hose, tingin ko ay papaliguan niya ang isang ito.

Itinali niya sa kalapit na puno ang kabayo upang hindi makawala at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang hinubad niya bigla ang kaniyang pang itaas.

Oh, what.a sight.

Tumalikod na ako at pumasok sa aking kuwarto. Ano bang pwedeng gawin ngayon? I want to enjoy habang napapaligiran pa ako ng mga natural resources dahil the next day...babalik na ako sa siyudad. Puno ng mga umuusok na sasakyan at buildings.

Polluted areas, rather. I really hate it but I have to.

Napabuntong hininga ako at pumasok na sa banyo. What should I do? What should I do? Gusto kong mag swimming pero syempre ayaw ko ng puro swimming lang, gusto ko ring pumunta sa iba pang island.

Pagkalabas ko sa aking silid, nagtungo kaagad ako sa dining area. Kumakalam na ang sikmura ko at naririnig ko rin naman ang kanilang ingay ro'n, bakit hindi nila ako tinatawag? Nakakatampo ha.

Pagkapasok ko ro'n, bumungad sa akin sila Mama, Papa, Kuya and Tanya. Oh? Anong ginagawa rito ng isang Tanya? I heard nagkaroon sila ng alitan ng girlfriend ni Kuya, nagiging bitch na naman ba siya?

Napansin ni Kuya ang aking pagdating kaya kaagad niya akong tinawag upang makakain. Napansin kong may kulang, nasaan ang lalaking iyon? Hindi ba 'yon kakain?

“So, how's Los Angeles Star?” nakangiting tanong sa akin ni Tanya. Ngumiti rin ako ng tipid rito. “It's good.” sabi ko at sinumulan na ang pagkain, ayaw nang maistorbo pa.

“Dark, nasaan si Tray? Bakit hindi pa kumakain? Tawagin mo kaya, ijo.” sabi naman ni Mama, I didn't dare to look at them pero alam naman nilang nakikinig rin ako.

“Sasama raw ho siya sa pangingisda. Gusto raw po niyang kumuha ng tilapia para kay Star.” pareho kaming nasamid ni Mama sa sinabing iyon ni Kuya. Ang tatlo naman ay pinipigilan ang tawa.

Nice, what the fuck?

Pero hindi nga? Sanay siyang mangisda? Hindi halata. “Sanay siya?” biglaang usal ko. Tumingin sa akin si Kuya Dark at tumango. “Yeah, we learned one year ago.” dugtong niya.

“H..hindi ba't mas magandang mangisda kapag may laman ang tiyan? Baka mapano ang isang 'yon, masama ang nagpapalipas ng gutom.” napaisip naman ako sa sinabing iyon ni Mama, pero ano ba ang pake ko? Bahala siya, desisyon niya iyon eh.

“Bakit hindi mo kaya puntahan, Star? Anak. Baka hindi pa naman nakakalayag ang isang iyon. Tutal ay tilapia mo naman ang kukuhanin niya.” si Papa naman ngayon. I glared at him, pero pasimple lang itong nag iwas ng tingin.

“Mukhang ayaw naman ni Star, hayaan niyo na.” si Tanya, seryoso ang mukha habang sinasabi iyon. Oh? Anong problema ng isang ito? Naging sila kaya ni Tray?

I smirk when I think of something. Bilang isa akong pilyang babae, why not make Tanya mad? Uminom ako ng tubig at pinunasan ang aking bibig pagkatapos.

“Manang Soleng?” pagtawag ko sa matanda na mabilis namang nakalapit. “Pakihanda po ng pagkain para kay Tray, dadalhan ko na lang po siya.” magalang na sabi ko, at hindi ko man lingunin ang aking magaling na pamilya, I know they all have their smile of victory on their faces.

Halata naman na pinagtutulakan nila ako kay Tray, but I'm doing this because I want to irritate someone. Hindi ko ito ginagawa dahil sa gusto ko. Ano? Gano'n nalang iyon? I'm not marupok.

Plus, wala naman na kaming feelings sa isa't isa. Let's just say, I'm doing this because I want us to be normal with each other.

Iyong parang sa una lang. We're not friends, and we are not enemies too. Just strangers...with memories.

