That Rainy Night in Cubao (S...

By ashethetics

9.9K 344 39

SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from... More

TRNIC
That Rainy Night in Cubao
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
That Rainy Night in Cubao
A's Note

Nineteen

155 6 0
By ashethetics

TRNIC: Chapter 19


"Kain ka pa, 'nak"


Napatingin ako sa pagkain na inusog ng Mama ni Jericho, papalapit sa akin. Malapad ang ngiti nito, na tila kinukumbinsi akong kumain pa. Nakangiti akong tumango, nagdagdag nga.


"Thank you po. Ang sarap niyo po magluto. Namimiss ko lutong bahay, dahil hindi ko iyon nakakain sa dorm," nakangiti kong sabi habang nagdadag pa rin ng kanin.


Ang dami ko nang nakain. Hindi ko mapigilang magdagdag dahil ang sarap ng adobo na luto ni Tita Jen. Nginitian ko si Jericho nang ilapit niya sa akin ang baso ko, na dinagdagan niya ng orange juice.


"Naku, dyan ako nakuha ng Tita mo. Noong nagtatrabaho pa ako sa barko, lagi kong hinahanap-hanap luto niyan," si Tito Jaime.


Bahagyang natawa si Tito Jaime nang pabiro itong sikuhin ni Tita. Hindi ko maiwasan mapangiti habang pinapakinggan sila. Halatang may kilig pa rin sa mga buto. Na kahit lumipas na ang taon, hindi man lang kumupas ang pagmamahalan nila.


Given the fact that Tito Jaime was working from afar before since he was a seaman. Minsan lang kung umuwi. Maraming tsansa na makahanap ng iba, dahil sa mga nakakasalamuha sa araw-araw. Pero nanatili ang pagmamahal niya kay Tita Jen. Indeed, cheating is a choice.


Hindi mo pwedeng sabihin na natukso ka lang. Kasi kung faithful ka sa taong mahal mo, kahit iwan ka pa sa lugar na puno ng kababaihan, hinding-hindi ka maghahanap ng iba.


Kahit sa mga exam, cheating is also a choice. Sa lahat ng aspeto ng buhay. You can't just say, that 'it was an accident'. Dahil tanga lang ang maniniwala na aksidente lang ang cheating.


"Uuwi po ako ng Bulacan, to spend my sembreak with Mama and Glenn," nakangiti kong sabi, nang itanong ni Tita Jen ang plano ko ngayong sembreak.


The lunch with Jericho's family went on. Tahimik na akong nakikinig, habang nagkukuwento si Tita Jen, tungkol kay Jericho na bukambibig daw ako noon. Iyong mga panahon na hindi ko pa siya kilala.


"Palagi kang nababanggit noon. Crush na crush ka raw talaga niya," natatawang umiling si Tita Jen.


Napangiti ako dahil sa sinabi nito at nilingon si Jericho, na malapad ang ngiti.


"Kaya grabe ang tuwa, noong pinayagan mo raw na manligaw," Tito Jaime said and let out a hearty laugh.


I had so much fun with them. Sobrang bait ng mga magulang niya. At ramdamn na ramdam kong welcome na welcome ako sa kanila. Pati si Justine na kapatid ni Jericho, magaan ang loob sa akin.


Kung ano-ano ang kuwento ni Tine tungkol sa bestfriend niya, na kapitbahay nila Jericho. Pinupuri niya pa ako na maganda raw. Paulit-ulit niya iyong sinasabi. Mukhang totoo, kasi hindi naman nagsisinungaling ang mga bata.


Nagpresinta akong maghugas ng pinggan, pero sinabi ni Tita Jen na huwag na raw. Hindi naman daw kasi nila ako inimbita para maghugas ng pinggan. Biniro ko na lang, na susunod, ang ipupunta ko nalang dito ay ang paghuhugas.


Naiwan si Tito Jaime at Tita Jen sa maliit na dining nila, habang kami ni Jericho pati ng kapatid niya ay tumungo sa sala para manood ng TV.


"Ate Ginn? Ate Ginn? Kilala niyo po ba si Elsa?" masiglang tanong ni Justine, nang nasa sofa na kami.


