His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XXXIX

1.1K 44 11
By NeifileTheDreamer

Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.
~Isaiah 41:10

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Tatlumpu't Siyam na Kabanata

NAPASAPO ako ng aking ulo nang ako'y magising kinabukasan. Ang sakit ng ulo ko! Para itong pinapalipit at dinudurog ng pinung pino!

Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Pati na kung paano ako nakauwi rito. Ang natatandaan ko lang ay nagkukwentuhan kaming magkakaklase noong gabi at hinaluan nila ng alak ang aking inumin.

Pagkatapos noon ay wala na akong maalala. Alcohol hits me so hard. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit nakaramdam ako ng pananakit.

Hindi ako makatayo! Kumakalam na ang aking sikmura. Ano bang nangyayari sa akin?

Ito ang mahirap kapag nag-iisa ka sa bahay. Walang mag-aasikaso sa iyo. Last year, humiwalay na ako ng bahay kay Bal kasi mayroon na siyang sariling pamilya. I want them to give privacy even if I'm his sister.

Magkalapit lang naman ang bahay naming dalawa ngunit iba pa rin ang mayroong kasama. Wala naman akong magagawa dahil wala naman akong asawa or boyfriend man lang.

Sheez. Mabuti na lang at holiday ngayong araw at wala kaming pasok. Hinding hindi na talaga ako iinom ng alak kahit kailan! Wala naman itong magandang naidudulot.

Napatingin ako sa orasan at hapon na pala! Nagningning naman ang aking mga mata, nang makita ko ang mga pagkain na nakahanda sa tabi ng orasan.

Pilit ko itong kinuha kahit na hirap akong gumalaw. There's a note beside the tray of my food. And I read it.

Take care of yourself!<3

Sino naman kaya ang nagluto nito? Kung sino man siya, isa siyang hulog ng langit.

Naramdaman ko na naman ang pagkalam ng aking sikmura. Inilapag ko na lang ang papel sa isang tabi at nagkibit-balikat.

Hindi ko na inisip kung sino ang naghanda ng lahat ng ito. Mukhang isa lang naman siya sa aking mga kaibigan at marahil ay sila rin ang nag-uwi sa akin.

Nang natapos ako sa pagkain ay siya ring pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Iniluwa nito ang pigura ni Sike na basang basa ang katawan.

"Wazzup Xeidrine!" bungad niya.

"What happened?" I asked.

Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa akin at inalis sa aking higaan ang aking pinagkainan. Pagkatapos noon ang hinawakan niya ang aking noo at leeg.

"Tama nga siya. May sakit ka."

Tinabig ko ang kaniyang kamay ng hindi niya ito alisin sa aking leeg. Nakikiliti ako sa paghawak ni Sike.

"Sinong siya?" Nagtataka kong tanong.

Sike just shrugged at kita ko ang pagpatak ng mga tubig sa kaniyang mukha. Saan ba siya galing?

"Bakit ka ba basang basa?" pang-uusisa ko.

"Biglang umulan ng malakas noong papunta ako rito. Sakto, wala akong dalang payong."

"Ikaw naman magkakasakit sa ginagawa mo! Magpalit ka nga ng damit!" Singhal ko sa kaniya.

"Ayieh! Concern sa akin si Xeidrine." Sinamaan ko siya ng tingin.

Itinuro ko ang damit niyang basang basa at tumutulo. "Binabasa mo po kasi ang kama ko," aking bwelta sa kaniya.

Napangiti na lamang siya ng hilaw at napakamot ng ulo. Hindi na siya nakipagtalo pa sa akin. Kumuha si Sike ng damit sa closet ko at dumeretso sa banyo.

Mayroong damit dito si Sike dahil kapag mayroon kaming kailangang tapusing project, nag-o-overnight kaming tatlo nila Wenfree rito o di kaya sa mga bahay nila. Even Wenfree has clothes here. Para lang kaming mga estudyante na kailangan pang mag-overnight.

Ginawa na nilang second house ang bahay ko. Well, It's fine to me because they are my friends. Wala namang problema sa akin.

"Sike!" I called him.

"Oh?" Sigaw niya sa loob ng banyo.

"Ikaw ba ang nagluto ng pagkain ko?" tanong ko.