Nang mailagay na iyon ni Manang sa may basket, kaagad ko iyong kinuha upang madala sa kaniya. Lumabas ako sa may gate, ond of the guards approach and offer a hand, but I refused. Ang gusto nga ay payungan pa ako dahil tirik ang araw pero tinanggihan ko nalang rin.

Ang ginawa ko nalang ay nagtanong kung nakita niya ba si Trayvon. Tinuro niya ang dalampasigan sa harap ng mansion, tiningnan ko iyon at kita ko ang ilang mga bangka na naghahanda nang lumayag.

Nagpasalamat ako kay manong guard bago tumungo ro'n. Mukhang busy talaga sila sa paghahanda kaya kahit nakalapit na ako ay hindi pa rin nila ako napapansin.

I have to cleared my throat pa, para lang mapansin nila. Unang nag angat ng tingin sa akin si Trayvon, kanina ay naka pantalo siya ngayon naka short nalang.

Kumunot ang noo niya at kaagad na binitawan ang hawak na lambat upang makalapit sa akin. Napansin ko rin na halos kasing tanda lang rin pala niya iyong mga kasama niya, puro sila lalake.

“Hindi ba si Star 'yan? Iyong model sa ibang bansa?” I smiled when I heard one of the men said that. So, kilala pala nila ako.

Ngumiti ako sa kanila kaya gano'n nalang rin ang nakita kong gulat sa kanilang mga mata, pero nag iwas sila ng tingin nang makalapit na sa akin si Trayvon.

“What are you doing here?” mariing tanong niya, he even block my view from them. Kumunot ang noo ko at bahagyang itinaas ang basket na may lamang pagkain.

“Pagkain. Hindi ka raw nag umagahan.” sabi ko, I felt him stiffened dahil ro'n ang kaninang pilit kong sinisilip at pilit rin niyang tinatakpan ay nahinto.

I glared at him. Parang gusto ko tuloy sumama na mangisda. “Let's go.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ako? Saan? Sasama ako sa inyo?” medyo natutuwang sabi ko, pero nang makita kong mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay...natigilan ako.

“No. Hindi kita isasama sa puro lalake. We'll going on our own.” sabi niya at kinuha mula sa akin ang basket ng pagkain. Naikot ko ang aking mata, pero sumunod rin naman sa kaniya.

Napuno ng pagtataka ang mukha ng ibang mangingisda, pero nang lapitan at kausapin sila ni Trayvon ay tumango na lamang ang mga ito.

Ngumiti rin ako sa kanila bago kami tuluyang umalis ro'n. Sa laki ng mga hakbang niya, medyo malayo na ang pagitan naming dalawa. Inis akong humabol sa kaniya.

“Saan tayo sasakay?” tanong ko. Tiningnan niya ako pero mabilis rin namang nag iwas. “Sa yate.” sabi niya kaya napanguso ako, gusto ko rin sa bangka, walang thrill kapag sa yatae kami sasakay.

Mukhang napansin niya yata ang naging reaksiyon ko kaya nagtanong muli siya. “Saan mo ba gustong sumakay?” tanong niya. “Sa bangka, hindi pa ako nakakasakay ro'n.” sabi ko.

“Boat, then.” mabilis ang naging desisyon na sabi niya. Muntik na nga akong mapatigil dahil ro'n, pero alam ko naman na ginawa niya lang ito para mag karoon ako ng experience sa bangka.

Iyon lang 'yon, alam ko.

Lumapit siya sa isang mangingisda na sa tingin ko ay kakatapos lang maglayag. Trayvon asked the man if we can rent his boat just for today, marami pa silang napag usapan kaya medyo nagtagal pa kami.

Nangangawit na ako.

Pumayag naman ang mangingisda. Inabutan kaagad siya ni Trayvon ng pera na hindi ko alam na may dala pala siya. Buong akala ko ay kasama namin ang mama pero hindi pala, kami lamang dalawa.

“Sanay ka ring magpa andar?” tanong ko rito. Tumaas ang isa niyang kilay. “Oo, anong gusto mo? Ikaw ang mag papa andar?” inirapan ko siya, nagtatanong lang naman ako.