Siya ang nasa gitna namin ni Jericho ngayon. Hindi ko maiwasan mapatingin kay Jericho, mula kay Justine, nang nakangiti itong umiling-iling. Tila natatawa sa kapatid niya.


Malayo ang agwat ng edad ni Jericho at Justine. Pabiro pa ngang sinabi ni Jericho sa akin na hinabol nalang daw si Justine ng magulang nila, dahil gusto nilang magkaroon ng anak na babae. Pero hindi pa rin naman ganoon katanda ang magulang ni Jericho.


Kami nga ni Glenn, malayo rin ang agwat ng edad. Akala ko nga noon, hindi na ako masusundan. Pinagyayabang ko pa naman noong grade one ako na mayaman kami, kasi only child lang ako. At sarap sampalin ng sarili ko, kapag naaalala ko iyon.


"Gusto ko rin ng superpower na ice," si Justine, na kinokompas ang kamay ngayon na tila may kapangyarihan na lalabas doon.


Nakipaglaro ako kay Justine ng mga dolls niya. Pakiramdam ko, naging bata ako pansamantala. Nakakamiss din maging bata.


Iyong iiyakan mo lang kapag nadapa ka at nagkasugat sa tuhod, tapos tatakutin ka pa na may lalabas na tren doon. Iniiyakan mo lang iyong mga galos at pasimpleng kurot sa'yo ng Nanay mo, kapag nasa publiko kayo.


But as you grow older and see how reality works. See how the world starts unfolding the truth in front of your eyes, you'll then wished to be a kid again.


Na kahit madapa nang paulit-ulit at magkasugat, ayos lang, dahil iyon lang naman ang sakit na iiyakan mo. Iyong galos sa siko at tuhod lang naman ang iiyakan mo. And those kinds of wounds, are the real wounds, that heals over time.


Sometimes I doubt, if time really heals the wounds in our heart. Maybe time doesn't heal it. Maybe we just did our best to be happy again. And being happy, doesn't mean that were healed.


There are just wounds inside us that we patched with happiness, because time couldn't afford to heal it. Well, just maybe.


Umingay lalo ang sala nila Jericho, nang dumating ang kaibigan ni Justine. Si Eros.


"May Ate na ako," tila pang-iinggit ni Justine sa kaibigan.


"Ate ko na rin 'yan, friends tayo e," sagot ni Eros at nilingon ako para malapad na ngitian. "Diba po? Ate na rin kita,"


Malapad kong nginitian si Eros at ginulo ang buhok niya. Napatingin ako kay Jericho na at naabutan siyang malaki ang ngiti sa akin. Nang mawala na ang atensyon ng dalawang bata sa akin, niyaya ako ni Jericho sa taas. In his room.


"Ma, akyat lang po kami," paalam niya kay Tita.


Nakangiting tumango ang Mama niya. Nahihiya pa ako noong una, dahil unang beses kong nakapunta sa bahay nila, tapos papasok pa ako sa kwarto niya. Na siyang hindi naman niya nagawa sa kwarto ko, noong siya ang pumunta sa amin.


Pinauna niya akong umakyat sa hagdan. Simple lamang ang bahay nila. Ang pangalawang palapag, mga kwarto lamang. Dahil malaki rin naman ang sala nila sa baba.


May mga naka-frame na sketch ng mga gusali, sa tila pasilyo ng pangalawang palapag. Meron pa iyong Eiffel tower na ginuhit.


"Ako gumuhit niyan," si Jericho na nakasunod sa likuran ko.


Hindi naman dapat ako magtataka, dahil na rin sa kurso niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mamangha. Kung hindi mo lalapitan ang mga frames, maiisip mong printed ang mga iyon.


"Love na love ako ni Mama, kaya pina-frame niya. Ginawang display sa bahay," he chuckled.


"Kung ganito ba naman ka-ganda, kahit ako ididisplay ko rin," nakangiti kong sagot, at pinasada ang hintuturo sa frame kung nasaan ang Eiffel tower.


"Edi puwede ko rin idisplay picture mo?" he asked.


Nangunot ang noo ko at nilingon siya. Tinaas-baba niya ang kilay sa akin.


"Ganda ka e," pahabol niya.


"Banamanyan, tayo na, hindi mo na ako kailangang bolahin," nangingiti kong sabi, at binalik ang atensyon sa frame.


