To Win The War (Belle Ville S...

By TianaVianne

723K 26.5K 11.7K

Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tear... More

Prologue
Chapter 1: The twins
Chapter 2: That stare
Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
Chapter 4: These walls around me
Chapter 5: The visitor
Chapter 6: The Keens
Chapter 7: Investment and bankruptcy
Chapter 8: The Creos cousins
Chapter 9: The deal
Chapter 10: The ride
Chapter 11: His arrival
Chapter 12: Not again
Chapter 13: Retreat
Chapter 14: View deck
Chapter 15: Bad things
Chapter 16: Turned away
Chapter 17: The dinner
Chapter 18: Three words, eight letters
Chapter 19: That car
Chapter 20: No mercy
Chapter 21: Stay
Chapter 22: Last Summer
Chapter 23: The promise
Chapter 24: The bestfriend
Chapter 25: The message
Chapter 26: The kiss
Chapter 27: The call
Chapter 29: Untold stories
Chapter 30: Graduation Ball
Epilogue
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Trevor
Special Chapter 2: Feem

Chapter 28: Fooled

17.3K 594 378
By TianaVianne


CHAPTER TWENTY-EIGHT

Fooled


AFTER our class, my classmates started stampeding their way to the events hall because we have practice for graduation.

Yes, I will be graduating this academic year. With Bellamy's help, this finals my grades were somehow okay. I just really need to do well in our exams next week so that I can still get good grades at least.

Hindi pa rin kami gaanong close ni Bellamy, pero mas gusto ko siyang kausap at kasama kaysa sa nanay ko. Kaya medyo nasanay na rin ako sa presensya ni Bellamy bilang kapatid ko.

I turned around and noticed that my classmates were gone.

I stood up and went out to go to the events hall. On my way to the events hall, I stopped walking when I saw Trev heading out of the main building.

Ngayon ko lang siya nakitang mag-isa. Palagi niya kasing kasama sila Gonz at ang iba pa nilang mga kaibigan kaya hindi ako makabuwelo palagi para kausapin siya.

I immediately followed him out of the main building until we reached the parking area across Madrid Hall.

Napatago ako bigla dahil nakita ko si Rara na naghihintay doon sa tabi ng Wrangler ni Trev. Hindi ito 'yong tamang oras para lapitan si Trev. Bakit ba kasi ang kulit ko?

Tatalikod na sana ako para bumalik sa main building pero natigilan ako nang magsalita si Rara.

"Denver knows, Trev."

Denver knows what?

"You told him?" There's a hint of annoyance in his voice.

"Nadulas ako, okay? Umpisa pa lang alam na ni Denver na hindi talaga ako 'yong nagkalat no'ng video pero hindi ko sinabi sa kanya kung sino."

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang sabihin iyon ni Rara.

"He got mad, Trev. That's the reason why he broke up with me. At akala ko titigilan niya na ako no'ng naghiwalay kami. Pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Ilang buwan na kaming hiwalay pero hindi siya tumitigil hangga't 'di niya nalalaman kung sino. He really wants to know the truth!"

I literally have no idea what they're talking about, but everything that's coming out from their mouth were slowly making sense.

"And last night, he even invited me for dinner. Akala ko makikipagbalikan siya sa 'kin, pero hindi. He threatened me, Trev. He said he's going to hurt you if I don't speak. He knows how important you are to me, Trev." There was silence for a moment. "You're my twin, and I love you. And knowing Denver, he'll do anything for Feem. You know that too, Trev."

Hindi maproseso ng utak ko ang mga naririnig ko.

May alam si Trev?

Hindi si Rara ang nagpakalat no'ng video?

Ang daming tanong na nabuo sa isip ko dahil hindi pa rin klaro sa 'kin ang lahat.

Hindi ko matanggap 'yong katotohanan na nagmukha pala akong tanga sa harapan nilang tatlo. Alam pa nilang tatlo 'yong totoo, pero hindi sila nag-abalang sabihin sa 'kin. Para bang pinaglaruan lang nila ako.

Hinayaan nilang kamuhian ko si Rara sa bagay na hindi niya naman pala talaga ginawa.

"Why are you telling me this, Ra? I have nothing to do with Feem anymore. We're don—"

"He's going to tell her the truth, Trev. And you're going to lose her forever."

It took seconds before Trev started talking again.

"No, Ra. That's not going to happen. I need to tell her first—"

"Tell me what, Trev?" I cut in.

Sabay silang napalingon sa direksyon ko at pareho silang nagulat nang makita nila ako. Bakas sa mukha nila na hindi nila inaasahan ang presensya ko.

Madiin kong tiningnan si Trev at saka ako humakbang papalapit sa kanya pero agad na humarang si Rara sa harapan niya at pinigilan ako.

Her eyes dilated in pain and fear.

"Narinig mo?" tanong sa 'kin ni Rara.

Tumango ako. "Now keep talking, both of you. Anong alam niyo na hindi ko alam?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "Just continue hating me instead, please? I leaked that video. You believed that too, Feem. 'Yon na lang ang paniwalaan mo. 'Wag mo nang alamin kung—"

"Why did you lie to me, Ra? Why did you lie to everyone? Bakit mo inako 'yong bagay na hindi mo naman ginawa? P-Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" Basag na boses kong sabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang totoo. Pakiramdam ko lahat ng lumalabas sa bibig nila ay kasinungalingan lang ulit.

Inis ko siyang tinulak para makadaan ako. Nang makalapit ako kay Trev ay tiningnan ko siya sa mata.

"What's going on, Trev?" tanong ko sa kanya.

Para akong bata na walang tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Ano ba ang naging kasalanan ko sa mundo, bakit ganito ang mga nangyayari?