"No, baka multo. Kita mong kadarating ko lang," may halong birong tugon niya.

Hindi ko na muli siyang tinanong sapagkat mukhang wala naman siyang alam dito. At baka pilosopohin pa niya ako lalo.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Sike suot ang white v-neck shirt and checkered shorts. Kung kanina ay mukha siyang basang sisiw, ngayon ay nagmukha na siyang manok.

Dumeretso sa kama ko at humiga sa tabi ko. Ang kapal niya talaga. Feel at home na feel at home. Akala mo bahay niya ito.

"Bakit ka ba nandito?" I asked.

"Wala kang kasama. Besides nilalagnat ka oh," tugon niya sabay hawak ulit sa leeg ko na mayroon na namang kasamang pagkiliti.

"Sino ba kasi nagsabing may lagnat ako?"

"Secret."

Tumayo si Sike sa pagkakahiga at tumingin sa akin ng deretso. Nagtama ang aming mga mata at nakaramdam kaagad ako ng kuryente mula rito. Kaya naman ay agad akong nag-iwas ng tingin.

"Gusto mo bang punasan kita ng maligamgam na tubig?"

Umiling ako sa kaniya. Ganito ako kapag nilalagnat. Ayokong nababasa kahit na sabi nila na mas mabuting punasan ng maligamgam na tubig ang taong nilalagnat.

Para akong pusa na takot sa tubig kapag mayroon akong trangkaso o sakit. Binigyan na lang niya ako ng gamot at binuksan ni Sike ang TV at naghanap ng mapapanuod. Akala mo talaga bahay niya ito noh.

"Anong ginagawa mo? Nakakahilo ka! Palipat lipat ka ng channel." reklamo ko sa kaniya.

"Manunuod," he answered sarcastically.

Humiga siya sa tabi ko at para bang higaan niya rin ito. Kapal talaga. Ang sarap niyang kaladkarin palabas. Kahit na sila ang may ari ng company na pinagtatrabahuhan ko!

"Wala ka bang TV sa inyo?"

"Anong gusto mo, iwan kita rito na mag-isa? May sakit ka oh," wika niya habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa TV.

Ngumuso ako. "Ang OA mo. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Manahimik ka na lang diyan o hahalikan kita."

Pinaningkitan ko siya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Gawa nga," paghahamon ko.

Mula sa pagkakahiga ay umupo siya at tiningnan ako ng seryoso. Inilapit ni Sike ang kaniyang mukha at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa ilong.

Nang dahil sa kaniyang ginawa, kumabog nang mabilis ang aking puso at nanlaki ang aking mga mata. Akala ko ay hindi niya tototohanin!

"Hoy!" bulyaw ko sa kaniya.

"Huwag mo akong hahamunin Xeidrine," sambit niya at tumingun muli sa TV. "Aalis na lang ako kapag nandito na ang isa mong bantay," dugtong niya at pinaningkitan ko siya dahil dito.

"Sino?"

Hindi niya ako sinagot at umaktong parang bingi. Inagaw ko ang remote sa kaniya at pinatay ko ang TV. Napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Sino nga ang magbabantay sa akin ha?!"

He leans his index finger to my lips. "Ssshhh!"

Ayaw niya talaga sagutin ang tanong ko! Ganoon ba kahirap iyon?

Binawi niya sa akin ang remote control at muli niyang binuksan ang TV. Wala na akong nagawa kung hindi ang manuod na lang din.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

LUMIPAS ang mga oras, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lamang ako nang marinig ko ang malakas na pagdighay ni Sike.

Mukhang maayos na rin medyo ang aking pakiramdam. Papansin lang ata ang lagnat ko.

Nag-inat ako at narinig ko muli ang pagdighay ni Sike. Napangiwi naman ako dahil dito.

"Cute me!" he said and gave me a piece sign.

"Salaula mo!" wika ko sabay bato sa kaniya unan na nasa tabi ko.

Dumila lamang siya sa akin at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain ng pop corn. San naman niya ito nakuha? Nakatulog lang ako, nagkaroon na siya ng pakain.

Hanggang ngayon ay nanunuod pa rin siya ng movie. Hindi ba siya nagsasawa?

Kung kanina, bago ako matulog ay napakaayos ng mga kuwarto ko, ngayon ay mukhang dinaanan ito ng bagyo.