"Maganda ka na naman talaga. Parang walang bilib sa akin. Hindi naman ako nambobola,"


Matapos kong pagsawain ang mga mata sa mga guhit ni Jericho, niyaya na niya ako sa kwarto niya. Maluwag ang kwarto niya, dahil nasa iisang bahagi lamang ang kama at study table niya. Maaliwalas din, dahil nakahawi ang kurtina sa malaking bintana.


I roamed inside his room. May mga frame din doon, at alam kong mga guhit din niya ang nasa loob 'nun. Nasa study table niya ang mga ruler na iba't-iba ang hugis.


Ang mga graphite pencil at technical pens niya, nakalagay sa pen organizer. Katabi noon ang mga lego house, at ang miniature house. Pinulot ko ang miniature at pinakatitigan. Maliit akong napangiti.


"Ikaw gumawa nito?"


"U-huh, boyfriend mo ang gumawa niyan," tunog proud sa sarili. "Soon, bahay na rin natin 'yan,"


Napangiti ako lalo at saglit siyang nilingon.


"Kinontrata mo pa ako," I joked.


Maliit akong natawa at maingat na binalik ang miniature sa kung saan iyon nakapuwesto. Ang lego house na naman ang siyang pinulot ko. Marami iyon, meron ding lego na hindi bahay ang pagkakaayos.


"I'm rooting for you, Architect," I said and craned my neck to see him. Kinindatan ko siya at nginitian. "Soon, you will be. Let's claim it,"


"Syempre naman! Tapos ipagyayabang mo ako. Ibabalita mo sa buong mundo kung gaano ka-kaproud sa akin. Kung gaano mo ako kamahal," hirit niya.


Maliit akong umismid. "Aba, iba na ngayon ah. Noon, ibabalita ko kung gaano mo ako ka-mahal. Tapos ngayon, tsk, tsk,"


"Bakit? Hindi mo ako mahal?"


"Mahal," sagot ko.


"I love you, mahal," he teased.


Tumawa ako dahil doon, kaya natawa rin siya. Iniwan ko na ang study table niya, at sinuri muli ang paligid ng silid. Nakasabit ang gitara niya malapit sa pintuan. Kaya binalingan ko siya.


"You can play guitar?"


"Oo naman, yes!"


"Bakit hindi mo ako hinarana?" 


"Sige, ngayon nalang kita haharanahin," nakangiti niyang sabi, at lumapit pa sa pintuan, upang kunin ang gitara roon.


Ilang kanta ang kinanta niya sa akin, na hindi na namin namalayan ang oras. Umakyat ang Mama niya, at niyaya kaming magmeryenda, dahil pasado alas tres na pala.


Kasama pa rin namin si Eros. Na sinundo rin naman ng Kuya niya, nang matapos magmeryenda. Bigla kong namiss si Glenn dahil sa kaniya. I think they're of the same age.


Pasado alas singko na, nang maisipan kong umuwi na. May aasikasuhin pa rin kasi ako sa dorm.


"Tita, thank you po. Babalik po ulit ako sa susunod," nakangiti kong sabi at bumeso.


"Thank you, din 'nak," nakangiti niyang sabi.


"Ate Ginn? Ate Ginn? Babalik pa po kayo ulit?" mahinang tanong ni Justine, tunog malungkot.


Nakangiti kong inipit ang buhok niya sa likod ng tenga niya. Nakangiti akong tumango-tango sa kaniya at mahinang pinisil ang ilong niya.


"Oo, promise. Maglalaro tayo ulit," nakangiti kong sabi sa kaniya.


Niyakap niya ako nang mahigpit. Kaya lumapad lalo ang ngiti ko, at niyakap din siya. Pinapanood lang kami ni Jericho na nasa pintuan na nila at hinihintay nalang ako na matapos magpaalam sa mga magulang niya at kapatid.


"Mag-iingat kayo, Coco," pahabol ni Tita Jen.


After bidding my goodbye to his family, we then left and headed to Anonas Station. Ihahatid niya raw ako pabalik sa dorm.


I couldn't help but smile while we're both standing inside the train. Maraming tao sa loob. Kaya kabilang kami sa mga nagstanding ovation at nakipagsiksikan sa kanila.