Narinig ko ang munting pag ngisi niya. “Biro lang, halika na.” sabi niya at naglahad ng kamay sa akin. Kinuha ko naman iyon na parang wala lang, baka kapag tinitigan ko pa iyon na parang nasa isa akong pelikula isipin niya na may gusto pa ako sa kaniya.

Matapos  naming makasakay, kaagad siyang nagtungo sa may harap at pinaupo naman niya ako ro'n sa may gilid. Napatingin ako sa dala kong basket.

“Hindi ka ba kakain muna?” tanong ko. Lumingon siya sa akin at tuluyan na nga kaming umandar. Umiling siya sa akin at ibinalik ang pansin ro'n sa makima. “Sa gitna na ng dagat, para hindi tayo gabihin.” sabi niya kaya napatango na lamang ako.

Bahala siya, basta ako busog na.

It took us almost 25 minutes to get there, kung saan raw siya manghuhuli. Kung paano niya natutunan ang mga ganito ay hindi ko alam at wala na rin akong balak na alamin.

Nakita kong naglalabas na siya ng lambat kaya dali dali akong tumayo upang tulungan siya. “It's fine Star. Ako nalang.” nakangiting sabi niya kaya nag kibit balikat na lamang ako.

I enjoy watching rin naman, pero gaano ba karaming isda ang huhulihin niya? I want to catch fish using the fishing rod, gusto ko 'yon.

“Bakit parang ang dami mong huhulihin?” tanong ko, tiningnan niya ako habang bahagyang naka angat ang gilid ng kaniyang labi. He's amuse, saan?

“I will give some to the man who own this.” sabi niya tinutukoy ang may ari ng bangka. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkamangha. Hindi ko naisip iyon ah, well at least matured na siya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid ng bangka. Hindi ko alam kung napansin niya or talagang pinapa nood niya ang mga bawat galaw ko.

“Need something?” tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at tumango. “Do you have a fishing rod? I want to catch fish too.” sabi ko habang nakahalukipkip, like a princess requesting something I need.

I'm a princess.

“You know how?” taas kilay na tanong niya, at may multo sa kaniyang mga labi.  Umayos ako ng tayo. “Oo naman. Madali lang naman iyon, I will just throw the fishing line then wait for the fish.” paliwanag ko.

Mahina siyang natawa kaya tinaasan ko siya ng kilay. “You can't catch fish if you don't have a bait, Star.” he said, as a matter of fact kaya napangisi ako sa aking naisip.

“Then I will use you.” I smirk after saying that. “Hahaha Star. We all know na masarap ako, pero kapag ako ang ginawa mong pain baka pati sirena niyan makuha mo.” nakangisi at mayabang na sabi niya.

Lumapit ako rito at humalukipkip lamang siya, naghihintay ng aking sasabihin. “Ang yabang mo. Baka nga sa sobrang panget mo wala nang kumagat na mga fish!” sigaw ko sa pagmumukha niya.

“Ouch, alright. Maka panget ka ah, akala mo naman kung sino'ng maganda.” nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi.

Anong ibig sabihin niya ro'n?!

“So anong ibig mong sabihin?! Na hindi ako maganda? Ha!—” I got cut off by his unexpected words. “Maganda. Sobrang ganda.” sabi niya at biglaang nag iwas ng tingin dahil puno na pala ang lambat.

I look away from him at lumapit na lamang sa may basket. Ihahanda ko na lamang ang kaniyang pagkain habang ginagawa niya ang trabaho niya.

Pagkatapos no'n, nakita ko ang kaniyang mga huli. Nakapuno siya ng tatlong timba, pero nakita ko ang kaniyang pag iling. Oh? Don't tell me he's not satisfied na naka full siya ng tatlong timba?

Ang dami na nga niyan eh!

“Lumapit ka na nga rito, anong oras na oh.” sabi ko. Naiinis na dahil Ang bagal bagal kumilos. Bumuntong hininga siya, pero ginawa rin naman ang aking sinabi.

“Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya pero umiling ako. “Hindi kita minamadali because I want to go home na, minamadali kita dahil maghahapunan na hindi ka pa kumakain.” sabi ko habang nakahalukipkip at naka de kuwatro.

