Escaping the Friend Zone (PRE...

By Mandie_Lee

40.4K 633 163

PREVIEW ONLY!!! Complete story is available on my VIP group. Search TheMandieLee on Facebook and message us... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six

Chapter Five

2.9K 86 26
By Mandie_Lee


"CHANGE tactic," suhestiyon ni Max nang ibalita ni Candy dito at kay Nicole ang progress ng pakikipaglapit niya kay Elliot. "At sa akin ka makinig, huwag diyan sa pinsan mo," paunang payo pa nito.

"At bakit naman?" mataray na sita dito ni Nicole.

"Dahil ngayon ko lang na-realize, madami na pala akong babaeng na-friend zone, kasama ka na!" sabi ni Max saka tumawa ito nang pagkalakas-lakas.

Classmates sa college sina Max at Nicole sa kursong business management. Unang nagtrabaho si Max sa isang international luxury cruise ship, umangat nang umangat ang puwesto nito mula sa pagiging bartender hanggang sa maging manager na ng club. Pero dumating din ang panahong na-bore ito sa ginagawa kaya gamit ang naipong pera ay nakipagsosyo ito ng negosyo kay Nicole na noon nama'y katulong ng ina't amain nito sa pagpapatakbo ng furniture business.

"Anyway, seryoso ako," pagkuwa'y sabi ni Max. "Madaming taktika ang ginamit sa akin ng mga girls para mapansin ko sila, pero sorry na lang sila kasi nga ay hindi ko talaga gusto ang mga Eba."

"So, you're saying na magagamit ko ang mga tactic na 'yun kay Elliot?" interesadong tanong ni Candy kay Max.

"Bakit naman hindi?" Tumayo si Max mula sa mesa nito at sumandal sa mesa ni Nicole na kaharap naman ng mesa ni Candy. "Pero siyempre, hindi ko lang sure kung magwo-work ba talaga ang natatandaan kong tactics na ginamit sa akin. Iba-iba naman kasi ang mga lalaki, 'di ba?"

"Okay, we're listening," ani Nicole. Sumalumbaba ito sa mesa.

"First and foremost, you girls should understand na kahit gusto ng mga guys ang independent women ay masarap pa rin sa feeling nila na humihingi ka ng tulong sa kanila. There was this girl before, katrabaho ko sa barko; pati pagbukas ng garapon o bote ay nagpapatulong siya sa akin. She was thinking na mapi-feel kong napaka-macho ko pag ginagawa ko 'yun para sa kanya, pero 'yun nga..." Tumawa si Max. "Pagka-irita lang ang naramdaman ko sa kanya dahil hindi nga kasi ako tunay na lalaki."

Tiningnan ni Nicole si Candy. "Napaka-independent mo pa naman, Candida! Lagi mong pinapalabas na hindi mo kailangan ang mga lalaki," sabi nito sa kanya. "Max is right. You should make Elliot feel that you need him sometimes. Natural nang may superhero complex ang mga lalaki, 'no? Saka masarap sa feeling 'yung inaalagaan ka ng other half mo kahit kaya mong alagaan ang sarili mo. Feel na feel ko pa ring pinagbubuksan ako ng pinto ni Drew ko, 'no? And he always likes doing it kasi it makes him feel important, caring and protective to me."

"Oo na!" nakangiwing sang-ayon ni Candy. Ano ba magagawa niya, e pinalaki siyang independent ng kanyang mga magulang. Ever since ay 'buntot mo, hila mo' ang panuntunan sa kanilang bahay. "Okay, so ano pa'ng tactic ang puwede kong gamitin kay Elliot?"

"May isang girl na umamin na gumamit sa akin ng pakunwaring-iwas tactic," sabi ni Max.

"Pakunwaring-iwas tactic?" duet na sabi nina Candy at Nicole sa sinabi ni Max.

"Yup!" tatango-tangong sabi naman nito. "Kunwari hindi siya interesado sa akin. Nagpapanggap siyang may ibang lalaking kinahuhumalingan at sinasabi sa akin 'yun. Magpapaganda siya, magpapa-sexy, ipaparada niya ang sarili sa akin. Tatakam-takamin ako, pero sinasabi niyang may iba siyang lalaking idini-date."