I looked down and searched for his hand. Malamig sa loob ng tren dahil sa aircon, pero pasimple ko pa ring pinunas ang kamay ko sa denim skirt at tahimik na hinawakan ang kamay niya.


Tiningala ko siya at malapad na nginitian. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya bumaba ang tingin ko roon. I looked up again and smiled widely at him.


"I love you," I mouthed.


Kinilig ako sa isipan, dahil sa thought na inside this train, that's very crowded, Jericho and I created our own world. Without the people around us noticing it.


That day, he walked me back to my dorm, with our hands tied. Kahit pawis na pawis na naman ang kamay ko, hindi niyo iyon binitawan hanggat sa marating namin ang gate ng dorm.


Ang pagpunta sa kanila Jericho ay muling nasundan. Sinadya kong dumalaw bago man lang umuwi sa amin. Si Ulan ang naunang uuwi sa kanila kahapon, dahil may family reunion sa mother side niya, na kailangan niyang daluhan.


Dapat, sabay na kaming uuwi sa Bulacan, dahil iisang bus lang naman ang sasakyan namin. Ayaw pa nga niyang dumalo nalang sa reunion, dahil magsasaling pusa lang daw siya roon.


But her mother reached out for her and told her to join the reunion. Kahinaan ni Ulan ang mga magulang niya, lalo na ang Mama niya. Kaya pumunta nalang siya.


At ngayon, ako naman ang siyang uuwi. Nasa kwarto ako ngayon, at sinusuri ang paligid kung ayos na ba ang lahat, bago ako umalis. Jericho's in the lounge downstairs.


He texted me na naabutan siya ni Bella sa gate kanina. Kaya niyaya siya nitong pumasok para sa loob nalang daw ako hintayin ni Jericho.


When everything seems fine, I then turned off the light. I'm with my small travel bag and tote bag. Mag-uuwi lang ako ng ibang damit sa Bulacan at magdadala nang panibago sa pagbalik ko. I locked the door, and sashayed in the quiet hallway.


"Ginn!" masiglang tawag ni Bella, na siyang unang nakakita sa akin nang tuluyan na akong makababa.


Nginitian ko siya at kinawayan gamit ang libreng kamay. Tumayo si Jericho sa upuan at nag-excuse kay Bella, para lapitan ako. Kinuha niya ang travel bag na hawak ko, habang nasa mukha pa rin ang ngiti, mula sa kung anong napag-usapan nila ni Bella kanina.


Tumayo na rin si Bella sa upuan at naglakad papalapit sa amin. Bumaba ang tingin ko sa mga yakap niyang kumpol ng mga folders. Mukhang galing siya sa school.


Bella is not studying in PUP, but somewhere along Legarda, iyon ang alam ko. At August nagstart ang klase nila. Kaya hindi pa nila sembreak ngayon. Hindi tulad namin ni buwan ng Hunyo nag-umpisa.


"Ang lungkot ko. Uuwi rin mga roommates ko," Bella pouted.


Kaonti nalang din pala silang maiiwan dito sa dorm. At mukhang sa room niya, siya lang ang maiiwan.


"Mag-s-stay naman daw si Ate Marie. Kaya may kasama ka pa rin. Atsaka after two weeks magsisibalikan na rin kami for second semester," nakangiti kong sabi sa kaniya, trying to comfort her.


After some chitchat with Bella, we then told her that we're leaving. Ihahatid din ako ni Jericho sa Bulacan, para na rin makadalaw siya sa amin. Baka kasi hindi na rin siya makabisita the whole duration ng sembreak. Mag-s-stay sila sa hometown ng Papa niya para na rin sa Undas.


We headed to Pureza Station, dahil sa Cubao ulit kami bababa. We decided to eat lunch first before going to Bulacan. Quarter to twelve na rin kasi, and definitely gugutumin kami sa byahe kapag sa bahay na kami kumain.


Hindi marami ang tao sa loob ng tren, dahil wala na halos estudyante. Nakaupo kami dahil maraming bakanteng upuan sa loob. Nang makarating sa Cubao, napili naming sa McDo kumain.


