What Makes Life Divine│Valien...

By verunarra

6.9K 333 162

(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not unt... More

What Makes Life Divine
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
Epilogue
Make My Life Divine Again (Book 2)

CHAPTER 13

154 9 3
By verunarra

CHAPTER 13

"Ang ganda ng mata ni Gael!" Tita said. Lahat sila nag tawanan, except sa akin na busy sa pag-nguya. Nasa living room kami at nag-uusap ng kung ano-ano habang kumakain nung cake na dinala ni Gael. I think Mama liked Kuya's friends. Lalo na si Kuya John at Nash. Sila lang daw kasi 'yung tahimik.

   After I told Tita about Gael? Puro si Gael na kaagad ang kinakausap niya at madalas niyang pansinin. Like, he would talk to Gael then she'll looked at me.

    "Mayabang na," Kuya sarcastically said. "May brown lang na mata. Mayabang na."

   At 'yun na ang simula ng asaran nila.

   "Sana all, honey brown," sabi ni Kuya Andy bago nanaan sila nag-tawanan.

   Seriously, si Kuya Andy at Kuya lang ang nag-sasalita. 'Yung iba, tawa na lang ang ginawa.

   "Ab?" Tita called. I looked at her and smiled. "Do you like Gael?" She trailed. "...s eyes?"

   Tita!

   Oh my god.

   I arched my eyebrow at her. She contained her laugh. Pero para hindi halata na may tinatago ako. Nakangiti akong tumingin kay Gael. I gazed at his eyes and nodded. Unti-unting nawawala 'yung ngiti niya. Dahil ba sa titig ko? I don't know. "Yeah, I do."

   "What?" Kuya asked. When I looked at him, he was already looking at me, forehead creased. "What did you say?"

   I smiled. "I said, I like his eyes."

   "Here we go," Kuya Andy said and sat properly. Kuya Nash and John did the same thing. I looked at them with forehead creased when they did the sign of the cross. They even held Gael on his shoulder. "Protect Gael at all cost."

   "Gago," Kuya cussed at them.

    Natigilan ang mag-kapatid na Austria—si Mama at Tita. Ending? 'Yun, pinagalitan siya ng dalawa habang nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan niya. I was just looking at them, containing my laugh, kahit na I can feel Gael's stares. I just ignored it. But I liked it.

    Ew... Did I really said that?

    Aalis na sana sila after they played games and ate. But the rain poured. So, they stayed. It only means na makikita ko pa si Gael ng matagal-tagal. At hindi makakauwi si Tita. Maasar niya pa ako kay Gael.

   Good thing, nag mura si Kuya. Nawala na siguro sa isip niya 'yung pagka-attract ko sa honey brown eyes ni Gael.

   After doing my homeworks, the rain hasn't stopped yet. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa kusina. Only to find my brother and his friends, drinking. Paano, umalis siguro sila Mama at Tita.

    "Hi, Abreu!" Kuya Andy beamed.

   "I didn't gave you a permission to talk to her," Kuya said, drunk. Kahit ba naman lasing, OA pa rin?

    "Hi, Abreu Gayle!" Gael said. My eyes widen when Kuya attacked him. But they all laughed. Even Gael is laughing. I guess, it's normal? Kunot noo ko muna silang tinignan bago pumunta sa ref at kumuha ng maiinom. "Hi, Gayle!"

   I pursed my lips. Gael, ano ba?!

   Pero kahit anong paglapat pa ng labi ko anh gawin ko ay may ngiti paring lumalabas sa labi ko.

   Ano ba?!

   "Isa pang, 'hi Gayle'," Kuya said.

   "Hi, Gayle."

   I bit my lower lip. Seriously? Ganoon ba kapag nalalasing?

    "Alam mo, may crush ako sa kapatid mo," sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko at tumingin sa gawi nila. Si Kuya Andy ay nilalaro 'yung baso, si Kuya John ay nasa cellphone ang atensyon, habang si Kuya Nash naman ay may suot na meme glasses at nakatulala. And then there's Gael. Nakatingin lang si Kuya sa kan'ya. He smiled at Kuya. "Gusto ko kapatid mo."

    Aba'y inulit pa?

    Hindi ko inexpect ang pag-ngiti ni Kuya at sundot sa taligiran ni Gael. "Ayiee!"

   Tumawa si Gael.

   "'Wag si Abreu. Bata pa '🥺. Tanda tanda mo na, eh."

   Sumimangot si Gael.

   They're so weird.

   Maya-maya ay umuwi na sila. Si Kuya John ang nag-hatid sa kanila dahil siya lang ang hindi lasing. Pinuntahan ko si Kuya sa kusina na tahimik na natutulog. Naupo ako sa harap niya at tinitigan siya.

   "Kuya?"

   I know that when his drunk, he couldn't remember a thing. And when he's drunk, he may be weird but he's not over reacting.

   'Di ko inaasahan ang pag-dilat niya. "Hmm?"

   I smiled. "Kuya, what if I get into a relationship?"

   He winced. "No..."

    Napa-ayos ako ng upo. "Kuya, why?"