Nawala na nga ang init ng katawan ko dahil sa lagnat, init naman ng ulo ang dinudulot nitong si Sike! Akala mo talaga bahay na niya iton!

"Hoy! Huwag ka na ngang manuod! Hindi naman ikaw nagbabayad ng kuryente!" Inis kong sambit.

Inagaw ko ang remote sa kaniya at pinatay ang TV. Dapat lang ito sa kaniya. Dinumihan na nga niya ang kuwarto ko, aksayado pa siya sa kuryente.

"Matatapos na 'yung pinapanuod ko eh!" Reklamo niya at pilit inaagaw sa akin abg remote.

Tumayo ako sa aking higaan at itinago ko ang remote sa aking likuran. Hinigit ako ni Sike at nawalan ako ng balanse.

Napahiga kaming pareho sa kama at napaibabaw ako sa kaniya. Ang lapit namin sa isa't isa. Nang magtama ang aming mga mata, nakita ko ang kumikinang na mga abo niyang mata.

Nasa ganoon pa rin kaming posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Napatigil kami roon ni Sike.

Tumambad dito ang pigura ni Nash. Mayroon siyang dala-dalang malalaking paper bag. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Mukhang naaabala ko ata kayo. Maiwan ko muna kayo," he stated.

"Sige Bro, tatawagin ka na lang namin pagkatapos namin dito," pasaring naman ni Sike.

Tumango sa kaniya si Nash at isinarado ang pinto. Napaayos naman ako ng pwesto at sinamaan ng tingin si Sike. Napakalaki ng ngisi niya.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Nais ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa nangyari. Ayoko na.

"Hoy! Bakit mo sinabi 'yun?!"

"Sinabi ang alin?" Pa-inosente niyang tanong.

Hindi ko na lamang siya sinagot. Lumabas ako ng aking kwarto at hinabol si Nash. Inabutan ko siyang nakaupo sa sala.

Napaangat siya ng tingin nang makita niya akong palapit sa kaniya. He stared blankly and it gives me an uncomfortable feeling.

"N-Nash, tungkol sa nakita mo kanina..." I stuttered and he cut my words.

"You don't have to explain Xeidrine," he said coldly.

Tumabi ako sa kaniya at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.

Parang kahapon lamang ay naiilang ako sa kaniya, tapos ngayon para akong ewan na nanunuyo sa kaniya. What's really wrong with me?!

"B-baka ma-misinterpret mo. Walang namamagitan sa amin ni Sike. We're just friends," pag-eeksplika ko.

Nilingon naman siya ako at pinagkunutan ng noo. Mayroon ba akong nasabing mali?

"Why are you saying that to me? It's just okay. I'm not even your boyfriend."

Nalalaglag ang aking bagang sa prangkang tugon ni Nash. He's right... Hindi ko nga rin alam kung bakit nagpapaliwanag ako sa kaniya.

"B-but you're my friend..."

Nash stood up and he rubbed his face out of frustration. "Crap this conversation!" He said angrily.

Napaitlag naman ako dahil sa sigaw niya. Bakit siya sumisigaw? Ang hirap niyang intindihin.

"I'm sorry..." Bawi niya kaagad at ikinalma ang kaniyang sarili.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Nash at lumapit siya sa akin.

"Are you fine now? Do you still have a fever?" Nag-aalalang tanong niya.

Sinipat ni Nash ang aking leeg at noo kung maiinit pa rin ba ito. Pero nakakapagtaka lang na alam niyang may sakit ako.

Hindi kaya si Nash ang sinasabi ni Sike na papalit na magbabantay sa akin? At siya rin ba ang naghanda ng mga pagkain ko kanina?

Ang daming gumugulong tanong sa aking isipan. Subalit nawala agad ito nang ilapit ni Nash ang kaniyang mukha sa akin.

Ilang sentimetro na lamang ang layo namin sa isa't isa. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. Napaiwas lamang ako nang mayroong umubo sa isang tabi.

"Mukhang ako naman ata ang nakakaabala sa inyo," wika ni Sike na kakababa lamang galing ng kuwarto ko.

Napaayos ako ng tayo at lumingon ako kay Sike na para bang walang nangyari. I saw him grinning on us.

