His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XXXVI

1K 42 23
By NeifileTheDreamer

Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you.
~Ephesians 4:32

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Tatlumpu't Anim na Kabanata

"DO you know each other?" Naguguluhang tanong ni Zeah. I remained silent. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Bumaling ako kay Nash na ngayon ay hindi ko mawari ang kaniyang titig. I can feel that his gray eyes lingering on me. After seven years, I saw again his stare that always gives me an uncomfortable feeling.

In just one stare, my heart stumps like a dinosaur. I immediately remove my gaze on him and I calm myself. I deeply sighed and I hear Zeah cough. But Nash didn't remove his stare at me.

"Guys?" she called us.

"Ahh... Z-zeah, kukunin ko 'y-yung phone ko."

Akma kong hahanapin na 'yung phone ko subalit pinigilan ako ni Zeah. She smiled at me and turn to Nash.

"Wait Xeidrine, let me introduce to you my cousin."

Even if I can sense awkwardness in the atmosphere, I just sighed and nodded. I have shifted my gaze to Nash that now looking at me sharply.

"Callen, this is Architect Alexeidrine Praise Monteasul," Zeah started. "And, Xeidrine this is Nash Callen Waquin, my cousin. Siya 'yung may ari ng bahay," she added.

Napalunok ako ng ilang beses when I saw Nash grinning at me. Why his reaction needs to be that?

"I---I already k---know him," I uttered out of the blue.

I bite my lip because of that. Parang gusto kong sampalin ang aking sarili at magpalamon na lamang ngayon sa lupa.

"Really?" Zeah wondered.

I was about to answer, but Nash talk first. "Yes, we're classmates on senior high."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi at napaawang ang aking bibig. Akala ko ba ay hindi na niya ako naaalala? Pinaglololoko lang ba niya ako noon?

Kung kanina ay parang nagdadalawang isip ako na sabihing magkakilala kami, ngayon ay ang dami kong nais itanong kay Nash. Gulong-gulo na ang aking isipan.

"Ma'am, Sir, excuse me," pagsingit ng isang worker sa pagitan naming tatlo.

Napatingin kami sa kaniya at nakita kong hawak hawak niya ang aking cellphone. Agad naman niya itong inilahad sa akin.

"Architect, cellphone mo po."

I almost forgot that. Bumalik lang ako para rito ngunit marami na ang nangyari. Kinuha ko kaagad sa worker ang phone ko at sakto namang umilaw ito. I saw Sike's name on it. Nagpaalam muna ako sa kanilang sasagutin ko ito.

"Hello?" bungad ko.

[Xeidrine, nasaan ka na ba? The meeting will start in fifteen minutes!]

Napasampal ako ng aking noo. Mayroon nga pala kaming urgent meeting ngayon! Sheez. Lagot na ako nito.

"I'm on my way!" I lied.

[Hurry up! Alam mo naman si Mrs. Trayski ayaw ng late. Mag-ingat ka sa pagda-drive.]

"Don't worry about me Sike. I'll hang up. Bye!"

Hindi ko na siya hinantay na sumagot at ibinaba ko kaagad ang tawag. Pagkabaling ko sa pwesto nila Nash, nakita kong nakasulyap lamang sila sa akin. Lumapit ako sa kanila.

Napakagat labi pa ako. "Uhm... Zeah, Mr. Waquin, I have to go."

"Ingat," Zeah said.

Tumango na lamang ako at naglakad papalabas ng site. Hindi pa man din ako nakakarating ng pintuan, napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Nash.

"Take care, Mango Graham Shake."

Muntik na akong mapabalikwas sa aking pagkakatayo nang sabihin ito ni Nash. Nanlambot ang aking mga tuhod at para bang hindi ko na ito kayang ihakbang pa.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at wari ay hindi ko narinig ang sinabi ni Nash. Nagbigay galang muli ako sa kanila bago tuluyang umalis.

Kahit na maraming katanungan ang namumuo sa aking isipan at patuloy akong nagugulumihanan sa ikinikilos ni Nash, minabuti ko muna itong ipagsawalang bahala. Kailangan ko munang asikasuhin ang aking trabaho.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makausap si Nash ng masinsinan ay hindi ko na ito papalagpasin pa. Hindi lang ito ang tamang oras dahil kapag ito ang inuna ko, mawawalan na ako ng trabaho.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

ALMOST a week passed since I encountered Nash. I never see him again. Even if I badly want to talk to him, but I cannot. Maliban sa hindi ko na siya muling nakita, abala rin ako sa aking trabaho ngayon.

