Captivated Weakness [Alluring...

By maentblack

234K 9.6K 7.7K

Alluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July... More

Captivated Weakness
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
EPILOGUE

05

5.3K 209 105
By maentblack


Gusto

"Sure ka ba na payag kami ng Mommy mo na r'yan mag-overnight?"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang itanong na naman 'yon ni Nicolette.

Kinamot ko ang aking ilong at kunot-noong tinignan s'ya sa camera. We're on the video chat at halos isang oras na rin kaming nagtatawagan.

"Ang kulit mo. Oo nga! Payag sila. Nagpaalam ako kanina before I call."

"Overnight, Fenella. Overnight..." Si Cess naman ang nagsalita ngayon.

Wala silang tiwala sa 'kin ngayon dahil after the trouble I did last time, nag-aalala silang baka hindi ako payagan ni Mommy.

I let out a sigh. Tumango rin ako habang pinagtitinginan 'yung dalawa. Si Bright kasi ay kung ano-ano ang pinipindot sa kan'yang cellphone... Ata!

Nakaharap nga s'ya sa camera, wala naman sa 'min 'yung atensyon. His existence is somehow useless.

"Okay, sige. Punta kami r'yan mamaya! I'm freaking excited!" Si Cess, iwinasiwas pa nito ang kan'yang buhok sa hangin.

"Paalala ko lang ha. Hindi ako pwedeng mag-overnight."

Napanguso ako nang si Bright naman ang magsalita. Malaki ang boses n'ya pagdating sa telepono, kabaliktaran naman niyon kapag sa personal na.

"Kill joy mo naman, Bright! This is not the first time na mag-o-overnight tayong apat together! Nahihiya ka pa rin ba?" Panunuya ni Cess sa kan'ya.

Tumaas ang gilid ng labi ni Bright at natatawang umiling.

Nakatali na naman ang buhok niyang aabot hanggang balikat.

Ngumiwi ako. Mas gusto kong hindi iyon nakatali. Mas bagay sa kan'ya! Nagiging kamukha n'ya si Harry Styles kapag ganoon!

Attracted pa naman ako sa mga long hair men!

"I know... may aasikasuhin lang kasi ako sa plates ko. Hindi pa ako tapos sa pinapagawa ni Mr. Rodriguez. I can't develop my concepts for structures right now."

Natatawang paliwanag ni Bright pero alam naming magkakaibigan na pagod na ito. Halata naman sa itsura n'ya.

Maaga itong tatanda dahil sa stress at puyat!

Kung bakit ba naman kasi architecture pa ang kinuha? Puwede namang karpintero na lang. Marangal din namang trabaho iyon.

Nagkibit-balikat ako. Sabagay, he have a passion for buildings and environtments. Kapag kasi magkakasama kami, napakamapaniksik nito.

Lahat na lang napapansin n'ya.

"Okay, fine. Basta dapat na'ndito ka rin mamaya. I'm foreseeing your presence..."

Bahagya kong pinanliitan ng tingin si Bright pagkasabi noon.

Tumango naman s'ya habang ang dalawa ay napangiti lamang, sumasang-ayon din sa sinabi ko.

"And oh!" tumigil ako sa pagsasalita at inilayo ng bahagya ang mukha sa screen. "Don't forget your pajama jumpsuit!" Natutuwa kong sambit.

Agad namang nagsamaan ang mga tingin nila. Para silang binagsakan ng langit at lupa!

"Fenella!" Halos sabay-sabay nilang tugon.

Tumaas ang kilay ko, "What?"

"Are you serious?" Si Bright ang nagtanong.

I nod my head several times, "Fucking serious." Pagkatapos ay ngumiti.

They groaned and shook their heads. Napatawa ako.

Alam kong masyadong pangbata ang pajama jumpsuit pero ang cute kaya! Nakakamiss suotin ang pantulog na 'yon!

Natapos ang pag-uusap namin kaya ibinalik ko na ulit sa pagkakapatong ang cellphone ko sa side table.

