Hanggang sa Huli (SharTin)

By kittymeowsx

2.1K 215 19

'Di man ako para sayo, puso'y hindi mag babago. - Ilang taon nang mag hiwalay sina Sabrina at Lexter. Muling... More

Simula
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue

8

61 6 2
By kittymeowsx

Thursday came and that means dance compitetion na. Inaayos ni Cindy ang buhok ko ngayon. My hair is braided in to two dahil mataas at makapal ang buhok ko. May ibang one piece lang. Medyo makapal din ang make up namin dahil tatlong set ng sayaw ang sasayawin namin.


Nag dasal kami tapos sumigaw. "GO TEAM!"


Nakarinig kami ng mga hiyawan. Dahil kami na ang susunod na sasayaw. Formation agad kami dahil may timer na two minutes lang para sa preparation. Tumugtog na ang unang kanta naming at nag simula na kaming sumayaw.


Pag tapos ng tugtog, nag hiyawan ulit ang mga nanonood. Nag exit agad kami para mag bihis ng damit.


Nai-raos namin ng maayos ang tatlong sayaw namin at sobrang fulfilling. Lahat ng pagod naming, worth it. Pinatawag kaming lahat na sumayaw at pinapunta sa gitna. Pinabilog kami at nagulat kami sa sinabi ng head namin.


"Dance showdown!" May pumunta sa gitna at nag hahamon ng showdown. Madaming nag showdown at kasali doon si Cindy. Tawa ako nang tawa dahil nag tu-twerk siya. Magaling si Cindy mag twerk pero natawa ako noong hinamon niya si Clarr na namumula. Hindi ako sumali sa showndown kaya tawa lang at pag hanga ang naimbag ko.


We got first place. Some are disappointed but lots of us are happy. Hindi naman big deal kung matalo kami o manalo. Gusto lang naming mag enjoy pero mukhang dinamdam ni Clarr kaya nag walkout ito. Pinabayaan na lang naming at nag group picture kami.


The department head also announced that there will be no class tomorrow. Kaya masaya kaming lahat. May celebration sana kami ngayon pero moved bukas dahil wala namang pasok at kailangan din naming mag pahinga.


Pag uwi ko ng bahay may konting salo salo kami dahil nag first place kami sa dance competition. Dinala ko din sa bahay si Cindy para maki-celebrate. Sumang-ayon naman siya at sumabay sa akin. Mag s-sleepover na din siya dito hanggang Sunday.


Nag k-kwentuhan kami ni Cindy nang maisingit niya sa usapan naming si Clarr. Iyong dance instructor namin na palaging galit pag nag pa-practice kami.


"Anong meron?"


"Hindi ko alam o ako lang ba pero parang galit siya sa atin."


"Palagi naman iyon galit."


"No. What I mean, sa ating dalawa galit."


"Bakit naman siya magagalit sa atin? Wala naman tayong ginagawang masama. Ngayon lang nga tayo nag kakausap kahit matagal na natin kilala ang bawat isa." Sabi ko naman kay Cindy.


"May iba talaga sa babaeng iyon eh. Nararamdaman ko talaga. Pag nalaman ko kung ano 'yon, mas gagalitin ko pa siya." Tapos tumawa siya ng malakas.


Nakatulog si Cindy sa sobrang pagod. Ako naman, nag hilamos muna ako at uminom ng tubig. Tumabi ako kay Cindy at natulog na.


Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Tulog pa rin si Cindy kaya ginising ko siya. Five thirty ang na pag-usapan namin na oras mag kaka-grupo. Alas diyes pa naman kaya nag agahan na kami ni Cindy. Kami lang dalawa ang naiwan at ang mga kasambahay ang naiwan dito sa bahay. May kanya kanyang mga lakad ang tao dito.


Nag movie marathon kami ni Cindy at pag sapit ng alas tres nag-ayos na kami.


Pag tapos kong mag shower, sinuot ko ang damit na pinili ni Cindy para sa akin. Ayoko sanang suotin ang damit na pinili niya pero sabi niyang papatungan ito ng maong jacket ay pumayag na ako. Ang suot ko ay isang spaghetti strap crop top na kulay puti na pina tungan ng maong jacket. High waisted fitted jeans and color black na block heeled sandal.


Cindy also tied my hair into a messy bun. May iilang buhok na naka baba sa mukha ko na hindi naman sagabal sa akin. Tint lang ang nilagay ko at okay na. Halos pareho kami ng suot ni Cindy pero sa kanya ay off-shoulder top na baby blue ang kulay, fitted jeans at block heeled sandals din. Naka braid ang buhok niya at nag lagay siya ng konting make-up.