Pumitik ang mga daliri ni Nicole. "That could work!" palatak nito. "Nakakasaling nga sa ego ng isang lalaki ang ganoon, 'yung parang hindi mo siya pinag-iinteresan tapos ipinaparada mo naman ang sarili mo sa kanya. It could make him wonder about you, you know."

"Right," ani Max. "Some guys don't want to be chased. Gusto nila sila ang maghahabol, so mas magwo-work siguro kung hindi mo talaga ipapa-obvious kay Elliot na hinahabol mo siya."

"Tapos sasabihin kong may ibang lalaki akong gusto? E, kung hanapin niya ang lalaking iyon, sino naman ang ihaharap ko, aber?" tanong ni Candy sa dalawa.

Itinuro ni Nicole si Max. "Anong ginagawa ng pagkaguwapo-guwapong si Maximus?"

"Eow! Puwede ba, huwag niyo ako isali diyan," naaalibadbarang tanggi naman nito. "Hindi ko kayang magpanggap na lalaking-lalaki sa harap ni Elliot, ano? Bumibigay ako sa kaguwapuhan niya."

Tumawa sina Candy at Nicole. Naipakilala na niya ang dalawa kay Elliot noong isang araw na kumain ito ng tanghalian sa Daffodil. Mahigpit ang hawak ni Max sa kamay ni Elliot nang makipag-handshake ang huli dito.

"Hindi niya iyon nahalata," sabi niya naman.

"Gawin mo munang mystery man ang lalaking kunwaring gusto mo, ganoon," ani Max. "Kunwari, lalapit ka kay Elliot at hihingi ng advice kung paano ka mapansin ni guy."

Hmn, puwede.



ISANG maikling puting bestida na may prints na mga pulang bulaklak ang suot ni Candy nang pumaroon siya sa Sangalang Dental Clinic. Lumilis hanggang mid-thigh ang kanyang damit nang alalayan siyang maupo ni Elliot sa dental chair.

"You look pretty," sabi nito na mabilis na pinasadahan ang kabuuan niya.

"Thank you," nakangiting sabi niya naman na pinigil ang makilig. Dapat niyang alalahanin ang bilin nina Nicole at Max, magkunwari siyang hindi interesado kay Elliot.

"And you smell nice," pagkuwa'y sabi pa ng binata sa kanya.

"Thanks. It's just a body mist from Victoria's Secret called Pure Seduction."

"Pure Seduction, huh?" tatango-tango at ngingiti-ngiting sambit nito.

"Ahm, you smell nice, too, Elliot," aniyang pina-kaswal ang boses.

"Sabon lang 'yan. I don't use cologne around my patients."

"Ows? Sabon lang talaga?"

"Yup. Tide."

Tumawa si Candy. "Uy, natututo na siyang mag-joke!"

"May sense of humor naman ako talaga, nakatago lang." Kumindat ito sa kanya. "May iba kang lakad pagkagaling mo dito?" tila interesadong tanong pa nito.

"Oo, meron."

"What, a date?"

Tumawa siya sa tanong ng lalaki. "Intrigero ka rin pala, ha?"

"Nahawa lang ako sa iyo," natatawa ding sabi nito.

"Yeah, I have a date. Well, sort of." Nagtagumpay siyang maging buo ang boses sa pagsabi niyon.

"Sort of a date?" naguguluhang sambit ni Elliot.

Ngumiti siya sa reaksiyon nito. "Hmm... basta," sabi niya na lang. The less she would talk, the less he would ask. Hindi pa niya napaplano maigi ang sasabihin dito tungkol sa 'mystery man' niya kuno. Hindi kasi talaga siya marunong magsinungaling.

"Are you going to tell me about him one day?" naiintrigang tanong pa nito.

Noon na siya napatawa. "Yes."

Pina-X-ray muna siya ni Elliot sa babaeng assistant nito saka siya binalikan hawak ang resulta.

"Your teeth are fine. You're taking good care of them," masayang balita nito sa kanya.

"It's genetic. Magaganda at matitibay lang talaga ang ngipin sa lahi namin," pagmamalaki naman ni Candy.

Maya-maya pa'y nilinis na ni Elliot ang kanyang mga ngipin na hindi naman masyadong matagal ang proseso dahil malinis naman talaga ang mga iyon. Tatlong beses siyang magsepilyo sa isang araw at isang beses nagpu-floss at mouth wash.