Itinali ko ang aking buhok into a ponytail bago bumaba ng kama at kumain ng lunch.

Hindi ako kakain nang marami para may pangreserve ako mamaya.

Sinabihan ko na sila kung ano ang dadalhing pagkain dito. Gusto ko sana ng alak kaso alam kong susuwayin na naman ako ni Nicolette.

I also called them because I'm so bored. Palagi naman. Walang bago.

Matagal pa kasi ang office works ko sa mga Brassard. Hindi pa rin ako tinatawagan ni Tita Victoria pati ni Manager Cynthia. Marahil ay wala pa silang ipapabago sa mga designs ko.

Pagkalabas ko ng pinto, naabutan kong nakasandal na roon si Caplan. Napatigil ito sa pagtawa nang makitang lumabas ako.

Sa kabila n'ya ay naandon si Ate Jea. Nag-uusap sila.

Nahagip ko naman ang stool na nakalagay sa tabi ng dingding ko.

"Ah... ako ang nagsuhestyon kay Caplan na maglagay kahit isang upuan para hindi s'ya mangalay. Maghapon kasi s'yang nakatayo sa tapat ng pinto mo, Ma'am." Nahihiyang paliwanag ni Ate Jea nang mahalata n'yang nakatingin ako sa bangko.

Inilipat ko naman agad ang tingin kay Caplan. Nakatayo na ito ng tuwid sa harapan ko. Walang mababakas na ekspresyon. Tumikhim lang siya.

Bakit mas'yado ata nilang bine-baby ang isang ito? "It's okay." Bumuntong-hininga ako at nilampasan na sila.

Sumunod naman sa 'kin si Caplan.

Nang makarating ako sa dining area, walang tao roon. Malamang ay nasa palengke si Manang. Nasabi n'ya kasi sa 'kin noong isang araw na kakaunti na ang food stocks.

Dapat si Mom ang gumagawa noon kaso wala. Nasa trabaho. Ibang bagay ang pinagkakaabalahan. I smiled out of the blue. A bitter smile.

Habang kumakain ako, dalawang dipa ang layo sa 'kin ni Caplan. Siguro naman ay nakapaglunch na ito. Hindi na ako mag-aabala pang yayain s'yang kumain.

Bakit kasi kailangang nasa akin ang mata at atensyon n'ya buong magdamag? Hindi naman palaging umaatake ang hika ko pero oras-oras ko s'yang kabuntot.

Nakakaboring kaya 'yon! Buti na lang maganda ako kaya hindi nakaka-umay pagmasdan. Muli akong napangisi.

Matapos kong kumain, pumunta naman ako ngayon sa salas. Isinampa ko roon ang paa ko at naka-cross ang mga hita.

I grabbed my tablet at nagdrawing ng tuxedo para kay Jereniah. Imaginative ideas lang ulit ang ginagawa ko since hindi ko pa natatanong sa kan'ya kung anong arte ang gusto n'yang ilagay ko roon.

Ako na ang bahala kung paano pagagandahin ang ideas n'ya.

Maaga pa rin naman, 6PM kasi ang usapan namin na pumunta ang tatlo rito. At dahil wala na naman akong magawa, I need to keep myself busy to avoid boredom.

Habang ginagawa ko 'yon, sandali kong sinulyapan si Caplan sa aking gilid.

Nakatingin lang s'ya sa malayo. Hindi man lang ako tinitignan kahit ilang segundo na akong nakatingin sa kan'ya.

Titignan n'ya lang kasi ako kapag tinawag ko na ang pangalan n'ya o kaya naman ay magbigay ako ng sign na kailangan ko s'ya.

Tumaas ang gilid ng labi ko at umikot ang mata sa 'di alam na kadahilanan.

Mayamaya pa ay muling tumaas ang tingin ko sa leeg n'ya. Suot pa rin n'ya 'yong necklace at may cover na rin pala ng band aid ang sinasabi n'yang birth mark 'kuno'! Ngayon ko lang napansin.