"I'm going now, I have an emergency. Just continue what you're doing," mapanuya pang wika niya.

"Tawagan mo ako kapag pinaiyak na niya," Sike whispered to me before leaving.

Nang tuluyan nang makaalis si Sike, namayani ang katahimikan sa loob ng aking bahay. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin.

Nash and I are just here in my house. Wow. It's so awkward. But the silence breaks when Nash gets the paper bag that he brought a while ago.

"Alam kong hindi ka pa nagdi-dinner. Let's eat," anyaya niya.

Isang tipid na tango lamang ang aking pinakawalan. Anong gagawin ko, tatanggi sa kaniya? Baka lalo lang maging awkward ang atmosphere kapag ginawa ko iyon.

Dumako kaming dalawa sa kusina. Pinaupo niya ako sa isang silya at sinabihang siya na lang ang maghahain ng pagkain.

"Xeidrine..." he called me while preparing our food.

"Yes?"

I just watch him on all he's action. Ayaw niyang tulungan ko siya. Baka raw mabinat ako.

"Do you remember what happened last night?"

After he asked that. My eyes widened. Hindi kaya...

"What happened? Did I do something crazy? Do I tell something cringe?! What? Tell me!" I hysterically asked.

"Calm down."

Tinapos muna niya ang pag-aayos ng aming pagkain at tumabi si Nash sa akin. Hindi pa rin ako mapakali. Ano ba talaga ang nangyari kagabi?!

All I know was the reunion went good at nalasing ako pagkatapos. Baka naman mayroon akong nagawang kababalaghan noong lasing ako?! Sheez!

"You were just drunk and fell asleep last night. So, I decided to take you home."

I feel relief after Nash told that. Mabuti naman at wala akong nagawang kalokohan kagabi. Baka kung mayroon ay magpalamon na lamang ako sa lupa.

"That's all?" Paninigurado kong tanong.

Baka mayroon pala talagang nangyari at ayaw lang sabihin ni Nash. Mahirap na.

"What? Do you expect anything?"

I just shook my head and started eating. Hindi na rin naman muling nagsalita si Nash at kumain na lang.

Binalot ng malalim na katahimikan ang pagitan naming dalawa. Rinig mo ang paghampas ng mga kubyertos sa pinggan. Hindi namin binalak basagin ang katahimikan hanggang sa matapos kaming kumain.

"I'll do the dishes. Go to your room and rest," utos niya pagkatapos naming kumain.

"But-" aangal pa sana ako ngunit pinutol niya ang aking salita.

"Xeidrine," he called my name with authority.

I heavily sighed and followed his order. I go to my room. Napagdesisyunan kong maglinis muna ng katawan dahil duming dumi na ako sa aking sarili.

Kahit na mayroon pa rin akong lagnat, tiniis ko ang lamig ng tubig. Baka kasi nangangamoy na ako kanina, hindi lang sinasabi nila Nash at Sike.

Paglabas ko ng banyo, dinatnan ko kaagad si Nash na nakaupo sa may study table ko. Nang dumapo ang tingin niya sa akin, agad niya akong nilapitan.

"Matulog ka na," utos niya na parang tatay ko.

"Kakagising ko lang!" Reklamo ko.

Bakit ba masyadong bossy si Nash ngayon? Kanina ko pa napapansin na sobrang palautos niya.

"Sleep. I will be by your side."

I raised my eyebrows. I didn't know if I hear it right.

"Why are you here by the way?" I shifted the topic. Ayoko pang matulog.

"You are my cargo." My brows creased.

Cargo? Ano ko ba siya? Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama pero parang may mali. Hindi ko pa rin mawari ang aking nararamdaman tuwing kasama ko siya.

"Bumaba lang ang temperatura mo, may sakit ka pa rin. Matulog ka na."

Mukhang hindi naman ako mananalo kay Nash. Kaya imbes na makipagtalo pa ay sinunod ko na lamang siya.

Humiga ako sa kama at pinilit kong makatulog. Tinotoo ni Nash na rito lamang siya sa aking tabi.

Wala pang limang minuto ay minualat kong muli ang aking mga mata. Napadako ako sa gawi ni Nash. Nahuli ko siyang pinagmamasdan ako.

"Hindi ako makatulog!" Reklamo ko.