It's stressing week for me because I have four ongoing projects and there will be two upcoming projects. I want to decline, but one of my friends pleased me. Also, We have already started the renovation of the school.

Matatapos na rin naman ang dalawa kong on-going projects. The first one was a condominium that only needs a polish and Nash's house.

"Ang hirap maging engineer! Parang gusto ko na lang maging hotdog sa freezer!" Wenfree hissed after our meeting with Mrs. Trayski again.

Almost half way done na ang hotel na pinapagawa niya ngunit pabago-bago ang kaniyang isipan. Kaya ganoon na lamang ang reklamo ni Wenfree.

"Sige, you're fired," pabirong tugon ni Sike.

Nasamid naman si Wenfree kahit wala naman siyang kinakain. Ngumiti siya ng alanganin kay Sike at nagwikang, "Eto namang si Sike my friend hindi mabiro. Hindi ba pwedeng frustrated lang dahil kay Mrs. Taray-este Trayski."

"Ginusto mong maging engineer, panindigan mo 'yan. Tinangnan mo 'tong si Xeidrine, pachill-chill lang."

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Kung alam mo lang Sike. Punong-puno na rin ako kay Mrs. Trayski ngunit wala akong magagawa. Ito ang pinasok kong trabaho at gaya ng sabi ni Sike, kailangan kong panindigan ito. Kahit na mahirap.

"Akala mo lang 'yun. Pinapatay na niya si Mrs. Trayski sa isipan niya right Xei?" Wen asked.

"Sinabi mo pa."

Napailing na lamang si Sike sa amin at tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo. He place his arms on his pocket and he shifted his gaze to us.

"Alam niyo, gutom lang 'yan. Lunch na tayo."

Lumabas na kami ng Stokes Construction Firm, ang pag-aaring kompanya nila Sike kung saan kami nagtatrabaho. Naghiwalay kami namg makarating kami sa parking lot sapagkat mayroon kaming kani-kaniyang sasakyan.

Napag-uusapan naming hindi kami magsasama-sama sa iisang kotse sapagkat mayroon pa kaming kani-kaniyang lakad pagkaraan ng site visit namin sa West Wood. Dumeretso kami sa Wings Zone, isang buffet restaurant na unlimited ang chicken wings at dito kami kumain.

While eating, we talk random stuffs and the coming wedding of Markien and Wenfree. Nakakabilib silang dalawa, biruin mo tumagal sila ng halos walong taon at ngayon ay ikakasal na.

Samantalang ako, No Boyfriend Since Birth. Hanggang dating state or friendship lang ang tinatagal ng mga lalaki sa akin. Baka nakatadhana talagang maging matandang dalaga ako. Kidding.

O 'di kaya'y baka hindi pa ako handang magmahal muli...

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

PAGKARAAN naming kumain, dumeretso kaagad kami sa parking lot. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na pigura.

"Aqui!" I shouted and run towards him.

Sumunod naman sa akin sina Sike at Wenfree. Nang makalapit ako sa kaniya, binigyan niya ako ng isang mainit na yakap. Halatang hindi niya ako miss ah.

"Praise!"

"Pumopogi ka ata Aquila?" puna ni Wenfree.

"Matagal naman na akong pogi," pasaring nito.

Napailing na lamang kami ni Sike sa kaniya. Ilan taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang kahanginan niya sa kaniyang katawan. Aquila will be always Aquila.

"Musta na bro? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sike sa kaniya.

"Oo nga, hindi ba't sa Manila ka ngayon nag-aaral?" I asked also.

Gaya nang sinabi ko noong nakaraan, he's still studying and taking up medicine. Kung si Aera, rito lang sa Bulacan nag-aral, si Aqui naman ay sa Manila. Kasama na niya ang kaniyang mga kapatid doon.

"I'm just visiting someone," he said while smiling.

Based on his eyes, he's pertaining to a special someone. I can sense it. Aqui's already got her girl too huh? Kaya pala mukhang blooming siya ngayon. May dahilan pala.

"Wow. Binata na si Aquila!" ni Wenfree.

"Syempre, hindi pwedeng kayo lang ni Markien ang masaya sa love life niyo."

We all chuckled. Tama naman siya. Nagkumustahan at kwentuhan pa kaming apat saglit. Parang kailan lang mga senior high student lang kami na calculus ang problema, ngayon ay mga propesyonal na kami.