At buwisit talaga ang pagsinta niya sa lalaking ito dahil kahit ginagawa lang nito ang trabaho nito sa kanya ay hindi niya naman napigilan ang makilig sa pagkakalapit nila. Ilang ulit din niyang nahuli itong nagnakaw ng sulyap sa kanyang cleavage na naka-expose sa mababang neckline ng kanyang damit. She wondered if he would usually do that to other female clients. Itanong niya kaya? Hmmm...

"Thank you," nakangiting sabi ni Candy sa binata nang makatayo siya mula sa dental chair. And yes, hinintay niyang alalayan siya nitong tumayo. Nakakakilig nga din pala ang pakiramdam na may lalaking umalalay sa iyo.

Hindi siya pinagbayad ni Elliot sa serbisyo nito kahit anong pilit ni Candy dito. Sa susunod na lang daw na dalaw niya doon, at para pasasalamat naman ay kumuha siya ng maraming calling cards nito para ipakalat sa mga tauhan ng Daffodil.

"Well, expect a swarm of female clients soon, Doc," biro niya dito nang ihatid siya nito hanggang sa labas ng pinto ng clinic. Hinayaan niya itong ipagbukas siya ng pinto at igiya palabas, bagay na hindi niya talaga hinahayaang gawin ng mga lalaki sa kanya. "Ipagkakalat ko sa mga employees namin na guwapo at macho si Dr. Sangalang."

Tumawa si Elliot. "Magaling ka pala sa marketing strategy."

"I'm serious. You know what, I think you should put your smiling picture on your calling cards."

Ngumiwi ito. "Nah. That would be silly."

"That would be smart, ano ka ba!" palatak niyang tinapik pa ito sa balikat. "Imagine, nakikita nilang guwapo at may magagandang ngipin ang mismong dentist? Sino'ng hindi mapapaisip na magpunta sa clinic mo, lalo pa't mga babae?"

"Sige na nga, pag-iisipan ko 'yan. Pupuwede ko rin palang isangguni iyon kay Daphne, nagtatrabaho kasi siya sa isang advertising agency."

Pinigil ni Candy ang malukot ang mukha. "It's a very clever idea and it doesn't take a rocket scientist to figure it out, Elliot," hindi niya napigil sabihin na sinundan na lamang niya ng pilit na tawa sa huli. "Kung ako sa iyo, papagawa din ako ng billboard kasama ang picture mo, pati na ads sa diyaryo. Just flash your best confident smile"

"Alright, I'll think about it. And, I will owe everything to you if it would really work."

"Kailan ba naman kita nilaglag, Eleuterio?" sabi niya sabay kindat at kibot ng bibig. Wala siyang ideya na napaka-sexy ang dating niyon para sa binatang kaharap.

Napailing si Elliot nang marahan at mahinang tumawa. Nahuli na naman ito ni Candy na sumulyap sa kanyang cleavage. Okay, medyo OA nga yata ang baba ng neckline ng suot niya! Si Nicole kasi, pinilit na bilhin ang damit na suot niya!

Hindi na siya nakatiis pa. "Tumitingin ka ba sa cleavage sa bawat babaeng pasyente mo?" kaswal na tanong niya dito.

"N-no! Of course not," defensive na sagot nito. "Baka idemanda pa nila ako. Besides, I rarely get a patient who's dressed in a sexy outfit like you today."

"E, bakit nakatingin ka sa cleavage ko, ha?" tanong niya uli at lalo pang iniliyad ang dibdib. Masarap din pala sa pakiramdam ang ganito, naisip niya. Nasasanay na siyang magbihis ng mga maliliit na damit at parang mas nagiging babaeng-babae ang pakiramdam niya.

Napakagat-labi ito at mahinang tumawa sabay iling. "Sorry, I couldn't help it."

"Dahil kaibigan mo ako, ganoon? Okay lang na tingnan mo dahil alam mong hindi ako magdedemanda?"

Isang tanong ang kasagutan ni Elliot. "What's with you and the sexy outfits lately, anyway?" usisa nito na humalukipkip pa, bakas sa boses nito na parang matagal na nitong gustong itanong iyon kay Candy. "Hindi ka naman dating nagsusuot ng..." Marahan nitong pinaglakbay ang mga mata mula sa kanyang ulo hanggang paa. Candy felt warm all of a sudden. "...Ganyan."