"Why did you cover your birth mark?" Mababakas sa tono ng boses ang panunuya sa huling salitang sinabi ko. I did emphasized the last word.

Bumaba ang tingin n'ya sa 'kin. Hindi man lang gumagalaw ang matipunong katawan para harapin ako.

Our eyes met. Lumunok ako sapagkat nasisilawan 'yon ng sinag ng araw dahilan para mag-iba ang kulay ng kan'yang mata.

He got the brown eyes, huh?

"Sinunod ko lang ang sinabi mo... Miss." Nahuli pa ang remarks nito bago tapusin ang linya.

Umirap ako. "Whatever..."

Muli kong ibinalik ang tingin sa tablet. Gumuhit ulit ako at hindi na pinansin ang presensya ni Caplan.

Ilang sandali pa, muli ko s'yang tinignan dahil may nakalimutan akong sabihin.

"Caplan," tawag ko.

Agad n'ya akong nilingon.

"Miss?"

Napasinghap ako sa aking isip. Bakit ba iba ang dating ng boses n'ya kapag tinatawag n'ya akong 'Miss'?

Hindi naman sa ayokong tinatawag n'ya akong 'miss'. Well, it's just kinda... ugh nevermind!

"I invited my friends, they are going to sleep here at gusto ko sanang lumayo ka ng ilang pulgada sa 'kin. Understand?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

Tumango naman s'ya bilang sagot.

Bakit bigla akong nainis nang hindi ko marinig ang boses n'ya at tanging action lang ang ginawa nito. I groaned and shook my head before standing up.

Maybe I just need to take a bath! Sumasabay sa init ng araw ang init ng ulo ko.

It's already past 6 in the evening at naayos na nina Manang, ate Jea at ni Caplan ang hihigaan namin mamaya sa salas.

Pati ang television, naka-set na rin ang netflix. Buhay na rin ang aircon kanina pang tanghali para maipon na agad ang lamig sa buong salas.

Nakapagluto na rin si Manang ng dinner para sa 'min. Sabi ko ay doon kami kakain sa pool kaya may naka-set up din don.

Wala namang may birthday or any events. Gusto ko lang makasama ang mga kaibigan ko. To have fun with them.

This fast few weeks, nakakaramdam kasi ako ng lungkot and maybe, my friends will filled the loneliness in me.

Yes, of course. They will.

Pagkatapos noon, narinig ko na ang maingay na pagpitada ng sasakyan sa labas ng gate.

Medyo nahihirapan ako sa paglalakad dahil sa suot ko. I am now wearing my pink unicorn jumpsuit! I'm so damn cute! Suot ko rin 'yong slippers na unicorn.

Pagkakita ko sa kanila, bahagya akong nadismaya dahil hindi pa nila 'yon suot. Nasa bag pa nila siguro ang mga costumes!

Nagpamaywang ako. "You all guys have an idea that you're late, right?"

"Sisihin mo si Cess, ang dami kasing arte ng babaeng ito." Tumatawang paninisi ni Bright.

Hindi ko pinansin ang itsura n'yang mala-Harry Styles ngayon at iyong suot n'yang dark blue polo shirt na naka-unbutton ang tatlong butones.

Nakakwintas din ang niregalo kong necklace sa kan'ya noong birthday n'ya.

"Anong ako? Ako na lang lagi ang nakikita mo, Bright! Mamaya iisipin ko n'yan crush mo 'ko, e!" Singhal naman ni Cess. She's wearing a cute skirt na color light blue.

Oh? Ngayon ko lang napansin na medyo same sila ng color ng damit ni Bright!

"Let's go na. Magpapalit pa ako ng jumpsuit!" Nanguna naman si Nicolette na pumasok. Nilampasan n'ya kaming tatlo.

Agad namang ibinigay ni Cess ang dalang bag kay Bright at niyapos ang aking braso. Sabay kaming pumasok.