   "I don't want you to get hurt," he said before he closed your eyes. "Tita Andrea said that, Papa left a big scar on your heart. You might be a different person after a severe break-up... She has her PhD, so... It might be true."

   I didn't speak.

   "So... No relationships," aniya.

Dahil sa napag-usapan namin nung na-lasing si Kuya ay parang nakaramdam ako ng konsesnya.

    I'm just fifteen years old! Bakit ba iniisip ko kaagad 'to?! And because of that, hindi ko na ganoong pinapansin si Gael. Hanggang sa umabot na nang ilang araw. Kapag nakikita ko siya ay iniiba ko kaagad ang dadaanan ko. Kapag tatamabay sila sa bahay, ay nag-kukulong ako sa kwarto at mag-papanggap na may masakit sa katawan ko.

   Am I hurting him?

   Yeah, of course... If he likes me.

   Pero siguro mas okay na 'to. Edi nalaman niya 'yung ugali ko. Ma-t-turn off siya sa akin tapos aayawan na niya ako. Why does he even like me? I'm two years younger!

   "Pakopya pointers," sabi ni Jaeden nang tumabi siya sa akin. Kinuha ko 'yung notes ko at binigay sa kan'ya. Mag-tatanong na sana ako kung bakit ganinto siya, hindi naman siya nag-susulat ng pointers, nang mag-salita siya. "Bakit hindi ka na hinahatid ni Gael?"

    My forehead creased. "Tumabi ka talaga sa akin para makichismis, 'no?"

    He rolled his eyes before he handed my notebook back. "Duh, ako? Mag-aaral for exam?"

   I look at him in disgust.

    "Kahit 'di ako mag-aral ay papasa ako! Section one ata ako noon!" Pag-mamayabang niya at hinampas ang sariling dibdib. Napailing na lang ako at inayos ang mga gamit ko nang may itanong nanaman siya. "Bakit nga?"

   "Kasi, iniiwasan ko siya?" I sarcastically said. He obviously know na ako ang may problema sa amin ni Gael. Friend niya si Gael at sigurado ako na alam niya ang side ni Gael.

    He sarcastically laughed. "So, bakit ka umiiwas?"

   I sighed. "I don't know."

    That's the answer. Siya na lang ang bahala na intindihin ang ibig kong sabihin sa tatlong salita na 'yun. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung gusto ko ba talaga siya. Ayoko namang paasahin si Gael. He's a good person... he's cute... Lalo na kapag natatameme siya.

   Stop. Crushing over him, Abreu.

   Sumandal si Jaeden sa upuan habang nakatingin sa akin. "Alam mo ba, ikaw pa lang nagugustuhan nun?"

    "Okay, so?"

   "That's a good thing!" Parang hindi makapaniwala na sabi niya. Inalis niya ang pag-kakasandal ng likod niya sa upuan at tinignan ako. "Out of all girls dito sa AU, ikaw palang 'yung unang nagugustuhan niya. Seventeen years na siya sa mundo, ikaw pa lang 'yung nagugustuhan niya!"

    I looked at him, forehead creased. "So... Should I consider myself lucky?"

   Tumango siya. "Valiente 'yan, Boi!"

    "Should I... Care?" Nalilitong tanong ko.

   He looked at me, amused. "Grabe ka, bhie. Valiente 'yan, kapamilya 'yan ng mga Trevejo! Tapos ginaganon mo lang? You're really different."

   Oh, yeah. The Trevejos.

   One of the well-known families here in the country. May-ari ng kung ano anong business dito sa bansa. So... should I really consider myself lucky, now?

   Nailing si Jaeden. "Grabe ka, bhie. Keep slaying."

    Mahinang tawa ang nakatakas sa bibig ko. Inayos kong muli ang gamit ko at tumayo. Mag-rereview pa ako sa exam. Muli kong tinapunan ng tingin si Jaeden na nakatingin pa rin saakin.

   "You should consider yourself lucky," he said. "He's a good guy, P're. T-tratuhin ka nun na prinsesa! Simpleng bagay nga lang tungkol sa 'yo ay kinikilig na siya, eh. Mag-suklay ka lang napapangiti na."

   Kunot noo ko siyang tinignan. "Kinukunsensya mo ba ako?"

   Tumango siya.

   I winced. "Ayoko pa. 'Yun lang 'yun."

   "Kailan pwede? Pag eighteen ka na?" He sarcastically said, rolling his eyes. Tumayo siya. "So cliché."

    Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas ng classroom. Nataranta kaagad ako ng makakita ng mga senior high, dahilan para binilisan ko ang pag-alis. Ewan, pero parang natatakot na ako sa uniform ng senior high. Maski nga uniform ni Kuya at madalas kong ngiwian.

    Nakaramdam kaagad ako ng kaba ng makita ang mga sapatos ng kaibigan ni Kuya sa tapat ng pinto ng bahay namin. I bit my lower lip, iniisip kung nasaan sila at saan ako dadaan para iwasan si Gael.

    Aarte na lang ulit ako...

    Nang makapasok ay nakita ko kaagad sila sa sala. Naagaw ko kaagad ang atensyon nila. Nginitian nila ako pero nag-panggap na lang ako na hindi sila nakita. Tuloy tuloy lang ang lakad ko paakyat.