Umakyat kami ni Jericho, dahil sa taas ang napili naming puwesto. Iyong nasa malapit sa glass wall ang napili namin, kung saan nakikita ang unang palapag. May mga iilang customer na nakapila sa counter para umorder.


"Anong gusto mo kainin?" Jericho asked, while staring at me.


"Ikaw?"


His brows shot up with my answer, bago iyon nasundan nang halakhak. Tumaas ang kilay ko dahil doon at nangunot ang noo.


"Shunga! Ikaw, anong sa'yo?" pinanliitan ko siya ng mata, kaya muli siyang humalakhak.


"Akala ko, ako gusto mong kainin," aniya at umiling-iling. "Pwede naman, Ginn. Gusto mo ba?"


"Hindi. Ang bagra mo," my nose crinkled.


After deciding what to eat, he then stood from his seat. Bababa na para um-order nang kakainin namin. Kinindatan niya muna ako bago tinalikuran, at naglakad na palapit sa hagdan.


I watched him through the glass wall, habang bumababa na. Tumingala pa siya, para lang tignan ako at kindatan. I stuck my tongue out, at mahina rin naman akong natawa dahil sa ginawa.


Umiling-iling siya habang malaki ang ngiti. Pinagpatuloy na ang pagbaba sa hagdan. I was watching him the whole time he sashayed down the stairs, until he reached the counter.


May isang taong nasa harapan niya. Kaya nakatayo lamang siya at hinihintay itong matapos sa pag-oorder. He then craned his neck to see me. Nakatingala siya ngayon at malaki ang ngiti na kinawayan ako.


Inalis na rin naman niya ang tingin sa akin at binaling na sa harapan. Hindi ko naiwasang mapangiti mag-isa habang nakatitig sa kaniya. Agad kong binuksan ang tote bag ko para kunin ang cellphone sa loob.


Kinunan ko siya ng larawan, habang nasa harapan ang atensyon niya. Hindi ko naiwasang mapangiti habang nakatitig sa picture na kinuha. It was like, 'hey, that's my boyfriend ordering our food' vibes.


Napanguso ako at muling sinulyapan si Jericho, na siyang umoorder na ngayon. Muli ko siyang kinunan ng larawan, kasama ang kamay kong naka-finger heart. I turned my data on, and opened my IG account.


I posted it on my story, after choosing a vintage-liked filter. I then typed 'that's my man' and used the cursive font. I then turned my data off after posting it. Nakangiti pa rin ako, habang binabalik na ang cellphone sa tote bag.


Nawala lamang ang ngiti ko, nang mapatingin ulit sa hagdan. Nakilala kung sino ang taong umaakyat doon ngayon.


Mula sa glass wall, sinundan ng mata ko ang bawat paghakbang nito sa baitang ng hagdan. Lumipat din agad mga mata ko sa babaeng kasama niya.


My Papa was holding the tray of their order. He was smiling. Beside him, was a woman, also smiling. Mukhang may pinag-uusapan silang dalawa. Kaya sila nakangiti. He didn't notice me.


Hanggat sa maupo na sila sa napiling upuan, hindi pa rin niya ako napansin. I'm facing his back now, while the woman was sitting in front of him. Na siyang dahilan, kung bakit nakabaling siya sa puwesto ko.


Ang atensyon ng babae ay nasa Papa ko pa rin, na may kung anong sinasabi. I couldn't take my eyes off them.


Nakatitig lang ako habang nararamdaman ang dahan-dahang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Nararamdaman ko rin ang paghapdi ng tuktok ng ilong ko. I gripped the strap of my tote bag.


It has been years, since the last time I saw him. I never had the chance to meet his woman, and seeing her now, happy with my Papa, hurts more than a knife being stabbed in my heart. I was hurt, not just for myself. But also for Mama and Glenn.


I am fucking hurt.


Naramdaman ko ang pag-uunahan ng mga luha na tumakas sa mga mata ko. Habang nasa kanila pa rin ang tingin. Ni hindi ko nagawang kumurap magmula nang makita ko si Papa na paakyat ng hagdan.


Nawala lamang silang dalawa sa paningin ko, nang dumating si Jericho bitbit ang tray. Kaya naharangan niya ang kung anong natatanaw ko ngayon.