"N-naku, nagsusuot ako ng mga ito, hindi mo lang nakikita," pagsisinungaling ni Candy, pinigil niya ang urge na takpan ng kamay ang cleavage niya o hilahin pataas ang neckline ng kanyang damit. Display kung display ang peg. Yes, paninindigan niya ito!

"Since when?" Elliot wondered.

"Since nandito ako sa Manila. Ayoko namang magmukhang promdi dito, 'no."

"Ah, akala ko mula nang makilala mo itong lalaking ka-date mo ngayon."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Intrigero ka na talaga!"

"So..." Tumikhim ito at tila nag-atubili pa nang ilang segundo bago isinatinig ang gustong sabihin. "Who is he? Sorry, hindi na kasi ako makapaghintay kung kelan mo sasabihin."

Candy smiled wickedly. "Secret." Tinalikuran na niya ang guwapong dentista. "Bye, Elliot!" At sinadya niyang magpakendeng-kendeng sa paglakad palayo dito.

Kung nilingon lamang sana ni Candy ang lalaki ay nahuli niya sanang laglag-panga itong sinundan siya ng tingin hanggang sa makapara siya ng taxi.




PRESUMPTUOUS. Iyon ang naisip na salita ni Elliot para i-describe ang nararamdaman niya nitong nagdaang araw tungkol kay Candy. Mantakin mong inakala niyang may gusto sa kanya ang babae kaya nagpapapansin gamit ang mga sexy na damit, iyon pala ay may iba itong lalaking kinaka-date? What the hell?

Naalala niyang sinabi pala kahapon sa kanya ni Candy na sira ang air-conditioning unit ng tinutuluyan nito. Kahit wala naman siyang alam sa pagbubutingting ay pinuntahan niya pa rin ito at tiningnan ang air-con. Of course, he ended up calling a technician. Ngunit hindi pa sinasabi sa kanya ni Candy kung dumating nga iyon ngayong araw. Tatawagan sana niya sa cellphone ang babae ngunit nagpasya na lamang siyang puntahan ito.

Bukas ang pinto ng unit ng dalaga nang matanaw ito ni Elliot mula sa patio. Napabuntonghininga siya. Malamang ay nakabukas iyon para pumasok ang sariwang hangin, hindi pa rin siguro naayos ang air-conditioner.

Naulinigan niyang nasa salas si Candy at hindi ito nag-iisa roon. Babalik na sana siya ngunit nakatuntong na siya sa patio, huli na rin para bawiin ang pagsilip siya sa pintuan kung saan nakita niyang may isang lalaking nakatayo sa likuran ni Candy at isinasara ang zipper ng suot nitong maikling kulay dilaw na bestida. Teka, isinasara nga ba o ibinababa ang zipper?

Tatalikod sana siya ngunit tinawag ni Candy ang kanyang pangalan. Tumuwid din ng tayo ang lalaking nasa likuran nito at nakilala niya iyon.

She's dating her boss?!

Napakamot si Elliot sa likod ng ulo. "I'm sorry, I didn't mean to intrude—"

"No, it's alright," nakangiting sabi naman ni Candy na papalapit sa kanya. "May kailangan ka ba? Tuloy ka muna, Elliot."

"D-dito na lang ako," sagot niya na hindi napigilang mapasulyap muli sa lalaking kasama ni Candy sa salas.

Nakatingin din ang lalaki sa kanya. Max... Yeah, Maximus was his name if he remembered it right. Nakilala na niya ito sa Daffodil at dalawang beses na ring nakausap. Ito nga kaya ang sinasabi ni Candy na ka-date nito? Kung hindi ito ay ano ang ginagawa nito sa bahay ni Candy sa ganitong oras at pinapakialaman pa ang zipper ng bestida nito?

"Elliot?" pukaw ni Candy.

"O-oh. Itatanong ko lang sana kung dumating na 'yung repair man, pero hindi pa siguro dahil nakabukas ang pintuan mo."

"Bukas na lang daw nang maaga, natagalan daw siya ng pag-aayos sa huling customer niya kanina," anang babae.

"Ah, okay." Humakbang na siya paatras. "Sige, larga na ako. If you need something, nasa kabila lang ako."

"Okay, thanks!"

Sa kabilang kuwarto tumuloy si Elliot pagkabalik niya sa tirahan. Ang silid na iyon ang nagsisilbing private gym niya. May mga fitness equipment doon gaya ng threadmill, pull-up bar at weight bench. Tumakbo siya nang tumakbo sa threadmill habang malakas na nagpi-play ang kantang Drive By ng Train sa speakers doon kung saan nakakonekta ang iPod niya.