He lick his lower lip and bit it after, nagpipigil ng ngiti.  Hindi naman siya kumibo at ginawa nalang ulit ang sinabi ko. Saka lang tumama sa akin na mukha kaming mag asawa, siya bilang padre de pamilya ay naghahanap buhay ito naman ako taga handa ng kaniyang pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay tinulungan niya akong magligpit. Tinanong pa niya ako kung gusto ko pa raw bang manghuli gamit ang fishing rod pero tumanggi na ako. Gusto ko nang umuwi, nawalan na ako ng gana pagkatapos iyong isipin.

Pero bago pa man siya maka punta sa may bandang dulo ng bangka, naisip ko na baka...dito ang tamang lugar upang pag usapan ang tungkol sa nakaraan.

“Hoy...” marahan na pagkakasabi ko, ayaw siyang tawagin sa kaniyang pangalan. He turned to look at me. “We...uh iyong ano...” I cleared my throat, hindi ko alam kung ano ba ang tamang term para sabihin iyon.

Ganito ba?

‘Hoy! pag usapan natin kung bakit mo nilaplap at nilamas ang hinaharap noong babae dati sa mismong harapan ko!’

Ayaw ko niyan. Masyadong brutal.

‘Hoy! Mag usap tayo at tingnan natin kung marupok ba ako kapag nalaman ko ang dahilan mo!’

Ayaw ko rin, hindi na ako babalik sa kaniya. Mukhang hindi na rin naman niya ako gusto, kaya quits na kami.

“Star?”

I flinch when he called me. Umayos ako at matapang siyang hinarap. “Maupo ka. Mag usap tayo.” lakas loob na sabi ko sa kaniya. Bahagyang napa awang ang kaniyang labi matapos ko iyong sabihin, pero alam kong gusto niya rin.

Tumango siya at umupong muli sa harap ko. “Explain your side.” walang emosyon na sabi ko. Ito iyong sinasabi niya noon na dapat pakinggan muna namin ang side ng bawat isa...naghintay ako no'n...naghintay ako na lalapit siya sa akin bago ako maka alis pero walang Trayvon na lumitaw.

I am so desperate to know how...kung bakit niya nagawa iyon, anong...anong dahilan? Bakit gano'n?

Tiningnan niya ako sa mata, gano'n rin ako. Gusto kong makita mismo sa mukha niya ang lahat. “Tanya come to me that night...” I gasped when he first mentioned that bitch's name. So ano? Naging sila nga?

“She told me that you're going abroad the day after.” pagpapatuloy niya. That's a lie! Hindi nga ako pumayag no'n. Pagkatapos ay naghintay pa ako sa kaniya at dahil ro'n na delay ang tunay na flight namin!

“You will go abroad because you wanted to be with that boy, Leo.” mas lalo akong nanggigigil sa aking narinig. What the heck! Kanino naman niya nalaman iyon? Ni hindi nga alam ni Leo noon na pupunta ako ro'n noon!

I chuckled, full of sarcasm. “Wait lang ha...Oo! Sinabi sa akin ni Mama na kailangan naming umalis at pumunta sa L. A. but I refused! I refused because I don't want to be away from you!” bulalas ko, wala nang preno preno.

Nakatitig siya sa akin, bahagyang naka awang na naman ang mga labi. “Who said those? Si Tanya ba? Anong reason niya at bakit ka naman naniwala?!” galit at humahangos na sigaw ko.

Mas mabuti nga na rito talaga kami sa gitna ng dagat nag usap, walang makakarinig. Irritation filled his eyes. Oh? Kanino siya naiirita? Sa akin? Ha!

“Baby, listen to me first.” nagsusumamong sabi niya at kinuha pa ang mga kamay ko. Gusto ko siyang sigawan, pero pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas sa paraan ng kaniyang pag tawag sa akin.

“It's too late when I knew her reason. It's too damn late because you're already rising that time and I don't want to be a hindrance at your dreams...” aniya. Muntik pa akong magulat nang makitang namumula na ang kaniyang mga mata, he's close from crying.

Nanatili lamang akong walang kibo. “Sinabi niya sa akin iyon, at first hindi ako naniniwala, but she showed something to me. It's a voice record. It's your voice alam ko 'yon baby, alam ko iyon. I memorized your voice saying that you're just playing with me...that you truly love Leo and not me. It fucking hurts me, baby...it hurts that it leads me to hurt you too without even thinking. I'm sorry, I'm really really sorry...” mahabang sabi niya.