"Shit, Ginn? Bakit ka umiiyak?"


Bakas ang gulat at taranta sa boses nito at mabilis na nilapag sa mesa ang tray. He pulled his chair next to mine. Naupo siya roon na natataranta pa rin. Dahil sa ginawa niyang pag-alis sa harapan ko, muli ko na namang nakita ang puwesto nila Papa.


Ang mga mata ko ay nakapako sa kanila Papa, habang umaagos pa rin ang mga luha. Lalo pa nga iyong bumuhos, dahil dumating si Jericho asking me why I'm crying.


"Ginn? Anong masakit?" he asked.


He's now drying my tears with his thumb. Dahil sa malalaking butil 'nun at sa tuloy-tuloy na agos, pinulot niya iyong tissue ng McDo sa tray, at iyon ang siyang pinunas niya sa pisngi ko.


It was like, what he did, takes me back to reality. But isn't seeing Papa with his woman, a reality? Isn't reality slapping me with its very own truth? Right in front of my very own face? Hindi pa ba realidad na iniwan na talaga kami ng Papa ko noon pa man. Hindi pa ba realidad ito?


Umiiyak na nilipat ko ang tingin kay Jericho. Bakas ang kombinasyon nang pag-aalala at pagkagulat sa mukha niya ngayon. Inangat ko ang kamay ko mula sa strap ng tote bag, patungo sa braso niya.


"A-alis nalang tayo..." mahina kong sabi, at mahinang napahikbi.


Pinisil ko ang braso niya, nagmamakaawa na umalis na kami. I wiped my tears with the back of my hand.


"Ginn? What's wrong?" he asked with his low voice, still worried.


"A-alis na tayo. I-take o-out nalang natin..." my voice broke, followed by a hiccup.


I am now gripping the sleeve of his shirt. Tumango siya kahit bakas ang pagkalito sa mukha niya. Hindi niya alam kung iiwan ba niya ako para dalhin sa baba iyong order namin at ipabalot nalang. O isasama niya ako sa kaniya.


Mabuti nalang, may dumating na crew na naghatid ng order na tubig, doon sa kabilang table.


"Man, sorry. Take out nalang namin 'to. Hindi maganda pakiramdam ng girlfriend ko," Jericho said, while tapping the back of the crew, to show how sorry he was for the inconvenience.


"Sige kuys, walang problema," iyong crew, at tumango kasabay nang pagkuha sa tray namin.


"Sa baba na namin kunin. Salamat," si Jericho.


Tumango ulit iyong crew at naglakad na papalapit sa hagdan.


Tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng mga luha ko, habang pinapanood si Jericho na kunin ang travel bag sa may ilalim ng mesa. Maski ang tote bag ko, kinuha rin niya.


"Tch, wala akong magawa," he murmured.


Lalo lamang akong naiyak dahil doon. I feel sorry and sad because of my sudden reaction, na tila naabala pa siya. He held my hand and helped me out of my chair.


Tahimik naman akong tumayo. Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad habang hawak niya ang kamay ko.


Nang malapit na kami sa hagdan, nilingon ko ulit ang pwesto nila Papa. Nakikita ko na ang mukha niya ngayon. He's now chewing his food. Nag-iwas ako ng tingin nang mapasulyap siya sa puwesto namin.


Hindi ko alam kung napansin ba niya ako. But whatever... I didn't look back. Kasi kahit nakita niya ako, it won't still change a thing. Baka nga itaboy pa ako. At ayaw kong mangyari 'yun, dahil masasaktan ako nang sobra-sobra.


I just held Jericho's hand tightly, as if it will give me strength. When he felt how I tightened my hold, he then also tightened his... as if telling me, that no matter what, he'll never let go of my hand. As if, he will hold me and he will never let go of me... forever.


But no matter how tight it was... it still did slip.


I let it slip.


***



Continue Reading

You'll Also Like

280K 10.2K 40
Phaedra Divinagracia always lived her life in a selfless way. Nang maghiwalay ang nga magulang niya, she let them marry other people for the sake of...
1.5M 29.8K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
10.8K 760 46
Natashya Roxanne Diaz is a spoiled high school girl gone rogue. She often finds herself in situations that trigger her anger issues and gets away wit...
142K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...