May mahigit isang oras din siyang tumatakbo sa threadmill saka siya pumasok sa master's bedroom at ibinagsak ang katawan sa kama. Ilang minuto din siyang nakatitig sa kisame saka tumingin sa smartphone na nasa kanyang tabi. Dumapa siya at inabot iyon, tinawagan si Candy.

"Hey!" masayang bati ng babae. "Napatawag ka?"

"Andiyan pa ba ang bisita mo?" usisa niya dito.

"Kakaalis lang niya."

Kaaalis lang? Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang galing siya sa kabilang unit. Ano ang ginawa nina Candy at Max sa loob ng mga sandaling iyon?

Shit! Ano ba ang pakialam niya? Bakit parang naliligalig siyang may kasamang lalaki si Candy? Ano ngayon kahit manatili pa ang lalaking iyon kay Candy sa loob ng magdamag?

"What's up?" pukaw ni Candy sa gitna ng pagkatahimik niya.

"A-ah, wala naman." Oo nga, bakit ba siya napatawag bigla?

"Are you okay, Elliot?"

"Yeah, I'm fine." Tumikhim siya't nagpasyang hindi na magpapaliguy-ligoy pa. Prangkang tao si Candy, lahat ay puwede niyang sabihin o itanong dito. "Si Max ba 'yung ka-date mo noong Sabado?"

Tumawa si Candy. "Tinawagan mo ako para itanong 'yan?"

"I-I just wanna know."

Ilang saglit na natahimik si Candy bago sumagot. "Yes, it was Max."

"O-okay." Tumikhim siya uli. "Gaano na kayo katagal nagdi-date?"

"Elliot!" Awkward na tumawa si Candy. "Bakit mo ba tinatanong?"

"Masama bang magtanong?" paghihinampo niya. "Hindi mo kasi nasabi sa akin agad, to think na ipinakilala mo pa siya sa akin noon."

"A-actually..."

Naghintay si Elliot ng susunod na sasabihin ng dalaga. Naiinip siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama makaraan ang ilang saglit. "Actually ano?"

"Ex-date ko na siya. A-ano, nag-date kami ng limang beses lang yata."

Naguluhan siya. "So, you're not dating him anymore. Anong ginagawa niya sa bahay mo? Bakit kayo magkasama?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"W-well, you're my friend and you live very close to me. Gusto ko lang makilala ang mga taong pinapatuloy mo, mahirap na, baka mamaya ay napasok ka na pala ng magnanakaw o rapist, tapos akala ko na bisita mo lang," paliwanag niya na parang binibigyan niya mismo ng dahilan ang pagkaligalig niya sa pagkakakita kina Candy at Max kanina. "Iyon ay kung hindi mo mamasamain, Candy. I-I mean, I do respect your privacy and all, but, you know... nagmamalasakit lang ako sa iyo. Ayaw kitang mapahamak kung sakali."

"Elliot... I can handle myself, okay?" ani Candy na para bang nainis pa sa sinabi niya. "Don't worry about me."

"Hey, I'm sorry," nahihiyang sabi niya. "Alam ko namang kaya mo ang sarili mo, pero hindi mo na maiaalis sa akin ang mag-alala."

"Max is harmless, wala ka kang dapat ipag-alala."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Candy. Kung ex-date mo na siya, bakit kayo magkasama kanina?"

Really, Eleuterio? That was none of your fucking business!

"Ano naman sa iyo kung magkasama kami? Kailangan ba lahat ay ipaliwanag ko sa iyo?"

Sinasabi na nga ba niya!

Ikinumpas ni Elliot ang kamay sa ere. "Fine," mahinang sambit niya. "Okay, hindi na kita guguluhin pa. Goodnight, Candy."

Continue Reading

You'll Also Like

238K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
294K 2.4K 18
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] 𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 đ™Ŧ𝙞𝙡𝙙 𝙜𝙞𝙧𝙡 𝙩𝙝𝙖𝙩 đ™Ŗ𝙤𝙗𝙤𝙙𝙮 𝙘𝙖đ™Ŗ 𝙩𝙖đ™ĸ𝙚... 𝙨𝙤 𝙝𝙞𝙨 𝙛𝙖𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙝𝙞𝙧𝙚𝙙 𝙩īŋŊ...