This time pareho na kaming umiiyak. Umiling ako ng paulit ulit. Gosh, kailan ko iyon sinabi? Hindi ko matandaan! What the heck has gotten into that bitch's mind?!

“H..hindi ko iyon sinabi! Wala akong balak na gan'on! Tray, wala!” nanginginig sa galit na sabi ko.

“Hush, I know baby, I know. She did that because she wants me only for Eloiza. They're crazy...alam ko.” sabi niya na siyang lalo nagpa galit sa akin. They are indeed crazy!

Pakiramdam ko ay puputok na ako ngayon sa sobrang galit. I want to slap someone, at isa lang naman pwede kong masampal sa ngayon...but I don't want to do it.

Sinong hindi maniniwala kapag may voice record tapos kaboses ko? Pero may mali pa rin siya...

“I want to go home. Please...” mariin na sabi ko, malungkot lamang siyang tumango. Pinunasan ko ang aking mukha at pinakalma ang sarili.

Baka atakihin pa ako ng hika rito, malayo pa naman ang byahe. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, sa oras na magkita talaga kami ng babaeng iyon...pasensiyahan na pero hindi yata ako napalaking mahinhin ng Mama ko.

Nagpapasalamat ako dahil hindi naman kami ginabi sa paglalayag. “Star!” hindi ko pinansin si Trayvon at walang pasabing tumalon sa mababaw na parte ng tubig.

Basa na ako pero wala akong pake, I need to find that bitch. “Star, calm down!” mabilis akong nahabol ni Trayvon pero hindi ko siya pinansin.

No one can stop me when I'm already like the hottest star!

Kinalampag ko talaga ang aming gate sa oras na makatapat ako ro'n. Takot at gulat na napatingin sa akin ang guard pero hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang sa loob.

I heard Trayvon telling something to him, pero hindi na ako nag abala pang intindihin iyon.

“Star, ija. Anong mayroon?” si Manang nang makitang ganito ang aking itsura. Ayaw ko nang pumasok sa loob, I don't want my parents to see me like this.

“Where's Tanya, Manang?” habol ang hininga na tanong ko sa matanda. Kumunot ang noo niya pero sinagot rin naman ako. “Nar'yan lang yata sa paligid.” sabi ni Manang, oh thank God wala siya sa loob.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis na dinapuan ng tingin ang bawat paligid. And there she is...

Trayvon is already there, oh anong ginawa ng isang iyon? Sa kaniya ba siya kampi? Just by thinking of that makes me mad even more.

Patakbo kong tinungo ang distansiya nilang dalawa. I smirked when I saw the hose that Trayvon used this morning. Walang pasabi ko iyong kinuha at itinutok kay Tanya.

“Oh My Gad! What the hell, Star?! What is your problem?!” sigaw niya pero patuloy pa rin ako sa pagbasa sa kaniya. “You bitch! Akala mo hindi ko malalaman ang pinag gagawa mo?! Mas masahol ka pa sa may sapak sa utak ah?!” galit na galit na sigaw ko.

“Star, please don't be like this.” si Trayvon na nasa tabi ko na pala pero hindi ako nakinig sa kaniya. “What the hell is going on here?!” malakas na sigaw ni Kuya.

Unti unti akong natauhan kasabay no'n ang aking panghihina. Napaiyak na lamang. Tumakbo naman papa alis si Tanya habang basang basa, yeah you better run for your life.

I drop the hose and was about to drop on the ground to when someone wrapped it's arms around me.

Umiyak lang ako nang umiyak.

“What the fuck is going on here?” galit pero kalmado na tanong muli ni Kuya. No one dare to talk. Trayvon keeps on hushing and whispering some sweet words in my ear.

“I'm sorry, I'm sorry...hush now baby. Stop being like this, this is not you and I don't like this side of you...shh, I'm sorry...” 

Continue Reading

You'll Also Like

79.1K 3K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
136K 2.7K 14
Tác giả:Tử Mạch Thể loại: Giáo sư đại học vẻ ngoài đứng đắn anh rể công X Em vợ biến thái mông to dụ thụ, thịt văn, hiện đại. CP:Cố Thiển X Hạ Hiên N...
677K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
169K 8.2K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...