"Ahh, paano? Mauna na kami. May site visit pa kami," paalam ni Sike.

Aqui nodded ang we bid a goodbye to each other. Kailangan na rin niya kasing umalis sapagkat susunduin pa raw niya ang kaniyang special someone.

Nang makarating kami kung saan naka-park ang aming kotse, napakamot ulo na lamang ako sa aking nakita. Na-flat kasi ang isang gulong ng kotse ko. Mukhang mayroong nan-trip dito.

"Argh! Kung minamalas ka nga naman," I hissed.

Lumapit si Sike upang tingnan ang gulong at bumaling siya sa akin.

"Sumabay ka na lang sa akin. Tatawag na lang ako ng gagawa nito at papadala ko na rin sa West Wood pagkatapos."

Sumang-ayon ako sa kaniya ay sumakay na kami sa kaniyang kotse. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at dumeretso na sa West Wood High. Kasunod lamang namin si Wenfree na buhat ng kaniyang sasakyan.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"HARD hat," Sike said and gave me what he's holding.

"Thanks."

I accepted the hard hat and didn't wear it. I'm busy scanning the whole place. Mini forest was a memorable place for me here at school.

Nasaksihan nito halos buong senior high school life naming magkakaibigan. Kaya ngayong nire-renovate ito, hindi ko maiwasan ang magbalik tanaw.

"Wear it Xeidrine," utos niya sa akin.

Inirapan ko siya ng pabiro. "Eto na po Boss Sike. Ang init init sa ulo ng hard hat eh!"

"Mas mabuti ng mainit sa ulo kaysa masugatan ang ulo mo."

"Ang dami namang langgam!" singit ni Wenfree sa usapan namin.

Napatawa na lang kami dahil sa sinabi niya. Alam kong na-out of place siya sa usapan namin. Wala lang si Markien, nairita na siya sa amin ni Sike.

Naglakad kami patungo sa ginagawang building at nakita namin doon ang ilang trabahador. Binati namin sila at nagtungo sa susukatin naming room.

Nagtagal kami ng halos dalawang oras , hindi lamang sa pagsusukat ng room, pati na rin sa pag-check ng mga kailangan pang materyales na gagamitin sa renovation.

Pagkatapos ng lahat ng ito, tinanggal ko kaagad ang aking hard hat. Hulas na hulas na ako ngayon dahil tirik na tirik ang araw.

Sike handed me a handkerchief. Kinuha ko iyon at pinunasan ang aking pawis, ngunit hirap na hirap ako sapagkat hawak ko rin sa aking kamay ang hard hat.

"Ako na nga."

Inagaw sa akin ni Sike ang panyo at siya ang nagpunas ng pawis sa aking mukha. Nang magtama ang aming mga mata, napatigil siya sa kaniyang ginagawa.

Naglandas ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi papunta sa aking labi. Para akong napako sa aking kinatatayuan nang makaramdam ako ng kuryente sa pagitan naming dalawa.

"I'm hungry!" Sigaw ni Wenfree at napaitlag kaming dalawa ni Sike.

Agad nawala ang tingin namin sa bawat isa. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi dahil sa nangyari.

"I---I will buy some f---food for us."

"Sabay na ako. I need to go in the comfort room."

Tumayo na si Wenfree at tinanggal ang kaniyang hard hat. Nagpaalam sila sa aking dalawa bago umalis. Naiwan akong mag-isa rito sa mini forest.

Since it was break time if the workers and I'm bored, I decided to roam around. The workers were sitting on the bench and their radio was playing and I like the song.

"I'm going under and this time I fear there's no one to save me..."

Sumasabay ako sa kanta habang tinatahak ang daan sa pagitan ng mini forest at building na nire-renovate namin.

"I need somebody to heal. Somebody to know..."

I reminisce all the moments of me and Sixth of Ace here. From the very start, this mini forest was so special to me. A nostalgic moment is killing me right now.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang mayroon akong natapakan na isang bagay. Yumuko ako upang tingnan ito ngunit nakarinig ako ng pagkalansing ng mga bakal.

"Architect!" tawag nu'ng isang worker ngunit huli na ang lahat.

Napapikit na lamang ako. Akala ko ay mababagsakan na ako ng mga naglalakihang bakal ngunit mayroong humigit sa akin.