Sa aming dalawa, si Cindy ang fashionista. Nadadamay langako at ako ang ginagawa niyang manika. Minsan si Ate Sav at mama ang nag-aayos sa akin.


Nang makadating kami sa restaurant, sinalubong kami ng mga ka-club namin.


"Ang gaganda naman! Nakaka-insecure kayong dalawa." Sabin g isa naming kasama. Nahihiya talaga ako pag sinasabihan ako, kahit alam kong maganda ako. Chos!


Kasama namin ang head ng club kaya nilibre niya kami. Tawa kami nang tawa sa mga kwento ng mga kasama namin hanggang sa napunta kami sa mga jowa nila.


"Mukhang walang nag tangkang manligaw diyan kay Cindy dahil ang taray at ang ingay pa."


"Excuse me! FYI, may nanliligaw sa akin."


"Weh?"


"Oo nga!Parang ewan itong si Edam! At ano bang problema mo? May gusto ka sa akin 'no?"


"Ano naman ngayon?" Nag hiyawan ang kasama namin at tinukso sina Edam at Cindy na pulang pula na ngayon. Napatawa naman ako dahil biglang tumahimik si Cindy.


"Itong president natin, may girlfriend ka na ba, pres?" Tumingin kaming lahat kay Lexter.


"Ah wala."


"May nililigawan?"


"Wala din."


"Pero may nagugustuhan?" Hindi ko alam pero biglang tumambol ang puso ko ng bigla siyang tumingin sa gawi ko at iniwas agad ang tingin.


"Meron."


"Oy! Nakita ko 'yon! Pres, bakit ka tumingin kay Sabrina bago sumagot?" Namula ako sa sinabi no'ng isa kaya tinukso kami.


"Ay na aalala ko! Binigyan ni Lex-" Hindi na natuloy ni Cindy ang pag sasalita niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.


"Uyyyyy!"


"Anong binigay mo pres?" Tinukso ulit kami. Binitawan ko ang bibig ni Cindy but I think it's a wrong move.


"Appreciation letter! Binigyan ni Lexter si Saab ng letter." Mas tinukso kami kaya uminit lalo ang mukha ko. Napa-sulyap ako kay Lexter at namumula ang tenga niya at leeg.


Kinurot ko si Cindy pero tinawanan lang niya ako. Bwisit talaga!


Pero dahil nasabi ni Cindy ang tungkol sa letter, nakalimutan ko kung saan ko 'yon nilagay. Hindi ko pa iyon nababasa.


Saan ko nga ba nalagay 'yon?


Pag tapos naming kumain, nag KTV kami. May ibang nag iinom sa amin pero hindi kami sumali ni Cindy. Kahit hindi na uminom itong babaeng 'to, parang lasing din naman ito.


"Hoy si Sabrina hindi pa kumakanta kahit isang kanta." Hinila ako ni Cindy at binigay nag mic. "May pinili na akong kanta." Kinindatan niya ako at lumabas sa screen ang title ng kanta.


Ngumisi siya sa akin. May nag che-cheer pa sa akin dahil sa piniling kanta ni Cindy. Hmp!


"At dahil duet 'yan, siyempre may partner. Lexter, dali!" Na sa tabi ko na si Lexter na napakamot sa tenga niya.


'Di na maalala, pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T'wing ikaw ay kasama


Ako ang unang kumanta tapos ay si Lexter naman.


Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'Di ko malaman ang sasabihin ko


Pag dating ng chorus ay nag duet kaming dalawa.


Pag-ibig nga kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito
(Pag-ibig nga kaya ito)
Hooh... 'pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan


Kahit kumakalabog ang puso ko ay hindi ko pinahalata na kinakabahan ako at baka manginig ang boses ko.


Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan


Pag tapos ng kanta, humiyaw ang mga kasama namin at tinukso kami. Mga bwisit talaga. Siyempre ang nangunguna sa panunukso ay si Cindy at Edam.


Malapit na mag alas diyes nang maka-uwi kami ni Cindy sa bahay namin. Tinutukso pa din ako ni Cindy hanggang sa pag-uwi at sa maka-tulog siya.


Napa-iling nalang ako sa kabaliwan nitong ni Cindy. Tumabi na ako sa kanya at natulog na din.

Continue Reading

You'll Also Like

5K 255 36
It's about the two teen-ager who grew up together and had the cutest memories together as friends and as lovers
2.1K 279 52
an epistolary Childhood best friends. Jokes. Real feelings. Date Started: July 11, 2022 Date Finished: July 20, 2022
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
559 156 4
Maria was an aspiring nun before she was sent on an espionage task to be responsible for the operation of the detailed Japanese order of battle lists...