"Can you please tell me? I—I don't know who to trust. I don't know what to believe anymore. I don't know what to do, Trev. Ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko." Pinunasan ko ang luha ko at nagpakawala ng isang malalim na hininga. "If you know something, please tell me already. I want to hear it from you."

Kahit na alam kong masasaktan ako sa kung ano man ang sasabihin niya, nakiusap pa rin ako sa kanya.

Tinitigan ko siya sa mga mata habang hinihintay ang sasabihin niya.

Gusto kong malaman 'yong totoo.

Gusto kong manggaling 'yon sa kanya.

There was remorse in his eyes, and that was exactly what broke my heart.

I think I already know.

"I leaked that sex video, Feem. I'm sorr—" Sinampal ko siya nang malakas.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay walang tigil na namang bumuhos ang mga luha ko.

Buong lakas ko siyang sinampal ulit at paulit-ulit na sinuntok sa dibdib.

"All this time, I hated the wrong person. Pero hinayaan mo lang ako. Hinayaan mo akong magmukhang tanga! You know how miserable I was pero nagsinungaling ka pa rin sa 'kin!"

I can't accept the fact that he's one of those who lied to me.

Paulit-ulit ko siyang sinuntok sa dibdib. Hindi ako napagod gawin 'yon nang paulit-ulit. "Pinaniwala mo ko na lahat ng sinasabi mo, totoo. Pinaniwala mo ko, Trev. Pinaniwala mo ko!" galit na sigaw ko, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hindi mo alam kung ano'ng nararamdaman ko tuwing pumapasok ako sa school habang lahat ng taong nakapaligid sa 'kin ay nakita na ang buong katawan ko. Hiyang-hiya ako sa lahat ng tao. Hiyang-hiya ako lalo na kay Papa. Pati sa sarili ko ay hiyang-hiya ako." Halos pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon.

"Araw-araw, tinitingnan nila ako na para bang nakahubad ako sa paningin nila kahit nakadamit naman ako. Sa tuwing nakikita ko si Rara, naaalala ko kung paano pinagkatuwaan ng mga tao 'yong nangyari sa 'min ni Denver." Para akong baliw na tumawa habang umiiyak. "'Yon pala, ikaw ang nagpakalat no'n," hindi makapaniwalang sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi nauubos ang luha ko at patuloy lang sa pagbuhos ito.

"Tapos hinayaan mo akong mahulog sa 'yo, Trev. Hinayaan mo akong mahalin ka. Hinayaan mo akong pagkatiwalaan ka."

Nag-uumapaw ang galit sa dibdib ko.

Hindi ko matanggap lahat ng nalaman ko.

"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" nanghihinang tanong ko.

Napabitaw ako sa kanya at humakbang ako paatras.

Akmang hahawakan niya ako para pakalmahin pero agad ko siyang tinulak palayo.

Tiningnan ko siya na para bang siya ang pinakanakakadiring tao sa mundo.

Humakbang pa ulit ako palayo sa kanya, walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

He's now sobbing like a kid, pero hindi sapat 'yon para bumalik ako sa kanya.

I will not be fooled by his tears.

I will not be fooled by him again.

Nang talikuran ko siya ay mabilis akong tumakbo paalis. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad papasok ng bahay.

Mabuti na lang ay walang tao kaya naman dumiretso na agad ako sa kuwarto ko at ni-lock 'yong pinto.

Tinabig ko lahat ng gamit sa mesa ko at malakas kong sinuntok ang salamin sa harapan ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng dugo mula sa kamay ko pero hindi ko maramdaman ang kirot at hapdi nito dahil tanging galit lamang ang nararamdaman ko.

Galit ba talaga 'tong nararamdaman ko? O nasasaktan lang talaga ako? O pareho?

Nasasaktan ako dahil akala ko may isang tao akong masasandalan na palaging magsasabi sa 'kin ng totoo.

Pero hindi pala. Wala pala talaga.

Kanina pa nag-ri-ring 'yong phone ko kaya pati iyon ay ibinato ko sa pader at parang boteng nabasag.

Hindi ko na kaya 'yong sakit na nararamdaman ko, Papa. Hindi ko na alam kung ano bang puwede kong gawin para makalimutan na lang lahat ng nangyari. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa.

Gusto ko silang patawarin pero hindi ko kaya.

Pakiramdam ko panghabang buhay na 'kong mababalot ng galit at lungkot.

Papa, hindi ko na kaya. Gusto na kitang makita. Gustong-gusto kitang yakapin, Papa. Sa mga oras na 'to, alam kong ikaw lang ang masasandalan ko. Pero anong gagawin ko ngayong wala ka na?

Halos hirap na ako sa paghinga dahil sa patuloy na paghikbi ko.

Ang bigat ng dibdib ko.

Nanlalabo ang paningin ko pero naaninag ko pa rin 'yong mga bubog sa sahig at wala sa sarili kong pinulot ang isa sa mga iyon.

I sat in the corner of my room, not knowing what to do.

I just want the pain to stop.

And maybe death would be the only thing that can make that happen.

I started hearing a voice that was yelling my name, but I didn't care.

Wiping my tears away, I closed my eyes.


__

Continue Reading

You'll Also Like

132K 4.7K 43
Katakot takot na protesta ang ginawa ni Sybelle sa mga magulang niya para lang wag siyang ipadala sa probinsya ng mga ito. Pero ang ama niya ang bata...
18.9K 434 66
Everyone expects Allana to be perfect and to be the best girlfriend anyone could have but the consequence of that expectation was that she wasn't abl...
2M 76.6K 164
Sml? An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...