Nang iminulay ko ang aking mga mata, hindi ko inaasahan ang mukhang bumungad sa akin. Napalunok ako ng ilang beses.

"N-Nash... " I whispered.

Natumba kami pareho sa sahig at hindi naman nabagsakan ng mga bakal. Napaibabaw siya sa akin dahil sa pangyayaring ito.

Ilang sintemetro lamang ang layo ng aming mga mukha. Ramdam naming dalawa ang hininga ng bawat isa. At bigla na lamang nagwala ang aking puso at hindi ko makontrol ang pagkabog nito.

His gray eyes are dazzling in daylight. Subalit nang mapagmasdan ko ulit ito ng malapitan, parang may kakaiba. His eyes were empty.

"Sir! Architect! Ayos lang ba kayo?"

Tinulungan niya kaming tumayo mula sa pagkakahiga namin sa sahig. Hindi pa rin nawawala ang titig sa akin ni Nash.

"Architect na walang hard hat habang naglilibot sa site, pasaway," I hear him whisper pero sapat na ito upang marinig ko.

"Teka Architect, dumudugo ang siko mo," puna ng worker na tumulong magtayo sa amin.

Hinawakan naman ni Nash ang aking braso. Tiningnan ang natamo kong sugat. He looks so worried.

"Ako na ang bahala sa kaniya kuya. Salamat."

Tumango naman ang worker at pinulot ang mga bakal na nagsibagksakan. Tinulungan siya ng kaniyang mga kasamahan. Si Nash naman ay inalalayan akong maglakad.

He guides me towards the school clinic and he immediately called the nurse to cleanse my wounds. I don't know why he's doing this right now.

"Mr. Waquin..." I called him. "What are you doing there?" I asked while the nurse putting alcohol on my elbow.

Napangiwi ako nang maramdam ko ang hapding dulot nito. Iisa na nga lang ang kamay ko, nasugatan pa.

Inagaw niya ang bulak sa nurse at sinabihan niyang siya na ang bahala sa akin. Napaawang ang aking bibig dahil dito. Bakit siya ganito makaakto ngayon?

"Drop the formality Architect," he said.

I sighed. "Fine, but could you answer my question?"

Ibinaba niya ang bulak na nabalutan na ng aking dugo. Tumingin siya ng deretso sa akin.

"I'm working here obviously and besides I want to check how's the renovation," Nash answered and my forehead wrinkled.

"Why?"

"Bawal?"

I rolled my eyes at hindi ko na siya sinagot. Natapos na niyang gamutin ang sugat ko at tumayo na ako sa hospital bed. Nagpaalam na ako sa kaniya na aalis na pero hindi siya tumugon. Maglalakad na rin sana ako palabas ng clinic ngunit hinigit niya ang nag-iisa kong kamay.

"Can we talk?" he asked and my eyebrows creased.

"Wala ka bang klase Mr. Waquin?"

He shook his head. Nash look at me woefully. Para bang nagwiwika siyang pagbigyan ko ang kaniyang gusto.

Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Huli naming pagkikita ay akala ko wala siyang naaalala tungkol sa akin, tapos malalaman ko na lang na nagkukunwari pala siya. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong paniwalaan sa mga sinasabi niya.

"Please?"

I heavily sighed and followed him on the bench near the clinic. Marahil ito na rin ang pagkakataon upang makausap ko siya. At para na rin matanggal ang agam-agam at mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa pagkaupo namin sa bench. No one dares to talk. Siguro ay hindi rin alam ni Nash kung paano sisimulan ang usapan.

Siya ang nagsumamo na mag-usap kami tapos siya ngayon ang tatahi-tahimik. Well, ikaw ba naman ang mawala ng pitong taon at susulpot na parang kabute.

"I thought... you cannot remember me," pagbabasag ko ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Isa kasi ito sa aking mga katanungan. Noong nagkita kaming muli pagkatapos ng pitong taon, para bang hindi niya ako nakikilala. Kaya nagtataka ako ngayon na parang wala lang ito sa kaniya.

"Why do you think of that?" His forehead knotted.

"Because when we met again here last time, you asked "I'm sorry, Miss. Do I know you?" Then, suddenly you introduced me to Zeah."

"Ahh, that. I don't know what to say. And my freaking mouth just said it."

I nodded, ito lang pala ang dahilan niya. Tapos kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan noon dahil sa sinabi niya. Ang babaw lang oala ng dahilan. The silence aired again between us after I asked it.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nash pagkaraan ng ilang minutong katahimikan. His gaze land on me and the seriousness was all over his face.