    I diverted my attention to reviewing. Tatlong araw ang exam. Tig-tatlong subject sa isang araw, tapos half day. Usually, sa ganoong araw lang ako nakakasama kela Belle noon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta bukas, siguro uuwi na lang at mag-re-review. 'Yun naman talaga ng dapat kong gawin.

    Gumawa ako ng reviewer, tapos binasa 'yun. I even recited it infront of the mirror.

    Napalingon ako ng bumukas ang pinto at iniluwa si Kuya. He smiled before saying, "Kain na."

   "Nandiyan pa ba sila?" I asked.

   "Wala na, bakit?" He asked, forehead creased. Ngumiti na lang ako at umiling. Sinara ko ang mga libro na nakabukas at sumunud sa kan'ya. Pababa pa lang kami ay hinawakan niya na ako sa braso. Kunot noo ko siyang tinignan. "Did something happened?"

    My forehead creased.

    "Pansin ko lang... Iwas ka na sa kanila," aniya.

    Hindi naalala ni Kuya 'yung natanong ko nung lasing siya. Ngumiti ako. "I just don't like their jokes sometimes."

   Well, I wasn't lying.

   "Sige, pag-sasabihan ko—"

   I cut him off before I sarcastically laughed. "Oh, come on, Kuya. Parang hindi ka kasali sa kanila."

   He over reacted. Umirap na lang ako at nag-lakad pababa hanggang sa dining area.
  
   "Tomorrow's exam, right?" Mama asked.

    Tanging tango ang nasagot namin ni Mama. Because we already knew what she's about to say. It's, 'Atleast have a perfect score on one subject.' But she'll probably be more happy if it's Math or Science.

    Mama smiled before saying, "Goodluck."

   I got scared because of her tone. It was like she was threatening us that if we have a failing score or didn't have a perfect score... We know what will happen to us.

   The next morning, I woke up early to review. Nag review ako sa kitchen habang kumakain. Nang matapos ay naligo na. Hindi ko na hinintay si Kuya at umalis na. Gusto niya kasi kapag pumasok siya ay start na kaagad ang exam. Pero ako, gusto ko na maaga. Para makapag review pa ako sa room. Atsaka siyempre, para makapag review ako kasama sina Zoe at Denise. Including the twins too. Maybe.

"Kanino galing 'to?" I asked my classmates when I saw a chuckie on my table. They just shrugged. Tinignan ko ang mga tao sa labas. Wala namang mukhang suspect. Binaba ko ang gamit ko at kinuha 'yung chuckie. There was a peach sticky note. I sarcastically laughed. "Ang cliché, huh."

    you probably don't need my goodluck, cause i know youll do well but still, goodluck! :)     — G.

   My lips parted.

   "Yiee!" Andrew teased before he pushed me. Napapikit ako ng tumama ang tagiliran ko sa dulo nung lamesa. Great! "Shit, sorry!"

   Tinignan ko siya ng masama habang nakahawak ako sa tagiliran ko. He kept on apologizing but he also kept on laughing.

    Bahagya ko siyang tinulak. "Nakakadalawa ka na, ah!"

    "Hindi ako kasali doon, ah! Nakita mo kung sino ang tumulak sa 'yo!" OA na sabi ni Jaeden. Kunot noo na lang akong umiling bago umupo. Mahina akong tinapik ni Jaeden dahilan para mapatingin ako sa kan'ya. "Yiee..."

    "Sana all may chuckie," maarteng sabi ni Andrew.

    "'Wag na, kulay chuckie ka naman na, eh," Ani Jaeden.

    Nanlaki ang malaking mata ni Andrew at nag over react. "Grabe. Hashtag racism!"

   I just shook my head before I looked down on the paper and the chuckie. I pursed my lips as I folded the note. Inipit ko 'yun sa notebook ko. I sighed before I looked up to massage my neck, until my eyes met Gael's. Nasa labas siya at pinapanood ako.

   He smiled before he mouthed, "Good luck."

   My lips parted as I watched him waved his hand and walked away. Did he saw how I kept the note? Geez, please don't assume. I don't want to bore you away!

   I was the first person he liked? So ibig sabihin na buo pa siya. Buong-buo? I don't know... Pero kung ganoon nga, sana naman ay hindi ako ang maging dahilan ng pag-kadurog niya.

   Yeah, I may be over-reacting and assuming too much. But I just don't want to hurt someone.

   Especially, with a guy like him.


---

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 241 96
In which Koa and Rea are two bestfriends who are obliviously in love with each other. Short epistolary by: tiptoe2thesun February 8-12 © 2023 Complet...
72.9K 2.1K 103
an epistolary | COMPLETE
2K 278 61
hamartia vida series one. semi-epistolary | ongoing. 𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘮𝘺 𝘥𝘢𝘳𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘦𝘮𝘣𝘳𝘢𝘤𝘦𝘥. 𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘢...
11.3K 230 103
Just A 4 of 4. Tons of crushes is what she do have. Upon searching the guy who's completely a total stranger for her on all the social media apps, sh...