Nakita ko pa ang pag-iling ni Bright bago kami tumalikod at wala ng choice kundi ang dalhin ang mga gamit ni Cess.

Walang pasabi akong natawa.

Pagkapasok namin, agad na bumitaw si Cess sa braso ko. Tinungo n'ya agad kung saan nakatayo si Caplan.

Si Nicolette naman ay nakaupo sa sofa at kinukuha ang kan'yang costume.

"Hi, Caplan!" I heard Cess's voice.

Wow! She even remember my bodyguard's name, huh? Ito talagang babaeng 'to!

Bumati sa kan'ya si Caplan.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at binalingan na lang ng tingin si Bright. Inilapag n'ya sa tabi ng furnitures ang mga gamit, pagkatapos ay naupo sa tabi ni Nicolette.

"Fen, magbibihis na ako!" Tumayo si Nicolette at masaya itong nakatingin sa 'kin.

Hawak n'ya ang jumpsuit, nakatiklop pa.

"Ikaw ba, Cess? Magpapalit ka na?" Tanong n'ya rin kay Cess.

Nilingunan naman s'ya nito. "Wait lang. Aayusin ko lang 'yong gamit ko. Mauna ka na." Sagot ni Cess at nagpaalam na rin kay Caplan.

Gusto ko sana s'yang samahan sa comfort room kaso naalala kong may nakalimutan akong sabihin kay Manang.

Abala naman sina Manang sa kusina, so I have no choice na ipasama sa kan'ya si Caplan.

"Cape!" Tawag ko rito.

Humakbang naman s'ya palapit sa 'kin.

"Paki-samahan si Nicolette sa cr." Utos ko.

Mukha namang hindi labag sa kalooban ni Nics ang sinabi ko. Nauna pa itong maglakad bago sundan ni Caplan.

Pinanood ko silang dalawa at doon ko lang nakita na makailang beses na sinusulyapan ni Caplan ang kaibigan ko.

I sighed and shook my head.

Pagkatapos magbihis ni Nics at ni Cess, hinihintay naming lumabas si Bright dahil s'ya ang huling nagpapalit ng damit.

Nakasuot si Cess ng pikachu jumpsuit, samantalang si Nics naman ay naka-stitch. Ang colorful naming tignan!

Nakailang subo na ako ng pizza pero hindi pa rin lumalabas si Bright. Tumingin ako kay Cess.

"Princess, puntahan mo na kaya si Bright sa cr!" Utos ko kay Cess, using her real name.

Ngumiwi naman si Cess, "Ayoko nga. Sabihin pa noon na sinisilipan ko s'ya. Ew!" Nagusot din ang mukha nito at umirap bago isubo ang chips.

Tinawanan ko naman s'ya pero natigil 'yon nang aksidenteng mapunta kay Caplan ang tingin ko.

Malayo nga siya sa 'kin pero nasa harapan ko naman! Akala ko ba ay naintindihan n'ya ang sinabi ko kanina?

Dapat doon siya pumwesto sa likod ko o roon sa hindi ko s'ya makikita.

But I stopped from creasing my brows when I saw him glancing at my bestfriend... pasimpleng sumusulyap.

Nakikita ko rin na patagong umaangat ang gilid ng labi nito, parang nagpipigil ng ngiti kapag nakikitang tumatawa ang kaibigan ko.

What the hell?

Nabaling ang tingin ko nang biglang humagalpak ng tawa si Cess.

Nakatingin s'ya sa likod ko kaya naman lumingon din ako.

Nang makalingon ay hindi ko naiwasan ang mapatingin kay Bright. Correction, Bright's down there.

I hate my mind and I think I need some holy water for my sin.

"Omg, Bright! Bakit naman hapit na hapit 'yang jumpsuit mo?" Halos masamid si Cess kakatawa.

Agad namang itinaas ni Bright ang dalawang kamay at pinatong ito sa likod ng kan'yang batok. Mas lalong naging visible ang kan'yang bukol. Oh my God!