"Xeidrine, kumusta?" May pag-aalinlangan niyang tanong.

Dalawang salita ngunit hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot sa kaniya. Ni minsan kasi ay hindi ko man lamang ito natanong sa aking sarili.

Kumusta na nga ba ako? Anong lagay ko? Makalipas ang maraming taon, masaya ba ako?

"I'm fine... I guess," I stuttered.

I look at him. I saw his eyes went watery. Parang anumang segundo ay tutulo na ang kaniyang mga luha.

"I'm sorry..." his voice cracked.

Two words again, but my heart trembles. I can feel Nash's sincerity in his words. He's really sorry for his mistakes.

Ang tagal kong inintay ang mga salitang ito na mangaling sa kaniya. Ngayon na narinig ko na ito, para bang naging payapa na ang aking puso.

I know the word sorry was not enough for what he's done. But everyone deserves forgiveness.

"M---matagal na kitang napatawad."

Totoo ito. Ayoko na kasing magtanim ng sama ng loob sa isang tao dahil hindi rin ito nakakabuti para sa akin. Kahit na sabihin nating puro kasinungalingan si Nash noon, kinalimutan ko na lang ito.

Ang hirap kasi kapag mayroon kang bigat na dinadala sa iyong dibdib. Saka, kung ano man ang nangyari sa amin sa nakaraan, gusto ko na lang itong ibaon sa hukay.

I hugged him and I can hear that his sobbing. Sa pagkakataong ito, hindi na rin nagpatinag ang aking mga luha.

Ramdam ko na para bang dala-dala ng kaniyang konsensya ang kaniyang mga pagkakamali sa nagdaang mga taon.

Maski naman ako, nakokonsensya ako sa mga naging pagkukulang ko sa kaniya noon. Ngunit nangyari na ang lahat at hindi na ito maibabalik pa.

All we just need is to move on.

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid niya ang kaniyang mga luha. Humugot muli si Nash ng isang malalim na buntong hininga at sumulyap sa akin.

"Why are you so nice Xeidrine?"

Hilaw akong ngumiti sa kaniya. "Gaya nga ng sabi nila, kung ang Diyos nga nagagawang magpatawad, paano pa kaya tayong tao lang?"

Nash smiled at me. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkausap kayo ng taong minahal mo at naayos ang gusot sa pagitan ninyo.

"Besides, Quias told me everything after our graduation ceremony. I was about to talk to you, but the accident happens."

"I see..."

Hinawakan ko ang kamay ni Nash. Kailangan ko nang tuldukan ang matagal nang bumabagabag sa aking damdamin.

"I have something to ask," I told him and took a deep sigh. "Why do you leave me?"

Umiwas siya ng tingin at napakagat labi. Kita ko ang pagdadalawang isip niya kung sasagutin ba niya ang aking tanong o hindi.

"Noong nangyari ang aksidente, tumama ang ulo ko sa bato ngunit hindi ganoong kalala ang aking natamo, kumapara sa iyo. Utang na loob ko sa iyo ang buhay ko Xeidrine," his voice cracked. I can feel the sadness throughout his words.

"But I---I don't want to see you suffering. Lalo na't alam kong ako ang dahilan ng iyong paghihirap at kapighatian. So, I decided to leave..."

"Bakit mo naman naisip 'yun?"

"Because... because of me your heart breaks into pieces, because of me, you've hurt emotionally and physically and because of me you lost your arms..." he paused and his tears fell down.

Nash was so fragile right now. A guy is crying in front of me and I can't do anything about it.

"I gave you a nightmare Xeidrine that you'll never forget."

"Even you're my greatest nightmare, Nash, I will always forgive and accept you in my life..."

Nash comes nearer to me and wipes my tears that keep falling down. And abruptly, he hugged me. 

Ito lang naman ang gusto ko eh. Ang makausap siyang muli pagkaraan ng maraming taon upang matuldukan ang sakit na dulot ng kahapon.

After talking to Nash, I guess my heart that breaks after so many years, was fully renovated now...

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 1.7K 73
"They say that Omegle is a site for bored people. But for her case... she's broken not bored." Epistolary #1
669K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
18.4K 1K 44
VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2: ARTS AND DESIGN [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Arts and Design is a track that develops the st...
1.1K 106 43
an epistolary ; dulce & jake