"I will sing a song..." my forehead wrinkled on him. "What? Music is an effective sleeping pills."

Really? He will sing a song for me? Parang hindi ko pa ata siya naririnig kumanta buong buhay ko.

"Hawakan mo ang aking kamay..." panimulang kanta niya.

His voice was lingering in my ears. It's like a lullaby that makes me sleepy. Nagpatuloy lamang siya sa pagkanta at sinubukan kong ipikit ang aking mga mata.

Every line that he sang, I can feel sadness. Tagos na tagos at damang dama ko ang mensahe ng bawat linya sa kaniyang pagkanta.

Nash was right, music is an effective sleeping pill. My eyelids get heavy and I just let it shut down.

Bago pa ako tuluyang makatulog, ramdam ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.

He whispered something in my ears, but I didn't hear it clearly. I was so sleepy right now.

"This is the last time Xeidrine... Before I settle down... I just want to feel that even once, you're mine..."

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

THREE days passed, bumuti na ang aking pakiramdam. Ikaw ba naman ang alagaan ng dalawang lalaki na daig pa ang doctor.

Pagkagising ko nang sumunod na araw, wala na si Nash sa tabi ko. Mukhang mayroon siyang pinuntahan at nag-iwan na lamang ng note.

After he stay by my side that night, mukhang alam ko na kung bakit ako naiilang sa kaniya nitong mga nakaraang linggo. I guess my feelings for him is starting to sprout again.

Hindi ko alam kung tama ba ang aking nadarama o nadala lang ako sa nangyari noong isang gabi.

I am now at the mall. Kakatapos lang ng trabaho ko. Mag-go-grocery ako ngayon dahil naubos na 'yung stock kong pagkain. Inubos na ni Sike noong inalagaan niya ako.

Papasok na sana ako ng supermarket nang mayroong humawak sa aking palapulsuhan.

Napalingon ako sa kaniya at nakita ko si Milk na seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nag-iisa lamang siya ngayon. Wala si Quias at ang anak niya.

"Milk?"

"Let's talk," she said with authority.

Hindi pa man din ako nakakasagot at hinila ako ni Milk palayo ng supermarket. Pumunta kami sa isang coffee shop.

"Ano bang pag-uusapan natin Milk?" Naguguluhan kong tanong.

Before answering, Milk ordered food for us. I think there's really something she want to tell me.

"Xeidrine, listen to me..." Panimula niya.

Tatlong salita pa lamang ang kaniyang sinambit ay bigla nang kumabog ng malakas ang aking dibdib.

"Alam kong nagkakamabutihan na ulit kayo ni Nash... But please stay away from him."

I gulp many times. Anong ibig niyang iparating?

Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. Paano niya nalaman na nagkakaayos na kaming muli ni Nash? Does she's stalking me?

"Why are you saying this to me Milk?" Naguguluhan kong tanong.

"Because I care for you. Gusto kong makabawi sa nagawa ko noon."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. She care for me? Tapos para mapangalagaan ako ay kailangan kong layuan si Nash?

"But why?"

She deeply sighed. "Malalaman mo rin ang dahilan sa susunod kung bakit kita pinapalayo."

"I won't do what you want if you didn't tell me why I should stay away from him., matigas kong sambit.

Dahil sa mga sinabi niya ay biglang nabuhay ang aking kuryosidad. Hindi ko naman magagawa ang kaniyang sinasabi sapagkat hindi ko alam ang dahilan.

Paano pala kung plano lamang ito ni Milk? Baka balak niya pa rin kaming paghiwalayin ni Nash.

"Fine! If you don't want to follow me, then don't!" Inis niyang sambit.

Tumayo siya at saktong dumating ang inorder niya para sa amin. Naglapag siya ng pera sa harap ko at tiningnan ako ng seryoso.

"I have already warned you Xeidrine. If you get hurt, it's not my conscience anymore." She said and left me dumbfounded.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 332 94
Moon, do I have a chance with you?
141K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4M 121K 51
PUBLISHED UNDER LIB Lahat daw ng tao ay ipinanganak para sa isang misyon. Bago pa man tayo isilang ay may naghihintay ng hinaharap sa atin. Some peop...
746K 28.8K 44
City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used to this, except when it came to her lovel...