Nagtawanan at naghiyawan kami lalo. I almost yelled because of his grossness! It's bulky! Duda ako na bihis lang ang ginawa n'ya roon sa loob ng cr! Duda talaga ako sa nakikita ko ngayon!

"Stop it, Bright!" Nakataklob ang mga kamay ni Cess sa kan'yang mukha pero may awang iyon, nakatingin pa s'ya sa ibaba.

Tumawa rin si Bright at tinakluban na rin n'ya ang ibaba pagkatapos ay lumakad palapit sa 'min.

Naupo s'ya sa pagitan namin ni Nics.

"Hindi ko naman kasi alam na hindi na pala kas'ya sa 'kin 'tong jumpsuit!" Bulalas ni Bright pagkatapos ay inagaw nito ang hawak kong pizza.

Tinaasan ko s'ya ng kilay at sinamaan ng tingin. Natatawa s'yang lumunok.

"Ipatong mo itong unan d'yan sa ano mo! Nakakahiya ka!" Inihagis ni Nics ang pillow na agad namang niyakap ni Bright.

Tumawa kami.

Pagkatapos noon, hindi muna kami nanood ng netflix dahil hindi rin matapos tapos ang pagku-kwento ni Cess.

Kanina pa s'ya kuda nang kuda, napakaraming kwento. But her story wasn't bored. It's kinda funny. Lalo na ang pambihira nitong tawa.

Her laugh sounds like a goat but in humanity way.

"So, eto pa!" Simipsip muna si Cess sa straw ng milktea bago magsalita.

"I'm so embarrased when the first time I visited my first boyfriend's house. Like, oh Jesus! Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ng mga oras na 'yon! Wanna know why?" May pabitin pa nitong kwento, hindi mapigilang matawa.

"Cess, please lang. Kwento muna bago tawa." Biro naman Nics sa kan'ya.

Nagpigil ng tawa si Cess. "Oo eto na nga!" Aniya at umupo ng ayos, lumapit pa sa 'min.

"Noong nakauwi ako, tinanong ako ni Vhon, my ex boyfriend. He said, bakit daw ang tahimik ko noong kumakain kami sa kanila. Pinapunta n'ya raw ako roon para ipakilala sa parents n'ya but I'm so freaking quiet. I couldn't speak. Hindi nga rin ako makatunghay!" Natatawa pa rin n'yang kwento.

"So, bakit nga? Ang tagal mo magkwento." Ako naman ngayon ang nagsalita, naiinip na sa tatawanan kong part.

Sinulyapan lang ako ni Cess at hinampas ang katabing sofa.

"Of course, I answered him. Sabi ko, noong araw din kasing 'yon, bago ako pumunta sa kanila, dumaan muna ako sa drugstore and I buy two boxes of... alam n'yo na." Nagkibit-balikat s'ya. "Two boxes of condom."

Lahat kami ay sumigaw at napangiwi sa sinabi n'ya. Halos ilayo ko na rin ang sarili ko dahil baka mahawahan n'ya ako.

Lumalandi rin naman ako pero hindi aabot sa punto na makikipag-one night stand ako 'no!

"Oh tapos?" Interesadong tanong ni Bright.

Buhay na buhay s'ya kapag ganito ang topic. Kahit noon pa man. May sa manyakis din kasi ang isang ito, but good thing na hindi n'ya kami ginaganoon.

He's the one who protected us since high school. Siya ang bumubugbog kapag may bumabastos sa 'min.

Buti nga hindi s'ya nabingot noong may nakalaban s'yang higher grades noon.

"So, ayon na nga! Magkakasama kami sa table. Then, after the dinner sinabi ko na kay Vhon kung bakit tahimik ako at hindi makagalaw sa upuan."

Tumawa s'ya ulit.

"It's because the one who helped me para makahanap ng best condom flavor is his Mom! Hindi ko alam na mother n'ya pala 'yon kaya ayon! Sobrang hiyang-hiya ako!" Pagpapatuloy n'ya, still laughing at her story.

Pinigilan kong hindi matawa pero natalo ako. I don't know? It's just so awkward.

Lol! Like super awkward!

Kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin kapag ganoon.

"So, ayon. Hanggang sa umuwi ako, dala-dala ko 'yung kahihiyan. Ligwak na agad ako sa step mother ko and that's also the reason why we broke up." Sandaling tumigil si Cess. "Akala n'ya siguro kaladkaring babae ako kaya pinalayo n'ya sa 'kin si Vhon."

Naglaho agad ang mga ngiti sa labi namin matapos n'yang sabihin 'yon.

Ngayon, ginapangan ng lungkot ang katawan ko. I felt pity for Cess.

Kahit naman mukha s'yang playgirl ay hindi naman s'ya 'yung tipo ng babaeng kung kani-kanino na lang pumapatong at sumasama.

Hindi nila kilala ang kaibigan namin kaya kung ano na lang ang nakikita nila ay yoon na lang ang pinaniniwalaan.

And that's what I called, toxic Filipino traits.

Judging without knowing the real reason behind the story...

"Hey, Cess. Ngiti ka na." Napatingin kami kay Bright nang tumayo ito at dumaan sa gitna para tabihan si Cess.

Inakbayan n'ya ito at marahang tinapik ang balikat.

"Alam naman naming hindi ka ganoon and you know yourself better than us. Don't feel so low, hindi ka gano'n." Mahinahong saad ni Bright.

Napangiti ako habang pinapanood sila, habang tinatapik ni Bright ang kaibigan at ang mangiyak-ngiyak na si Cess.

Mukhang hindi pa s'ya nakakaget over kay Vhon. Iniiyakan pa n'ya e.

Lumapit naman kaming dalawa ni Nics sa kanila, hinawakan ko ang kanang kamay ni Cess samantalang sa kaliwa naman si Nics.

We gave her hope and strength. After that, nagtawanan kami dahil umutot si Bright.

"Yuck, Bright! Nakakainis ka! Ang baho!" Sabi ni Cess habang nakataklob sa ilong nito.

Lumayo kaming lahat sa kan'ya.

"Bright Delgado! Doon ka sa labas umutot, please lang. Naka-aircon tayo. Nakaka-suffocate!" Suway ni Nics, pinapaypay nito ang hangin at nakaupong umiisod palayo.

Natawa naman ako. Walang tigil ang tawa namin nang ginawa pang torotot ni Bright ang tunog ng kan'yang utot.

Argh! Ang gross kahit wala namang amoy!

Pero kahit na ganoon, hindi ako nainis sa kan'ya because they are the reason behind my smile.

Finally, I found my happiness in them.

Habang tumatawa, napasulyap ako kay Caplan. Nakahalukipkip na ito at unti-unti namang napawi ang ngiti ko nang makitang nakatingin na naman s'ya sa kaibigan ko. Kanina ko pa 'yon napapansin. Panay ang nakaw n'ya ng tingin.

Mababakas na ang malalawak na ngisi n'ya sa mga labi. Even his eyes were also smiling. Napapailing pa s'ya minsan at akala mo ay belong sa grupo naming kung makatawa.

This is the first time that I saw him smiling like that. Nakakapanibago s'yang pagmasdan...

Nawala ang seryoso n'yang mukha at mas lalo s'yang nagiging... attractive tignan kapag tumatawa.

Napaisip ako habang tinitignan ang actions n'ya...

Is there a possibility na may gusto s'ya sa kaibigan ko?

Tumaas ang kaliwang kilay ko.

May gusto ba s'ya kay Nics?

Continue Reading

You'll Also Like

398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
14.9K 1.4K 54
Mortal Series 2: Achlys Luan Crimson Cover not mine. Started: 09/12/21 Ended: 10/09/21
7.1M 123K 52
Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "Love always know how to understan...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...